C26LUNCH DATE spotted.Iyon ang umagaw sa atensyon ni Lux habang siya ay nag-i-scroll sa G site. He scrolled up again when he saw a pic but passed through it, and the pic was kind of familiar to him.Galing iyon sa isang vlogger, content creator, journalist na si Trojan War. Isa iyong transgender sa pagkakaalam niya. Sikat ang bakla sa mga sites dahil magaling iyong content creator. Pinanonood iyon ng mga emplayado niya sa opisina kaya naging pamilyar din sa kanya dahil laman ng mga usapan kapag coffee break.Napakunot noo siya at inilapit ang screen sa mga mata niya. Laman ng utak niya si Silvana at ang batang si Delight hanggang sa mga sandaling iyon. Kumain sila ng ice cream, magkahiwalay ng mesa. Sa kabilang side dinala ni Silvana ang bata at sila naman ni Lush ay nasa kabila kumain. Laman iyon ng utak niya hindi dahil sa nagagandahan siya o ano pa man. He was thinking about her gesture. Ayaw nun na ilapit sa kanya ang bata, ganun kasimple.Walang humpay ang tingin sa kanya ni Del
C27KUMUKURAP-KURAP si Lush na nakatingin sa ina. Walang humpay ang pagsubo niya ng ice cream habang umiiyak. Si Lush naman ay pahid nang pahid sa luha niya sa pisngi kaya ngumingiti siya sa effort ng kanyang anak."Don't try," anito sa kanya, "Lab itaw ni Daddy. Hindi siya lalapit sa manang.""Ano lang ginawa niya?""The bata was not well. He was like dit," anito saka parang umakto na nahihirapan sa paghinga.Tumango siya. May hika siguro ang bata at nakaramdam siya ng awa. Ayos naman siya kaya lang hindi talaga mawala sa kanya ang isipin na magkakamabutihan ang dalawa ni Silvana at Lux dahil sa anak."Madami pa ikaw di alam, anak. Baby ka pa na sobra.""Hindi tayo alis?"Umiling siya rito at natawa. Kahit na ito ay nahawa na ang pagiging matatakutin ni Lux tungkol sa pag-alis."Hindi po aalis.""Hindi natin iwan si Daddy ko?""Hindi po iiwan si Daddy. Mommy loves Daddy. May mga hindi lang kami pagkakaintindihan pero pag-uusapan namin 'yon para sa iyo, saka mahal namin ang isa't isa
C28Lux felt so lively after talking to Heart. Parang bagong tao siya sa mga sandaling iyon, may panibagong tatag ng kalooban na lumaban sa lahat.Pagkabwisit, iyon ang kanyang nararamdaman kay Silvana. He's not that foolish. Kung inaakala ni Silvana na mapapaikot siya nun dahil lang sa pagkakaroon daw nila ng anak, hindi.Tama si Heart. Nangyari na iyon kay Diana at hindi siya napaikot ng babaeng iyon. Ganun din ngayon."Okay, tapos na ang little tent ng baby!" Masayang sabi niya sa anak na napatalon kaagad at napahiyaw nang makita ang tent na ginawa niya.Masaya ito pero mas masaya siya dahil solo nila ni Heart ang tent. Parang hindi pa man lang kumakain ng gabihan ay gusto niyang patulugin kaagad si Lush.Pumasok kaagad ang bata at sa loob nagtatalon, excited na sobra.Nakita niya na tumatawag si Siony sa kanya via video calling kaya alam niyang si Carmen iyon, nakikigamit na naman ng smartphone ng kasambahay."Ma!" Sagot niya kaagad matapos na pindutin ang icon."Di mo ako kinakamu
C29PAGKATAPOS na makapagsimba ng pang alas seis na misa ay diretso sa kainan sina Lux. Kasama ang pamilya nina Elisa at ni Caleb ay napagkaisahan na pumunta muna sa restauran. Hindi na nakapagpa-reserve pa ang mister niya dahil biglaang plano lang iyon. Ayaw naman daw ni Carmen sa Macho dahil nakakasawa na doon. Doon na daw iyon tumanda kaya gusto naman ay sa ibang lugar na."Ate, ano ba yung may content tungkol sa iyo saka sa businessman daw. Kalat na kalat sa social media," bulong sa kanya ni Katy nang sabay silang bumaba ng sasasakyan."Ewan ko nun. Pumunta lang ako dun kasi yun ang bakanteng oras ni Charles. Tinanong ko lang kung may anak talaga yung girlfriend niya sa pagkadalaga. Tinanong ko sana kung sino ba ang ama pero di niya alam.""Tapos na-tsismis ka na? Aba, 500k agad ang nanood ng vlog niya. Pinagkakitaan ka niya.""Sino?" Mabalasik na tanong ni Lux sa kapatid."Hayaan mo na. Baka dun siya kumikita. Basta ako, ewan. Sa mga lumilipas na araw napag-aaralan ko na rin na 'w
C30NAKATINGIN si Heart sa text message na kanyang natanggap. Kanina pa niya ito tinititigan at ina-absorb ang laman. It was so simple but she was having a very hard time processing the details.Details nga ba o ang kanyang magiging desisyon ang nagpapatagal sa kanyang mag-isip?Nasa loob siya ng kwarto ni Lush dahil natulog ang bata sa sobrang pagod at excitement sa baby nila. Siya naman ay umupo na lang muna sa sofa dahil nag-video call si Lexi sa kanya. Masaya siyang nakita ang kanyang buong pamilya. Nasa kainan ang mga iyon at ang daming tao na kumakain, mga galing din siguro sa simbahan.Tumutulong ang mga kapatid niya sa kainan kaya natutuwa siya. Kahit na nakaangat-angat na sila sa buhay ay hindi pa rin nagbago ang mga kapatid niya. Natuto siguro iyon sa kanya na masipag pa rin kahit na may pera na kahit paano."Baby," ani Lux sa kanya kaya napalingon siya sa may pinto.Sumulyap ito sa kanyang smartphone at ibinalik sa mukha niya ang paningin."What's that baby? Are you watching
C31NAKAHALIK si Heart sa noo ni Lush at agad na nagmamadaling makaaalis, pero napansin niya na nakatingin sa kanya si Lux."I love you," anito sa kanya kaya ngumiti siya."I love you, too. Ingat kayo ni Lush.""You, too. Give me an update, sweetie."Sumaludo siya rito saka siya tuluyang umatras ng sasakyan papalabas habang nakahabol ng tingin ang asawa niya sa kanya, pilipit na halos ang leeg."Bye, Mimi, baby!" Ani Lush kaya nakangiti siyang kumaway sa anak niya.Nakasilip iyon sa bintanang nakababa, kumakaway. Papunta na rin iyon sa playschool, at sabi niya kay Lux ay ipaalam na sa teacher na hindi na papasok ng isang linggo para sa bakasyon nila.Hanggang bukas na lang ang community service niya at ilang araw lang siyang maglalagi sa restaurant para magtrabaho. Libangan na rin kasi naman niya iyon, bukod pa sa may sahod.Hindi pa alam ng mga magulang niya na buntis siya. Saka na niya ibabalita kapag naroon na sila sa OAS. Sobrang excited na ni Lush at sasama rin daw si Elisa at Ka
C32HE was looking at this small building, two storeys to be precise. Napakameywang siya pagkababa ng sasakyan at nakatitig lang dun. Nakaparada ang kanyang sasakyan at mga sasakyan ng kanyang bodyguards sa napakalawak na parking space.Iyon na ba ang sinasabi ni Silvana na opisina?Wala naman nakalagay na pangalan doon. Basta sabi ay bumaba siya sa isang apple green na building pagkatapos sa kanyang i-text ang direksyon. Hindi naman siya mawawala sa Makati.Nakatingin lamang siya roon hanggang sa bumukas ang pintuan at sumilip ang babae makalipas ang ilang sandali.Iyon na nga dahil dumungaw si Silvana."Come in," she said formally.Mukhang hinihintay na talaga siya nito.May mga nagpapanday sa may harap at taligiliran ng commercial building pero tumuloy lamang siya sa paglapit sa pintuan.Gusto na niyang isipin na dahilan lang din ni Silvana ang business pero talagang may kakaibang pakay ito. Malakas ang kutob niya at bihira siyang magkamali sa kutob. Sa mga pa-kyime effect nito na
C33"I THINK I better get going now, Silvana. Sayang, sana ay nandito man lang ang anak ko para kahit hindi ako kilala ay nakita ko man lang sana," he said to her and glanced at his watch again.Pinagmukha niya ang kanyang sarili na kaawa-awa para mapeke niya ito muli at mapilitan na ilapit sa kanya si Delight sa mga susunod na araw.Patience is all that he needs.Gusto niya itong tabigin para umalis na sa pagkaka-lingkis sa kanya pero hindi niya magawa. Baka siya mabuko na nagpapanggap siya, masayang ang lahat ng naumpisahan niya.Bumitaw naman ito sa kanya dahil medyo humakbang na siya papalayo, nang hindi ipinahahalata na allergic siya sa rito. He doesn't want her to kiss him, damn it. Hindi niya paaabutin sa ganun ang sitwasyon ng pagkukunwari niya.Kung si Diana nga na minahal niyang totoo ay hubad na't nakapatong sa kanya, natalikuran niya, ito pa bang di naman niya alam kung saang lupalop napunta nang tanggihan niya ang extension?Baka siya talaga ang hinahabol ni Silvana kaya