C24MALUNGKOT si Heart nang magising. Parehas sila ni Lux na walang imik buong magdamag pero nakahawak sa kanya ang asawa na para bang tatakas siya. Nakatulugan na lang niya iyon at ito naman ay ganun din. Pinakikiramdaman nila ang bawat isa.May community service sila sa araw na ito tapos ay sa Lunes at Martes. Pagkatapos nun ay bakasyon na sila.Dinampot niya ang kanyang smartphone at tumingin sa kanyang messages.Nangangamusta ang Nanay niya sa kanya at hindi na pala niya nareplayan, o mas tamang sabihin na hindi na nga niya nabasa dahil wala siya sa sarili. Binasa niya ang chat nina Lexus at Lexi sa notification panel. Semestral break na pala ng mga kapatid niya at tuwang-tuwa ang kambal.Mas tuwa siya bilang ate dahil matino na mag-aral ang mga kapatid niya. Sulit ang kanyang pagod sa trabaho.She replied her mother."Okay, Nanay. Nakatulugan ko na ang text mo, Nay kasi pagod ako sa exam. Kung tungkol Nay sa problema, nagpapa-imbestiga si Lux sa mga nagpapakalat ng mga balita tun
C25DINALA ni Lux ang anak sa isang ice cream parlor matapos nilang maglaro ng basketball. Request iyon ng bata kaya naman sinunod niya para mas lalong sumaya."Daddy, why dat Mommy keep on going to school?" Tanong ni Lush sa kanya habang pumipili sila ng ice cream sa lalagyan."Because her school isn't finished yet.""Dusto ko na kasi punta kay Owa at Owo.""We'll go there. Don't worry. Pupunta tayong tatlo nina Mommy.""Pramit?""Opo, promise ni Daddy."Nag-highfive silang mag-ama pero napukaw ang atensyon niya ng isang bata na tumakbo, at itinulak ang freezer kaya umuga."Putang…! Kaya mo bang bayaran ito kapag nabasag?" Galit na singhal ng tindero sa bata na tantya niya ay sing edad ni Lush.Nakita niya ang pagkurap nun at parang natakot sa lalaki. Si Lush ay napahawak sa short niya at natingala siya."Don't curse like that in front of the kid. Hindi ka pwedeng maging tindero sa harap ng bata, masyadong masama ang tabas ng bunganga at pagmumukha mo," aniya sa tindero na agad na tum
C26LUNCH DATE spotted.Iyon ang umagaw sa atensyon ni Lux habang siya ay nag-i-scroll sa G site. He scrolled up again when he saw a pic but passed through it, and the pic was kind of familiar to him.Galing iyon sa isang vlogger, content creator, journalist na si Trojan War. Isa iyong transgender sa pagkakaalam niya. Sikat ang bakla sa mga sites dahil magaling iyong content creator. Pinanonood iyon ng mga emplayado niya sa opisina kaya naging pamilyar din sa kanya dahil laman ng mga usapan kapag coffee break.Napakunot noo siya at inilapit ang screen sa mga mata niya. Laman ng utak niya si Silvana at ang batang si Delight hanggang sa mga sandaling iyon. Kumain sila ng ice cream, magkahiwalay ng mesa. Sa kabilang side dinala ni Silvana ang bata at sila naman ni Lush ay nasa kabila kumain. Laman iyon ng utak niya hindi dahil sa nagagandahan siya o ano pa man. He was thinking about her gesture. Ayaw nun na ilapit sa kanya ang bata, ganun kasimple.Walang humpay ang tingin sa kanya ni Del
C27KUMUKURAP-KURAP si Lush na nakatingin sa ina. Walang humpay ang pagsubo niya ng ice cream habang umiiyak. Si Lush naman ay pahid nang pahid sa luha niya sa pisngi kaya ngumingiti siya sa effort ng kanyang anak."Don't try," anito sa kanya, "Lab itaw ni Daddy. Hindi siya lalapit sa manang.""Ano lang ginawa niya?""The bata was not well. He was like dit," anito saka parang umakto na nahihirapan sa paghinga.Tumango siya. May hika siguro ang bata at nakaramdam siya ng awa. Ayos naman siya kaya lang hindi talaga mawala sa kanya ang isipin na magkakamabutihan ang dalawa ni Silvana at Lux dahil sa anak."Madami pa ikaw di alam, anak. Baby ka pa na sobra.""Hindi tayo alis?"Umiling siya rito at natawa. Kahit na ito ay nahawa na ang pagiging matatakutin ni Lux tungkol sa pag-alis."Hindi po aalis.""Hindi natin iwan si Daddy ko?""Hindi po iiwan si Daddy. Mommy loves Daddy. May mga hindi lang kami pagkakaintindihan pero pag-uusapan namin 'yon para sa iyo, saka mahal namin ang isa't isa
C28Lux felt so lively after talking to Heart. Parang bagong tao siya sa mga sandaling iyon, may panibagong tatag ng kalooban na lumaban sa lahat.Pagkabwisit, iyon ang kanyang nararamdaman kay Silvana. He's not that foolish. Kung inaakala ni Silvana na mapapaikot siya nun dahil lang sa pagkakaroon daw nila ng anak, hindi.Tama si Heart. Nangyari na iyon kay Diana at hindi siya napaikot ng babaeng iyon. Ganun din ngayon."Okay, tapos na ang little tent ng baby!" Masayang sabi niya sa anak na napatalon kaagad at napahiyaw nang makita ang tent na ginawa niya.Masaya ito pero mas masaya siya dahil solo nila ni Heart ang tent. Parang hindi pa man lang kumakain ng gabihan ay gusto niyang patulugin kaagad si Lush.Pumasok kaagad ang bata at sa loob nagtatalon, excited na sobra.Nakita niya na tumatawag si Siony sa kanya via video calling kaya alam niyang si Carmen iyon, nakikigamit na naman ng smartphone ng kasambahay."Ma!" Sagot niya kaagad matapos na pindutin ang icon."Di mo ako kinakamu
C29PAGKATAPOS na makapagsimba ng pang alas seis na misa ay diretso sa kainan sina Lux. Kasama ang pamilya nina Elisa at ni Caleb ay napagkaisahan na pumunta muna sa restauran. Hindi na nakapagpa-reserve pa ang mister niya dahil biglaang plano lang iyon. Ayaw naman daw ni Carmen sa Macho dahil nakakasawa na doon. Doon na daw iyon tumanda kaya gusto naman ay sa ibang lugar na."Ate, ano ba yung may content tungkol sa iyo saka sa businessman daw. Kalat na kalat sa social media," bulong sa kanya ni Katy nang sabay silang bumaba ng sasasakyan."Ewan ko nun. Pumunta lang ako dun kasi yun ang bakanteng oras ni Charles. Tinanong ko lang kung may anak talaga yung girlfriend niya sa pagkadalaga. Tinanong ko sana kung sino ba ang ama pero di niya alam.""Tapos na-tsismis ka na? Aba, 500k agad ang nanood ng vlog niya. Pinagkakitaan ka niya.""Sino?" Mabalasik na tanong ni Lux sa kapatid."Hayaan mo na. Baka dun siya kumikita. Basta ako, ewan. Sa mga lumilipas na araw napag-aaralan ko na rin na 'w
C30NAKATINGIN si Heart sa text message na kanyang natanggap. Kanina pa niya ito tinititigan at ina-absorb ang laman. It was so simple but she was having a very hard time processing the details.Details nga ba o ang kanyang magiging desisyon ang nagpapatagal sa kanyang mag-isip?Nasa loob siya ng kwarto ni Lush dahil natulog ang bata sa sobrang pagod at excitement sa baby nila. Siya naman ay umupo na lang muna sa sofa dahil nag-video call si Lexi sa kanya. Masaya siyang nakita ang kanyang buong pamilya. Nasa kainan ang mga iyon at ang daming tao na kumakain, mga galing din siguro sa simbahan.Tumutulong ang mga kapatid niya sa kainan kaya natutuwa siya. Kahit na nakaangat-angat na sila sa buhay ay hindi pa rin nagbago ang mga kapatid niya. Natuto siguro iyon sa kanya na masipag pa rin kahit na may pera na kahit paano."Baby," ani Lux sa kanya kaya napalingon siya sa may pinto.Sumulyap ito sa kanyang smartphone at ibinalik sa mukha niya ang paningin."What's that baby? Are you watching
C31NAKAHALIK si Heart sa noo ni Lush at agad na nagmamadaling makaaalis, pero napansin niya na nakatingin sa kanya si Lux."I love you," anito sa kanya kaya ngumiti siya."I love you, too. Ingat kayo ni Lush.""You, too. Give me an update, sweetie."Sumaludo siya rito saka siya tuluyang umatras ng sasakyan papalabas habang nakahabol ng tingin ang asawa niya sa kanya, pilipit na halos ang leeg."Bye, Mimi, baby!" Ani Lush kaya nakangiti siyang kumaway sa anak niya.Nakasilip iyon sa bintanang nakababa, kumakaway. Papunta na rin iyon sa playschool, at sabi niya kay Lux ay ipaalam na sa teacher na hindi na papasok ng isang linggo para sa bakasyon nila.Hanggang bukas na lang ang community service niya at ilang araw lang siyang maglalagi sa restaurant para magtrabaho. Libangan na rin kasi naman niya iyon, bukod pa sa may sahod.Hindi pa alam ng mga magulang niya na buntis siya. Saka na niya ibabalita kapag naroon na sila sa OAS. Sobrang excited na ni Lush at sasama rin daw si Elisa at Ka
Paulit-ulit ako. hahahah.Ito po ay final story na ng sequel ng libro na ito. Nalulungkot ako, kaloka. hahha. ang story po nina Lush at Ruth ay agaran na demand lang po sa akin ni Sir. Nataranta ako kasi isang araw pinag-decide niya po ako kung tatanggpi ko na right on that very day ay uumpisahan ko ang chapter one. Wala akong idea, wala akong Title. Bigla ko na lang pong naisip na isunod sa kwento ng mga magulang ni Lush ang istorya ng buhay niya. Akala ko mawawala ako sa sarili kong libro. Sana po ay napasaya ko pa rin kayo kahit na hindi ko po napaghandaan ang kwento.Hanggang sa mga susunod pong kwento, kita-kits po tayo.Mamimiss kayo ng buong angkan ng mga Montesalvo.🫶 balikan niyo po ang kwento kapag na-miss niyo.
Epilogue “DIYOS KO!” nausal ni Lush at halos maiitsa niya ang hawak na smartphone nang makita niya ang anak na si Dean, na umaakyat sa sofa. Daig pa niya ang bakla na mapapatili, at kahit na ang pagsara ng kanyang zipper ay hindi na niya nagawa. “Anak!” Hiyaw niya at iika-ika na tumakbo papunta sa anak niyang long hair. Nagpupumilit itong makasampa sa upuan kahit na hindi naman nito kaya. Ano ba ang kanyang magagawa ay takot ito sa ibang tao? Ayaw nito ng yaya kaya sakripisyo siya dahil nag-aaral na si Ruth. Kaka-birthday lang ng anak nila, ika isang taon na. Nakakalakad na itong mag-isa pero naman napakakulit. Heto nga at nakarating na sa sofa. Napakasaya pa naman niya sa ibinalita ng kanyang lawyer. Dumating na sa law firm nun ang decree ng annulment nina Ruth at Baron. Napakabilis ng proseso kaya sobrang tuwa niya, na halos nakaligtaan niya ang anak habang umiihi siya. May arinola na nga siya sa may mesa niya para mabilis siyang maka-ihi. “Lush?” Tawag sa kanya ni Attorney M
69ITO ang unang araw na muling lumabas si Ruth sa penthouse. Naroon lamang siya pagkatapos niyang maospital ng dalawang araw. On the third day, she was dismissed.Nalulungkot siyang talikuran ang kanyang bagong trabaho na pinasok. She has to keep resting more often for her baby.May history na kasi siya ng bleeding kaya kailangan na niyang mag-ingat. Mabuti na lang at hindi bumitaw ang kanyang isang buwanin na anak. Her child was strong. Lalaki itong matapang at matatag, tulad niya.Si David ay patuloy pa rin na ipinagagamot ng mga Montesalvo. Medyo maayos na ang lagay ng driver ngayon. Stable na iyon kaya laking pasasalamat din ni Ruth. Hindi niya matatanggap kung nagbuwis ng buhay si David para sa kanilang mag-ina.Ipinagbukas siya ni Lush ng pinto ng sasakyan. Papunta sila ngayon mansyon ng mga Montesalvo. Sayang daw at di niya makikilala si Love dahil nasa Australia.“Ruth sandali!”Iyon ang sigaw na nagpalingon sa kanilang dalawa ni Lush. Si Baron iyon.Kitang-kita niya kung paa
68.THERE was light and it was so bright. Hindi maimulat ni Ruth ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay masakit ang kanyang buong katawan at umaalog siya. She heard noise and a loud thug. Iyon ang nagpatalsik sa kanyang hawak na cellphone.That was after David yelled.“Babangga!” Sigaw ni David, “Kapit, Ma'am. Kapit!”Iyon ang huling sigaw ni David sa kanya bago niya makita ang pader at sumalpok ang harap ng sasakyan doon.Ang cellphone niya, nasaan? Ite-text Dapat niya si Kush ng I love you pero hindi na niya naisend. Baka isipin nun ay hindi niya mahal. Napahikbi siya. Baka magtampo iyon sa kanya at isipin na mas mahal pa rin niya si Baron. There's no comparison. Wala siyang ibang mahal kung hindi ang ama ng kanyang anak.Daig pa niya ang binagsakan ng isang buong gusali sa tindi ng pagyanig. Ang seatbelt na nakayakap sa kanya ay halos parang bumaon sa kanyang mga kalamnan. Para siyang lilipad papalabas ng windshield.She cried when she felt pain but cried more when she saw David.
67.1LUSH felt that he couldn't bear to hear what the doctor would say after a long moment of waiting.Habang siya ay kabadong naghihintay sa resulta sa loob ng emergency room, may coordination siya sa kanyang tauhan na nasa presinto, at sa mga pulis na humahawak sa kasong ito.Nasa may tapat siya ng chapel, paroon at parito habang hindi matigil sa pagdutdot sa kanyang aparato.Umalis na rin ang kanyang ama at pupuntahan si Benito. Alam naman niyang hindi niya iyon mapipigil. Mula noon hanggang ngayon ay hindi nagbago si Lux bilang isang responsableng ama sa kanila.“Lush!”Naulinigan niya ang boses ni Delight kaya agad siyang tumingin sa likod niya.“Kuya,” aniya nang makita ang nakatatandang kapatid.“What the hell? imposible na si lola ang ipinupunta mo rito. Kagagaling ko lang sa mansyon bago ako mag-duty ngayon.”“It's Ruth, Kuya.”“Hell, no,” parang kinabahan na sabi nito sa kanya.“Nabangga ang kotse. She was bleeding. She was almost losing our baby. S-She Was almost gone…no. I
67.“BELLE!” malakas na tawag ni Lush habang papalapit siya. Hindi ito patay!“Asawa niya ako!” Ani pa niya at daig pa niya ang isang nasa palabas sa telebisyon. Gusto niyang lumabas sa scenario na iyon at bumalik sa maayos at masayang buhay.Kanina lang makausap pa sila. Paano naman nangyari na bigla ay ganito na?“Kailan namin siyang madala sa ospital. Kanina pa siya walang malay,” anang medic sa kanya at kahit na gusto niyang abutin ang kamay ni Ruth ay wala siyang magawa.“Tell me she's alive.”“May pagdurugo siya, Sir.Fuck no.“Buhay siya, diba? Buntis siya! Tang-ina, buntis siya!” Galit na sabi niya kaya parang lalong napamadali ang mga ito.Nasapo niya ang ulo gamit ang dalawang kamay, habang nakatitig sa mukha ni Ruth. Ni hindi niya matingnan ang mga binti nitong may mga dugo. Hindi niya kaya.Gusto niyang gumawa ng paraan pero ano naman ang gagawin niya? Hindi siya doktor, at mas lalong hindi siya Diyos.His baby.Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango at saka siya wala s
66.WALANG reply. Tila sumama ang loob ni Lush dahil hindi nag-reply si Ruth sa kanya. He was starting to ovethink and went out of focus.Eric just informed him a while ago that Baron met Ruth at the restaurant.Pinalipas niya ang selos niya dahil nag-usap daw ang dalawa, yet, walang ibinalita sa kanya si Ruth na pumunta roon ang asawa nito.Eric didn't know what those two talked about. He was hoping that it was just some normal conversation, despite his jealousy. Hindi naman niya masisi ang kanyang sarili kung siya man ay nakakaramdam ng selos. Gusto niyang manatili sa paniniwala na hindi na siya ulit pagsisinungalingan ni Ruth.He wants a happy life with her, and he must start it with believing in her.Humugot siya ng malalim na hininga. This is the first time he ever fell in love. He was acting a bit kind of possessive. He must not.I must not. She’s mine.Ramdam naman niya ang sinasabi ni Ruth na pagmamahal sa kanya. The way how she touches him shows how much she's into him. And h
65.“SIR, your girlfriend is here.” Melo whispered almost behind Lush during his meeting.Nakaupo siya at nakikinig sa palitan ng mga opinyon ng kanyang mga kasamahan, pero pumasok si Melo para i-imporma sa kanya na narito ang girlfriend niya.“Girlfriend?”“Si Miss Mirabelle po.”Mirabelle, yes!“We'll take a break!” Agaran niyang sabi nang walang pagdadalawang-isip. Ni hindi nga siya nag-isip at basta na lang iyon lumabas sa kanyang bibig.Tumingin sa kanya ang lahat pero mabilis siyang tumayo. It's twenty minutes before twelve. Alas dose pa sana sila magbi-break pero dahil dumating si Ruth ay break time na kaagad.Wala siyang pinansin na kahit sinuman. Agad na siyang lumabas.“Take your break as well, Melo.”“Yes, sir. Miss Mirabelle is inside your office.”“Thank you,” he said and walked tersely toward his office.Walang katok na pumasok siya sa loob at nakita niya ang dalaga na nakaupo sa kanyang swivel chair.She smiled sweetly while swinging his chair.“May dala akong pagkain
64.“AND who told you she'd go with you?” Lush asked as he stepped out.He was behind the car when he heard Baron. Tumingin si Ruth sa kanya, at parang gulat nang lumabas siya.He was looking at Baron's hand, extended toward Ruth. Tumingin siya rito dahil nakatitig ito sa kanya.“Don't meddle in. Masyado kang pakialamero na kahit cellphone ng asawa ko ay ikaw ang may hawak. Did you even forget who you are?” Baron said with sarcasm, “She just sold herself to you…for me…”Lush pursed his lips, “I certainly know that. I am her second man. Yun ba ang gusto mong sabihin? Why don't you ask Belle if she wants to go with you.”Tumingin siya kay Ruth.“Wala ng pangalawang pagkakataon Para sa iyo, Baron. Tinuruan mo akong gumawa ng isang bagay na ni sa hinagap ay di ko akalain na magagawa ko. Pinababa mo ako. Pinababa mo na nga ako, iniinsulto mo pa ang pagkatao ko. Wala ka ng maloloko, Baron,” Ruth spat.Binuksan nito ang pinto ng sasakyan pero hindi nito mabuksan. Muntik siyang matawa dahil h