Share

Chapter Thirty Five: Hospital

KINABUKASAN ay namimilipit ako sa sakit ng aking tiyan. Ilang beses akong napahiyaw ngunit pihadong wala naman'g makakarinig saakin. Alas otso na iyon ng umaga at kanina pang nakaalis ang mag-ina. Si Aling Bebang ay paniguradong abala sa labas sa pagdidilig ng halaman kaya't malabo na marinig niya ako.

Patuloy sa paghilab ang aking tiyan. Pakiwari ko ay manganganak na ako.

Pilit kong inabot ang aking cellphone na naroon sa side table. Kakapalan ko na ang aking mukha. Kailangan kong tawagan si Wesley ngunit hindi ko pa man naaabot iyon ay bigla ng nanlabo ang aking paningin hanggang sa mawalan na ako ng malay.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nawalan ng malay basta ang tanging alam ko lamang ay nagising ako na nakahiga na sa hospital bed.

"Kumusta na ang pakiramdam mo 'nak?" boses iyon ni Alimg Bebang.

Napatingin ako sa matanda na naroon sa gilid ng kama. Nakaupo ito habang hawak ang kaliwa kong kamay.

"Ano pong nangyari sa'kin 'nay? Si Wesley po nasaan? Pupuntahan niya ba
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status