THIRD PERSON POVKunot noong tinitingnan ni Blaze ang paligid ng kwarto niya dahil sa mga nagkalat na planggana na may tubig, basang towel at ilang mga platito. Ang huli niyang naaalala kagabi ay ng sigawan pa niya si Beatrice dahil sa pag-aalaga sa kaniya.Napatingin na lang siya sa ibaba ng kama niya ng bumangon si Beatrice.“What are you doing there?” malamig niya nanamang aniya. Nakusot-kusot naman na muna ni Beatrice ang mga mata niya saka siya tumayo at inayos ang sarili.“Mataas kasi yung lagnat mo kagabi kaya hindi kita maiwan. Konsensya ko pa kung namatay ka.” prangka niyang saad saka inayos ang mga nagkalat na gamit sa kwarto.“Do you think I’m gonna die because of that?” masungit niyang saad, napairap na lamang si Beatrice dahil sa pagsusungit nito sa kaniya kahit agang aga.“May namamatay sa sakit, tandaan mo iyan. Hindi ka Diyos para alam mo kung anong mangyayari sayo.” pagkatapos niyang ayusin ang lahat na nagkalat sa kwarto ni Blaze ay lumabas na rin siya. Minsan pa niy
“Sana ikaw na lang nasugatan no tapos ako naman ang magsasabi niyan sayo. Napuyat ako ng dahil sayo, hindi ako nakatulog ng maayos at hanggang ngayon ramdam ko ang hilo sa ulo ko. Nakarinig ka ba ng reklamo sakin?”“Hindi ko naman sinabi sayong alagaan mo ako. I never asked your help.”“Ibang klase ka rin talaga eh no? Imbis na pasasalamat ang marinig ko mula sayo, pagmamayabang mo pa ang maririnig ko. Huwag kang mag-alala kapag nawala na ang konsensya ko kahit mamatay ka pa sa harapan ko wala akong pakialam.”Hindi naman na sila nag-usap na dalawa nang dumating na si Paul dala-dala ang medical kit.“Ako na,” ani ni Beatrice ng akma sanang gagamutin ni Paul ang sugat niya. Hindi naman yun masyadong malaki at malalim, sadyang malakas lang talaga tumagas ang dugo niya kapag nasusugatan siya na aakalain mong malaki o malalim ang sugat niya.Matapos niyang malagyan ng band aid ang sugat niya ay tumayo na rin siya.“Thanks,” baling niya kay Paul.“Siya nga pala, Mrs. Marissa gave me this a
Apat na araw pa lamang nila sa Boracay subalit kailangan na nilang umuwi. Hindi na makapaghintay si Blaze na makabalik ng kompanya dahil sa nangyayari. Tumawag sa kaniya si Aaron dahil sa mga problemang kinakaharap ng kompanya. Matapos makapaggayak ng gamit si Beatrice ay lumabas na rin siya at hinintay na lang sa sala si Blaze. Maaga pa at ayaw niyang sirain ang araw niya sa galit nanaman ni Blaze.Prente lang siyang nakaupo dahil alam niya na kung anong nangyayari sa kompanya. Habang magkasama silang dalawa ni Blaze ay kumikilos naman si Sabrina para unti-unting pabagsakin ang kompanya. Mahirap, hindi ganun kadali pero kaya nilang unti-untiin. May ngiti sa kaniyang labi habang nakatingin siya sa pintuan ng kwarto ni Blaze. Makalipas ng ilang minuto ay lumabas na rin si Blaze, walang salita siyang lumabas na rin ng kwarto nila.Nakasunod lang naman sa kaniya si Beatrice. Hindi maalis ang pagkakakunot ng noo ni Blaze, ang akala niya ay maayos lang ang kompanya at hindi magkakaroon
“Pwede ba, hindi kita kailangan ngayon. Kung hinahanap ko man ang asawa mo ngayon, yun ay dahil may dahilan ako! Linisan mo yang utak mo dahil masyado ng marumi mag-isip! Wala akong ginagawa sayo Camilla so will you please give me a peace?! Kausapin mo ang asawa mo. Sinabi ko na sayong itali mo na lang mas mabuti.” Ang galit na nararamdaman niya ay mas lalong ginatungan ni Camilla. “Kahit itali ko pa siya kung nag-eexist pa rin ang katulad mo wala ring silbi! Ang landi landi mo, tuwang tuwa ka pa na ikaw ang napagkamalang asawa ni Blaze? trabaho ba talaga ang ipinunta niyong dalawa sa Boracay o bakasyon?! May oras pa kayong dumalo sa mga party? Ang galing, nakipagsuntukan pa talaga ang asawa ko para lang sayo!” nahilot ni Beatrice ang sintido niya, wala na lang ibang prinoblema si Camilla kundi kung ano ang ginagawa nila ni Blaze. May panahon pa siya para alamin kung anong nangyayari sa kanilang dalawa. Hindi siya makapaniwalang punong puno ng pagdududa si Camilla. Ayos na rin yun p
BEATRICE POVKagat kagat ko pa rin ang dulo ng ball pen ko dahil hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari sa kaniya. Ilang taon na simula ng mawala ang panic disorder niya dahil nakakaya niya namang ihandle lahat ng nangyayari sa kaniya. Noong nagsasama kaming dalawa ay hindi naman na nangyari sa kaniya yun, ang mahirapang huminga. Bakit ko pa nga ba siya iniisip? tssss. Ano pa bang pakialam ko kung bumalik o hindi ang panic disorder niya. Hinarap ko na lang uli ang tambak na mga papeles sa harapan ko. Bwisit talaga siya eh, ako lang naman ang tinatambakan niya ng gawain tapos yung mga kasama ko parang hayahay ang buhay, walang stress at problema. Tiningnan ko ang bandang sofa kung nandun pa ba si Sabrina pero wala na pala siya kaya ako na lang ang lalabas at kukuha ng kape ko. Dapat pala nagtatambak na lang ako ng kape dito, may dispenser naman na rin dito. Nanguha ako ng pera sa wallet ko para sa labas na lang bumili ng ice coffee. Nakakaantok talaga yung mga pinapagawa niya sakin
“I hope too and don’t call me Mrs. Del Valle or Ma’am, just call me Tita, Tita Chin.” “Thank you Tita, take care.” bumeso naman na muna siya sakin bago siya sumakay ng kotse niya. Pumasok na rin ako ng kompanya, nasobrahan nga kami sa kwentuhan naming dalawa dahil alas dos ako lumabas ng office ko pero alas tres na ngayon. Napadaing na lang ako ng may biglang humila ng buhok ko saka ako idinala sa gilid. Mariin kong naipikit ang mga mata ko ng makita kong si Camilla nanaman. Wala na lang ba siyang gagawin sakin kundi ang hilain ang mga buhok ko kung kailan niya gusto? Ayos ah.“Ano nanaman bang problema mo? sawang sawa na ako sa mga ginagawa mo Camilla. Now, what?” inis kong saad, hilaw naman siyang tumawa sakin. Akala mo nababaliw. “Maang-maangan nanaman girl? Akala mo hindi ko kayo nakita ni Mommy Chin, kitang kita ng mga mata ko kung paano ka makipagtawanan sa kaniya. Ano? Aakitin mo siya para magustuhan ka niya para sa anak niya, ha?! Ibang klase rin ang mga galawan mo no? Hang
Blangko lang akong nakatingin kay Blaze na pinipigilan ang galit niya. Nakasandal lang ako sa upuan ko habang bahagya kong pinapaikot ang swivel chair ko. Kanina pa kami rito sa conference room at pare-pareho kaming tahimik ngayon dahil nakatalikod samin si Blaze habang kinakalma niya ang sarili niya.Bawal siyang mastress ng mastress pero hindi niya mapigilan lalo na ang sumigaw at magalit. Napapangisi na lang ako dito sa gilid habang siya problemadong problemado. Namnamin mo ang hirap ng buhay Blaze, nagiging madali sayo lahat kasi may nakaalalay lang sa likod mo. Ngayong maging ang Chairman ay nawawalan na ng tiwala sayo mahihirapan ka na dahil hindi lang kompanya mo ang dapat mong isipin kundi pati ang kung paano mo maibabalik ang buong tiwala sayo ng Lolo mo.Nilalaro ko lang sa daliri ko ang hawak hawak kong ball pen habang tahimik pa rin si Blaze at palihim na humuhugot ng malalim na buntong hininga. Itinatago niya ang panic disorder niya, I don’t know if Camilla knows this.Ni
Bilang magulang, pinakamasakit ang hindi mo maibigay ang kagustuhan ng anak mo, ang matagal niyang inaasam-asam pero hindi ko siya kukulangin sa pag-aalaga at pagmamahal para kung sakali mang malaman niya na ang lahat ng nangyari sa pamilya namin, hindi na siya maghahangad ng pagmamahal mula sa ama niya dahil naging sapat na ako sa kaniya.“Sabihan mo lang ako kung kailan mo ulit ako balak na pakilusin. Kaya mo naman ang mga trabaho rito?”“Oo naman, kaya ko naman. Bakit? May gagawin ka ba?”“Uuwi sana ako ng probinsya namin. Magtetext na lang ako sayo kapag may schedule kang meeting. Uuwi rin ako next week.” Pagpapaalam niya, kaya ko naman ang mga trabaho ko rito.“Sure, no problem. You deserve a rest naman dahil hindi rin biro ang mga ginagawa mo para bigyan ng problema si Blaze.”“Thanks, mauna na ako sayo. Tapusin ko lang mga trabaho ko then uuwi na rin ako later.” Tinanguan ko na lang siya. Lumabas na rin siya ng office ko, hinarap ko na rin ang mga papeles na ‘to. Masyado na ito