ARAW na naman ng sabado wala akong pasok, maaga palang ay nagsimula na akong maglako.
Inagahan ko dahil may bago akong destinasyon, doon sa kung saan nagtatrabaho ang isa kong kaibigang si Althea.Sabi kasi nitong papatok daw ang bibingka ko pang meryinda ng mga kasamahan nito dahil nagsasawa na daw ang mga ito sa pagkaing canteen.Ayos! At makapagbenta ako ng marami at madagdagan ang ipon ko para sa aking final.Hiyang hiya na ako, palagi na lang akong nakapromissory note.Halos wala na akong mukhang ihaharap sa treasury dahil sa kulang palagi ang bayad ko. Kaya sagarin ko na ang opportunidad na ito.Kinabahan ata ako, unang beses pa lang kase akong makapasok sa pinagtatrabahuan ng kaibigan ko. Isa iyon sa malaking kompanya Pilipinas.Sa eskinita ko lang nakagawiang maglako tapos susugod ako sa isang bigating kompanya.Bumaba ako sa harap ng isang napakatayog na gusali. Pinagpawisan ako ng malamig.Sabi ni Althea pumapayag naman daw ang boss nila sa mga outside vendors kaya wala ng pero pero, pera ang kailangan ko.Nagtuloy tuloy akong gumawi sa entrance ng building dumaan ako sa isang revolving door. Ibig kong mahilo sa revolving door at kailangan ng timing.Lumapit ako sa receptionist at nanghingi ng visitors ID. Walang namang problema at mabilis ako nitong binigyan."Miss ano ba yang tinda mo?" ang babaeng receptionist.Dahil doon medyo nakahinga ako ng maluwag. Wala naman pala itong pinagka-iba sa eskinita eh. High class nga lamang ang lugar pero iyong mga taong nakapaligid eh pareho din namang bumibili.Sinunggaban ko na agad ang babae, sabay nginitian ng ubod tamis. Mahirap na baka magbago pa ang isip."Bibingka po Ma'am, masarap po ito.""Naku, bakit ngayon kalang matagal na akong naghahanap nito, nakakaumay na kasi ang pagkain sa canteen," patutsada ng babae sabay hinalughog ang loob ng basket na dala ko."Eh oo nga po eh, ngayon ko lang kasi napag-alaman na pwede pala dito ang outside vendors."Bumili ang receptionist at pagkatapos ay gumawi ako sa ibang floor susulitin ko na ang pagkakataon.Ilang minuto pa lang ubos na ang paninda ko hindi na ako umabot sa huling floor dahil halos lahat ng empleyado ay bumili. Nanibago kasi sa tinda ko.Sobrang nagliwanag ang mukha ko nang wala ng natira sa basket ko maliban sa ibibigay ko kay Althea.Hindi matanggal tanggal ang ngiti ko sa mukha wari'y naka jackpot ng lotto.Sadyang gumawi pa ako sa floor kung saan andoon ang kaibigan ko sa eighteenth floor. Tinirhan ko ito ng isang supot at tsaka free iyon ha, dahil sa laki ng tulong nito sa akin ngayon."Psst," tawag ni Althea nang makita akong papasok sa loob. Nang mapansin ko ito ay mabilis kong tinungo ang cubicle nito."Hoy bruha! Salamat ha," mahina lang ang pagkasambit ko dahil ayaw kong makadisturbo ng ibang emplayado.Nakangisi itong bumaling sa akin. "Wala iyon ano kaba, eh asan na ang free na sinabi mo," nilahad agad nito ang palad sa harap ko.Napakislot ako, ito talagang kaibigan. Tinudas pa ang paninda ko. "Oh ayan," tuksong umirap ko.Nakangiti naman nitong tinanggap ang bibingkang binigay ko na animo'y limited edition.Kanina pa kasi ako nakamasid sa loob ng opisina. Sobrang ganda, ke lamig pa ng paligid at siguro kay sarap umupo sa upuan na gaya ng inuopan ni Althea.Hindi ko maiwasang mainggit, ang swerte nito nabilang sa grupo ng sikat na kompanya sa Pilipinas.Hindi ko maiwasang mangarap. Talagang pagtiya-tiyagaan ko ang pag-aaral dahil gusto ko ring mapabilang sa lugar na ito at tsaka sawa na ako sa paglalako no!Ilang minuto ay nagpadesisyonan ko ng bumaba at umuwi. Nakakadistorbo na rin kasi ako sa trabaho ng kaibigan ko kung mananatili pa ako doon.Sa totoo lang ayaw ko pa sanang umalis dahil gusto ko pa magmasid. Gusto ko pang samyuhin ang lamig ng aircon. Kaso eh hindi naman ako kabilang sa team at maglalako lang ako kaya pinili ko na lang magising sa panaginip.Nasa loob ako ng elevator. First time ko din na makasakay ng ganito. Kasi ayaw ipaggamit ang elevator sa paaralan namin.Lintik talaga, kung may nakakaalam ng sekreto ko. Naku talagang nakakahiya.Akala ko sobrang sarap sumakay ng elevator, eh nakakalula naman pala at parang nasusuka ako. Eh ki taas taas na kasi nang floor na pinggalingan ko, nahihilo tuloy ako.Biglang huminto ang elevator at bumukas ang pintuan. May pumasok na tao hindi ko masyadong maaninag, lumabo na ang paningin ko dahil sa hilo.Sinulyapan ko ang control panel kung saang floor pa ako. Pinilit ko talagang aninagin.Nasa fifteenth floor pa lang ako.gusto ko ng humiga sa sahig dahil sa lula na aking nadarama.Hindi ko maipaliwanag ang aking pakiramdam gusto ko ng masuka.Nakakahiya talaga itong reaksiyon ng katawan ko. Talagang pinahalata nitong galing ako sa hirap. Nalulula sa simpleng elevator ride.Parang hindi ko na ata kaya pa. Ginugulo ang sikmura ko't umikot na ang paningin ko.Nanginginig ang aking mga kamay, mahigpit akong napahawak sa dala kong basket. Para atang mabubuway na ako. Nawawalan na ng lakas ang tuhod ko.Gusto ko ng itirik ang mata. Malalaking butil ng pawis ang lumabas sa aking sentido at nanlalamig na ang buo kong katawan.Sadyang pinikit ko nalang ang aking mga mata, baka sakaling maibsan pa ang sama ng pakiramdam ko."Miss, are you okay?" rinig kong tanong ng isang lalaki. Siguro napansin nitong namumutla na ako.Hindi ko magawang magsalita kaya tumango na lang ako bilang tugon. Nakakahiya naman kung sasabihin ko dito ang totoo na unang beses pa lang akong nakakasakay ng elevator at nalulula ako."Miss?" tawag uli nito sa akin sabay niyugyog ng aking balikat.Lumala ata ang pakiramdam ko nang yugyogin nito ang balikat ko. Hindi ko na napigilan pa at nasusuka na ako."Shit!" dinig kong mura ng lalaki.Nagulat ako, dahil sa biglang pagalaw ng hinahawakan ko.Nang minulat ko ang aking mga mata. Iyon pala ay nakahawak ako sa makabilang braso nito at sinukaan ko ang mamahaling tuxedo ng lalaki.Mula sa pagkakayuko dahan dahan kong inangat ang aking paningin sa mukha ng may-ari ng tuxedong aking nadumihan."Patay!" napalunok akong bigla sa sobrang kaba nang naramdaman kong nagtama ang aming paningin.Uminit ang pisngi ko dahil sa hiya. Lihim akong napahiling na sana ay bumuka na lang ang lupa lalamunin ako at maglaho na parang bula."What a small world ha!" wika nitong nakatitig sa akin.Iritableng tinitigan ako. Kita ko ang pagalaw ng bagang nito dahil sa galit.Ang hindi katanggap-tanggap ay ang may-ari ng bisig na hinawakan ko ay ang lalaki lang naman na nakatagpo ko noong isang araw.Ang bastos na antipatikong mayaman.Paano na to' anong gagawin ko?Naninigas tuloy ang katawan ko at hindi mawari ang gagawin ko.Lukot ang mukha kong nakatingin sa gwapong mukha nito. Ito naman ay nakatiim bagang na nakatingin sa akin.Mayamaya ay gumalaw ito dahilan upang mapa-igtad na parang nakuryenteng lumayo ako mula sa harapan ng lalaki. Umatras ako sa isang sulok."Damn!" dinig kong muling mura nitong dahan dahang hinubad ang suot nitong tuxedo.Habang nakamasid ako sa lalaki ay biglang nagbukas ang elevator.Sinapit na pala namin ang first floor. Unang lumabas ang lalaki habang inisa- isa nitong kalagin ang butones sa suot na long sleeved.Bumaling ito sa akin dahilan upang humalikipkip ako sa isang tabi."What now?"Hindi naman alam na masusuka ako. Kasalanan ko ba?Oo kasalanan mo talaga, Menang!"Nanatili akong tahimik dahil wala akong maapuhap na sabihin sa sandaling ito."Follow me!" utos nito sa akin at nagsimula ng humakbang patungo sa kung saan.Maagap naman ako at kandarapang sumunod ditong bitbit ang basket ko."Bahala ka na sa akin Lord kung ano man ang plano ng lalaking ito, basta babayaran ko muna ang pagkasala ko sa h*******k na ito."Mabigat ang mga paang hinakbang kong nakasunod lang sa lalaki. Ito naman ay tuluyang hinubad ang damit pang-itaas."Diyos na mahabagin," lihim kong bulalas nang matunghayan ang malaman nitong braso. Ang magandang hubog ng pang-upo dahil bumakat sa suot nitong slacks pants.Wala sa sariling napakagat tuloy ako sa aking labi.Hindi ako makapaniwalang pinagnanasaan ko ang antipatikong ito!Nakasunod sa lalaking n*******d baro.Pansin kong hindi nito iniintindi ang mga taong nakatingin at parang sanay ata itong panuorin na n*******d.Nang may nadaanan itong basurahan ay marahas nitong hinagis ang damit na nasukaan ko."Shit!" walang kimi kiming mura ng lalaki.Sobrang nainis ito sa nangyari. Eh hindi ko naman talaga sinasadya. Sayang naman ang mahal kaya nung damit na iyon.Muli na naman itong naglakad.Saan ba planong pumunta ang lalaking ito?Pinagpatuloy ko ang paghakbang. Nakanguso na sinudan ko ang lalaki.Dahil nga nakatungo ako hindi ko napansin na nandito na pala kami sa malawak na parking space ng kompanya.Biglang huminto ito sa paghakbang dahilan upang masadsad ang noo ko sa likuran nito."Aray!" napaatras akong bigla.Inangat ko ang paningin. Nanlaki ang mga mata ko nang pansin kong nakaharap na pala ito sa akin dagling nagtama ang aming paningin.Napalunok ako dahil sa titig na pinukol nito, parang gusto ata akong lamunin ng buhay.Dali akong nagbawi. Napayuko ako ngunit mas lalong nanwindang ang ulirat ko't tumama ang paningin ko sa limpak-limpak na pandesal nito sa tiyan. Bumaba pa talaga ang mata ko sa mabalahibo nitong puson."Anak ng!"Tumikhim ang lalaki. Dali kong iniwas ang paningin doon."What now?" muling tanong nitong nagsalubong ang kilay.Blanko ang paningin kong pinukol dito pagkatapos umirap.Ano ngayon?Patas na siguro kami dahil sa pagkaladkad nito sa aking palda noong isang araw. Pero hindi ata, dahil nasuntok ko ito at nakagante na ako."Eh, sumama lang talaga ang pakiramdam ko eh," dahilan ko.Isang mapaklang ngiti ang pinakawalan nito. "Ah so, sa ganun lang at okay na?""Eh ano bang gusto mong gawin ko?" padaskol kong turan na nakasimangot."Say sorry and I will be okay," pagde-demand nito."Bakit naman? Di ka nga nagsorry sa'kin nung isang araw!" singhal ko.Ngumiti ito ng pilyo. " Stupid woman, just apologize and I will be okay!" nanggagalaiting giit nito sa akin.Aba! Hindi nga ito ng nagsorry sa akin na mas sobra pa ang ginawa nito, ngayon pipilitin pa ako nito? No way over my sexy dead body!"Kung simple lang iyon sa iyo then mag sorry ka muna sa akin, tapos magsorry ako sa'yo," taas noong paghahamon ko dito sabay taas ng baba ko.Kita ko ang paglaki ng butas ng matangos na ilong nito sabay na lumukot ang gwapong mukha."Damn it! If you don't, then I'll make my move," sabi nitong walang ingat na hinablot sa aking braso.Wala sa sariling nabitawan ko ang dalang basket, marahas ako nitong tinulak pasandal sa likod ng kotse.Napaawang ko ang aking labi dahil sa gulat. Napatitig ako sa mapupungay nitong mga mata.Taas baba ang aking dibdib dahil sa tinding tensyon na namagitan sa aming dalawa.Ilang saglit na naglaban ang aming paningin na tila walang magpapadaig.Walang pakundangan ang kaba sa dibdib ko sa eksina namin."T-teka, anong plano mo, Mister-" pumiyok ang boses ko.Kitang kong nangingilid ang pilyong ngiti sa labi nito.Pagkatapos nagulat na lang ako sa sumunod na ginawa nito.Dahan dahan itong yumuko upang magpantay ang aming mga paningin.Nilapit nito ang gwapong mukha sa mukha ko na halos isang dangkal lang ang layo namin sa isa't isa.Wala sariling napaatras ako na nanlaki ang mga matang nakatitig dito.Napalunok ako ng laway. "A-anong gagawin mo, Mister?" kanda-utal na tanong ko dahil sa tindi ng kaba.Isang nakakalukong ngisi ang pinakawalan nito na mas lalong inilapit ang mukha sa mukha ko.Mariin kong naipikit ang aking mga mata.Kasunod ay isang malakas na pilantik ng daliri ang tumama sa aking noo. Sapol ang noo ko. Tang ina!"Aray!" napadaing ako sabay himas sa nasaktang kong noo."We are now fair," matipid nitong sabi, sabay talikod at mabilis na sumakay sa loob ng kotse.Naiwan akong nanigas. Umusok ang tainga na halos sumabog na parang bomba dahil sa inis.Namilog ang butas ng ilong ko habang nakasunod tanaw sa lalaking papasok ng sasakyan.Ilang saglit ay narinig ko na lang ang pagbuhay ng makina ng kotse."See you, stupid woman!" nakangising paalam ng lalaki sabay na pinaharurot ang sasakyan papalayo.LAGLAG balikat na naglakad ako sa gilid ng kalye. Nakasuot pa ako ng aking school uniform. Katatapos lang kase ng aking klase. Kasalukuyan kong binabay ang daan patungo sa aming munting tahanan. Nakanguso ang aking labi sabay sadsad ng sapatos ko sa aspaltong kalsada.Sunod sunod na buntong hininga ang aking pinakawala.Pinuproblema ko na naman kase ang aking matrikula. Kahit anong benta ko ng bibingka kulang parin. Kainis naman 'tong buhay to. Bakit pa kasi ipinanganak akong mahirap?Okey lang din swerte naman ako sa nanay ko. Kaya kailangan go lang ako nang go. Mapasaan man at makakamit ko rin ang pangarap ko, basta mapupursige lang ako.Patuloy kong sinadsad ang aking sapatos sa semento. Mabibigat ang aking mga hakbang.Nakalimutan ko tuloy na medyo nakanganga na ang talampakan ng sapatos ko. Kaya ayon sa ginawa ko, ilang saglit lang naiwan ang talampakan ng sapatos kong pipityugin. "Putik!" bulyaw ko nang mapansin kong wala ng talampakan ang sapatos na suot ko at talagang talamp
KAHIT tulog ang kalahati ng diwa ko ay ramdam ko parin na may na-upo sa gilid ng malambot na kama. Patay! Baka bukas wala na akong trabaho dahil sa ginagawa kong paghiga sa kama ng amo ko.Dali kong minulat ang aking mga mata. Ewan pero parang tulog pa rin ako at nasa mundo ng panaginip.Talagang nasa panaginip ako dahil bumungad sa aking paningin ang asungot na lalaki noong isang araw.Ang lalaking mapangahas na sumira ng aking palda at ang lalaking pinilantik ang noo ko."Anak ng! Nanaginip ba talaga ako?" kunot noong napatanong ako sa aking sarili. Kinurap-kurap ko ang aking mga mata upang siguraduhin kung panaginip lang ba talaga?Ayon! Nanatiling nakatitig sa akin ang gwapong mukha nito? Malamlam ang mapupungay nitong mga matang sinuyod ang aking mukha. May maliit na ngiti sa labi.Bakit ko naman napapanaginipan ang hinayupak na iyon? Hindi ito isang panaginip kundi isang napakasamang
MAINGAT na pinihit ko ang pinto ng master's bedroom. Maaga palang ay dumating na ako sa malaking bahay. Kasi nga marami akong gagawin. Magbe-breakfast in bed daw ang asungot kong amo.Kaya bilang personal maid nito ay kailangan ko din na maging maaga. Pagtitiyagaan ko na lang muna ito. Kung hindi lang ako nangangailangan ng trabaho, hinding hindi ako babalik dito. Makikita ko na naman ang asungot, bastos at antipatiko kong amo. Bakit ba kasi ang liit-liit ng mundo para sa aming dalawa at muli kaming nitong pinagtagpo? Ang saklap nagiging amo ko pa.Pigil hiningang humakbang ako papasok sa loob ng silid. Nagsalubong ang aking kilay sabay linga sa buong lugar. Lahat ng ilaw sa loob ng kwarto ay nakabukas at sobrang liwanag. Baka gising na ito—nang tinalunton ko ang kinaroroonan ng malaking kama ay nakita kong mahimbing pa itong natutulog, na parang isang sanggol. Nakadapa.Walang suot na damit pang-itaas
ARAWng linggo ay nadatnan ko ang amo kong gising na at gaya ng inaasahan ay nakatuon na naman ang atensyon nito sa harap ng laptop."Magandang umaga po, seniorito," bati ko nang makapasok ako ng silid.Tumango lang ito na hindi ako binalingan at seryoso ang mukhang kinulikot na naman ang mga dokumento.Nagkibit balikat nalang akong muling lumabas. Bumaba ako upang kuhanin ang agahan nito.Gaya ng inaasahan ay nagtanong na naman to' kung kumain naba ako. Agad akong tumangoDinala ko ang pagkain nito sa veranda. Hinayaan ko ang amo kong kumain doon saka ako bumalik sa loob ng silid upang palitan ang bedsheet ta's hinawi ko ang puting kurtin
IBIGlumipad ang kaluluwa ko sa katawan nang pwersahang dinakma ni Seniorito Aries ang braso kong may hawak na feather duster."Strip!" madiin nitong utos. Ang mga titig nito ay nasa mukha ko."Po?" nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito. Naguguluhang nakigpatagisan ako ng titig dito. "S-Strip po?" ulit ko sa sinabi nitong nauutal."Take off that uniform right now, strip!" nanggagalaiting utos nito.Nanlaki ang aking mga mata. Napahigpit ang hawak ko sa feather duster.Ano daw? Gusto nitong maghubad ako? Bakit? Hindi ko makuha ang ibig nitong sabihin?Ang maniac naman ng lalaking t
BUONG magdamag na aligaga ang isipan ni Aries. Kanina pa siya pabaling baling sa kanyang kama. Hindi siya dinalaw ng antok.Palaging sumasagi sa isipan niya ang ngiti ng maid niya. And how she caressed his back it was so comforting that made him want to lean on her shoulder all night. Emena is something.Hindi man niya kayang ipaliwanag o mabigyan ng tamang kataga pero tila baga may ginising ang dalaga sa kaibuturan ng pagkatao niya.Nababagot na bumangon ang binata. Natungo siya sa mini bar ng kanyang silid saka doon nagsalin ng Henri Heritage Cognac Champagne.Lumabas siya sa silid na bitbit ang baso. Tinungo ang veranda saka niya tiningala ang mabituing kalangitan.Sunod-sunod ang tungga niya sa alak na laman ng baso."I told you, Paula, that lady is interesting," bulong ng binata sa hangin. May himig na pait ang boses niya.Makalipas ang maraming taon...saktong mahigit na labing limang taon. Those dark past kept hunting him everynight. The guilt he carried all his life. Hindi siya
NATAGPUANko nalang ang sarili sa harap ng napakatayog at pribadong condominium. Nalululang nakatingala ako sa gusali. Ibig ko na namang masuka."Ano bang tinitingala mo diyan, hurry up!" si seniorito Aries na nauna nang pumasok sa lobby ng condominium. "Emena, hurry up!" ulit nito nang mapansing hindi pa ako gumagalaw sa kinatatayuan ko."Opo, andiyan na!" tumatakbong sinundan ko ito. Sinapit namin ang harap ng elevator. Namutla akong nakatingin sa pinto. "Seniorito, maghagdanan nalang kaya ako!"Isang mahinang ngisi ang pinakawala nito. "Are you nuts?" ani nitong nakapamulsang hinihintay magbukas ang pinto."Eh kasi seniorito—" tumingkayad ako sa tabi nito upang bumulong, "—nalulu
PAWISANang buong katawan na nagising si Aries mula sa kanyang malalim na pagka-idlip. Muli na naman siyang dinalaw ng kanyang masalimuot na nakaraan. It happened almost everynight.Marahas siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa kama.Napahilamos siya sa kanyang mukha habang pinakiramdaman ang sarili. Sanhi ng madilim nakaraan ay hindi magawa ni Aries na matulog na hindi nakabukas ang ilaw. Pakiramdam niya pagmadilim ang paligid niya ay lalamunin siya ng nakakatakot na madilim na kawalan. Aatakehin siya ng panic na tila baga hindi siya makahinga. Pakiramdam niya ay nakaka suffocate ang dilim.He is afraid of the dark.Nang mahimasmasan ang binata ay nagtungo siya sa banyo upang doon ibabad ang
NAGISING ako sa kalagitnaan ng madaling araw dahil gumagalaw na naman ang kambal namin ni Aries. Medyo nahihirapan akong makatulog dahil sa bigat at laki ng tiyan ko. Nasa pangatlong trimister na ako ng pagbubuntis ng kambal naming panganay.Hindi mapakaling bumangon ako't hinimas at pinakiramdaman ang munting anghel sa aking sinapupunan. Sobrang makukulit at galaw nang galaw dahilan upang mapadaing ako minsan dahil masakit."My wife," si Aries nang marinig ang d***g ko. Nagising ito mula sa mahimbing na pagkakatulog. Sumunod itong bumangon. "May masakit ba?"Malambing akong tumango na hinimas ang tiyan ko. "Gising na naman ang mga anak natin."Inangat ng asawa ko ang palad upang pakiramdaman ang tiyan ko. "Shhh, 'wag masyadong magalaw, little treasures nahihirapan si mommy," saway nitong inilapit ang labi sa tiyan ko saka hinalikan.Saglit ay humupa ang galaw sa tiyan ko. "Good, it seems they're smart like their dad," pagmamalaki nito.Napangiti ako saka ko piningot ang ilong ng asawa
New York...MATAMAN na nakatuon ang mata ni Juaquen sa kadadating lang na mensahe sa kanyang e-mail.Lee,"We are inviting you to celebrate the day when we take our next large step in the relationship. We promise you that the wedding will be magnificent. We would be incredibly grateful if you came to celebrate our love together with us!"Emena and AriesNang mabasa ang mensahe isang buntong-hininga ang pinakawala ni Juaquen. Matamlay niyang sinara ang laptop."Hindi niya ako nahintay dapit huli," mahinang bulong niya sa hangin. Kinuha niya ang kanyang mamahaling camera at saka tumalikod at iniwan ang malaking silid."YOU may now kiss the bride," si Father Rosales nang magtapos ang seremonya ng kasal.Puno nang kagalakan at sensiridad ang bumakas sa mata ni Aries habang sinuyod ako ng tingin."You look so beautiful in my eyes, my wife," puri nito na maingat na hinawi at itinaas ang belo na nakataping sa
PAGKAPASOK pa lang namin ng asawa ko sa silid ay tila nabibingi na ako sa tinding tambol ng puso ko."Now ready, yourself, my wife!" babala nito. Walang ingat na tinapon ako sa ibabaw ng kama. "Mr. Dankworth!" tili ko nang maramdaman kong lumapat ang katawan ko sa malambot na higaan."As I told you, I will rip every part of you, Emena no holding back," pilyong ngumiti ang asawa kong malagkit akong tinititigan.Nakita kong naging mabilis ang kilos nitong pinagkakalag ang butones sa suot na long sleeve.Ibig magwala ang katinuan ko nang lumantad sa mga mata ko ang makisig na pangangatawan ng asawa ko. Iniwan nito ang slacks pants. Umakyat at gumapang ito patungo sa akin pagkatapos.Kinabahang napasandal ako sa headboard ng kama. Hindi ako nito nilubayan ng titig hanggang sa nakalapit ito nang tuluyan. Ang mga titig nito ay nagliliyab ng pagnanasa."Now, take that dress off, my wife" diin na utos nito."A-Aries—"
LULANng taxi ay ibig kong sabunutan ang sarili. Ba't ba ang tanga-tanga ko?Paano ko haharapin ang lalaki ngayon? Anak ng!Hinuhusgahan ko ang pagkatao nito. Hindi ko man lang inalam ang lahat."Manong, bilisan n'yo po," utos ko sa tsuper ng taxi.Kailangan maabotan ko si Mr. Dankworth sa condo. Mag-alas siyete na ng umaga. Sigurado akong papasok na 'yon ng opisina.Hindi naman nagpatumpik-tumpik ang dryaber at mas pinatulin ang takbo ng taxi.Narating ko ang condo ng halos walang isang kisap mata ngunit nagkasalubong ang sinasakyan namin ng sadya ko. Sigurado akong lulan ang lalaki sa magarang kotse na papalabas ng condominiun."Manong, sundan n'yo po ang kotseng 'yon," nanggigil na utos ko."Ening—"Sige na manong kailangan ko lang mahabol ang lulan ng kotseng iyon," mangingiyak na wika ko.Sumusukong pinag-unlakan ako ng drayber at pinahaharurot nga ang kotse. Ibig maiwan ang kalulu
ATATna marating ang aming lugar ay pumara agad ako ng taxi. Kaka-out ko lang sa trabaho nang tumawag si Wena. Saad ng kaibigan ko na sinimulan na ang demolition sa lugar namin.Pagkababa ko pa lang sa kanto ay bumulaga na sa'kin ang mga residente na nagkakagulo. Sinimulan nang baklasin ang mga bobong na yero ng ibang mga bahay kasama na ang bahay nila Wena. Nakita kong umiiyak na si Aling Pasing ang nanay ni Wena habang pinanuod ang unti-unting pagkasira ng kanilang bahay."Maawa po kayo, itigil n'yo ang pagsira ng bahay namin," umiiyak na sigaw ni Aling Pasing sa mga tao na galing sa lokal na pamahalaan na sinimulang baklasin ang kanilang munting tirahan. Subalit tila walang naririnig ang mga ito at pinagpatuloy ang demolition."Menang," si Wena n
NANGANGATOGpa rin ang tuhod ko na sinapit ang lobby. Nakita ko agad si Wena na naghihintay sa akin sa isang sulok. Nang namataan ako ng kaibigan ay maagap at sinalubong agad ako."Menang, ano na?" si Wena na may langkap na pag-alala ang boses.Nanghihinang umiling-iling ako at saka na-upo sa bakanteng upuan. Kinalma ko sarili dahil kanina ko pa gustong mahimatay sa tinding kaba sa bumungad sa akin sa opisina.Paanong si Seniorito Aries ang pakana ng demolition sa aming lugar? Kung tutuusin ay naging parte ang lalaki sa lugar namin kahit sa panandaliang panahon.How dare he? Paano pagnalaman ito ni inay?"Ano na ang gagawin
"MENANG! Menang!" si Wena ang kapitbahay at kaibigan ko. Kababa ko pa lang sa traysikel na sinasakyan ko. Galing pa akong opisina. Mahigit isang taon na akong nagtatrabaho bilang sekrtarya sa isang Real Estate Company."Wena, bakit?"Napansin kong hindi mapakali si Wena na sinalubong ako."May mga tao galing sa lokal na pamahalaan, Menang," saad ni Wena nang makalapit sa akin. "May inaanunsiyo na nabili na daw ang lupain sa kinatitirikan ng ating mga bahay at e-di-demolish na raw ang lugar natin sa susunod na buwan," nahihimigan ko ang tinding hinagpis sa boses ng kaibigan.Hindi ko masisi si Wena dahil ang pamilya nito ay gaya ko'y sadlak sa kahirapan. Panganay ito sa anim na magkakapatid at ang ama ay isang traysikel drayber at ang ina ay manikyurista. Nagtratabaho si Wena bilang kahera sa isang convenience station bukod do'n ay wala ng iba pang pinagkuhanan ang pamilya sa pang-araw-araw na pangangailangan. Wala itong ibang matatakbuha
MATAMLAY at walang gana na nakaharap sa monitor si Aries sa loob ng kanyang opisina. Panay pakawala na lang niya ng hininga.It's been a week since Emena left, and the days aren't going well. He tried to reach her the night she left, yet she left the phone at his condo.He wanted to go to her place, but what's the point? She already tendered her resignation. She cuts the ties between them.Whether he admitted it or not, he missed his maid a lot, her alluring smile, her annoyed face, everything about her. Very stupid, but yes, he misses her... like an idiot.Tila ba pakiramdam niya ay may bahagi sa pagkatao niya ang binitak at naiwan siyang may kulang.Sunod-sunod ang kanyang buntong-hininga. Inikot niya ang swivel chair paharap sa magandang view ng siyudad. Pinakiramdaman niya ang sarili.Makalipas ang ilang saglit ay nakarinig siya ng katok mula sa pinto."Come in," matamlay na turan ni Aries na hindi inabalang har
SUNOD-sunod na buntong hininga ang pinakawalan ko habang isinilid ang liham sa loob ng maliit na sobre.Matamlay kong tinitigan ang envelope.Sigurado na ba talaga ako sa gagawin ko?Buo na ba talaga ang desisyon kong lisanin ang trabaho ko?Aminin ko nag-atubili akong iwan ang trabaho ko. Pero kahit na gano'n dapat maging matapang akong na tanggapin ang hinaharap. Ang panahon ay dumarating at lumilipas.Sa pagkakataong ito na may magandang oportunidad. Sunggaban ko na para sa ikabubuti ng buhay ko. Utak muna bago ang puso.Yes, dapat ganyan, Emena!Pinapalakas ko ang sarili ngunit muli akong napabuntong hininga nang masuyod muli ang hawak kong resignation letter.Mariin kong pinikit ang mga mata, kailangan magising ako sa kahibangan ko.Kahit saang anggulo titingnan, balik baliktarin man ang mundo ay hin