Dahan-dahan kong ibinaba sa crib niya ang ngayon ay natutulog ng si Rory. Hindi mahirap alagaan na bata si Rory kaya naman hindi ako masyadong naistress pagdating sa kaniya. Tulad ngayon, madali talaga siyang patulugin kaya’t hindi ako inaabot ng madaling araw sa pagpapatulog sa kaniya.
Kinumutan ko siya upang hindi siya masiyadong malamigan at pinahinaan na rin ang aircon. Sa halos isang buwan ko rito sa pamilya nila, napansin kong madaling magsakit si Rory kaya naman sobrang ingat ko sa pag-aalaga sa kaniya. Ayaw ko naman na madissapoint sa akin sina Ma’am Brielle at Sir Aziel.Saka isa pa, gusto kong patunayan ang sarili ko sa kanila. Gusto kong patunayan na deserve ko ang trabahong ‘to. Kahit na hindi ako si Kaia Clemente, kailangan kong siguruhin na hindi nila ako tatanggalin sa trabaho kung sakali mang mahanap na nila ang hinahanap nila.Matapos masigurong maayos na ang lagay ni Rory ay napagdesisyunan ko nang pumuIlang araw ko nang pinag-iisipan ang offer ni Sir Aziel sa akin na pagtatrabaho sa bahay ni Dylan Fontanilla pero hanggang ngayon, wala pa rin akong nakukuhang sagot mula sa sarili ko. Aaminin kong gusto kong sumugal. Wala namang mawawala sa akin kung sakali mang magtrabaho ako sa kaniya pero kasi… iba ang pakiramdam ko sa Dylan Fontanilla na iyon. May kakaiba akong nasesense sa kaniya pero hindi ko maipaliwanag kaya’t hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Paano kung tama nga ang hinala ni Clara at ni Sir Aziel? Paano kung… Paano kung bumigay nga ako sa kaniya? Paano kung dahil sa pagsugal kong makalapit sa kaniya, ako naman ang mapaso ng apoy niya? Tulad ng isang gamu-gamo na masiyadong nagpadala sa kuryosidad… paano kung mangyari nga sa akin ang bagay na iyon? Hindi ko tuluyang dinidismiss ang idea na iyon dahil hindi ko naman alam kung anong mangyayari sa hinaharap. Pero kahit na sabihin sa akin ni Sir
Biyernes. Malakas akong bumuntong hininga habang nakatingin sa kalendaryo sa harapan ko. Halos isang linggo na akong nag-iisip kung tatanggapin ko ba ang alok ni Sir Aziel na pagtatrabaho ko kay Dylan Fontanilla o hindi. At dahil Biyernes na naman, isa lang ang ibig sabihin… Sabado na naman bukas at kailangan ko nang magdesisyon ngayon. Makabubuti nga ba sa akin kung tatanggapin ko ang alok ni Sir Aziel o hindi? “Care to share your thoughts?”Muntik na akong mapatalon sa aking kinatatayuan nang marinig ang boses ni Sir Aziel. Iniisip ko lang siya kanina, ngayon ay nandito na sa tabi ko. Grabe rin, ah? Talaga bang nababasa niya ang utak ko? Tumingin ako sa kaniya bago ko ibinalik ang tingin ko sa nakasabit na kalendaryo sa may kitchen. Wala kasi akong mahanap na kalendaryo sa bahay maliban dito… mayroon din naman sa cellphone ko pero ayaw ko kasing maabutan ako nina Ma’am at Sir na
“Nagkita ba kayo kagabi ni Dylan, Thalia?”Agad akong nag-angat ng tingin kay Ma’am Brielle nang marinig ang tanong niya. Nasa unahan siya ng sasakyan at katabi ni Sir Aziel na siyang nagd-drive samantalang kami naman ni Rory ay nasa likuran. Hindi kaagad ako nakasagot ngunit kapagkuwan ay marahan akong umiling. “Hindi po,” pagsisinungaling ko. Halos hindi ako makatulog buong gabi dahil sa sinabi sa akin ni Dylan Fontanilla kagabi. Pakiramdam ko ay mali ang naging desisyon ko na tanggapin ang alok niya subalit huli na ang lahat para bawiin ang sinabi ko. Heto nga at nasa sasakyan na ako papunta sa bahay ni Dylan Fontanilla. “Ano nga palang pinag-usapan niyo ni Dylan, Aziel? Is it about work?” “Just some… random things,” maikli ngunit pansin ko’y makahulugang sagot ni Sir Aziel sa tanong ni Ma’am Brielle. Tumingin na lamang ako sa labas ng sasakyan at humugot ng malalim na buntong h
Humugot ako ng malalim na buntong hininga at umiling. “Saka ako,” dagdag ko at nag-angat ng tingin sa kaniya. “Alam ko rin na doon talaga ako nakatira. Iyon naman ang mahalaga, ‘di ba?” “Y-Yes but---“ Muli akong bumuntong hininga at tumigil sa pagwawalis. Tumingin ako sa kaniya bago seryosong nagsalita. “Uh, Sir?” pagputol ko sa kung ano mang dapat ay sasabihin niya. “Hmm?” “Kung puwede po sana, huwag niyo na akong tanungin pa tungkol sa mga ganiyang bagay. Para po kasing ang dating sa akin ng mga tanong niyo, kinuha niyo lang akong katulong dito para malaya niyong matanong. Saka isa pa po, hindi po kasi ako kumportable sa mga tanong niyo. Nalinaw ko na naman po yata kina Sir Aziel at Ma’am Brielle ang lahat ng impormasyon na gusto niyong malaman kaya kung puwede po…. sa kanila nalang po sana kayo magtanong,” mahinahong sambit ko. Umawang ang kaniyang mg
“Hindi niyo ako masusundo?”Rinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ni Sir Aziel sa kabilang linya matapos marinig ang tanong ko. “We’re actually on our way there but my in-laws called. Gusto nilang pumunta muna kami roon at idaan si Rory. Matatagalan bago ka namin masundo diyan and if I am right, may trabaho rin si Dylan so…” “Magcocommute nalang ako,” pagdurugtong ko sa kung ano mang dapat ay sasabihin niya. “Alam mo ba kung saan ang daan pabalik sa bahay?” Hindi ako kaagad nakasagot dahil hindi ko naman alam. Hindi ako nakapag-focus noong papunta kami rito sa bahay ni Dylan Fontanilla dahil masiyado akong kinakabahan doon kaya naman hindi ko na natandaan ang daan papunta at pabalik. Humugot ako ng malalim na buntong hininga at kaswal na nagkibit balikat. “I’ll figure it out. Madali lang naman siguro—“ “Oohh…” pagputol niya sa dapat ay sasabihin ko na para ba
Nagkibit balikat na lamang ako at hindi na nagtanong pa kahit na naguguluhan ako sa kung ano bang ikinakagalit niya. Baka nga tama siya at may trabaho talaga si Lieutenant Creed sa loob at iniwan lang para makipag-chikahan sa akin. Hindi naman siya magagalit kung walang dahilan, ano. Tulad kanina ay pinagbuksan niya akong muli ng pinto sa kotse niya. Agad naman akong sumakay at walang imik na nagseatbelt—ganoon din siya. Ang pinagkaiba lamang sa kanina, ramdam ko ang tensiyon sa pagitan namin kaya’t ilang beses akong napalunok at napaayos ng upo. Galit ba siya dahil nakipag-usap ako sa katrabaho niya? Peke akong umubo at humarap sa gawi niya. “Si Lieutenant Creed… hindi ko siya chinichika, ha,” depensa ko at muling nag-iwas ng tingin. “Akala niya lang ako ang asawa mo kaya siya lumapit. Malay ko bang may trabaho siya sa loob saka susunduin ka nga niya dapat kasi akala niya, ako si Kaia. Nilinaw ko naman na hindi—“
“Blooming ka, Thalia, ah? Happy?”Tumigil ako sa pakikipaglaro kay Rory nang marinig ang boses ni Ma’am Brielle. Kakabukas niya lamang ng pinto at mukhang kadarating lamang galing sa trabaho. Nagkibit balikat ako at tipid siyang nginitian. “Ganito naman ako palagi, Ma’am Brielle,” tanging sagot ko sa kaniya ngunit animo’y nanloloko siyang ngumiti sa akin pabalik kaya’t napailing na lamang ako. Mula nang makauwi ako galing sa pagtatrabaho kay Dylan, halos araw-araw na niya akong tinutukso kahit na sinabi ko na sa kaniyang hindi ako kumportable roon. Hindi rin naman niya directly sinasabi sa akin na tinutukso niya ako kay Dylan pero… nararamdaman ko naman. Hindi niya sinasabi pero halatang-halata rin naman. Lumakad siya palapit sa amin at binuhat si Rory. Hinalikan niya ang pisngi ng anak bago lumingon sa akin. “Ikaw na ang magpatulog dito kay Rory, hmm? Magpapalit lang ako ng dami
“Where are you two going? At least tell me where, kahit na hindi niyo ako isama.” Sabay kaming napatingin ni Ma’am Brielle sa gawi ni Sir Aziel. Buhat niya si Rory na nakalingkis ang braso sa kaniyang leeg at kung makayakap ay parang aalis ang ama at ayaw magpaiwan. Malakas na bumuntong hininga si Ma’am Brielle kaya’t ibinaling ko ang aking atensiyon sa kaniya. “Thalia and I are going to have a girl’s me-time. Hindi mo ‘yon alam kaya huwag ka nang makisali,” sagot niya sa asawa habang umiiling. Hindi ko naman mapigilang mapalunok nang marinig ang sinabi niya. Me-time? Ano naman ‘yon? “Ang sabihin mo, mags-shopping kayo.” “Right,” pagsang-ayon ni Ma’am Brielle kay Sir Aziel at tinaasan ito ng kilay. “At isa pa…” Lumingon siya sa akin at ngumiti. Wala sa sarili ko namang itinuro ang aking sarili dahil sa ginawa niya. Ako? Wala akong pambayad sa shopping
2 TBHW 44"Sorry, I'm late. I had to sort things out with my husband before picking you up," agad na sambit ng nanay ni Dylan matapos kong sumakay sa kotse niya.Matipid ko siyang nginitian kahit na ilang minuto rin akong naghintay sa kaniya. Akala ko nga ay hindi na siya darating pa kaya't laking gulat ko nang may tumigil na sasakyan sa aking harapan. Nagmamadali naman akong sumakay nang tawagin niya ako dahil baka may makakita pa sa aming dalawa."Ayos lang po. Ako nga po ang dapat na magpasalamat dahil nag-abala pa po kayo na samahan ako."Laking gulat ko nang marahan niyang tapikin ang aking palad. Taka ko siyang tiningnan at agad namang bumungad sa akin ang matipid niyang ngiti."Alam ko na hindi ko dapat 'to ginagawa pero may iba talaga akong kutob sa nagpakilalang Kaia. Yes, she really acts like Kaia pero... may iba talaga. I couldn't point it out but my gut tells me that there's something wrong with her," saad niya."P-Pe
2 TBHW 41“I talked to Dylan’s mother.”Tila pumintig ang tainga ko nang marinig ang sinabi ni Sir Aziel. Ibinaba ko sa lapag si Rory at hinayaan itong maglaro bago tuluyang tumingin sa bagong dating na si Sir Aziel. “Ang nanay ni Dylan?”Tumango siya. “Nakasalubong ko siya kanina at napag-usapan namin ang tungkol sa ‘yo. Though just like Dylan, she was also pretty convinced that the Kaia that is with them right now is really Kaia, she still thinks that there’s a possibility that you’re Kaia.”“Tulad ng sinabi ko, hindi naman ako bumalik dito para patunayan na ako si Kaia. Gusto ko lang ng peace of mind. Napasok ako sa gulong ‘to nang walang kaalam-alam kaya gusto kong tuluyan nang masagot ang mga tanong ko,” paglilinaw ko sa kaniya.Hindi kaagad nakapagsalita si Sir Aziel at sa halip ay malakas na bumuntong hininga. Alam kong naiintindihan niya ang ibig kong sabihin kahit na mahirap intindihin... kahit nga ako ay hindi ko rin maintindiha
“I haven’t sleep a wink while waiting for you two. Mabuti at hindi pa rin nagigising ngayon si Rory dahil kung hindi, baka nag-iiyak na ‘yon dahil naputol ang tulog niya,” reklamo ni Brielle at inabutan ako ng isang tasa ng tsaa. Dahil nilalamig na rin ako ay kaagad kong ininom ang ibinigay niya. Naupo naman sa harap ko si Brielle at tumabi kay Sir Aziel na kanina pa nakamasid sa akin. Kapwa naka-krus ang braso nilang mag-asawa na para bang hinihinaty na magsalita ako at may aminin sa kanila. Nag-angat ako ng tingin at malakas na humugot ng malalim na buntong hininga. “Salamat nga pala sa pagsundo sa akin kahit na masiyadong biglaan. Ngayon lang kasi ako nakakuha ng tiyempo na umalis saka wala rin akong pera para sa pamasahe ko kaya wala akong choice kung hindi ang tawagan kayo,” panimula ko. “Did your fiancé locked you up?” Sa halip na sagutin ang tanong ni Sir Aziel ay nagbaba na lamang a
Dali-dali kong inalis ang kumot na nakatakip sa katawan ko nang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Paige. Nakasuot na siya ng pajama at bakas sa kaniyang mukha na kanina niya pa pinipigilan ang sariling makatulog dahil sa mapungay niyang mga mata. Wala sa sarili kong kinagat ang aking ibabang labi nang makita ang kalagayan niya. Kinusot niya ang mga mata bago isinara ang pinto at tuluyang pumasok sa silid ko. “Tulog na po si Papa, Mama,” mahinang sambit niya at dahan-dahang lumapit sa puwesto ko. “Sure ka?” Marahan siyang tumango. “Sinubukan ko pong lumabas ng bahay pero hindi niya po ako napansin. Saka po l-lasing po yata ang Papa kaya po mahimbing po ang tulog niya po,” sagot niya. Bahagyang nagtagpo ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Lasing si Tres? At bakit naman siya naglasing? Bihira siyang uminom ng alak kaya’t nasisiguro ko na may kung ano siyang pinoproblema kaya niya nagawang
Sa halip na isang linggo lamang ako rito sa isla ay naging dalawang linggo na. Akala ko noon ay nagloloko lamang si Tres nang sabihin niya sa akin na hindi niya ako palalabasin hangga’t hindi ko sinasabi sa kaniya na hindi na ako kailanman babalik pang muli sa Maynila. Humugot ako ng malakas na buntong hininga at tumingin sa kisame. Halos maghapon na akong nakahiga at pakiramdam ko ay napakabagal ng oras araw-araw. Hindi ko pa nakakausap nang maayos si Tres dahil sa tuwing nag-uusap, nauuwi lamang kami sa pag-aaway at sinusubukan kong huwag nang makipag-away sa kaniya lalo pa’t kasama namin sa bahay si Paige. Mukhang umalis na rin si Dylan sa Siargao dahil mula nang makausap ko siya noon ay hindi ko na siya nakausap pa. Wala rin namang nabanggit sa akin si Tres na nagpakita na naman sa kaniya si Dylan dahil kung sakali man na hindi pa rin tumitigil si Dylan ay hindi rin titigil si Tres sa kaka-sermon niya sa akin at kakapilit na ka
“Tres! Tres, ano ba? Tumigil ka nga!” Nagpapanic na sigaw ko nang muling sinuntok ni Tres si Dylan. Agad akong lumapit sa gawi nila at sinubukang pigilan ang kamao ni Tres ngunit iwinaksi niya lamang ang aking pagkakakapit ko sa kamay niya kaya’t muntik na akong natumba. Hinila niya ang suot na damit ni Dylan at muli itong sinuntok. “Anong karapatan mong yakapin ang asawa ko, ha? Sino ka ba? Hindi mo ba alam na may asawa na ‘yan?!” Malakas na sigaw niya kaya’t muli akong lumapit sa kanila. “T-Tres, tumigil ka na nga! Ano ba—“ Humarap sa akin si Tres at pinanlakihan ako ng mga mata. “Ano? Aamin kang kabit mo ‘to, ha, Thalia? Lalaki mo ‘to?” Hindi ako nakasagot at sa halip ay wala sa sariling humakbang palayo. Gusto ko mang sabihin sa kaniya na hindi… na hindi ko kilala si Dylan at walang namamagitan sa amin, hindi ko magawang masabi ang bagay na iyon. Pakiramdam ko, kapag sinagot ko ang tanong
“Thalia, may naghahanap sa ‘yo sa labas!”Agad kong pinunasan ang basa kong kamay dahil abala ako sa paghuhugas ng pinag-kainan namin ni Paige nang marinig ang boses ng kapitbahay namin sa labas. “Sino ho bang naghahanap sa akin?” tanong ko sa kapit-bahay namin matapos ko siyang pagbuksan ng pinto.“Hindi ko kilala kung sino pero mukhang dayo. Nandoon sa may dalampasigan. Kanina pa ‘yon dito at nag-iikot-ikot. Mabuti na lamang at natanong ko kung sino ang hinahanap niya.”Ilang beses akong napakurap nang marinig ang sagot niya. Dayo? Sino namang dayo ang maghahanap sa akin?Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino marahil ang naghahanap sa akin. Baka sinundan ako nina Brielle at Sir Aziel! Alam nila ang address ko dahil nakasulat iyon sa resume ko. Isa pa, sa pagkaka-alaala ko ay pina-imbestigahan nila ako kaya naman nakasisiguro akong alam na nila kung saan ako nakatira.Lumingon ako kay Paige na ngayon ay abala sa panonood ng TV. Kami lamang ang narito sa bahay
“Dapat sinabi mo sa aming uuwi ka para nasundo ka namin ni Paige, Thalia.”Tumigil ako sa pag-alis ng mga gamit ko sa dala kong maleta nang marinig ang sinabi ni Tres. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya kaya naman agad kong nakasalubong ang seryoso niyang mga mata.“Nasabi ko na nga sa ‘yo na gusto ko kayong sorpresahin, hindi ba?” mahinahong tanong ko pabalik. Inismiran niya lamang ako bago siya umupo sa kama naming dalawa. Wala sa sarili naman akong napalunok dahil doon. Palagi naman kaming magkatabing matulog noon pero ngayon, iniisip ko palang, parang naninibago na ako kaagad. “Iyon lang ba talaga ang dahilan mo o may iba pa?” “Ano namang ibang magiging dahilan ko bukod doon?” Hindi ko na naitago pa ang pagka-inis dahil sa tanong niya. Lihim akong umirap at nagpatuloy na lamang sa pag-aayos ng mga gamit ko.“Akala ko, umuwi ka lang dito para sa birthday ni Paige. Bakit halos dala mo na yata ang lahat ng gamit mo?”Muli akong tumigil sa ginagawa ko at hindi kaagad nakasagot sa ta
Natulog na ako mula nang makausap ko sina Brielle at Sir Aziel. Kailangan ko ring magpahinga para maihanda ko ang sarili ko dahil babalik na ako sa isla kinabukasan—bagay na hindi ko muna sinabi kina Brielle at Sir Aziel sapagkat alam kong pupunta sila sa bahay nina Dylan at baka sabihin nila kay Dylan na aalis na ako. May parte sa akin na ayaw umalis at kausapin na lamang si Dylan tungkol sa nangyari. Alam ko naman na sa pagkakataong ito, naniwala na si Dylan na ang babaeng iyon ang totoong Kaia. Malamang, paniniwalaan niya ang babaeng iyon kaysa sa akin. Alam niya ang nangyari sa buong buhay ni Kaia Clemente samantalang ako… wala akong ibang alam maliban na lamang sa magkamukha kaming dalawa. Gusto kong i-message si Tres at sabihin sa kaniya na sunduin nila ako sa pier pag-uwi ko pero naalala kong wala pala sa akin ang telepono ko kaya’t hindi ko siya ma-itext. Mukhang wala akong choice kung hindi ang surpresahin na lamang sila n