Chapter fifteenSamanthaPapasok na sana ako ng mapansin kong may bisita si kuya Jiro, napakaaga naman? Pero mukhang hindi siya sa kompanya niya galing parang doktor?Bakit pupunta sa kwarto ni kuya Jiro?Sumisilip ako kaso hindi naman gaanong bukas yung pinto kaya wala akong mabalitaan tungkol kay kuya Jiro, sa pananaw ko lang naman parang doktor yung pumasok sa kwarto niya.Mukhang okay naman siya kahapon pero hindi ko na siya nakausap o nakita noong gabi maaga siyang nagpahinga or late siya umuwi? Ewan hindi ko siya napansin kagabi.Para kaseng doktor yung pumasok, hula ko lang kaya kinabahan ako baka kung anong nangyari kay kuya Jiro.Hindi tuloy ako mapakali, ayaw ko naman makisilip, magkunwari kaya ako na kakausapin si kuya Jiro? Kaso ano namang idadahilan ko?Gusto ko lang naman malaman ang lagay niya. Wala akong mapagtanungan dito maliban kay manong Domeng na nasa loob din ata ng kwarto ni kuya Jiro.Yung mga kasambahay naman walang alam mga to.Malalate na ako kailangan kong
Chapter sixteenSamanthaIsang araw lang ang sakit ni kuya Jiro, mukang magaling na siya, kanina kase nakita kong nakabihis siya at papunta nanaman sa kompanya niya, mas maaga pa siyang papasok sa akin.Baka nga mamaya maglecture na siya sa amin, grabe napakaworkaholic niya.Baka mabinat siya sa ginagawa niya, isang araw lang na pahinga matapos magkasakit, ang hirap ata nun, kung sabagay napakabusy niyang tao, kulang ang isang araw niya sa lahat ng kailangan niyang gawin.Nag aalala lang ako dahil baka bumalik ang sakit niya, makikita ko naman siya mamaya sa campus.Habang naglalakad ako papunta sa may building namen may napansin akong lalake na nakatitig sa akin, pero hindi ko siya mamukhaan, nasa malayo palang siya nakikita ko na siyang nakatitig sa akin, nakahinto siya sa may gilid ng bench at mukhang may inaabangan.“Hey!” akala ko may iba pa siyang tinitignan sa akin noong medyo nakalapit na ako sa kaniya, kanina nag aalangan pa ako kung ako ba ang tinitignan niya o hindi pero na
Chapter seventeenSamanthaMaaga akong makakauwi mamaya kas busy ang mga professor ko, si kuya Jiro nga lang halos ang papasokan ko, ayaw naman niya magsuspend ng klase papasok daw siya.Napakasipag na professor, kung sabagay siya na last subject ko for today at maaga ako makakauwi mamaya hindi naman nakakaantok ang klase niya, matitigan ko lang itsura ni kuya Jiro, gising na gising na ako.Tinitignan ko nga mga classmate kong lalake halos antukin sila kapag si kuya Jiro ang nagklaklase pero kaming mga babae gising na gising at titig na titig sa kaniya.Pagkatapos ng klase ni kuya Jiro nakisabay ako sa kaniyang lumabas ng klase kaso hindi niya ako napansin, agad niyang kinuha ang phone niya at may biglang kinausap.“Yeah, later, susunduin na lang kita, nakakahiya naman ako na bahala, sige kita na lang tayo.”Bigla akong nacurious sa sinabi niya, sinong kikitain niya mamayang 6pm? Naalala ko yung sinabi niya na may dinner date sila nung Ericka ba yun? siya kaya yung kausap niya?Nakaka
Chapter eighteenSamanthaHindi pa rin ako makaget over sa babaeng kasama ni kuya Jiro noong nakaraang gabi, girlfriend na ba niya yun? o nililigawan pa lang?Ayaw ko naman magtanong, nakakahiya baka kung ano pa isipin niya sa akin.Kung kay manong Domeng naman baka isipin nangengealam ako, hays bakit ba hindi sila mawala sa isipan ko.“Basta sa bahay tayo mamaya, kailangan natin matulog doon para matapos natin agad.” Sabi nitong team leader namin, naggroup kase kami into two at hindi ko naman ginustong mapasama sa group kung saan nandoon si Jude.Hindi naman kase kami yung namili kung hindi yung professor para daw makicooperate lahat, kase kapag kami ang mamimili ng kagroup namin malamang ang pipiliin namin kung saan kami komportable.Kaso ako? wala naman akong gaanog kaclose sa kanila ayos na rin to kaso mag oovernight? Kasama si Jude?“Kita na lang tayo mamaya sa tapat ng convenient store ha? Mga seven ng gabi.”Kailangan ko rin magsabi kay kuya Jiro tungkol dito, papayag naman sigu
Chapter nineteenSamanthaYung pakiramdam ko sa sasakyan kasama si kuya Jiro mas matinding kaba kesa yung may tatlong lasing na lumapit sa akin.Hindi siya umiimik at maski ako hindi rin umiimik, hindi nga ako halos makakurap sa sobrang tulin magmaneho ni kuya Jiro makarating lang kami sa mansyon.Pagdating namin doon deretso lang din siya sa loob, maski ako ganun din, kaso yung ibang gamit ko naiwan sa bahay ng classmate ko, bakit kase iniwan nila ako sa may KTV? Siguro lasing na din ang iba sa kanila.Malapit na ako sa kwarto ng huminto si kuya Jiro sa paglalakad. “Lasing ka ba?”“Huh? Hindi naman.”“Amoy alak ka.”“Hindi ako uminom kuya Jiro promise.” Tumingin lang siya sa akin ng nakakunot ang noo.“Mag usap tayo bukas, magpahinga ka na.” umalis na siya at deretso pasok sa kwarto niya.Napakagat na lang ako ng labi at inaalala kung papagalitan niya baa ko bukas? Anong oras na din kase ngayon mag aalauna na ng madaling araw.Nabasa kaya niya yung sinabi ko sa kaniya sa text? Nagpaa
Chapter twentyJiro“You like her?”“No.”“Seryoso boss hindi mo gusto si Ericka?”“I said no.”“Ang gandang babae nun boss pero dinidate mo?”“As a friend, bawal ba makipagdinner sa kaibigan ko?”“Hehehe.”Bakit ba masyado nilang binibigdeal ang paglabas namin ni Ericka, noon nga sa canteen sabay kaming kumakain pero wala namang malisya.Masyado lang mataba ang mga utak ng tao ngayon, nilibre ko lang siya dahil yun ang pinangako ko sa kaniya noong nakaraan, nagkwentuhan lang din kami.“Nasaan si Sam?”“Pumasok na po sir.”Hindi man lang dumaan dito, dati pumupunta pa siya dito para magpaalam, deretso na rin ako sa opisina dahil marami akong kailangan asikasuhin.Sobrang dami kong gagawin, hindi ako nagpaistorbo sa ibang tao, hindi ako tumatanggap ng bisita except for Sam, alam kong emergency kapag siya na ang pumunta dito, bilin ko yun sa baba.Hindi ko namalayan ang oras lalo pa at marami akong ginagawa, halos mag aalas onse na ng gabi ako natapos, hindi rin ako iniwan ni manong Dom
Chapter twenty oneSamanthaHindi ko malaman kung magkakagrade baa ko sa subject na iyon kase naman pinapunta niya ako sa opisina niya at pinareport mag isa? Yung mga kasamahan ko kaya ganun din ang ginawa?Pero sigiro oo, tignan na lang namin ngayon kase kuhanan na ng grades. May portal kami dito sa campus at makikita agad namin yung grades namin tsaka namin ipapahard copy para maipakita sa guardian, kinakabahan ako dahil baka makita ni kuya Jiro na may blanko akong grades.Mag isa ko lang kumuha ng grades syempre pinindot ko na student number ko at tinignan ang grado ko, laking gulat ko ng ang taas ng grades ko at lalo na doon kay sir na pinareport ako mag isa.“Sa akin ba talaga to?” masaya ako na nagtataka, oo yung ibang subjects ko pinaghirapan ko talaga at natutuwa ako sa resulta, nagtataka lang ako dito sa grades ko sa isang subject ang taas, ganito rin kaya yung sa iba?Inayos ko na lahat at nilagay sa bag ung hard copy ng grades ko para maipakita kay kuya Jiro, infairness ang
Chapter twenty twoSamanthaWeekend kaya wala kaming pasok at maganda ang gising ko dahil ang tataas ng grades ko tapos wala pa akong inaalalang subject na babalikan ko.Ang sarap lang sa pakiramdam kaso sabi nila kapag masaya daw kapalit nun lungkot, huwag naman sana.Lumabas na ako ng kwarto para makapag almusal at makatulong sa mga gawaing bahay lalo alam nilang wala akong pasok ngayon.“Gising na yung prinsesa natin.”“Ipaghanda mo na daw ang kamahalan.” Nakasalubong ko yung dalawang kasambahay na naiinggit sa akin, ang aga aga naninira ng araw pero syempre kunwari hindi tayo affected kaya ginawa ko silang hangin, dinaanan ko lang.Kahit pala sabihing hindi affected nakakasakit parin ang mga salitang naririnig ko.Hindi ko muna pupuntahan si kuya Jiro baka sabihin nanaman nila nagpapapansin ako at sipsip, uunahin ko munang kumuha ng tinapay at gatas doon na lang ako sa garden kakain para naman makatulong ako sa nagdidilig ng bulaklak.“Magandang umaga po.”“Oh Sam, magandang umaga
Chapter fortySamanthaPaglabas ko ng kwarto napatitig sa akin si kuya Jiro, tapos tumingin siya bandang ibaba. Huwag maging malisyoso yung paa ko tinitignan niya.“Sumama ka sa akin.” Bigla niyang sinabi.“Saan kuya?”“Basta.” Hindi ako lumalakad kaya naman hinila niya ang kamay ko upang sumama sa kaniya, hindi ko naman kase alam saan pupunta, nakasapatos na ako at ready na pumasok pero maya maya pa naman ang klase ko, wala yung first and second subject ko.Nagpahila na lang din ako at sa kotse ako dinala. “Saan tayo pupunta kuya?”“Bibili ng sapatos.”“Sapatos?”“Mo.”Napatingin ako sa sapatos ko, medyo nabubutas na pala ang harapan nito, kaya pala napatingin si kuya Jiro sa bandang ibaba dahil tinitignan niya ang sapatos ko, nakarubber shoes kase ako.Nahiya tuloy ako, tinago ko ang paa ko at umupo ng maayos. “Hindi ka bumili ng bagong sapatos.”“Ayos pa naman tong sapatos ko kuya Jiro.”“Masisira na.”Deretso kami sa mall, mamahaling mall pa talaga kami pumunta at kilala ata si ku
Chapter thirty nine Samantha Weekend ngayon kaya tambay sa bahay, hindi daw muna papasok ngayon si kuya Jiro, gusto rin magpahinga kaya makakapagpahinga din ako. Kaso hindi naman pwedeng late magising dahil kailangan ko rin pagtrabahuan yung allowance ko na binibigay ni kuya Jiro sa akin, kahit hindi niya iutos na pagtrabahuan ko yung allowance ko ay ginagawa ko parin. “Magandang umaga kuya!” “Magandang umaga Sam!” “Aba! Masaya ang prinsesa ni boss.” Pang aasar nila sa akin, nandito ako sa garden, sanay naman ako matawag ng ganiyan kahit nakakailang, ngumingiti o tumatawa na lamang ako. Prinsesa ni boss, ang sarap pakinggan prinsesa ni Jiro. Tumutulong lamang ako sa kanila hanggang maglunch, ayaw ko kase tumulong sa loob ng bahay dahil ang daming nakakairita doon, wala naman akong ginagawa sa kanila pero nararamdaman ko na ayaw nila sa akin kaya dito ako palagi sa labas tumutulong. Naghahakot din ako ng mga tuyong dahoon, kahit mainit dito atleast hindi mga peke ang mga nakaka
Chapter thirty eightSamanthaPara akong naging Cinderella ng ilang minuto dahil sa pagtakas namin ni kuya Jiro, maski naman ako pagkaupo ko gusto ko na umuwi, iba kase yung datingan sa akin ni Roderick ngayon, basta may kakaiba nararamdaman ko, itong si kuya Jiro naman naging best actor na sa kagustuhan ding tumakas.Mabuti na lang understanding si Riri paano may boylet na kasama hahaha mabait naman si Baste at nandoon din si Rod kaya ayos lang, hindi naman siya maglalasing.Sa ngayon hindi na ako si Cinderella, back to reality na ako, may pasok na rin kaya kailangan kong gumising ng maaga at gumayak ng sarili.Mamayang uwian deretso nanaman ako sa kompanya nila kuya Jiro, kahit papaano naman maayos ang trabaho ko doon sinasamahan naman ako ni manong Domeng sa gawain, at nakasahod na rin ako, dinagdag ni kuya Jiro sa allowance ko yung sahod ko, inalagay niya na lang sa account ko, parang sobra pa nga ang binigay niya sa akin.Makakapag ipon ako nito kaso nga lang kapa malapit na ang
Chapter thirty sevenSamanthaNabanggit ni Erick yung tungkol sa anniversary ng company nila kaya itong si Riri atat na atat sumama, hindi ko naman siya pwedeng tanggihan lalo inimbita din siya.Inimbita din naman si kuya Jiro kaso yung ate ni Erick na si Ericka.Alam ko pupunta si kuya Jiro kase close ata ang family nil ani Ericka lalo pagdating sa business, ano namang kinalaman ko doon? Hays bisita lang ni Erick, kay Riri na lang ako makikisabay.Naghanap kami ni Riri ng pwedeng maisuot sa bahay niya, mabait naman family niya at pinahiraman nila ako ng damit at sapatos na maisusuot.“Salamat ha.”“Sunduin na lang kita bukas dito sa may labas ng village.”“Okay sige.”Hindi siya makapasok sa village kase naman kailangan may tawagan pa sa loob na kakilala, hindi naman pwedeng ako kase kailangan yung may ari mismo ng bahay.Ganiyan kahigpit sa village dito lalo puro mayayaman ang nakatira.Isa na doon siyempre si kuya Jiro. Speaking of kuya Jiro, pupunta kaya siya? Siguro pupunta yun ,
Chapter thirty sixSamanthaMabuti na lang hindi na gaanong masakit itong paa ko, makakapasok ako ngayon at ihahatid naman ako, kaya ko na rin maglakad kaso dahan dahan lang, hindi muna ako pwedeng magsapatos kaya yung sandals ko na komportable ang isusuot ko.“Ako na maghahatid sayo, papunta din ako sa campus niyo.” Sabi ni kuya Jiro sa akin.Maganda ang mood niya, maaga kase ang klase namin sa kaniya kaya maaga din siyang papasok pero hindi siya ang first subject namin.Ngumiti lang ako, hindi niya ako inalalayan pero ayos lang hahaha nasanay na ata akong ginagawang prinsesa ni kuya Jiro hahaha.Kahapon kase hindi ko din makalimutan yung ginawa niya, binuhat niya ako na parang kakakasal lang namin, ano ba yan bakit kinikilig ako!Nawala na sa isip ko yung nakita kong pagbaril niya sa lalake, natabunan ng kilig, ang bango niya kase tapos ang sweet pa ng ginawa niya, imbis na alalayan lang ako binuhat naman na niya ako papunta sa kotse.Napansin ko ang sarili ko na nakangiti habang na
Chapter thirty fiveSamanthaInaalala ko si kuya Jiro ngayon, kase alam ko ang halos karamihan sa mga lalake mahilig gumanti, palalampasin na lang kaya niya yung ginawa nila sa kaniya?Hindi naman galit sa akin si kuya Jiro, akala ko kase ako ang masisisi kapag nabugbog siya pero hindi naman, sobra lang akong natuwa dahil may nagcocomfort sa akin na lalake kahit papaano.May gagawin sana ako ngayong araw pero may napansin akong kakaiba, may mga tauhan si kuya Jiro dito sa mansyon na hindi ko madalas makita.Nagtaka ako dahil hindi naman nagagawi ang mga ganung tauhan ni kuya Jiro, iba ang suot nila parang mga body guward niya.Hindi lang iisa ang nakita ko, ang iba nasal abas ng mansyon pero hind isa mismong harap kundi sa may bandang likod na parang may binabantayan.Tapos may nakasalubong pa akong ibang mga tauhan niya, anong nangyayari? Bakit nasa bandang likod sila, hindi ko sana mapapansin iyon kung hindi ako dumaan sa may gilid kase naman glass ang pader kaya kita sila, ako lang
Chapter thirty fourJIROIto yung unang beses na may tumadyak sa akin, hindi ko mapapalampas to, ang sakit ng buong katawan ko pero kaya ko pa naman kumilos.“Kinaya ka talaga ng lima?” tawang tawa si manong Domeng sa akin.“Huwag mo kong kausapin.”“Hahaha Jiro ikaw ba yan?”“Tumigil ka alam ko alam mo rason kung bakit.”“Hahaha oo naman kaso pwede mo naman sila dalhin sa malayong lugar at doon labanan.”“Naunahan ako, wala akong nagawa.” Kung umalis lang si Sam ng oras na iyon napatay ko na silang lahat kaso naunahan ako, hindi ko naman siya sinisisi dahil alam kong natatakot siya at natataranta.“Ganyan talaga kapag napapamahal na.”“Anong sabi mo?”“Napapamahal kako yung napapalapit ganon tapos ano umm, basta yun na yun mahirap na bitiwan.” Yung ngiti niya parang nang aasar.Ginawa ko lang kung anong dapat, alangan pabayaan ko si Sam, mga walang kwentang tao sa Lipunan ang mga nandoon maghintay sila ng oras nila ng malaman nila kung sino ang binangga nila.Hindi na ako sumagot sa
Chapter thirty threeSamanthaHinihigit ko ang aking mga braso kaso ang higpit ng pagkakahawak nila sa akin, nakatingin si kuya Jiro sa akin ngayon.Ayos lang ako kuya, lumaban ka, labanan mo sila. Yan ang gusto kong sabihin kaso natatakot ako dahil baka kung anong gawin nila kay kuya Jiro.“Bakit.” yan lang ang nasabi ko habang nakatitig siya sa akin, nanlalamig ang mga paa at kamay ko, hindi na dahil sa phobia ko ito, dahil na rin sa takot ko.“Pumikit ka na lang.” yan ang huling sinabi ni kuya Jiro sa akin bago siya pinagtulungan ng mga lalake na bugbugin.“Tama na!” sigaw ko, iisang lalake na lang ang nakahawak sa magkabilang braso ko pero hindi ako makawala dahil ang higpit ng pagkakahawak niya.Tinatakpan na lang ni kuya Jiro ang kaniyang mukha pero sinisipa siya ng mga lalake habang nakaluhod siya, hindi ko malaman kung napuruhan na ba ang mukha niya pero mahigpit niya itong tinakpan at ang katawan niya ang binugbog.Hindi ko matiis na makita siyang ginaganyan kaya naman pinili
Chapter thirty twoSamanthaMaayos naman ang naging trabaho ko kay kuya Jiro, wala naman siyang reklamo at si manong Domeng naman magaling umalalay sa akin.Sakto weekend na kaya naman naisipan kong ayain si kuya Jiro na pumuntang perya, ito kase yung pagkakataon na hindi ako masyadong pagod.Kapag weekdays nakakapagod din kahit na nasa school ka at nakikinig. “Kuya gusto mo bang pumunta ng perya mamaya?”“Perya?”“Yung nakita natin na may maraming ilaw sa daan.” Hindi siya umiimik. “Pwede din.” Ayun pumayag na din.“Ako gusto ko!” sigaw ni manong Domeng. “Ay may pupuntahan nga pala ako.” biglang nagbago isip niya, ang bilis ah, akala ko gusto niya sumama.Natuwa ako dahil makakapunta akong perya tapos may kasama akong may pera hahaha biro lang gusto ko lang din ipasyal si kuya Jiro.Si manong Domeng parang gusto ata sumama kaso saan naman kaya siya pupunta? Maaga kami umalis dito sa kompanya dahil may pupuntahan kami ni kuya Jiro, hindi pa kami ng dinner pero nagmeryenda kami paano k