LAGLAG balikat na naglakad ako sa gilid ng kalye. Nakasuot pa ako ng aking school uniform. Katatapos lang kase ng aking klase.
Kasalukuyan kong binabay ang daan patungo sa aming munting tahanan.Nakanguso ang aking labi sabay sadsad ng sapatos ko sa aspaltong kalsada.Sunod sunod na buntong hininga ang aking pinakawala.Pinuproblema ko na naman kase ang aking matrikula. Kahit anong benta ko ng bibingka kulang parin. Kainis naman 'tong buhay to.Bakit pa kasi ipinanganak akong mahirap?Okey lang din swerte naman ako sa nanay ko. Kaya kailangan go lang ako nang go. Mapasaan man at makakamit ko rin ang pangarap ko, basta mapupursige lang ako.Patuloy kong sinadsad ang aking sapatos sa semento. Mabibigat ang aking mga hakbang.Nakalimutan ko tuloy na medyo nakanganga na ang talampakan ng sapatos ko. Kaya ayon sa ginawa ko, ilang saglit lang naiwan ang talampakan ng sapatos kong pipityugin."Putik!" bulyaw ko nang mapansin kong wala ng talampakan ang sapatos na suot ko at talagang talampakan ko na ang nakaapak sa semento.Nilinga-linga ko ang aking leeg, sinuyod ko ang paligid kung may taong nakatingin. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtanto kong ako lang ang tao sa lugar na ito hindi masyadong nakakahiya.Pasuraysuray kong binalikan at pinulot ang nahiwalay na talampakan ng sapatos ko. Hinubad ko na rin ang kabilang pares ng sapatos."Siguro pwede pa itong ayusin."Ke mahal mahal na ng pamilihin ngayon hirap nga kaming bumili ng bigas at ulam tapos uunahin ko pa ang sapatos ko. Ididikit ko nalang to pag-uwi ko.Bitbit ang pares ng sapatos ay hindi ko ininda kung masaktan man ang mga paa ko. Wala na akong magagawa pa hindi ko na maisusuot pa ang sapatos ko. Pinagpatuloy ko nalang ang aking mga hakbang.Mayamaya ay nakaramdam ako nang pangangatog ng binti mabuti at nasa tapat ako ng parke. Tinungo ko ang isang bakanteng upuan at umupo doonHinimlay ko muna ang aking ulo sa sandalan ng mahabang upuan. Saka pinikit ko ang aking mga mata.Gulo ata ang utak ko ngayon eh at parang hindi ako makapag-isip ng maayos.Napabuntong hininga nalang ako.May napansin akong umupo sa kahanay ng upuan na inuupoan ko.Medyo nagulat ako, pero dapat hindi ko iyon ikinagulat dahil nasa parke ako at pampublikong lugar ang kinaroroonan ko. Natural na may maupo doon, pero talagang nagulat pa rin ako.Para atang naparami na ang kapeng na-inom ko at naging magugulatin na ako.Minulat ko ang sariling mga mata. Tumambad sa akin ang isang matandang lalaki. Mga sisenta siguro tantiya ko base sa kulubuting mukha nito. Nagbabasa ang matanda ng isang dyaryo.Dahil nakukuryuso din ako sa mga pangyayari sa kapaligiran ay nakibasa na rin ako. Palihim na sinulyapan ang hawak nitong dyaryo na hindi nito napapansin. Nakibasa narin ako.Napalingon itong bigla sa aking direksyon. Pero para atang madamot si lolo at bahagyang nilayo nito ang newspaper sa gawi ko. Naintriga pa rin ako kaya sa likod na lang ako nakikibasa."URGENT HIRING Wanted housemaid stay out.Namilog ang aking mga mata sa nabasa. Naku talagang namang pinagpala ako sa araw na ito.Wala sa sariling napatalon ako. Napatingin tuloy ang matanda akin. Nginitian ko nalang ito ng pilit.Mapuntahan nga ang sinasabing hiring na iyon. Baka papasa ako marunong naman akong maglinis at maglaba.Naku! Overqualified pa nga ako eh. Maganda at seksi ako. Sino naman ang hindi gusto ng housemaid na maganda na't seksi pa.Nilisan ko ang parke na hindi initinding wala akong sapin sa paa. Kailangan kong makarating agad doon baka may mauuna pa sa akin.NANAKIT ang aking paa sa kakalakad. Pati talampakan ko, pakiramdam ko nagkasugat sugat na.Narating ko subdivision na naka address doon sa newspaper.Nilinga ko ang paningin. Naglalakihan ang mga bahay ang iba ay napakatayog. Talagang ginawa itong subdivision para sa mga mayayaman. Nalulula tuloy ako sa kalilinga dahil naninibago ako.Nagagandahan talaga ang mga bahay sa lugar na ito. Pero may isa talagang naiiba. Sa tingin ko ay iyon ang pinakamaganda sa lahat ng bahay sa loob ng subdivision, may apat na palapag ang bahay.Halos lumuwa ang mga mata ko sa paghanga. Nakalimutan ko tuloy ang aking sadya. Kusa akong dinala ng aking mga paa sa harapan ng gate sa malaking bahay."Balang araw magkakabahay din kami ni Inay," nakatingalang sabi ko.Pangarap ko talaga magkaroon ng maayos na bahay. Tama lang sa amin ng inay ko. Iyong maayos kaming makagalaw. Makahiga sa malambot na kama at hindi palagi sa matigas na papag. Makaligo sa isang shower at hindi palaging sa bomba ng kapitbahay namin.Makakain ng masarap na pagkain at hindi palaging tuyo at d***g na tinitinda ni inay sa palengke. Iyong mabuhay kami ng maayos at walang pinuproblema.Nasa kalagitnaan ako ng aking panaginip nang biglang bumukas ang gate ng malaking bahay. Nagulantang ako sa gulat."Anak ng!" bulalas ko nang bumungad sa akin ang isang kataasang babae pero may edad na.Mga nasa kwarenta siguro pero hindi ako sure. Naka office suit ito na kulay kape, mataas ang takong ng sapatos nito at nakapamaywang na humarap sa akin. Mukhang si Miss Minchin sa Princess Sarah na pelikula.Napakunot ang noo ko dahil sa binigay nitong tingin sa akin. Sinuyod ako nito mula ulo hanggang paa, mula paa hanggang ulo.Naasiwa tuloy ako dahil nakapaa lang ako at bitbit ko sa kanang kamay ang pares ng sapatos kong sira. Baka isipin nitong magnanakaw ako dahil sa aking hitsura. At baka lulutuin ako nito sa kumukulong kawa. Pasimpleng kinubli ko ang dala sa likod ko.Isang tikhim ang aking narinig mula dito. Dahilan upang napamulagat ako sabay tingin sa striktang mukha nito."Nandito ka ba upang mag-aapply?" nakataas ang kilay na tanong nito sa akin.Dahil sa gulat, medyo nagloading ang utak ko."Ho?" wala sa sariling iyon ang katagang lumabas sa aking bibig."Nandito kaba upang mag-aapply bilang housemaid?" ulit nitong mas tinaas pa ang kilay.Mabuti at inulit nito ang tanong at medyo gumana na ang aking utak. Nilinga ko muna ang aking paningin. Ayon nakita ko ang address, bumagsak pala ako sa harapan ng bahay na aking hinahanap kanina pa."O-opo.""Sumunod ka sa akin," matigas nitong sabi na tumalikod. Walang imik ay sumunod na rin ako dito.Habang nakasunod hindi ko maiwasang mapahanga.Ito bang bahay ang lilisin ko? Naku! Lagot baka isang linggo hindi ko pa matapos linisin ito dahil sa laki. Eh bahala na kailangan ko talaga ng pera.Nilinga ko ang paningin sa loob. Napakayaman siguro ng may-ari nito dahil sobrang gara ng bahay halos lahat gawa sa salamin. May malaking pool sa loob at may hardin na sobrang ganda ng mga bulaklak.Mayamaya ay pumasok na kami sa loob. Mas lalong nanlaki ang aking mga mata dahil sa paghanga. Bumulaga sa akin ang napakaaliwalas at napakalawak na sala. May mga mamahaling mga kasangkapan doon. May isang personal elevator sa isang sulok.Kailangan maingat ako baka makabasag ako. Mas mahal pa ang mga ito sa buhay ko.Pinaupo ako nito sa isang sofa. Pagkatapos ay binigyan ako ng application form. Masunurin naman ako at pini-fill-up-an iyon. Matapos ay kinuha ng babae at binasa.Housemaid lang ang aaplayan ko, para tuloy akong nag-apply sa isang kompanya. Siguro dahil sa yaman nito kailangan ng maiging proseso dahil malimit na sa panahon ngayon ang mapagkatiwalaan.Nakamasid lang ako kanina pa, marami naman kawaksi sa bahay. Lahat iyon naka uniporme, pero bakit kailangan pa nito ng housemaid?"Okay, you are Emena Paleria?" ang babaeng may edad na. Bahagya nitong binaba ang suot na salamin saka sinuypan ako."Yes po," magalang kong sagot."Studyante ka pala?"Isang tango ang aking ginawa bilang pagsang-ayon."Well, tamang tama lang dahil, ang oras na kailangan ka ng seniorito ay tuwing biyernes hanggang linggo lang," sabi nito. "Kasi weekend lang din nandito si Seniorito Aries, at ikaw ang kanyang magiging personal maid!"Tumingkad tuloy ang tainga ko.Ano daw personal maid?Bahala na nga, eh sa tunog naman ng pangalan ng magiging amo ko mukhang, hot.Kinilabutan tuloy ako sa aking na-isip."At saka dapat biyernes ay malinisan mo na ang silid niya dahil ang araw na iyan ang nakagawiang uwi ni Seniorito sa bahay. Dapat malinis at walang alikabok dahil may allergy ang seniorito, naintindihan mo?"Ang arte naman pero sige na nga may magagawa pa ba ako naghahanap ako ng pera.Sunod-sunod na tango lang ang aking ginawa.Hanggang natapos ito sa pagpaliwanag sa lahat ng aking dapat gawin at kondisyon.Pumirma na rin ako ng kontrata.Pagkatapos ay binigyan ako nito ng isang kulay itim na uniporme.Iyong tipong pang maid talaga. May apron at headband sa ulo. Para naman mag co-cosplay ako nito.Tahimik ko iyon tinanggap.Sabi ni Maam Joy iyong nag-interview, na magsisimula ako sa aking unang araw sa darating na biyernes.Mabuti at pang-umaga lang ang klase ko sa araw na iyon at tumutugma sa bago kong papasokan.ARAW ng biyernes at ito ang unang araw ko bilang kawaksi sa Dankworth Residence.Ala una ng dumating ako sa malaking bahay. Nakasuot na ako ng uniporme na binigay sa akin.Nasa loob ako ng maid's locker room. May malaki doon na salamin. Gustong kong magwala dahil na-iiba ang uniporme ko sa lahat ng kawaksi.Sinuyod ko ang aking repleksiyon sa salamin. Napa-iling ako bakit maiksi ata itong sa akin? Hanggang gitna lang ng hita ko at sa mga kasamahan ko ay hanggang ibaba ng tuhod nila."Baka matandang maniac 'tong amo ko! Hindi naman siguro." Agad kong bawi sa naisip."Oh my gulay! Ano ba 'yan naubosan siguro ito ng tela," ani sa loob ko nang masuyod ko ang likuran. Parang masisilipan ako nito pag tutuwad.Hindi ko nalang pinansin at tuluyang lumabas ng silid.Bumungad sa akin ang napakalawalak na bahay. Napakadaming kwarto, pakiramdam ko tuloy para akong maliligaw.Sino bang prinsipe ang seserbisyuhan ko? At napaka espisyal.Sabi ng mga kasamahan ko ay mga alas siyes daw ang uwi ni Seniorito Aries.Naintriga tuloy ako kung ano ang hitsura nito.Ilang minutong binaybay ko ang pasilyo'y sinapit ko ang sinabi nilang master's bedroom daw. Sa laki ng bahay nangangatog tuloy binti ko.Ang hirap pala pag mayaman at malaki ang bahay kung may multo, mahihirapan silang tumakas dahil sa haba ng takbuhin.Paano kung masi-cr nagkataon na nasa malawak na sala. Naku! matatae na lang siguro sa suot nito hindi pa sinapit ang banyo.Lihim akong nagpasalamat kahit maliit bahay namin. Komportable naman kami, eh kung ganito tapos kami lang dalawa ng nanay ko eh isang linggo hindi pa kami magkikita dahil sa taas ng lalakarin namin.Napangiwi ako medyo napa-eksaherada ko tuloy ang paglalarawan ko.Maingat kong pinihit ang doorknob ng master's bed room. Sinalubong ang ilong ko ng panlalaking amoy.Agad kong ginala ang mga mata sa loob. Namilog ang aking mga mata sa nabungaran."Silid pa ba ito sa lagay na ito?" bulalas ko sa sarili nang makita ang loob ng silid. Kalimahin o kasampuin siguro ang bahay namin dahil sa laki.Dahan dahan kong hinakbang ang paa papasok. Abalang nilinga ko ang paningin sa paligid.Manghang mangha ako sa nasaksihan, may malaking bed, may sariling sala ata ang silid na to eh, may sariling banyo, at ke-laki ng banyo parang bahay na namin.May mamahalin ding kasangkapan na yari sa mamahaling muebles. May malaking LCD flat screen tv na parang sa sinehan ang laki at kung ano ano pa basta lahat ay malaki.Hindi ko ata matatapos ng isang oras lang. Kailanganin ko ng dalawa ay hindi tatlo ay hindi parin, apat? Ah basta mahabang oras.Nagsisimula na akong maglinis. Sa linis ng bahay kailangan ko parin maglinis dahil metikuloso daw ang amo namin.Kailangan ko pang tumuwad para malinisan ng maigi ang sahig."Lintik," nainis tuloy ako dahil sa iksi ng uniporme ko.Wala pa naman akong short. Naku kung meron akong kasama kanina pa ako nasilipan.Ilang mahabang oras ang nakalipas ay natapos na rin ako. Napalitan ko na ang bedsheet lahat ng kakailanganin ng amo ko ay nagawa ko na.Gusto ko munang maupo, nagdadalawang isip akong maupo baka pagalitan ako.Pero pwede naman siguro kahit saglit lang. Kaya dahan dahan akong naupo sa ibabaw ng malambot na kama.Napasinghap ako sabay pikit ng aking mga mata."Oh ang lambot naman, ang sarap mahiga."Nilinga ko ang paningin sa gilid sa ibabaw ng maliit na mesa na nakahilera sa tabi.Ayon! Nakita ko na naman ang picture frame na nakalagay sa tabi ng lampshade.Picture iyon ng isang pamilya, isang nasa kwarentahing babae't lalaki na may dalawang batang hawak babae at lalaki din, pero iyong batang lalaki parang pamilyar sa akin.Saan ko ba iyon nakita, kanina pa kasi ginulo ang utak ko sa larawan iyon, sino bang batang iyan?Mayamaya ay nakadama ako ng antok.Nakalimutan ko tuloy na nagtatrabaho ako at wala sa aming bahay.Hindi ko napigilan at unti- unting pumikit ang aking mga mata at hanggang nilamon na ako nang antok at nakatulog.Nakatulogan ko ang isiping hindi ko man lang masagot sagot.ILANG minuto ang nakalipas ay may pumasok sa silid. Hindi na iyon namalayan ni Emena dahil mahimbing na ang pagkatulog ng dalaga.Naupo ito sa tabi ng kama, masugid na pinanuod nito ang dalagang nakapikit ang mga mata at walang kamalay malay.He drew a tiny smile on his lips while watching her sleeping on his bed. The lady looks like an innocent baby. Yes. She is simple yet very attractive.Sinuyod nito ng tingin ang dalagang natutulog. Bahagya pa itong napalunok when he saw her fair thighs and legs.Hindi niya napigilang pagmasdan ang dalaga na mahimbing na natutulog. Hindi niya mapigilang mapatitig sa mapang-akit nitong mukha.Bahagyang niluwagan ng binata ang kanyang necktie nang masuyod niya ang kabuuan ng dalagang nakahiga sa ibabaw ng kama.This binibini looks like an angel. She has beautiful complexion. Her face is free of even a single acne, her cheeks are naturally pinkish. Her sharp nose fits her small face. She has perfect brows, thick curvy lashes and she has natural pinkish lips. A few strands of her hair separated and covered on her forehead. She may be exhausted, but that didn't diminish her natural beauty.Even though she was simple, her face was not smeared with make-up. He can really see that she has a natural beauty.He bit his lip unconsiously, when he saw the lady's sexy and inviting lips. In the sight of Aries he wanted to taste those lips.Napangiwi ang binata, paanong nag-isip siya nang ganun sa kanyang personal maid?KAHIT tulog ang kalahati ng diwa ko ay ramdam ko parin na may na-upo sa gilid ng malambot na kama. Patay! Baka bukas wala na akong trabaho dahil sa ginagawa kong paghiga sa kama ng amo ko.Dali kong minulat ang aking mga mata. Ewan pero parang tulog pa rin ako at nasa mundo ng panaginip.Talagang nasa panaginip ako dahil bumungad sa aking paningin ang asungot na lalaki noong isang araw.Ang lalaking mapangahas na sumira ng aking palda at ang lalaking pinilantik ang noo ko."Anak ng! Nanaginip ba talaga ako?" kunot noong napatanong ako sa aking sarili. Kinurap-kurap ko ang aking mga mata upang siguraduhin kung panaginip lang ba talaga?Ayon! Nanatiling nakatitig sa akin ang gwapong mukha nito? Malamlam ang mapupungay nitong mga matang sinuyod ang aking mukha. May maliit na ngiti sa labi.Bakit ko naman napapanaginipan ang hinayupak na iyon? Hindi ito isang panaginip kundi isang napakasamang
MAINGAT na pinihit ko ang pinto ng master's bedroom. Maaga palang ay dumating na ako sa malaking bahay. Kasi nga marami akong gagawin. Magbe-breakfast in bed daw ang asungot kong amo.Kaya bilang personal maid nito ay kailangan ko din na maging maaga. Pagtitiyagaan ko na lang muna ito. Kung hindi lang ako nangangailangan ng trabaho, hinding hindi ako babalik dito. Makikita ko na naman ang asungot, bastos at antipatiko kong amo. Bakit ba kasi ang liit-liit ng mundo para sa aming dalawa at muli kaming nitong pinagtagpo? Ang saklap nagiging amo ko pa.Pigil hiningang humakbang ako papasok sa loob ng silid. Nagsalubong ang aking kilay sabay linga sa buong lugar. Lahat ng ilaw sa loob ng kwarto ay nakabukas at sobrang liwanag. Baka gising na ito—nang tinalunton ko ang kinaroroonan ng malaking kama ay nakita kong mahimbing pa itong natutulog, na parang isang sanggol. Nakadapa.Walang suot na damit pang-itaas
ARAWng linggo ay nadatnan ko ang amo kong gising na at gaya ng inaasahan ay nakatuon na naman ang atensyon nito sa harap ng laptop."Magandang umaga po, seniorito," bati ko nang makapasok ako ng silid.Tumango lang ito na hindi ako binalingan at seryoso ang mukhang kinulikot na naman ang mga dokumento.Nagkibit balikat nalang akong muling lumabas. Bumaba ako upang kuhanin ang agahan nito.Gaya ng inaasahan ay nagtanong na naman to' kung kumain naba ako. Agad akong tumangoDinala ko ang pagkain nito sa veranda. Hinayaan ko ang amo kong kumain doon saka ako bumalik sa loob ng silid upang palitan ang bedsheet ta's hinawi ko ang puting kurtin
IBIGlumipad ang kaluluwa ko sa katawan nang pwersahang dinakma ni Seniorito Aries ang braso kong may hawak na feather duster."Strip!" madiin nitong utos. Ang mga titig nito ay nasa mukha ko."Po?" nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito. Naguguluhang nakigpatagisan ako ng titig dito. "S-Strip po?" ulit ko sa sinabi nitong nauutal."Take off that uniform right now, strip!" nanggagalaiting utos nito.Nanlaki ang aking mga mata. Napahigpit ang hawak ko sa feather duster.Ano daw? Gusto nitong maghubad ako? Bakit? Hindi ko makuha ang ibig nitong sabihin?Ang maniac naman ng lalaking t
BUONG magdamag na aligaga ang isipan ni Aries. Kanina pa siya pabaling baling sa kanyang kama. Hindi siya dinalaw ng antok.Palaging sumasagi sa isipan niya ang ngiti ng maid niya. And how she caressed his back it was so comforting that made him want to lean on her shoulder all night. Emena is something.Hindi man niya kayang ipaliwanag o mabigyan ng tamang kataga pero tila baga may ginising ang dalaga sa kaibuturan ng pagkatao niya.Nababagot na bumangon ang binata. Natungo siya sa mini bar ng kanyang silid saka doon nagsalin ng Henri Heritage Cognac Champagne.Lumabas siya sa silid na bitbit ang baso. Tinungo ang veranda saka niya tiningala ang mabituing kalangitan.Sunod-sunod ang tungga niya sa alak na laman ng baso."I told you, Paula, that lady is interesting," bulong ng binata sa hangin. May himig na pait ang boses niya.Makalipas ang maraming taon...saktong mahigit na labing limang taon. Those dark past kept hunting him everynight. The guilt he carried all his life. Hindi siya
NATAGPUANko nalang ang sarili sa harap ng napakatayog at pribadong condominium. Nalululang nakatingala ako sa gusali. Ibig ko na namang masuka."Ano bang tinitingala mo diyan, hurry up!" si seniorito Aries na nauna nang pumasok sa lobby ng condominium. "Emena, hurry up!" ulit nito nang mapansing hindi pa ako gumagalaw sa kinatatayuan ko."Opo, andiyan na!" tumatakbong sinundan ko ito. Sinapit namin ang harap ng elevator. Namutla akong nakatingin sa pinto. "Seniorito, maghagdanan nalang kaya ako!"Isang mahinang ngisi ang pinakawala nito. "Are you nuts?" ani nitong nakapamulsang hinihintay magbukas ang pinto."Eh kasi seniorito—" tumingkayad ako sa tabi nito upang bumulong, "—nalulu
PAWISANang buong katawan na nagising si Aries mula sa kanyang malalim na pagka-idlip. Muli na naman siyang dinalaw ng kanyang masalimuot na nakaraan. It happened almost everynight.Marahas siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa kama.Napahilamos siya sa kanyang mukha habang pinakiramdaman ang sarili. Sanhi ng madilim nakaraan ay hindi magawa ni Aries na matulog na hindi nakabukas ang ilaw. Pakiramdam niya pagmadilim ang paligid niya ay lalamunin siya ng nakakatakot na madilim na kawalan. Aatakehin siya ng panic na tila baga hindi siya makahinga. Pakiramdam niya ay nakaka suffocate ang dilim.He is afraid of the dark.Nang mahimasmasan ang binata ay nagtungo siya sa banyo upang doon ibabad ang
"SENIORITO—Bigla nalang ako nitong kinabig at niyakap na sobrang higpit. Dama ko ang panginginig ng katawan nito.Hindi ko maipaliwanag ngunit nakadama ako ng pag-alala para sa amo. Naalala kong mag-isa nalang ito sa buhay.Kailangan ba nito ng makaka-usap? Nakahanda akong makinig.Tinapik-tapik ko ang likod nito habang dinama ko ang yakap ng amo ko."Seniorito," mahina kong sambit.Tuloy bigla itong natauhan at kumalas sa akin saka nahihiyang nag-iwas ng tingin."It is not that I want to see you or whatever, it's just... that
NAGISING ako sa kalagitnaan ng madaling araw dahil gumagalaw na naman ang kambal namin ni Aries. Medyo nahihirapan akong makatulog dahil sa bigat at laki ng tiyan ko. Nasa pangatlong trimister na ako ng pagbubuntis ng kambal naming panganay.Hindi mapakaling bumangon ako't hinimas at pinakiramdaman ang munting anghel sa aking sinapupunan. Sobrang makukulit at galaw nang galaw dahilan upang mapadaing ako minsan dahil masakit."My wife," si Aries nang marinig ang d***g ko. Nagising ito mula sa mahimbing na pagkakatulog. Sumunod itong bumangon. "May masakit ba?"Malambing akong tumango na hinimas ang tiyan ko. "Gising na naman ang mga anak natin."Inangat ng asawa ko ang palad upang pakiramdaman ang tiyan ko. "Shhh, 'wag masyadong magalaw, little treasures nahihirapan si mommy," saway nitong inilapit ang labi sa tiyan ko saka hinalikan.Saglit ay humupa ang galaw sa tiyan ko. "Good, it seems they're smart like their dad," pagmamalaki nito.Napangiti ako saka ko piningot ang ilong ng asawa
New York...MATAMAN na nakatuon ang mata ni Juaquen sa kadadating lang na mensahe sa kanyang e-mail.Lee,"We are inviting you to celebrate the day when we take our next large step in the relationship. We promise you that the wedding will be magnificent. We would be incredibly grateful if you came to celebrate our love together with us!"Emena and AriesNang mabasa ang mensahe isang buntong-hininga ang pinakawala ni Juaquen. Matamlay niyang sinara ang laptop."Hindi niya ako nahintay dapit huli," mahinang bulong niya sa hangin. Kinuha niya ang kanyang mamahaling camera at saka tumalikod at iniwan ang malaking silid."YOU may now kiss the bride," si Father Rosales nang magtapos ang seremonya ng kasal.Puno nang kagalakan at sensiridad ang bumakas sa mata ni Aries habang sinuyod ako ng tingin."You look so beautiful in my eyes, my wife," puri nito na maingat na hinawi at itinaas ang belo na nakataping sa
PAGKAPASOK pa lang namin ng asawa ko sa silid ay tila nabibingi na ako sa tinding tambol ng puso ko."Now ready, yourself, my wife!" babala nito. Walang ingat na tinapon ako sa ibabaw ng kama. "Mr. Dankworth!" tili ko nang maramdaman kong lumapat ang katawan ko sa malambot na higaan."As I told you, I will rip every part of you, Emena no holding back," pilyong ngumiti ang asawa kong malagkit akong tinititigan.Nakita kong naging mabilis ang kilos nitong pinagkakalag ang butones sa suot na long sleeve.Ibig magwala ang katinuan ko nang lumantad sa mga mata ko ang makisig na pangangatawan ng asawa ko. Iniwan nito ang slacks pants. Umakyat at gumapang ito patungo sa akin pagkatapos.Kinabahang napasandal ako sa headboard ng kama. Hindi ako nito nilubayan ng titig hanggang sa nakalapit ito nang tuluyan. Ang mga titig nito ay nagliliyab ng pagnanasa."Now, take that dress off, my wife" diin na utos nito."A-Aries—"
LULANng taxi ay ibig kong sabunutan ang sarili. Ba't ba ang tanga-tanga ko?Paano ko haharapin ang lalaki ngayon? Anak ng!Hinuhusgahan ko ang pagkatao nito. Hindi ko man lang inalam ang lahat."Manong, bilisan n'yo po," utos ko sa tsuper ng taxi.Kailangan maabotan ko si Mr. Dankworth sa condo. Mag-alas siyete na ng umaga. Sigurado akong papasok na 'yon ng opisina.Hindi naman nagpatumpik-tumpik ang dryaber at mas pinatulin ang takbo ng taxi.Narating ko ang condo ng halos walang isang kisap mata ngunit nagkasalubong ang sinasakyan namin ng sadya ko. Sigurado akong lulan ang lalaki sa magarang kotse na papalabas ng condominiun."Manong, sundan n'yo po ang kotseng 'yon," nanggigil na utos ko."Ening—"Sige na manong kailangan ko lang mahabol ang lulan ng kotseng iyon," mangingiyak na wika ko.Sumusukong pinag-unlakan ako ng drayber at pinahaharurot nga ang kotse. Ibig maiwan ang kalulu
ATATna marating ang aming lugar ay pumara agad ako ng taxi. Kaka-out ko lang sa trabaho nang tumawag si Wena. Saad ng kaibigan ko na sinimulan na ang demolition sa lugar namin.Pagkababa ko pa lang sa kanto ay bumulaga na sa'kin ang mga residente na nagkakagulo. Sinimulan nang baklasin ang mga bobong na yero ng ibang mga bahay kasama na ang bahay nila Wena. Nakita kong umiiyak na si Aling Pasing ang nanay ni Wena habang pinanuod ang unti-unting pagkasira ng kanilang bahay."Maawa po kayo, itigil n'yo ang pagsira ng bahay namin," umiiyak na sigaw ni Aling Pasing sa mga tao na galing sa lokal na pamahalaan na sinimulang baklasin ang kanilang munting tirahan. Subalit tila walang naririnig ang mga ito at pinagpatuloy ang demolition."Menang," si Wena n
NANGANGATOGpa rin ang tuhod ko na sinapit ang lobby. Nakita ko agad si Wena na naghihintay sa akin sa isang sulok. Nang namataan ako ng kaibigan ay maagap at sinalubong agad ako."Menang, ano na?" si Wena na may langkap na pag-alala ang boses.Nanghihinang umiling-iling ako at saka na-upo sa bakanteng upuan. Kinalma ko sarili dahil kanina ko pa gustong mahimatay sa tinding kaba sa bumungad sa akin sa opisina.Paanong si Seniorito Aries ang pakana ng demolition sa aming lugar? Kung tutuusin ay naging parte ang lalaki sa lugar namin kahit sa panandaliang panahon.How dare he? Paano pagnalaman ito ni inay?"Ano na ang gagawin
"MENANG! Menang!" si Wena ang kapitbahay at kaibigan ko. Kababa ko pa lang sa traysikel na sinasakyan ko. Galing pa akong opisina. Mahigit isang taon na akong nagtatrabaho bilang sekrtarya sa isang Real Estate Company."Wena, bakit?"Napansin kong hindi mapakali si Wena na sinalubong ako."May mga tao galing sa lokal na pamahalaan, Menang," saad ni Wena nang makalapit sa akin. "May inaanunsiyo na nabili na daw ang lupain sa kinatitirikan ng ating mga bahay at e-di-demolish na raw ang lugar natin sa susunod na buwan," nahihimigan ko ang tinding hinagpis sa boses ng kaibigan.Hindi ko masisi si Wena dahil ang pamilya nito ay gaya ko'y sadlak sa kahirapan. Panganay ito sa anim na magkakapatid at ang ama ay isang traysikel drayber at ang ina ay manikyurista. Nagtratabaho si Wena bilang kahera sa isang convenience station bukod do'n ay wala ng iba pang pinagkuhanan ang pamilya sa pang-araw-araw na pangangailangan. Wala itong ibang matatakbuha
MATAMLAY at walang gana na nakaharap sa monitor si Aries sa loob ng kanyang opisina. Panay pakawala na lang niya ng hininga.It's been a week since Emena left, and the days aren't going well. He tried to reach her the night she left, yet she left the phone at his condo.He wanted to go to her place, but what's the point? She already tendered her resignation. She cuts the ties between them.Whether he admitted it or not, he missed his maid a lot, her alluring smile, her annoyed face, everything about her. Very stupid, but yes, he misses her... like an idiot.Tila ba pakiramdam niya ay may bahagi sa pagkatao niya ang binitak at naiwan siyang may kulang.Sunod-sunod ang kanyang buntong-hininga. Inikot niya ang swivel chair paharap sa magandang view ng siyudad. Pinakiramdaman niya ang sarili.Makalipas ang ilang saglit ay nakarinig siya ng katok mula sa pinto."Come in," matamlay na turan ni Aries na hindi inabalang har
SUNOD-sunod na buntong hininga ang pinakawalan ko habang isinilid ang liham sa loob ng maliit na sobre.Matamlay kong tinitigan ang envelope.Sigurado na ba talaga ako sa gagawin ko?Buo na ba talaga ang desisyon kong lisanin ang trabaho ko?Aminin ko nag-atubili akong iwan ang trabaho ko. Pero kahit na gano'n dapat maging matapang akong na tanggapin ang hinaharap. Ang panahon ay dumarating at lumilipas.Sa pagkakataong ito na may magandang oportunidad. Sunggaban ko na para sa ikabubuti ng buhay ko. Utak muna bago ang puso.Yes, dapat ganyan, Emena!Pinapalakas ko ang sarili ngunit muli akong napabuntong hininga nang masuyod muli ang hawak kong resignation letter.Mariin kong pinikit ang mga mata, kailangan magising ako sa kahibangan ko.Kahit saang anggulo titingnan, balik baliktarin man ang mundo ay hin