KINABUKASAN ay namimilipit ako sa sakit ng aking tiyan. Ilang beses akong napahiyaw ngunit pihadong wala naman'g makakarinig saakin. Alas otso na iyon ng umaga at kanina pang nakaalis ang mag-ina. Si Aling Bebang ay paniguradong abala sa labas sa pagdidilig ng halaman kaya't malabo na marinig niya ako.Patuloy sa paghilab ang aking tiyan. Pakiwari ko ay manganganak na ako.Pilit kong inabot ang aking cellphone na naroon sa side table. Kakapalan ko na ang aking mukha. Kailangan kong tawagan si Wesley ngunit hindi ko pa man naaabot iyon ay bigla ng nanlabo ang aking paningin hanggang sa mawalan na ako ng malay.Hindi ko alam kung gaano katagal akong nawalan ng malay basta ang tanging alam ko lamang ay nagising ako na nakahiga na sa hospital bed."Kumusta na ang pakiramdam mo 'nak?" boses iyon ni Alimg Bebang.Napatingin ako sa matanda na naroon sa gilid ng kama. Nakaupo ito habang hawak ang kaliwa kong kamay."Ano pong nangyari sa'kin 'nay? Si Wesley po nasaan? Pupuntahan niya ba
HANGGANG sa ma-discharge at makauwi kami sa mansiyon ay hindi man lang nagpakita saakin si Wesley."Oh, ba't nakasimangot ka diyan?" sita saakin ni 'Nay Bebang habang nakaupo kami sa couch na naroon sa sala. "Si Wesley na naman ba?"Tumango ako at agad na nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga bago ko nagawang makipag-usap sa kanya. "Nay nakakalungkot lang na pati ba naman paghatid saatin dito sa bahay ay iniasa niya pa kay Cindy. Para bang wala na talaga'ng pakialam saakin si Wesley." Puno ng hinanakit sa aking tinig."Hintayin mo siya. Mag-usap kayo mamayang gabi.""What if hindi na naman siya matulog sa aming silid?""Just trust me.""Huh? Anong gagawin mo 'nay?" "Ako na ang bahala do'n. Basta ipangako mo sa'kin na mag-uusap kayo mamaya.""Hmm...pangako 'nay." Pilit ang ngiti'ng sambit ko."Oh siya nga pala, 'yong mga gamit mo ay inilapag ko lang sa kama. Ikaw na ang bahalang mag-ayos no'n.""Opo, 'nay. Salamat ulit hindi mo ako pinapabayaan.""Sus, nagdadrama ka na
KINABUKASAN ay mukha agad ni Wesley ang unang bumungad saakin pagdilat ko ng aking mga mata."Good morning my two babies!" masiglang bati niya na hinagkan pa ako sa pisngi at bahagyang hinimas ang aking tiyan."Bakit nandito ka pa? Hindi ka ba papasok sa opisina?""Nagpaalam ako kay mom na aabsent ako today dahil gusto kong bumawi sa'yo, Kiera.""Hmm, legit ba 'yan? Baka mamaya lang ay may tumatawag na sa'yo at kailangan mo ng pumumta sa opisina.""Promise, no phone call today! Look, I already turned off my phone para sa'yo lang naka-focus ang atensiyon ko buong maghapon." Giit pa niya na iniabot pa iyon saakin. "Ikaw na muna ang magtago niyan para sure ka na wala akong ibang aatupagin ngayon."Nakairap na kinuha ko iyon. Kapagkuwa'y inalalayan niya akong bumaba ng kama."Ipinagluto na kita ng almusal. Sa baba na lang ba tayo kakain or dito na lang sa-""Do'n na lamang sa hapag para may kasabay rin si 'Nay Bebang.""Okay. That's a good idea."Inalalayan niya akong makababa ng h
SINUBUKAN kong ipaliwanag kay Wesley ang nangyari. Ngunit tila ba biglang nagsarado na naman ang kanyang isipan."Kiera, okay na eh. Pinaniwalaan na kita sa mga naunang accusations mo kay mom. Pero itong nangyari ngayon, napakaimposible naman yata na makapasok sa silid natin ang lalaking iyon ng hindi mo nalalaman.""So, naniniwala ka nga na ang lalaking iyon ay kabit ko? C'mon, Wesley! Sinong tanga ang papatol sa isang buntis na katulad ko?""Tss, huwag mong gawin'g excuse ang-""Okay!" agad kong pambabara sa kanya. "Ngayon ay napatunayan ko na bukod sa duwag ka at sunud-sumuran ka lang sa iyong ina...talaga nga'ng kay kitid ng utak mo, Wesley! Sana'y hindi mo pagsisihan ito!"Humihikbing nag-impake ako ng aking mga gamit. "Siya nga pala, 'yong voice record na isinend ko sa'yo...huwag mo na lang pakinggan. Baka mas lalo lang akong magmukhang masamang babae!"Hindi siya nakasagot agad."Kalimutan mo na rin na nagkakilala tayo." Dagdag ko pa dahilan upang mariin niyang hawaka
One week later... SABAY kaming napahinto ni Cindy sa pagsubo ng pagkain nang marinig namin ang boses ni Wesley na sumisigaw sa labas ng bahay. Galit na galit ito at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko."Dito ka lang, Kiera. Kahit anong marinig mo ay huwag na huwag kang lalabas huh! Ako na ang bahalang makipag-usap sa baliw na iyon." Ani Cindy na agad ko naman'g tinanguan.Dahan-dahan naman akong nagtago sa likod ng pintuan kung saan ay malinaw kong maririnig ang kanilang pag-uusapan."Ano bang problema mo? Kay aga mong mang istorbo ah!" dinig kong sigaw ni Cindy."Ilabas mo si Kiera! Alam kong naririyan siya sa loob." "At sino ka para utusan ako, huh? At saka bakit mo ba hinahanap dito si Kiera? Mukha ba akong baranggay official para hanapan mo ng taong nawawala?" puno ng sarkasmo ang tinig ng aking kaibigan."Please...Cindy, alam kong naririyan si Kiera. Gusto ko lang naman siyang makausap, kahit saglit lang oh." Bigla ay mahinahon ng pakiusap ni Wesley sa kaibigan ko. Kanina l
Two months later...Wesley's POV SIMULA nang umalis si Kiera sa mansiyon ay hindi na kami nagkita at nagkausap pa. Dalawang buwan na rin ang nakalipas at batid kong nakapanganak na siya. Maraming beses na sinubukan ko siyang kausapin ngunit sa tuwing pupunta ako sa bahay ni Cindy ay hindi ko man lang nakikita kahit dulo ng buhok ni Kiera.Malakas ang kutob ko na naroon siya kay Cindy. Dahil maraming beses rin akong nagtanong sa magulang at kapatid niya ngunit pare-pareho lang ang sinasabi nila. Hindi naman daw doon umuwi si Kiera at hindi rin daw ito nagpaparamdam sa kanila.Simula ng umalis rin siya ay wala na akong matandaan na nakakain at nakatulog pa ako ng maayos.Pakiwari ko ay gumuho ang mundo ko dahil dalawang tao ang nawala sa buhay ko. Labis ang aking pagsisisi sa mga nangyari. Wala rin akong ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili ko lamang. Naging duwag ako at umasa lang sa lahat ng sinasabi ng aking ina. Kaya naman may mga pagkakataon na nakakaramdam din ako ng
PAGKAGALING ko sa office ni Iñigo ay dumiretso ako sa night club ni Roxy. Gusto kong magsaya at pansamantalang makalimot. Miss na miss ko na si Kiera at wala akong maisip na paraan ngayon kundi ang aliwin muna ang aking sarili.Dumiretso ako sa counter nang makita kong naroroon ang kaibigan ko."Hey!" bati ko sa kanya ngunit hindi niya man lang ako pinansin. Abala siya sa kanyang cellphone.Kaya naman sinenyasan ko ang bartender na tawagin ang boss niya."F*** you, Cordova! Ano na naman ang ginagawa mo dito? Halos one year ka ng huminto sa panggugulo sa club ko tapos heto at may balak ka na naman yata ah!""Tss, what kind of approach is that? Ang harsh mo naman sa kaibigan mo!" reklamo ko."C'mon! Totoo naman ang sinasabi ko ah. At saka, ba't ka ba nandito? Nasaan na 'yong alaga ko na tinangay at binuntis mo?""Iniwan niya na ako.""Oh, kaya naman pala eh. So, ano naman ang pwede kong-""Bigyan mo 'ko ng bago mo diyan!""Tss, hayan ka na naman. Feeling VIP kung makapag-demand
INUMAGA na ako ng uwi sa mansiyon. Gaya ng dati ay nakaabang na naman si mommy sa pagdating ko. Nakahiga ito sa couch na naroon sa sala. Nakapikit ang mata niya kaya't buong akala ko ay mahimbing siyang natutulog. Maingat akong naglakad nang sa gayo'n ay hindi ako makalikha ng ingay. Subalit nakakadalawang hakbang pa lamang ako ay agad na siyang nagsalita."Where have you been?" sita niya saakin dahilan upang mapahinto ako sa paghakbang."Sa bahay ni Iñigo.""Liar! Tinawagan ko kanina ang kaibigan mo at sinabi niya saakin na maaga ka pang umalis sa opisina niya.""Tss! Mom matanda na ako. Hindi mo na kailangan pang alamin ang bawat ikinikilos ko.""How dare you to talk to me like that, Wesley? Look, umaga ka ng umuwi! Alas singko na ng umaga oh! Tapos ano, hindi ka na naman pupunta sa kompanya? Papabayaan mo na naman ang kompanya ntain? Paano pa ang-""Enough, mom! Puro na lang pera ang nasa isip mo. Ang totoo ay wala ka naman talaga'ng pakialam saakin eh. Kompanya at pera l