Thank you!
HINDI pa rin niya ma-contact ang number ni Jemima. Napapabuntunghininga na lang siya. Sa ngayon ay wala siyang magagawa kundi ang umasang hindi nag-iisip ng kung ano-ano ang asawa na ikasasama ng loob nito. Naging emotional pa naman ito mula nang mabuntis. Agad niyang hinanap ang pakay niyang mga personalidad. Namamalagi ngayon sa Taj Mahal Palace ang mga may-ari ng Tata Sports, ang magkapatid na Yash at Amar Tata, kaya dito rin nagpa-book si Harry. Matapos niyang mag- sign in sa hotel ay agad niyang tinawagan si Amar Tata upang ipaalam na dumating na siya. “Can we talk later? We have something to attend to.” “Yes, sir. Just inform me when you’re available.” May panahon pa siya para magpahinga. Inilibot ni Harry ang paningin. Bagama’t nakarating na siya rito noon kasama ng pamilya niya, ngayon lang niya naa-appreciate ang royalty feel nito. Mula sa Saracenic Revival façade hanggang sa interior decoration nito ay tunay na kaaya-aya sa mata. Hindi kataka-taka na ang lugar na ito a
NALAMAN ni Harry na nagpunta ng China ang pinsan niyang si Chester. Minabuti niyang huwag munang bumalik ng Singapore. Umaasa siyang babalik si Chester bago ang kaniyang scheduled flight pauwi at magkakaroon sila ng masinsinang usapan.Umaasa rin siyang magbabago ang isipan ng magkapatid na Tata at muling i-consider ang business proposal niya. Sa parteng ito ay hindi siya confident. Kilala kasi ang magkapatid na firm sa kanilang binibitiwang desisyon pagdating sa negosyo. Pero ipapakita pa rin niya ang kaniyang presensiya sa dalawa.Kahit paano ay hindi na siya sinusundot ng kaniyang konsensiya tungkol kay Ivana Smith. Nasaktan siya sa pagsampal ng babae sa kaniya pero lumuwag naman ang kalooban niya dahil doon.“Please talk to me,” ang huling mensahe niya sa asawa. Kagabi ay natutukso siyang utusan si Cohen para kausapin nito si Jemima sa pag-aalalang baka may nangyaring hindi maganda sa babae. Baka kasi nasobrahan na naman ito ng kaiiyak dahil sa pagseselos. Pero minabuti niyang pa
NAPAGDESISYUNAN ni Harry na isang araw na lang ang ipaghihintay niya rito sa India. Babalik na siya ng Singapore kahit na hindi niya makausap ngayon si Chester Singh. Sa kaniyang palagay ay inaabot siya ng kamalasan sa lugar na ito ngayon. Napapabuntunghininga siya. Ayaw pa naman niyang umuwi nang bigo pero tila mailap sa kaniya ang tagumpay dito. Gagamitin niya ang natitira pang pag-asa para sa araw na ito. Ang hindi niya alam ay may bagong bagay na namang iniiyakan ngayon ang kaniyang asawa. May nagpadala ng email kay Jemima. Ang laman ng email ay ang mga litrato ni Harry kasama ang mga babae sa pub house na pinagdalhan sa kaniya ni Noerna Khan. Hindi kilala ni Jemima ang sender. “Who are you? What is the meaning of this?” Kaagad niyang ipinadala ang kaniyang sagot sa naturang e-mail pero wala siyang natanggap na sagot. Ayaw niyang maniwala sa kaniyang nakikita, pero malinaw sa kuha ng larawang ito na kausap ni Harry ang mga katabing babae habang umiinom ito ng alak, at sa tabi
HABANG mag-isang naglilimi-limi ay naisipan ni Chester Singh na tawagan ang kaniyang sekretarya. “Cancel all my appointments for tomorrow.” Inamin ni Harry sa kaniya na maaaring mahal na nito si Jemima, bagay na hindi niya inaasahang gagawin ng pinsan. Hindi tipo ni Harry ang nagbubukas ng kaniyang saloobin sa kanila, lalo na sa kaniya. Lumaki silang magpipinsan na hindi sila gaanong nagkukuwentuhan ng mga personal na bagay, lalo na pagdating sa deep emotions. Sabagay, pareho sila ni Harry na walang kinikilalang best friend. Pareho sila ni Harry na ibinuhos ang panahon para sa pag-unlad. Ang pagkakaiba nila, buo ang pamilya ni Harry habang siya ay nag-iisa na lang. Tinanong siya kanina ni Harry tungkol sa damdamin niya. Siguro ay pinagdududahan siya nito. Si Jemima nga lang naman ang babaing dinikitan niya bukod sa mga naging karelasyon niya ng panandalian. Napapailing siya ngayon sa naisip. Saglit siyang pumikit. …. DUMIRETSO si Harry sa kanilang malaking bahay. Agad niyang hina
DAHIL hindi na nagre-report sa opisina si Jemima, mag-isa si Harry sa loob ng kaniyang kotse. Malalim ang iniisip niya.“Tooooot! Toooot!”Nagulantang siya sa malakas na pagpito ng mga sasakyan sa likuran niya. Hindi niya kasi namalayan na nag go signal na pala ang traffic light. Napapahiyang tinunton niya ang daan papuntang opisina. Muntik pa siyang lumampas sa standard speed. Hanggang 70 kilometer per hour lang kasi ang maximum speed limit sa daang iyon.Hindi niya makalimutan ang nangyari kagabi. ‘Damn!’Mahirap para sa kaniya na aminin na nangyari iyong bagay na iyon sa kanilang mag-asawa. Masakit ito para sa kaniyang pride.“Harry,…”sambit ni Jemima habang hinuhubaran niya ito ng damit.“I can do this.” Agad niyang hinawakan ang dede ng asawa nang makita niya ang utong nito. Inihiga niya ito sa kama at isa-isang tinanggal ang mga saplot nito. Inamoy-amoy niya ang bawat saplot na mahubad sa katawan ng asawa bago ito tuluyang ihagis sa sahig.Ang panty ni Jemima ang huling saplot n
DAHIL walang sumasagot sa kaniyang pagkatok sa pintuan ay aalis na sana siya. Paghakbang niya ay bumukas ang pinto at may mga lumabas na lalaki. May dalang binalot na paintings ang mga ito. “Hi! Is Ivana inside?” “Yes. She’s waiting for you.” Hinawakan oa ng huling lumabas na lalaki ang pintuan para makapasok siya. Naisipan niyang samantalahin ang pagkakataon. Wala siyang nadatnang tao sa loob. Lalabas sana siya pero napalingon siya sa isang painting na nakasabit sa dingding. Isa itong life size painting ng isang babae at lalaki na parehong n*******d at magkayakap. Natatakpan lang ng tela ang puwet ng lalaki. Sumikdo ng malakas ang dibdib ni Jemima. Lumapit siya sa painting. Gusto niyang matiyak kung hindi ba siya nagkakamali sa nakikita niya. Napamaang siya at napahawak sa dibdib nang makumpirma niya na tama siya. Si Ivana nga ang babae sa painting na iyon, at si Harry ang kayakap nito. Pakiramdam niya ay papanawan siya ng ulirat. Pinagpawisan siya ng malamig. Nanginig ang buo ni
NASA harap siya ng telebisyon pero wala sa pinanonood ang iniisip ni Harry. Abala ang kaniyang isipan tungkol sa situwasyon nilang mag-asawa. Lingid sa kaalaman ng asawa ay napansin niya ang naging reaksyon nito kanina. Nakita niya kung paanong iniurong ng asawa ang mga kamay na hahaplos sana sa kaniyang pisngi at sa kaniyang kamay na inihaplos niya sa tiyan nito, bagay na lagi nitong ginagawa sa tuwing idinidikit niya ang kaniyang tenga sa tiyan nito. Nakita rin niya ang kalungkutan ng asawa sa tuwing hindi sila magkatabi, tuwing inaakala nito na hindi niya ito nakikita. Malungkot nitong hinahaplos ang sariling tiyan at malalim ang iniisip. Alam ni Harry, may gumugulo sa isipan ng kaniyang asawa. Sa loob naman ng kuwarto, habang nakahiga sa kama ay dinig ni Jemima ang malakas na buntunghininga ng asawa sa salas. Halatang-halata na may pinoproblema ito. Tumayo siya at sinilip ang asawa. Nakita niyang sapo ni Harry ang ulo. Gusto niya itong kausapin, pero nawalan siya ng lakas. Nanat
HABANG kumakain sila sa loob ng restaurant ay ipinahayag ni Harry ang isa pa niyang pakay ng pagpunta niya ng Pilipinas. “Pa, I have something to discuss with you,” halos pabulong niyang sabi sa manugang. “Sure!” Nagpatuloy siya sa pagnguya ng kinakain ngunit hindi nagtagal ay tinapos niya ang pagkain at tinanguan niya si Harry. Nagpatiuna ang magbiyenan sa parking area para makapag-usap sila nang masinsinan. “Is it too heavy for you to handle so you’ve decided to bring my daughter here?” Huminga nang malalim si Harry. Saglit na nilimi kung aaminin ba niya sa biyenan na naapektuhan pati ang p********k nilang mag-asawa dahil sa sobrang stress na pinagdadaanan niya ngayon. “I became a lousy husband to your daughter. I don’t like the way I am right now. We’re going the wrong way in our relationship.” Si Allan naman ang huminga nang malalim sa tinuran ng manugang. “I don’t want to think that you treat your wife as a burden to what you want to achieve.” “No—” “Is it because you don’