HAPPILY MARRIED...
Walang ibang salitang pumapasok sa isipan ni Nicole upang ilarawan ang nararamdaman kung hindi 'yon lamang.Bakit? Dahil dalawang taon na silang kasal ng mabait at mapagmahal nitong asawang si Noah.Sadya mang naging mahirap at malubak ang pinagdaanan nilang dalawa sa umpisa ngunit masasabi niyang sulit naman ang lahat. Ni minsan ay hindi ito nagkulang sa kaniya at talaga namang naging espesyal ang bawat sandali na magkasama silang dalawa.'Yon din ang dahilan kung bakit paulit-ulit niyang pinag-isipan kung papaano sasabihin ang magandang balitang alam niyang maaaring makapagpatibay sa kanilang pagsasama.Marahil dumating na ang tamang oras upang tawagin nitong Mrs. Saavedra ang sarili nang walang halong pangamba.KINAUMAGAHAN, sa nanginginig at pagod na katawan ay napabuntong-hininga si Nicole na nag-iinit ang pisngi sa pinaghalong hiya at kilig na nararamdaman.Dahan-dahan niyang pinulot ang mga nagkalat na damit sa sahig at maya’t mayang natitigilan kapag naaalala ang nangyaring tagpo sa pagitan nila ng asawa.Kahit dalawang taon na silang kasal ni Noah ay hindi pa rin maiwasang makaramdam siya ng hiya. Kahit naman siguro ibang tao ay ganoon din ang mararamdaman matapos ang isang mainit na tagpo.Sabihin man kasing buong-puso nitong ibinigay ang sarili sa asawa ay nagkaka-ilangan pa rin sila minsan. May mga oras pang hindi nila kinikibo ang isa't isa at natutulala na lamang sa kinahihigaan pagkatapos ng paniniig.Matapos makapagbihis ay sakto namang lumabas ng banyo ang asawa na tanging tuwalya lang ang tumatakip sa maselang parte ng katawan.Lihim siyang napalunok dahil para bang may sariling isip na sumulyap ang mga mata niya sa nakakatakam nitong abs at perfectly-toned biceps.'Ano bang nagawa kong kabutihan para magkaroon ng isang living Greek God-like husband? Maliban sa mabait at masipag ay sobrang yummy pa!' Muntik na itong mapangiti nang maglumikot ang isipan niya sa kinatatayuan.Hindi nagtagal, napaiwas ng tingin si Nicole pero lumapit pa rin upang ibigay ang damit na susuotin ng asawa.May parte ng pagkatao nitong naghihintay ng matamis na birthday greetings mula rito pero mukhang nawala sa isip ng mister ang mahalagang okasyon.Binalewala 'yon ni Nicole dahil mas lamang ang excitement na nararamdaman nito para sa magiging announcement mamaya.“Thanks for clearing your schedule this morning, Noah. Alam ko namang patong-patong ang mga inaasikaso mo sa kompanya," aniya saka tipid na napangiti sa asawa.Nanatili itong tahimik pero napansin niyang parang may hinahanap itong kung ano sa built-in cabinet ng kanilang kwarto.Sa pangalawang pagkakataon ay pinalampas niya ang katahimikan nito, wala siyang balak kulitin ang asawa at baka mamaya ay may inihanda rin pala itong surpresa para sa kaniya."Handa na raw ang breakfast sabi ni Manang Tere, Noah. Sumunod ka na lang pagkatapos mong magbihis,” saad niya at saka nagmamadaling lumabas ng kwarto.Sandali pa siyang natigilan sa may hagdan at mariing napapikit dahil sa lakas ng pintig ng puso. Kahit anong gawing pagkalma ay hindi niya talaga kayang kontrolin ang halo-halong emosyon sa araw na ito.Nang makita nitong nakahanda na ang mga pagkain ay dumiretso siya sa kusina para pakiusapan ang mga kasambahay na umalis muna dahil may importante siyang sasabihin kay Noah.Pagkaalis ng mga katulong ay kinuha niya ang baked macaroni na pinaghirapan niyang gawin kahapon para sa espesyal na araw. Hindi nito mabilang kung ilang recipe ang sinubukan niyang gawin hanggang ma-perpekto nito ang inaasam na timpla.Taon-taon kasing nagpapadala ng cake sa tuwing birthday niya ang lolo ni Noah kung kaya naman gusto niyang mas maging memorable ang araw na ito. Gusto niyang makita na nakangiti ang asawa dahil sa pagkaing niluto niya, sapat na iyong birthday gift para sa kaniya.Maliban doon, kinuha rin ni Nicole ang pregnancy test result na maingat niyang itinago sa drawer tatlong araw na ang nakalipas.Ilang sandali pa ay narinig niya ang yabag ng mga paa ni Noah na papalapit, hindi niya napigilan ang matinding excitement.Nang makita ni Nicole ang asawa ay hinanda na niya ang sarili. Kahit pa bahagya siyang natulala dahil sa angkin nitong kagwapuhan.Muntik na siyang mapaamang dahil bagay na bagay kay Noah ang suot nitong hand-tailored black suit. Napaka-eleganteng tingnan, kaya mas umangat ang kakisigang taglay nito.“Naparami yata ang pagkain? Mauubos ba nating lahat 'yan?” tanong ni Noah.Sinadya nitong huwag sumagot hanggang sa napansin niyang bumilog ang mga mata ng asawa pagkatapos nitong mapansin ang cake at nakasulat doon.“…B-Birthday ko ngayon,” saad niya.Napakurap naman si Noah bago napangiti.“Happy birthday…”Abot tenga ang ngiti ni Nicole sa sinabi nito at muling nagsalita, “Mabuti naman at hindi mo nakalimutan, Noah. Siya nga pala may sasabihin akong importante sa'yo…”“Ako rin, may sasabihin,” mahina ang boses na sabi ni Noah.Hindi niya maintindihan kung bakit parang bigla na lang bumigat ang pakiramdam nang malalim itong napabuntong-hininga sa kaniyang harapan.“Nicole…pwede bang maghiwalay na tayo?”Naglaho ang matamis niyang ngiti sa labi at bumagsak ang mga balikat habang hindi makapaniwalang tumingin sa asawa.Para bang tinusok ng isang libong karayom ang puso ni Nicole sa sinabi nitong hindi niya kailanman inaasahan.Hindi ba dapat masayang balita ang hatid nito dahil birthday niya?Bakit malungkot na regalo yata ang hinanda ng asawa para sa kaniya?Matapos ay binuksan ni Noah ang dalang bag at ipinakita sa kaniya ang isang dokumento. “Annulment paper ‘to. Napirmahan ko na, ang sa'yo na lang ang kulang.”Naluluhang napatitig si Nicole sa dokumento kung saan ay malinaw na makikita ang pirma ni Noah. Mukhang hindi man lang ito nagdalawang-isip na pumirma dahil mamahaling ballpen pa ang ginamit nito kung tinta ang pagbabasehan niya."Bakit?" tanong niyang naiyukom ang kamay dahilan para malukot ang pregnancy test result na hawak.“Pagod na akong magsinungaling at magpanggap, Nicole. Alam kong tatlong taon ang nakalagay sa kasunduan nating dalawa pero gusto ko nang kumawala. Ikaw ba, hindi ka napapagod na magpanggap bilang asawa ko?"Parang may kung anong bumara sa kaniyang lalamunan ngunit ginawa niya ang lahat para sagutin ito."Iyon lang ba talaga ang dahilan?"Sinubukan niyang itago ang lungkot habang nakatingin dito."Naaalala mo ba ang babaeng muntik kong pakasalan noon? My ex-girlfriend for five long years. She's back, Nicole...bumalik na si Ella kaya gusto kong tapusin na natin ‘to. Ayokong sayangin ang pagkakataong muli siyang balikan,” dagdag na paliwanag ni Noah.Nanginginig na napakagat sa pang-ibabang labi si Nicole. Gustuhin man nitong tingnan sa mga mata ang asawa ay hindi niya nagawa sa takot na mapansin nitong nag-uunahan na sa pag-agos ang mga luha niya.Kaya pinili na lamang nitong tumalikod at itago ang sakit na nararamdaman.Ang sakit isipin na dahil bumalik na ang dati nitong nobya at tunay na minamahal ay mababalewala na lamang siya nang ganito kadali.Sa dalawang dahilan nito, alam niyang iyon ang mas matimbang dahil sa araw-araw na ibinigay ng Diyos ay hindi niya naman naramdaman ang sinasabi nitong pagod. Bakit kailangan pang pagtakpan ni Noah ang buong katotohanan?Malalim siyang napahugot ng hininga nang maalala ang hawak na papel.Paano kaya kung sabihin niyang buntis siya?May magbabago ba?Hindi na ba matutuloy ang annulment nila?Kalokohan.Kahit naman siguro hindi matuloy ang annulment nila ngayon ay wala pa ring magbabago. Sa susunod na taon ay maghihiwalay pa rin sila ni Noah.Dahil iyon ang kasunduan.Maliban doon, may lakas ng loob ba siyang makiusap ditong manatili kung hindi na ito masaya sa piling niya?Napapagod na si Noah.Gusto na nitong kumawala sa lalong madaling panahon.“I-ILAPAG mo na lang sa table ang document at pipirmahan ko mamaya," aniya sa asawa.“Sige, saka pwede bang ‘wag mo munang sabihin ‘to kanila lolo at papa? Sigurado kasing hindi papayag ang mga ‘yon sa annulment kung walang mabigat na dahilan,” saad ni Noah.Muling kinagat ni Nicole ang pang-ibabang labi. Gusto niyang mapahikbi ngunit hindi sa harap ni Noah. Kailangan niyang magpakatatag para kahit papaano ay may matira man lang kahit konti para sa kaniyang sarili.Sanay siya sa hirap kaya ang mga ganitong pangyayari ay kailangan niyang kayanin.Mula man sa ordinaryo at mahirap na pamilya ay maayos siyang napalaki ng ina na isang dating nurse. Habang ang ama naman niya ay sugarol at pasulpot-sulpot lang dahil sa dami ng pinagkakautangan.Kung susumahin ay wala talagang pag-asang magkrus ang landas nila ni Noah dahil sobrang layo ng antas ng kanilang pamumuhay.Ngunit nang maaksidente ang sinasakyan ng lolo at ama ni Noah na sina Arman at Ben ay isa ang kaniyang ina sa agad na sumaklol
KUNG SANA ay kaya lang nitong sabihin kay Noah ang buong katotohanan ay baka sakaling may magbago pa, baka sakaling magbago pa ang isip nito ngunit hindi pwede.Tulad nang sinabi nito kanina, ayaw niyang ipagdamot ang kaligayahan nitong alam niyang tanging si Ella lamang ang makakapagpuno.Mas pipiliin niyang manatiling manhid sa sakit na nararamdaman. Wala man itong ideya kung paano maglalaho ang bigat na namamayani sa kaniyang dibdib pero kailangan niyang kayanin iyon alang-alang sa ikasasaya ni Noah…kahit pa sabihing, hindi na siya ang dahilan ng ngiti sa mga labi nito.Mauupo na sana si Nicole nang muling magsalita ang asawa, “Kilala ko ba siya?”Natigilan ito sa kinatatayuan. “A-Akala ko ba gusto mong kalimutan ko na siya? Bakit inulit mo na naman ang tanong?"Bumuntong-hininga si Noah bago napailing na para bang may na-realize ito sa nasabi.“Huwag mo na lang isipin ang tanong ko. Ang mahalaga nagkausap na tayo tungkol sa annulment ng kasal natin. Akala ko magiging mahaba ang us
PAGSAPIT NG TANGHALI ay naabutan niyang hawak ni Lucia ang baked macaroni na pinaghirapan niyang gawin ngunit hindi man lang natikman ni Noah.“M-Manang Lucia!” tawag niya habang nakatitig sa hawak ng ginang. “Saan niyo po dadalhin 'yan?"“Ibibigay ko na sana—““’Wag na lang po!” pigil niya agad.Parang biglang nagbago ang isip nito nang makaramdam siya ng konting kirot sa dibdib habang nakatingin sa pagkaing pinaghirapan niyang gawin.“Akin na po, para sana ‘to kay Noah. Kumuha na lang po kayo ng dalawang tub ng ice cream sa fridge para maging dessert ninyong lahat.”“Gano’n ba? Pero hindi naman mahilig si Sir Noah sa mga mamantikang pagkain,” saad pa ng katulong.Alam niya naman iyon kaya nga sinigurado niyang katamtaman lamang at hindi nakakaumay ang timpla nang hinanda niyang baked macaroni. Sinadya nga nitong olive oil ang gamitin dahil gusto nitong ma-appreciate ng asawa ang niluto niya at hindi ito maumay mula sa sobrang mantika.“Kakainin niyo pong mag-isa lahat, Ma’am? Pero h
KUMUNOT ang noo ni Miguel na para bang wala itong ideya sa mga salitang lumalabas ngayon sa kaniyang bibig. Para siyang nakikipag-usap ngayon sa isang batang walang muwang na gusto lamang magsauli ng bote ng soft drinks sa tindahan.“Alam mong may ibang kasamang babae ang asawa mo tapos okay lang sa’yo? Mapapalampas pa sana kung kaibigan, pero ex-girlfriend niya ‘yon, Nicole! Nahihibang ka na ba talaga o nagbubulag-bulagan ka lang?”Biglang naguluhan si Nicole sa kaniyang narinig. “Ako lang ba ang nakapansin o concern ka lang sa akin?”Marahas itong napabuntong-hininga saka matiim siyang tinitigan.“Hindi rin…ang akin lang ay ikaw ang asawa. May karapatan kang kontrolin kung ano mang pinaggagagawa nitong si Noah. Maliban na lang kung gusto mong masaktan sa huli at mapunta siya sa iba?"“Parang nagbago yata ang ihip ng hangin at bigla kang bumait, Miguel? Dati-rati naman ay ayaw mo sa'kin para kay Noah.”Lumalim bigla ang gatla nito sa noo. “Kasi hindi pa naman kita gaanong kilala noon
SA KABILA nang magiging presensya ni Ella sa birthday party ng lolo ng kaniyang asawa ay pinaunlakan pa rin nito ang paanyaya ni Noah na magkasama silang bibili ng regalo para rito.Kung noon ay walang mapagsidlan ang tuwa niya sa tuwing sabay silang naglalakad sa harapan ng maraming tao, ngayon naman ay sinasadya nitong magpahuli.Mag-asawa man sila kung ituring ngunit malinaw na sa kaniya ang kasalukuyan nitong posisyon sa puso ni Noah.Hindi naman siya tanga upang ipagsiksikan ang sarili."Why don't we look for a watch?" ani Noah kaya natigilan ito sa paglalakad.Muntik pa siyang masubsob sa likod ng asawa dahil para siyang buntot na nakasunod dito magmula kanina.Bilang at maingat kasi ang bawat hakbang na ginagawa niya mapanatili lamang ang ilang pulgadang distansya sa pagitan nilang dalawa."Hmm. Sure," sagot niya saka napatango na lamang.Hindi materialistic ang lolo ni Noah kaya alam niyang matutuwa ito kahit hindi imported at mamahaling relos ang bibilhin nila para rito, but
NANATILI ang katahimikan ni Nicole hanggang muli nilang marating ang kinaroroonan ng asawa. Mas pinili nitong huwag na lamang sumagot kay Ella at baka magmukha lamang siyang masama kapag nakuha nito ang atensyon ng mga taong pumapasok ng rest room.Maliban sa bahagya nang umiinit ang tainga niya sa takbo ng usapan ay pansin nitong unti-unti na rin siyang pinagtataasan ng boses ng kausap. Iyon din ang dahilan kung bakit mas pinili niyang huwag na lamang itong patulan."Sa tingin mo ba magugustuhan ito ni Lolo?" ani Noah habang nakatingin sa kaniyang direksyon.Ibubuka pa lamang sana ni Nicole ang labi upang sagutin ang tanong nito ngunit naunahan siya ng masiglang sagot ni Ella."Oo naman, Love. Mukhang mamahalin at classy ang design, I'm sure babagay ang relong 'yan sa kahit anong soutin ng lolo mo."'Love?'Muntik na siyang masamid ng sariling laway dahil sa narinig.Nagmukha tuloy hangin ang presensya niya dahil sa lakas ng loob nitong tawaging 'love' si Noah sa mismong harapan niya
SINUBUKAN nitong pakalmahin ang sarili ngunit nanatiling mabigat ang mga yapak ni Nicole habang naglalakad sa tabi ng asawa.Ramdam niya ang mga matang nakapako sa kanilang dalawa habang papasok sa mansyon ng mga Saavedra ngunit binalewala niya iyon. Walang ibang laman ang isipan ni Nicole kung hindi ang kagustuhan nitong maibigay ang regalong hawak bago pa man siya maunahan ni Ella."Nicole? What's wrong?" tanong ni Noah pagkatapos siyang lingunin.Umiling lamang ito saka mas hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ng asawa."Ha? Wala naman, Noah. Hindi ko lang inasahang mas marami palang bisita ang Lolo Arman ngayong birthday niya."Kimi siyang ngumiti para kumbinsihin itong 'yon lamang ang dahilan sa likod nang pagiging balisa niya, kahit ang totoong dahilan sa likod n'yon ay ang mga bagay na paulit-ulit na gumugulo sa kaniyang isipan."Is it my fault?" mahina nitong tanong saka bumuntong-hininga. "Dahil ba sa ginawa kong pagha—" Mabilis siyang umiling para huwag nang matapos ni Noah
Napailing si Noah at napabuntong-hininga. Kapagkuwan ay napasulyap ito sa kaniyang direksyon na tila ba may gusto itong sabihin."What do you mean, Ella?" ani Lolo Arman saka nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa.Lihim siyang napahugot ng malalim na hininga. Maari bang magpaalam muna siya papuntang rest room nang sa gano'n ay tapos na ang usapan sa pagbalik niya?Ayaw na nitong dagdagan pa ang bigat na nararamdaman sa kaniyang dibdib at baka mamaya ay higit pa sa luhang pinakawalan ni Noah ang kumawala sa kaniyang mga mata. Wala rin naman itong balak na magmukhang kawawa sa harapan ng mga bisita ni Lolo Arman kapag sinabi na ng asawa ang malungkot na balita tungkol sa kanilang magiging annulment.Ramdam nitong sinusubukang itago ni Ella ang tuwa ngunit mahahalata pa rin 'yon sa kinang ng mga mata nito. Para bang may balak pa itong gawan siya ng mahabang farewell message oras na malaman ng mga Saavedra ang malungkot na balita."Let's talk about it some other time, Grandpa. It's your b
[Something came up, Nicole. I'm sorry but we need to change our schedule for our safety. Hindi ka naman ba mahihirapan na wala ako sa tabi mo papuntang clinic?]Nanatili siyang tahimik habang binabasa nang maiigi ang mensahe ng asawa sa chat. Isang malalim na hininga man ang kumawala mula kay Nicole ngunit minabuti pa rin nitong bilisan ang reply kay Noah.[Don't worry about me. Magkita na lang tayo sa clinic. Hintayin niyo ako ni baby, okay? I'll be there in a few minutes,] pangungumbinsi sa kaniya ni Noah ilang minuto ang nakalipas.May pag-aalangan man ngunit nagawa pa rin nitong sagutin ulit ang mensahe ng asawa. Kahit sabihin pang napakalayo ng gusto nitong gawin ngayon sa orihinal na plano nilang dalawa.Isa lang ang nasa isip ni Nicole sa mga oras na ito, kailangan niyang mag-ayos at maghanda para sundin si Noah.Ilang minuto ang nakalipas, narating niya ang kinaroroonan ng sasakyan kung saan abala pa rin ang driver sa ginagawa nitong maintenance. Alas-dyes ng umaga ang usapan
ILANG ARAW na ang nakalilipas ngunit bakas pa rin ang kasiyahan sa mukha ni Nicole matapos ang huling pagbisita ng asawa.Sa umaga, palagi siyang tumatambay sa kusina para pagmasdan ang ginagawang paghahanda ng mga pagkain ni Nelba. Nasanay na rin nga itong magtanong kung may gusto ba siyang kainin sa araw na 'yon. Kapag naman nahihirapan ito sa hiling niya ay sabay nilang pinag-aaralan ang recipe sa internet.Ginawa rin nitong libangan ang bagong mga bulaklak na itinanim niya sa hardin. Ayaw kasi nitong umabot sa puntong magbibilang na naman siya ng araw hanggang sa muling pagbabalik ng asawa.Hindi na kasi makapaghintay si Nicole na dumating ang araw na 'yon dahil napagkasunduan nilang dalawa ni Noah na magkasama silang pupunta ng clinic para sa kaniyang susunod na prenatal check-up.Naikuwento kasi nito sa asawa na maari na raw nilang malaman ang kasarian ng magiging anak sa gaganaping ultrasound. Wala tuloy mapagsidlan ang kasiyahang nararamdaman ni Noah at gumawa na rin ito ng pl
NAPAPAHIKAB na kinapa ni Nicole ang makapal na comforter sa kaniyang paanan matapos nitong maalimpungatan mula sa mahimbing na pagkakatulog. Hindi niya napigilan ang huwag mapangiti dahil nakasisigurado siyang pumasok si Nelba para siguraduhing ayos lang ito matapos ang nangyari.Sa pagkakatanda niya, nakaligtaan nitong magkumot at hindi rin nito nagawang pahinaan ang air-con. dahil sa dami ng mga tumatakbo sa isipan niya kagabi. Mabuti na lang at binigyan niya ng karapatan si Nelba na silipin siya sa tuwing wala ang asawa upang makasiguradong nasa maayos itong kalagayan.Balak na sanang bumangon ni Nicole para uminom ng malamig na tubig ngunit gano'n na lamang kabilis na namilog ng mga mata niya nang dumako ang paningin nito sa sofa."Noah?" mahina niyang sambit upang huwag itong magising.Wala naman itong natanggap na tugon mula sa asawa. Makikitang masyadong mahimbing ang tulog ni Noah para magising sa pagtawag niya ng pangalan nito.Ilang sandali pa, kusa na lamang huminto ang mga
MAGKAHARAP sina Ella at Noah sa sala habang pinagmamasdan ng dalaga ang mga dokumentong nagmula sa abogado nito. Iyon ang naisip niyang paraan para mas ganahan ito sa isinasagawang physical therapy sessions dahil hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang wala man lang kahit konting improvement ang mga paa nito."I thought the process would only last for one month, Noah. Mas mabuti pa palang ma-aprubahan na ang divorce bill sa Pilipinas para mas mapabilis ang proseso, ano?" walang pag-aalinlangang sambit ni Ella saka inilapag ang hawak sa kaniyang harapan.Lihim namang napaigham si Noah sa sinabi ng dalaga. Halata kasing hindi na ito makapaghintay na magkahiwalay silang dalawa ni Nicole kahit sabihing mga pekeng dokumento lamang ang ipinakita niya rito.Kung sabagay, gano'n din naman siyang nagmamadali nang makita na naigagalaw nito ang mga paa upang tuluyan na itong makabalik sa asawa.He's almost there.Almost there.Unti-unti na nitong naisasakatuparan ang mga plano sa negosyo la
MAAGANG nagising si Nicole kaya pinagtuunan nito nang pansin ang mga tanim na white roses at iba't ibang kulay na bougainvillea sa hardin.Dalawang buwan na rin ang nakalilipas matapos niyang pumayag sa kagustuhan ni Noah na itago silang mag-ina mula kay Ella at sa mommy nito. Talaga namang naging mahirap 'yon sa umpisa, malaking adjustment ang ginawa nito hanggang unti-unti rin siyang nasanay sa katahimikan ng rest house.Akala nito ay magiging boring ang bawat araw na wala ang asawa ngunit hindi nito inaasahang mas lalo pala siyang mapapamahal sa anghel na nasa sinapupunan dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay nagagawa niya nang pagtuunan ng pansin ang development nito.Mahahalata na rin ang baby bump niya at nabawasan na rin ang morning sickness na nararamdaman nito.Hanggang ngayon tuloy ay napapangiti pa rin siya sa tuwing naaalala ang reaksyon ni Noah noong una nilang marinig ang heartbeat ng kanilang baby. Walang mapagsidlan ang tuwa nilang dalawa pero mabilis din 'yong nata
HINDI PA MAN nakakalabas ng establisyemento si Noah nang magkasalubong sila ni Lolo Arman. Nagmamadali at wala siyang oras na makipag-usap dito kung kaya hangad niyang lampasan ito kung hindi lamang nagsalita ang matanda."Tell me what's going on, Noah," anito na para bang napansin ang mali sa ikinikilos niya.Ilang pulgada na lamang ang layo niya sa bungad pero alam nitong wala siyang ibang choice kung hindi sagutin ang lolo."Kailangan kong puntahan ang asawa ko, Grandpa."Bumilog ang mga mata nito. "You're going back to Manila?"Umiling siya saka bumuntong-hininga. "No, Grandpa. My wife is in Cebu."Alam nitong marami siyang kailangang ipaliwanag kay Lolo Arman at paniguradong hindi magiging sapat ang isang araw para gawin 'yon.Umpisa pa lang kasi ay pagkalito na ang naipinta sa mukha ng matandang Saavedra nang magpaiwan siya sa tabi ng babaeng tinuturing nilang kaaway sa negosyo kung kaya nakasisigurado siyang hindi magiging madali ang paliwanagang mangyayari.MAS BINILISAN nito
KINAKABAHANG napahawak si Nicole sa kaniyang tiyan habang pinagmamasdan ang hawak na cellphone. Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang isa-isang binubuksan ang mga unread messages mula sa asawa.Ilang oras na rin naman ang nakalipas matapos niyang hayaang harapin ni Noah ang hindi nito inaasahang bisita.She heard everything...Kaya gustuhin man nitong kumalma ngunit hindi niya magawa. Ilang taon na rin ang nakalilipas ngunit tanda pa nito kung gaano kalugmok si Noah habang ikini-kuwento sa kaniya noon ang mga naranasan nito sa ina ng dating girlfriend.Hindi niya maaring makalimutan ang pangalang 'yon at hindi niya inaasahang ang tinutukoy pala ng asawa niyang dating nobya ay si Ella at hindi ang first girlfriend ito.Napabuntong-hininga pa siya habang itinitipa sa cellphone ang pangalang narinig, mas mabuti na ang may alam kaysa wala. Laking tulong na rin ng teknolohiya dahil magagawa na nitong kilalanin ang mommy ni Ella nang hindi nagtatanong kay Noah.'Annabelle Dimakulangan-
BUMUNTONG-HININGA si Noah dala ng pinaghalong inis at frustasyong nararamdaman. Ilang minuto rin siyang nawala sa sarili hanggang sa mapasandal na lamang ito sa malamig na pader sa kaniyang likuran, kapagkuwan ay muling napabaling sa kaniyang kamay kung saan naroon ang cellphone. "Nicole?" tawag nito nang mapagtantong nasa kabilang linya pa rin ang asawa kahit ilang minuto rin siyang nakipag-usap sa sekretarya. Hindi nawala ang pangalan nito sa screen ngunit pawang katahimikan na lamang ang sumasagot sa kaniya sa tuwing tinatawag niya ang pangalan nito. "Damn!" hasik niya saka napasabunot na lamang sa sariling buhok. Nanghihina siyang napaupo sa sofa. Pakiramdam kasi nito ay unti-unti siyang nilalamon ng kaliwa't kanang stress na mas pinalala pa ng sitwasyong kinaroroonan niya ngayon. If only he's powerful enough to handle the Villafuertes, hindi sana magiging ganito ang mundo niya. Dahil hindi porket bilyon ang perang pumapasok sa kompanyang hinahawakan nito ay wala nang maa
HUMINGA muna siya nang malalim bago ipinagpatuloy ang mga gusto nitong sabihin kay Noah.Umpisa pa lamang ay alam niyang hindi magiging madali ang usapan nilang dalawa kaya pinilit nito ang sariling maging kalmado at matatag sa lahat ng oras. Ilang beses mang binalot ng katahimikan ang kabilang linya pero alam nitong nakikinig pa rin ang asawa sa kaniya."Hindi ba't sinabi mo sa aking gusto mo kaming itago ng magiging anak natin?"Muling napabuga ng hininga si Noah.[Yes, Nicole. I'll do that to protect you both.]Marahan siyang napapikit sa naging sagot ng asawa saka hinimas ang tiyan. "Pumapayag na ako sa alok mo, Noah."[Talaga? Thanks goodness, Nicole! Please give me your location para masundo kita agad. I'm in a business meeting in Cebu but I could ask grandpa to represent the company in lieu of me.]Mahahalata ang sigla sa boses ni Noah ngunit sunod-sunod lamang siyang napailing kahit alam nitong hindi naman siya nakikita ng asawa.Napabuntong-hininga siya. "Pumapayag ako pero m