Share

The Billionaire's Mischievous Wife
The Billionaire's Mischievous Wife
Author: nhumbhii

Kabanata 1

Author: nhumbhii
last update Huling Na-update: 2022-01-27 13:22:33

Marahas na tinabig ni mama ang tasang may laman na tsaa dahilan para mabasag ito at kumalat ang mga bubog sa makintab na marmol na sahig dito sa living area ng mansion. 

“What kind of dress are you wearing? Who told you na pwede kang kumain ng mga ganyang klaseng pagkain?” napatingin siya sa dalawang karton ng donuts na nakapatong sa center table. “Hindi ganyan ang kilos ng isang Kiersten Corlett Arcilla. We’re running out of time, Kristine. Ilang pagsasanay pa ba ang dapat mong gawin para matuto ka?” kitang-kita ko sa mga mata ni Mama ang pagkadismaya bago niya ako tinalikuran at nagpipigil sa inis na umalis. 

Alam kong pagod na siya sa kakasuway sa’kin. Anong magagawa ko? Likas na talaga ang pagiging pasaway ko. 

Napakagat ako sa ibabang labi saka naiiling na tinitigan ang hawak kong donut. “Kakain lang naman sana eh. Kasalanan ko ba na hindi mahilig sa ganito si ate?” tila batang pagmamaktol ko.  

Pinakatitigan ko ang suot na big size shirt bago napagpasyahang ibalik ang hawak na donut sa box na pinaglagyan nito. “Makakain din kita. Not now pero sure akong malapit na,” napabuntong hininga pa ako bago tinungo ang kwarto para gumayak dahil naka-schedule akong pumunta sa Onirique main building ngayong araw. 

Onirique Business Enterprise o mas kilala bilang Onirique Cosmetics sa bansa ay pagmamay-ari ng angkan namin. Sa ngayon, isa ang Onirique Cosmetics sa mga top distributor dito sa Pilipinas at talagang tinatangkilik ito hindi lang ng mga kababaihan, kundi pati na din ng mga kalalakihan. Balak pa nila ni mama na magpatayo ng branch sa ibang bansa, siguro for the expansion na din, pero hindi iyon magiging madali kaya kakailanganin nila ang tulong mula sa iba pang mga tanyag na negosyante. 

“May gusto ka pa bang daanan bago dumiretso sa main building?” 

Napabalik ako sa reyalidad nang bigla akong tanungin ng personal assistant ni mama na si Cecile na kasalukuyan ngayong nasa driver’s seat. “Uhm. Pwede bang dumaan muna tayo sa hospital? Gusto ko munang bisitahin yung kakambal ko,” Nakangiti kong sagot na siyang ikinatango niya. 

Magmula noong dinala ako dito sa Manila ni Mama, si Cecile ang nagsisilbing assistant at tagapag-bigay alam sakin. Assistant siya ni mama, pero sabi ni mama, mas kailangan ko daw si Cecile kaya pansamantalang siya muna ang magiging assistant ko hangga’t hindi pa ako lubusang nahasa sa mga bagay at obligasyon na kailangan kong gawin. Lubos na pinagkakatiwalaan ni mama si Cecile kaya alam din nito ang sekreto namin na kaming magkakapamilya lang ang may alam. 

“Siyanga pala, sinabi sakin kanina ni Madam baka daw bibisita si Brent na fiancé ng kakambal mo sa main building,” Ani Cecile habang nagmamaneho. “First meeting niyo ‘yon kung saka-sakali.” 

“Uhm,” Inihilig ko ang ulo ko sa bintana saka pasimpleng dumungaw sa labas. 

Mag-iisang buwan na din magmula noong nilisan ko ang probinsya namin at iniwan si Papa para lang sumama kay Mama dito sa Manila. Alam kong hanggang ngayon nagtatampo pa din si Papa dahil sa naging desisyon ko, pero wala eh. Mas nanaig pa din sakin ang kagustuhang makapiling si Mama sa kabila nang ginawa niya kay Papa dati. Babalik naman ako do’n eh. Babalik ako kapag nasigurado kong okay na ang sitwasyon nila dito ni Mama at ng kakambal ko. 

“Sa lobby na lang ako maghihintay. Huwag kang masyadong magtagal do’n, okay?” bilin sakin ni Cecile pagkarating namin sa tapat ng Hospital kung saan kasalukuyang naka-confine ang kakambal ko. 

Nauna na akong lumabas sa kotse saka dumiretso sa VIP room na inukupahan ni Mama para sa kapatid ko. Isang buwan na ang lumipas nang malaman kong naaksidente ang kotseng minamaneho ng kakambal kong si Kiersten at na-comatose dahil sa pinsalang kanyang natamo. Her wedding will be held few weeks from now, kaya kaagad akong kinuha ni Mama sa probinsya para pagpanggapin bilang si Kiersten hangga’t hindi pa ito nagigising. 

Noong una, hindi talaga ako pabor sa gustong mangyari ni Mama, pero nang malaman ko na manganganib ang posisyon ng kakambal ko sa kompanya pati na din ang balak nilang partnership with Classe Mondiale Corporation oras na hindi matuloy ang kasal nito kay Brent Zecharias Alava at malamang nasangkot ito sa isang aksidente, hindi na ako nagdalawang isip na tulungan sila. Gusto ko din kasi makasama si Mama dahil bata pa lang ako, iniwan niya  na ako sa puder ni Papa. 

Walang may nakakaalam maliban sa kalapit pamilya namin ang tungkol sakin. Akala ng karamihan ay nag-iisang anak lang ni Mama si Kiersten, kaya naman ako ang ginawang pansamantalang panakip butas para hindi magkaroon ng aberya sa Onirique Business Enterprise. 

Identical twin kami ni Kiersten. Magmula sa tangkad, hugis ng katawan at kahit na ‘yong hitsura naming dalawa ay parehong-pareho. Aakalain mo talagang iisang tao lang kami kapag magkaparehas ang damit na suot namin. Siguro kung may bagay na hindi magkapareho sa’min, iyon ay ugali at kilos naming dalawa. Kung si Keirsten ay tinaguriang hindi makabasag pinggan dahil sa sobrang hinhin niya, ako naman ay binansagang magaslaw sa probinsya namin. May iniingatang imahe kasi ang kakambal ko at hindi pwedeng masangkot sa ano mang gulo. Pero ako? I live my life to the fullest not minding the possible consequences of my actions. Halos lahat din ng employee sa kompanya ay takot sa kapatid ko. Sino ba naman kasi ang hindi matatakot, kapag isang pagkakamali mo lang, awtomatikong tatanggalin ka kaagad niya sa trabaho. She doesn’t care kahit na sabihin mo pang ang trabahong ito lang ang bumubuhay sa’yo. Magkaubusan man ng trabahador sa kompanya, wala siyang pakialam. 

“Malapit na ang kasal mo. Wala ka man lang ba planong gumising diyan?” pabiro kong sabi sa walang malay niyang katawan na nakahiga sa hospital’s bed. Naupo ako sa isang stool at marahang hinawakan ang kanyang kamay. “Pinapangako kong hindi masisira ang kung ano man ang pinaghirapan niyong dalawa ni Mama,” pilit ang ngiti kong saad.

Ilang lingo din akong sinanay ni Mama para gayahin si Kiersten. Alam kong challenging ito sa part ko dahil sa kilos pa lang namin ng kakambal ko, ay malayong malayo na eh, pero kailangan ko parin gawin. Hindi ako sanay magsuot ng mga mararangyang damit, pati na din ang umakto nang naaayon sa mga mayayamang tao. Wala din akong kaalam-alam sa pamamalakad ng negosyo nila Mama, pero ang tanging bilin niya sakin, ang gagawin ko lang ay pumasok araw araw sa opisina para kahit papano ay kunwari nakikita pa din ng mga tao do’n ang presensya ni Kiersten. 

Habang pinagmamasdan ko ang kapatid ko, bigla ko na lamang naramdaman ang pag-vibrate ng hawak kong phone. Pagkatingin ko sa caller ID, nakita ko ang pangalan ni Cecile. 

“Hello? Bakit ka napatawag?” 

[Kailangan na nating umalis dahil may kikitain pa tayong importanteng tao,] sagot ng nasa kabilang linya. 

“Teka, wala pa ngang sampung minuto eh—”

[Gusto mo bang mapagalitan ka na naman ni Madam?]

“Okay, okay! Lalabas na ako,” napabuntong hininga na lamang ako bago tinapos ang tawag. 

Mga ilang minuto ko ding tinitigan ang kakambal kong parang mahimbing lang na natutulog bago napagpasyahang lumabas dahil paniguradong nag-aalburuto na naman do’n si Cecile habang naghihintay sa'kin. Parang kaibigan na din ang turing ko sa isang ‘yon athough hindi gano’n ang tingin niya sa’kin. Siya kasi lagi ang sumasalo sa lahat ng mga palpak kong ginagawa. Ayaw niya din na lagi na lang akong napapagalitan ni Mama dahil naiintindihan niya ang sitwasyon na meron ako ngayon. 

“Kakatawag lang sa’kin ni Madam at sinabi niyang gusto daw makipagkita ni Mister Alava sa’yo, doon mismo sa kompanya nila,” bungad kaagad sa’kin ni Cecile pagkapasok ko pa lang sa kotse.

“Ah, si fiancé?” 

“No. It’s the owner and president of Classe Mondiale Corporation,” batid ko ang pagkabahala sa boses niya. “I just hope you’ll behave accordingly kapag nagkita kayo ng tatay ng fiancé ng kakambal mo,” tugon pa niya.

Napatango-tango na lang ako saka inayos ang seatbelt. “Ibig sabihin, ito-tour mo din ba ‘ko sa loob ng Classe Mondiale Corporation building?” pagkukumpirma ko nang hindi man lang siya binabalingan ng tingin. 

Sabi niya kasi sa’kin dati na kapag nakatyempo daw siya, ipapasyal niya ako sa isa sa may pinakamalaking gusali dito sa Pilipinas which is yung company ng fiancé ng kakambal ko. 

“Seriously, Kristine? You’ll be meeting with one of the greatest influencers in business industry. I’ll be not at your side while meeting with your twin’s future father-in-law, kaya dapat mas alalahanin mo kung paanong pakikitungo ang gagawin mo mamaya,” 

I saw her rolling her eyes in the rear-view mirror. Hindi na ako sumagot pa at nilibang na lang ang sarili sa mga nadadaanan naming mga malalaking gusali. 

“Huwag kang lalabas hangga’t hindi pa ‘ko nakakabalik,” kaagad na bilin sakin ni Cecile pagkarating namin sa parking lot ng gusali ng Classe Mondiale. “Maliwanag ba?” isang malalim na tingin ang ipinukol niya sakin na para bang nagbabanta na huwag kong susubukang gumawa ng kapalpakan habang wala siya, or else, malalagot na naman kaming dalawa kay mama. 

Wala talagang tiwala sa’kin ‘to. Tingin niya talaga gagawa ako ng kalokohan gayong nasa loob lang ako ng kotse? Tch.

Walang gana akong napatango at isinandal ang ulo sa bintana. Narinig ko pa siyang bumuntong hininga bago tuluyang lumabas at iniwan ako. 

Hays, Cecile. Kailan ka ba magtitiwala sa’kin na hindi ako gagawa ng kabalastugan habang wala ka? 

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni, bigla ko na lamang naramdaman na may kumakatok sa mismong bintana na sinasandalan ko. I then fixed my posture before deciding to roll down the window. 

“Po?” I politely asked after seeing a man in a business suit, standing right in front of the window from where I was sitting.

Do I know him? I mean, do Kiersten know him by any chance? Ka-sosyo niya ba ‘to sa business? 

During my training to copy everything about Kiersten, madaming pictures ng mga tao ang ipinakita sakin ni Cecile na mga kakilala at nakakakilala sa kakambal ko, pero hindi ko matandaan ang isang ‘to— o baka naman nakalimutan ko lang? Parang hindi naman. Hindi ko matandaan kung nakita ko na ba siya dati. 

Tumikhim siya saka inayos ang suot na necktie. Napatingin pa siya sa magkabilang side ng parking lot na para bang sinisiguro na walang ibang tao maliban sa'ming dalawa.

“Bakit po?” muli kong tanong kahit na ang totoo'y nababahala na ako sa ikinikilos ng lalaking 'to. 

“Can we talk?”

Luh? Sino ba ‘to? Baka kidnapper ‘to na nakasuot ng pormal na damit para hindi aakalain na kidnapper talaga siya? Geez.

“A-Ano kasi… Hindi ako pwedeng—” balak ko na sanang isara ang bintana nang bigla niyang iharang ang kanyang braso dahilan para mapapitlag ako sa gulat at mabilis na dumistansya kahit na nasa loob naman ako ng kotse. 

“Let’s talk about us,” 

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Mischievous Wife   Kabanata 2

    “Let’s talk about us,” Awtomatikong napakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya. “What about us?” I stared at him firmly, raising my eyebrow in the process. Cecile once told me na ganito palagi ang expresyon ni Kiersten sa tuwing may kumakausap sa kanya. Sino ba kasi ang lalaking ‘to? Iba ang dating sakin ng pagsabi niyang ‘Let’s talk about us’. Jowa ba ‘to ni Kiersten? Parang hindi naman, kasi kung jowa niya talaga ‘to, paano yung wedding niya with Brent Alava? “Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko,” walang kagatol-gatol niyang sabi. Tuluyan na nga akong kinain ng kuryosidad at kaagad na lumabas para kausapin siya ng pormal. I smell something fishy at palagay ko may isang malalim na ugnayan meron silang dalawa ni Kiersten. “Look, I’m sorry. It wasn’t my intention na gawin ‘yon, pero…” saglit siyang napahinto saka yumuko. “P

    Huling Na-update : 2022-02-01
  • The Billionaire's Mischievous Wife   Kabanata 3

    Pasado alas onse na ng umaga at kasalukuyan kaming naghihintay sa opisina ng future father-in-law ng kakambal ko na CEO ng Classe Mondiale Corporation. “Sabi na nga ba’t hindi dapat kita iniwan do’n. Don’t you know that you’re actually digging your own grave dahil sa ginawa mo?” tila gigil na gigil na suway sa’kin ni Cecile at kanina pa pabalik balik ng lakad sa harapan mismo ng inuupuan kong long sofa. Ewan ko ba sa babaeng 'yan. Ako yung nahihilo dahil sa ginagawa niya. Daig niya pa yung nanay ko kung sermonan ako ngayon. “Sorry. Wala naman sana sa plano ko ang gano’n,” nakanguso kong sambit saka umiwas ng tingin dahil baka tuluyan pa akong mahilo dahil sa ginagawa niya. Kung alam ko lang sana na may sariling parking lot ang Brent Alava na ‘yon, edi sana hindi ako nagkamali sa sinagot ko no’ng tinanong niya ako. Saka kasalanan niya din ‘yon kasi bigla bigla na lang s

    Huling Na-update : 2022-02-08
  • The Billionaire's Mischievous Wife   Kabanata 4

    “We need to talk!”Pagkalabas ko sa pinto ng opisina ni Mister Alava, kaagad na hinigit ni Brent Alava ang braso ko at hinila— no! It’s more like parang kinakaladkad niya ako dahil muntikan na akong matapilok sa heels na suot ko dahil sa ginagawa niya.“Now, speak!” pagalit niyang utos.Pumasok kami sa isa pang opisina at buong pwersa niyang isinara ang pinto. Iginala ko ang paningin ko nang mapadako ako sa table, nakumpirma kong sa kanya itong opisina dahil nakita ko ang pangalan niya sa acrylic desk plate name holder. No wonder boring din ang pagkakadisensyo nitong opisina dahil siya pala ang may-ari.“Where’s your secretary?” tanong ko sa kanya. “Padalhan mo nga ako dito ng breakfast. Hindi pa ako nakakain ng agahan dahil nagmamadali ako kanina,”Naglakad ako papunta sa table niya at paba

    Huling Na-update : 2022-02-08

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Mischievous Wife   Kabanata 1

    Marahas na tinabig ni mama ang tasang may laman na tsaa dahilan para mabasag ito at kumalat ang mga bubog sa makintab na marmol na sahig dito sa living area ng mansion. “What kind of dress are you wearing? Who told you na pwede kang kumain ng mga ganyang klaseng pagkain?” napatingin siya sa dalawang karton ng donuts na nakapatong sa center table. “Hindi ganyan ang kilos ng isang Kiersten Corlett Arcilla. We’re running out of time, Kristine. Ilang pagsasanay pa ba ang dapat mong gawin para matuto ka?” kitang-kita ko sa mga mata ni Mama ang pagkadismaya bago niya ako tinalikuran at nagpipigil sa inis na umalis. Alam kong pagod na siya sa kakasuway sa’kin. Anong magagawa ko? Likas na talaga ang pagiging pasaway ko. Napakagat ako sa ibabang labi saka naiiling na tinitigan ang hawak kong donut. “Kakain lang naman sana eh. Kasalanan ko ba na hindi mahilig sa ganito si ate?” tila batang pagmamaktol ko.&n

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status