Share

Kabanata 4

last update Huling Na-update: 2022-06-14 21:56:02

Matapos mananghalian ng mga Montivano ay kami namang mga katulong ang kumain. Ikinuwento sa akin ni tiya Rosa na ganoon daw ang sistema nila rito sa tuwing oras ng pagkain, hinihintay muna nilang matapos sa pagkain ang mga Montivano bago sila sumunod.

Tumulong ako sa paghahain ng mga pagkain. At 'saka kami sabay-sabay na dumulog sa hapag-kainan. Nagpatiuna naman si manang Lourdes sa pagdarasal, matapos magdasal ay saka pa lang kami nakakain.

Nagmamadali ako sa pagkain, hindi dahil sa gutom na gutom ako, naalala ko kasi ang kambal kailangan nga pa lang may bantay ang mga 'yon.

"Oh Amber, h'wag kang magmadali sa pagkain at baka mabailukan ka," saway sa akin ni tiya Rosa.

"Oo nga, at 'saka hindi ka naman mauubusan ng pagkain," biro naman sa akin ni Stella.

"Nagmamadali po ako dahil kailangan ko pa pong bantayan ang kambal," sagot ko kay tiya Rosa. Si Stella naman ay inirapan ko.

"Hmm? Kapag ganitong oras ay hindi naman nila gaanong kailangan ang yaya nila. Madalas ay kasama nila si Sir Ezekiel at nag-aaral sila sa study room, kung minsan naman ay magsisiesta silang tatlo," paliwanag sa akin ni ate Rea.

"Pasalamat ka na lang dahil nagsimula ka sa trabaho ay weekend na, mas abala kasi sila tuwing may pasok. Lahat ng kailangan ng kambal para sa pagpasok ay kailangan mong asikasuhin. Ako naman ang naghahanda ng miryenda at para sa lunch nila pero ikaw pa rin ang gagawa ng lahat gaya ng paghatid sa kanila sa eskwela, ngunit huwag kang mag-alala dahil tutulong-tulong kami sa'yo lalo na't bago ka pa lang." mahabang paliwanag sa akin ni ate Gladys.

"Kanina naman ay nakita at naranasan mo na ang kapilyuhan ng kambal, kahit naman sino ay magagalit talaga sa kalokohan nang dalawang iyon pero sana ay pagtiyagaan mo muna sila. Pasasaan ba't mahuhuli mo rin ang kanilang mga kiliti para hindi ka na pagtrip-an," ate Jellie.

"Oo nga, at 'saka bukod sa gwapo ang amo natin malaki pang magpasweldo," ani ate Rea na animong kinikilig pa. Nahampas naman siya ni tiya Rosa. Nakangiti kaming nagtuloy sa pagkain, siyempre hindi mawawala ang kwentuhan.

Nang matapos kami sa pagkain ay kaagad kong hinanap ang kambal, ngunit kahit saan ay hindi ko sila mahanap, at saka ko lang naalala 'yong sinabi ni ate Rea kanina na baka nga natutulog ang mag-aama.

Pumunta na lamang ako sa may hardin nitong bahay nila Sir Ezekiel, ang alam ko kasi ay rito nakapuwesto si Stella. At hindi nga ako nagkamali dahil pagdating ko sa hardin ay abalang-abala si Stella sa paglilinis sa buong paligid.

Tulog naman ang kambal at panigurado namang tatawagin ako ni manang Lourdes o tiya Rosa kung sakaling may kailanganin sila sa akin kaya napagpasyahan ko na tumulong na lang muna kay Stella. Noong una ay kinagagalitan pa ako ni Stella at sinasabi sa aking trabaho niya raw iyon. Ngunit masyado lang talaga akong mapilit. Wala naman siyang nagawa lalo na noong kailangan niyang magbuhat ng napakaraming mabibigat na paso.

Tirik na tirik ang araw sa panghapong iyon, mabuti na lang ay may bubong ang hardim kaya hindi kami gaanong naiinitan ni Stella.

Abala kaming dalawa ni Stella sa mga ginagawa namin, hanggang sa parehong hindi na namin namalayan ni Stella ang oras.

Alas-kwatro ng hapon nang tawagin ako ni Nikandra. Hinila-hila niya pa ako sa kamay hanggang sa mapunta kami sa may pool side.

Ewan ko ba pero mukha yatang natrauma na ako dahil sa nangyari kanina kaya natatakot na akong lumapit doon.

Tuwang-tuwa si Nikandra nang sa wakas ay nagawa niya akong paupuin sa isang sun lounger at 'saka ako inabutan ng isa sa mga dolls niya. Ngayon ay nasisiguro ko na kung anong gusto niyang gawin namin.

Sa may gilid ng sun lounger na kinauupuan ko ay mayroong nakatayong tent na pangprinsesa ang disenyo, katabi naman niyon ang isang doll house na sa tingin ko ay kasing tangkad ni Nikandra.

Natatawa na lang ako sa mga pinagagawa namin ni Nikandra. Habang abala si Nikandra sa pagsasa-ayos nang para sa tea party niya raw kuno, ako naman ay abala sa pagsusuklay sa barbie na ipinahiram niya sa akin.

"Nikandra, asaan nga pala ang kakambal mo?" I asked her

"Upstairs, playing chess with Daddy," mahinang tugon niya.

Inaya pa ni Nikandra si Ellie sa "tea party" niya raw. Kagaya ko ay hirap din namang tanggihan ni Stella si Nikandra kaya wala rin siyang nagawa kung hindi ang makipaglaro sa bata.

Abala kaming tatlo nina Nikandra sa paglalaro nang dumating sa poolside si Nikolo kasama si Sir Ezekiel na may bitbit ngayon na chess board.

"Nikandra, let's play chess with Daddy and ate Amber," aya ni Nikolo.

"I don't want to," nakangusong sagot ni Nikandra.

"You don't want to?" maang na tanong ni Nikolo sa kakambal.

"Can't you see? Ate Amber, Ate Stella and I were busy playing with my dolls. Just play with Daddy."

"It's hard to win against, Daddy. I need help."

"Then play with ate Stella."

"I don't like playing with ate Stella coz she's so good at this also," ani Nikolo. Si Stella naman ay proud na proud pa sa sinabi ni Nikolo. Taas noo pa siyang tumingin sa akin, nagmamalaki.

Ending wala ring nagawa si Nikandra kung hindi ang makipaglaro sa kakambal niya, hindi kasi tumitigil si Nikolo sa pangungulit sa kan'ya hangga't hindi ito sumasali.

Natatawa na lang ako sa kacute-an ng kambal. Kahit si Sir Ezekiel na kanina pang tahimik habang nakaupo sa sun lounger ay natatawa na rin dahil sa kakulitan ng kan'yang mga anak.

Matapos ang debate ng kambal ay lumipat na kami sa table na naroon kung saan naado'n si Sir Ezekiel. Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ko ang mabilis na pagkabog niyon. Napansin kong laging parang abnormal sa pagtibok ang puso ko sa tuwing makikita ko si Sir Ezekiel.

Iwinaksi ko ang iniisip saka pabuntonghininga na lumapit sa kinaroroonan nilang tatlo.

Two versus Two ang naging sistema ng laro namin. Ayaw pumayag ni Nikandra noong sinabi ni Nikolo na kami raw ang magkakampi. Hindi ko inaasahan 'yon, akala ko kasi ay matatagalan pa ako bago ko makuha ang loob ni Nikolo.

The remaining hours on my job hours, we spent it playing chess. Hindi naman ako gaanong kagalingan sa paglalaro nito but Nikadra and I still managed to win. I don't know if it's really because were both good at it or talagang sadya na nagpapatalo si Sir Ezekiel para sa amin ni Nikandra.

Sa kalagitnaan ng paglalaro ay hindi ko maiwasang hindi maisip si Kael, iniisip ko kung ano na kayang ginagawa ng batang iyon ngayon. Ala-singko na kaya paniguradong nasa labas na iyon ng kwarto namin sa tenement at nakikipaglaro na sa mga kaedaran niya na kapitbahay namin.

Lumapit sa amin si tiya Rosa, naglapag ito ng mga pagkain sa harap namin, tumulong na rin ako sa paghahanda ng mga pagkain.

Kasunod naman ni tiya Rosa si ate Rea na may hawak ding tray na may lamang pasta na nakalagay sa tatlong malalaking plato. Nang makaalis ang dalawa ay kaagad kong inasikaso ang kambal.

Naglalambing pa na nagpasubo sa akin si Nikandra. Wala naman iyong kaso sa akin at ang hirap niya rin kasing tanggihan. Nikandra is irresistable.

"Where are you living, ate Amber?" tanong sa akin ni Nikandra nang naghahanda na ako para sa pag-uwi. Kanina ay napag-usapan na namin ni Sir Ezekiel ang tungkol sa oras ng pagpasok at pag-uwi ko, wala namang kaso sa akin iyon kaya hinayaan ko na lang.

"Hmm? Medyo malayo 'yon rito eh."

"Nagco-commute ka lang po?"

"Yup."

"Isn't it dangerous, travelling alone po, ate?"

"Hindi naman at 'saka marami pa rin naman akong nakakasabay diyan sa sakayan kaya hindi mo na ako kailangang alalahanin pa," sagot ko. Nagpaalam pa muna ako sa kay Sir Ezekiel, manang Lourdes at tiya Rosa bago ako tuluyang umalis para maka-uwi na.

Simula pagkabata ko pa lang ay hindi ko na nakilala ang papa ko. Ang sabi ni nanay, iniwan daw kami ni papa noong ipinagbubuntis pa lang ako ni nanay. Magmula noon ay hindi ko na hinanap si papa dahil kung tunay siyang lalaki, he wouldn't leave my mother.

Ilang beses akong nakutya at pinagtrip-an ng mga batang kasing edad ko dahil lang sa wala akong papa. Ni minsan ay hindi ko 'yon sinabi kay nanay dahil ayaw ko siyang mag-alala pa para sa akin.

Kaya namang laking tuwa ko noong ipakilala niya sa akin si tito Matteo, her boyfriend. Mabait siya, masipag, at kitang-kita ko kung gaano niyang kamahal si nanay. Itinuring niya rin ako na parang tunay niyang anak.

'Yong saya namin ni Mama noong dumating sa buhay namin si tito Matteo ay nadagdagan pa nung malaman namin na buntis si nanay.

I was so happy and already contended with the life we had before. Mas lalo akong naging kuntento nang sa wakas ay makita ko na si Kael ngunit agad din iyong napalitan nang aming pagtangis ni nanay. Tito Matteo got into an accident and he was dead on the spot.

I'm in the verge of crying but I couldn't. My mom just gave birth to my little brother and I don't want her to get upset or to feel weak so I made myself stronger, for my mother and for my brother.

After tito Matteo's funeral, I thought everything will be fine. Na makakaya namin lahat kahit gaano pa kahirap ang hagupit ng buhay sa amin ay makakalaban pa rin kami. But fate is really playful, Nalulong ang nanay sa pagsusugal, it was like, her own way to move on from tito Matteo's death.

Wala akong magawa para pigilan si nanay at ayaw ko rin namang pigilan siya. Ginawa ko naman ang lahat ng aking makakaya para lang maalagaan ko si Kael. Sobrang hirap, dahil ano ba namang alam ko sa pag-aalaga ng bata? I was so clueless, maswerte na nga lang ako dahil nandyan si France at ang kan'yang nanay na handang tumulong sa akin maalagaan lang si Kael.

Iniiwan ko si Kael kay tiya Lucing, ang nanay ni France, tuwing may pasok ako sa eskwelahan. At 'saka ko lang kukunin si Kael kapag nakauwi na ako sa bahay. Magpapahinga lang ako saglit tapos ay maglalabandera naman ako sa mga kapitbahay namin para lang may pangkain kami at may pangbaon ako kinabukasan.

Lahat na nang trabahong legal basta mapagkakakitaan ko ay pinasok ko na. Kung umuwi naman si nanay ay laging gabing-gabi na, kinabukasan naman ay mas nauuna pa siyang umalis sa akin.

Dahil sa pagsusugal ni nanay ay nabaon kami sa utang, hanggang sa kinailangan pa namin isangla ang aming bahay at lupa para lang may pambayad si Nanay sa mga pinagkakautangan niya.

'Yong natira sa pera ay ginamit muli ni nanay sa pagsusugal. Walang araw na hindi nagsusugal at nagiinom si nanay. Hanggang sa tuluyan na nga kaming nabaon sa utang.

Hanggang sa...

Excited ako habang naglalakad pauwi sa amin habang dala-dala ko ang report card ko. Ang tataas ng mga grado ko kaya sigurado akong matutuwa si nanay. Talagang pinagsikapan kong mag-aral ng mabuti para matuwa sa akin si nanay.

Ngunit ang ngiting nakaplaster sa aking mukha ay kaagad na naglaho nang sa wakas ay marating ko na ang bahay namin. Ang daming tao sa labas ng bahay namin, hindi lang iyon, may nakita rin akong mga pulis.

Ang ngiti ay napalitan nang aking pagtangis ng makita ko ang aking ina na nakahiga sa labas ng aming bahay at naliligo sa sarili niyang dugo.

"Naaaaaaaaay!" sigaw ko habang tumatakbo papalapit sa katawan ng nanay ko ngunit bago ko pa man iyon magawa ay may mga humawak na sa braso ko para pigilan ako.

Patuloy ako sa paghagulhol, gustong-gusto kong lumapit kay nanay pero hindi ko magawa dahil sa mga kamay na pumipigil sa akin.

Ilang beses ako nalugmok noong nawala si nanay. Ilang beses pumasok sa isip ko na sumuko na lamang dahil nawalan na ako ng rason para magpatuloy pa ngunit isang yakap lang sa akin ni Kael lumalakas ulit ako at nagkaroon ng inspirasyon para magpatuloy.

Alam kong wala pang naiintindihan si Kael sa mga nangyayaring ito sa aming dalawa ngunit siya ang naging lakas at sandigan ko noon. Na gagawin ko ang lahat mabuhay lang kaming pareho kahit ang hirap-hirap na.

Tatlong taon ng wala si nanay, Tatlong taon na rin simula nang magpatuloy kami sa buhay na kaming dalawa na lang ni Kael.

Nangako ay kay Kael at sa libingan ni nanay na gagawin ko ang lahat ng makakaya ko mabuhay lang kaming pareho ni Kael.

Magmula noon hanggang ngayon iisa lamang ang pangarap ko para sa amin ni Kael at 'yon ay ang makaahon kami sa kahirapan.

Kaya nga kahit na anong mangyari, magtitiyaga akong magtrabaho sa mga Montivano. Hindi ko man mabayaran ang lahat ng utang namin ang mahalaga na lang sa akin ngayon ay kahit paunti-unti makabayad kami sa mga pinagkakautangan.

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Other Woman   Kabanata 5

    Magaala-siyete na nang makauwi ako sa amin. Sinalubong ako ni Kael na may namumugtong mga mata. Lumuhod ako sa harapan niya upang magtama ang aming mga paningin, pulang-pula ang kan‘yang mga mata. Hindi ko naman mapigilan ang sarili na hindi pangilidan ng luha, ang pinaka-ayaw ko talaga sa lahat ay ‘yong nakikita siyang gan'yan. Doble ang bigat at sakit na aking nararamdaman tuwing nangyayari 'yan lalong-lalo na kay Kael. Panay ang paghaplos ko sa buhok at likuran ni Kael nang sa gayon ay mahimasmasan siya kahit papaano. Sa gilid ng aking mata ay kita ko si France na tahimik lang na nanunuod sa amin."Ate asaan po ba kasi sina nanay at tatay? Bakit hindi natin sila kasama?" umiiyak na tanong ni Kael. Humigpit pa lalo ang pagyakap niya sa akin, tila wala ng balak kumalas sa aming yakapan. "Sabi nila Jiro, malas daw ako at may balat sa puwet kaya tayo iniwan nina nanay at tatay. Nagalit ako at 'saka sinuntok siya, hindi naman siya lumaban pero pi

    Huling Na-update : 2022-06-14
  • The Billionaire's Other Woman   Kabanata 6

    Nasa kalagitnaan kami ng paglalaro nang humahangos na lumapit sa amin si Stella. "Ma'am Rietta, pinapasabi po ni Sir Ezekiel na ipasok niyo raw muna po sa loob ng mansyon ang kambal," aniya. "Bakit? Naglalaro pa kami," si Ma'am Rietta. "Nasa labas po si Ma'am Felize," tugon ni Stella. Parang bigla namang natauhan si Ma'am Rietta at hiningi pa ang tulong ko para maipasok kaagad namin ang kambal sa loob ng bahay. Nagpupumilit nga lang ang kambal na payagan silang pumunta sa labas para tignan ang kanilang ina. Nasa loob na rin ng kwarto ng mga bata si Sir Ezekiel. Mukhang chineck niya lang kung nando'n na ba ang mga bata bago ito tuluyang lumabas. Naiwan kaming pareho ni Ma'am Rietta sa kambal at sinabihan pa ni Sir Ezekiel na h'wag na h'wag palalabasin ang kambal. "Ate Amber, please let me go. I wanna see mommy," ani Nikandra habang nagpupumilit na bitiwan ko ang kan'yang pulsuan. Naaawa man ako sa bata ay hindi ko

    Huling Na-update : 2022-06-16
  • The Billionaire's Other Woman   Kabanata 7

    After roaming around the mall for almost two hours the Montivano finally decided to leave the mall and prepare for their short notice vacation.Diretso akong inihatid nina Sir Ezekiel sa tenement na tinitirahan ko. They even insisted going inside our place. The four corners of our house looks so small having the four Montivano inside. Habang si Kael ay hindi ko alam kung nasaan. Nagpaalam lang daw ito kay France na aalis lang saglit at hanggang ngayon ay hindi pa nabalik. Siguradong nakikipaglaro lang 'yon sa mga bata riyan sa labas.Katulong ko pa si France sa pag-a-ayos ng bahay kanina. Nagtimpla na rin ako ng juice para sa kanilang apat at 'saka ako lumabas ng bahay para maghanap ng pwede nilang imiryenda kahit na kakain lang naman namin. Syempre, nakakahiya rin. Tumawid pa ako ng kabilang kalsada nang makakita ng nagtitinda ng bananacue, moche, at turon. Bumili ako ng tig-a-apat niyon at 'saka ako bumalik sa bahay. Namil

    Huling Na-update : 2022-06-21
  • The Billionaire's Other Woman   Kabanata 8

    Nang makaramdam ako ng pagod ay niyaya ko ng umahon si Sir Ezekiel. Panay naman ang pag-alalay niya sa akin na hindi ko lubos maintindihan kung para saan. Nalilito ako sa mga ginagawa niya ngayon. Gusto kong ibaon ang sarili sa lupa habang ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi dahil sa mga katangahang naiisip. Baka ganito lang talaga si Sir Ezekiel. Tumikhim si Sir Ezekiel ng mapansin ang malaking ngisi sa mukha ng kan'yang kapatid. Nasa may pangpang lang siya kaya pag-ahon namin ay siya kaagad ang una naming nakita. "What?" Sir Ezekiel asked his sister irritatedly. "Threatened, huh?" panunuya pa ni Ma'am Henrietta sa kan'yang kapatid."What do you mean?""I asked you earlier to swim with me and the twins, you declined us, but when you saw her sexily wearing her swim suit, you suddenly became so possessive and even accompany her." "I just want to take a dip Henrietta. What's your problem with that?"

    Huling Na-update : 2022-06-30
  • The Billionaire's Other Woman   Simula

    “Ezekiel,” marahang tawag ko sa kan'yang pangalan. Nagawa pa naming saglit na magtitigan bago niya ako tuluyang siilin ng malalalim at mapupusok na halik. He pulled me inside his room. I heard him kicking the door closed, then hardly pressing me against the door as he went on kissing me hard and rough. "Zeke, teka! Ang mga bata." Sa wakas ay nagawa ko ring isatinig. Kanina pa ako nag-aalala na baka makita kami ng mga bata. "I locked the door," he answered simply. Wala talaga siyang pakialam kung may makakita man sa amin o wala. Ezekiel Lorenzo’s scorching kisses continued going down to my earlobe and neck, giving me shivers down my spine. I was enjoying his kisses when he bent down to cup my butt and had me lifted. I instinctively wrapped my legs around his waist. He smirked playfully, totally happy with my move. He leaned harder against me, trapping me between him and the door. I tilted my head to the other side. I even parted my lips more so he could kiss me deeper. Unable to h

    Huling Na-update : 2022-05-24
  • The Billionaire's Other Woman   Kabanata 1

    "Aba, Amber! Pare-pareho lang tayong nangangailangan ng pera rito. Ilang buwan ko na kayong napagbigyan sa mga utang ninyo sa akin, hindi naman pwedeng ganito na lang tayo palagi," galit na sita sa akin ni Aling Mina. Nakayuko lang ako habang nakikinig sa sermon niya. Alam ko namang may kasalanan din ako dahil sa ilang buwan kong hindi pagbabayad sa renta ng bahay namin pero kasi ang hirap hirap humanap ng trabaho ngayon. Ilang trabaho na nga ba ang inapply-an ko pero ni isa sa kanila ay wala pang tumawag sa aking muli. Sabagay, sino ba namang kukuha sa isang kagaya kong hindi naman nakapagtapos ng kolehiyo? Alam ko namang suntok sa buwan ang pangarap kong makapagtrabaho ng disente sa isang malaking kumpanya lalo na at hanggang senior high school lang naman ang pinag-aralan ko pero wala naman siguro masama mangarap na baka pwede diba? Na baka tanggapin din nila ako. Para sa mas magandang buhay sana namin ng kapatid ko. "Aling Mina pasensiya na po talaga pero gipit na gipit din po a

    Huling Na-update : 2022-05-24
  • The Billionaire's Other Woman   Kabanata 2

    Bagsak ang balikat ko nang magkasabay kaming lumabas ni tiya Rosa sa opisina ni Sir Ezekiel. Kita ko ang awa sa mukha ni tiya Rosa. "Ano, Amber, kailan ka raw magsisimula?" nakangiting tanong sa akin ni Stella."Hindi ako natanggap," malungkot kong balita sa kan'ya. "Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit maka-ilang beses kang tinawag na Felize ni Sir Ezekiel," komento ni tiya Rosa. "Kahit po ako, tiya Rosa. Nalilito rin po ako," dagdag ko. "Sino naman 'yong Felize?" si Stella. "Sigurado ka bang hindi mo kilala si Felize, Amber? O baka naman umaarte ka lang kagaya ng madalas mong gawin?" Lahat kami ay napabaling kay manang Lourdes. "Ano pong ibig mong sabihin, manang? Maniwala po kayo, wala po akong kilalang Felize at lalong hindi po ako 'yon," paliwanag ko. "At kaya kong patunayan 'yon, manang Lourdes. Si Amber ay pinanganak at lumalkkkli la isang tenement sa kabilang bayan. Kilala ko ang mga magulang niyan kaya paano siyang magiging si Felize," ani tiya Rosa. "Mas'yado

    Huling Na-update : 2022-05-24
  • The Billionaire's Other Woman   Kabanata 3

    Mabuti na lang ay magkapareho lang kami nang sukat ng katawan ni Stella kaya napahiram niya ako ng damit. Pinaligo ako ni tiya Rosa sa maid's quarter.Napabuntonghininga ako ng maalala ang nangyari kanina. Hindi ko ine-expect na may mga ganong bata pala talaga akala ko sa mga drama lang 'yon nangyayari kahit pala sa totoong buhay p'wede iyong mangyari. Paniguradong magtataka sina France at Kael kapag nakita nilang nag-iba ako ng damit, bahala na lang si batman na mag-isip ng paliwanag ko sa kanila mamaya. Matapos maligo ay lumabas na rin ako para makabalik na akong muli sa trabaho."Mabuti na lang at kasyang-kasya lang pala sayo ang mga damit ni Stella. Ako na ang humihingi ng paumanhin sa ginawa sa'yo ng mga bata," ani tiya Rosa. "Hindi po pumasok sa isip ko na kayang gawin iyon ng mga bata pero h'wag po kayong mag-alala wala pong problema sa akin ang nangyari kanina," sagot ko. "Tatapatin na kita. Walang makatagal na yaya ang mga bat

    Huling Na-update : 2022-06-14

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Other Woman   Kabanata 4

    Matapos mananghalian ng mga Montivano ay kami namang mga katulong ang kumain. Ikinuwento sa akin ni tiya Rosa na ganoon daw ang sistema nila rito sa tuwing oras ng pagkain, hinihintay muna nilang matapos sa pagkain ang mga Montivano bago sila sumunod. Tumulong ako sa paghahain ng mga pagkain. At 'saka kami sabay-sabay na dumulog sa hapag-kainan. Nagpatiuna naman si manang Lourdes sa pagdarasal, matapos magdasal ay saka pa lang kami nakakain.Nagmamadali ako sa pagkain, hindi dahil sa gutom na gutom ako, naalala ko kasi ang kambal kailangan nga pa lang may bantay ang mga 'yon. "Oh Amber, h'wag kang magmadali sa pagkain at baka mabailukan ka," saway sa akin ni tiya Rosa. "Oo nga, at 'saka hindi ka naman mauubusan ng pagkain," biro naman sa akin ni Stella."Nagmamadali po ako dahil kailangan ko pa pong bantayan ang kambal," sagot ko kay tiya Rosa. Si Stella naman ay inirapan ko."Hmm? Kapag ganitong oras ay hindi naman nila gaano

  • The Billionaire's Other Woman   Kabanata 3

    Mabuti na lang ay magkapareho lang kami nang sukat ng katawan ni Stella kaya napahiram niya ako ng damit. Pinaligo ako ni tiya Rosa sa maid's quarter.Napabuntonghininga ako ng maalala ang nangyari kanina. Hindi ko ine-expect na may mga ganong bata pala talaga akala ko sa mga drama lang 'yon nangyayari kahit pala sa totoong buhay p'wede iyong mangyari. Paniguradong magtataka sina France at Kael kapag nakita nilang nag-iba ako ng damit, bahala na lang si batman na mag-isip ng paliwanag ko sa kanila mamaya. Matapos maligo ay lumabas na rin ako para makabalik na akong muli sa trabaho."Mabuti na lang at kasyang-kasya lang pala sayo ang mga damit ni Stella. Ako na ang humihingi ng paumanhin sa ginawa sa'yo ng mga bata," ani tiya Rosa. "Hindi po pumasok sa isip ko na kayang gawin iyon ng mga bata pero h'wag po kayong mag-alala wala pong problema sa akin ang nangyari kanina," sagot ko. "Tatapatin na kita. Walang makatagal na yaya ang mga bat

  • The Billionaire's Other Woman   Kabanata 2

    Bagsak ang balikat ko nang magkasabay kaming lumabas ni tiya Rosa sa opisina ni Sir Ezekiel. Kita ko ang awa sa mukha ni tiya Rosa. "Ano, Amber, kailan ka raw magsisimula?" nakangiting tanong sa akin ni Stella."Hindi ako natanggap," malungkot kong balita sa kan'ya. "Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit maka-ilang beses kang tinawag na Felize ni Sir Ezekiel," komento ni tiya Rosa. "Kahit po ako, tiya Rosa. Nalilito rin po ako," dagdag ko. "Sino naman 'yong Felize?" si Stella. "Sigurado ka bang hindi mo kilala si Felize, Amber? O baka naman umaarte ka lang kagaya ng madalas mong gawin?" Lahat kami ay napabaling kay manang Lourdes. "Ano pong ibig mong sabihin, manang? Maniwala po kayo, wala po akong kilalang Felize at lalong hindi po ako 'yon," paliwanag ko. "At kaya kong patunayan 'yon, manang Lourdes. Si Amber ay pinanganak at lumalkkkli la isang tenement sa kabilang bayan. Kilala ko ang mga magulang niyan kaya paano siyang magiging si Felize," ani tiya Rosa. "Mas'yado

  • The Billionaire's Other Woman   Kabanata 1

    "Aba, Amber! Pare-pareho lang tayong nangangailangan ng pera rito. Ilang buwan ko na kayong napagbigyan sa mga utang ninyo sa akin, hindi naman pwedeng ganito na lang tayo palagi," galit na sita sa akin ni Aling Mina. Nakayuko lang ako habang nakikinig sa sermon niya. Alam ko namang may kasalanan din ako dahil sa ilang buwan kong hindi pagbabayad sa renta ng bahay namin pero kasi ang hirap hirap humanap ng trabaho ngayon. Ilang trabaho na nga ba ang inapply-an ko pero ni isa sa kanila ay wala pang tumawag sa aking muli. Sabagay, sino ba namang kukuha sa isang kagaya kong hindi naman nakapagtapos ng kolehiyo? Alam ko namang suntok sa buwan ang pangarap kong makapagtrabaho ng disente sa isang malaking kumpanya lalo na at hanggang senior high school lang naman ang pinag-aralan ko pero wala naman siguro masama mangarap na baka pwede diba? Na baka tanggapin din nila ako. Para sa mas magandang buhay sana namin ng kapatid ko. "Aling Mina pasensiya na po talaga pero gipit na gipit din po a

  • The Billionaire's Other Woman   Simula

    “Ezekiel,” marahang tawag ko sa kan'yang pangalan. Nagawa pa naming saglit na magtitigan bago niya ako tuluyang siilin ng malalalim at mapupusok na halik. He pulled me inside his room. I heard him kicking the door closed, then hardly pressing me against the door as he went on kissing me hard and rough. "Zeke, teka! Ang mga bata." Sa wakas ay nagawa ko ring isatinig. Kanina pa ako nag-aalala na baka makita kami ng mga bata. "I locked the door," he answered simply. Wala talaga siyang pakialam kung may makakita man sa amin o wala. Ezekiel Lorenzo’s scorching kisses continued going down to my earlobe and neck, giving me shivers down my spine. I was enjoying his kisses when he bent down to cup my butt and had me lifted. I instinctively wrapped my legs around his waist. He smirked playfully, totally happy with my move. He leaned harder against me, trapping me between him and the door. I tilted my head to the other side. I even parted my lips more so he could kiss me deeper. Unable to h

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status