“Anyway… this is Rory, Thalia. She just turned two last month.” Ibinaling ko ang tingin ko sa batang nakahiga sa crib. Tulog siya kaya naman hindi na ako nagtangka pang lumapit dahil baka magising ko pa… hindi pa naman ako masiyadong sanay na magpatahimik ng umiiyak na bata. Pero siyempre, hindi ko sinabi iyon dahil baka hindi nila ako tanggapin sa trabaho. Siguro naman ay darating ang panahon na makakaya ko ring magpatahan ng bata… sana. “Hindi ako nagtrabaho mula noong ipinagbuntis ko siya but I really need to go back to work now since my Dad is not in a very good condition right now. Si Aziel naman, busy rin sa trabaho niya kaya hindi niya maaalagaan si Rory. So to adhere to our schedule, we both decided to hire a nanny to take care of our daughter. Kaya mo naman ang trabaho, ‘di ba?” Heto na nga ba ang sinasabi ko. Hindi ako kaagad nakasagot at sa halip ay ibinaling ko ang aking tingin
“Kaia?”Hindi ako kaagad nakagalaw nang magtagpo ang mga mata namin ng estrangherong lalaki. Ilang beses akong napakurap bago tuluyang bumalik sa normal. “H-Hindi ko pinapapaiyak ‘tong bata, ha. Bigla nalang siyang umiyak noong pumasok ako,” mabilis na pagdadahilan ko. Tiningnan ko si Rory na ngayon ay tumigil na sa pag-iyak. Mabilis kong tinalikuran ang lalaki at muling ibinalik sa crib niya ang bata. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis sa sitwasyon ko ngayon dahil halos lahat sila, tinatawag akong Kaia at hindi na ako nagiging kumportable sa paraan ng pagkakakilala nila sa akin. Nasaan na baa ng Kaia na ‘yon at bakit hindi siya ang magpakita? Ang dami-raming taong naghahanap sa kaniya tapos— Muntik na akong mapatalon sa aking kinatatayuan nang walang pasabing niyakap ng estrangherong lalaki ang aking likuran. Hindi ako kaagad nakagalaw at sa halip ay naestatwa lamang dahil sa labis na pagkagulat.
“Hindi ka ba nahihirapang mag-adjust dito sa Manila, Thalia?” Nag-angat ako ng tingin kay Ma’am Brielle nang marinig ang tanong niya. Marahan akong umiling at tipid na ngumiti sa kaniya. “Hindi naman po masiyado. Saka nag-eenjoy naman ako sa pag-aalaga kay Rory kaya hindi ako nahihirapan sa pag-aadjust,” sagot ko. Tumango siya at nagpatuloy na sa pag-kain. Ipinagpatuloy ko na rin naman ang pagsusubo ko kay Rory. Dalawang taon na siya at hindi maipagkakaila na matalino siyang bata. Sa edad niyang ito, halos marami na siyang alam na mga salita kaya naman hindi ako nakakaranas ng pagka-boring sa tuwing inaalagaan ko siya. Hindi rin siya iyakin na siya namang ikinapagpapasalamat ko. “Basta kapag may problema ka, you can tell us anytime. Though I am a bit busy with my work but I’ll make time to tend to your worries, all right?” Muli akong tumango sa sinabi ni Ma’am Brielle kahit na ang totoo ay gu
Dahan-dahan kong ibinaba sa crib niya ang ngayon ay natutulog ng si Rory. Hindi mahirap alagaan na bata si Rory kaya naman hindi ako masyadong naistress pagdating sa kaniya. Tulad ngayon, madali talaga siyang patulugin kaya’t hindi ako inaabot ng madaling araw sa pagpapatulog sa kaniya. Kinumutan ko siya upang hindi siya masiyadong malamigan at pinahinaan na rin ang aircon. Sa halos isang buwan ko rito sa pamilya nila, napansin kong madaling magsakit si Rory kaya naman sobrang ingat ko sa pag-aalaga sa kaniya. Ayaw ko naman na madissapoint sa akin sina Ma’am Brielle at Sir Aziel. Saka isa pa, gusto kong patunayan ang sarili ko sa kanila. Gusto kong patunayan na deserve ko ang trabahong ‘to. Kahit na hindi ako si Kaia Clemente, kailangan kong siguruhin na hindi nila ako tatanggalin sa trabaho kung sakali mang mahanap na nila ang hinahanap nila. Matapos masigurong maayos na ang lagay ni Rory ay napagdesisyunan ko nang pumu
Ilang araw ko nang pinag-iisipan ang offer ni Sir Aziel sa akin na pagtatrabaho sa bahay ni Dylan Fontanilla pero hanggang ngayon, wala pa rin akong nakukuhang sagot mula sa sarili ko. Aaminin kong gusto kong sumugal. Wala namang mawawala sa akin kung sakali mang magtrabaho ako sa kaniya pero kasi… iba ang pakiramdam ko sa Dylan Fontanilla na iyon. May kakaiba akong nasesense sa kaniya pero hindi ko maipaliwanag kaya’t hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Paano kung tama nga ang hinala ni Clara at ni Sir Aziel? Paano kung… Paano kung bumigay nga ako sa kaniya? Paano kung dahil sa pagsugal kong makalapit sa kaniya, ako naman ang mapaso ng apoy niya? Tulad ng isang gamu-gamo na masiyadong nagpadala sa kuryosidad… paano kung mangyari nga sa akin ang bagay na iyon? Hindi ko tuluyang dinidismiss ang idea na iyon dahil hindi ko naman alam kung anong mangyayari sa hinaharap. Pero kahit na sabihin sa akin ni Sir
Biyernes. Malakas akong bumuntong hininga habang nakatingin sa kalendaryo sa harapan ko. Halos isang linggo na akong nag-iisip kung tatanggapin ko ba ang alok ni Sir Aziel na pagtatrabaho ko kay Dylan Fontanilla o hindi. At dahil Biyernes na naman, isa lang ang ibig sabihin… Sabado na naman bukas at kailangan ko nang magdesisyon ngayon. Makabubuti nga ba sa akin kung tatanggapin ko ang alok ni Sir Aziel o hindi? “Care to share your thoughts?”Muntik na akong mapatalon sa aking kinatatayuan nang marinig ang boses ni Sir Aziel. Iniisip ko lang siya kanina, ngayon ay nandito na sa tabi ko. Grabe rin, ah? Talaga bang nababasa niya ang utak ko? Tumingin ako sa kaniya bago ko ibinalik ang tingin ko sa nakasabit na kalendaryo sa may kitchen. Wala kasi akong mahanap na kalendaryo sa bahay maliban dito… mayroon din naman sa cellphone ko pero ayaw ko kasing maabutan ako nina Ma’am at Sir na
“Nagkita ba kayo kagabi ni Dylan, Thalia?”Agad akong nag-angat ng tingin kay Ma’am Brielle nang marinig ang tanong niya. Nasa unahan siya ng sasakyan at katabi ni Sir Aziel na siyang nagd-drive samantalang kami naman ni Rory ay nasa likuran. Hindi kaagad ako nakasagot ngunit kapagkuwan ay marahan akong umiling. “Hindi po,” pagsisinungaling ko. Halos hindi ako makatulog buong gabi dahil sa sinabi sa akin ni Dylan Fontanilla kagabi. Pakiramdam ko ay mali ang naging desisyon ko na tanggapin ang alok niya subalit huli na ang lahat para bawiin ang sinabi ko. Heto nga at nasa sasakyan na ako papunta sa bahay ni Dylan Fontanilla. “Ano nga palang pinag-usapan niyo ni Dylan, Aziel? Is it about work?” “Just some… random things,” maikli ngunit pansin ko’y makahulugang sagot ni Sir Aziel sa tanong ni Ma’am Brielle. Tumingin na lamang ako sa labas ng sasakyan at humugot ng malalim na buntong h
Humugot ako ng malalim na buntong hininga at umiling. “Saka ako,” dagdag ko at nag-angat ng tingin sa kaniya. “Alam ko rin na doon talaga ako nakatira. Iyon naman ang mahalaga, ‘di ba?” “Y-Yes but---“ Muli akong bumuntong hininga at tumigil sa pagwawalis. Tumingin ako sa kaniya bago seryosong nagsalita. “Uh, Sir?” pagputol ko sa kung ano mang dapat ay sasabihin niya. “Hmm?” “Kung puwede po sana, huwag niyo na akong tanungin pa tungkol sa mga ganiyang bagay. Para po kasing ang dating sa akin ng mga tanong niyo, kinuha niyo lang akong katulong dito para malaya niyong matanong. Saka isa pa po, hindi po kasi ako kumportable sa mga tanong niyo. Nalinaw ko na naman po yata kina Sir Aziel at Ma’am Brielle ang lahat ng impormasyon na gusto niyong malaman kaya kung puwede po…. sa kanila nalang po sana kayo magtanong,” mahinahong sambit ko. Umawang ang kaniyang mg