Thaliana Tangi Dela VezcaBantay sarado ako ngayon at hindi maaaring umalis sa mansyon ng aking mga magulang. Naghigpit si Daddy, naiintindihan ko naman siya kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Ayoko na rin na salungatin pa siya dahil iba na ang galit niya.Nang sinabi niya sa akin na wala siyang balak na galawin ang kumpanya ni Rozzean ay napanatag ako. Iyon lang naman ang iniisip kong talaga. Ayoko na dahil sa nangyari sa akin ay mas magalit siya kay Rozzean.Hindi naman nito kasalanan.Ako ang hindi nag-ingat."Thaliana, anak?"Napatingin ako sa pinto ng aking silid nang marinig ang boses ni Mommy. Bumangon ako mula sa kama at lumapit doon."Mom?"Nakangiti siya sa akin nang buksan ko ang pinto at makita ko siya."May bisita ka anak."Bago ko po maitanong kung sino ay biglang lumabas mula sa gilid si Thes. Ang aking kaibigan."Tangi!" sigaw niya at niyakap ako."Thes...""Maiwan ko na kayo, ha? magpapaakyat na lang ako ng meryenda kay manang mamaya para sa inyo."Tumango ako kay
Kahit ako noong una ay hindi makapaniwala sa mga ginawa ni Rozzean para kay Tali. It was not in my plan when I entered his house. Hindi ko rin naisip na maaaring mahulog si Rozzean Cyron Valleje sa maid na si Tali. Sa pananatili ko sa bahay niya ay marami akong bagay na ikinagulat ko ng sobra dahil sa ugali niya."For me, if Rozzean really loves you he will forgive you. Sino ba si Tali at Thaliana? they are just one person. Did you change your attitude?"Umiling ako. Wala akong binago. Ako pa rin iyon si Thaliana."See? ang pagkakaiba ninyo lang ni Tali at Thaliana ay ang pisikal na itsura at ang katayuan sa buhay. Why is your bebe being an asshole, Tangi?""K-Kasi nga niloko ko siya, Thes--""We are already there, Tangi. Niloko mo dahil noong una ay ayaw mong mag-asawa kaya pumasok ka sa bahay niya at nagpanggap ka, na-in love siya sa personalidad mo bilang si Tali, and while you were there you fell for him also because you saw how great he is. At ngayon nga ay nagsabi ka na ng totoo
Isang linggo na ang nakalipas muli. Thes invited me to go out. Sinabi niya sa akin na hindi ako dapat nagmumukmok sa aking silid at isipin ang mga nangyari sa amin ni Rozzean. Pero ano ang magagawa ko? kahit na nasaktan ako ng sobra ay ito at umaasa ako na magiging maayos pa kami.I miss Rozzean so much, miss na miss ko na. Napapanaginipan ko na siya dahil sa sobrang pagka-miss ko. Naiiyak pa rin ako sa gabi sa tuwing maalala ko ang nangyari sa amin. How his eyes looked at me with hatred. Nararamdaman ko pa rin ang sakit nang makita ko sila na magkasama ni Klari.Iyong sobrang saya namin ng ilang araw sa bahay niya ito na ang kapalit at walang ibang dapat na sisihin kung hindi ako lang."Are you sure you don't need a guard?" tanong ni Mommy sa akin.Hinihintay ko na lang na dumating si Thes. Siya ang magmamaneho, hindi na ako maaaring mag-drive mag-isa simula noong maaksidente ako. My parents and brothers were so worried that they took my car keys. Ang dalawang sasakyan ko ay hindi ko
Dalawang oras rin na inaayusan ako sa salon ni Thes. Katulad ng sinabi niya ay vanilla blonde nga ang ikinulay sa aking buhok. Nakatingin lang ako sa salamin habang ginagawa binoblower. Patapos na at ako naman ay naghihintay na lang rin."Okay na po, Ma'am. Tapos na po!" sabi ng babae sa akin.Tumayo ako at tiningnan ko ang aking sarili sa salamin.I didn't know that vanilla blonde hair color would suit me. Ito ang unang beses na nagpakulay ako ng buhok at dahil iyon sa kaibigan ko na linggo-linggo ay iba ang kulay ng buhok. Nilapitan ko si Thes, nakatuon ang mga mata niya sa kaniyang cellphone.Nang mapansin na nasa harapan niya ako ay ibinaba niya ang hawak at tumayo."Wow! ganda, ah? tapos tara at makapaghanap ng damit!"Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. Wala na rin akong nagawa nang hilahin ako ni Thes at dalhin sa shop niya. Hinayaan ko na siya sa mga gusto niyang gawin. Pumili siya ng red velvet backless fitted dress at ipinasuot sa akin.She said that we are go
Hawak-hawak ko si Thes at nasa loob kami ng vip room sa kaniyang bar. Natutulog na ang aking kaibigan. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa kaniya."Luther..."Napatingin sa akin si Luther. Sinamahan niya kami dito ngayon dahil siya ang umaayos sa gulo na nangyari kanina. Nag-aalala rin ako sa sitwasyon. Wala pa rin daw malay ang lalake na ilang beses na sinuntok ni Rozzean. Dinala na raw ito sa ospital."Nakita mo ba siya?" tanong ko kay Luther na ang tinutukoy ay si Rozzean."No, but he called me. He said that he's willing to pay for the damages. Pinapabalik ko dito pero sinabi niya na aayusin niya and if the man will sue him sa korte na lang sila magkita."Ayaw niya ba akong makausap?Pero ano ang ginagawa niya dito? he doesn't like to drink outside."Kasama mo ba siya na pumunta dito, Luther? hindi ko alam na nandito pala si Rozzean."Sa gulat ko ay hindi ako nakapag-reak kanina. I called his name but I didn't expect that he was actually here. Ang bilis ng tibok ng puso k
"Daddy...""Tangi, stop chasing that man. If he loves you he will come to you--"Pinutol ko ang aking ama sa pagsasalita dahil na rin sa emosyon na nararamdaman ko ngayon."Dad, he did! h-he was there earlier. Sinabi ni Luther sa akin na hindi naman niya sinabi kay Rozzean na naroon ako sa bar. Saka he lives in Tagaytay, ilang oras ang byahe papunta dito. M-M-Maybe he followed me earlier? m-maybe he was there watching m-me?"I sound so desperate that Rozzean was actually there earlier for me. Hindi ko na alam... asang-asa ako. Masakit pero umaasa talaga ako na nandoon siya kanina para sa akin. Kahit iyon na lang..."Or it's just a coincidence that he was there and saw you. Paano kung may katagpo pala siyang iba kaya naroon siya kanina at nakita ka lang niya?""K-Katagpo?" tanong ko. Naputol ang pag-asa ko dahil sa sinabi ni Dad. Hindi iyon pumasok sa isipan ko. Sino naman ang kikitain ni Rozzean dito?"Rozzean saw and saved you because that's the only thing he could do to clean his im
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Halos hindi ako makahinga nang marinig ko ang boses niya."R-Rozzean?"Napatingin ako kay Thes. Nakatayo na ako ngayon at siya ay nakahawak sa akin."Si Rozzean 'yan?! totoo?" bulong niya.Tumango ako sa kaniya pero ang buong atensyon ko ay nasa kabilang linya. Kay Rozzean na hindi ko inaasahan na tatawag. Pigil ko ang aking paghinga habang hinihintay ko ang boses niya sa kabilang linya. Hawak ko ng mahigpit ang kamay ni Thes dahil sa kaba.He called me! tinawagan niya ako at hindi ako nananaginip! this is his voice! hindi rin ako maaaring magkamali! kilalang-kilala ko ang boses niya, kahit bulong ay malalaman ko na siya.And he said Thaliana! hindi Tali, kung hindi Thaliana! pinatawad na niya ba ako? h-hindi na ba siya galit sa akin?"R-Rozzean? hello--""Thaliana... are you... okay?"Napasinghap ako nang muli kong marinig ang boses niya. Si Rozzean nga! Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Thes. Natutop ko ang aking bibig dahil hindi ako mak
Hindi pala sapat na mahal mo lang ang isang tao para mag-stay ka at maghintay na muli kayong magkakaayos. Kahit pala ilang beses ko na sinabi na sobrang mahal ko si Rozzean at hindi ko isusuko ang nararamdaman ko sa kaniya ay darating pa rin ako sa punto na ito.Na mas mangingibabaw na yung sakit kaysa sa pagmamahal.Sa dalawang beses na nakita ko silang magkasama ni Klari ay hindi lang basta kurot ang naramdaman ko sa puso ko, paulit-ulit na parang may punyal na sumasaksak sa dibdib ko.Ang sakit. Sobrang sakit.Tama na. Ayoko na. Hindi na ako aasa na maaayos pa dahil mukhang okay na rin siya. He's better without me. He looks good without me.Rozzean is fine... without me."Thaliana, you are not eating your food. Sinabi mo sa akin na mag-uusap tayo pero pagdating dito ay hindi ka naman nagsasalita. Hanggang sa dumating ang pagkain ay ginagalaw mo lang. What happened?"Umangat ang tingin ko kay Luther. Tinawagan ko siya at tinanong ko kung mayroon siyang libreng oras ngayon upang maka