PAGKARATING sa kompanya ng asawa ay agad niyang tinungo ang floor ng opisina nito. Lumapit siya sa isang babae na abalang nag-aayos sa table nito. Malamang na ito ang sekretarya ni Gareth, base na rin sa pwesto nito, kung ganoon ay bakit kailangan pa nito ng PA kuno? "Hi, good morning, nasaan si Mr. Sebastian?" magiliw na bati niya sa babae. Napatingin ito sa kaniya at ngumiti. Pero huling-huli niya kung paano pinag-aralan nito ang suot at mukha niya. "Good morning, ma'am. Ano ho ang sadya niyo kay Mr. Sebastian?" Natahimik si Sam. Ano nga ba ang sasabihin niya dapat sa babae? Hindi siya nito kilala bilang asawa ni Gareth at alam niyang halos walang nakakakilala sa kaniya bilang asawa nito. Iniisip niya kung magpapakilala ba siya bilang Mrs. Sebastian. "Pakisabi hinahanap ko siya. My name is Sam by the way." Sa huli ay pinili niyang huwag na lang. Tila nag-alangan ang babae kung gagawin ba ang sinabi niya. "E, ma'am busy po kasi s
"MAUNA ka na, hindi ako sasabay," ani Sam kay Gareth nang mag-aya ng umuwi ang lalaki nang hapon. Salubong ang kilay ni Gareth na nagtanong, "Why? Ayaw mo akong kasabay?" Kinuha ni Sam ang bag at muling hinarap ang asawa. "Pupuntahan ko si Graciella," simpleng sagot niya at nilampasan na ang asawa. "I'll go with you," mabilis na wika ng lalaki na nagpatigil kay Sam. "Sure ka?" Paninigurado pa ni Sam sa kausap. Seryosong tumango si Gareth at nagpatiuna nang maglakad palabas ng opisina nito. Humabol na lang si Sam at nadaanan pa nga niya ang sekretarya ni Gareth na pasimpleng nakatingin sa kaniya na. Si Butler Andy ang nag-drive para sa kanila patungo sa mansion ng mga Walton. Madilim na nang makarating sila doon at agad siyang pumasok sa loob ng mansion at hinayaan na lamang si Gareth kung susunod ito sa loob o magpapaiwan sa labas. Agad siyang nagtungo sa taas, sa silid ni Graciella. Siyempre ay lagi siyang sabik na makita ang anak niy
SIMULA nangyari ang insidente sa mansion ng mga Walton, hindi nakaligtas sa paningin at pakiramdam ni Gareth ang pananahimik ni Sam sa mga nakalipas na araw, tila laging malalim ang iniisip nito at natutulala. "Where is my coffee?" Usisa niya sa asawa na abalang nakatingin sa laptop nito. Ang bilin kasi niya kay Sam na bago siya umuwi para harapin ang mga paper works niya ay dapat may kape ng nakahanda. Walang salitang tumayo ito at nagtungo sa maliit na silid, kung saan naroon ang nagsisilbing pantry at gawaan ng kape. Pagkaraan ang ilang saglit ay lumapit si Sam sa mesa niya at ibinigay ang kape sa kaniya at walang salitang muling bumalik sa corner nito at humarap sa laptop. "Matabang ito," reklamo niya kay Sam, makaraang tikman ang kapeng gawa nito. Sinabihan na niya itong ayaw niya ng matabang na kape. Tumingin si Sam sa kaniya at bumuntong-hininga, pagkaraan ay walang salitang muling tumayo at kinuha ang tasa ng kape na nasa taas ng mesa niya. Il
GAIL'S POV KANINA pa palinga-linga sa paligid si Gail at napansin 'yon ng kaibigang si Alee na kasama niya nang mga sandaling 'yon. "Kanina pa kita napapansin na parang may hinahanap, ha? Mayroon nga ba?" Nagdududang tanong ni Alee sa kaibigan. Umiling siya at nagkibit balikat na lamang si Alee at muling itinutok sa cellphone ang pansin. Naroon na naman sila sa exclusive bar na paborito nilang puntahan, pinutol na ng kuya niya ang pag-ground nito sa kaniya, kaya malaya na naman siya sa kaniyang night life. Nasaan na kaya ang lalaking 'yon? Hindi alam ni Gail kung bakit ba hinahanap niya ang lalaking huling nakausap niya sa bar na 'yon. Kung hindi siya nagkakamali at sa pagkakatanda niya ay Ren ang pangalan ng lalaki. Teka, bakit ko ba siya hinahanap? " Gail, teka lang at pupuntahan ko si Troy sa labas, naroon na raw siya, e," mamaya-maya pa ay paalam ni Alee at pupuntahan nga raw sa labas ang nobyo nitong si Troy. "Sige, ba
"WHAT?!" Halos manginig ang buong katawan ni Sam nang marinig ang sinabi ni Toneth sa kabilang linya. "Nasaan kayo?" Tarantang tanong pa niya sa kausap. Tinawagan siya nito upang ibalita na isinugod nito sa emergency room si Graciella dahil hindi na bumababa ang lagnat nito. Alam niyang may lagnat si Graciella at araw-araw naman niya itong pinupuntahan, kahapon nga ay bago siya umalis sa mansion nila ay okay na ang timpla nito at sinat na lang, pero binilin pa rin niya kay Toneth na ituloy ang mga gamot na bigay ng pedia. Napa-check up na niya ito at akala niya ay okay na. "Dito sa Lucas hospital ko po siya dinala, ate..." Halata pa rin sa boses nito ang taranta at pag-aalala. "Sige-sige at pupuntahan ko na kayo ngayon din. Please, huwag mong iiwan si Graciella. I'll be there!" Agad niyang pinatay ang tawag at nanlalambot na napaupo sa kaniyang upuan. Kailangan muna niyang kalmahin ang sarili at hindi siya puwedeng dumiretso doon na ganoon ang estado niy
PAGKALIPAS ng halos mahigit isang linggo ay nakalabas na ng hospital si Gracie. Sinigurado ni Sam na talagang okay na okay ang anak niya bago idischarge ang anak niya. "Masigla na ulit ang aming baby!" Masayang sabi ni Martina na siyang kasama niya rin ng ilang araw sa hospital, maliban pa kay Toneth. Hangang sa pag-uwi nga sa mansion ng mga Walton ay sumama pa ang dalaga. "Kaya nga, mukha na namang papagurin niya ang Ate Toneth niya," aniya sa babae habang inaayos ang nagusot na bedsheet ng kaniyang anak na abala na ngayon sa paglalaro sa sahig kasama si Toneth. Bumaling sa kaniya si Martina at pabulong na nagtanong, "Hindi pa ba sumasabog na parang bulkan si Sir Gareth at ang tagal mong hindi pumasok?" Sinabi niya kay Martina na since wala naman sila sa kompanya, nais niyang makipag-usap ito sa kaniya na parang magkaibigan lang sila. Being friends with Martina isn't bad, kilala na niya ito. Natigilan siya, wala namang tawag or text from Gareth s
"GOOD MORNING, Mrs. Sabastian." Ang bati na 'yon ni Ms. Valdos ang sumalubong kay Sam nang pagpasok niya sa opisina kinabukasan. Ngiting-ngiti ito sa kaniya pero tila naroon pa rin ang pagkailang. Siguro ay naiisip pa rin nito ang nangyari nitong mga nakaraan araw. "Good morning, Ms. Valdos. Nariyan na ba si Gareth?" Tumango ang babae. "Kanina pa po at mukhang mainit ang ulo niya. Naririnig ko po kasi ang mga paninigaw niya sa mga kausap niya sa telepono." "Ganoon ba," aniya na lihim na nagdasal na sana naman ay huwag ibuntong nito sa kaniya ang init ng ulo nito. For petes' sake, ayaw na muna niyang makipag-away dito dahil sobra na ang mga iniisip niya nitong mga nakaraang araw. Nagtuloy-tuloy siyang pumasok sa opisina at sigaw agad ni Gareth ang sumalubong sa kaniya. "How many times do I need to tell you, Ms. Valdos na hindi ako tatanggap ng bisita toda-" natigilan si Gareth nang pag-angat ng mukha nito mula sa papeles na binabasa ay siya ang
"REALLY, mommy? Isasama mo na ako kung saan ikaw nakatira po?" Halata sa boses ni Graciella ang galak habang tinatanong ang mga salitang iyon kay Sam. Nasa byahe na sila nang hapong iyon, patungo sa mansion ng mga Sebastian. Si Butler Andy ang driver nila at nasa tabi naman nito si Toneth. Binalingan niya ang anak at nginitian. "Yes, hun. Are you happy?" Magkakasunod na tango ang ginawa ng paslit. "I'm happy kapag kasama kita, mom," ani Gracie na sumandal sa may dibdib niya. Siguro kung may mas masaya man nang mga sandaling 'yon ay siya 'yon. Atleast kasama na niya ang anak niya at hindi na niya kailangan bumyahe araw-araw patungo rito, mamomonitor pa niya kung magkakasakit ito o pagdating niya galing opisina ay si Gracie na ang sasalubong sa kaniya. Isa lang naman ang pinag-aalala niya, at iyon ay ang magiging reaksyon ng mga magulang ni Gareth at lalong-lalo na ang reaksyon ni Gail, kapag nalaman ng mga ito na doon na rin titira si Graciella.
"HABULIN niyo! hindi pa 'yon nakakalayo!" Dinig na dinig ni Samantha ang boses ng isa sa mga lalaking kumidnap sa kaniya, dahil doon mas binilisan pa niya ang pagtakbo upang makalayo sa mga ito. Nagkaroon siya ng pagkakataong makatakas nang binuksan ng isa sa mga lalaki ang pintuan ng kinaroroonan niya, buong lakas niya itong hinampas sa may mata pagsungaw ng ulo nito dahilan upang panandalian itong hindi makakita. Wala siyang sinayang na pagkakataon at agad siyang tumalilis. Pinutol na rin nga niya ang bandang ibaba ng kaniyang suot na wedding gown para makatakbo siya. Hindi alintana ni Samantha ang sukal at ang mga kahoy na tumutusok sa hubad niyang paa, ang dapat niyang isipin ay kung paano makalayo sa mga lalaking halang ang mga bituka! "Tulong!" Sigaw niya sa kaniyang isipan, baka sakaling madinig siya ng Diyos at iligtas siya. Ayaw pa niyang mawala sa mundo at gusto pa niyang makita si Gareth at maikasal dito. Sa kakatakbo ni Samantha sa kas
CHERRY'S POV "COME ON, Gareth. Lasing ka na, tayo na at ihahatid na kita sa kwarto mo," sambit ni Cherry habang pilit na inaalalayan ang pasuray-suray na si Gareth dahil sa kalasingan nito. Kaninang pag-alis nina Sam at Drake, muling bumalik sa pag-iinom ang lalaki at nagpakalango sa alak na wari ay sinasadya iyon upang mawala ang galit na nararamdaman. Tanging si Gareth lamang ang nakakaalam sa kung anong nararamdaman nito nang mga sandaling 'yon. Ang tanging nakikita lamang ni Cherry sa lalaki nang mga oras na 'yon ay galit patungkol sa dalawa. "Damn that woman! Damn that asshole!" Paulit-ulit na bulong ni Gareth na halos hindi na makatayo ng diretso ngunit sige pa rin sa paglagok sa bote ng alak na hawak, hangang sa mapaupo na ito sa buhanginan. "Bakit hindi mo na lang hayaan ang babaeng 'yon. She chose that man and-" "Shut up! I don't wanna here something about them!" Wika ni Gareth sa pabulol-bulol na salita. Natahimik si Che
"DRAKE, kanina ka pa ba diyan?" Napatingala si Sam sa bagong dating, pilit na binago ng babae ang ekspresyon ng mukha upang hindi mahalata ni Drake ang nararamdaman niya nang mga sandaling 'yon. Nagpamulsa si Drake at tinitigan si Sam na animo'y pinag-aaralan ang mukha nito na tila nais nitong basahin ang emosyon niya. Mabilis na nag-iwas ng tingin ang babae at ibinaling sa maalon na dagat ang paningin. "She said something to you, am I right?" Pagkadaka'y saad ni Drake na hindi pinuputol ang pagkakatitig kay Sam na nanatiling nakaupo sa buhanginan. Muling napatingin si Sam kay Drake at tumawa ng pagak. "Anong sinasabi mo?" Patay malisyang tugon niya sa lalaki. Napabuntong hininga si Drake at pagkaraan ay tumabi sa pagkakaupo kay Sam sa may buhanginan. "C'mon, Sammy. I saw you and that Cherry talking- er- I mean, like silent fighting on something or let say, someone. Let me guess, it has something to do with Gareth, isn't it?" Hindi agad n
DONALD'S WEDDING "BAKIT pa ba ako sumama rito?" Frustrated na bulong ni Sam sa sarili. Mag-isa siyang nakaupo sa isang table at tumitingin sa mga taong nagkakasiyahan sa paligid. Pinagsisihan niyang sumama pa siya dahil alam naman niya sa una pa lang na hindi siya mag eenjoy at 'yun na nga ang nangyayari nang mga sandaling 'yon. Sa hindi kalayuan ay natatanaw niya si Gareth sa kumpol ng mga bisitang sumasayaw sa saliw ng malamyos na musika, kasayaw nito si Cherry. Kinapa niya ang sariling pakiramdam kung may pagseselos ba siyang nararamdaman nang mga sandaling 'yon, ayaw man niyang aminin pero bakit tila kumikirot ang puso niya? Bakit naiinis siya? Bakit nanggigil siya sa dalawa!? Bigla siyang napaiwas nang tingin kay Gareth nang tumingin ito sa lugar na kinaroroonan niya, ganoon din ang kasayaw nitong si Cherry. Bigla tuloy siyang nahiya at pakiramdam niya ay nag-aapoy sa init ang mukha niya nang mga sandaling 'yon. Baka isipin ng mga ito na naiinggit
NAUNANG umuwi si Sam kaysa kay Gareth. Sinabi niya rito na sumakit ang ulo niya at gusto na niyang umuwi. Nais mang sumabay ni Gareth sa kaniya pero buti na lamang at may mga dumating na mga business man katulad nito at nakulong ito sa isang kwentuhan, kaya tumalilis na siya. Hinatid siya ni Butler Andy. Totoo naman masakit ang ulo niya at nais na niyang makauwi. Alas onse na ng gabi 'yon at tahimik na ang buong bahay ng mga Sebastian. Pinuntahan muna niya ang kaniyang anak na tulog na tulog sa silid nito kasama si Tonet. Pagkatapos ay nagtungo na sa isang silid at nagshower. Nang matapos at paglabas mula sa banyo ay nadatnan niyang tumutunog ang cellphone niya hudyat na may tumatawag. Si Ren. "Ren, bakit?" Habang napapahilot sa noo dahil hindi nawawala ang sakit ng ulo kahit pa nakaligo na. Ang kailangan siguro ay tulog. "We need to talk," umpisa ni Ren sa kabilang linya. "Go, talk." Tila walang ganang wika niya dahil nga masakit ang ulo niya.
NATIGILAN at panandaliang naigit ni Gareth ang kaniyang paghinga nang makita kung sino ang babaeng bagong dating sa tila bulwagan na 'yon. It's Sam. Palingon-lingon ito sa paligid na tila may hinahanap. Hindi maitatanggi ni Gareth na bumagay sa babae ang bagong kulay at gupit nitong buhok na agad niyang napansin. Dinagdagan pa ng eleganteng gown na kitang-kita ang bawat kurba ng katawan nito. Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Gareth ang biglang pagbaling ng tingin ng mga mayayaman at kilalang kalalakihan sa kaniyang asawa. Oh geez! Aminin man niya o hindi ay nakaramdam siya ng pagka-proud sa isiping hangang tingin lamang ang mga ito kay Sam at hangaan ito mula sa malayo. She's mine morons! Maging siya ay nagulat sa ibinulong ng isipan niya. At kailan pa siya naging possessive sa babae? Akmang maglalakad at lalapitan na niya ang asawa nang biglang may nauna sa kaniya. Naningkit ang mga mata niya at naikuyom ang kamao nang makilala kung sino 'yon. It's Drake.
"MS. SAM." Napalingon si Sam sa nagsalita at nakitang si Butler Andy 'yon na may malumanay na ngiti sa labi. Nasa may gazebo siya noon at doon nagpapalipas ng oras. Pinag-iisipan kung papasok ba ngayon sa opisina o hindi. Hindi niya alam kung paano aakto kapag kasama niya si Gareth, lalo na sa opisina. "Ikaw pala, Butler Andy. Ano ho ang meron?" Curious siya, dahil lumalapit lang sa kaniya ang matanda kung may sasabihin. "Alas nueve po ang appointment niyo sa Krativa Salon ngayong araw," imporma nito. Siyempre awtomatikong nagsalubong ang kilay niya dahil wala siyang natatandaan na nagpa-book siya sa naturang salon ngayong araw. "Wala po akong-" "Ako po ang nagpa-booked at ayon iyon sa utos ni Mr. Sebastian," wika nito at ngumiti. "Isang paghahanda raw po para sa pupuntahan niyong art exhibit mamayang hapon." Huminga ng malalim si Sam. Muntik na niyang makalimutan ang tungkol doon. Sakto rin naman na balak niyang magpa-sa
"OKAY ka lang ba? Mukhang ang lalim ng iniisip mo?" Usisa ni Martina kay Sam nang nasa isang restaurant sila. Matapos ang pag-uusap nila ni Attorney ay tinawagan niya ang dating assistant na kaibigan na niya ngayon. Nagkita sila at pinauna na niyang umuwi sina Graciella at ang Yaya Toneth nito. Parang gusto lang niyang may makausap kaya nakipagkita siya sa babae. Ang dami-dami kasing mga bagay ang tumatakbo sa isipan niya. Mga bagay na halos hindi na niya maintindihan kung bakit nangyayari. "Galing ako sa mansion at nakausap ko ang Attorney ng pamilya and..." "And?" Napabuntong hininga si Sam at bahagyang nahilot ang sintido. "At nalaman ko mula sa kaniya na may ibang pamana pa sa akin ang papa, Martina. Nalaman ko na marami pa pala siyang ari-arian..." Napanganga si Martina na halatang nagulat din sa sinabi niya. Pero nanatili itong walang kibo na tila hinihintay pa siya sa susunod niyang sasabihin. "At alam mo ba na imbes
WALTON MANSION Wala naman sanang balak umuwi si Sam sa mansion nila, dahil mabigat ang katawan niya dahil sa nangyari sa kanila ni Gareth kagabi, ni hindi nga siya pumasok ng opisina upang makaiwas sa asawa. May karapatan ba siyang magalit dito? Hindi niya alam kung bakit nasasaktan siya kapag naiisip na ni hindi man humingi ng tawad sa kaniya ang asawa sa nagawa nito nang nakaraang gabi. Pero ano ba ang aasahan niya kay Gareth? Anong aasahan niya sa mala batong puso nito. Tinawagan siya kanina ng Attorney ng pamilya nila na matalik na kaibigan din ng daddy niya. May mga mahalaga kasi silang pag-uusapan at wala siyang ideya kung ano 'yon. Kaya kahit mabigat ang katawan niya ay pinilit niyang makauwi sa Walton mansion. "Mommy, hindi na ba tayo kay Daddy Gareth titira?" Inosenteng tanong ni Graciella sa kaniya habang nakatitig ang mga inosente nitong nga mata sa kaniya. Nasa byahe sila nang mga sandaling 'yon. Parang napaka-normal lamang kay Graciella