“Where are you two going? At least tell me where, kahit na hindi niyo ako isama.” Sabay kaming napatingin ni Ma’am Brielle sa gawi ni Sir Aziel. Buhat niya si Rory na nakalingkis ang braso sa kaniyang leeg at kung makayakap ay parang aalis ang ama at ayaw magpaiwan. Malakas na bumuntong hininga si Ma’am Brielle kaya’t ibinaling ko ang aking atensiyon sa kaniya. “Thalia and I are going to have a girl’s me-time. Hindi mo ‘yon alam kaya huwag ka nang makisali,” sagot niya sa asawa habang umiiling. Hindi ko naman mapigilang mapalunok nang marinig ang sinabi niya. Me-time? Ano naman ‘yon? “Ang sabihin mo, mags-shopping kayo.” “Right,” pagsang-ayon ni Ma’am Brielle kay Sir Aziel at tinaasan ito ng kilay. “At isa pa…” Lumingon siya sa akin at ngumiti. Wala sa sarili ko namang itinuro ang aking sarili dahil sa ginawa niya. Ako? Wala akong pambayad sa shopping
“You’ve been here in Manila for what… two months? Three months? How come we didn’t even know that a certain Thalia Esquivel who exactly knows like Kaia exists? The media… hindi ka nila nakita? How about Kuya Dylan’s friends? Paanong hindi namin alam ang tungkol sa ‘yo.”Umayos ako ng tayo nang tanungin ako ng tahimik na babae kanina. Base sa obserbasyon ko at sa naririnig kong pagtawag sa kaniya ng mga kasama niya, siya si Maurice Fontanilla. Hindi ko alam kung sinong mas matanda sa kanila ni Danielle Fontanilla—ang babaeng malakas ang boses at aakalaing eskandalosa—pero sa tingin ko ay halos magkasing-edad lamang silang dalawa. Hindi tulad ni Danielle Fontanilla na malakas ang boses at intimidating, si Maurice Fontanilla ay mahinhin ang boses at kalmado ngunit sa kabila niyon, ramdam ko pa rin ang awtoridad sa kaniyang boses na para bang isang mali lang na salita ang sasabihin ko, pakiramdam ko’y mamatay ako sa paraan ng pagtingin niya.
“Are you all right?” Bumalik ako sa realidad nang marinig ang boses ni Dylan. Agad akong nag-angat ng tingin sa kaniya at gulat siyang tiningnan. “H-Huh?” Wala sa sariling tanong ko. “Well, you’re spacing out. May problema ba?”Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya at sa halip ay naguguluhan lamang na tumingin sa kaniya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Brielle kanina. Matapos naming mag-usap ay inihatid na niya ako sa bahay ni Dylan. May spare key naman ako kaya nakapasok ako kaagad sa loob at hinintay na lamang ang pagdating ni Dylan mula sa lunch nila ng mga pinsan niya. ‘ Ilang beses akong napakurap habang pinagmamasdan si Dylan. He’s looking at me confusedly as if he’s trying to read what’s going on in my mind. Wala sa sarili akong napalunok at kapagkuwan ay nagbaba ng tingin. “Si Ma’am Brielle…” panimula ko.
“Are you sure you’re not really mad at me? Or you know… irritated?” “Why would I?” Ilang beses siyang kumurap at tinaasan ako ng kilay. “Sabi sa akin ni Aziel, nag-eenglish ka raw kapag galit ka ibig sabihin… galit ka nga?” tanong niya kaya’t muli akong napabuntong hininga. Nag-angat akong muli ng tingin sa kaniya at kaswal siyang tiningnan. “Bakit nga ako magagalit? Saan? Kanino?” Natahimik siya dahil sa tanong ko kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang mapailing. Ibinalik ko ang aking mga mata kay Rory na ngayon ay pinaglalaruan na ang buhok ko. “Baby, hindi ‘yan laruan. That’s not a toy, okay?” suway ko at inalis ang kamay niya sa aking buhok. Tulad ng inaasahan ko ay umiyak siya dahil sa ginawa ko. “Let me.” Tumingin ako kay Brielle nang marinig ang boses niya. Hindi na naman ako nagreklamo at ibinigay na sa kaniya ang anak niya. Wala sa saril
“Mabuti nalang pala at hindi ka nagpakulay ng buhok, ano, Thalia?”“Ha?”Tumawa si Brielle at tinapik ang aking balikat. “Kasi kung oo, iisipin ko na talaga na ikaw si Kaia. I mean, iniisip ko na naman na ikaw pero you know, mas lalo mo akong makukumbinsi. At least pinutol mo lang ang buhok mo,” sambit niya. Napipilitan may ay ngumiti pa rin ako sa kaniya. Wala naman akong balak magpakulay ng buhok, ano. Tingin ko ay hindi bagay sa kutis ko. Si Kaia Clemente naman kasi, para siyang naliligo sa gatas dahil sa puti ng balat niya tapos ako, heto at nabilad sa araw. Saka hindi ko talaga hilig ‘yong ganoon. “Basta tulad ng palagi kong sinasabi sa ‘yo, kapag may hindi ginawang maganda si Dylan, tawagan mo lang ako, hmm? Susunduin kita roon,” dagdag niya pa. Wala sa sarili akong napaayos sa aking kinauupuan. Nasa sasakyan na kami at ihahatid niya ako ngayon sa bahay ni Dylan. Mabilis na namang lumip
Ang simpleng pag-atras ko ay nasundan pa nang nasundan hanggang sa napansin ko na lamang ang sarili ko na tumatakbo papunta sa aking silid. Hindi ako sinundan ni Dylan pero hindi pa rin maalis ang kaba sa dibdib ko. Wala sa sarili kong nasapo ang aking dibdib at naghahabol ang hiningang umupo sa kama ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. It feels… weird. Si Dylan… hinalikan niya ako. Hinalikan ako ni Dylan! Sinampal ko ang sarili ko sa pag-aakalang nananaginip lamang ako ngunit nakailang sampal na ako pero hindi pa rin ako nagigising—dahil gising na naman talaga ako. Humugot ako ng malalim na buntong hininga at nanginginig ang kamay na kinuha ang telepono ko sa may bed side table. Ititipa ko pa sana ang pangalan ni Brielle sa contacts pero hindi ko na nagawa nang bigla akong natigilan. Kapag ba sinabi ko sa kaniya na hinalikan ako ni Dylan… ano ang mangyayari? Hind
“What did you say?” Ilang beses akong napakurap bago tumayo mula sa aking kinauupuan para maging kapantay siya. Nang makatayo na ako ay saka ako tuluyang tumingin sa kaniya. “M-Ma’am… sino…”“Oh, gosh. You must be the one that Danielle keeps blabbering about. What’s your name again?” Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Palagi akong nababanggit ni Danielle? Ang Danielle bang sinasabi niya ay ang Danielle na pinsan ni Dylan?Napalunok ako. “T-Thalia po,” naguguluhang sagot ko sa tanong niya. Tumango siya at hindi pa rin inaalis ang mga mata niya sa mukha ko. Base sa narinig ko kanina, inakala niyang ako si Kaia kaya’t nakasisiguro ako na kilala niya sina Kaia at Dylan. Hindi rin kami magkasing-edad at parang papasa na siyang… Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mukha niya. Oh my God. Don’t tell me… “Andiyan ba si Dylan sa loob? An
“Dylan called and he told me that you won’t be working for him in the mean time…” Tumingin sa akin si Brielle at pinanliitan ako ng mga mata habang tahimik akong sumisimsim ng kape. “May hindi ka ba sinasabi sa akin, hmm, Thalia?”Marahan akong umiling. “Wala naman,” kaswal na sagot ko sa kaniya. Wala akong balak sabihin sa kaniya na hinalikan ako ni Dylan at nag-away kami dahil baka kung sinabi ko sa kaniya, baka sumugod siya sa bahay ni Dylan at magkagulo pa ang lahat. Alam ko rin naman na hindi bastos si Dylan at ginawa niya lamang iyon dahil akala niya ay ako ang asawa niya. Kung hindi niya naman inakala na ako si Kaia, sigurado akong hindi niya gagawin iyon. “No, no. May nararamdaman akong kakaiba, e. Umuwi ka nang maaga noong isang araw tapos noong tinanong kita, sabi mo, wala lang. Tapos ngayon naman, tumawag sa akin si Dylan at sinabi na huwag ka raw munang pumunta sa bahay niya. There’s no way na walang nangyaring
2 TBHW 44"Sorry, I'm late. I had to sort things out with my husband before picking you up," agad na sambit ng nanay ni Dylan matapos kong sumakay sa kotse niya.Matipid ko siyang nginitian kahit na ilang minuto rin akong naghintay sa kaniya. Akala ko nga ay hindi na siya darating pa kaya't laking gulat ko nang may tumigil na sasakyan sa aking harapan. Nagmamadali naman akong sumakay nang tawagin niya ako dahil baka may makakita pa sa aming dalawa."Ayos lang po. Ako nga po ang dapat na magpasalamat dahil nag-abala pa po kayo na samahan ako."Laking gulat ko nang marahan niyang tapikin ang aking palad. Taka ko siyang tiningnan at agad namang bumungad sa akin ang matipid niyang ngiti."Alam ko na hindi ko dapat 'to ginagawa pero may iba talaga akong kutob sa nagpakilalang Kaia. Yes, she really acts like Kaia pero... may iba talaga. I couldn't point it out but my gut tells me that there's something wrong with her," saad niya."P-Pe
2 TBHW 41“I talked to Dylan’s mother.”Tila pumintig ang tainga ko nang marinig ang sinabi ni Sir Aziel. Ibinaba ko sa lapag si Rory at hinayaan itong maglaro bago tuluyang tumingin sa bagong dating na si Sir Aziel. “Ang nanay ni Dylan?”Tumango siya. “Nakasalubong ko siya kanina at napag-usapan namin ang tungkol sa ‘yo. Though just like Dylan, she was also pretty convinced that the Kaia that is with them right now is really Kaia, she still thinks that there’s a possibility that you’re Kaia.”“Tulad ng sinabi ko, hindi naman ako bumalik dito para patunayan na ako si Kaia. Gusto ko lang ng peace of mind. Napasok ako sa gulong ‘to nang walang kaalam-alam kaya gusto kong tuluyan nang masagot ang mga tanong ko,” paglilinaw ko sa kaniya.Hindi kaagad nakapagsalita si Sir Aziel at sa halip ay malakas na bumuntong hininga. Alam kong naiintindihan niya ang ibig kong sabihin kahit na mahirap intindihin... kahit nga ako ay hindi ko rin maintindiha
“I haven’t sleep a wink while waiting for you two. Mabuti at hindi pa rin nagigising ngayon si Rory dahil kung hindi, baka nag-iiyak na ‘yon dahil naputol ang tulog niya,” reklamo ni Brielle at inabutan ako ng isang tasa ng tsaa. Dahil nilalamig na rin ako ay kaagad kong ininom ang ibinigay niya. Naupo naman sa harap ko si Brielle at tumabi kay Sir Aziel na kanina pa nakamasid sa akin. Kapwa naka-krus ang braso nilang mag-asawa na para bang hinihinaty na magsalita ako at may aminin sa kanila. Nag-angat ako ng tingin at malakas na humugot ng malalim na buntong hininga. “Salamat nga pala sa pagsundo sa akin kahit na masiyadong biglaan. Ngayon lang kasi ako nakakuha ng tiyempo na umalis saka wala rin akong pera para sa pamasahe ko kaya wala akong choice kung hindi ang tawagan kayo,” panimula ko. “Did your fiancé locked you up?” Sa halip na sagutin ang tanong ni Sir Aziel ay nagbaba na lamang a
Dali-dali kong inalis ang kumot na nakatakip sa katawan ko nang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Paige. Nakasuot na siya ng pajama at bakas sa kaniyang mukha na kanina niya pa pinipigilan ang sariling makatulog dahil sa mapungay niyang mga mata. Wala sa sarili kong kinagat ang aking ibabang labi nang makita ang kalagayan niya. Kinusot niya ang mga mata bago isinara ang pinto at tuluyang pumasok sa silid ko. “Tulog na po si Papa, Mama,” mahinang sambit niya at dahan-dahang lumapit sa puwesto ko. “Sure ka?” Marahan siyang tumango. “Sinubukan ko pong lumabas ng bahay pero hindi niya po ako napansin. Saka po l-lasing po yata ang Papa kaya po mahimbing po ang tulog niya po,” sagot niya. Bahagyang nagtagpo ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Lasing si Tres? At bakit naman siya naglasing? Bihira siyang uminom ng alak kaya’t nasisiguro ko na may kung ano siyang pinoproblema kaya niya nagawang
Sa halip na isang linggo lamang ako rito sa isla ay naging dalawang linggo na. Akala ko noon ay nagloloko lamang si Tres nang sabihin niya sa akin na hindi niya ako palalabasin hangga’t hindi ko sinasabi sa kaniya na hindi na ako kailanman babalik pang muli sa Maynila. Humugot ako ng malakas na buntong hininga at tumingin sa kisame. Halos maghapon na akong nakahiga at pakiramdam ko ay napakabagal ng oras araw-araw. Hindi ko pa nakakausap nang maayos si Tres dahil sa tuwing nag-uusap, nauuwi lamang kami sa pag-aaway at sinusubukan kong huwag nang makipag-away sa kaniya lalo pa’t kasama namin sa bahay si Paige. Mukhang umalis na rin si Dylan sa Siargao dahil mula nang makausap ko siya noon ay hindi ko na siya nakausap pa. Wala rin namang nabanggit sa akin si Tres na nagpakita na naman sa kaniya si Dylan dahil kung sakali man na hindi pa rin tumitigil si Dylan ay hindi rin titigil si Tres sa kaka-sermon niya sa akin at kakapilit na ka
“Tres! Tres, ano ba? Tumigil ka nga!” Nagpapanic na sigaw ko nang muling sinuntok ni Tres si Dylan. Agad akong lumapit sa gawi nila at sinubukang pigilan ang kamao ni Tres ngunit iwinaksi niya lamang ang aking pagkakakapit ko sa kamay niya kaya’t muntik na akong natumba. Hinila niya ang suot na damit ni Dylan at muli itong sinuntok. “Anong karapatan mong yakapin ang asawa ko, ha? Sino ka ba? Hindi mo ba alam na may asawa na ‘yan?!” Malakas na sigaw niya kaya’t muli akong lumapit sa kanila. “T-Tres, tumigil ka na nga! Ano ba—“ Humarap sa akin si Tres at pinanlakihan ako ng mga mata. “Ano? Aamin kang kabit mo ‘to, ha, Thalia? Lalaki mo ‘to?” Hindi ako nakasagot at sa halip ay wala sa sariling humakbang palayo. Gusto ko mang sabihin sa kaniya na hindi… na hindi ko kilala si Dylan at walang namamagitan sa amin, hindi ko magawang masabi ang bagay na iyon. Pakiramdam ko, kapag sinagot ko ang tanong
“Thalia, may naghahanap sa ‘yo sa labas!”Agad kong pinunasan ang basa kong kamay dahil abala ako sa paghuhugas ng pinag-kainan namin ni Paige nang marinig ang boses ng kapitbahay namin sa labas. “Sino ho bang naghahanap sa akin?” tanong ko sa kapit-bahay namin matapos ko siyang pagbuksan ng pinto.“Hindi ko kilala kung sino pero mukhang dayo. Nandoon sa may dalampasigan. Kanina pa ‘yon dito at nag-iikot-ikot. Mabuti na lamang at natanong ko kung sino ang hinahanap niya.”Ilang beses akong napakurap nang marinig ang sagot niya. Dayo? Sino namang dayo ang maghahanap sa akin?Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino marahil ang naghahanap sa akin. Baka sinundan ako nina Brielle at Sir Aziel! Alam nila ang address ko dahil nakasulat iyon sa resume ko. Isa pa, sa pagkaka-alaala ko ay pina-imbestigahan nila ako kaya naman nakasisiguro akong alam na nila kung saan ako nakatira.Lumingon ako kay Paige na ngayon ay abala sa panonood ng TV. Kami lamang ang narito sa bahay
“Dapat sinabi mo sa aming uuwi ka para nasundo ka namin ni Paige, Thalia.”Tumigil ako sa pag-alis ng mga gamit ko sa dala kong maleta nang marinig ang sinabi ni Tres. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya kaya naman agad kong nakasalubong ang seryoso niyang mga mata.“Nasabi ko na nga sa ‘yo na gusto ko kayong sorpresahin, hindi ba?” mahinahong tanong ko pabalik. Inismiran niya lamang ako bago siya umupo sa kama naming dalawa. Wala sa sarili naman akong napalunok dahil doon. Palagi naman kaming magkatabing matulog noon pero ngayon, iniisip ko palang, parang naninibago na ako kaagad. “Iyon lang ba talaga ang dahilan mo o may iba pa?” “Ano namang ibang magiging dahilan ko bukod doon?” Hindi ko na naitago pa ang pagka-inis dahil sa tanong niya. Lihim akong umirap at nagpatuloy na lamang sa pag-aayos ng mga gamit ko.“Akala ko, umuwi ka lang dito para sa birthday ni Paige. Bakit halos dala mo na yata ang lahat ng gamit mo?”Muli akong tumigil sa ginagawa ko at hindi kaagad nakasagot sa ta
Natulog na ako mula nang makausap ko sina Brielle at Sir Aziel. Kailangan ko ring magpahinga para maihanda ko ang sarili ko dahil babalik na ako sa isla kinabukasan—bagay na hindi ko muna sinabi kina Brielle at Sir Aziel sapagkat alam kong pupunta sila sa bahay nina Dylan at baka sabihin nila kay Dylan na aalis na ako. May parte sa akin na ayaw umalis at kausapin na lamang si Dylan tungkol sa nangyari. Alam ko naman na sa pagkakataong ito, naniwala na si Dylan na ang babaeng iyon ang totoong Kaia. Malamang, paniniwalaan niya ang babaeng iyon kaysa sa akin. Alam niya ang nangyari sa buong buhay ni Kaia Clemente samantalang ako… wala akong ibang alam maliban na lamang sa magkamukha kaming dalawa. Gusto kong i-message si Tres at sabihin sa kaniya na sunduin nila ako sa pier pag-uwi ko pero naalala kong wala pala sa akin ang telepono ko kaya’t hindi ko siya ma-itext. Mukhang wala akong choice kung hindi ang surpresahin na lamang sila n