Habang nasa elevator ay pinagmamasdan ni Harry ang balisang asawa. Ginagap niya ito sa kamay.
Bahagyang nagulat si Jemima sa paghawak sa kaniya ni Harry. Nanatili siyang tahimik, ayaw niyang makatawag ng pansin sa mga kasabay nila sa elevator.
Muli siyang nagulat nang h******n siya ng asawa sa noo. Nakalabas na kasi sila ng elevator at maghihiwalay na sila patungo sa kani-kanilang opisina.
Nakahakbang na si Jemima nang hinawakan siya sa bisig ni Harry. “Is there something wrong, hon?”
Napasinghap si Jemima.
“What’s wrong, honey? What’s bothering you?” tanong niya habang hinahaplos ang mukha ng asawa. “Did I do something bad to you?”
Tila lumukso ang puso ni Jemima kasunod ay tila pagkurot ng karayom dito nang marinig niya ang huling tinanong ng asawa. ‘It’s me who did something awful, Harry.’ Pero hindi niya ito kayang aminin sa asawa.
Niyakap ni Harry ang asawa. Inisip niyang baka dulot na naman ng hormones dahil sa p
Thank you for reading this far. I hope you're enjoying.
MATAPOS niyang tulungang humiga sa kama nila ang asawa, h******n niya ito sa noo. Lumabas siya ng kuwarto. Hinarap niya sa salas ang ama. “No more flying pillow?” Nangingiting umiling-iling si Harry sa ama. “Her mood can easily change. Are all pregnant women like that?” “Maybe. Maybe not.” Sinenyasan niya si Harry na umupo paharap sa kaniya. “What is it that you’d like to talk about, Dad?” Kinuha ni Samuel ang isang sobre mula sa kaniyang bag. Iniabot niya ito sa anak, na tinanggap naman nito. Tiningnan niya sa mata ang nagtatakang anak. “Now that you got your two billion, I think you will not be upset if you won’t be chosen as president of the company tomorrow.” Namilog ang mga mata ni Harry. “This is it?” Hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa ama. Napangiti siya sa kasiyahan. “Are you sure, Dad?” Tiningnan niya ang la
NAKAUPO sila ngayon sa kama, kapuwa nakatungo ang ulo. Kasya ang isang tao sa pagitan nilang dalawa. Bumuntunghininga si Harry bago nagsalita. “Do you really think it’s fair to just say ‘no’ after our intense foreplay?” Upon hearing his frustration, napahawak sa dibdib si Jemima. Hindi naman niya gustong tanggihan si Harry. Bigla lang niyang naalala ang naging kasalanan niya rito. “Harry, I…,” humugot muna siya ng hininga bago itinuloy ang pagsasalita, “I’m sorry.” Hinarap ni Harry ang asawa. “You have to do better than that.” Sinikap ni Jemima na makatingin sa mga mata ng asawa. “Harry, I… I feel guilty.” “You should be.” “No, it’s about Chester.” Kumunot ang noo niya. “Did you sleep with him?” Nanlaki ang mga mata ni Jemima sa narinig sa asawa. “You think I can do t
WALANG pasok sa opisina ngayon si Harry. He cancelled all his meetings just for this one,-- to visit the Psyche & Klein Detective Agency. Kasama niya ang asawang si Jemima sa pakikipagkita niya kay Iris Psyche. Maganda ang babaing detective. Malaking bulas ang katawan nito, sexy at sporty ang katawan at ang get-up. “Mrs. Sy,” bati nito kay Jemima. Nag beso ang dalawang babae. Habang umuupo silang tatlo ay sinenyasan ng detective ang secretary na ibigay sa mag-asawa ang folder. “That’s how our tracking went,” aniya sa dalawa. Habang tinitingnan ng mag-asawa ang dokumentong nakapaloob sa folder ay binuksan ni Iris Psyche ang kaniyang laptop. “Anyway, to get a better view, you better see this.” Una niyang ipinakita ang mapa ng Singapore hanggang sa sumentro na ito sa isang lugar. Sumunod ay ang mas malinaw na aerial view nito. Sumunod ay ang isang video kung saan ipinakita ang isang gate. “Is this place familia
HINDI nila palalampasin ang araw na ito na hindi nagkakalapit ang mga magulang nila sa isa’t isa. Ayaw nilang magkaroon muli ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa.Isinalang ni Daniel ang mga napiling kanta. Inihanda niya ang sarili. Sinenyasan niya ang mga kapatid na handa na siyang kumanta.Una niyang kinanta ay ang Just The Way You Are ni Bruno Mars. Sumayaw sa harapan nina Benita at Samuel sina Harry at Jemima.Nasisiyahan si Benita habang nanonood sa dalawa. Natutuwa siyang tingnan na magkasundo ang mga anak nila ng bestfriend niyang si Zorayda. Kay Benita nagmula ang ideya na ipakasal ang kanilang panganay na anak na lalaki at babae.Hindi pa man natatapos ang kanta ay lumapit ang dalawa sa dalawang matanda. Niyaya ni Harry ang ina na sumayaw, gayundin ang ginawa ni Jemima kay Samuel. Nakangiti namang nagpaunlak ang dalawang matanda sa dalawa.“Your wife is lovely,” pagbati niya sa anak habang kasayaw niya ito.“We
GANADO sa pagtatrabaho si Harry. Desidido siyang gawing matagumpay ang kanilang proyekto para makuha ang People’s Choice Award. Sunod-sunod ang meetings nila ng top rank officers ng kumpanya para sa naturang proyekto. Ayaw niyang maungusan ng ibang kumpanya, lalo na ngayon na siya na ang presidente ng Good Era Rubber and Tire Company. “Since we’re looking forward to convince Cristiano Ronaldo to grace our foundation’s project, we should know him well when it comes to his guest appearances and preferred events. Know him well to ensure his participation on that day. Let me know the soonest possible if we can have him or not.” May nakuha na silang bagong vice-president for production, at may kapalit na rin si Harry bilang vice-president for administration. “Mr. Bhutto and Ms. Supsup, since you’re our new vice presidents, I delegate the work to both of you. Aside from lobbying to Mr. Ronaldo’s camp, make sure that the beneficiaries will receive their scholarship grant and their sports g
WALANG pasok ang mag-asawa sa opisina ngayon kaya minabuti nilang mamili sa department store. Magkatuwang sila sa pagdedesisyon ng bibilhing mga gamit ng kanilang magiging anak. Sinigurado nilang mabili lahat ng nasa listahan mula sa newborn essentials gaya ng kumot, damit, socks and mittens, bibs, at iba pang cute na mga gamit ng baby hanggang sa bassinet, car seat, at stroller nito. Inayawan ni Jemima ang ipinakita sa kaniyang breast pump ni Harry. Pakiramdam niya kasi ay masasaktan siya doon. “No need for that. I’ll bring the baby anywhere I go.” “It’s best to be prepaid for some circumstances. You might need this once or twice,” pangungumbinsi niya sa asawa. Nakinig naman ito sa kaniya. Hindi niya sigurado kung umaayon ba ang asawa sa ipinupunto niyang kahandaan o wala lang itong ganang makipagbardagulan sa kaniya. Lately ay napapansin niyang may katamlayan ito sa pagkilos. Sa gilid ng mga mata ni Jemima ay napansin niyang may isang babaing kumukuha ng video sa kanilang mag-a
HINDI pa rin niya ma-contact ang number ni Jemima. Napapabuntunghininga na lang siya. Sa ngayon ay wala siyang magagawa kundi ang umasang hindi nag-iisip ng kung ano-ano ang asawa na ikasasama ng loob nito. Naging emotional pa naman ito mula nang mabuntis. Agad niyang hinanap ang pakay niyang mga personalidad. Namamalagi ngayon sa Taj Mahal Palace ang mga may-ari ng Tata Sports, ang magkapatid na Yash at Amar Tata, kaya dito rin nagpa-book si Harry. Matapos niyang mag- sign in sa hotel ay agad niyang tinawagan si Amar Tata upang ipaalam na dumating na siya. “Can we talk later? We have something to attend to.” “Yes, sir. Just inform me when you’re available.” May panahon pa siya para magpahinga. Inilibot ni Harry ang paningin. Bagama’t nakarating na siya rito noon kasama ng pamilya niya, ngayon lang niya naa-appreciate ang royalty feel nito. Mula sa Saracenic Revival façade hanggang sa interior decoration nito ay tunay na kaaya-aya sa mata. Hindi kataka-taka na ang lugar na ito a
NALAMAN ni Harry na nagpunta ng China ang pinsan niyang si Chester. Minabuti niyang huwag munang bumalik ng Singapore. Umaasa siyang babalik si Chester bago ang kaniyang scheduled flight pauwi at magkakaroon sila ng masinsinang usapan.Umaasa rin siyang magbabago ang isipan ng magkapatid na Tata at muling i-consider ang business proposal niya. Sa parteng ito ay hindi siya confident. Kilala kasi ang magkapatid na firm sa kanilang binibitiwang desisyon pagdating sa negosyo. Pero ipapakita pa rin niya ang kaniyang presensiya sa dalawa.Kahit paano ay hindi na siya sinusundot ng kaniyang konsensiya tungkol kay Ivana Smith. Nasaktan siya sa pagsampal ng babae sa kaniya pero lumuwag naman ang kalooban niya dahil doon.“Please talk to me,” ang huling mensahe niya sa asawa. Kagabi ay natutukso siyang utusan si Cohen para kausapin nito si Jemima sa pag-aalalang baka may nangyaring hindi maganda sa babae. Baka kasi nasobrahan na naman ito ng kaiiyak dahil sa pagseselos. Pero minabuti niyang pa
HABANG inihahanda ang delivery room ay magkasama sa isang sulok sina Harry at Jemima. Inilipat kasi doon ang kama niya. Si Harry lang ang pinayagang sumama sa loob. Napansin ni Harry na kinakabahan ang asawa. "Be strong, Jemima, pabulong niyang sabi rito. "I'm scared!" pabulong din nitong sagot. "No. You can do it. Be a strong mother. I won't be with you anymore." Natigilan naman si Jemima sa narinig sa asawa. "I will do as you said. I will find my own happiness. I will find someone who is afraid to lose me." Tumulo ang luha ni Jemima sa bigat ng naramdaman. Siya namang paglapit sa kanila ng doctor. "It's time." Lumabas na si Harry ng delivery room. Sabay ng paghilab ng kaniyang tiyan ay ang sakit na kaniyang nararamdaman sa dibdib. Humiyaw siya na may luha sa mga mata. "Aaaahhh!" Umiri siya ng malakas. Nataranta naman ang doctor na nag-aasikaso sa kaniya. "No, no, no! Hintayin mo ang instruction ko, misis." Naunawaan niya kung paano niya sinaktan ang asawa. Hindi kasi siya
HINDI mapalagay si Harry sa loob ng taxi. Katabi niya si Chester na naiinis na rin sa sobrang traffic sa highway ng Metro Manila. Halos hindi na umuusad ang sinasakyan nila. Bumper to bumper na ang itsura ng mga sasakyan sa kanilang lane. Magkasabay silang agad na sumakay ng eroplano nang malaman nila ang nangyari kay Jemima. Tiyempo naman kasing magkausap silang dalawa nang matanggap ni Harry ang text message ni Melinda na nagsasabing isinugod nila sa ospital si Jemima. "Oh, it's not moving anymore!" iritableng bigkas ni Chester nang hindi na umuusad ang trapiko. Gusto na niyang manghampas dahil sa kabugnutan. Dahil hindi rin talaga mapalagay si Harry, binuksan niya ang pinto ng taxi. Nang makita niyang mahaba ang mga hindi umuusad na sasakyan mula sa unahan nila ay nagpaalam siya sa pinsan. "See you there!" "Hey! It's too far!" Wala siyang nagawa kundi sundan na lang ng tingin si Harry na mabilis nang tumakbo. Halos naliligo na si Harry sa pawis sa katatakbo. Pinupunasan niya an
TINUNGO ng magkapatid ang isang bar hindi kalayuan sa condominium unit ni Harry. Pinili nila ito dahil hindi ito matao. Puro mamahaling alak ang pinagpilian nilang inumin. "What would you like?" tanong ni Daniel sa kanila. "I bet, bro would like to scream," ang sagot naman ni Cholo. Natatawang pinili ni Daniel ang Screaming Eagle Cabernet Sauvignon. Hindi ito ang madalas nilang iniinom, pero nagkasundo silang ito ang pagsaluhan nila ngayong gabi. Nanatili namang tahimik lang na nakaupo si Harry. Nagpatiayon lang siya sa gusto ng mga kapatid niya. Wala namang hinahanap na particular na lasa ng alak ang lalamunan niya kaya ayos lang sa kaniya kung alin ang mapili ng mga kapatid. Ang mahalaga ay kasama niya ang mga ito ngayon. Habang nagsasalin sila ng alak sa baso para sa pangatlong round ay siya namang pagdating ni Chester. "So, this is how you celebrate?" umiling-iling niyang bungad mula sa likuran ng tatlong pinsan. "Chester!" pinaupo ni Daniel ang pinsan sa tabi niya. "You'r
MAGKASUNOD na dumating sa harapan ng Shangri-la Hotel ang kotseng kinalululanan ni Harry at ng kaniyang pamilya. Kasama ni Harry ang buong pamilya sa pagdalo ng awarding night ng People's Choice Award, maliban kay Jemima. Tila mga modelo ng damit ang buong pamilya Sy sa suot nilang formal attire. Bagay na bagay sa kanila ang Hollywood Glamour themed nilang suot. Pawang naka black suit and black tie ang magkakapatid habang naka vintage suit ang kanilang ama at may metallic colored tie. Si Benita naman ay tila nabawasan ang kaniyang edad sa kaniyang suot na vivid yellow metallic color na full length gown. Accentuated pa ito ng emerald stones to match its golden color. Napaka elegante nilang tingnan sa kanilang pustura. Agad namang pinagkaguluhan ng mga reporter ang pamilya Sy, lalo na si Harry. Matapos nilang kuhanan ng larawan ang pamilya ay humakbang na sina Harry patungo ng entrance ng hotel. "Mr. Sy, we have a question for you!" Ngiti at kaway lang ang isinagot ni Harry sa report
MULA sa mahimbing na pagkakatulog ay nagising si Jemima. Napangiti siya nang pagmulat niya ng mga mata ay nakita niyang nakahiga sa kaniyang tabi si Harry. Magkaharap sila, at magkayakap.Naaamoy niya ang hininga ng natutulog niyang asawa. Guwapong-guwapo pa rin si Harry kahit na medyo na-haggard ang itsura nito. Stress na yata ang kinakain nito araw-araw.Madaling-araw pa lang, kaya maingat siyang kumilos. Ayaw man niyang gawin ito, pero naisip niyang baka kailangan niyang mag-usisa. Hindi namalayan ni Harry ang paglabas niya ng kuwarto dahil patingkayad siyang humakbang. Tinawagan niya ang taong inaasahan niyang hindi siya pagkakaitan ng impormasyon."Yes, he is badly needed here. They can't fix the problem."Ikinalungkot naman ni Jemima ang narinig mula sa kausap. Nalaman pa niya na may transaksyon itong nalagay sa alanganin dahil sa biglaang pagpunta ni Harry sa Pilipinas. Malalim na buntunghininga ang pinakawalan niya. Kailangan niyang tatagan ang sarili sa naisip na decision.Bi
Nakatanggap siya ng pasabi na tuloy ang video session nila para sa advertisement ng company ni Vince Schuck. May kaunting pagbabago nga lang sa naunang plano. Pumayag naman si Jemima. Si Harry ang sumama sa kaniya sa studio. Binati ni Jemima ang staff pagbungad nila ng pinto. “Hello! “Hello, Ma’am!” Pumalatak sa tuwa ang make-up artist nang makita nito si Harry. “Wow, ang guwapo naman ng partner mo, madam!” Agad itong lumapit kay Harry, nakangiti ito sa kasiyahan habang pinagmamasdan nito ang lalaki mula ulo hanggang paa. “One to ten, twelve ka!” saad nito sa lalaki. Pipindutin sana nito ang bisig ni Harry pero umiwas ang huli. “Silvestre,” pabagsak niyang sinabi ang pangalan ng make-up artist,-- “Aray naman po! Palagapak talaga! Sly lang po.” “Don’t touch my honey. Asawa ko ito!” pabiro niyang pinanlakihan ng mga mata ang make-up artist. Kinilig naman si Harry sa narinig sa asawa. Inakbayan niya ang babae. “Ay! Siya pala si Harry Sy?” Muli niyang tiningnan ang mukha ni Harry,
HINDI inaasahan ni Jemima ang pagdating ni Harry sa kaniyang harapan. Wala siyang photo shoot ngayong araw at natapos na niya ang mga dapat niyang i-email kaya nag lazy mode siya. “Hi!” bati ni Harry sa asawa nang pagbuksan siya nito ng pinto. Halata niya ang pagkagulat nito. “Can I come in?” “Y-yeah. Come in.” Nakasuot lang siya ng nighties. Hindi man lang siya nagsuot ng roba dahil inakala niyang si Melinda ang nag door bell. Nakita niya ang pagtiim ng mukha ni Harry habang nakatitig ito sa kaniya. “W-why… are you mad?” “You’re almost naked, lady! You opened the door wearing that. Were you waiting for somebody?” Agad namang nakuha ng babae ang ipinupunto ng asawa. Minabuti niyang magpaliwanag dito. Pagod pa naman ito at nagdududa. “I thought it was Melinda. I thought she forgot something so I fid not care to change clothes. Who else will I expect to come here?” Hindi na niya itinuloy ang pagpapaliwanag dahil nakatuon na ang pansin ng asawa sa kaniyang tiyan. “It’s bigger now.” N
KANINA pa silang dalawa nagtititigan sa isa’t isa. Halos hindi sila kumikilos, pero halata nila ang paghinga ng malalim ng bawat isa.Hindi nagawang iwasan ni Jemima ang tawag ni Harry dahil kaharap niya kanina si Melinda nang tumawag ito. Ayaw naman niyang kung ano pa ang isipin ng pinsan tungkol sa nararamdaman niya sa sitwasyon nila ngayon. Baka lalo lang siyang tuksuhin nito. Worse, baka mag-alala ito sa kaniya, at makarating pa sa mga magulang niya ang pag-iwas niya na kausapin ang asawa.Nagtago siya sa loob ng kaniyang kuwarto. Heto nga at nasa tatlong minuto nang walang salitang nanulas sa kanilang bibig mula nang mag “hi” at “hello” silang mag-asawa.Napalunok naman ng laway si Harry nang may maalala habang nakatitig siya sa kaniyang asawa. Naalala niya na noong nasa Malaysia siya ay nag video call din silang dalawa. Nasa honeymoon stage pa lang sila noon. It was a delightful experience for him dahil nauwi iyon sa steamy scenes. Ramdam nila ang kasabikan sa isa’t isa noon. Ib
KANINA pa tinititigan ni Harry ang cellphone niya. Nakailang missed calls na kasi siya sa asawa pero hindi man lang nito nagawang mag call back. ‘I thought you understood me, but it seems you don’t care.’ Inilapag na niya sa mesa ang phone nang tumunog ito. Si Melinda ang tumatawag. Agad niya itong sinagot. “Hello!” “Hello, Sir Harry,” hindi pa rin siya sanay na tawagin ito na walang ‘sir’, “it’s me, Mel.” “Yeah, I know. How’s life going there?” “We’re fine, sir.” Tiningnan niya ang pinsan na kasalukuyang inaasikaso ng wardrobe stylist. “Jemima’s phone is right here beside me, she’s currently busy.” “What is she doing?” “She just signed a modeling contract with Vince Schuck. Would you like to see her?” “Yes, please.” Ini-on nila ang camera at ipinakita ni Melinda ang pagsusukat ni Jemima ng mga damit para sa mga buntis. Hindi nakakibo si Harry sa paghanga sa asawa. Gandang-ganda siya rito. Lalo tuloy niya itong nami-miss, lalo na nang natuon ang kaniyang paningin sa umbok ng