“Uutang kayo nang uutang tapos hindi nyo naman pala babayaran? Eh kung bigyan ko kaya kayo ng tuyong isda na basa, ha?” Padabog kong inilapag ang bilao kong dala at tinaasan ng kilay sina Aling Sitay. “Aba, matutuyo na ‘yong mga isdang pinapatuyo ko tapos ‘yong utang niyo noong nakaraan, wala pa ring bayad? Ano na? Patutuyuin muna natin ang dagat bago niyo ako bayaran—““Thalia naman, oy sus.” Hinawakan ni Aling Sitay ang aking balikat kaya’t inismiran ko siya. Mahina naman siyang tumawa at iniharap ako sa kaniya. “Sabi ko naman sa ‘yo, kapag may huli na ang asawa ko, saka kita babayaran. Saka ano ka ba naman? ‘Di ba pinautang nga rin kita noon? Utang na loob naman diyan, oh.”Humarap ako sa kaniya at pekeng tumawa. “Ay ‘yong utang ko ho sa inyo? Sa pagkakaalam ko ho, binayaran ko ‘yon kaagad noong siningil niyo ako. Madali naman ho akong magbayad ng utang saka magpautang… ang problema, wala na akong tinutubo rito sa tuyo ko dahil hindi niyo ako binabayaran. Nasaan ho ba si Mang Jhun
“First time mo bang sasakay ng ferry, sissy?” Nag-angat ako ng tingin at kabadong lumingon sa gawi ni Clara nang marinig ang tanong niya. Humugot ako ng malakas na buntong hininga at marahang tumango bilang tugon. “Nakakatakot bang sumakay doon? Takot ako sa bangka, e…”“Alam mo, nakakatawa ka,” sambit niya at mahinang tumawa habang umiiling. “Sino ba namang nakatira sa isla ang takot sumakay sa bangka?” Umismid ako at kaswal na nagkibit balikat. “Eh sa nahihilo ako. Hindi ko nga alam kung paano nagtatagal si Tres sa laot. Nakakatakot kaya. Baka mamaya, bigla nalang lumubog o kaya madala ako ng hangin tapos malunod—““Sus! Kaka-nood mo ‘yan ng mga telenovela, sissy. Saka duh, pababayaan ka ba naman ni Tres na mahulog sa bangka o malunod? Mag-isip ka naman, please.” Humaba ang nguso ko at napalabi na lamang dahil may point nga naman siya. Sigurado naman akong hindi ako pababayaan ni Tres kung
“Kaia?”Umayos ako ng tayo dahil sa gulat. Nang makabawi ay dali-dali akong lumapit sa kaniya habang hila ang aking maleta. Tipid ko siyang nginitian ngunit nakatingin lamang siya sa akin na animo’y nakakita ng multo kaya’t hindi ko mapigilang mapakamot ng aking ulo. May nagawa ba akong hindi maganda? “U-Uh, Thalia po, Sir—“ “Kaia? What the fuck—““Thalia po,” pagtatama ko dahil mukhang hindi niya naintindihan ang pangalan ko dahil iba ang binanggit niyang pangalan. Itinaas ko ang aking kanang kamay at malapad siyang nginitian. “Thalia Esquivel po.” Ilang beses siyang napakurap habang nakatingin sa akin at umawang ang mga labi. Wala sa sarili naman akong napalunok nang bigla siyang umatras habang nakatingin pa rin sa akin na para bang hindi siya makapaniwalang nakita ako. Kunot noo ko naman siyang tiningnan dahil doon. Sa pagkakaalam ko ay unang beses naming magkita buong b
“Anyway… this is Rory, Thalia. She just turned two last month.” Ibinaling ko ang tingin ko sa batang nakahiga sa crib. Tulog siya kaya naman hindi na ako nagtangka pang lumapit dahil baka magising ko pa… hindi pa naman ako masiyadong sanay na magpatahimik ng umiiyak na bata. Pero siyempre, hindi ko sinabi iyon dahil baka hindi nila ako tanggapin sa trabaho. Siguro naman ay darating ang panahon na makakaya ko ring magpatahan ng bata… sana. “Hindi ako nagtrabaho mula noong ipinagbuntis ko siya but I really need to go back to work now since my Dad is not in a very good condition right now. Si Aziel naman, busy rin sa trabaho niya kaya hindi niya maaalagaan si Rory. So to adhere to our schedule, we both decided to hire a nanny to take care of our daughter. Kaya mo naman ang trabaho, ‘di ba?” Heto na nga ba ang sinasabi ko. Hindi ako kaagad nakasagot at sa halip ay ibinaling ko ang aking tingin
“Kaia?”Hindi ako kaagad nakagalaw nang magtagpo ang mga mata namin ng estrangherong lalaki. Ilang beses akong napakurap bago tuluyang bumalik sa normal. “H-Hindi ko pinapapaiyak ‘tong bata, ha. Bigla nalang siyang umiyak noong pumasok ako,” mabilis na pagdadahilan ko. Tiningnan ko si Rory na ngayon ay tumigil na sa pag-iyak. Mabilis kong tinalikuran ang lalaki at muling ibinalik sa crib niya ang bata. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis sa sitwasyon ko ngayon dahil halos lahat sila, tinatawag akong Kaia at hindi na ako nagiging kumportable sa paraan ng pagkakakilala nila sa akin. Nasaan na baa ng Kaia na ‘yon at bakit hindi siya ang magpakita? Ang dami-raming taong naghahanap sa kaniya tapos— Muntik na akong mapatalon sa aking kinatatayuan nang walang pasabing niyakap ng estrangherong lalaki ang aking likuran. Hindi ako kaagad nakagalaw at sa halip ay naestatwa lamang dahil sa labis na pagkagulat.
“Hindi ka ba nahihirapang mag-adjust dito sa Manila, Thalia?” Nag-angat ako ng tingin kay Ma’am Brielle nang marinig ang tanong niya. Marahan akong umiling at tipid na ngumiti sa kaniya. “Hindi naman po masiyado. Saka nag-eenjoy naman ako sa pag-aalaga kay Rory kaya hindi ako nahihirapan sa pag-aadjust,” sagot ko. Tumango siya at nagpatuloy na sa pag-kain. Ipinagpatuloy ko na rin naman ang pagsusubo ko kay Rory. Dalawang taon na siya at hindi maipagkakaila na matalino siyang bata. Sa edad niyang ito, halos marami na siyang alam na mga salita kaya naman hindi ako nakakaranas ng pagka-boring sa tuwing inaalagaan ko siya. Hindi rin siya iyakin na siya namang ikinapagpapasalamat ko. “Basta kapag may problema ka, you can tell us anytime. Though I am a bit busy with my work but I’ll make time to tend to your worries, all right?” Muli akong tumango sa sinabi ni Ma’am Brielle kahit na ang totoo ay gu
Dahan-dahan kong ibinaba sa crib niya ang ngayon ay natutulog ng si Rory. Hindi mahirap alagaan na bata si Rory kaya naman hindi ako masyadong naistress pagdating sa kaniya. Tulad ngayon, madali talaga siyang patulugin kaya’t hindi ako inaabot ng madaling araw sa pagpapatulog sa kaniya. Kinumutan ko siya upang hindi siya masiyadong malamigan at pinahinaan na rin ang aircon. Sa halos isang buwan ko rito sa pamilya nila, napansin kong madaling magsakit si Rory kaya naman sobrang ingat ko sa pag-aalaga sa kaniya. Ayaw ko naman na madissapoint sa akin sina Ma’am Brielle at Sir Aziel. Saka isa pa, gusto kong patunayan ang sarili ko sa kanila. Gusto kong patunayan na deserve ko ang trabahong ‘to. Kahit na hindi ako si Kaia Clemente, kailangan kong siguruhin na hindi nila ako tatanggalin sa trabaho kung sakali mang mahanap na nila ang hinahanap nila. Matapos masigurong maayos na ang lagay ni Rory ay napagdesisyunan ko nang pumu
Ilang araw ko nang pinag-iisipan ang offer ni Sir Aziel sa akin na pagtatrabaho sa bahay ni Dylan Fontanilla pero hanggang ngayon, wala pa rin akong nakukuhang sagot mula sa sarili ko. Aaminin kong gusto kong sumugal. Wala namang mawawala sa akin kung sakali mang magtrabaho ako sa kaniya pero kasi… iba ang pakiramdam ko sa Dylan Fontanilla na iyon. May kakaiba akong nasesense sa kaniya pero hindi ko maipaliwanag kaya’t hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Paano kung tama nga ang hinala ni Clara at ni Sir Aziel? Paano kung… Paano kung bumigay nga ako sa kaniya? Paano kung dahil sa pagsugal kong makalapit sa kaniya, ako naman ang mapaso ng apoy niya? Tulad ng isang gamu-gamo na masiyadong nagpadala sa kuryosidad… paano kung mangyari nga sa akin ang bagay na iyon? Hindi ko tuluyang dinidismiss ang idea na iyon dahil hindi ko naman alam kung anong mangyayari sa hinaharap. Pero kahit na sabihin sa akin ni Sir