NAKAUPO sila ngayon sa kama, kapuwa nakatungo ang ulo. Kasya ang isang tao sa pagitan nilang dalawa.
Bumuntunghininga si Harry bago nagsalita. “Do you really think it’s fair to just say ‘no’ after our intense foreplay?”
Upon hearing his frustration, napahawak sa dibdib si Jemima. Hindi naman niya gustong tanggihan si Harry. Bigla lang niyang naalala ang naging kasalanan niya rito.
“Harry, I…,” humugot muna siya ng hininga bago itinuloy ang pagsasalita, “I’m sorry.”
Hinarap ni Harry ang asawa. “You have to do better than that.”
Sinikap ni Jemima na makatingin sa mga mata ng asawa. “Harry, I… I feel guilty.”
“You should be.”
“No, it’s about Chester.”
Kumunot ang noo niya. “Did you sleep with him?”
Nanlaki ang mga mata ni Jemima sa narinig sa asawa. “You think I can do t
Thank you for reading! 😍
WALANG pasok sa opisina ngayon si Harry. He cancelled all his meetings just for this one,-- to visit the Psyche & Klein Detective Agency. Kasama niya ang asawang si Jemima sa pakikipagkita niya kay Iris Psyche. Maganda ang babaing detective. Malaking bulas ang katawan nito, sexy at sporty ang katawan at ang get-up. “Mrs. Sy,” bati nito kay Jemima. Nag beso ang dalawang babae. Habang umuupo silang tatlo ay sinenyasan ng detective ang secretary na ibigay sa mag-asawa ang folder. “That’s how our tracking went,” aniya sa dalawa. Habang tinitingnan ng mag-asawa ang dokumentong nakapaloob sa folder ay binuksan ni Iris Psyche ang kaniyang laptop. “Anyway, to get a better view, you better see this.” Una niyang ipinakita ang mapa ng Singapore hanggang sa sumentro na ito sa isang lugar. Sumunod ay ang mas malinaw na aerial view nito. Sumunod ay ang isang video kung saan ipinakita ang isang gate. “Is this place familia
HINDI nila palalampasin ang araw na ito na hindi nagkakalapit ang mga magulang nila sa isa’t isa. Ayaw nilang magkaroon muli ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa.Isinalang ni Daniel ang mga napiling kanta. Inihanda niya ang sarili. Sinenyasan niya ang mga kapatid na handa na siyang kumanta.Una niyang kinanta ay ang Just The Way You Are ni Bruno Mars. Sumayaw sa harapan nina Benita at Samuel sina Harry at Jemima.Nasisiyahan si Benita habang nanonood sa dalawa. Natutuwa siyang tingnan na magkasundo ang mga anak nila ng bestfriend niyang si Zorayda. Kay Benita nagmula ang ideya na ipakasal ang kanilang panganay na anak na lalaki at babae.Hindi pa man natatapos ang kanta ay lumapit ang dalawa sa dalawang matanda. Niyaya ni Harry ang ina na sumayaw, gayundin ang ginawa ni Jemima kay Samuel. Nakangiti namang nagpaunlak ang dalawang matanda sa dalawa.“Your wife is lovely,” pagbati niya sa anak habang kasayaw niya ito.“We
GANADO sa pagtatrabaho si Harry. Desidido siyang gawing matagumpay ang kanilang proyekto para makuha ang People’s Choice Award. Sunod-sunod ang meetings nila ng top rank officers ng kumpanya para sa naturang proyekto. Ayaw niyang maungusan ng ibang kumpanya, lalo na ngayon na siya na ang presidente ng Good Era Rubber and Tire Company. “Since we’re looking forward to convince Cristiano Ronaldo to grace our foundation’s project, we should know him well when it comes to his guest appearances and preferred events. Know him well to ensure his participation on that day. Let me know the soonest possible if we can have him or not.” May nakuha na silang bagong vice-president for production, at may kapalit na rin si Harry bilang vice-president for administration. “Mr. Bhutto and Ms. Supsup, since you’re our new vice presidents, I delegate the work to both of you. Aside from lobbying to Mr. Ronaldo’s camp, make sure that the beneficiaries will receive their scholarship grant and their sports g
WALANG pasok ang mag-asawa sa opisina ngayon kaya minabuti nilang mamili sa department store. Magkatuwang sila sa pagdedesisyon ng bibilhing mga gamit ng kanilang magiging anak. Sinigurado nilang mabili lahat ng nasa listahan mula sa newborn essentials gaya ng kumot, damit, socks and mittens, bibs, at iba pang cute na mga gamit ng baby hanggang sa bassinet, car seat, at stroller nito. Inayawan ni Jemima ang ipinakita sa kaniyang breast pump ni Harry. Pakiramdam niya kasi ay masasaktan siya doon. “No need for that. I’ll bring the baby anywhere I go.” “It’s best to be prepaid for some circumstances. You might need this once or twice,” pangungumbinsi niya sa asawa. Nakinig naman ito sa kaniya. Hindi niya sigurado kung umaayon ba ang asawa sa ipinupunto niyang kahandaan o wala lang itong ganang makipagbardagulan sa kaniya. Lately ay napapansin niyang may katamlayan ito sa pagkilos. Sa gilid ng mga mata ni Jemima ay napansin niyang may isang babaing kumukuha ng video sa kanilang mag-a
HINDI pa rin niya ma-contact ang number ni Jemima. Napapabuntunghininga na lang siya. Sa ngayon ay wala siyang magagawa kundi ang umasang hindi nag-iisip ng kung ano-ano ang asawa na ikasasama ng loob nito. Naging emotional pa naman ito mula nang mabuntis. Agad niyang hinanap ang pakay niyang mga personalidad. Namamalagi ngayon sa Taj Mahal Palace ang mga may-ari ng Tata Sports, ang magkapatid na Yash at Amar Tata, kaya dito rin nagpa-book si Harry. Matapos niyang mag- sign in sa hotel ay agad niyang tinawagan si Amar Tata upang ipaalam na dumating na siya. “Can we talk later? We have something to attend to.” “Yes, sir. Just inform me when you’re available.” May panahon pa siya para magpahinga. Inilibot ni Harry ang paningin. Bagama’t nakarating na siya rito noon kasama ng pamilya niya, ngayon lang niya naa-appreciate ang royalty feel nito. Mula sa Saracenic Revival façade hanggang sa interior decoration nito ay tunay na kaaya-aya sa mata. Hindi kataka-taka na ang lugar na ito a
NALAMAN ni Harry na nagpunta ng China ang pinsan niyang si Chester. Minabuti niyang huwag munang bumalik ng Singapore. Umaasa siyang babalik si Chester bago ang kaniyang scheduled flight pauwi at magkakaroon sila ng masinsinang usapan.Umaasa rin siyang magbabago ang isipan ng magkapatid na Tata at muling i-consider ang business proposal niya. Sa parteng ito ay hindi siya confident. Kilala kasi ang magkapatid na firm sa kanilang binibitiwang desisyon pagdating sa negosyo. Pero ipapakita pa rin niya ang kaniyang presensiya sa dalawa.Kahit paano ay hindi na siya sinusundot ng kaniyang konsensiya tungkol kay Ivana Smith. Nasaktan siya sa pagsampal ng babae sa kaniya pero lumuwag naman ang kalooban niya dahil doon.“Please talk to me,” ang huling mensahe niya sa asawa. Kagabi ay natutukso siyang utusan si Cohen para kausapin nito si Jemima sa pag-aalalang baka may nangyaring hindi maganda sa babae. Baka kasi nasobrahan na naman ito ng kaiiyak dahil sa pagseselos. Pero minabuti niyang pa
NAPAGDESISYUNAN ni Harry na isang araw na lang ang ipaghihintay niya rito sa India. Babalik na siya ng Singapore kahit na hindi niya makausap ngayon si Chester Singh. Sa kaniyang palagay ay inaabot siya ng kamalasan sa lugar na ito ngayon. Napapabuntunghininga siya. Ayaw pa naman niyang umuwi nang bigo pero tila mailap sa kaniya ang tagumpay dito. Gagamitin niya ang natitira pang pag-asa para sa araw na ito. Ang hindi niya alam ay may bagong bagay na namang iniiyakan ngayon ang kaniyang asawa. May nagpadala ng email kay Jemima. Ang laman ng email ay ang mga litrato ni Harry kasama ang mga babae sa pub house na pinagdalhan sa kaniya ni Noerna Khan. Hindi kilala ni Jemima ang sender. “Who are you? What is the meaning of this?” Kaagad niyang ipinadala ang kaniyang sagot sa naturang e-mail pero wala siyang natanggap na sagot. Ayaw niyang maniwala sa kaniyang nakikita, pero malinaw sa kuha ng larawang ito na kausap ni Harry ang mga katabing babae habang umiinom ito ng alak, at sa tabi
HABANG mag-isang naglilimi-limi ay naisipan ni Chester Singh na tawagan ang kaniyang sekretarya. “Cancel all my appointments for tomorrow.” Inamin ni Harry sa kaniya na maaaring mahal na nito si Jemima, bagay na hindi niya inaasahang gagawin ng pinsan. Hindi tipo ni Harry ang nagbubukas ng kaniyang saloobin sa kanila, lalo na sa kaniya. Lumaki silang magpipinsan na hindi sila gaanong nagkukuwentuhan ng mga personal na bagay, lalo na pagdating sa deep emotions. Sabagay, pareho sila ni Harry na walang kinikilalang best friend. Pareho sila ni Harry na ibinuhos ang panahon para sa pag-unlad. Ang pagkakaiba nila, buo ang pamilya ni Harry habang siya ay nag-iisa na lang. Tinanong siya kanina ni Harry tungkol sa damdamin niya. Siguro ay pinagdududahan siya nito. Si Jemima nga lang naman ang babaing dinikitan niya bukod sa mga naging karelasyon niya ng panandalian. Napapailing siya ngayon sa naisip. Saglit siyang pumikit. …. DUMIRETSO si Harry sa kanilang malaking bahay. Agad niyang hina