KUMUNOT ang noo ni Miguel na para bang wala itong ideya sa mga salitang lumalabas ngayon sa kaniyang bibig. Para siyang nakikipag-usap ngayon sa isang batang walang muwang na gusto lamang magsauli ng bote ng soft drinks sa tindahan.
“Alam mong may ibang kasamang babae ang asawa mo tapos okay lang sa’yo? Mapapalampas pa sana kung kaibigan, pero ex-girlfriend niya ‘yon, Nicole! Nahihibang ka na ba talaga o nagbubulag-bulagan ka lang?”Biglang naguluhan si Nicole sa kaniyang narinig. “Ako lang ba ang nakapansin o concern ka lang sa akin?”Marahas itong napabuntong-hininga saka matiim siyang tinitigan.“Hindi rin…ang akin lang ay ikaw ang asawa. May karapatan kang kontrolin kung ano mang pinaggagagawa nitong si Noah. Maliban na lang kung gusto mong masaktan sa huli at mapunta siya sa iba?"“Parang nagbago yata ang ihip ng hangin at bigla kang bumait, Miguel? Dati-rati naman ay ayaw mo sa'kin para kay Noah.”Lumalim bigla ang gatla nito sa noo. “Kasi hindi pa naman kita gaanong kilala noon. Malay ko ba kung anong motibo mo para pakasalan ‘tong kaibigan ko. Pero ngayong kilala na kita ay masasabi kong okay ka naman pala, mabait kahit mataray at isa pa, nakita kong mahal na mahal mo ang asawa mo."Lihim siyang napangiti sa narinig. At least may tao rin palang makapagsasabing hindi siya nagkulang na iparamdam ang pagmamahal sa asawa.“Hindi mo na kailangang mag-alala sa’kin kung ‘yon naman ang ipinupunto mo dahil maghihiwalay na kami ni Noah.”Nanlaki ang mga mata nito sa gulat.“At bakit?!"Nagkibit-balikat si Nicole. “Tanungin mo na lang si Noah."Tumango lamang si Miguel at sumenyas sa kaniyang dadalhin nito sa kwarto ang asawa. Hinayaan niya ito habang siya naman ay kumuha muna ng maliit na batyang may maligamgam na tubig dahil balak niyang punasan ang asawa.Gusto niyang matuwa dahil pakiramdam nito ay nagkaroon siya ng kakampi sa katauhan ng best friend ni Noah ngunit hindi niya magawa.Lupaypay ang braso ni Nicole matapos mabihisan at maihiga sa kama ang asawa. Tatayo na sana ito para makapagpahinga sa sofa nang bigla siyang hinila papalapit ni Noah saka mahigpit na niyakap.“Matulog ka na rito,” bulong nito. "Stay with me for tonight, please."Napapikit si Nicole at dinama ang init ng yakap nito. Gustong-gusto niya talaga ang pakiramdam na makulong sa yakap ni Noah. Feeling nito, safe na safe siya sa tuwing nasa tabi niya ang asawa at para bang naglalaho ang lahat ng mga problema at isipin niya sa buhay.At ngayong malapit na silang magkahiwalay ay baka hindi na niya muli pang mararanasan ang ganito.Kaya kahit ngayon lang…Kahit ngayon lang ay gusto niyang sulitin ang pagkakataon na makasama si Noah at baunin ang magandang alaala nilang magkasama. Hindi naman masamang gawin 'yon for the last time, hindi ba?Tao rin naman siya...nagmamahal, nasasaktan at nangangarap na makasama habambuhay ang taong minamahal.Nang lumuwag ang yakap ni Noah ay bumangon siya upang matitigan nang maayos ang mukha nito, na lagi niyang ginagawa hanggang sa antukin at makatulog.Alam nitong naging mabuti at mapagmahal siyang asawa kay Noah, pero saan siya nagkulang?Bakit kahit anong buti niya ay hindi siya nito nagawang mahalin?Hindi ba siya kamahal-mahal?Nagawa naman nila ang mga gawaing ginagawa ng tunay na mag-asawa. Ibinigay niya ang lahat dito, mula katawan lalong-lalo na ang puso niya.Pero bakit hindi pa rin iyon naging sapat?KINAUMAGAHAN, maaga siyang bumalik sa kwarto nilang mag-asawa upang huwag mapansin ni Noah na sinadya niyang matulog sa guest room dala na rin ng sama ng loob.Gustuhin man kasi nitong intindihin ang mga nangyayari ngunit naguguluhan siya. Laman pa rin ng isipan niya ang ginawang pagsisinungaling ng asawa para lamang mapagtakpan ang pakikipagkita kay Ella."Anong nangyari sa mukha mo?” may pangamba ang boses nitong bungad nang makita siya.Napatingin siya sa salamin at nabigla nang makitang puno ng pantal ang mukha.Hindi akalain ni Nicole na mati-trigger pa rin ang allergy niya kahit nakainom na siya ng gamot kagabi. Nagmukha kasing mapa ng Pilipinas ang mapupulang pantal sa mukha niya na umabot pa hanggang leeg.“Ano…baka may nakain lang akong nakapagpa-trigger ng allergy ko,” palusot ni Nicole. "Mabuti naman at gising ka na, ipagtitimpla na kita ng kape."Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. Umangat pa ang kanang kamay ng asawa na para bang balak nitong hawakan ang mukha niya pero mabilis nitong inilayo ang sarili.“Are you sure? Baka kailangan nating magpunta ng ospital para patingnan ‘yan?” saad ni Noah.Umiling siya saka sinubukang takpan ng buhok ang mukha pero hindi iyon naging sapat upang maitago ang mga pantal niya.“Ayos lang talaga ako," pagsisinungaling niya kahit bahagya na ngayong nangangati.Saglit itong tumitig sa kaniya na para bang nagdadalawang-isip kung paniniwalaan ang mga sinasabi niya, kaya naman wala siyang nagawa kung hindi muli itong kumbinsihin.“Okay, kailangan ko nga palang magpunta sa bahay ni lolo ngayon para sa nalalapit niyang birthday. Ang sabi ay isama ka raw pero sa hitsura mo ngayon ay baka isipin nitong pinapabayaan kita.”“’Wag mo na lang akong alalahanin. Pwede ko namang itago ng concealer ‘tong mga pantal sa mukha o hindi kaya idahilan na lang nating may importante akong inaasikaso,” ani Nicole.MATAPOS makapag-ayos ay napansin nitong parang biglang naging abala si Noah sa hawak nitong cellphone. Bumalik na naman ang mapait na ekspresyon sa mukha nito na para bang mayroon na naman itong kinaiinisan.“Let's go?" tanong sa kaniya ni Noah."Napirmahan ko na pala ‘yong annulment papers. Pwede na nating i-file 'yon sa lalong madaling panahon.”Malakas na napabuntong-hininga si Noah saka inayos ang tayo. “Gano’n ba?"She just smiled at him as an answer."Okay, pero hindi pa ito ang tamang oras para sabihin ko sa kanila ang totoo. Hindi magandang isabay sa birthday ni lolo ang nakakalungkot na balita. Baka mamaya sumama pa ang loob niya, mas mahirapan pa tayo,” saad ni Noah.Napatitig siya sa mukha ng asawa, hindi niya maintindihan kung bakit parang naglaho bigla ang dilim ng ekspresyon nito. Marahil dahil komportable na itong kausap siya o baka naman masaya itong napirmahan na niya ang dokumento para sa kanilang annulment."By the way, Nicole. Nakalimutan kong sabihin sa'yong invited si Ella sa party ni lolo. Ayos lang ba sa'yong makita siya mamaya?"Itinago nito sa pamamagitan ng isang matamis na ngiti ang nararamdaman saka napatango na lamang.Handa siyang makita ang dating nobya ng asawa ngunit hindi ang masilayan ang dalawang magkasama mamaya.Baka kasi magselos siya nang wala sa lugar at maluha pa sa harapan ng mga kamag-anak nito.SA KABILA nang magiging presensya ni Ella sa birthday party ng lolo ng kaniyang asawa ay pinaunlakan pa rin nito ang paanyaya ni Noah na magkasama silang bibili ng regalo para rito.Kung noon ay walang mapagsidlan ang tuwa niya sa tuwing sabay silang naglalakad sa harapan ng maraming tao, ngayon naman ay sinasadya nitong magpahuli.Mag-asawa man sila kung ituring ngunit malinaw na sa kaniya ang kasalukuyan nitong posisyon sa puso ni Noah.Hindi naman siya tanga upang ipagsiksikan ang sarili."Why don't we look for a watch?" ani Noah kaya natigilan ito sa paglalakad.Muntik pa siyang masubsob sa likod ng asawa dahil para siyang buntot na nakasunod dito magmula kanina.Bilang at maingat kasi ang bawat hakbang na ginagawa niya mapanatili lamang ang ilang pulgadang distansya sa pagitan nilang dalawa."Hmm. Sure," sagot niya saka napatango na lamang.Hindi materialistic ang lolo ni Noah kaya alam niyang matutuwa ito kahit hindi imported at mamahaling relos ang bibilhin nila para rito, but
NANATILI ang katahimikan ni Nicole hanggang muli nilang marating ang kinaroroonan ng asawa. Mas pinili nitong huwag na lamang sumagot kay Ella at baka magmukha lamang siyang masama kapag nakuha nito ang atensyon ng mga taong pumapasok ng rest room.Maliban sa bahagya nang umiinit ang tainga niya sa takbo ng usapan ay pansin nitong unti-unti na rin siyang pinagtataasan ng boses ng kausap. Iyon din ang dahilan kung bakit mas pinili niyang huwag na lamang itong patulan."Sa tingin mo ba magugustuhan ito ni Lolo?" ani Noah habang nakatingin sa kaniyang direksyon.Ibubuka pa lamang sana ni Nicole ang labi upang sagutin ang tanong nito ngunit naunahan siya ng masiglang sagot ni Ella."Oo naman, Love. Mukhang mamahalin at classy ang design, I'm sure babagay ang relong 'yan sa kahit anong soutin ng lolo mo."'Love?'Muntik na siyang masamid ng sariling laway dahil sa narinig.Nagmukha tuloy hangin ang presensya niya dahil sa lakas ng loob nitong tawaging 'love' si Noah sa mismong harapan niya
SINUBUKAN nitong pakalmahin ang sarili ngunit nanatiling mabigat ang mga yapak ni Nicole habang naglalakad sa tabi ng asawa.Ramdam niya ang mga matang nakapako sa kanilang dalawa habang papasok sa mansyon ng mga Saavedra ngunit binalewala niya iyon. Walang ibang laman ang isipan ni Nicole kung hindi ang kagustuhan nitong maibigay ang regalong hawak bago pa man siya maunahan ni Ella."Nicole? What's wrong?" tanong ni Noah pagkatapos siyang lingunin.Umiling lamang ito saka mas hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ng asawa."Ha? Wala naman, Noah. Hindi ko lang inasahang mas marami palang bisita ang Lolo Arman ngayong birthday niya."Kimi siyang ngumiti para kumbinsihin itong 'yon lamang ang dahilan sa likod nang pagiging balisa niya, kahit ang totoong dahilan sa likod n'yon ay ang mga bagay na paulit-ulit na gumugulo sa kaniyang isipan."Is it my fault?" mahina nitong tanong saka bumuntong-hininga. "Dahil ba sa ginawa kong pagha—" Mabilis siyang umiling para huwag nang matapos ni Noah
Napailing si Noah at napabuntong-hininga. Kapagkuwan ay napasulyap ito sa kaniyang direksyon na tila ba may gusto itong sabihin."What do you mean, Ella?" ani Lolo Arman saka nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa.Lihim siyang napahugot ng malalim na hininga. Maari bang magpaalam muna siya papuntang rest room nang sa gano'n ay tapos na ang usapan sa pagbalik niya?Ayaw na nitong dagdagan pa ang bigat na nararamdaman sa kaniyang dibdib at baka mamaya ay higit pa sa luhang pinakawalan ni Noah ang kumawala sa kaniyang mga mata. Wala rin naman itong balak na magmukhang kawawa sa harapan ng mga bisita ni Lolo Arman kapag sinabi na ng asawa ang malungkot na balita tungkol sa kanilang magiging annulment.Ramdam nitong sinusubukang itago ni Ella ang tuwa ngunit mahahalata pa rin 'yon sa kinang ng mga mata nito. Para bang may balak pa itong gawan siya ng mahabang farewell message oras na malaman ng mga Saavedra ang malungkot na balita."Let's talk about it some other time, Grandpa. It's your b
Huminga siya nang malalim saka mabigat ang kalooban na nagtungo sa dessert section pagkatapos makatanggap ng mahabang katahimikan mula kay Noah. Inasahan niyang may sasabihin man lang ito sa naging tanong niya ngunit ilang minuto lamang silang nagkatitigan. 'Ano ba talaga ang nangyayari, Noah?' bulong niya habang nasa harapan ng chocolate fountain. Hindi nito malaman ang dahilan kung bakit nangingilid ang luha sa mga mata habang iniisip ang mga sekretong tinatago ng asawa magmula nang bumalik ang dati nitong kasintahan. Ang dahilan sa pagkakalumpo ni Ella, ang gaganaping physical therapy at marami pang iba. Hindi naman siguro masamang malaman niya ang mga bagay na 'yon bago siya maglaho na parang bula sa buhay nito, hindi ba? Humigpit ang pagkakahawak niya sa puting ceramic plate na hawak saka mariing ipinikit ang mga mata. Gusto niyang balewalain na lamang ang nalaman at pilitin ang sariling huwag nang manghimasok sa buhay ng asawa ngunit kaagad din siyang napamulat nang
"Are you okay, Nicole?" untag ni Noah na tuluyan nang binasag ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.Gustuhin man nitong sagutin nang maayos ang asawa ngunit awtomatiko siyang natahimik pagkatapos makitang lumapit ang wheelchair ni Ella sa kinatatayuan ni Noah.Parang kanina lang iniwan niya ito sa loob ng restroom kasama ang binitiwan nitong tanong tungkol sa kaniyang ipinagbubuntis. Mabuti na lang at napansin niyang kasama pala nito ang caregiver habang nakasandal ang wheelchair na kinaroroonan nito sa isang cubicle."Ayos lang ako, Noah. May nakain lang siguro akong nakapagpabaliktad ng sikmura ko," pagsisinungaling niya.Matiim itong tumitig sa kaniya saka napabuga ng marahas na hininga. "Kailangan mong maging maingat sa mga kinakain mo, okay? Last time allergy, ngayon naman sumama ang sikmura mo. Huwag na nating hintaying mas malala pa."Imbes na mainis ay napangiti lamang siya sa mahaba nitong sermon.Sinong mag-aakalang magagawang ipakita ni Noah ang concern na nararamdaman
Dahan-dahang iminulat ni Nicole ang mga mata ngunit bumungad sa kaniya ang kulay puting kisame na mas pinatingkad pa ng liwanag na nagmumula sa ilaw na nasa kaniyang uluhan.Kasabay nang pagmulat ng mga mata nito ay nasilayan niya ang imahe ni Noah sa kaniyang harapan."Thanks goodness, you're awake!" sambit ng asawa na para bang nabunutan ng tinik nang makitang nasa maayos na siyang kalagayan.Sinubukan niyang bumangon sa kinahihigaan ngunit natigilan na lamang nang makita ang swero sa kanang kamay.Lalo lamang lumapit sa kinahihigaan niya ang asawa habang maaaninag na ang pangamba sa mga mata nito."Kumusta na ang pakiramdam mo, Nicole? May masakit ba sa'yo?"Tulala niya itong tinitigan."Anong nangyari, Noah?"Gumala ang paningin nito sa paligid at nakumpirmang nakahiga nga siya sa kwarto nilang mag-asawa. Mabilis tuloy nitong nahigit ang hininga dahil sa antisipasyong nararamdaman.Hindi siya dinala ng asawa sa hospital ngunit sapat na ang swerong nakakabit sa kaniyang kamay upang
Bumuntong-hininga si Nicole saka napatayo na lamang mula sa kinauupuan. Gustuhin man nitong hintayin na matapos ang katahimikang ipinapakita ni Noah ngunit mas lamang ang kagustuhan niyang protektahan ang damdamin at unahin ang kapakanan ng magiging anak nilang dalawa.Noah...Mas lalong nanikip ang dibdib niya habang pinagmamasdan ito sa kaniyang harapan.Nananatili pa rin ang katahimikan ng asawa pero mahahalata sa ekspresyon ng mukha nito ang stress na nararamdaman.Halatang problemado si Noah. Pakiramdam niya tuloy ay may balak na naman itong ipaalala sa kaniyang hindi na magbabago ang desisyon nito sa kabila nang nalaman."Hindi mo kailangang panagutan ang batang nasa sinapupunan ko, Noah."Bumuntong-hininga siya habang nakatitig dito. Siguro naman mapapanatag na ito ngayong siya na mismo ang nagsabi na wala itong kahit konting responsibilidad sa dinadala."What are you talking about, Nicole?" mabilis na tanong ng asawa kapagkuwan ay napakunot ang noo. "I am the father. Of course
[Something came up, Nicole. I'm sorry but we need to change our schedule for our safety. Hindi ka naman ba mahihirapan na wala ako sa tabi mo papuntang clinic?]Nanatili siyang tahimik habang binabasa nang maiigi ang mensahe ng asawa sa chat. Isang malalim na hininga man ang kumawala mula kay Nicole ngunit minabuti pa rin nitong bilisan ang reply kay Noah.[Don't worry about me. Magkita na lang tayo sa clinic. Hintayin niyo ako ni baby, okay? I'll be there in a few minutes,] pangungumbinsi sa kaniya ni Noah ilang minuto ang nakalipas.May pag-aalangan man ngunit nagawa pa rin nitong sagutin ulit ang mensahe ng asawa. Kahit sabihin pang napakalayo ng gusto nitong gawin ngayon sa orihinal na plano nilang dalawa.Isa lang ang nasa isip ni Nicole sa mga oras na ito, kailangan niyang mag-ayos at maghanda para sundin si Noah.Ilang minuto ang nakalipas, narating niya ang kinaroroonan ng sasakyan kung saan abala pa rin ang driver sa ginagawa nitong maintenance. Alas-dyes ng umaga ang usapan
ILANG ARAW na ang nakalilipas ngunit bakas pa rin ang kasiyahan sa mukha ni Nicole matapos ang huling pagbisita ng asawa.Sa umaga, palagi siyang tumatambay sa kusina para pagmasdan ang ginagawang paghahanda ng mga pagkain ni Nelba. Nasanay na rin nga itong magtanong kung may gusto ba siyang kainin sa araw na 'yon. Kapag naman nahihirapan ito sa hiling niya ay sabay nilang pinag-aaralan ang recipe sa internet.Ginawa rin nitong libangan ang bagong mga bulaklak na itinanim niya sa hardin. Ayaw kasi nitong umabot sa puntong magbibilang na naman siya ng araw hanggang sa muling pagbabalik ng asawa.Hindi na kasi makapaghintay si Nicole na dumating ang araw na 'yon dahil napagkasunduan nilang dalawa ni Noah na magkasama silang pupunta ng clinic para sa kaniyang susunod na prenatal check-up.Naikuwento kasi nito sa asawa na maari na raw nilang malaman ang kasarian ng magiging anak sa gaganaping ultrasound. Wala tuloy mapagsidlan ang kasiyahang nararamdaman ni Noah at gumawa na rin ito ng pl
NAPAPAHIKAB na kinapa ni Nicole ang makapal na comforter sa kaniyang paanan matapos nitong maalimpungatan mula sa mahimbing na pagkakatulog. Hindi niya napigilan ang huwag mapangiti dahil nakasisigurado siyang pumasok si Nelba para siguraduhing ayos lang ito matapos ang nangyari.Sa pagkakatanda niya, nakaligtaan nitong magkumot at hindi rin nito nagawang pahinaan ang air-con. dahil sa dami ng mga tumatakbo sa isipan niya kagabi. Mabuti na lang at binigyan niya ng karapatan si Nelba na silipin siya sa tuwing wala ang asawa upang makasiguradong nasa maayos itong kalagayan.Balak na sanang bumangon ni Nicole para uminom ng malamig na tubig ngunit gano'n na lamang kabilis na namilog ng mga mata niya nang dumako ang paningin nito sa sofa."Noah?" mahina niyang sambit upang huwag itong magising.Wala naman itong natanggap na tugon mula sa asawa. Makikitang masyadong mahimbing ang tulog ni Noah para magising sa pagtawag niya ng pangalan nito.Ilang sandali pa, kusa na lamang huminto ang mga
MAGKAHARAP sina Ella at Noah sa sala habang pinagmamasdan ng dalaga ang mga dokumentong nagmula sa abogado nito. Iyon ang naisip niyang paraan para mas ganahan ito sa isinasagawang physical therapy sessions dahil hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang wala man lang kahit konting improvement ang mga paa nito."I thought the process would only last for one month, Noah. Mas mabuti pa palang ma-aprubahan na ang divorce bill sa Pilipinas para mas mapabilis ang proseso, ano?" walang pag-aalinlangang sambit ni Ella saka inilapag ang hawak sa kaniyang harapan.Lihim namang napaigham si Noah sa sinabi ng dalaga. Halata kasing hindi na ito makapaghintay na magkahiwalay silang dalawa ni Nicole kahit sabihing mga pekeng dokumento lamang ang ipinakita niya rito.Kung sabagay, gano'n din naman siyang nagmamadali nang makita na naigagalaw nito ang mga paa upang tuluyan na itong makabalik sa asawa.He's almost there.Almost there.Unti-unti na nitong naisasakatuparan ang mga plano sa negosyo la
MAAGANG nagising si Nicole kaya pinagtuunan nito nang pansin ang mga tanim na white roses at iba't ibang kulay na bougainvillea sa hardin.Dalawang buwan na rin ang nakalilipas matapos niyang pumayag sa kagustuhan ni Noah na itago silang mag-ina mula kay Ella at sa mommy nito. Talaga namang naging mahirap 'yon sa umpisa, malaking adjustment ang ginawa nito hanggang unti-unti rin siyang nasanay sa katahimikan ng rest house.Akala nito ay magiging boring ang bawat araw na wala ang asawa ngunit hindi nito inaasahang mas lalo pala siyang mapapamahal sa anghel na nasa sinapupunan dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay nagagawa niya nang pagtuunan ng pansin ang development nito.Mahahalata na rin ang baby bump niya at nabawasan na rin ang morning sickness na nararamdaman nito.Hanggang ngayon tuloy ay napapangiti pa rin siya sa tuwing naaalala ang reaksyon ni Noah noong una nilang marinig ang heartbeat ng kanilang baby. Walang mapagsidlan ang tuwa nilang dalawa pero mabilis din 'yong nata
HINDI PA MAN nakakalabas ng establisyemento si Noah nang magkasalubong sila ni Lolo Arman. Nagmamadali at wala siyang oras na makipag-usap dito kung kaya hangad niyang lampasan ito kung hindi lamang nagsalita ang matanda."Tell me what's going on, Noah," anito na para bang napansin ang mali sa ikinikilos niya.Ilang pulgada na lamang ang layo niya sa bungad pero alam nitong wala siyang ibang choice kung hindi sagutin ang lolo."Kailangan kong puntahan ang asawa ko, Grandpa."Bumilog ang mga mata nito. "You're going back to Manila?"Umiling siya saka bumuntong-hininga. "No, Grandpa. My wife is in Cebu."Alam nitong marami siyang kailangang ipaliwanag kay Lolo Arman at paniguradong hindi magiging sapat ang isang araw para gawin 'yon.Umpisa pa lang kasi ay pagkalito na ang naipinta sa mukha ng matandang Saavedra nang magpaiwan siya sa tabi ng babaeng tinuturing nilang kaaway sa negosyo kung kaya nakasisigurado siyang hindi magiging madali ang paliwanagang mangyayari.MAS BINILISAN nito
KINAKABAHANG napahawak si Nicole sa kaniyang tiyan habang pinagmamasdan ang hawak na cellphone. Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang isa-isang binubuksan ang mga unread messages mula sa asawa.Ilang oras na rin naman ang nakalipas matapos niyang hayaang harapin ni Noah ang hindi nito inaasahang bisita.She heard everything...Kaya gustuhin man nitong kumalma ngunit hindi niya magawa. Ilang taon na rin ang nakalilipas ngunit tanda pa nito kung gaano kalugmok si Noah habang ikini-kuwento sa kaniya noon ang mga naranasan nito sa ina ng dating girlfriend.Hindi niya maaring makalimutan ang pangalang 'yon at hindi niya inaasahang ang tinutukoy pala ng asawa niyang dating nobya ay si Ella at hindi ang first girlfriend ito.Napabuntong-hininga pa siya habang itinitipa sa cellphone ang pangalang narinig, mas mabuti na ang may alam kaysa wala. Laking tulong na rin ng teknolohiya dahil magagawa na nitong kilalanin ang mommy ni Ella nang hindi nagtatanong kay Noah.'Annabelle Dimakulangan-
BUMUNTONG-HININGA si Noah dala ng pinaghalong inis at frustasyong nararamdaman. Ilang minuto rin siyang nawala sa sarili hanggang sa mapasandal na lamang ito sa malamig na pader sa kaniyang likuran, kapagkuwan ay muling napabaling sa kaniyang kamay kung saan naroon ang cellphone. "Nicole?" tawag nito nang mapagtantong nasa kabilang linya pa rin ang asawa kahit ilang minuto rin siyang nakipag-usap sa sekretarya. Hindi nawala ang pangalan nito sa screen ngunit pawang katahimikan na lamang ang sumasagot sa kaniya sa tuwing tinatawag niya ang pangalan nito. "Damn!" hasik niya saka napasabunot na lamang sa sariling buhok. Nanghihina siyang napaupo sa sofa. Pakiramdam kasi nito ay unti-unti siyang nilalamon ng kaliwa't kanang stress na mas pinalala pa ng sitwasyong kinaroroonan niya ngayon. If only he's powerful enough to handle the Villafuertes, hindi sana magiging ganito ang mundo niya. Dahil hindi porket bilyon ang perang pumapasok sa kompanyang hinahawakan nito ay wala nang maa
HUMINGA muna siya nang malalim bago ipinagpatuloy ang mga gusto nitong sabihin kay Noah.Umpisa pa lamang ay alam niyang hindi magiging madali ang usapan nilang dalawa kaya pinilit nito ang sariling maging kalmado at matatag sa lahat ng oras. Ilang beses mang binalot ng katahimikan ang kabilang linya pero alam nitong nakikinig pa rin ang asawa sa kaniya."Hindi ba't sinabi mo sa aking gusto mo kaming itago ng magiging anak natin?"Muling napabuga ng hininga si Noah.[Yes, Nicole. I'll do that to protect you both.]Marahan siyang napapikit sa naging sagot ng asawa saka hinimas ang tiyan. "Pumapayag na ako sa alok mo, Noah."[Talaga? Thanks goodness, Nicole! Please give me your location para masundo kita agad. I'm in a business meeting in Cebu but I could ask grandpa to represent the company in lieu of me.]Mahahalata ang sigla sa boses ni Noah ngunit sunod-sunod lamang siyang napailing kahit alam nitong hindi naman siya nakikita ng asawa.Napabuntong-hininga siya. "Pumapayag ako pero m