Share

PART 217 - DUGUANG PUSO

Author: Neknek
last update Last Updated: 2025-01-15 09:30:55
[Kataleia’s POV]

“Heto na, love.”

Sinulyapan ko si Seiji sa ilalim ng shades ko pagbalik nya dala-dala ang juice na hiniling ko. Inilapag nya iyon sa katabi kong maliit na lamesa.

“Wow! Ambilis mo ah, thanks!” ngiti ko. Hinila ko muna paakyat ang harapan ng itim kong bra saka naupo mula sa pagkakahiga dito sa bench. Sumipsíp ako sa straw na may maliit na payong at dinama ang lamig nito sa aking lalamunan habang tinatanaw ang malalaking alon sa malayo. Masarap talaga ang malamig na malamig na inumin kapag ganito kainit ang panahon. Kahit nakasunong kami sa malaking beach umbrella ay damang-dama ng balat ko ang init ng tirik na tirik na araw dito sa napakagandang beach resort.

“Uyy, ano ‘yan? Pineapple? Pashepshep,” ani Orlie nang makalapit sa amin. Akma na nyang kukunin sa kamay ko ang mataas na baso pero dinamot ko iyon sa kanya.

“Kumuha ka ng sa ‘yo, ano! Kulang pa nga ‘to sa ‘kin. Ang layo ng pinagkuhanan ni Seiji nito eh,” nakasimangot na singhal ko.

“Ay, sa kanya ba
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • THE BILLIONAIRE'S PLAYGIRL SISTER   PART 218 - HOTEL ROOM (SPG)

    Masarap ang dinner namin sa magarang floating cottage; puro seafoods na paboritong-paborito ko, pero hindi ako makaumpisang kumain. Tinititigan ko lang ang platong nasa harap ko na tinambakan ni Seiji ng malalaking hipon. Noon, kapag hipon o alimango ang ulam, may isang taong kahit gaano pa nagugutom o kahit magkaaway pa kami; ipagbabalat at ipagbabalat muna ako bago sya kakain. Sinaniban na naman ako ng lungkot sa naaalala ko. Pinagbabalat naman din ako ni Seiji minsan, kaso ngayon hindi, busy kasi sya sa pakikipaghuntahan sa mga kasama namin sa mahabang lamesa habang kumakain at umiinom ng beer. “Kumain ka na, bakla. H’wag kang mag-inaso d’yan kasi walang maghihimay n’yan para sa ‘yo. Alangang ako pa ang mag-asikaso sa 'yo eh may kamay ka pa naman, hindi ka baldado. Bruhang 'to,” irap ni Orlie na nakaupo sa harap ko sabay tingin nya nang matalim kay Seiji na parang wala namang napapansin. +++++ Hatinggabi na nang matapos ang inuman sa tabing-dagat. Lasing ang lahat pwera lang sa

    Last Updated : 2025-01-15
  • THE BILLIONAIRE'S PLAYGIRL SISTER   PART 219 - MUNTIK

    Dagli namang nagbago ang expression ng mukha nya paghaplos ko sa kanyang pisngi. Naupo sya sa gilid ng kama ko at inupo ako sa kandungan nya. Feeling ko bata ako na nakakandong sa naka-costume na Santa sa mga mall tuwing araw ng Pasko. “Basta, malalaman mo ‘yun. H’wag kang magalit sa ‘kin,” malambing na suyo ko sa kanya. “Sorry, nalito lang ako. Akala ko ngayon na ‘yung time na ready ka,” pumikit sya at niyakap nya ako nang mahigpit. “Hindi pa, ‘no!” natatawang sambit ko habang sinusuklay-suklay ko ang buhok nya ng aking kamay. “Isang buwan palang tayo, napakabilis naman no’n kung ngayon na agad... Alam ko namang makakahintay ka pa eh, ikaw pa ba naman?!” “Oo naman! Lagi ko namang sinasabi sa ‘yo, maghihintay ako kahit na anong mangyari. Ngayon pa ba naman mauubos ang pasensya ko eh sa akin ka na,” nawala ang itim ng mga mata nya sa pagngiti nya. Madali naman syang suyuin. Lambingin mo lang nang konti, bumabalik na sya sa dati. “Oy, ‘ayan ka na naman!” saway ko sa kanya nang

    Last Updated : 2025-01-15
  • THE BILLIONAIRE'S PLAYGIRL SISTER   PART 220 - WEIRD

    “Ang aga mo. Sa’n ka pupunta?”“Kuya Mike!” bulalas ko. Sya pala ang kumakatok nang malakas sa pinto. Amoy na amoy ang alak sa kanya at haggard na haggard ang itsura, mukhang pareho kaming hindi pa nakakatulog. “Oh, gulat na gulat ka,” sabay tawa nya. “Chineck ko lang kung gising ka na.”“Opo, gising na. Lalabas kami ni Seiji,” sagot ko na medyo nahihiwagaan. “This early?!” taas-kilay pa nyang tanong. “Opo, mamamasyal daw po. Maganda raw kasi ang pagsikat ng araw dito; aabangan po namin,” ngiti ko sabay ni-lock ko na ang aking pinto. “Oo, maganda nga raw,” anas nya. “...kasing-ganda mo.”“Yes naman po! Hahaha!” tawa ko nang malakas sa biro nya. “‘Eto naman si Kuya Mike, inuto pa ‘ko.”“Hindi biro ‘yun. You’re really beautiful,” nailang ako at napaatras nang damputin nya ang dulo ng layered kong buhok na nakalaglag sa bandang susø ko. “Love, ang tagal mong magbihis kaya umakyat na ‘ko,” napalingon kami pareho kay Seiji na nagpapalipat-lipat ang tingin sa amin ni Kuya Mike bitbit

    Last Updated : 2025-01-16
  • THE BILLIONAIRE'S PLAYGIRL SISTER   PART 221 - KONSENSYA

    “Okay lang,” mahinang tugon ko. “Hindi pwedeng okay lang, beks. Hindi ka man lang magbago, depota ka! Napalayas mo na si Knives, anong balak mong gawin kay Seiji?” “Correction! Hindi ko sya pinalayas, kusa syang umalis. Paano ko sya papaalisin eh bahay nila ‘yun. Mainam na rin ‘yun para magtino-tino sya sa asawa nya. Hindi sya idi-divorce ng warfreak na ‘yun kahit anong mangyari. Kung anuman ‘yung kaya kong gawin, kaya naman din gawin nu’n, o baka nga mas higit pa.” Nagkunwari akong deadma sa akin ang pagkaka-open nyang muli ng paksang iyon kahit tila may kumurot na naman sa puso ko. “Kung makapagsalita ka parang wala na sa ‘yo ah! If I know, kaya mo sinagot si Seiji kasi hindi ka na nakatiis, pumutok ang butsi mo sa selos kaya gumanti ka. Eh, sinong na-olay ngayon at laging maga ang mga mata sa puyat at kakaiyak? Edi ikaw rin,” tumawa pa sya nang malakas na nakakaasar para sa akin. “Pwede ba, h’wag na nga nating pag-usapan ang wala naman dito. Andami naman kasing pwedeng i-

    Last Updated : 2025-01-16
  • THE BILLIONAIRE'S PLAYGIRL SISTER   PART 222 - PANGIT NA BALITA

    “Huh?! Bakit po ako o-oo?” nagugulantang na tanong ko. “Eh, magpo-propose na nga eh! Natural sasabihin mo, ‘Yes, love, I will marry you!’” kinikilig na inilahad pa nya ang isang kamay na parang sya ang sinusuotan ng invisible na singsing at nagkunwang naiiyak sa sobrang saya. “Hindi natural ‘yun, ‘Ma!” bulalas ko. Pinalo ko pa ang kamay nyang may invisible ring sa inis ko. Mabilis naman ang reflex nyang ginantihan ako ng mas malakas pang hampas sa kamay. “Ano ba! Ayaw mo bang makasal kay Seiji?! Mahal na mahal ka naman nu’ng tao. Ano pa bang hinahanap mo, eh halos nasa kanya na nga lahat— pormal, may itsura. Matalino. Pogi,” kumbinsi nya sa akin. “Hindi ba pareho lang ‘yung ‘pogi’ at ‘may itsura’?” Nakaismid na tinapunan ko sya ng tingin sa gilid ng mata ko. “Tsaka paano naman kayo nakasigurado na magpo-propose na nga ‘yung tao?” “Kanina kasi narinig ko pinag-uusapan nila ni Miguel ‘yung tungkol du’n sa catering nu’ng kasal namin.” “Catering?” kumukunot-noo kong tanong.

    Last Updated : 2025-01-17
  • THE BILLIONAIRE'S PLAYGIRL SISTER   PART 223 - PALADESISYON

    “Eh, ‘Ma, kasi… Hindi ba parang maaga pa masyado para magpakasal? Naisip ko lang… Magsusukob ang kasal natin kung sakali—” “Hindi ka aalis!” pagalit na bulyaw nya. Hinatak nya ako sa braso at kinaladkad papunta sa elevator. “Hayaan n’yo na lang po muna ako, ‘Ma. Ayoko pa po munang magpakasal,” mariing tutol ko habang winawaksi ko ang kamay nyang kapit na kapit sa braso ko. Laking gulat ko nang pagbitaw nya ng hawak sa akin ay agad nya akong binuweluhan ng malakas na sampal sa kaliwang pisngi ko. Nagigitlang nasapo ko ang pisngi ko, muntik pang mahulog ang suot kong salamin sa lakas ng hagupit nya. Tumulo agad ang luha ko. Nilingon ko ang saglit na nanahimik na paligid. Pakiwari ko lulubog na ako sa hiya nang makitang lahat ng tao sa lobby ay nakatingin sa amin. “Ang kinabukasan mo lang ang iniisip ko, Kataleia! Wala nang nangyayari sa ‘yo sa pagtatrabaho mo. Tumatanda ka na lang pero hanggang ganyan ka pa rin. Maski para sa sarili mo wala kang napupundar. Anong gusto mo, uma

    Last Updated : 2025-01-18
  • THE BILLIONAIRE'S PLAYGIRL SISTER   PART 224 - THE PROPOSAL

    Ibinaba ako ni Seiji sa mismong tarangkahan ng first class na bar. “Salamat,” mahinang sabi ko na nahihiya. Paano nakatingin sa amin at nakangiti ‘yung malaking lalake at dalawang babaeng sumalubong sa amin sa pintuan. “Naku, naku! Practice na ba ‘yan?” patutsada ni Orlie na nasa likod namin at kasama si Atsi. “Masama kasi ang pakiramdam nito,” napapakamot sa ulong ngiti ni Seiji. “Ako nga masama rin ang pakiramdam, nagsusuka pa nga ako kanina eh pero hindi man lang ako alalayan nitong ungas na ‘to,” ismid nya kay Orlie. “Kung nagsabi ka kasi na gusto mo palang magpabuhat edi nakahiram sana ako ng stretcher, pinabuhat na kita,” pairap-irap namang sagot ni bakla. “Naimpatso ka lang sa kakakain mo ng mangga eh, magpapabuhat ka na.” Napahalakhak kami ni Seiji sa bangayan nilang dalawa. Hindi ko rin minsan maintindihan ‘tong dalawa na ‘to. Minsan mag-boss sila mag-usap, minsan parang mag-jowa naman sila kung nag-aaway. Pareho na rin sila ng pagsasalita, napansin ko lang. Dati ang

    Last Updated : 2025-01-18
  • THE BILLIONAIRE'S PLAYGIRL SISTER   PART 225 - HAPPY? HAPPY.

    Pangisi-ngisi ako sa mga kaharap ko sa lamesa pero ang totoo ay kinakabahan ako. Ang isang tenga ko ay kay Atsi nakatuon na hawak-hawak pa rin ang cellphone nya at sinusubukang tawagan si Knives. Pero hanggang sa malinis ng waiter ang lamesa namin at nagsimula ang malakas na tugtog na pansayaw ng banda ay hindi talaga nya ito nakausap. “Anyare, Atsi? Wala pa rin?” ani Orlie na paindak-indak sa saliw ng tugtog ng banda. “He’s not answering.,” ibinaba nya na ang cellphone nya sa lamesa. “We haven’t talked since he left… Sa ‘yo ba, Shobe, tumawag na si Shoti?” “Hindi rin po,” kinibit ko ang balikat ko. Kahit medyo nakahinga ako nang maluwag-luwag, sa likod ng utak ko ay nagdadamdam ako. Tanggap kong galit sya sa akin at hindi na nya ako patawarin, pero ang hindi nya kausapin si Atsi na wala namang ginagawang masama sa kanya lalo na sa kalagayan nito ngayon ay sobra-sobrang pagpapakita ng katigasan ng loob nya. “Galit pa rin sa ‘kin ang kapatid ko,” nahimigan ko ang lungkot sa bose

    Last Updated : 2025-01-19

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S PLAYGIRL SISTER   PART 246 - "AKSIDENTE"

    Tumahimik ang paligid ng ilang segundo na tila napakatagal para sa akin, hanggang sa sinagot na rin nya ang tanong ni Kataleia. “Uhm, oo, nauntog. Nauntog ako. Hindi ko kasi nakita… Madilim dito,” napakahinang bulong ni Veronica na halos hindi bumuka ang mga namamaga nang labi. Para akong nabunutan nang malaking tinik sa lalamunan. “See? Nauntog. Nagulat na nga lang ako pag-akyat ko dito umiiyak na sya eh. Hay naku! Ipapalipat ko na nga 'yang pasong ‘yan, laging na lang may nadidisgrasya rito,” natatawa na naiiling ako. Daig ko pang nakapasa sa bar exams nang maibsan ang kaba ko. “Magpahinga ka na Veronica. Ipapasunod ko na lang sa kwarto mo ang first aid kit... ‘Lika na, love.” yakag ko sa kanya. “Gutom na ‘ko, baka hindi pa sila kumakain kakahintay sa ‘tin,” Hinawakan ko syang muli sa braso pero tinapik nya nang malakas ang aking braso. “Hindi pwede! Anong first aid kit?! Kelangan ‘tong matahi,” although may pagpa-panic, marahan nyang sinapo ng panyo ang tumulong dugo sa pisngi ni

  • THE BILLIONAIRE'S PLAYGIRL SISTER   PART 245 - TENSED

    “Hindi ba sinabi kong h’wag mong aalisin ang tingin mo sa kanya?!” gumaralgal ang boses ko sa lakas ng aking hiyaw. “Napakawala mong silbi!” “Pa-pasensya na, Boss. A-aalis na po ako nga-ngayon— hahanapin ko si Madame,” nagkakandautal sya sa takot sa nag-aapoy kong titig. Tumalikod sya sa akin at akmang lalayasan ako kaya hinablot ko ang maiksi nyang blonde na buhok, hinatak ko ‘yun at naglakad patungo sa bahay. Hanggang sa napahiga sya sa semento ay hindi ko binitawan ang buhok nya at nagpatuloy sa bilis ng paglalakad. Dumidilim ang utak ko sa nagpupuyos kong galit. Hindi ko na naririnig ang mga matitinis nyang tili sa sakit na dulot ng pagkakakaladkad ko sa kanya paakyat sa hagdan patungo sa ikatlong palapag. “Saan sya nagpunta??!” nanggagalaiting hiyaw ko pagbalibag ko sa maliit nyang katawan sa gilid ng sofa, nauntog pa sya sa matulis na gilid ng kwadradong paso ng halaman kaya dumugo ang malapit sa kanyang kilay . “Nasampal na kita kanina bago kayo umalis, ‘di ba? Hindi ka p

  • THE BILLIONAIRE'S PLAYGIRL SISTER   PART 244 - BALISA

    Ilegal ang mga laban sa aking flight club. Mga puganteng kriminal ang aking mga manlalaro—mga itinakwil ng batas at itinulak sa aking teritoryo. Walang anunsyo sa TV o radyo, walang media, walang permit. Isa lang ang batas dito: lumaban hanggang sa huling hininga. Ang gantimpala? Kalayaan para sa nag-iisang mabubuhay na higit pang mahalaga kesa sa pera. At tanging mga high-definition na kamerang nakakonekta sa bahay ni Yasou at ng ilan pang kasapi ng pamilya ang tahimik na nagmamasid sa bawat laban. Sa aming pamilya, death boxing is a sport— a tradition. A challenge of courage. The definition of honor. Isang tournament kung saan ang bawat igkas ay hindi lang pagsubok ng lakas, kundi pati na rin ng tapang at paninindigan. Dito, ang bawat manlalarong nasa loob ng ring ay hindi lumalaban para lang manalo, kundi para patunayan ang kanilang sarili at para sa kanilang kasarinlan. Sa ring na ito, hindi sapat ang bilis ng kamao o tigas ng katawan. Kailangan ng tibay ng loob, dahil ang bawa

  • THE BILLIONAIRE'S PLAYGIRL SISTER   PART 243 - OPTING OUT

    [Seiji’s POV] “Aniki! Faito Kurabu o katte ni shimeru nante arienai! Koko de sore ga wakattara, watashitachi no pātonā ga dore dake okoru ka wakatteru no ka!? (Older brother! You can’t just close the fight club like that! Do you know how frustrated our family will get?!) “Kore wa watashi no bijinesu da. Shimeru ka dou ka wa watashi no jiyuu da. (This is my business. Whether I close it or not is my choice.)” mahinanong tugon ko sa kausap ko sa malaking monitor. Bumuntung-hininga ako at hinila ang aking buong bigat sa nakalaglag na lubid. I can feel my muscles flexing with each pull. “No, we cannot do that. The cards have already been laid out, and it is not possible to return their money so easily. That is not how things are done!” Gumusot pang lalo kulubot nyang mukha sa galit nya nang ibalita ko sa kanya na isasarado ko na ang club na matagal kong pinagyaman. Kanina pa nya ako sinisermunan. Paulit-ulit na ang pagpapaliwanag ko, mapa-English, Tagalog, o Nihongo, wala syang mai

  • THE BILLIONAIRE'S PLAYGIRL SISTER   PART 242 - FALSE ALARM

    Nang makahuma ako sa pagkagitla ay lumabas ako ng kotse. Lumakad pa ako ng may ilang metro para habulin ng tingin ang kumakaripas na motor. Napakabilis nyang nakalayo, gatuldok na lang sya sa aking paningin na nagpapasingit-singit sa trapik. Syet! Sya ba ‘yun??! Napakapit ako banda sa aking dibdib para pigilan ang pagwawala ng puso ko. Natutulala sa kawalang nakatayo lang ako sa gitna ng kalsada sa ilalim ng malakas na ulan. Maya-maya narinig kong sumigaw ang pasahero ko pagbaba nya ng bintana. “Hoy praning! Hindi mo ba nararamdamang umuulan?!” “Ang tanga mo naman! Ginitgit ka na nga, hinabol mo pa. Isusumbong talaga kita kay Boss. Kung nagasgasan lang 'tong kotse pati ako yari kay Boss! Hindi ka nag-iisip...” naiinis na turan nya pagbalik ko sa kotse na tila basang sisiw sa pagkakaligo ko sa ulan. Halos bumula ang kanyang bibig sa kung anu-anong pinagsasabi nyang hindi ko na inintindi. Tahimik at nangangaligkig sa lamig na ipinagpatuloy ko ang pagtahak ko sa daan habang na

  • THE BILLIONAIRE'S PLAYGIRL SISTER   PART 241 - UNEXPECTED

    “Kung dudang-duda ka, edi tawagan mo. Tawagan mo si Boss, tanungin mo. Ngayon na, hangga’t nandito pa tayo kasi baka nga naman mali ako.” Nagngingitngit ang loob kong dinampot ko ang aking cellphone. Tatanungin ko talaga si Seiji. Sasabihin ko na ring ihahatid ko na ang bruhang ito kung saan pa ito pwedeng tumira bukod sa bahay namin kesa maibusal ko sa matabil nyang bibig ang cellphone at kamao ko. “Ni isang beses hindi pa ako nagkamali sa utos sa ‘kin. Sinu-sure ko lahat ‘yun. Bawal akong magkamali. Kung nagkamali na ako noon edi sana matagal na sana akong patay! Bente-dos lang ako, wala akong pinag-aralan pero hindi naman ako gano’n katanga.” “May galit ka ba sa ‘kin?!” hindi ko na talaga natiis at kinompronta ko na sya. “Kung makapagsalita ka parang kilalang-kilala mo na ‘ko eh. Wala akong ginawang masama sa ‘yo para sagut-sagutin mo ‘ko ng ganyan!” “Wala ka ngang ginagawang masama, pero lalo lang bumigat ang buhay ko mula noong dumating ka!” malakas na singhal nya sabay du

  • THE BILLIONAIRE'S PLAYGIRL SISTER   PART 240 - PERFECT HUSBAND

    “Ikaw ha, inano mo?” kagyat kong hinampas si Seiji sa braso bago sumakay sa bagong bili nyang kulay pulang sedan. Natatawang ikinibit nya ang kanyang balikat sa pagmamaang-maangan nya. “Wala akong ginawa, ano?” Bumunghalit sya ng tawa sa pagpapalatak ko na nagpapailing-iling. “Abnormal ka ba? Tawa ka nang tawa?!” dagli akong nainis sa OA nyang tawa. Nagi-guilty na nga ako sa pag-atungal ni Veronica, tinatawanan pa ako. “Hindi ako abnormal, love. Ang abnormal eh ‘yung paalis na lang, nagagalit pa… Hay nako! Teka nga pala,” dumukot sya sa kanyang bulsa ng kanyang shorts at iniabot sa akin ang kumpol ng pera na naka-rubber band. “Tapos bumili ka na rin ng gamit mo, love. Kumain na rin muna kayo ng gusto n'yo bago kayo umuwi.” “Oh, may pang-grocery na ako, ‘di ba? Baka wala ka nang pera d’yan?” “Meron akong tinabi dito panggasolina ko. Kung may matitira ka pa, ilagay mo sa ipon mo para sa baby natin... Lumakad na kayo, love. Maaabutan n’yo na ang trapik sa daan kapag hindi pa kayo u

  • THE BILLIONAIRE'S PLAYGIRL SISTER   PART 239 - VERONICA

    “Sumama ka na. Wala ring magda-drive sa ‘yo papunta sa bangko dahil isasama ko si Ibiza, may pupuntahan kami,” ani Seiji. “Kaya ko namang pumunta ng bangko nang mag-isa eh, mamamasahe na lang ako. Bakit kaylangang sumama pa d’yan?! Marunong ba talagang mag-drive ‘yan?” naiinis na turan nya. Paalog-alog ang suso nyang walang panapo sa papadyak-padyak nya. Tumutulis ang nguso ko habang tinitingnan ko sya sa pagmamarakulyo nya, ‘kung matadyakan ko lang ‘tong maliit na babae na ‘to talaga…’ gigil na nasabi ko na lang sa aking sarili. “Hindi ka pwedeng mamasahe, Veronica. Please, gumayak ka na lang. Pagkatapos naming kumain magbibihis na si Kataleia… Pasensya ka na, love, nagkaro’n ng emergency sa bar eh,” nagi-guilting hinawakan nya ang aking pisngi. “Magkita na lang tayo rito mamaya para makapunta tayo sa mansyon. Nag-promise ako kay Mama na du’n tayo magdi-dinner at matutulog,” “Okay lang, love. Kaso parang ayaw nya kasi,” tinapunan ko ng tingin ang pabulung-bulong na mestizang pins

  • THE BILLIONAIRE'S PLAYGIRL SISTER   PART 238 - OFF LIMITS

    Lumabas ako sa kwarto at binuksan ang katapat naming kwarto at binuksan ang ilaw nito na nasa gilid ng pinto. Ito ang drawing room ni Seiji. Puno ang bawat dingding ng kanyang mga obra. Gustung-gusto kong tumatambay rito kasi ang tahimik tsaka natutuwa ako sa pagtingin-tingin sa mga larawang iginuhit nya halos puro pagmumukha ko—iba’t ibang anggulo at facial expressions. Napaka-passionate nya sa pagpipinta. Kung gagawa nga lang si Seiji ng art gallery mapupuno nya iyon ng mga display kaso naisip ko baka walang pumunta kasi puro ako rin lang naman ang maidi-display nya. Napasimangot ako nang makita ang canvas na huli nyang iginuhit na nakalagay na naman sa painting stand. “Sabi ko itago eh, nakakahiya! Pa’no kung may makakita. Dyusko!” nagigiba ang aking mukha habang ibinabalik ko ang larawan ng aking hubad na katawan sa likuran ng aparador kung saan ito nakalagay. “Did Veronica bother you again? Ay! I told you I’ll dust it off myself,” ani Mamancona pagsilip nya at nadatnan nya ako

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status