After Five Years...
"GIVE me a kiss, c'mon!" tawag ni Samantha kay Graciella. Lumuhod pa siya at sinalubong nang tumakbo ito papalapit sa kaniya.
"You're so sweet, Graciella!" ani Samantha rito at niyakap ng mahigpit ito.
Ganoon din ang ginawa ng limang taon na si Graciella. Kinarga niya ang anak at nagtungo sila sa malawak na living room ng kanilang mansion. Ang masion nila rito sa manila na halos kasinlaki ng mansion nila sa hacienda.
"Oh, ang aga mo yata, hija? Akala ko ba ay may meeting ka?"
Napatingin si Samantha sa kaniyang madrasta na pababa sa matarik na hagdan. Mapostura ito at halos suot yata nito ang lahat ng alahas. Habang hawak nito sa kabilang kamay ang mamahaling Prada bag nito na hiningi sa kaniya bilang regalo sa ika 50th birthday nito noong nakaraang buwan. Mukhang may lakad ang kaniyang madrasta at himalang hindi kasama ang anak na si Carmela.
Nginitian niya ang madrasta. "Umurong ho sa meeting ang foreign investor na kausap ko ngayon, " aniya rito na hindi maitago ang panghihinayang sa boses.
"Naku, ganoon ba? Paano na 'yan?"
"Hayaan niyo na ho 'yon, may mga darating pang investor. Anyway, mukhang may lakad ho kayo? Saan ho ang punta?" aniya na naisipang itanong sa madrasta.
"Sa taiwan. Mga ilang days lang naman kami ni Carmela doon, nag-aya kasi ang isang kaibigan ko. Nakakahiyang tanggihan," anito na malawak ang pagkakangiti.
Buti pa ito at si Carmela ay nagagawang mag-unwind madalas. Samantalang siya ay hindi na alam kung ano ang gagawin sa kompanya nilang namimiligro sa pagkalugi.
"Sige ho. Happy trip," iyon na lamang ang sinabi niya.
"Can I come with you, guys?" bigla ay sabi ni Graciella kay Doña Thesa.
"Oh no, Gracie. Hindi kita mababantayan doon," sagot nito sa bata.
Mabilis na bumaba sa hagdan si Doña Thesa at hinawakan sa braso si Sam. "Baka naman may cash ka diyan, Samantha? Pandagdag ko lang sa pera ko. Hindi kasi ako nakapag-withdraw dahil sa pagmamadali," anito na may pakiusap sa mga mata.
Hindi niya matanggihan ang madrasta. "Sige ho. Teka at kukuha ako," aniya at nilampasan ang babae upang magtungo sa silid niya.
Buhay pa ang ama niya ay ganoon na talaga ang madrasta. Sa pagkakaalala niya, binibigay naman ng ama niya ang lahat ng luho nito, kaya nang mamatay ang ama niya ay tila siya ang pumalit sa pagssupply ng luho ng babae at ng anak nitong si Carmela. Hindi naman problema iyon kay Samantha, dahil mabait naman sa kanya ang dalawa. Kaso sa katayuan ng kompanya ngayon ay kailangan nilang magtipid. Walang kaalam-alam ang dalawa na papalugi na ang Walton shipping company.
Nang maibigay ni Samantha ang pera sa babae ay dali-dali na itong umalis. At siya? As usual, naiwan siya kasama si Graciella.
"Let's sleep, Graciella. Mamaya ipapasyal kita sa parke," aniya sa anak na nasa tabi niya. Kinumutan niya rin ito at kapwa sila natulog.
"HEY, SAM!"
Biglang napalingon si Samantha sa tumawag sa kanya habang naglalakad siya sa parke kasama si Graciella.
"Ikaw pala, Drake. What are you doing here?" usisa niya sa binata na ngayon ay kasabay na niyang maglakad.
Si Drake ay isa sa masugid niyang manliligaw noon pa man.
"Galing ako sa mansion niyo at ang sabi ng mga kasambahay niyo ay narito ka raw," anito na ngiting-ngiti pa sa kanya at napatingin sa kanyang anak. "Hi, Graciella!" bati nito sa anak niya na nginitian naman ni Graciella.
Mabait si Drake at kahit ilang beses na niyang tinanggihan ang pag-ibig nito ay nanatili ito. Sa totoo lang kung hihingi siya ng tulong sa lalaki tungkol sa pagbangon ng kompanya nila ay alam niyang tutulungan siya nito. Ngunit nag-aalala siyang baka humingi ito ng kapalit. Hindi siya handa sa bagay na 'yon kung sakali.
"Bakit hindi ka pumasok sa opisina niyo today? " Usisa niya sa lalaki.
"It's saturday, Sam. Alam mo naman na tuwing sabado ay pahinga ko."
Napatango-tango ang dalaga. "Sorry, I forgot."
Siya kasi ay hindi nagpapahinga simula siya ang mamahala sa kompanya nila. Simula nang mangyari ang pagdukot sa kanya ng mga maskaradong lalaki. Pakiramdam nga niya ay tumanda siya ng ilang taon dahil sa stress. Hindi siya nahanda sa pamamahala ng kompanya dahil biglaan lamang iyon. Kaya nang hinawakan niya ang kompanya nila ay kinailangan niyang kalimutan ang lahat ng nakasanayan at pinilit na maging CEO sa kanilang shipping company.
"I think kailangan mo ng bakasyon, Sam. Why don't you take one? Sumama ka sa resort namin sa Siargao," bigla ay singit ni Drake sa naglalakbay niyang diwa.
"No, Drake. I have a lot of things to do. Wala na akong oras para sa ganyan, alam mo naman ang kalagayan ng kompanya..."
"You want me to help you?"
Hindi alam ni Samantha kung imagination lang niya o ano, pero may kung anong kislap sa mga mata ni Drake na hindi mawari ng dalaga. Pero natakot siya sa ipinahiwatig ng kislap na 'yun.
"No. Kaya ko ang sarili ko, maisasalba ko ang kompanyang mahal na mahal ng ama ko," aniya at ngumiti na lamang ng pilit sa kausap. Sa pagkakaalala niya kasi ay mahal na mahal ni Don Samon Walton ang kanilang kompanya.
Huminga ng malalim si Drake at tumango-tango. "You want some coffee with me then?"
Tatangihan sana niya ito pero naisip niyang why not? Wala naman sigurong masama kung sumama siyang mag-coffee sa binata.
"Sure. Doon tayo sa Green Coffee shop," aniya at itinuro ang nasabing coffee shop sa hindi kalayuan, doon kaya madalas siyang magkape sa Green Coffee Shop.
Masaya silang nagkukwentuhan habang patungo roon. May mga alam naman si Drake sa buhay niya, pero hindi lahat. Sarili lamang niya ang nakakaalam kung ano ang mga dagok sa buhay ang mga naranasan niya.
"How's life without Jener so far?" Bigla ay naalalang itanong ni Drake sa babae.
Napangiti ng mapait si Samantha at lumipad ang tingin niya sa anak niyang busy sa pagkain ng cake. "So far, it's fine, Drake. It's been two years, right? Nasasanay na ako." Jener is the father of Graciella, ikakasal na sana sila ngunit namatay ang lalaki two years ago.
"That's good to hear. How about, Graciella? Hinahanap pa rin ba niya?"
Tinignan ni Sam si Drake. "Yeah. Jener have been a good father kay Gracie. Kaya hinahanap-hanap pa rin niya ang presensya nito and that's normal."
Napatango-tango ang binata at nagpatuloy ang kwentuhan nila sa kung saan-saan pa.
"OH PAANO, ihahatid ko na kayo?" Alok ni Drake kay Samantha nang matapos silang magkape. Mag aalas-sais na ng gabi.
"Huwag na. Mas gusto kong maglakad-lakad muna kami," tanggi niya.
"Okay. See you next saturday, Sammy!" Nagmadali na itong umalis pagkatapos. Kanina kasi ay may tumawag dito at tila naging aburido ito at nagpaalam sa kanya.
Muling naglakad-lakad si Samantha sa parke kasama ang anak. Maliwanag na maliwanag doon at maraming tao na tila nagpapalipas lamang ng oras nang mga sandaling 'yun. Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone niya, hudyat na may tumatawag. Tinignan siya ang screen, at nakita niyang si Renolf ang tumatawag.
Isang Agent si Renolf."What's up, Ren?" bungad niya sa lalaki. Dinig niya ang pagbuntong-hininga ng lalaki sa kabilang linya.
"It's still negative, Sam. I couldn't find him," anito sa kanya.
"Should I fire you then?"
"It's on you, Sam."
Marahang tumawa ang dalaga. "Joke. May tiwala ako sa kakayahan mo, alam kong mahahanap mo ang ipinapahanap ko, Ren. I'm counting on you."
"Shit. Lalo tuloy akong nap-pressure sa mga sinasabi mo," patawa-tawang tugon ni Renolf.
"Relax, Ren. You have a life-time to find him."
"Jeez! Sige na nga bye na!"
"Okay. I hope by next month may ibabalita ka na sa akin," pahabol ni Samantha sa lalaki.
"I hope too, " sagot nito bago pinatay ang tawag.
Napabuntong hininga si Samantha at tinignan si Graciella na nakatingin din sa kanya. Tila ramdam ng anak ang kalungkutan na biglang lumukob sa pagkatao niya.
"I'm okay, Graciella..." mahinang usal niya sa bata.Okay nga ba siya? O pinipilit lamang niyang maging okay? Sa totoo lang ay gusto na niyang sumuko, gusto na niyang isuko ang kompanya at mamuhay na lamang ng simple kasama ang anak niya. Pero sa tuwing naglalaro sa malabo niyang ala-ala kung gaano pinaghirapang itaguyod ng ama niya ang kompanya nila noon ay nag-guilty siyang i-give up ito.
"Mommy, let's go there oh! Daddy used to bring me in that spot!" Turo ni Graciella sa isang swing.
Napangiti siya. Looking at Graciella's smiling face and in her eyes, nagkakaroon muli siya ng pag-asa upang ilaban ang mga dapat niyang ilaban.
"Tara, may thirty minutes pa tayo para sumakay sa swing," aniya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng anak.
Gosh! How she wish na sana ay buhay pa si Jener at kasama nila ni Graciella ngayon. Maybe it would be easy for her.
"IKAW BA yan, Samantha?"
Biglang napatingin si Samantha sa nagsalita at may nakita siyang babae na sa tingin niya ay kaedad lamang niya. Ngunit hindi niya makilala ang babae at hindi niya alam kung nakita na ba niya ito noon.
"Ah, sorry. Who are you?" mahina niyang tanong sa estranghera.
Tila may bahid ng pagtataka sa mukha ng babae. "Seryoso ka ba? Ako ito, si Marie. Marie Baldemor, taga Sta. Rosa rin ako."
Nangunot ang noo niya. "I know the place of Sta. Rosa, pero hindi kita matandaan..."
Napangiwi ang babae. "Grabe ka namang magbiro ah. Anyway, anak niyo na ba ni Gareth 'yan?" Tsaka itinuro ng babae si Graciella na inosenteng nakatingin sa kanila.
Lalong nangunot ang noo ni Samantha. "Gareth? Sino si Gareth?"
Who's Gareth? Wala siyang kilalang Gareth. Hindi pamilyar sa kaniya ang pangalan na Gareth, pero bakit biglang bumilis ang pintig mg puso niya nang madinig ang pangalan na iyon? Ano ba ang sinasabi ng babaeng kaharap niya?
ISANG putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid dahilan upang mapapitlag at manginig sa takot si Samantha. Kita ng dalawang mata niya ang pagkabasag ng salamin sa gilid ng driver seat at napasigaw nang makita na lamang niyang bumulagta ang isang lalaki na nasa driver seat, dahil sa tama ng baril sa may balikat nito. Patuloy ang malakas na pagsigaw ni Samantha at halos mawalan na siya ng ulirat sa tindi ng takot na kaniyang nararamdaman nang mga sandaling 'yon. "Mang Narding!" Sigaw niya sa lalaking nakaupo sa driver seat at tila wala ng malay dahil sa tama ng baril. "Who are you?!" maya-maya pa ay gilalas na tanong ni Samantha, matapos sapilitang binuksan ng isang nakamaskrang lalaki ang pintuan ng sasakyang kinalululanan niya. Alam ni Samantha, kahit magsisigaw siya ay walang makakarinig sa kaniya. Liblib ang bahaging kinaroroonan nila. Walang masyadong dumadaan na sasakyan. Natatakot siya dahil malaki ang katawan ng lalaki at may dalang baril na
"IKAW na muna ang bahala kay Graciella, Toneth ah? May aasikasuhin lang ako," banayad na bilin ni Sam kay Toneth- ang yaya ng kaniyang anak. "Yes po, Ate Sam. Mag-ingat po kayo," anito naman na may ngiti sa labi. Kung pagmamasdan talaga ay hindi mukhang Yaya si Toneth, dahil sa taglay nitong ganda na gustong-gusto niya. Ilang beses na nga niyang inalok ito ng puwesto sa kompanya nila, pero mas pinili nitong maging yaya ni Gracie, bagay na ipinagpasalamat naman niya, dahil kampante siya ritong iwanan ang kaniyang anak. Nginitian niya ito pabalik at sinulyapan pa ng minsan si Graciella na mahimbing pa rin ang tulog nang mga oras na iyon. Marahan siyang lumabas mula sa silid ng anak at bago tumungo sa garahe ay kinuha niya muna ang kaniyang tumbler na may kape. Oh yes, she's a coffee sucker. Pakiramdam niya ay hindi kumpleto ang araw niya kung hindi siya makakainom ng kape. Anyway, bibili siya ng bagong office table niya ngayong araw, nais niyang palitan na ang
MULA sa pagkakayukyok sa kaniyang mesa, marahang iniangat ni Sam ang ulo nang marinig si Martina sa Intercom. Nakaidlip siya dahil na rin siguro sa pagod these past few days. Bigla tuloy siyang nahiya sa kaniyang sarili, dahil wala sa karakter niya ang mag-idlip idlip sa oras ng trabaho. "Yes, Martina?" "A certain Mr. Sebastian is looking for you, Ms. Walton." Nangunot ang noo ni Sam. He is not familiar, sa pagkakaalam niya ay wala siyang appointment sa Mr. Sebastian na sinasabi nito. "Sebastian? Sebastian who?" "Gareth Sebastian." Biglang tila may lumagabog sa dibdib ni Sam nang marinig ang buong pangalan na iyon. Naroon na naman ang pamilyar na kabang nararamdaman niya sa tuwing maririnig o mababasa ang pangalan na iyon. Anong ginagawa ni Gareth Sebastian sa kaniyang opisina? Napalunok muna nang sunod-sunod si Samantha. She cleared her throat before talking again. "Kindly ask him to set an appointment first, Martina. I am busy
"OPEN naman," naisabulong ni Sam sa sarili nang makapasok sa cafe adriatico. Sino naman kasing mag-aakala na open ito e walang katao-tao at sobrang tahimik ng lugar, mula sa labas hangang sa loob. Iginala pa niya ang paningin at naghahanap ng mapagtatanungan, nang may isang unipormadong lalaki ang lumapit sa kaniya, tila isa itong crew doon, malawak itong ngiti sa mga labi habang papalapit sa kaniya. "Miss Samantha Walton, right?" Tanong nito. Medyo natigilan siya dahil hindi niya expect na alam nito ang pangalan niya. Pero sa huli ay marahan tumango na lamang siya. "Sumunod ho kayo sa akin," anito at nagpatiuna nang maglakad. Tahimik lamang siyang sumunod, habang pasimpleng iginagala ang paningin sa paligid. Wala talagang ibang tao maliban sa kaniya at mangilan-ngilang mga crew na may kanya-kanyang ginagawa. Is it possible that Gareth rented the whole place? Ang tanong ni Sam sa kaniyang isipan. "This is your
"MOMMY!" Kasabay nun ay ang pagsalubong ng yakap ni Graciella sa kaniya. Tila isang mahika ang yakap ng anak, nawala bigla ang bigat at lungkot na dala-dala niya kanina lamang. "It's already 11pm, sweetie. Bakit hindi ka pa natutulog?" Napanguso ang anak. "Hinihintay kita, Mom. I can't sleep e," anito. Napangiti si Sam, naglalambing lamang ang anak kapag ganoon, kaya hindi na niya ito pinagsabihan. Madalang lang naman itong matulog ng late, usually 8pm ay tulog na ito talaga. "Okay, wait mo ako sa room mo. Kakain lang ang mommy at maglilinis ng katawan at tatabihan na kita, okay ba iyon?" Sunod-sunod na tango ang natanggap niya mula kay Gracie at nagtatakbo na ito patungo sa silid nito, sinenyasan naman niya si Tonet upang sundan ito para may kasama ang anak habang wala pa siya. Mukhang wala pa ang stepmother niya at si Carmela, dahil tahimik pa ang mansion. Tila naenjoy ng mga ito ang bakasyon, ah. Nan
SI GARETH ang bisitang hindi niya inaasahan. Guguluhin na naman ba siya nito? "What are you doing here?" Kinabahang tanong ni Sam sa lalaki at wala sa loob na napatingin sa anak na abala sa pagkain. "Let's talk, Samantha." -Gareth Bakit pakiramdam ni Sam ay isang utos iyon at hindi pakiusap? Napaka-arogante talaga ng lalaking ito. "Sa labas tayo mag-usap. Huwag dito," matigas niyang sabi kay Gareth. Ayaw niya kasing marinig ni Graciella ang kung ano mang pag-uusapan nila ng lalaki. Tiyak kasi na hindi maganda sa pandinig na naman ang idudulog nito. "Let's talk here." Matigas ring pahayag ni Gareth na ikinairita ni Sam. Bahagya pa itong lumapit sa table niya habang nakapamulsa. Napapikit nang mariin si Sam upang pigilin ang inis na nais nang umalagpos. "Who is she?" Biglang napatingin si Sam kay Gareth na ngayon ay malayang pinagmamasdan si Graciella na inosente namang nakatingin dito. Si Marti
"NASAAN tayo?" Medyo kinabahang tanong ni Sam kay Gareth nang pumasok ang sinasakyan nila sa isang napakalawak na solar. Sa hindi kalayuan ay tanaw ni Samantha ang malaking mansion- hindi lang basta malaki iyon, kung hindi sobrang laki. May creamy off-white exterior colors iyon na napakagaan sa paningin. Kung sino man ang nakaisip ng kulay nito ay sadyang napakaganda ng taste. Malapit sa mansion ay isang malawak na hardin na may malaking gazebo na octagonal shape. Mayroon silang gazebo pero hindi ganoon kalaki. Nagliliwag ang buong mansion dahil sa mga ilaw at mas lalong nagdagdag iyon sa ganda nito. "Gareth, dito ka ba nakatira? Bakit dinala mo ako rito?" Usisang muli ni Sam kay Gareth na hindi pa rin kumikibo at tahimik lamang nakatanaw sa labas ng bintana habang palapit ang sasakyan nila sa harap mismo ng mansion. "You'll going to meet your future in laws," kapagdaka ay sagot nito sa seryosong tinig. Napanganga na lamang si Sam sa narinig.
"COME ON." Matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan nila, iyon ang sinabi ni Gareth at tumayo. Naglakad palabas ng mansion. Sumunod na lamang siya sa lalaki. Dumiretso sila sa sasakyan na nakaabang na roon si Butler Andy at agad silang pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan. Gaya kanina, tahimik lamang sila sa loob hangang makaandar iyon. Lumunok muna si Sam nang makailang ulit bago nagsalita. "P-pasensya ka na, dahil sa akin ay nagkasagutan pa kayo ng kapatid mo," aniya nang hindi na matiis ang katamikan. Mula sa pagkakatingin sa labas ay lumipat ang tingin ni Gareth sa babae. Pinagmasdan siya nito. Hindi maarok ni Sam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng lalaki nang mga sandaling iyon. Wala kasing bahid ng kahit anong emosyon ang mukha nito. Napakagaling nitong mag blank face, hindi gaya niya, masyadong transparent. "Wala silang magagawa kung gusto kong pakasalan ka," marahan nitong bigkas. Hindi agad nakatugon si Sam, n
"HABULIN niyo! hindi pa 'yon nakakalayo!" Dinig na dinig ni Samantha ang boses ng isa sa mga lalaking kumidnap sa kaniya, dahil doon mas binilisan pa niya ang pagtakbo upang makalayo sa mga ito. Nagkaroon siya ng pagkakataong makatakas nang binuksan ng isa sa mga lalaki ang pintuan ng kinaroroonan niya, buong lakas niya itong hinampas sa may mata pagsungaw ng ulo nito dahilan upang panandalian itong hindi makakita. Wala siyang sinayang na pagkakataon at agad siyang tumalilis. Pinutol na rin nga niya ang bandang ibaba ng kaniyang suot na wedding gown para makatakbo siya. Hindi alintana ni Samantha ang sukal at ang mga kahoy na tumutusok sa hubad niyang paa, ang dapat niyang isipin ay kung paano makalayo sa mga lalaking halang ang mga bituka! "Tulong!" Sigaw niya sa kaniyang isipan, baka sakaling madinig siya ng Diyos at iligtas siya. Ayaw pa niyang mawala sa mundo at gusto pa niyang makita si Gareth at maikasal dito. Sa kakatakbo ni Samantha sa kas
CHERRY'S POV "COME ON, Gareth. Lasing ka na, tayo na at ihahatid na kita sa kwarto mo," sambit ni Cherry habang pilit na inaalalayan ang pasuray-suray na si Gareth dahil sa kalasingan nito. Kaninang pag-alis nina Sam at Drake, muling bumalik sa pag-iinom ang lalaki at nagpakalango sa alak na wari ay sinasadya iyon upang mawala ang galit na nararamdaman. Tanging si Gareth lamang ang nakakaalam sa kung anong nararamdaman nito nang mga sandaling 'yon. Ang tanging nakikita lamang ni Cherry sa lalaki nang mga oras na 'yon ay galit patungkol sa dalawa. "Damn that woman! Damn that asshole!" Paulit-ulit na bulong ni Gareth na halos hindi na makatayo ng diretso ngunit sige pa rin sa paglagok sa bote ng alak na hawak, hangang sa mapaupo na ito sa buhanginan. "Bakit hindi mo na lang hayaan ang babaeng 'yon. She chose that man and-" "Shut up! I don't wanna here something about them!" Wika ni Gareth sa pabulol-bulol na salita. Natahimik si Che
"DRAKE, kanina ka pa ba diyan?" Napatingala si Sam sa bagong dating, pilit na binago ng babae ang ekspresyon ng mukha upang hindi mahalata ni Drake ang nararamdaman niya nang mga sandaling 'yon. Nagpamulsa si Drake at tinitigan si Sam na animo'y pinag-aaralan ang mukha nito na tila nais nitong basahin ang emosyon niya. Mabilis na nag-iwas ng tingin ang babae at ibinaling sa maalon na dagat ang paningin. "She said something to you, am I right?" Pagkadaka'y saad ni Drake na hindi pinuputol ang pagkakatitig kay Sam na nanatiling nakaupo sa buhanginan. Muling napatingin si Sam kay Drake at tumawa ng pagak. "Anong sinasabi mo?" Patay malisyang tugon niya sa lalaki. Napabuntong hininga si Drake at pagkaraan ay tumabi sa pagkakaupo kay Sam sa may buhanginan. "C'mon, Sammy. I saw you and that Cherry talking- er- I mean, like silent fighting on something or let say, someone. Let me guess, it has something to do with Gareth, isn't it?" Hindi agad n
DONALD'S WEDDING "BAKIT pa ba ako sumama rito?" Frustrated na bulong ni Sam sa sarili. Mag-isa siyang nakaupo sa isang table at tumitingin sa mga taong nagkakasiyahan sa paligid. Pinagsisihan niyang sumama pa siya dahil alam naman niya sa una pa lang na hindi siya mag eenjoy at 'yun na nga ang nangyayari nang mga sandaling 'yon. Sa hindi kalayuan ay natatanaw niya si Gareth sa kumpol ng mga bisitang sumasayaw sa saliw ng malamyos na musika, kasayaw nito si Cherry. Kinapa niya ang sariling pakiramdam kung may pagseselos ba siyang nararamdaman nang mga sandaling 'yon, ayaw man niyang aminin pero bakit tila kumikirot ang puso niya? Bakit naiinis siya? Bakit nanggigil siya sa dalawa!? Bigla siyang napaiwas nang tingin kay Gareth nang tumingin ito sa lugar na kinaroroonan niya, ganoon din ang kasayaw nitong si Cherry. Bigla tuloy siyang nahiya at pakiramdam niya ay nag-aapoy sa init ang mukha niya nang mga sandaling 'yon. Baka isipin ng mga ito na naiinggit
NAUNANG umuwi si Sam kaysa kay Gareth. Sinabi niya rito na sumakit ang ulo niya at gusto na niyang umuwi. Nais mang sumabay ni Gareth sa kaniya pero buti na lamang at may mga dumating na mga business man katulad nito at nakulong ito sa isang kwentuhan, kaya tumalilis na siya. Hinatid siya ni Butler Andy. Totoo naman masakit ang ulo niya at nais na niyang makauwi. Alas onse na ng gabi 'yon at tahimik na ang buong bahay ng mga Sebastian. Pinuntahan muna niya ang kaniyang anak na tulog na tulog sa silid nito kasama si Tonet. Pagkatapos ay nagtungo na sa isang silid at nagshower. Nang matapos at paglabas mula sa banyo ay nadatnan niyang tumutunog ang cellphone niya hudyat na may tumatawag. Si Ren. "Ren, bakit?" Habang napapahilot sa noo dahil hindi nawawala ang sakit ng ulo kahit pa nakaligo na. Ang kailangan siguro ay tulog. "We need to talk," umpisa ni Ren sa kabilang linya. "Go, talk." Tila walang ganang wika niya dahil nga masakit ang ulo niya.
NATIGILAN at panandaliang naigit ni Gareth ang kaniyang paghinga nang makita kung sino ang babaeng bagong dating sa tila bulwagan na 'yon. It's Sam. Palingon-lingon ito sa paligid na tila may hinahanap. Hindi maitatanggi ni Gareth na bumagay sa babae ang bagong kulay at gupit nitong buhok na agad niyang napansin. Dinagdagan pa ng eleganteng gown na kitang-kita ang bawat kurba ng katawan nito. Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Gareth ang biglang pagbaling ng tingin ng mga mayayaman at kilalang kalalakihan sa kaniyang asawa. Oh geez! Aminin man niya o hindi ay nakaramdam siya ng pagka-proud sa isiping hangang tingin lamang ang mga ito kay Sam at hangaan ito mula sa malayo. She's mine morons! Maging siya ay nagulat sa ibinulong ng isipan niya. At kailan pa siya naging possessive sa babae? Akmang maglalakad at lalapitan na niya ang asawa nang biglang may nauna sa kaniya. Naningkit ang mga mata niya at naikuyom ang kamao nang makilala kung sino 'yon. It's Drake.
"MS. SAM." Napalingon si Sam sa nagsalita at nakitang si Butler Andy 'yon na may malumanay na ngiti sa labi. Nasa may gazebo siya noon at doon nagpapalipas ng oras. Pinag-iisipan kung papasok ba ngayon sa opisina o hindi. Hindi niya alam kung paano aakto kapag kasama niya si Gareth, lalo na sa opisina. "Ikaw pala, Butler Andy. Ano ho ang meron?" Curious siya, dahil lumalapit lang sa kaniya ang matanda kung may sasabihin. "Alas nueve po ang appointment niyo sa Krativa Salon ngayong araw," imporma nito. Siyempre awtomatikong nagsalubong ang kilay niya dahil wala siyang natatandaan na nagpa-book siya sa naturang salon ngayong araw. "Wala po akong-" "Ako po ang nagpa-booked at ayon iyon sa utos ni Mr. Sebastian," wika nito at ngumiti. "Isang paghahanda raw po para sa pupuntahan niyong art exhibit mamayang hapon." Huminga ng malalim si Sam. Muntik na niyang makalimutan ang tungkol doon. Sakto rin naman na balak niyang magpa-sa
"OKAY ka lang ba? Mukhang ang lalim ng iniisip mo?" Usisa ni Martina kay Sam nang nasa isang restaurant sila. Matapos ang pag-uusap nila ni Attorney ay tinawagan niya ang dating assistant na kaibigan na niya ngayon. Nagkita sila at pinauna na niyang umuwi sina Graciella at ang Yaya Toneth nito. Parang gusto lang niyang may makausap kaya nakipagkita siya sa babae. Ang dami-dami kasing mga bagay ang tumatakbo sa isipan niya. Mga bagay na halos hindi na niya maintindihan kung bakit nangyayari. "Galing ako sa mansion at nakausap ko ang Attorney ng pamilya and..." "And?" Napabuntong hininga si Sam at bahagyang nahilot ang sintido. "At nalaman ko mula sa kaniya na may ibang pamana pa sa akin ang papa, Martina. Nalaman ko na marami pa pala siyang ari-arian..." Napanganga si Martina na halatang nagulat din sa sinabi niya. Pero nanatili itong walang kibo na tila hinihintay pa siya sa susunod niyang sasabihin. "At alam mo ba na imbes
WALTON MANSION Wala naman sanang balak umuwi si Sam sa mansion nila, dahil mabigat ang katawan niya dahil sa nangyari sa kanila ni Gareth kagabi, ni hindi nga siya pumasok ng opisina upang makaiwas sa asawa. May karapatan ba siyang magalit dito? Hindi niya alam kung bakit nasasaktan siya kapag naiisip na ni hindi man humingi ng tawad sa kaniya ang asawa sa nagawa nito nang nakaraang gabi. Pero ano ba ang aasahan niya kay Gareth? Anong aasahan niya sa mala batong puso nito. Tinawagan siya kanina ng Attorney ng pamilya nila na matalik na kaibigan din ng daddy niya. May mga mahalaga kasi silang pag-uusapan at wala siyang ideya kung ano 'yon. Kaya kahit mabigat ang katawan niya ay pinilit niyang makauwi sa Walton mansion. "Mommy, hindi na ba tayo kay Daddy Gareth titira?" Inosenteng tanong ni Graciella sa kaniya habang nakatitig ang mga inosente nitong nga mata sa kaniya. Nasa byahe sila nang mga sandaling 'yon. Parang napaka-normal lamang kay Graciella