Share

Arrogant With a Heart

Author: S.B.S
last update Last Updated: 2023-09-02 04:44:31

MAINGAT na pinihit ko ang pinto ng master's bedroom. Maaga palang ay dumating na ako sa malaking bahay.

Kasi nga marami akong gagawin. Magbe-breakfast in bed daw ang asungot kong amo.

Kaya bilang personal maid nito ay kailangan ko din na maging maaga.

Pagtitiyagaan ko na lang muna ito. Kung hindi lang ako nangangailangan ng trabaho, hinding hindi ako babalik dito.

Makikita ko na naman ang asungot, bastos at antipatiko kong amo.

Bakit ba kasi ang liit-liit ng mundo para sa aming dalawa at muli kaming nitong pinagtagpo? Ang saklap nagiging amo ko pa.

Pigil hiningang humakbang ako papasok sa loob ng silid. Nagsalubong ang aking kilay sabay linga sa buong lugar. Lahat ng ilaw sa loob ng kwarto ay nakabukas at sobrang liwanag.

Baka gising na ito—nang tinalunton ko ang kinaroroonan ng malaking kama ay nakita kong mahimbing pa itong natutulog, na parang isang sanggol. Nakadapa.

Walang suot na damit pang-itaas at tanging kumot lang ang nakataping hanggang beywang.

Lantad sa paningin ko ang malalapad nitong balikat at mamasel nitong likod.

Bakit ba kay perpekto ng lalaking to'?

Hinakbang ko pa lalo ang paa hanggang sinapit ko ang gilid ng kama. Yumuko ako upang hagurin ng tingin ang gwapong mukha nito.

Ayon na naman ang pamilyar na kaba sa dibdib ko nang muling natunghayan ang hitsura nito. Inilapit ko pa ang mukha sa mukha nito, nakayukong sinuyod ko ito.

Sa totoo lang gwapo talaga ito. Para nga itong isang modelo eh. Malinis ang cut ng buhok at medyo parang may halong ibang lahi ang dugo nito.

May mapupulang labi, matangos ang ilong, makakapal ang kilay at malantik ang pilikmata.

Hindi malayong type ko ito kung hindi lang ito bastos at mayabang.

Wala sa sariling inangat ko ang daliri at dinala sa tungkil ng ilong nito.

Umungol itong bigla kaya halos mag-alsa balutan ang kaluluwa ko sa katawan. Tang ina! Agad akong umayos ng tayo at akmang aatras ngunit biglang hinawakan nito ang braso ko sabay marahas na inunat.

Sa isang iglap natagpuan ko nalang ang sarili sa ilalim nito. Nakaluhod itong napagitnaan ang mga hita ko ng mga tuhod nito. Nakatukod ang mga palad nito sa kama at napagitnaan ako. Kinorner ako nito.

Ang mga mata nito'y nanatiling nakapikit. Ang saklap wala itong ibang suot kundi ang pajama pants lang.

Sobrang gulat ko't nanlaki ang aking mga matang naninigas na nakakatitig dito.

Ilang saglit hindi ko inaasahan ang ginawa nito't pinag-aamoy ang leeg ko. Umungol itong hinalikhalikan ang leeg ko. Binaon nito ang gwapong mukha doon.

"S-Seniorito, s-sandali," sobrang nanginginig ang buo kong kalamnan nang maramdaman ko ang labi nito sa balat ko. Tila ba nakukuryente ako.

Hindi ito tumigil hanggang bumaba ang labi nito sa gawing puno ng dibdib ko.

Sa sobrang gulat ko't napatili ako. "Seniorito, wala po to' sa kontratang pinirmahan ko!"  sabay na tinadyakan ang pagitan ng hita nito.

At sa ginawa ko awtomatikong nakalas nito ang sarili sa akin sabay napadaing. Napabaluktot nito ang katawan sa ibabaw ng kama sapo ang pusonan.

"S-Sorry, seniorito ikaw kasi!" tarantang bumangon ako.

"D-Don't get near me when I am half sober, specially tuwing umaga!" pahayag nito na namilipit parin sa sakit.

"Hindi ko kasi alam," sabi kong bumaba sa kama at inayos ang uniporme.

"I am dangerous, if you don't know. I can rip that fucking uniform of yours paggagawin mo pang lumapit sa akin ng ganitong oras," bumangon ito nang makabawi mula sa tadyak ko. "Pwede kang lumapit sa akin pag I am fully awake, understand?"

"Opo, seniorito," nakanguso kong sang-ayon.

"Now, get me my breakfast," utos nitong pungas pungas na hinilamos ang palad sa gwapong mukha.

"Masusunod po, seniorito," halos nilipad ko ang pinto makalabas lang sa master's bedroom. 

Sobrang ingat na sinara ko ang pinto sabay napasandal ako sa pader pagkatapos. Sunod-sunod ang pakawala ko ng hininga dahil kanina pa sa loob nangangatog ang tuhod ko sa tinding kaba. Namumutla tuloy ako.

Ano ba kasi ang nangyari kanina? Aba malay ko na ganun pala ang seniorito pagkalahating gising.  Nang makabawi sa tinding gulat ay umayos ako ng tayo nang dumaan si ma'am joy.

"Emena, ba't ang aga mo? Pumasok ka ba sa loob ng silid ni seniorito?" naintrigang turan ng mayordoma.

Nakangusong tumango ako dito. Saglit narinig kong tumawa ito ng mahina. Siguro napansin nito ang pamumutla ng mukha ko.

"May nangyari ba?" 

"Ma'am Joy, ba't di mo sinabi na ganun pala ang seniorito," wika ko na sinabayan ng hakbang ang matanda.

"Ang alin?"

"Iyong ano po, paano ko ba ipapaliwanag—

"Ah nakuha ko na ang ibig mong sabihin, hindi ba nasabi ni seniorito Aries sa iyo na h'wag kang lumapit pagtulog pa siya o kaya kalahating gising?"

Umiling ako dahil nagmamadali kasi ito kahapon nang umalis. Wala namang binilin kundi "work harder".

"Ngayon na alam mo na, h'wag kang maglalapit lapit sa amo natin tuwing umaga. Natural lang kasi iyan sa mga lalaki lalo na't bata pa ang amo natin," turan nito na may tukso sa mga labi.

Si seniorito Aries Dankworth ay nasa bente nuwebe, ayon kay ma'am Joy.

Nagmamaktol na sumunod ako sa matanda patungo sa kusina upang ihanda ang agahan ng seniorito. 

Bumalik akong bitbit ang bed tray na may lamang bacon, itlog, tinapay at mainit na kape. Nadatnan ko ang amo kong nakasandal sa headboard ng kama at nakatuon ang paningin sa laptop na nasa kandungan nito. Magulo pa din ang buhok subalit sa paningin ko ay mas lalo itong gumagwapo.

Pinilit kong e-sentro ang sarili sa trabaho.

Tumikhim ako para  mapansin nito. Saglit ay kinumpas nito ang palad sa ere na lumapit ako. Tahimik akong sumunod sa amo saka nilapag ang bed tray sa tabi nito. Nagsimula na itong kumain habang abala parin ang mga mata sa harap ng laptop. 

Paminsan minsan sinusulyapan ko ang laptop nito. Nagbabasa ito ng mga business proposal sa aking palagay.

Business Administration ang kinuha ko kahit papaano may alam din naman ako pero hindi ganun ka eksperto.

Nakamasid lang akong nakatayo sa tabi nito na hinihintay itong matapos. 

"Emena?'

"Opo, senoirito?"

"Kumain ka na ba?"

"Po?" nagulat ako sa tanong nito. Nag-agahan na ako kanina bago ako umalis ng bahay instant noodles nga lang, kanin at d***g.

"Tinatanong kita kung kumain kana ba?" naiiritang binalingan ako nito.

"O-opo nag-agahan na po ako bago umalis ng bahay—

"Ano, hindi ka kumain sa baba? Hindi ba nasabi ni Joy sa orientation mo na lahat ng mga kasamahan mo dito sa bahay ay may nakatalagang pagkain? Kung anong kinakain ko ganun din sa inyo," nagsalubong ang kilay nito.

Tumahimik ako.

Dinig ko ang pagbuntong hininga nito saka mabilisang pinindot ang entercom sa tabi ng kama.

"Laura, bring me another set of breakfast right now!" yon lang at padaskol nitong muling hinarap ang laptop.

"Next time, magtanong-tanong ka din para alam mo ang palakaran dito, I treated everybody as one of my family, Emena."

Base sa narinig ko tila hinaplos ang puso ko. Siguro nga bastos at antipatiko ito ngunit busilak parin ang puso.

Napayuko ako't hindi makatingin ng deritso sa amo. Hindi ko naman alam eh.

Dumating si Laura na dala ang tray ng pagkain. Inutusan ni seniorito Aries na ilapag ang dalang tray sa veranda saka pina-alis na si Laura pagkatapos.

"Come here," dala nito ang laptop saka nilatag sa mesa at na-upo doon pagkatapos. "Come here and eat!" ulit nito nang mapansin nanatili akong nakatayo.

"Seniorito, dun nalang po ako sa baba, nakakahiya po eh," tanggi ko na may pag-alinlangan.

Ano nalang ang isipin ng ibang kasamahan ko, pagnakita ako?

"Do what I say, you stupid!" singhal nitong pinadilatan ako.

Kahit na nahihiya ay mabilis ang kilos kong kinuha ang tray nito na may lamang pagkain saka na-upo ako sa katapat na upuan. 

"What are you waiting for? Dig in," pinandilatan ako nito nang mapansing hindi pa ako kumikilos.

Tarantang nagsign of a cross muna akong pinikit ang mga mata. 

"Salamat po sa pagkain," mahinang bulong ko. Hindi ko tuloy napansin ang amo kong ngumiti ng sobrang lapad na nakamasid sa akin.

Nang minulat ko ang mata ay nakatuon na ang paningin nito sa laptop sabay na tumikhim.

"Hurry up and eat, you idiot!" pinilit nitong iiwas ang paningin sa akin. Pinagpipindot nito ang laptop na tila ba ibig nalang sirain.

Nagkibit-balikat nalang akong kinuha ang sandwich sa plato saka sinubo.

Nang malasahan ko ang pagkain tila ba lumutang ako sa alapaap sa sobrang sarap. Unang beses kasi akong nakakatikim ng pagkaing mayaman. 

Sobrang lapad ng ngiti ko sa labi nang hindi ko namamalayan. Labis akong nasisiyahan sa pagkain at halos sinubo ko ang lahat sa bibig ko.

Narinig kong muling tumikhim si seniorito Aries kaya agad kong naiangat ang aking paningin sa gwapong mukha nito.

"Do you like the food?" kunwa'y seryosong tanong nito.

Sunod-sunod na tango ang ginawa ko na ngumiti. Ilang saglit ay nilahad nito ang parte ng pagkain nitong dinala ko kanina.

"Here, eat more, baka pumangit ka pa," sabi nito na agad na tinuon ang paningin sa malawak na hardin sa ibaba.

Napanguso tuloy ako't inasar ako nito. Hindi ko nalang pinansin at pinagpatuloy ang pagkain.  Ilang saglit ay tumayo na ito.

"I have to take a bath, ikaw naman pagkatapos mong kumain simulan mo narin ang paglilinis sa buong silid," bilin nitong tumalikod na bitbit ang laptop.

Nakangiting sinundan ko nalang ito ng tingin habang pinagpatuloy ang pagnguya ng pagkain.

Arogante at mayabang nga ang amo ko pero may mabait na kalooban na tinatago. Hindi nga lang ito magaling maglahad ng sariling emosyon.

MABILIS ang mga kilos na sinimulan ko na ang paglilinis at pagpupunas ng kasangkapan.

Kailangan pag-igihan ko ang paglilinis. Ayon kay ma'am Joy may allergy sa alikabok ang amo ko.

Habang nakatuon ang atensiyon ko sa pagba-vaccum ng carpet at couch ay nagbukas ang pinto ng banyo ng silid.

Dali akong bumalikwas paharap upang tingnan ang amo ko ngunit nawindang na naman ang inosenting mata ko sa nabungaran.

"Seniorito!" bulyaw ko nang makitang relax na naglalakad itong n*******d. Talagang ni isang saplot ay wala.

Wala sa oras na nabitawan ko ang hawak na vaccum. Tila kidlat na tinakpan ko ang mga mata.

Gusto ko ng mangisay. Sa tanan buhay ko. Hindi pa ako nakakita ng bagay na hindi ko dapat makita. At heto ang amo ko't dini-display pa talaga sa harapan ko. Tang ina!

"Fuck!" malakas nitong mura nang makita ako. Pati ito ay nagulat sa sariling ayos.

Mabilis itong tumalilis pabalik sa loob ng banyo. Nang lumabas ay nakatupi na ito ng tuwalya.

Ako naman ay parang kamatis ang pisngi na nais pumutok sa tinding pamumula.

"I told you, dapat masanay kana!" kunwa'y hindi apektado si seniorito Aries na nilampasan ako't dumiretso sa walk-in closet.

Anak ng pating na amo at sobrang taas ng kompyansa sa sarili. Eh kung tutuusin may maipagmamalaki din naman.

Napabuntong hininga nalang akong pinagpatuloy ang paglilinis.

Lumabas ang amo kong nakapagbihis na. Simpleng khaki shorts at abuhing t-shirt ang suot nito. Sobrang linis at swabeng tingnan.

Araw ng pamamahinga nito tuwing sabado at linggo. Sadyang dinala nito ang trabaho sa bahay.

Pamamahinga pero hindi naman nagpapahinga.

Pansin kong ilang oras na nakatuon ang paningin nito sa harap ng laptop at pagsagot ng mga tawag sa cellphone.

Napa-isip tuloy ako kung bakit sobrang tiyaga nito.

Ayon kay ma'am Joy, ulilang lubos na si sir Aries. Namatay ang magulang nito sa isang plane crash sa Italy. May kapatid din daw itong babae pero wala na din. Hindi dinetalye ni ma'am Joy kung bakit.

Siguro sobrang lungkot ng buhay nito kaya nakatuon nalang sa negosyo ang atensyon. Nakakalungkot isipin.

Sadyang nakatuon lang ang paningin ko sa amo kong may ka-usap sa cellphone.

Hindi ko tuloy na napansin na bumaling ito sa deriksyon ko.

May pilyong ngiting tinawid nito ang ilang dipang pagitan namin sabay dumukwang at tinapat ang gwapong mukha sa akin.

"Ganun na ba talaga ako kagwapo para pagpistahan ng mga mata ng maid ko?" anas nito.

Wala sa oras na bumalik ang aking lutang na diwa sa kasalukuyan dahil sa init na hininga nitong tumama sa pisngi ko.

"O-Oo, ay este ano po iyon, seniorito?"

Ngumiti ito sabay na pinilantik na naman ang noo ko.

"Stop spacing out and do your job, stupid woman!" pagkasabi niyon ay tumalikod itong nakapamulsa.

Nakangusong hinimas ko nalang ang nasaktang noo. Hindi ko napansin ang ngiti ko sa labi habang sinundan ang amo kong arogante pero may puso.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Judith Ganongan
unclock pls
goodnovel comment avatar
Judith Ganongan
next chapter plssss
goodnovel comment avatar
Roce D Mara
unlock pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   Shallow Happiness

    ARAWng linggo ay nadatnan ko ang amo kong gising na at gaya ng inaasahan ay nakatuon na naman ang atensyon nito sa harap ng laptop."Magandang umaga po, seniorito," bati ko nang makapasok ako ng silid.Tumango lang ito na hindi ako binalingan at seryoso ang mukhang kinulikot na naman ang mga dokumento.Nagkibit balikat nalang akong muling lumabas. Bumaba ako upang kuhanin ang agahan nito.Gaya ng inaasahan ay nagtanong na naman to' kung kumain naba ako. Agad akong tumangoDinala ko ang pagkain nito sa veranda. Hinayaan ko ang amo kong kumain doon saka ako bumalik sa loob ng silid upang palitan ang bedsheet ta's hinawi ko ang puting kurtin

    Last Updated : 2023-09-03
  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   You're Lovely Yet Stupid

    IBIGlumipad ang kaluluwa ko sa katawan nang pwersahang dinakma ni Seniorito Aries ang braso kong may hawak na feather duster."Strip!" madiin nitong utos. Ang mga titig nito ay nasa mukha ko."Po?" nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito. Naguguluhang nakigpatagisan ako ng titig dito. "S-Strip po?" ulit ko sa sinabi nitong nauutal."Take off that uniform right now, strip!" nanggagalaiting utos nito.Nanlaki ang aking mga mata. Napahigpit ang hawak ko sa feather duster.Ano daw? Gusto nitong maghubad ako? Bakit? Hindi ko makuha ang ibig nitong sabihin?Ang maniac naman ng lalaking t

    Last Updated : 2023-09-04
  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   A Nice Pair Of Shoes

    BUONG magdamag na aligaga ang isipan ni Aries. Kanina pa siya pabaling baling sa kanyang kama. Hindi siya dinalaw ng antok.Palaging sumasagi sa isipan niya ang ngiti ng maid niya. And how she caressed his back it was so comforting that made him want to lean on her shoulder all night. Emena is something.Hindi man niya kayang ipaliwanag o mabigyan ng tamang kataga pero tila baga may ginising ang dalaga sa kaibuturan ng pagkatao niya.Nababagot na bumangon ang binata. Natungo siya sa mini bar ng kanyang silid saka doon nagsalin ng Henri Heritage Cognac Champagne.Lumabas siya sa silid na bitbit ang baso. Tinungo ang veranda saka niya tiningala ang mabituing kalangitan.Sunod-sunod ang tungga niya sa alak na laman ng baso."I told you, Paula, that lady is interesting," bulong ng binata sa hangin. May himig na pait ang boses niya.Makalipas ang maraming taon...saktong mahigit na labing limang taon. Those dark past kept hunting him everynight. The guilt he carried all his life. Hindi siya

    Last Updated : 2023-09-05
  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   Unpredictable

    NATAGPUANko nalang ang sarili sa harap ng napakatayog at pribadong condominium. Nalululang nakatingala ako sa gusali. Ibig ko na namang masuka."Ano bang tinitingala mo diyan, hurry up!" si seniorito Aries na nauna nang pumasok sa lobby ng condominium. "Emena, hurry up!" ulit nito nang mapansing hindi pa ako gumagalaw sa kinatatayuan ko."Opo, andiyan na!" tumatakbong sinundan ko ito. Sinapit namin ang harap ng elevator. Namutla akong nakatingin sa pinto. "Seniorito, maghagdanan nalang kaya ako!"Isang mahinang ngisi ang pinakawala nito. "Are you nuts?" ani nitong nakapamulsang hinihintay magbukas ang pinto."Eh kasi seniorito—" tumingkayad ako sa tabi nito upang bumulong, "—nalulu

    Last Updated : 2023-09-06
  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   Afraid Of Darkness

    PAWISANang buong katawan na nagising si Aries mula sa kanyang malalim na pagka-idlip. Muli na naman siyang dinalaw ng kanyang masalimuot na nakaraan. It happened almost everynight.Marahas siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa kama.Napahilamos siya sa kanyang mukha habang pinakiramdaman ang sarili. Sanhi ng madilim nakaraan ay hindi magawa ni Aries na matulog na hindi nakabukas ang ilaw. Pakiramdam niya pagmadilim ang paligid niya ay lalamunin siya ng nakakatakot na madilim na kawalan. Aatakehin siya ng panic na tila baga hindi siya makahinga. Pakiramdam niya ay nakaka suffocate ang dilim.He is afraid of the dark.Nang mahimasmasan ang binata ay nagtungo siya sa banyo upang doon ibabad ang

    Last Updated : 2023-09-07
  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   Soft Side

    "SENIORITO—Bigla nalang ako nitong kinabig at niyakap na sobrang higpit. Dama ko ang panginginig ng katawan nito.Hindi ko maipaliwanag ngunit nakadama ako ng pag-alala para sa amo. Naalala kong mag-isa nalang ito sa buhay.Kailangan ba nito ng makaka-usap? Nakahanda akong makinig.Tinapik-tapik ko ang likod nito habang dinama ko ang yakap ng amo ko."Seniorito," mahina kong sambit.Tuloy bigla itong natauhan at kumalas sa akin saka nahihiyang nag-iwas ng tingin."It is not that I want to see you or whatever, it's just... that

    Last Updated : 2023-09-08
  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   The Sweet Delicacy

    NAPAPITLAGkami kapwa ni Gaspar nang may biglang bumahing sa likuran ng mayayabong halaman.Nahagip ng paningin ko ang gwapong amo ko. Mabilisan kong kinubli ang hawak na supot ng bibingka sa likuran ko at ganun din si Gaspar."Seniorito—Halos magkasabay naming bulyaw ni Gaspar.Nakita kong umayos ng tayo ang amo ko sabay na tumikhim. Pasimpleng naglakad itong nakapamulsa patungo sa kinatatayuan namin ni Gaspar."Magandang umaga po, Seniorito," si Gaspar nang makita ang amo."What are you both doing here?" nakataas ang babang tanong ni seniorito Aries. Nakatuon ang paningin nit

    Last Updated : 2023-09-09
  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   Beautiful Swan

    NATAGPUANko nalang ang sariling inayusan ng isang propesyonal make-up artist. Pakilala nito sa akin ay si Brenda.Nakaharap ako sa malapad na salamin habang pinahiran ng kung ano-anong kolorete ang aking mukha.Walang binanggit si seniorito Aries kung saan kami pupunta at kung ano ang gagawin ko. Basta ang sinabi lang nito may bayad ang gagawin kong to'.Basta may bayad marupok talaga ako at agad na sumang-ayon.Makalipas ang mahigit dalawang oras ay natapos din ang baklang si Brenda pagkulay sa mukha ko. Nang minulat ko ang mga mata harap ng malaking salamin ay halos hindi ko makilala ang sarili ko.Hindi naman masyadong kakapalan ang ma

    Last Updated : 2023-09-10

Latest chapter

  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   Epilogue

    NAGISING ako sa kalagitnaan ng madaling araw dahil gumagalaw na naman ang kambal namin ni Aries. Medyo nahihirapan akong makatulog dahil sa bigat at laki ng tiyan ko. Nasa pangatlong trimister na ako ng pagbubuntis ng kambal naming panganay.Hindi mapakaling bumangon ako't hinimas at pinakiramdaman ang munting anghel sa aking sinapupunan. Sobrang makukulit at galaw nang galaw dahilan upang mapadaing ako minsan dahil masakit."My wife," si Aries nang marinig ang d***g ko. Nagising ito mula sa mahimbing na pagkakatulog. Sumunod itong bumangon. "May masakit ba?"Malambing akong tumango na hinimas ang tiyan ko. "Gising na naman ang mga anak natin."Inangat ng asawa ko ang palad upang pakiramdaman ang tiyan ko. "Shhh, 'wag masyadong magalaw, little treasures nahihirapan si mommy," saway nitong inilapit ang labi sa tiyan ko saka hinalikan.Saglit ay humupa ang galaw sa tiyan ko. "Good, it seems they're smart like their dad," pagmamalaki nito.Napangiti ako saka ko piningot ang ilong ng asawa

  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   New Treasure

    New York...MATAMAN na nakatuon ang mata ni Juaquen sa kadadating lang na mensahe sa kanyang e-mail.Lee,"We are inviting you to celebrate the day when we take our next large step in the relationship. We promise you that the wedding will be magnificent. We would be incredibly grateful if you came to celebrate our love together with us!"Emena and AriesNang mabasa ang mensahe isang buntong-hininga ang pinakawala ni Juaquen. Matamlay niyang sinara ang laptop."Hindi niya ako nahintay dapit huli," mahinang bulong niya sa hangin. Kinuha niya ang kanyang mamahaling camera at saka tumalikod at iniwan ang malaking silid."YOU may now kiss the bride," si Father Rosales nang magtapos ang seremonya ng kasal.Puno nang kagalakan at sensiridad ang bumakas sa mata ni Aries habang sinuyod ako ng tingin."You look so beautiful in my eyes, my wife," puri nito na maingat na hinawi at itinaas ang belo na nakataping sa

  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   I will be and Forever

    PAGKAPASOK pa lang namin ng asawa ko sa silid ay tila nabibingi na ako sa tinding tambol ng puso ko."Now ready, yourself, my wife!" babala nito. Walang ingat na tinapon ako sa ibabaw ng kama. "Mr. Dankworth!" tili ko nang maramdaman kong lumapat ang katawan ko sa malambot na higaan."As I told you, I will rip every part of you, Emena no holding back," pilyong ngumiti ang asawa kong malagkit akong tinititigan.Nakita kong naging mabilis ang kilos nitong pinagkakalag ang butones sa suot na long sleeve.Ibig magwala ang katinuan ko nang lumantad sa mga mata ko ang makisig na pangangatawan ng asawa ko. Iniwan nito ang slacks pants. Umakyat at gumapang ito patungo sa akin pagkatapos.Kinabahang napasandal ako sa headboard ng kama. Hindi ako nito nilubayan ng titig hanggang sa nakalapit ito nang tuluyan. Ang mga titig nito ay nagliliyab ng pagnanasa."Now, take that dress off, my wife" diin na utos nito."A-Aries—"

  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   Millions Vs. Priceless

    LULANng taxi ay ibig kong sabunutan ang sarili. Ba't ba ang tanga-tanga ko?Paano ko haharapin ang lalaki ngayon? Anak ng!Hinuhusgahan ko ang pagkatao nito. Hindi ko man lang inalam ang lahat."Manong, bilisan n'yo po," utos ko sa tsuper ng taxi.Kailangan maabotan ko si Mr. Dankworth sa condo. Mag-alas siyete na ng umaga. Sigurado akong papasok na 'yon ng opisina.Hindi naman nagpatumpik-tumpik ang dryaber at mas pinatulin ang takbo ng taxi.Narating ko ang condo ng halos walang isang kisap mata ngunit nagkasalubong ang sinasakyan namin ng sadya ko. Sigurado akong lulan ang lalaki sa magarang kotse na papalabas ng condominiun."Manong, sundan n'yo po ang kotseng 'yon," nanggigil na utos ko."Ening—"Sige na manong kailangan ko lang mahabol ang lulan ng kotseng iyon," mangingiyak na wika ko.Sumusukong pinag-unlakan ako ng drayber at pinahaharurot nga ang kotse. Ibig maiwan ang kalulu

  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   Take Me

    ATATna marating ang aming lugar ay pumara agad ako ng taxi. Kaka-out ko lang sa trabaho nang tumawag si Wena. Saad ng kaibigan ko na sinimulan na ang demolition sa lugar namin.Pagkababa ko pa lang sa kanto ay bumulaga na sa'kin ang mga residente na nagkakagulo. Sinimulan nang baklasin ang mga bobong na yero ng ibang mga bahay kasama na ang bahay nila Wena. Nakita kong umiiyak na si Aling Pasing ang nanay ni Wena habang pinanuod ang unti-unting pagkasira ng kanilang bahay."Maawa po kayo, itigil n'yo ang pagsira ng bahay namin," umiiyak na sigaw ni Aling Pasing sa mga tao na galing sa lokal na pamahalaan na sinimulang baklasin ang kanilang munting tirahan. Subalit tila walang naririnig ang mga ito at pinagpatuloy ang demolition."Menang," si Wena n

  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   Unforgotten Feelings

    NANGANGATOGpa rin ang tuhod ko na sinapit ang lobby. Nakita ko agad si Wena na naghihintay sa akin sa isang sulok. Nang namataan ako ng kaibigan ay maagap at sinalubong agad ako."Menang, ano na?" si Wena na may langkap na pag-alala ang boses.Nanghihinang umiling-iling ako at saka na-upo sa bakanteng upuan. Kinalma ko sarili dahil kanina ko pa gustong mahimatay sa tinding kaba sa bumungad sa akin sa opisina.Paanong si Seniorito Aries ang pakana ng demolition sa aming lugar? Kung tutuusin ay naging parte ang lalaki sa lugar namin kahit sa panandaliang panahon.How dare he? Paano pagnalaman ito ni inay?"Ano na ang gagawin

  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   Alibi

    "MENANG! Menang!" si Wena ang kapitbahay at kaibigan ko. Kababa ko pa lang sa traysikel na sinasakyan ko. Galing pa akong opisina. Mahigit isang taon na akong nagtatrabaho bilang sekrtarya sa isang Real Estate Company."Wena, bakit?"Napansin kong hindi mapakali si Wena na sinalubong ako."May mga tao galing sa lokal na pamahalaan, Menang," saad ni Wena nang makalapit sa akin. "May inaanunsiyo na nabili na daw ang lupain sa kinatitirikan ng ating mga bahay at e-di-demolish na raw ang lugar natin sa susunod na buwan," nahihimigan ko ang tinding hinagpis sa boses ng kaibigan.Hindi ko masisi si Wena dahil ang pamilya nito ay gaya ko'y sadlak sa kahirapan. Panganay ito sa anim na magkakapatid at ang ama ay isang traysikel drayber at ang ina ay manikyurista. Nagtratabaho si Wena bilang kahera sa isang convenience station bukod do'n ay wala ng iba pang pinagkuhanan ang pamilya sa pang-araw-araw na pangangailangan. Wala itong ibang matatakbuha

  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   As a Maid or As a Woman

    MATAMLAY at walang gana na nakaharap sa monitor si Aries sa loob ng kanyang opisina. Panay pakawala na lang niya ng hininga.It's been a week since Emena left, and the days aren't going well. He tried to reach her the night she left, yet she left the phone at his condo.He wanted to go to her place, but what's the point? She already tendered her resignation. She cuts the ties between them.Whether he admitted it or not, he missed his maid a lot, her alluring smile, her annoyed face, everything about her. Very stupid, but yes, he misses her... like an idiot.Tila ba pakiramdam niya ay may bahagi sa pagkatao niya ang binitak at naiwan siyang may kulang.Sunod-sunod ang kanyang buntong-hininga. Inikot niya ang swivel chair paharap sa magandang view ng siyudad. Pinakiramdaman niya ang sarili.Makalipas ang ilang saglit ay nakarinig siya ng katok mula sa pinto."Come in," matamlay na turan ni Aries na hindi inabalang har

  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   Heart Vs. Goal

    SUNOD-sunod na buntong hininga ang pinakawalan ko habang isinilid ang liham sa loob ng maliit na sobre.Matamlay kong tinitigan ang envelope.Sigurado na ba talaga ako sa gagawin ko?Buo na ba talaga ang desisyon kong lisanin ang trabaho ko?Aminin ko nag-atubili akong iwan ang trabaho ko. Pero kahit na gano'n dapat maging matapang akong na tanggapin ang hinaharap. Ang panahon ay dumarating at lumilipas.Sa pagkakataong ito na may magandang oportunidad. Sunggaban ko na para sa ikabubuti ng buhay ko. Utak muna bago ang puso.Yes, dapat ganyan, Emena!Pinapalakas ko ang sarili ngunit muli akong napabuntong hininga nang masuyod muli ang hawak kong resignation letter.Mariin kong pinikit ang mga mata, kailangan magising ako sa kahibangan ko.Kahit saang anggulo titingnan, balik baliktarin man ang mundo ay hin

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status