"COME ON." Matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan nila, iyon ang sinabi ni Gareth at tumayo. Naglakad palabas ng mansion. Sumunod na lamang siya sa lalaki. Dumiretso sila sa sasakyan na nakaabang na roon si Butler Andy at agad silang pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan. Gaya kanina, tahimik lamang sila sa loob hangang makaandar iyon. Lumunok muna si Sam nang makailang ulit bago nagsalita. "P-pasensya ka na, dahil sa akin ay nagkasagutan pa kayo ng kapatid mo," aniya nang hindi na matiis ang katamikan. Mula sa pagkakatingin sa labas ay lumipat ang tingin ni Gareth sa babae. Pinagmasdan siya nito. Hindi maarok ni Sam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng lalaki nang mga sandaling iyon. Wala kasing bahid ng kahit anong emosyon ang mukha nito. Napakagaling nitong mag blank face, hindi gaya niya, masyadong transparent. "Wala silang magagawa kung gusto kong pakasalan ka," marahan nitong bigkas. Hindi agad nakatugon si Sam, n
"ANAK..." Natigil sa paglalakad si Gareth nang tawagin siya ng kaniyang ina na nakaupo sa sala. Kasama nito ang ama niya at si Gail na nakasimangot pa rin hangang ngayon. Bukas na sana siya babalik sa mansion nila at sa kaniyang pad niya siya matutulog- well, lagi naman siya doon natutulog, dahil mas gusto niyang mag-isa. Bumalik lang siya sa mansion to get some things. "Mag-usap tayo, Gareth," muling sabi ng kaniyang ina. Kalmado naman ang mukha nito, ganoon din ang kaniyang ama. Napabuntong hininga si Gareth, parang alam na niya kung ano ang pag uusapan nila. It's about Samantha. Naglakad siya palapit sa mga ito at umupo sa single sofa na naroon. "Sigurado ka na ba sa desiyon mo na, pakasalan si Sam? Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya noon sa'yo?" Panimula ng kaniyang ina. Alam niyang tutol ang mga ito, sapagkat gaya niya, dala-dala niya ang sakit ng nakaraan na si Sam ang dahilan. Isa-isa niyang tinignan ang mga ito
"MOMMY, wake up. Mommy..." Marahang iminulat ni Sam ang mga mata nang marinig ang munting tinig ng kaniyang anak. Nabungaran niya itong nakatunghay sa kaniya, habang nakangiti ng malambing. Awtomatikong napangiti si Sam at niyakap ang paslit. "Good Morning, my princess..." bulong niya rito. Kumalas sa kaniya ang anak at pagkatapos ay ginawaran siya nito ng halik sa pisngi. "Mmy, it's sunday, can you take me out?" Paglalambing nito. Oo nga pala, linggo ngayon at karaniwang tuwing linggo ay ipinapasyal niya ang anak. Tho, marami sana siyang gagawin ngayo kahit linggo, pagbibigyan na lang muna niya ang kaniyang anak. "Sure. But first, let's have some breakfast." Tumayo siya at nagtungo sa kaniyang banyo upang maghilamos ng mukha. Nakasunod lamang si Graciella na sadyang pinapanood ang bawat kilos niya. Palihim na lamang na napapangiti si Sam. "Mommy, Can I have a dad?" Halos malunok ni Sam ang kasa
NANG makababa si Gareth sa kaniyang sasakyan, tahimik na pinagmasdan niya ang kabuuang hitsura ng mansion ni Don Celso. Walang gaanong nagbago doon gaya noong una siyang mapadpad sa nasabing mansion. Last na pagbisita niya yata rito ay buwan since busy siya sa kaniyang kompanya. Gusto niya tuloy mahiya kay Don Celso na kung hindi siya inimbita ay hindi niya ito mapuntahan. Malaki ang pasasalamat niya sa matandang lalaki na kumupkop sa kanila at siyang nagpaaral sa kaniya sa mamahaling unibersidad. Ang matandang lalaki ang unang naniwala sa kakayahan niya simula mapadpad sila sa maynila noon kasama ang pamilya. Tila nagbalik pansamantala sa nakaraan ang utak ni Gareth, habang pinagmamasdan ang mansion at ang paligid nito. "Walang silbi! Idiot!" Sigaw ng may-ari ng isang restaurant sa binatilyong si Gareth nang makabasag siya ng ilang pirasong plato na kaniyang hinuhugasan. Pumasok siyang isang dishwasher sa nasabing restaurant. Ito ang unang tra
NAPABALIKWAS ng bangon si Sam nang tumama ang sinag ng araw sa kaniyang mukha. Agad niyang tinignan ang orasan na nasa bedside table niya. Dito siya sa kaniyang silid nakatulog at si Toneth ang kasamang natulog ni Graciella sa silid ng huli. "Alas nueve na ng umaga." Nasapo ni Sam ang ulo dahil ang balak pa naman niya ay magising ng maaga dahil papasok siya sa opisina ngayon. Kaso ay tinanghali siya, dahil na rin siguro sa pagod sa maghapong gala kahapon kasama si Drake at Gracie. Napapabuntong hininga siyang habang pababa sa kama at nagtungo sa banyo upang mag ayos ng sarili bago mag-almusal sa baba. Hindi na muna niya ginising ang anak upang kumain, dahil alam niyang pagod ito. "M-may naghahanap sa'yo," salubong ni Doña Thesa sa kaniya bago pa siya makababa sa living room. Madadaanan muna kasi ang living room bago makapunta sa kusina. "Sino po?" Biglang kabang tanong niya sa matanda. Kinabahan siya sa mukha nito na tila nakakita ng mu
NANG MAKAALIS na si Gareth matapos ang lampas isang oras na pakikipagkwentuhan kay Doña Thesa, at siya ay halos tagapakinig lamang sa mga ito. "Tita," tawag niya sa matanda na aakyat na sana sa silid nito. "Bakit hija?" Usisa ng matanda na may kakaibang ngiti pa rin sa labi. "Maari po ba tayong mag-usap about kay Gareth?" Marahan niyang tanong sa matanda na nawala ang ngiti sa labi at napalitan iyon ng kuryosidad. "Sure. What about him?" "Can you tell me about him? Kung ano kami dati? Kung gaano kami kalapit?" Natigilan ang matanda at ilang saglit ay ngumiti ng marahan. Hinawakan siya sa magkabilaang balikat. "She's your ex, hija." Nanlaki ang mga mata ni Sam dahil sa narinig sa matanda. Hindi nga siya agad makauma, kaya ganoon na lamang ba ang nakikita niyang galit sa mga mata ni Gareth patungkol sa kaniya ay baka nga nagawan niya iyo ng hindi maganda noon or worse is napagtaksilan?! Magtatano
"MR. SEBASTIAN, you may now kiss your bride," nakangiting wika ng marriage celebrant kay Gareth. "That's not necessary," sagot naman ni Sam habang namumula ang pisngi. "Let us have that documents now para matapos na," dagdag pa niya. Para kasing nakokonsyensiya siya dahil naiisip niya si Jener. Si Jener ang lalaking unang nakakuha ng kaniyang 'oo'. Pero siguro ay maiintindihan naman ni Jener ang nangyayari sa buhay niya ngayon. Mabilis siyang pumirma sa marriage contract at pagkatapos ay inabot iyon kay Gareth na blanko lamang ang ekspresyon. Ikinasal na sila ni Gareth ngayon at tanging silang dalawa lang ang naroon sa opisina ng marriage celebrant. Ganoon lang kabilis ang lahat, in an instant she lost her freedom at hindi niya alam kung ano pa ang mawawala sa kaniya along the way. "Done," saad ni Gareth nang matapos pumirma. "I'm going," agad na sabi naman ni Sam at naglakad patungo sa exit. Nagpalipat-lipat ang tingin ng marriage celebrant sa
KINABUKASAN maagang nagising si Sam upang makauwi sa kanilang mansion at makita si Graciela, naroon pa rin naman sa mansion nila ang kaniyang damit sa pagpasok sa opisina. Hindi niya nakatabing matulog si Gareth sa magdamag, hindi niya alam kung saan ito natulog dahil hindi niya naramdamang bumalik ito sa silid matapos umalis, ngayong umaga naman ay wala rin ito. Nakakatawa, pero hindi ganitong kasal ang pinangarap niya. Pababa siya sa matarik na hagdan nang sa kalagitnaan ay makasalubong niya si Gail na paakyat naman. Halatang kakauwi lang nito at may dala pa kasing bag. Mukhang galing din ito sa party dahil na rin sa gayak nito. Matalas ang tingin nito sa kaniya nang magkatinginan sila. "G-Good morning." Pinili pa rin niya itong bati'in kahit alam naman niyang hindi siya nito papansinin. Tumigil si Gail sa tapat niya. "Mula kagabi ay sira na ang mood ko. Hangang ngayong umaga ba naman? What are you doing here?" Mataray na sabi nito sa kaniya. Makikita t
"HABULIN niyo! hindi pa 'yon nakakalayo!" Dinig na dinig ni Samantha ang boses ng isa sa mga lalaking kumidnap sa kaniya, dahil doon mas binilisan pa niya ang pagtakbo upang makalayo sa mga ito. Nagkaroon siya ng pagkakataong makatakas nang binuksan ng isa sa mga lalaki ang pintuan ng kinaroroonan niya, buong lakas niya itong hinampas sa may mata pagsungaw ng ulo nito dahilan upang panandalian itong hindi makakita. Wala siyang sinayang na pagkakataon at agad siyang tumalilis. Pinutol na rin nga niya ang bandang ibaba ng kaniyang suot na wedding gown para makatakbo siya. Hindi alintana ni Samantha ang sukal at ang mga kahoy na tumutusok sa hubad niyang paa, ang dapat niyang isipin ay kung paano makalayo sa mga lalaking halang ang mga bituka! "Tulong!" Sigaw niya sa kaniyang isipan, baka sakaling madinig siya ng Diyos at iligtas siya. Ayaw pa niyang mawala sa mundo at gusto pa niyang makita si Gareth at maikasal dito. Sa kakatakbo ni Samantha sa kas
CHERRY'S POV "COME ON, Gareth. Lasing ka na, tayo na at ihahatid na kita sa kwarto mo," sambit ni Cherry habang pilit na inaalalayan ang pasuray-suray na si Gareth dahil sa kalasingan nito. Kaninang pag-alis nina Sam at Drake, muling bumalik sa pag-iinom ang lalaki at nagpakalango sa alak na wari ay sinasadya iyon upang mawala ang galit na nararamdaman. Tanging si Gareth lamang ang nakakaalam sa kung anong nararamdaman nito nang mga sandaling 'yon. Ang tanging nakikita lamang ni Cherry sa lalaki nang mga oras na 'yon ay galit patungkol sa dalawa. "Damn that woman! Damn that asshole!" Paulit-ulit na bulong ni Gareth na halos hindi na makatayo ng diretso ngunit sige pa rin sa paglagok sa bote ng alak na hawak, hangang sa mapaupo na ito sa buhanginan. "Bakit hindi mo na lang hayaan ang babaeng 'yon. She chose that man and-" "Shut up! I don't wanna here something about them!" Wika ni Gareth sa pabulol-bulol na salita. Natahimik si Che
"DRAKE, kanina ka pa ba diyan?" Napatingala si Sam sa bagong dating, pilit na binago ng babae ang ekspresyon ng mukha upang hindi mahalata ni Drake ang nararamdaman niya nang mga sandaling 'yon. Nagpamulsa si Drake at tinitigan si Sam na animo'y pinag-aaralan ang mukha nito na tila nais nitong basahin ang emosyon niya. Mabilis na nag-iwas ng tingin ang babae at ibinaling sa maalon na dagat ang paningin. "She said something to you, am I right?" Pagkadaka'y saad ni Drake na hindi pinuputol ang pagkakatitig kay Sam na nanatiling nakaupo sa buhanginan. Muling napatingin si Sam kay Drake at tumawa ng pagak. "Anong sinasabi mo?" Patay malisyang tugon niya sa lalaki. Napabuntong hininga si Drake at pagkaraan ay tumabi sa pagkakaupo kay Sam sa may buhanginan. "C'mon, Sammy. I saw you and that Cherry talking- er- I mean, like silent fighting on something or let say, someone. Let me guess, it has something to do with Gareth, isn't it?" Hindi agad n
DONALD'S WEDDING "BAKIT pa ba ako sumama rito?" Frustrated na bulong ni Sam sa sarili. Mag-isa siyang nakaupo sa isang table at tumitingin sa mga taong nagkakasiyahan sa paligid. Pinagsisihan niyang sumama pa siya dahil alam naman niya sa una pa lang na hindi siya mag eenjoy at 'yun na nga ang nangyayari nang mga sandaling 'yon. Sa hindi kalayuan ay natatanaw niya si Gareth sa kumpol ng mga bisitang sumasayaw sa saliw ng malamyos na musika, kasayaw nito si Cherry. Kinapa niya ang sariling pakiramdam kung may pagseselos ba siyang nararamdaman nang mga sandaling 'yon, ayaw man niyang aminin pero bakit tila kumikirot ang puso niya? Bakit naiinis siya? Bakit nanggigil siya sa dalawa!? Bigla siyang napaiwas nang tingin kay Gareth nang tumingin ito sa lugar na kinaroroonan niya, ganoon din ang kasayaw nitong si Cherry. Bigla tuloy siyang nahiya at pakiramdam niya ay nag-aapoy sa init ang mukha niya nang mga sandaling 'yon. Baka isipin ng mga ito na naiinggit
NAUNANG umuwi si Sam kaysa kay Gareth. Sinabi niya rito na sumakit ang ulo niya at gusto na niyang umuwi. Nais mang sumabay ni Gareth sa kaniya pero buti na lamang at may mga dumating na mga business man katulad nito at nakulong ito sa isang kwentuhan, kaya tumalilis na siya. Hinatid siya ni Butler Andy. Totoo naman masakit ang ulo niya at nais na niyang makauwi. Alas onse na ng gabi 'yon at tahimik na ang buong bahay ng mga Sebastian. Pinuntahan muna niya ang kaniyang anak na tulog na tulog sa silid nito kasama si Tonet. Pagkatapos ay nagtungo na sa isang silid at nagshower. Nang matapos at paglabas mula sa banyo ay nadatnan niyang tumutunog ang cellphone niya hudyat na may tumatawag. Si Ren. "Ren, bakit?" Habang napapahilot sa noo dahil hindi nawawala ang sakit ng ulo kahit pa nakaligo na. Ang kailangan siguro ay tulog. "We need to talk," umpisa ni Ren sa kabilang linya. "Go, talk." Tila walang ganang wika niya dahil nga masakit ang ulo niya.
NATIGILAN at panandaliang naigit ni Gareth ang kaniyang paghinga nang makita kung sino ang babaeng bagong dating sa tila bulwagan na 'yon. It's Sam. Palingon-lingon ito sa paligid na tila may hinahanap. Hindi maitatanggi ni Gareth na bumagay sa babae ang bagong kulay at gupit nitong buhok na agad niyang napansin. Dinagdagan pa ng eleganteng gown na kitang-kita ang bawat kurba ng katawan nito. Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Gareth ang biglang pagbaling ng tingin ng mga mayayaman at kilalang kalalakihan sa kaniyang asawa. Oh geez! Aminin man niya o hindi ay nakaramdam siya ng pagka-proud sa isiping hangang tingin lamang ang mga ito kay Sam at hangaan ito mula sa malayo. She's mine morons! Maging siya ay nagulat sa ibinulong ng isipan niya. At kailan pa siya naging possessive sa babae? Akmang maglalakad at lalapitan na niya ang asawa nang biglang may nauna sa kaniya. Naningkit ang mga mata niya at naikuyom ang kamao nang makilala kung sino 'yon. It's Drake.
"MS. SAM." Napalingon si Sam sa nagsalita at nakitang si Butler Andy 'yon na may malumanay na ngiti sa labi. Nasa may gazebo siya noon at doon nagpapalipas ng oras. Pinag-iisipan kung papasok ba ngayon sa opisina o hindi. Hindi niya alam kung paano aakto kapag kasama niya si Gareth, lalo na sa opisina. "Ikaw pala, Butler Andy. Ano ho ang meron?" Curious siya, dahil lumalapit lang sa kaniya ang matanda kung may sasabihin. "Alas nueve po ang appointment niyo sa Krativa Salon ngayong araw," imporma nito. Siyempre awtomatikong nagsalubong ang kilay niya dahil wala siyang natatandaan na nagpa-book siya sa naturang salon ngayong araw. "Wala po akong-" "Ako po ang nagpa-booked at ayon iyon sa utos ni Mr. Sebastian," wika nito at ngumiti. "Isang paghahanda raw po para sa pupuntahan niyong art exhibit mamayang hapon." Huminga ng malalim si Sam. Muntik na niyang makalimutan ang tungkol doon. Sakto rin naman na balak niyang magpa-sa
"OKAY ka lang ba? Mukhang ang lalim ng iniisip mo?" Usisa ni Martina kay Sam nang nasa isang restaurant sila. Matapos ang pag-uusap nila ni Attorney ay tinawagan niya ang dating assistant na kaibigan na niya ngayon. Nagkita sila at pinauna na niyang umuwi sina Graciella at ang Yaya Toneth nito. Parang gusto lang niyang may makausap kaya nakipagkita siya sa babae. Ang dami-dami kasing mga bagay ang tumatakbo sa isipan niya. Mga bagay na halos hindi na niya maintindihan kung bakit nangyayari. "Galing ako sa mansion at nakausap ko ang Attorney ng pamilya and..." "And?" Napabuntong hininga si Sam at bahagyang nahilot ang sintido. "At nalaman ko mula sa kaniya na may ibang pamana pa sa akin ang papa, Martina. Nalaman ko na marami pa pala siyang ari-arian..." Napanganga si Martina na halatang nagulat din sa sinabi niya. Pero nanatili itong walang kibo na tila hinihintay pa siya sa susunod niyang sasabihin. "At alam mo ba na imbes
WALTON MANSION Wala naman sanang balak umuwi si Sam sa mansion nila, dahil mabigat ang katawan niya dahil sa nangyari sa kanila ni Gareth kagabi, ni hindi nga siya pumasok ng opisina upang makaiwas sa asawa. May karapatan ba siyang magalit dito? Hindi niya alam kung bakit nasasaktan siya kapag naiisip na ni hindi man humingi ng tawad sa kaniya ang asawa sa nagawa nito nang nakaraang gabi. Pero ano ba ang aasahan niya kay Gareth? Anong aasahan niya sa mala batong puso nito. Tinawagan siya kanina ng Attorney ng pamilya nila na matalik na kaibigan din ng daddy niya. May mga mahalaga kasi silang pag-uusapan at wala siyang ideya kung ano 'yon. Kaya kahit mabigat ang katawan niya ay pinilit niyang makauwi sa Walton mansion. "Mommy, hindi na ba tayo kay Daddy Gareth titira?" Inosenteng tanong ni Graciella sa kaniya habang nakatitig ang mga inosente nitong nga mata sa kaniya. Nasa byahe sila nang mga sandaling 'yon. Parang napaka-normal lamang kay Graciella