Share

Kabanata 1

last update Huling Na-update: 2022-05-24 20:27:39

"Aba, Amber! Pare-pareho lang tayong nangangailangan ng pera rito. Ilang buwan ko na kayong napagbigyan sa mga utang ninyo sa akin, hindi naman pwedeng ganito na lang tayo palagi," galit na sita sa akin ni Aling Mina. Nakayuko lang ako habang nakikinig sa sermon niya. Alam ko namang may kasalanan din ako dahil sa ilang buwan kong hindi pagbabayad sa renta ng bahay namin pero kasi ang hirap hirap humanap ng trabaho ngayon. 

Ilang trabaho na nga ba ang inapply-an ko pero ni isa sa kanila ay wala pang tumawag sa aking muli. Sabagay, sino ba namang kukuha sa isang kagaya kong hindi naman nakapagtapos ng kolehiyo? 

Alam ko namang suntok sa buwan ang pangarap kong makapagtrabaho ng disente sa isang malaking kumpanya lalo na at hanggang senior high school lang naman ang pinag-aralan ko pero wala naman siguro masama mangarap na baka pwede diba? Na baka tanggapin din nila ako. Para sa mas magandang buhay sana namin ng kapatid ko. 

"Aling Mina pasensiya na po talaga pero gipit na gipit din po ako ngayon eh. Kulang na kulang pa po sa pambaon ni Kael at sa pangkain po namin sa loob ng isang araw ang kinikita ko sa palengke pero h'wag po kayong mag-alala patuloy naman po ako sa paghahanap ng magandang trabaho para mabayaran ko na po kayo," pakiusap ko pa kay Aling Mina. Kung kinakailangan kong magmakaawa sa kan'ya h'wag niya lang kaming paalisin dito ng kapatid ko ay gagawin ko, hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin ni Kael kapag tuluyan nga kaming palayasin ni Aling Mina rito sa bahay. Paniguradong sa lansangan ang bagsak namin ng kapatid ko neto. 

"Harujusko, Amber Josephine! Ayan din ang dahilan mo sa akin noong nakaraang buwan. Bakit ba kasi hindi mo na lang tanggapin iyong trabahong inaalok sa'yo ni Jessa? Malaki ang kikitain mo roon at paniguradong mababayaran mo na ako." 

"Hindi ko naman ho kayang gawin 'yon sa sarili ko, Aling Mina. Mahirap man po kami pero pinalaki po akong matino ng Nanay ko. Huwag ho kayong mag-alala hihintayin ko lang hong umuwi si Kael at maghahanap na ulit ako nang trabaho," paninigurado ko pa sa kan’ya. Mas lalong naging buo ang desisyon kong makahanap ng trabaho ngayon. 

"Ewan ko sa'yong bata ka. Bibigyan na kita ng palugid ngayon kung hindi ka pa makakabayad sa akin sa susunod na linggo pasensiyahan tayo pero kailangan niyo ng magbalot balot ng kapatid mo." Iyon ang huling sinabi ni Aling Mina bago ito umalis. 

Malakas akong napabuntonghininga. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko ngayon. Hirap akong makahanap ng trabaho kaya paanong makakabayad ako kay Aling Mina sa loob ng dalawang linggo. Ayoko namang tumunganga na lang dito sa bahay habang naghihintay ako ng tawag mula sa mga kompanyang pinag-apply-an ko. Hay! Bakit ba kasi ang malas kong tao? 

"Why so malungkot, Amber?" Sa sobrang lalim yata ng iniisip ko hindi ko na namalayang pumasok ng bahay itong si France o Francheska kapag gabi na matalik kong kaibigan.

"Kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho, bakla. Papalayasin na kami ni Kael dito kung hindi pa ako makakahulog kay aling Mina sa susunod na linggo." 

"Alam mo 'teh, may awa ang Diyos. Makakahanap at makakahanap ka rin ng trabaho." 

"Naisip ko nga, bakit 'di kaya tanggapin ko na lang 'yong trabaho na inaalok sa akin ni Jessa?" 

"Gaga ka ba? Alam mo naman siguro kung anong trabaho mayro'n ang babaeng 'yon diba? Tsaka h'wag ka ngang mas'yadong desperada! Makakahanap ka rin ng trabaho. Pero hindi gan’yang klase ng trabaho." 

"Kailan pa, France? Sa susunod na araw, bayaran na naman ng tubig at kuryente. Sinisingil na rin kami ng teacher ni Kael sa mga utang namin sa eskwelahan niya. 'Yong kinikita ko naman sa palengke sapat lang para sa pang-araw-araw naming gastusin ng kapatid ko. At hindi lang 'yan, iyong ibang pinagkakautangan ni Nanay noong nabubuhay pa siya sinisingil na rin ako." 

"Laban lang bakla ka. Problema lang 'yan, si Amber Josephine Adelantar ka. Kayang kaya mo 'yan."

"P'wede bang ikaw na muna ang bahala rito sa bahay? Kapag dumating na si Kael galing eskwela pakain mo na lang siya. May niluto akong adobong sitaw diyan sa may lagayan ng plato. Magpapatuloy na muna ako sa paghahanap ko ng trabaho. Hindi na muna ako mangangarap makahanap ng trabaho sa mga kompanya kahit katulong na lang basta malaki ang sahod ay ayos na sa akin," mahabang litanya ko sa kaibigan. 

"Oo na bakla ka! Alam mo namang hindi kita mahihindiang babae ka kaya sige humayo ka at magpakarami. Ipagdadasal ko na may mahanap ka ng trabaho," maarteng sagot naman niya. 

Masaya kong niyakap ang aking kaibigan. Nandidiri man sa ginawa ko si France ay yumakap na lang din siya sa akin. 

"May resume ka pa ba?" tanong niya sa akin. 

"Marami pa," sagot ko. Marami akong resume na pinaprint sa kan'ya dalawang linggo na ang nakakalipas. 

Tumango lang ang si France. Nagtungo ako sa kwarto ko para makapagbihis na. Isang simpleng puting tshirt na v-neck at asul na jeans ang sinuot ko. Pinaresan ko lang iyon ng beige ko na doll shoes. 

Sa ibabaw ng aparador ipinatong ko ang mga resume pati na rin ang bag ko. At dahil nga sa hindi naman ako gaanong katangkaran ay kinailangan ko pang gumamit ng mono block para lamang maabot 'yon. 

Bahagya ko pang hinipan ang brown envelope na pinaglalagyan ng mga requirements ko. May kaunting alikabok na kasi. 

Naglagay pa muna ako ng kaunting pulbos at liptint bagi ako tuluyang bumaba. Nasa baba na rin si Kael at kumakain. Kita ang pagod sa kan'yang mga mata kaya hindi ko maiwasang hindi bahagyang matawa sa hitsura ng kapatid. 

"Aalis ka po, ate?" tanong niya. 

"Oo, maghahanap na ako ulit ng trabaho. Naniningil na si aling Mina sa atin at paniguradong kapag hindi pa ako makabayad ay mapapalayas na tayo rito," paliwanag ko pa sa kapatid. Tumango tango naman si Kael. 

"Mag-iingat ka po, ate. Ako at si ate Cheska na muna pong bahala rito sa bahay kaya hindi mo na po kami kailangan pang alalahanin," dagdag pa ni Kael. 

"Mmm, sige na. Mauuna na ako. France beb, ikaw na munang bahala sa kapatid ko ha?" paalam ko sa kanila. 

"Sige, ingat," magkasabay na sabi ni France at Kael. Kumaway pa muna ako sa kanila bago ako tuluyang umalis. 

May apat na palapag itong tenement ni aling Mina. Nasa ikaapat na palapag ang bahay o kwarto namin ni Kael. Kinailangan ko pang bumaba gamit ang hagdanan, mabuti na lang ay may baon akong panyo at tubig. 

"Mag-aapply ka na ulit, Amber?" salubong sa akin ni tiya Marina. Isa siya sa mga nangungupahan dito sa ikatatlong palapag na naging malapit na rin sa akin dahil sa pagiging mabait niya sa aming dalawa ni Kael. 

"Opo, tiya. Naniningil na po ulit si aling Mina at wala na naman po akong maipambayad," kwento ko. 

"Pasensya ka na. Walang-wala rin kasi ako ngayon dahil nagkasakit ang tiyo Mauricio mo kaya wala akong maiaabot na tulong sa'yo," ani tiya. 

"H'wag po kayong mag-alala, tiya. Kaya ko na po 'yan gawan ng paraan," pilit kong pinapaligaya ang boses ko kahit na alam kong anumang oras ay bibigay na ako. 

Hindi ko man aminin pero sobrang nahihirapan na talaga ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ilang beses ko ng naisip na sumuko pero sa tuwing gano'n ang pumapasok sa isip ko palagi kong naalala si Kael. 

May batang kapatid ako na umaasa sa akin. Ako na lang ang mayro'n si Kael, bibiguin ko pa ba siya?

At sa tuwing si Kael ang pumapasok sa isip ko sa tuwing naiisip kong sumuko na lang mas lalo akong nagiging malakas at determinadong magpatuloy sa buhay kahit na sobrang pait sa akin ng mundo. 

Lord naman kasi, bakit kung magbigay ka ng problema sa akin sunod sunod? Kotang kota na ako. Wala ka na bang ibang pwedeng bigyan? Ako na lang ba talaga palagi? 

"Mauuna na po ako, tiya Marina," paalam ko sa kan'ya. 

Nang makababa sa tenement ay dumiretso na ako sa terminal ng tricycle. Nagpahatid ako sa bayan para roon mag-umpisang maghanap ng trabaho. May mga poster naman na nakapaskil kung saan-saan doon kaya roon na lang muna ako sa mga 'yon magbabaka sakali. 

"Saan ba ako mag-uumpisang maghanap neto?" mahinang bulong ko sa aking sarili. 

Kung saan-saan ako nag-ikot sa bayan. Nagtanong-tanong na rin ako sa mga nagtitinda roon o kaya sa mga stall. Sa medyo kalayuan ay mayro'n ding mga maliliit na restaurant, sinbukan kong mag-apply kahit bilang waitress kaso wala palaging bakante. Kahit anong klaseng trabaho na ayos lang sa akin basta kikita ako nang higit pa sa kinikita ko tuwing madaling araw sa palengke. 

Ala singko 'y media na pero wala pa rin akong nahahanap na trabaho. Sa totoo lang nakakaramdam na rin ako ng pagod, uhaw, at pagkagutom. Ang kaso wala namang mangyayari sa paghahanap ko ng trabaho kung mas uunahin ko ang mga bagay na 'yon. 

Hindi ko alam kung saan-saan na ako napadpad. Wala na akong pakialam kung mapalayo man ako, ang importante na lang talaga sa akin ngayon ay makahanap ng bagong trabaho bago kumagat ang dilim kahit na suntok sa buwan ang kagustuhan kong iyon. 

"Amber?" Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ko nang may babaeng humarang sa akin. Nangunot ang noo ko habang tinitignan kung sino iyon. 

"Stella?" Hindi ako makapaniwala sa dinami rami ng pwedeng pagkakataon ngayon pa talaga kami magkikita ng dati kong kaibigan. 

Nakangiting lumapit sa akin si Stella at kaagad akong binalot sa mainit na yakap. Matagal ko na ring hindi nakikita itong si Stella simula nung tumigil ako sa pag-aaral. Taga kabilang bayan din siya kaya naman hindi talaga kami magkita-kita. 

"Saan ka ba pupunta?" marahang tanong niya nang maghiwalay kami sa yakapan namin. 

"Naghahanap ako ng trabaho," sagot ko. 

"Alam mo hangang-hanga talaga ako sa'yo. Napakasipag mo. At dapat talagang tuluran. Bibihira na ngayon ang mga taong kagaya mo na isasakripsiyo ang pag-aaral mauna lang ang kapakanan ng kapatid," aniya. Maliit akong ngumiti sa kan'ya. 

"Salamat, Stella. Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa'yo ang kaso kailangan ko na talagang umalis. Kailangan ko pang makahanap ng trabaho," paalam ko. 

"Huwag na. Halika, sumama ka sa akin. Isasama kita sa pinagtatrabahuhan ni mama. Ang alam ko ay naghahanap sila ng bagong katulong. Hindi ka naman siguro pihikan sa trabaho?" 

"Hindi. Kahit na ano ayos lang," sagot ko, nakahinga na ako nang maluwag ngayon. 

Ang sabi ni Stella mabait naman daw ang amo ng mama niya. Matagal na raw na nagtatrabaho sa kanila ang mama niya. Bukod sa mga mababait ang mga ito ay mataas pa nga raw magpasahod.

Habang nasa daan kami ay panay ang kwentuhan at kamustahan namin ni Stella. Maging si France ay kinamusta na rin niya. 

"Nakakapanghinayang magkasabay sana tayong gagraduate ng kolehiyo kung nakapagpatuloy ka sa pag-aaral," ani Stella. 

Sa wakas ay narating na namin ang village nang pinagtatrabahuhan ng mama ni Stella. Mahigpit na ipinagbabawal ang mga public transportation sa loob ng village kaya kailangan pa namin lakarin ang daan papunta sa loob. Malapit lang naman daw sabi ni Stella. At panay naman ang kwentuhan namin kaya hindi ko ramdam ang layo ng nilakad namin. 

"Bata pa naman ako. Marami pang pagkakataon na makapag-aral ako," sagot ko sa kan'ya. 

Ang mama mismo ni Stella ang sumalubong sa aming dalawa pagdating namin sa mismong mansyon. 

"Ma, bakante pa ba 'yong hiring niyo para sa bagong katulong?" tanong kaagad ni Stella. 

"Oo. Mag-aapply ka ba, Amber?" ani tiya Rosa. 

"Opo sana. Kailangang-kailangan ko po ng trabaho ngayon," sagot ko. Tumango-tango naman si tiya Rosa at niyakag na kami ni Stella papasok sa loob ng mansyon. 

Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi ilibot ang aking paningin sa mala-palasyong mansyon nila. Kamangha-mangha ang laki at ganda niyon. Hindi yata ako magsasawang titigan ang kabuuan ng mansyon. Paniguradong mawawala ang kung sino mang pumasok doon. 

"Manang Lourdes, ito po si Amber, mag-aapply po siyang katulong," pakilala sa akin ni tiya Rosa sa punong katiwala.

Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni manang Lourdes, "ma'am Felize?"

"Manang Lourdes, Amber ho ang pangalan niya hindi Felize," si tiya Rosa. 

Nanatili ang mariin na titig sa akin ni manang Lourdes, naiilang na nag-iwas naman ako ng tingin sa kan'ya. 

"Nasa opisina niya si Sir Ezekiel, dalhin mo na lang doon si Amber at maghahanda pa ako ng makakain ng mga bata," ani manang Lourdes. Kaagad na tumango si tiya Rosa sa utang ng pinunong katiwala. 

Pinaiwan ni tiya Rosa si Stella sa kusina kasama si manang Lourdes. 

Kabadong-kabado naman ako habang naglalakad kami papunta sa nasabing opisina. Mas tumiriple naman iyon nang huminto na si tiya Rosa, sa harapan namin ay isang pinto. Sa itaas na bahagi niyon ay may nakalagay na pangalang Attorney Ezekiel Lorenzo Montivano. 

Tatlong sunod-sunod na katok ang ginawa ni tiya Rosa. Naghihintay kami kung may sasagot sa loob. 

"Come in," sagot naman ng kung sinong nasa loob. Nangilabot pa ako ng marinig ang baritonong boses ng lalaki. 

Si tiya Rosa ang nagbukas ng pintuan, siya na rin ang naunang pumasok sa loob ng opisina. Kabado man ako ay nagawa ko pa ring titigan ang lalaking nakaupo sa isang swivel chair habang nakakunot ang noo habang may binabasang kung ano sa papel. 

Maang akong napatitig sa lalaking abala sa kan'yang binabasa. Kahit sa malayo ay kitang-kita ko ang magandang pagkakahubog ng katawan niya. He is wearing a plain maroon t-shirt, tama lang ang yakap nito sa kan'yang katawan, defining the lines of his muscles from his arms down to his torso. 

Kung sa katawan pa lang ay manghang-mangha na ako mas lalo naman noong makita ko na ang kan'yang kabuuan. Nakaawang ang bibig ko habang pinagmamasdan ang kan'yang mukha. Perfect pointed nose, check. Perfect angled jawline, check. Perfect skin, check. Perfect deep and warm ocean blue eyes, check. Perfect pinkish lips, check and oh boy! Damn his perfect adam's apple. Ang gwapo!

"Naku, Amber! Itikom mo nga iyang bibig mo. Ayaw na ayaw pa naman ni Sir Ezekiel kapag tinititigan siya," pabulong na asik sa akin ni tiya Rosa. Para naman akong biglang natauhan at mabilis na ibinaling sa kabuuan ng opisina ang aking atensyon. 

"Sir Ezekiel, ito po si Amber Adelantar , 'yong irerekomenda ko po sa inyo," pakilala sa akin ni tiya Rosa. 

Ilang minuto pa muna ang hinintay namin bago tuluyang nag-angat ng tingin si Sir Zeke. 

Kunot na ang noo niya ng mag-angat siya ng tingin pero mas dumilim ang ekspresyon niya nang mabaling sa akin ang atensyon niya. 

"What the fuck are you doing here Felize?!" Muntik na yata akong mabingi sa lakas ng sigaw niya. 

Ang bilis ng kalabog ng puso ko. Kanina pa 'yang Felize na 'yan. Sino ba kasi 'yon?

"Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito sa opisina ko, manang Rosa?!" Tila kulog ang malakas niyang boses. 

"Hindi ko po kayo maintindihan, Sir Ezekiel. Sinong Felize po ba ang binabanggit niyo?" takang tanong ni tiya Rosa. 

"Palayasin mo ang babaeng 'yan dito sa pamamahay ko, manang Rosa," dagdag pa niya. 

"Sandali lang po, Sir Ezekiel. Hindi ko po kilala ang pangalang binabanggit niyo. Nagmamakaawa po ako sa inyo. Kailangang-kailangan ko po ng trabaho ngayon kaya h'wag niyo naman po sana akong palayasin," sumabat na ako. 

"You don't beg, Felize. Shut the fuck up! Wala ka ng mauuto rito!" 

Ramdam ko ang unti-unting pagbagsak ng mga luha ko. Hindi ko talaga maintindihan kung anong nangyayari. Sino ba kasi ang Felize na 'yon? 

"Lumayas ka na rito sa pamamahay ko, Felize!" huling sinabi ni Sir Ezekiel bago kami tuluyang tinalikuran ni tiya Rosa.

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Other Woman   Kabanata 2

    Bagsak ang balikat ko nang magkasabay kaming lumabas ni tiya Rosa sa opisina ni Sir Ezekiel. Kita ko ang awa sa mukha ni tiya Rosa. "Ano, Amber, kailan ka raw magsisimula?" nakangiting tanong sa akin ni Stella."Hindi ako natanggap," malungkot kong balita sa kan'ya. "Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit maka-ilang beses kang tinawag na Felize ni Sir Ezekiel," komento ni tiya Rosa. "Kahit po ako, tiya Rosa. Nalilito rin po ako," dagdag ko. "Sino naman 'yong Felize?" si Stella. "Sigurado ka bang hindi mo kilala si Felize, Amber? O baka naman umaarte ka lang kagaya ng madalas mong gawin?" Lahat kami ay napabaling kay manang Lourdes. "Ano pong ibig mong sabihin, manang? Maniwala po kayo, wala po akong kilalang Felize at lalong hindi po ako 'yon," paliwanag ko. "At kaya kong patunayan 'yon, manang Lourdes. Si Amber ay pinanganak at lumalkkkli la isang tenement sa kabilang bayan. Kilala ko ang mga magulang niyan kaya paano siyang magiging si Felize," ani tiya Rosa. "Mas'yado

    Huling Na-update : 2022-05-24
  • The Billionaire's Other Woman   Kabanata 3

    Mabuti na lang ay magkapareho lang kami nang sukat ng katawan ni Stella kaya napahiram niya ako ng damit. Pinaligo ako ni tiya Rosa sa maid's quarter.Napabuntonghininga ako ng maalala ang nangyari kanina. Hindi ko ine-expect na may mga ganong bata pala talaga akala ko sa mga drama lang 'yon nangyayari kahit pala sa totoong buhay p'wede iyong mangyari. Paniguradong magtataka sina France at Kael kapag nakita nilang nag-iba ako ng damit, bahala na lang si batman na mag-isip ng paliwanag ko sa kanila mamaya. Matapos maligo ay lumabas na rin ako para makabalik na akong muli sa trabaho."Mabuti na lang at kasyang-kasya lang pala sayo ang mga damit ni Stella. Ako na ang humihingi ng paumanhin sa ginawa sa'yo ng mga bata," ani tiya Rosa. "Hindi po pumasok sa isip ko na kayang gawin iyon ng mga bata pero h'wag po kayong mag-alala wala pong problema sa akin ang nangyari kanina," sagot ko. "Tatapatin na kita. Walang makatagal na yaya ang mga bat

    Huling Na-update : 2022-06-14
  • The Billionaire's Other Woman   Kabanata 4

    Matapos mananghalian ng mga Montivano ay kami namang mga katulong ang kumain. Ikinuwento sa akin ni tiya Rosa na ganoon daw ang sistema nila rito sa tuwing oras ng pagkain, hinihintay muna nilang matapos sa pagkain ang mga Montivano bago sila sumunod. Tumulong ako sa paghahain ng mga pagkain. At 'saka kami sabay-sabay na dumulog sa hapag-kainan. Nagpatiuna naman si manang Lourdes sa pagdarasal, matapos magdasal ay saka pa lang kami nakakain.Nagmamadali ako sa pagkain, hindi dahil sa gutom na gutom ako, naalala ko kasi ang kambal kailangan nga pa lang may bantay ang mga 'yon. "Oh Amber, h'wag kang magmadali sa pagkain at baka mabailukan ka," saway sa akin ni tiya Rosa. "Oo nga, at 'saka hindi ka naman mauubusan ng pagkain," biro naman sa akin ni Stella."Nagmamadali po ako dahil kailangan ko pa pong bantayan ang kambal," sagot ko kay tiya Rosa. Si Stella naman ay inirapan ko."Hmm? Kapag ganitong oras ay hindi naman nila gaano

    Huling Na-update : 2022-06-14
  • The Billionaire's Other Woman   Kabanata 5

    Magaala-siyete na nang makauwi ako sa amin. Sinalubong ako ni Kael na may namumugtong mga mata. Lumuhod ako sa harapan niya upang magtama ang aming mga paningin, pulang-pula ang kan‘yang mga mata. Hindi ko naman mapigilan ang sarili na hindi pangilidan ng luha, ang pinaka-ayaw ko talaga sa lahat ay ‘yong nakikita siyang gan'yan. Doble ang bigat at sakit na aking nararamdaman tuwing nangyayari 'yan lalong-lalo na kay Kael. Panay ang paghaplos ko sa buhok at likuran ni Kael nang sa gayon ay mahimasmasan siya kahit papaano. Sa gilid ng aking mata ay kita ko si France na tahimik lang na nanunuod sa amin."Ate asaan po ba kasi sina nanay at tatay? Bakit hindi natin sila kasama?" umiiyak na tanong ni Kael. Humigpit pa lalo ang pagyakap niya sa akin, tila wala ng balak kumalas sa aming yakapan. "Sabi nila Jiro, malas daw ako at may balat sa puwet kaya tayo iniwan nina nanay at tatay. Nagalit ako at 'saka sinuntok siya, hindi naman siya lumaban pero pi

    Huling Na-update : 2022-06-14
  • The Billionaire's Other Woman   Kabanata 6

    Nasa kalagitnaan kami ng paglalaro nang humahangos na lumapit sa amin si Stella. "Ma'am Rietta, pinapasabi po ni Sir Ezekiel na ipasok niyo raw muna po sa loob ng mansyon ang kambal," aniya. "Bakit? Naglalaro pa kami," si Ma'am Rietta. "Nasa labas po si Ma'am Felize," tugon ni Stella. Parang bigla namang natauhan si Ma'am Rietta at hiningi pa ang tulong ko para maipasok kaagad namin ang kambal sa loob ng bahay. Nagpupumilit nga lang ang kambal na payagan silang pumunta sa labas para tignan ang kanilang ina. Nasa loob na rin ng kwarto ng mga bata si Sir Ezekiel. Mukhang chineck niya lang kung nando'n na ba ang mga bata bago ito tuluyang lumabas. Naiwan kaming pareho ni Ma'am Rietta sa kambal at sinabihan pa ni Sir Ezekiel na h'wag na h'wag palalabasin ang kambal. "Ate Amber, please let me go. I wanna see mommy," ani Nikandra habang nagpupumilit na bitiwan ko ang kan'yang pulsuan. Naaawa man ako sa bata ay hindi ko

    Huling Na-update : 2022-06-16
  • The Billionaire's Other Woman   Kabanata 7

    After roaming around the mall for almost two hours the Montivano finally decided to leave the mall and prepare for their short notice vacation.Diretso akong inihatid nina Sir Ezekiel sa tenement na tinitirahan ko. They even insisted going inside our place. The four corners of our house looks so small having the four Montivano inside. Habang si Kael ay hindi ko alam kung nasaan. Nagpaalam lang daw ito kay France na aalis lang saglit at hanggang ngayon ay hindi pa nabalik. Siguradong nakikipaglaro lang 'yon sa mga bata riyan sa labas.Katulong ko pa si France sa pag-a-ayos ng bahay kanina. Nagtimpla na rin ako ng juice para sa kanilang apat at 'saka ako lumabas ng bahay para maghanap ng pwede nilang imiryenda kahit na kakain lang naman namin. Syempre, nakakahiya rin. Tumawid pa ako ng kabilang kalsada nang makakita ng nagtitinda ng bananacue, moche, at turon. Bumili ako ng tig-a-apat niyon at 'saka ako bumalik sa bahay. Namil

    Huling Na-update : 2022-06-21
  • The Billionaire's Other Woman   Kabanata 8

    Nang makaramdam ako ng pagod ay niyaya ko ng umahon si Sir Ezekiel. Panay naman ang pag-alalay niya sa akin na hindi ko lubos maintindihan kung para saan. Nalilito ako sa mga ginagawa niya ngayon. Gusto kong ibaon ang sarili sa lupa habang ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi dahil sa mga katangahang naiisip. Baka ganito lang talaga si Sir Ezekiel. Tumikhim si Sir Ezekiel ng mapansin ang malaking ngisi sa mukha ng kan'yang kapatid. Nasa may pangpang lang siya kaya pag-ahon namin ay siya kaagad ang una naming nakita. "What?" Sir Ezekiel asked his sister irritatedly. "Threatened, huh?" panunuya pa ni Ma'am Henrietta sa kan'yang kapatid."What do you mean?""I asked you earlier to swim with me and the twins, you declined us, but when you saw her sexily wearing her swim suit, you suddenly became so possessive and even accompany her." "I just want to take a dip Henrietta. What's your problem with that?"

    Huling Na-update : 2022-06-30
  • The Billionaire's Other Woman   Simula

    “Ezekiel,” marahang tawag ko sa kan'yang pangalan. Nagawa pa naming saglit na magtitigan bago niya ako tuluyang siilin ng malalalim at mapupusok na halik. He pulled me inside his room. I heard him kicking the door closed, then hardly pressing me against the door as he went on kissing me hard and rough. "Zeke, teka! Ang mga bata." Sa wakas ay nagawa ko ring isatinig. Kanina pa ako nag-aalala na baka makita kami ng mga bata. "I locked the door," he answered simply. Wala talaga siyang pakialam kung may makakita man sa amin o wala. Ezekiel Lorenzo’s scorching kisses continued going down to my earlobe and neck, giving me shivers down my spine. I was enjoying his kisses when he bent down to cup my butt and had me lifted. I instinctively wrapped my legs around his waist. He smirked playfully, totally happy with my move. He leaned harder against me, trapping me between him and the door. I tilted my head to the other side. I even parted my lips more so he could kiss me deeper. Unable to h

    Huling Na-update : 2022-05-24

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Other Woman   Kabanata 1

    "Aba, Amber! Pare-pareho lang tayong nangangailangan ng pera rito. Ilang buwan ko na kayong napagbigyan sa mga utang ninyo sa akin, hindi naman pwedeng ganito na lang tayo palagi," galit na sita sa akin ni Aling Mina. Nakayuko lang ako habang nakikinig sa sermon niya. Alam ko namang may kasalanan din ako dahil sa ilang buwan kong hindi pagbabayad sa renta ng bahay namin pero kasi ang hirap hirap humanap ng trabaho ngayon. Ilang trabaho na nga ba ang inapply-an ko pero ni isa sa kanila ay wala pang tumawag sa aking muli. Sabagay, sino ba namang kukuha sa isang kagaya kong hindi naman nakapagtapos ng kolehiyo? Alam ko namang suntok sa buwan ang pangarap kong makapagtrabaho ng disente sa isang malaking kumpanya lalo na at hanggang senior high school lang naman ang pinag-aralan ko pero wala naman siguro masama mangarap na baka pwede diba? Na baka tanggapin din nila ako. Para sa mas magandang buhay sana namin ng kapatid ko. "Aling Mina pasensiya na po talaga pero gipit na gipit din po a

  • The Billionaire's Other Woman   Simula

    “Ezekiel,” marahang tawag ko sa kan'yang pangalan. Nagawa pa naming saglit na magtitigan bago niya ako tuluyang siilin ng malalalim at mapupusok na halik. He pulled me inside his room. I heard him kicking the door closed, then hardly pressing me against the door as he went on kissing me hard and rough. "Zeke, teka! Ang mga bata." Sa wakas ay nagawa ko ring isatinig. Kanina pa ako nag-aalala na baka makita kami ng mga bata. "I locked the door," he answered simply. Wala talaga siyang pakialam kung may makakita man sa amin o wala. Ezekiel Lorenzo’s scorching kisses continued going down to my earlobe and neck, giving me shivers down my spine. I was enjoying his kisses when he bent down to cup my butt and had me lifted. I instinctively wrapped my legs around his waist. He smirked playfully, totally happy with my move. He leaned harder against me, trapping me between him and the door. I tilted my head to the other side. I even parted my lips more so he could kiss me deeper. Unable to h

DMCA.com Protection Status