“They’re getting married.” “W-What? Are you serious?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. He let out a harsh breath. “Their parents arranged them for a marriage. Ikakasal sila after four months.” “I have an offer.” Ibinalik ko ang aking tingin kay Dylan nang muli siyang magsalita matapos ang katahimikan sa pagitan namin. Kunot noo ko siyang tiningnan. “What is it? Kanina mo pa sinasabi ‘yang offer mo na ‘yan pero hindi mo naman sinasabi kung ano,” I asked him. “Gusto mong umuna sa kanila?” Mas lalong nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang tanong niya. “What do you mean?” He smirked as he leaned closer towards my direction. Hindi ko naman mapigilang mapalunok dahil sa ginawa niya. “Marry me, Kaia,” God knows how much I tried to resist the
“So how does it feels like to be married?” Dylan and I groaned in unison when Iverson asked that question for the umpteenth time. “Isang tanong mo pa ng tanong na ‘yan, tatamaan ka na talaga sa akin, Iverson,” banta ko at pinanlakihan siya ng mga mata. “Ano? Nagtatanong lang, e.” He looked towards Dylan’s mother and pouted. “Tita, oh. Inaaway ako ni Kaia. Huwag niyo ngang i-accept sa pamilya niyo.”Inirapan ko na lamang siya dahil kanina pa siya ganito. “Tingnan mo pa, Tita Layla, oh. Ayaw nilang maghiwalay. Hindi na yata makapaghintay ng honeymoon—““Iverson,” sabay na suway namin sa kaniya ni Dylan. Dylan’s mother cleared her throat. “Don’t worry, Iverson. Matutulog lang ang dalawang iyan,” sambit niya at tumingin sa gawi ko. My eyes widened as I looked down. Alam na alam ko na kung ano ang tinutukoy niya ngunit kaming tatlo lamang ni Dylan ang nakakaal
“Mag-ooffer sana ako kung kailangan niyo ng katulong sa paglilipat ng gamit pero nakalimutan kong sa bahay mo na nga pala nakatira si Ate Kaia bago pa kayo ikasal,” natatawang sambit ni Lance kay Dylan. “Is that a good thing to say or…” I trailed off. Lance chuckled. “A good thing, of course. At least hindi na kayo mahihirapan sa paglilipat ng mga gamit,” mabilis na bawi niya kaya’t maging ako ay natawa. Niloloko ko lang naman siya, masiyado siyang seryoso. “Bakit nga pala hindi ka pa nagpadaan sa bahay? Hindi ka sa bahay uuwi?” Napatingin ako kay Dylan nang marinig ko ang tanong niya kay Lancce. Wala sa sarili naman akong napatango. Kauuwi lang namin galing New Zealand at idinaan na namin ang Mama at Papa ni Dylan sa bahay nila subalit nagpaiwan si Lance kasama namin. Sina Danielle, Maurice at Iverson naman ay dumiretso sa Batangas para pumunta sa hacienda nina Danielle kaya’t humiwalay na
“Today is your father’s hearing. Hindi ka ba pupunta?”I let out a harsh breath upon hearing Dylan’s question. “Dylan, tinatanong pa ba ‘yan?” pabalang na tanong ko sa kaniya pabalik.“Sabi ko nga, dapat hindi na ako nagtanong,” naiiling na tugon niya kaya’t muli akong bumuntong hininga. “I’ll just go home early. Is that all right?”Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nagkibit-balikat. “Aalis nga pala ako,” seryosong sambit ko.Just like what I am expecting, his brows immediately drew in a straight line. “Saan ka pupunta? Wala ka namang sinabi sa akin kahapon na aalis ka.”“Pupunta muna ako kay Lola. Baka bukas na ako ng umaga umuwi,” kaswal na sagot ko sa kaniya. Bumangon na ako mula sa higaan at tumingin sa kaniya. “Huwag mo na akong sunduin. Magcocommute nalang ako pauwi.”“Bukas ka nalang kaya pumunta? I’ll go with you tomorrow.”Mabilis akong umiling at tumayo na upang makalapit sa kaniya. Kagagaling niay lamang sa banyo at katatapos lamang maligo kaya naman basa pa ang kaniyang
“Kaia apo! Mabuti’t naabutan mo pa rito si Aziel. Bakit ka nga pala napadalaw?” Pinutol ko ang seryosong pagtingin kay Aziel nang magsalita si Lola. Oo nga pala. Hindi niya alam na hindi kami ayos ni Aziel ngayon. Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago siya tipid na nginitian. “Dadalawin ko lang po sana kayo, Lola. Hindi na ako nakapagsabi sa inyo na dadalaw ako kasi kauuwi ko lamang galing…” Bahagya akong natigilan ang mapagtanto ang dapat ay sasabihin ko. I forced myself to smile while looking towards her. “May pinuntahan lang po ako saglit nitong mga nakakaraang linggo kaya hindi ako nakadalaw sa inyo. Hindi ko rin kasi inaaasahan na magiging abala ako,” dagdag ko habang nakangiti pa rin sa kaniya. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya na kasal na ako kay Dylan o hindi pa. Kahit na magaan ang loob ni Lola kay Dylan, alam kong magugulat pa rin siya kapag sinabi kong nag
“Dylan!” gulat na bulalas ko nang makitang si Dylan ang nagsalita. Ramdam kong mabibigat ang mga hakbang niya habang naglalakad palapit sa amin ni Aziel. Walang imik niyang iwinaksi ang aking kamay mula sa pagkakahawak ni Aziel at hinila ako palapit sa kaniya. “Fontanilla,” rinig kong bigkas ni Aziel kaya’t wala sa sarili akong napatingin sa kaniya. He’s looking intently towards Dylan. Sa tingin ng mga mata niya sa gawi ng asawa ko, ramdam ko ang galit sa bawat pagtitig niya rito. I gulped before looking towards Dylan once again. Tulad ng inaaasahan ko, hindi rin siya nagpatalo sa intensidad ng pagtitig niya kay Aziel. “Dylan,” muling pagtawag ko sa pangalan niya upang kahit papaano ay kumalma siya. He looked towards me and just like what I expected, his look softened. “Go inside, Kaia. May pag-uusapan lang kami,” utos niya. Agad akong umiling bilang
“You went here right after the trial?” Dylan slowly nod his head. Hindi man lamang siya makasagot nang maayos sa tanong ko dahil abala siya sa pag-kain. Para siyang hindi napakain nang ilang araw dahil sunod-sunod ang subo niya at animo’y gutom na gutom. I groaned. “May drive thru naman, bakit hindi ka nag-drive thru? Mag-aalas otso na tapos umagahan palang ang nakakain mo. Hindi ka pa naman sanay na nalilipasan ng gutom,” naiiling na sermon ko habang pinagmamasdan ko siyang kumain. “Mas magtatagal ako sa biyahe kapag nag-drive thru pa ako. Muntik na nga akong maabutan ng rush hour, buti at hindi na ako tumigil para kumain.” My eyes automatically rolled upon hearing what he said. Baliw ba siya? “Sabi ko naman kasi sa ‘yo, huwag ka nang sumunod. Ang kulit-kulit mo kasi, ayan tuloy. Nalipasan ka na nga ng gutom, nasuntok ka pa. Grabe ang kamalasan mo ngayon, ano? Pasalamat
“Mas gusto ko ng strawberry ang coat, Dylan. Ayaw ko ng chocolate,” reklamo ko. Dylan looked towards me and frowned. “Hindi masarap ang strawberry—““Ayoko nga ng chocolate,” giit ko at tiningnan siya nang masama. “Akala ko ba, kakainin natin ‘yang mga binake mong donuts? Bakit parang ikaw lang ang kakain kung ayaw mong i-take into consideration ang gusto ko? Saka hindi nga masarap kapag chocolate ang coat ng donut. Ano ka, bata?” Eksaheradang umawang ang labi niya at nanlalaki ang matang tumingin sa akin. “Wow! How dare you insult my donuts?”I rolled my eyes upon hearing his question. Kapag usapang donut talaga, hindi ko na siya makakausap nang matino. He’s freaking obsessed with that food! Kahit yata iyon na lamang ang kainin niya buong buhay niya, ayos lang sa kaniya. Umupo ako sa stool sa may counter at pinanood na lamang siyang i-coat ang mga natitirang donut ng chocolate cream. Bum