“Today is your father’s hearing. Hindi ka ba pupunta?”I let out a harsh breath upon hearing Dylan’s question. “Dylan, tinatanong pa ba ‘yan?” pabalang na tanong ko sa kaniya pabalik.“Sabi ko nga, dapat hindi na ako nagtanong,” naiiling na tugon niya kaya’t muli akong bumuntong hininga. “I’ll just go home early. Is that all right?”Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nagkibit-balikat. “Aalis nga pala ako,” seryosong sambit ko.Just like what I am expecting, his brows immediately drew in a straight line. “Saan ka pupunta? Wala ka namang sinabi sa akin kahapon na aalis ka.”“Pupunta muna ako kay Lola. Baka bukas na ako ng umaga umuwi,” kaswal na sagot ko sa kaniya. Bumangon na ako mula sa higaan at tumingin sa kaniya. “Huwag mo na akong sunduin. Magcocommute nalang ako pauwi.”“Bukas ka nalang kaya pumunta? I’ll go with you tomorrow.”Mabilis akong umiling at tumayo na upang makalapit sa kaniya. Kagagaling niay lamang sa banyo at katatapos lamang maligo kaya naman basa pa ang kaniyang
“Kaia apo! Mabuti’t naabutan mo pa rito si Aziel. Bakit ka nga pala napadalaw?” Pinutol ko ang seryosong pagtingin kay Aziel nang magsalita si Lola. Oo nga pala. Hindi niya alam na hindi kami ayos ni Aziel ngayon. Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago siya tipid na nginitian. “Dadalawin ko lang po sana kayo, Lola. Hindi na ako nakapagsabi sa inyo na dadalaw ako kasi kauuwi ko lamang galing…” Bahagya akong natigilan ang mapagtanto ang dapat ay sasabihin ko. I forced myself to smile while looking towards her. “May pinuntahan lang po ako saglit nitong mga nakakaraang linggo kaya hindi ako nakadalaw sa inyo. Hindi ko rin kasi inaaasahan na magiging abala ako,” dagdag ko habang nakangiti pa rin sa kaniya. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya na kasal na ako kay Dylan o hindi pa. Kahit na magaan ang loob ni Lola kay Dylan, alam kong magugulat pa rin siya kapag sinabi kong nag
“Dylan!” gulat na bulalas ko nang makitang si Dylan ang nagsalita. Ramdam kong mabibigat ang mga hakbang niya habang naglalakad palapit sa amin ni Aziel. Walang imik niyang iwinaksi ang aking kamay mula sa pagkakahawak ni Aziel at hinila ako palapit sa kaniya. “Fontanilla,” rinig kong bigkas ni Aziel kaya’t wala sa sarili akong napatingin sa kaniya. He’s looking intently towards Dylan. Sa tingin ng mga mata niya sa gawi ng asawa ko, ramdam ko ang galit sa bawat pagtitig niya rito. I gulped before looking towards Dylan once again. Tulad ng inaaasahan ko, hindi rin siya nagpatalo sa intensidad ng pagtitig niya kay Aziel. “Dylan,” muling pagtawag ko sa pangalan niya upang kahit papaano ay kumalma siya. He looked towards me and just like what I expected, his look softened. “Go inside, Kaia. May pag-uusapan lang kami,” utos niya. Agad akong umiling bilang
“You went here right after the trial?” Dylan slowly nod his head. Hindi man lamang siya makasagot nang maayos sa tanong ko dahil abala siya sa pag-kain. Para siyang hindi napakain nang ilang araw dahil sunod-sunod ang subo niya at animo’y gutom na gutom. I groaned. “May drive thru naman, bakit hindi ka nag-drive thru? Mag-aalas otso na tapos umagahan palang ang nakakain mo. Hindi ka pa naman sanay na nalilipasan ng gutom,” naiiling na sermon ko habang pinagmamasdan ko siyang kumain. “Mas magtatagal ako sa biyahe kapag nag-drive thru pa ako. Muntik na nga akong maabutan ng rush hour, buti at hindi na ako tumigil para kumain.” My eyes automatically rolled upon hearing what he said. Baliw ba siya? “Sabi ko naman kasi sa ‘yo, huwag ka nang sumunod. Ang kulit-kulit mo kasi, ayan tuloy. Nalipasan ka na nga ng gutom, nasuntok ka pa. Grabe ang kamalasan mo ngayon, ano? Pasalamat
“Mas gusto ko ng strawberry ang coat, Dylan. Ayaw ko ng chocolate,” reklamo ko. Dylan looked towards me and frowned. “Hindi masarap ang strawberry—““Ayoko nga ng chocolate,” giit ko at tiningnan siya nang masama. “Akala ko ba, kakainin natin ‘yang mga binake mong donuts? Bakit parang ikaw lang ang kakain kung ayaw mong i-take into consideration ang gusto ko? Saka hindi nga masarap kapag chocolate ang coat ng donut. Ano ka, bata?” Eksaheradang umawang ang labi niya at nanlalaki ang matang tumingin sa akin. “Wow! How dare you insult my donuts?”I rolled my eyes upon hearing his question. Kapag usapang donut talaga, hindi ko na siya makakausap nang matino. He’s freaking obsessed with that food! Kahit yata iyon na lamang ang kainin niya buong buhay niya, ayos lang sa kaniya. Umupo ako sa stool sa may counter at pinanood na lamang siyang i-coat ang mga natitirang donut ng chocolate cream. Bum
“Magkaaway ba kayo ni Dylan?”I was pulled out of my own reverie when I heard Dylan’s mother’s voice. Narito kami sa bahay nila dahil birthday ni Lance at tulad ng inaasahan, narito rin ang buong angkan ng mga Fontanilla. They really have a strong bond kaya naman tuwing may okasyon, pala silang kumpleto lahat. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at hindi kaagad nakasagot. “P-Po?” wala sa sariling tanong ko. She heaved a deep sigh before she sat beside me. Nagpaiwan ako kay Dylan dahil pupunta raw sila sa pool side para maligo at samahan ‘yong mga bata. Wala naman akong ganang maligo at makihalubilo kaya’t sabi ko ay masama ang pakiramdam ko at kakain na lamang ako ng barbeque. Subalit kanina pang ubos ang barbeque ko pero hindi pa rin ako umaalis dito sa kinauupuan ko at pinagmamasdan lamang sila. It was quite fascinating seeing this kind of family. Akala ko noon, lahat ng pamilya, katulad ng pamilya ko
“Anong chika? Anong pinag-usapan niyo ni Tita Layla?” Hindi pa man tuluyang nagtatagal mula nang umalis ang nanay ni Dylan ay agad nang lumapit sa akin nag magpipinsan na animo’y kanina pa naghihintay na matanong ako kung ano bang pinag-usapan namin ng Tita nila. Nag-angat ako ng tingin at kaswal na nagkibit balikat. “Wala lang,” tanging sagot ko. Kahit naman sinabi na sa akin ni Mama—wait. Why am I being so comfortable calling her that way? It’s quite awkward pa rin naman but anyway—tulad nga ng sinabi sa akin ni Mama kanina, kahit na hindi nagtatanong ang magpipinsan tungkol sa sitwasyon namin ni Dylan, alam kong alam na nila na may hindi kami pagkaka-unawaan. Ayaw ko namang sabihin sa kanila na nagselos ako kay Brielle kaya’t magkaaway kami ng pinsan nila, ano. I mean, ako? THE Kaia Clemente is jealous over someone else? That’s not likely to happen. Kailan ba ako huling nagselos… well, ng
Hinatid lamang ako sa coffee shop ni Dylan bago ang duty niya sa police station. I told him that I was quite bored these past few days kaya’t gusto kong magpalipas ng oras ko sa labas ng bahay habang nasa trabaho siya. Technically, hindi naman ako kinukulong ni Dylan sa bahay dahil lang sa ayaw niyang lumabas ako nang hindi siya kasama. That’s not all. I know that he is not THAT type of possessive. Sadyang dahil lamang sa nangyari sa kaso ni Daddy, uminit ako sa mata ng ibang tao. They all thought that I am the mere reason why my father’s sentence in jail was reduced. Kahit na alam kong wala akong kasalanan, hindi ko rin naman masabi sa kanila na wala akong kasalanan. I can’t just say and tell them that the judge was bribed by my father—baka makasuhan pa ako ng libel o perjury. Ayaw ko namang makulong, ano. Isa pa, I can’t also risk Dylan’s line of work. Balita ko kay Danielle ay kinausap pala si Dylan ng mga m