Share

Chapter 3

PAGKATAPOS magbihis ay humarap si Clea sa salamin. Pinagmasdan niya ang kaniyang sarili suot ang isang pormal na damit. Napakaiksi yata ng palda na ipinahiram sa kaniya ng kaibigan, ngunit ayos na rin naman ito dahil wala naman siyang ibang pagpipilian at wala na rin siyang oras para maghanap pa ng iba. Halos pumutok ito sa kaniyang mga hita. Naglalakihan kasi ang mga iyon datapwat hindi naman siya mataba at maliit ang kaniyang baywang. Masasabing perpekto ang kaniyang pangangatawan. “Let’s go, Cle. It’s your first day. You can do it,” pagpapalakas loob niya sa sarili. Unang araw niya sa kaniyang unang trabaho. Dapat ay maging perpekto ang lahat.

Hindi na siya nagtagal pa sa bahay at kaagad nang bumyahe. Mayroong daga sa kaniyang dibdib. Kabado siya dahil unang araw. Wala pa siyang kakilala sa loob at bago sa kaniya ang papasukin na lugar, ngunit walang kahit na anong makapagpapabago sa determinasyong mayroon siya ngayon. Ang totoo niyan ay sa kabila ng kaba ay naroon din ang excitement. “Salamat po,” wika niya sa taxi driver na sinakyan matapos mag-abot ng bayad at bumaba. Sobra pa ng bente pesos ang halaga ng ibinayad niya sa halaga ng nasa metro; tip niya na sa driver iyon. Galante siya ngayong araw.

Huminga muna siya nang malalim bago pumasok sa gusali na pagtatrabahuhan niya. Sa entrance ay nagsulat muna siya sa log book at nakapasok naman kaagad dahil may kung anong gate pass na ibinigay sa kaniya noong nakapasa siya at nakapagpasa ng mga requirements. Sa ika-walong palapag ang kaniyang magiging opisina, doon siya magtutungo ngayon. Habang naglalakad ay pinagmamasdan niya ang paligid at mga tao. Tila lamang siya hangin na dumadaan at walang pakialam sa kaniya ang mga tao na abala sa trabaho. Busy na busy ang mga ito, maigi na lamang at alam niya na kung saan magtutungo at nabigyan na siya ng direksyon bago ang kaniyang unang araw.

“Ikaw ‘yong bagong sekretarya ni Sir Elias ‘no?” tanong ng isang babae nang tuluyan siyang makarating sa palapag na paroroonan. Kaagad siya nitong nakilala dahil wala namang ibang bagong empleyado sa palapag na iyon.

Mabilis siyang tumango at ngumiti. “Ako nga po,” kinakabahan pa siya nang tumugon.

Ang babae ay ngumiti. “Halika, kanina pa kita hinihintay.” Nagpatiuna ito sa paglalakad. “Dito ang magiging lamesa mo. Alam mo na ba ang mga dapat mong gawin? Do you have any experience in this job?”

“M-may alam po pero hindi masiyado. T-this is my first job.” Napalunok siya ng sariling laway. Bakit ba nauutal-utal pa siya? Talagang kinakabahan siya ngunit determinado lalo na at alam niyang malaking oportunidad ang pagkapasok dito. Biruin mo at sa dinami-rami ng nag-apply ay siya ang mapipili? Malaking bagay iyon na hindi niya sasayangin.

“It’s okay, i-guide kita. Madali lang naman ang mga gagawin mo, kailangan mo lang maging focus palagi sa trabaho. Hindi pupwedeng lumipad ang isip kahit na saglit. Bawal pumalpak, or else you’ll be dead.” Tumawa ito. “Biro lang pero bawal na bawal talaga ‘yon lalo na at ikaw ang sekretarya ng presidente nitong kumpanya.”

Napahinto siya sa paglalakad. “S-Sorry? Sekretarya ako ng presidente ng kumpanya?” Namilog ang kaniyang mga mata at napangiti. Natuwa siya dahil pakiramdam niya ay achievement iyon.

Ang babae na mukhang may mataas na katungkulin ay huminto rin sa paglalakad. Humarap sa kaniya at tumango. “Yes, kaya naman dapat ay ma-impress mo sila sa unang araw na ‘to at syempre sa mga susunod mo pang araw rito.” Bumalik ito sa paglalakad at kaagad naman siyang sumunod. Itinuro nito sa kaniya ang kaniyang puwesto. Sakto lamang ang kaniyang study table at nasa labas mismo iyon ng opisina ng presidente. Tuwang-tuwa siya. Excited na tuloy siyang magsimula, kaya nga lamang daw ay hindi pa dumarating ang presidente. Habang wala pa siyang ginagawa ay iginala siya ng babae sa loob ng kumpanya at ipinaliwanag ang mga bagay-bagay. Sinimulan ding sabihin sa kaniya ang mga dapat at hindi niya dapat gawin.

“Salamat po,” pasasalamat niya sa nag-tour sa kaniya sa kumpanya at nagpaliwanag ng kaniyang magiging trabaho. Suwerte nga talaga siya kung maituturing, dahil nakapasok siya sa ganitong kumpanya nang wala pa siyang experience. Gagawin niya ang lahat upang tumagal sa trabahong ito.

Nagulat na lamang siya nang huminto sa trabaho ang lahat ng empleyado at tumayo sa magkabilang gilid ng office aisle ang mga ito. Ang mga ito ay aligaga na umayos sa puwesto hanggang sa maunawaan niya ang lahat. Mula kasi sa hallway ay kaagad niyang natanaw ang isang matangkad na lalaking naglalakad patungo sa kanilang gawi kasunod ang ilang tao na mayroong dalang mga gamit. Napagtanto niyang ito ang presidente ng kumpanya nang batiin ito ng mga empleyado.

“Good morning, Mr. President!” sabay-sabay na bati ng mga ito sa lalaki na nagpapatiuna sa paglalakad.

Namilog ang kaniyang mga mata nang makilala ito. Ito ang lalaking nakatalik niya ng isang gabi noong siya ay malasing. Napatakip siya ng palad sa kaniyang mga labi dahil hindi siya makapaniwala. Tatalikod sana siya upang hindi nito makilala ngunit huli na ang lahat dahil nabaling na sa kaniya ang atensyon nito. Paano ay siya lamang ang nag-iisang tao na nasa gitna ng daanan habang ang lahat ng empleyado ay bumabati sa magkabilang hilid at nakahilera.

Dumagungdong nang labis ang kaniyang dibdib. Animo ay mayroong nagdu-drum doon. Hindi niya malaman ang kaniyang gagawin. Nais niya na lamang kainin ng lupa.

Humakbang ang lalaki papalapit at huminto sa kaniyang harapan. “Tell me your name.”

Napalunok siya ng sariling laway. “C-Clea... Clea Buenaventura.”

Hindi ito nagsalita.

“Good morning, Mr. President. Siya si Clea, your new secretary.” Humarap ang babae na siyang nag-assist sa kaniya kanina. “Clea, this is Mr. Elias Adamson. The president of the company. He’s your new boss.”

Sa dinami-rami ng taong pupwede niyang maging amo, bakit ang taong naka-one-night-stand pa niya? Talaga bang pinaglalaruan siya ng tandhana? Paano niya gagampanan ang trabaho kung paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang nangyari sa kanila ng lalaking ito nang gabing iyon? Ang bawat ungol nilang kumakawala sa buong silid?

This is hell!!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status