CHERRY'S POV "COME ON, Gareth. Lasing ka na, tayo na at ihahatid na kita sa kwarto mo," sambit ni Cherry habang pilit na inaalalayan ang pasuray-suray na si Gareth dahil sa kalasingan nito. Kaninang pag-alis nina Sam at Drake, muling bumalik sa pag-iinom ang lalaki at nagpakalango sa alak na wari ay sinasadya iyon upang mawala ang galit na nararamdaman. Tanging si Gareth lamang ang nakakaalam sa kung anong nararamdaman nito nang mga sandaling 'yon. Ang tanging nakikita lamang ni Cherry sa lalaki nang mga oras na 'yon ay galit patungkol sa dalawa. "Damn that woman! Damn that asshole!" Paulit-ulit na bulong ni Gareth na halos hindi na makatayo ng diretso ngunit sige pa rin sa paglagok sa bote ng alak na hawak, hangang sa mapaupo na ito sa buhanginan. "Bakit hindi mo na lang hayaan ang babaeng 'yon. She chose that man and-" "Shut up! I don't wanna here something about them!" Wika ni Gareth sa pabulol-bulol na salita. Natahimik si Che
"HABULIN niyo! hindi pa 'yon nakakalayo!" Dinig na dinig ni Samantha ang boses ng isa sa mga lalaking kumidnap sa kaniya, dahil doon mas binilisan pa niya ang pagtakbo upang makalayo sa mga ito. Nagkaroon siya ng pagkakataong makatakas nang binuksan ng isa sa mga lalaki ang pintuan ng kinaroroonan niya, buong lakas niya itong hinampas sa may mata pagsungaw ng ulo nito dahilan upang panandalian itong hindi makakita. Wala siyang sinayang na pagkakataon at agad siyang tumalilis. Pinutol na rin nga niya ang bandang ibaba ng kaniyang suot na wedding gown para makatakbo siya. Hindi alintana ni Samantha ang sukal at ang mga kahoy na tumutusok sa hubad niyang paa, ang dapat niyang isipin ay kung paano makalayo sa mga lalaking halang ang mga bituka! "Tulong!" Sigaw niya sa kaniyang isipan, baka sakaling madinig siya ng Diyos at iligtas siya. Ayaw pa niyang mawala sa mundo at gusto pa niyang makita si Gareth at maikasal dito. Sa kakatakbo ni Samantha sa kas
SAMANTHA WALTON screamed after her driver stopped the bridal car she was in. "Oh My Gosh! What is it, Mang Narding?" She almost fell off her seat because of what happened. For God's sake! Kailangan ng dobleng ingat dahil ikakasal pa naman siya ngayong araw at ito na nga't papunta na sila sa simbahan. "Pasensya na po señorita, may itim na kotse po kasing humarang na lamang bigla sa daraanan natin." Halata sa tinig ng matanda ang kaba. A loud gunshot was heard shortly. Samantha gasped as she saw Mang Narding flinch from the gunshot wound to his shoulder and noticed the shattered glass on the side of the driver's seat. Another gasped escape her mouth when the car door opened. She could not help but scream in fear as the stranger pointed the gun at her. MEANWHILE... SOMETHING fluttered in Gareth's chest, the moment he saw the strange look on his mother's face as she walked towards him. Gareth knew, it was a bad news. Hindi niya kayang mag-entertain ng
"SAMANTHA sigurado ka ba sa sinasabi mo?" Halata sa boses ni Gareth ang kakaibang kaba. Dalawa lamang sila ni Samantha sa isang tree house na sakop ng Hacienda Walton. Ang hacienda na pagmamay-ari ng pamilya nina Samantha. "Oo, Gareth. Angkinin mo na ako ngayon..." mapang-akit ang tinig ng dalaga, pero hindi maitago ng mga mata nito na tila may bumabagabag dito. "P-pero maari naman nating gawin ito pagkatapos ng ating kasal. Ikakasal na tayo sa susunod na linggo," sambit ni Gareth at hinawakan sa kabilang pisngi ang katipan. Ginagalang niya ang dalaga at nais sana niya itong angkinin pagkatapos niya itong iharap sa altar. "Please?" May himig pakiusap ang tinig ni Samantha. Lalong may kung anong pagdududang nadama ang binata. Kilala niya ang kasintahan, hindi ito ganoon at masyado itong konserbatibo, ba't ngayon ay tila nagmamadali itong magpa-angkin sa kanya? "Hindi kita maintindi--" naputol ang pagsasalita ni Gareth nang bigla
After Five Years... "GIVE me a kiss, c'mon!" tawag ni Samantha kay Graciella. Lumuhod pa siya at sinalubong nang tumakbo ito papalapit sa kaniya. "You're so sweet, Graciella!" ani Samantha rito at niyakap ng mahigpit ito. Ganoon din ang ginawa ng limang taon na si Graciella. Kinarga niya ang anak at nagtungo sila sa malawak na living room ng kanilang mansion. Ang masion nila rito sa manila na halos kasinlaki ng mansion nila sa hacienda. "Oh, ang aga mo yata, hija? Akala ko ba ay may meeting ka?" Napatingin si Samantha sa kaniyang madrasta na pababa sa matarik na hagdan. Mapostura ito at halos suot yata nito ang lahat ng alahas. Habang hawak nito sa kabilang kamay ang mamahaling Prada bag nito na hiningi sa kaniya bilang regalo sa ika 50th birthday nito noong nakaraang buwan. Mukhang may lakad ang kaniyang madrasta at himalang hindi kasama ang anak na si Carmela. Nginitian niya ang madrasta. "Umurong ho sa meeting ang foreign investor na ka
ISANG putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid dahilan upang mapapitlag at manginig sa takot si Samantha. Kita ng dalawang mata niya ang pagkabasag ng salamin sa gilid ng driver seat at napasigaw nang makita na lamang niyang bumulagta ang isang lalaki na nasa driver seat, dahil sa tama ng baril sa may balikat nito. Patuloy ang malakas na pagsigaw ni Samantha at halos mawalan na siya ng ulirat sa tindi ng takot na kaniyang nararamdaman nang mga sandaling 'yon. "Mang Narding!" Sigaw niya sa lalaking nakaupo sa driver seat at tila wala ng malay dahil sa tama ng baril. "Who are you?!" maya-maya pa ay gilalas na tanong ni Samantha, matapos sapilitang binuksan ng isang nakamaskrang lalaki ang pintuan ng sasakyang kinalululanan niya. Alam ni Samantha, kahit magsisigaw siya ay walang makakarinig sa kaniya. Liblib ang bahaging kinaroroonan nila. Walang masyadong dumadaan na sasakyan. Natatakot siya dahil malaki ang katawan ng lalaki at may dalang baril na
"IKAW na muna ang bahala kay Graciella, Toneth ah? May aasikasuhin lang ako," banayad na bilin ni Sam kay Toneth- ang yaya ng kaniyang anak. "Yes po, Ate Sam. Mag-ingat po kayo," anito naman na may ngiti sa labi. Kung pagmamasdan talaga ay hindi mukhang Yaya si Toneth, dahil sa taglay nitong ganda na gustong-gusto niya. Ilang beses na nga niyang inalok ito ng puwesto sa kompanya nila, pero mas pinili nitong maging yaya ni Gracie, bagay na ipinagpasalamat naman niya, dahil kampante siya ritong iwanan ang kaniyang anak. Nginitian niya ito pabalik at sinulyapan pa ng minsan si Graciella na mahimbing pa rin ang tulog nang mga oras na iyon. Marahan siyang lumabas mula sa silid ng anak at bago tumungo sa garahe ay kinuha niya muna ang kaniyang tumbler na may kape. Oh yes, she's a coffee sucker. Pakiramdam niya ay hindi kumpleto ang araw niya kung hindi siya makakainom ng kape. Anyway, bibili siya ng bagong office table niya ngayong araw, nais niyang palitan na ang
MULA sa pagkakayukyok sa kaniyang mesa, marahang iniangat ni Sam ang ulo nang marinig si Martina sa Intercom. Nakaidlip siya dahil na rin siguro sa pagod these past few days. Bigla tuloy siyang nahiya sa kaniyang sarili, dahil wala sa karakter niya ang mag-idlip idlip sa oras ng trabaho. "Yes, Martina?" "A certain Mr. Sebastian is looking for you, Ms. Walton." Nangunot ang noo ni Sam. He is not familiar, sa pagkakaalam niya ay wala siyang appointment sa Mr. Sebastian na sinasabi nito. "Sebastian? Sebastian who?" "Gareth Sebastian." Biglang tila may lumagabog sa dibdib ni Sam nang marinig ang buong pangalan na iyon. Naroon na naman ang pamilyar na kabang nararamdaman niya sa tuwing maririnig o mababasa ang pangalan na iyon. Anong ginagawa ni Gareth Sebastian sa kaniyang opisina? Napalunok muna nang sunod-sunod si Samantha. She cleared her throat before talking again. "Kindly ask him to set an appointment first, Martina. I am busy
"HABULIN niyo! hindi pa 'yon nakakalayo!" Dinig na dinig ni Samantha ang boses ng isa sa mga lalaking kumidnap sa kaniya, dahil doon mas binilisan pa niya ang pagtakbo upang makalayo sa mga ito. Nagkaroon siya ng pagkakataong makatakas nang binuksan ng isa sa mga lalaki ang pintuan ng kinaroroonan niya, buong lakas niya itong hinampas sa may mata pagsungaw ng ulo nito dahilan upang panandalian itong hindi makakita. Wala siyang sinayang na pagkakataon at agad siyang tumalilis. Pinutol na rin nga niya ang bandang ibaba ng kaniyang suot na wedding gown para makatakbo siya. Hindi alintana ni Samantha ang sukal at ang mga kahoy na tumutusok sa hubad niyang paa, ang dapat niyang isipin ay kung paano makalayo sa mga lalaking halang ang mga bituka! "Tulong!" Sigaw niya sa kaniyang isipan, baka sakaling madinig siya ng Diyos at iligtas siya. Ayaw pa niyang mawala sa mundo at gusto pa niyang makita si Gareth at maikasal dito. Sa kakatakbo ni Samantha sa kas
CHERRY'S POV "COME ON, Gareth. Lasing ka na, tayo na at ihahatid na kita sa kwarto mo," sambit ni Cherry habang pilit na inaalalayan ang pasuray-suray na si Gareth dahil sa kalasingan nito. Kaninang pag-alis nina Sam at Drake, muling bumalik sa pag-iinom ang lalaki at nagpakalango sa alak na wari ay sinasadya iyon upang mawala ang galit na nararamdaman. Tanging si Gareth lamang ang nakakaalam sa kung anong nararamdaman nito nang mga sandaling 'yon. Ang tanging nakikita lamang ni Cherry sa lalaki nang mga oras na 'yon ay galit patungkol sa dalawa. "Damn that woman! Damn that asshole!" Paulit-ulit na bulong ni Gareth na halos hindi na makatayo ng diretso ngunit sige pa rin sa paglagok sa bote ng alak na hawak, hangang sa mapaupo na ito sa buhanginan. "Bakit hindi mo na lang hayaan ang babaeng 'yon. She chose that man and-" "Shut up! I don't wanna here something about them!" Wika ni Gareth sa pabulol-bulol na salita. Natahimik si Che
"DRAKE, kanina ka pa ba diyan?" Napatingala si Sam sa bagong dating, pilit na binago ng babae ang ekspresyon ng mukha upang hindi mahalata ni Drake ang nararamdaman niya nang mga sandaling 'yon. Nagpamulsa si Drake at tinitigan si Sam na animo'y pinag-aaralan ang mukha nito na tila nais nitong basahin ang emosyon niya. Mabilis na nag-iwas ng tingin ang babae at ibinaling sa maalon na dagat ang paningin. "She said something to you, am I right?" Pagkadaka'y saad ni Drake na hindi pinuputol ang pagkakatitig kay Sam na nanatiling nakaupo sa buhanginan. Muling napatingin si Sam kay Drake at tumawa ng pagak. "Anong sinasabi mo?" Patay malisyang tugon niya sa lalaki. Napabuntong hininga si Drake at pagkaraan ay tumabi sa pagkakaupo kay Sam sa may buhanginan. "C'mon, Sammy. I saw you and that Cherry talking- er- I mean, like silent fighting on something or let say, someone. Let me guess, it has something to do with Gareth, isn't it?" Hindi agad n
DONALD'S WEDDING "BAKIT pa ba ako sumama rito?" Frustrated na bulong ni Sam sa sarili. Mag-isa siyang nakaupo sa isang table at tumitingin sa mga taong nagkakasiyahan sa paligid. Pinagsisihan niyang sumama pa siya dahil alam naman niya sa una pa lang na hindi siya mag eenjoy at 'yun na nga ang nangyayari nang mga sandaling 'yon. Sa hindi kalayuan ay natatanaw niya si Gareth sa kumpol ng mga bisitang sumasayaw sa saliw ng malamyos na musika, kasayaw nito si Cherry. Kinapa niya ang sariling pakiramdam kung may pagseselos ba siyang nararamdaman nang mga sandaling 'yon, ayaw man niyang aminin pero bakit tila kumikirot ang puso niya? Bakit naiinis siya? Bakit nanggigil siya sa dalawa!? Bigla siyang napaiwas nang tingin kay Gareth nang tumingin ito sa lugar na kinaroroonan niya, ganoon din ang kasayaw nitong si Cherry. Bigla tuloy siyang nahiya at pakiramdam niya ay nag-aapoy sa init ang mukha niya nang mga sandaling 'yon. Baka isipin ng mga ito na naiinggit
NAUNANG umuwi si Sam kaysa kay Gareth. Sinabi niya rito na sumakit ang ulo niya at gusto na niyang umuwi. Nais mang sumabay ni Gareth sa kaniya pero buti na lamang at may mga dumating na mga business man katulad nito at nakulong ito sa isang kwentuhan, kaya tumalilis na siya. Hinatid siya ni Butler Andy. Totoo naman masakit ang ulo niya at nais na niyang makauwi. Alas onse na ng gabi 'yon at tahimik na ang buong bahay ng mga Sebastian. Pinuntahan muna niya ang kaniyang anak na tulog na tulog sa silid nito kasama si Tonet. Pagkatapos ay nagtungo na sa isang silid at nagshower. Nang matapos at paglabas mula sa banyo ay nadatnan niyang tumutunog ang cellphone niya hudyat na may tumatawag. Si Ren. "Ren, bakit?" Habang napapahilot sa noo dahil hindi nawawala ang sakit ng ulo kahit pa nakaligo na. Ang kailangan siguro ay tulog. "We need to talk," umpisa ni Ren sa kabilang linya. "Go, talk." Tila walang ganang wika niya dahil nga masakit ang ulo niya.
NATIGILAN at panandaliang naigit ni Gareth ang kaniyang paghinga nang makita kung sino ang babaeng bagong dating sa tila bulwagan na 'yon. It's Sam. Palingon-lingon ito sa paligid na tila may hinahanap. Hindi maitatanggi ni Gareth na bumagay sa babae ang bagong kulay at gupit nitong buhok na agad niyang napansin. Dinagdagan pa ng eleganteng gown na kitang-kita ang bawat kurba ng katawan nito. Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Gareth ang biglang pagbaling ng tingin ng mga mayayaman at kilalang kalalakihan sa kaniyang asawa. Oh geez! Aminin man niya o hindi ay nakaramdam siya ng pagka-proud sa isiping hangang tingin lamang ang mga ito kay Sam at hangaan ito mula sa malayo. She's mine morons! Maging siya ay nagulat sa ibinulong ng isipan niya. At kailan pa siya naging possessive sa babae? Akmang maglalakad at lalapitan na niya ang asawa nang biglang may nauna sa kaniya. Naningkit ang mga mata niya at naikuyom ang kamao nang makilala kung sino 'yon. It's Drake.
"MS. SAM." Napalingon si Sam sa nagsalita at nakitang si Butler Andy 'yon na may malumanay na ngiti sa labi. Nasa may gazebo siya noon at doon nagpapalipas ng oras. Pinag-iisipan kung papasok ba ngayon sa opisina o hindi. Hindi niya alam kung paano aakto kapag kasama niya si Gareth, lalo na sa opisina. "Ikaw pala, Butler Andy. Ano ho ang meron?" Curious siya, dahil lumalapit lang sa kaniya ang matanda kung may sasabihin. "Alas nueve po ang appointment niyo sa Krativa Salon ngayong araw," imporma nito. Siyempre awtomatikong nagsalubong ang kilay niya dahil wala siyang natatandaan na nagpa-book siya sa naturang salon ngayong araw. "Wala po akong-" "Ako po ang nagpa-booked at ayon iyon sa utos ni Mr. Sebastian," wika nito at ngumiti. "Isang paghahanda raw po para sa pupuntahan niyong art exhibit mamayang hapon." Huminga ng malalim si Sam. Muntik na niyang makalimutan ang tungkol doon. Sakto rin naman na balak niyang magpa-sa
"OKAY ka lang ba? Mukhang ang lalim ng iniisip mo?" Usisa ni Martina kay Sam nang nasa isang restaurant sila. Matapos ang pag-uusap nila ni Attorney ay tinawagan niya ang dating assistant na kaibigan na niya ngayon. Nagkita sila at pinauna na niyang umuwi sina Graciella at ang Yaya Toneth nito. Parang gusto lang niyang may makausap kaya nakipagkita siya sa babae. Ang dami-dami kasing mga bagay ang tumatakbo sa isipan niya. Mga bagay na halos hindi na niya maintindihan kung bakit nangyayari. "Galing ako sa mansion at nakausap ko ang Attorney ng pamilya and..." "And?" Napabuntong hininga si Sam at bahagyang nahilot ang sintido. "At nalaman ko mula sa kaniya na may ibang pamana pa sa akin ang papa, Martina. Nalaman ko na marami pa pala siyang ari-arian..." Napanganga si Martina na halatang nagulat din sa sinabi niya. Pero nanatili itong walang kibo na tila hinihintay pa siya sa susunod niyang sasabihin. "At alam mo ba na imbes
WALTON MANSION Wala naman sanang balak umuwi si Sam sa mansion nila, dahil mabigat ang katawan niya dahil sa nangyari sa kanila ni Gareth kagabi, ni hindi nga siya pumasok ng opisina upang makaiwas sa asawa. May karapatan ba siyang magalit dito? Hindi niya alam kung bakit nasasaktan siya kapag naiisip na ni hindi man humingi ng tawad sa kaniya ang asawa sa nagawa nito nang nakaraang gabi. Pero ano ba ang aasahan niya kay Gareth? Anong aasahan niya sa mala batong puso nito. Tinawagan siya kanina ng Attorney ng pamilya nila na matalik na kaibigan din ng daddy niya. May mga mahalaga kasi silang pag-uusapan at wala siyang ideya kung ano 'yon. Kaya kahit mabigat ang katawan niya ay pinilit niyang makauwi sa Walton mansion. "Mommy, hindi na ba tayo kay Daddy Gareth titira?" Inosenteng tanong ni Graciella sa kaniya habang nakatitig ang mga inosente nitong nga mata sa kaniya. Nasa byahe sila nang mga sandaling 'yon. Parang napaka-normal lamang kay Graciella