SA KABILA nang magiging presensya ni Ella sa birthday party ng lolo ng kaniyang asawa ay pinaunlakan pa rin nito ang paanyaya ni Noah na magkasama silang bibili ng regalo para rito.
Kung noon ay walang mapagsidlan ang tuwa niya sa tuwing sabay silang naglalakad sa harapan ng maraming tao, ngayon naman ay sinasadya nitong magpahuli.Mag-asawa man sila kung ituring ngunit malinaw na sa kaniya ang kasalukuyan nitong posisyon sa puso ni Noah.Hindi naman siya tanga upang ipagsiksikan ang sarili."Why don't we look for a watch?" ani Noah kaya natigilan ito sa paglalakad.Muntik pa siyang masubsob sa likod ng asawa dahil para siyang buntot na nakasunod dito magmula kanina.Bilang at maingat kasi ang bawat hakbang na ginagawa niya mapanatili lamang ang ilang pulgadang distansya sa pagitan nilang dalawa."Hmm. Sure," sagot niya saka napatango na lamang.Hindi materialistic ang lolo ni Noah kaya alam niyang matutuwa ito kahit hindi imported at mamahaling relos ang bibilhin nila para rito, but knowing her husband, alam niyang sa isang mamahaling jewelry and watch store ang punta nila.Nanatili siyang tahimik habang naglalakad hanggang sa marating nilang dalawa ang pakay. Papasok pa lamang sila sa pinto nang marinig niya ang boses ng isang babaeng tinatawag si Noah.Paglingon ay nabigla si Nicole nang makita si Ella, nakasuot ito ng kulay puting bistida habang nakasakay sa isang wheelchair.Tulak-tulak ito ng isang babaeng nakasuot ng kulay asul na uniporme, na kung hindi siya nagkakamali ay kasambahay nito.Hindi mabilang na mga katanungan ang pumasok sa isipan ni Nicole nang mga sandaling iyon.Bakit naka-wheelchair si Ella?Naaksidente ba ito?Kung oo, bakit wala man lang siyang nabalitaan tungkol sa nangyari?Saglit siyang natulala sa kinatatayuan hanggang sa lihim itong napabuntong-hininga. Wala naman itong galos sa kahit saang parte ng katawan.Isa lang ang ibig sabihin...Maaring matagal na itong naka-wheelchair.Pagkatapos ay marahan siyang bumaling kay Noah. Gusto niya sanang magtanong dito ngunit nakalapit na ang mga ito sa kinaroroonan nilang dalawa.“What are you doing here, Ella?” tanong ni Noah at saka lumapit upang ayusin ang kumot sa binti ng dalaga. “Hindi mo yata nabanggit sa aking dadaan ka ng mall bago ang party, baka mamaya lamigin ka dahil sa sobrang lamig ng aircon."“Ayos lang ako, Noah. Alam mo namang sanay ako sa lamig,” ani Ella habang nananatili ang matamis na ngiti sa labi.Parang may matalim na bagay na gumuhit sa dibdib ni Nicole. Mahapdi sa matang makitang nag-aalala ang asawa sa ibang babae.“Bibili sana ako ng regalo para kay Lolo Arman, kayo ba?” dagdag pa ni Ella saka tumingin sa kaniyang direksyon.“Kami rin,” tugon ni Noah.Napaiwas siya ng tingin at nanatiling tahimik sa likuran ng asawa.Bakas naman ang tuwa sa mukha ni Ella at napakapit pa sa braso ni Noah. “Kung gano’n ay pwede mo ba akong tulungang pumili ng maipangreregalo ko?”“Oo naman,” sagot ni Noah na hinawakan pa ang kamay ng dalaga sa harap niya.Binalingan ni Ella ang kasamangbabae. “Ely, pwede mo ba akong ibili ng fruit tea? Nauuhaw kasi ako ngayon,” utos nito.Agad namang tumalima ang babae pagkatapos kunin ang inabot nitong cash.Nang maiwan silang tatlo ay bigla siyang kinausap ni Ella, “Nicole, pwede mo ba akong samahan sa restroom?”Nabigla naman siya at napatingin dito.“Ako na lang ang magdadala sa’yo sa restroom, Ella,” saad ni Noah na ikinatawa nito.“Ano ka ba naman, Noah! Girls restroom ‘yon, hindi ka pwede ro’n,” ani Ella.Ayaw sana nitong pumayag ngunit wala naman siyang dahilan para tumanggi kaya kahit labag sa kalooban ay dinala niya sa restroom si Ella.Maingat ang bawat hakbang na ginawa niya habang nakahawak sa wheelchair ng dalaga.Nang nasa loob na ay pumagitna sa kanilang dalawa ang mahabang katahimikan hanggang sa hindi nagtagal ay binasag ito ni Ella.“Ang bait talaga ni Noah at maalalahanin pa, lalo na pagdating sa akin," may halong kilig nitong sambit.Lihim na lumalim ang gatla sa noo ni Nicole dahil pakiramdam niya ay nagtunog mayabang si Ella lalo na't hindi niya maintindihan kung saan nanggaling ang sinabi nito.“Wala ka bang balak magtanong kung anong nangyari sa akin, Nicole? As you can see, lumpo na ako ngayon. Kaya ko pa namang kumanta sa harapan ng marami pero hindi na ang sumayaw,” patuloy pa nito.Napatungo naman si Nicole at may lungkot na pinagmasdan ang kumot na nagtatakip sa mga paa ng dalaga.Sa pagkakaalam niya ay miyembro ng isang teatro si Ella. At kaya ito umalis ay para ipagpatuloy ang pangarap sa isang malaki at kilalang teatro sa ibang bansa.“Sorry, hindi ko nabalitaan kung anong nangyari sa'yo, Ella. Wala rin namang nabanggit sa akin si Noah.”Pansin niyang napabuga ito ng marahas na hininga sabay iling.“Of course, hindi niya talaga sasabihin dahil mahigpit na utos sa kaniyang huwag magsalita at huwag ipaalam sa'yo ang nangyari.”“Utos? Anong ibig mong sabihin?” puno ng pagtataka nitong tanong.“Hindi pa ba obvious? Alam ng lahat ang tungkol sa nangyari sa akin pero ni isa ay wala man lang nakapagsabi sa’yo? Kasi nga, utos ang lahat ng ito ni Lolo Arman. Ayaw niyang malaman mo ang buong katotohanan dahil gano’n ka kahalaga at ka-importante sa kaniya. Para sa lolo ni Noah, isa ka sa pinakamamahal niyang kapamilya."Lihim nitong nahigit ang hininga. “Tapos ka na ba? Para makabalik na tayo,” pag-iiba niya ng usapan.Pero napatunganga na lamang ito nang bigla na lamang siyang hinawakan sa braso ni Ella. Mahigpit iyon at sadya namang nakakakaba.“Ano bang mayron ka na wala ako para tratuhin ako nang ganito? Bakit ganoon na lamang ka-protective si Lolo Arman sa’yo kahit sampid ka lang naman sa pamilya nila? Dahil ba niligtas ng nanay mo ang buhay nila, gano’n ba?”Naramdaman niya ang sakit dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Ella kung kaya pilit niyang inalis ang kamay nito.“Ano ba, Ella. Bitawan mo ako!” may diin niyang sambit sa harapan nito.“Alam mo ba, Nicole? Minsan hinihiling ko na sana ay ako na lang ang nasa posisyon mo para hindi ganito ka-miserable ang buhay ko. Nang dahil sa’yo nawala sa akin ang lalaking pinakamamahal ko hanggang umabot sa puntong nawala na rin maging ang kakayahan kong maglakad."Mariin niyang naipikit ang mga mata. “Hindi ko kasalanang ako ang pinakasalan ni Noah.”“Talaga ba, wala kang kasalanan?” akusa nito. “Alam mong may girlfriend si Noah pero inagaw mo pa rin siya sa akin.”“Wala akong inagaw, Ella! At si Noah mismo ang nagsabing magpakasal kaming dalawa—““Gumising ka na sa kahibangan mo, Nicole! Wala siyang ibang choice dahil pinilit siya ni Lolo Arman! Pinagbantaan siya kaya ka niya pinakasalan!” biglang taas ng boses na sabi ni Ella.Hindi makapaniwalang umiling si Nicole saka napabuntong-hininga.“At bakit naman ako maniniwala sa’yo, Ella? Alam kong hindi magagawa ni Lolo Arman ang mga sinasabi mo,” pagtatanggol nito sa matanda.Sa isang iglap ay napahalakhak si Ella sa kinatatayuan nito.“Oh my gosh! I thought you're smart and understanding, hindi ko akalaing bobita ka pala, Nicole!"Agad na rumehistro ang inis sa mukha ni Nicole. Hindi na nito nagawa pang pigilan ang emosyong nararamdaman.“Bawiin mo 'yang sinabi mo!" aniya habang masama ang tingin kay Ella.“No, Nicole. I won't stay silent!" giit nito. "Dapat kang magising sa katotohanang pinakasalan ka ni Noah alang-alang sa kapakanan ko!"Sa kabila nang ginagawang panggigipit sa kaniya ni Ella ay hindi siya nagpatinag.“Sinungaling!"Tumaas lamang ang sulok ng labi ni Ella saka umiling. “Totoo ang sinasabi ko, Nicole. Huwag kang magbulag-bulagan dahil alam kong nakikita mo na ngayon ang buong katotohanan. Kaya kayo nagpakasal ni Noah dahil gusto niya akong protektahan…”Hindi nito nilubayan ang mga mata niyang unti-unti na ngayong nanginginit sa kinatatayuan.“Ako ang dahilan kung bakit ka pinakasalan ni Noah, Nicole.”NANATILI ang katahimikan ni Nicole hanggang muli nilang marating ang kinaroroonan ng asawa. Mas pinili nitong huwag na lamang sumagot kay Ella at baka magmukha lamang siyang masama kapag nakuha nito ang atensyon ng mga taong pumapasok ng rest room.Maliban sa bahagya nang umiinit ang tainga niya sa takbo ng usapan ay pansin nitong unti-unti na rin siyang pinagtataasan ng boses ng kausap. Iyon din ang dahilan kung bakit mas pinili niyang huwag na lamang itong patulan."Sa tingin mo ba magugustuhan ito ni Lolo?" ani Noah habang nakatingin sa kaniyang direksyon.Ibubuka pa lamang sana ni Nicole ang labi upang sagutin ang tanong nito ngunit naunahan siya ng masiglang sagot ni Ella."Oo naman, Love. Mukhang mamahalin at classy ang design, I'm sure babagay ang relong 'yan sa kahit anong soutin ng lolo mo."'Love?'Muntik na siyang masamid ng sariling laway dahil sa narinig.Nagmukha tuloy hangin ang presensya niya dahil sa lakas ng loob nitong tawaging 'love' si Noah sa mismong harapan niya
SINUBUKAN nitong pakalmahin ang sarili ngunit nanatiling mabigat ang mga yapak ni Nicole habang naglalakad sa tabi ng asawa.Ramdam niya ang mga matang nakapako sa kanilang dalawa habang papasok sa mansyon ng mga Saavedra ngunit binalewala niya iyon. Walang ibang laman ang isipan ni Nicole kung hindi ang kagustuhan nitong maibigay ang regalong hawak bago pa man siya maunahan ni Ella."Nicole? What's wrong?" tanong ni Noah pagkatapos siyang lingunin.Umiling lamang ito saka mas hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ng asawa."Ha? Wala naman, Noah. Hindi ko lang inasahang mas marami palang bisita ang Lolo Arman ngayong birthday niya."Kimi siyang ngumiti para kumbinsihin itong 'yon lamang ang dahilan sa likod nang pagiging balisa niya, kahit ang totoong dahilan sa likod n'yon ay ang mga bagay na paulit-ulit na gumugulo sa kaniyang isipan."Is it my fault?" mahina nitong tanong saka bumuntong-hininga. "Dahil ba sa ginawa kong pagha—" Mabilis siyang umiling para huwag nang matapos ni Noah
Napailing si Noah at napabuntong-hininga. Kapagkuwan ay napasulyap ito sa kaniyang direksyon na tila ba may gusto itong sabihin."What do you mean, Ella?" ani Lolo Arman saka nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa.Lihim siyang napahugot ng malalim na hininga. Maari bang magpaalam muna siya papuntang rest room nang sa gano'n ay tapos na ang usapan sa pagbalik niya?Ayaw na nitong dagdagan pa ang bigat na nararamdaman sa kaniyang dibdib at baka mamaya ay higit pa sa luhang pinakawalan ni Noah ang kumawala sa kaniyang mga mata. Wala rin naman itong balak na magmukhang kawawa sa harapan ng mga bisita ni Lolo Arman kapag sinabi na ng asawa ang malungkot na balita tungkol sa kanilang magiging annulment.Ramdam nitong sinusubukang itago ni Ella ang tuwa ngunit mahahalata pa rin 'yon sa kinang ng mga mata nito. Para bang may balak pa itong gawan siya ng mahabang farewell message oras na malaman ng mga Saavedra ang malungkot na balita."Let's talk about it some other time, Grandpa. It's your b
Huminga siya nang malalim saka mabigat ang kalooban na nagtungo sa dessert section pagkatapos makatanggap ng mahabang katahimikan mula kay Noah. Inasahan niyang may sasabihin man lang ito sa naging tanong niya ngunit ilang minuto lamang silang nagkatitigan. 'Ano ba talaga ang nangyayari, Noah?' bulong niya habang nasa harapan ng chocolate fountain. Hindi nito malaman ang dahilan kung bakit nangingilid ang luha sa mga mata habang iniisip ang mga sekretong tinatago ng asawa magmula nang bumalik ang dati nitong kasintahan. Ang dahilan sa pagkakalumpo ni Ella, ang gaganaping physical therapy at marami pang iba. Hindi naman siguro masamang malaman niya ang mga bagay na 'yon bago siya maglaho na parang bula sa buhay nito, hindi ba? Humigpit ang pagkakahawak niya sa puting ceramic plate na hawak saka mariing ipinikit ang mga mata. Gusto niyang balewalain na lamang ang nalaman at pilitin ang sariling huwag nang manghimasok sa buhay ng asawa ngunit kaagad din siyang napamulat nang
"Are you okay, Nicole?" untag ni Noah na tuluyan nang binasag ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.Gustuhin man nitong sagutin nang maayos ang asawa ngunit awtomatiko siyang natahimik pagkatapos makitang lumapit ang wheelchair ni Ella sa kinatatayuan ni Noah.Parang kanina lang iniwan niya ito sa loob ng restroom kasama ang binitiwan nitong tanong tungkol sa kaniyang ipinagbubuntis. Mabuti na lang at napansin niyang kasama pala nito ang caregiver habang nakasandal ang wheelchair na kinaroroonan nito sa isang cubicle."Ayos lang ako, Noah. May nakain lang siguro akong nakapagpabaliktad ng sikmura ko," pagsisinungaling niya.Matiim itong tumitig sa kaniya saka napabuga ng marahas na hininga. "Kailangan mong maging maingat sa mga kinakain mo, okay? Last time allergy, ngayon naman sumama ang sikmura mo. Huwag na nating hintaying mas malala pa."Imbes na mainis ay napangiti lamang siya sa mahaba nitong sermon.Sinong mag-aakalang magagawang ipakita ni Noah ang concern na nararamdaman
Dahan-dahang iminulat ni Nicole ang mga mata ngunit bumungad sa kaniya ang kulay puting kisame na mas pinatingkad pa ng liwanag na nagmumula sa ilaw na nasa kaniyang uluhan.Kasabay nang pagmulat ng mga mata nito ay nasilayan niya ang imahe ni Noah sa kaniyang harapan."Thanks goodness, you're awake!" sambit ng asawa na para bang nabunutan ng tinik nang makitang nasa maayos na siyang kalagayan.Sinubukan niyang bumangon sa kinahihigaan ngunit natigilan na lamang nang makita ang swero sa kanang kamay.Lalo lamang lumapit sa kinahihigaan niya ang asawa habang maaaninag na ang pangamba sa mga mata nito."Kumusta na ang pakiramdam mo, Nicole? May masakit ba sa'yo?"Tulala niya itong tinitigan."Anong nangyari, Noah?"Gumala ang paningin nito sa paligid at nakumpirmang nakahiga nga siya sa kwarto nilang mag-asawa. Mabilis tuloy nitong nahigit ang hininga dahil sa antisipasyong nararamdaman.Hindi siya dinala ng asawa sa hospital ngunit sapat na ang swerong nakakabit sa kaniyang kamay upang
Bumuntong-hininga si Nicole saka napatayo na lamang mula sa kinauupuan. Gustuhin man nitong hintayin na matapos ang katahimikang ipinapakita ni Noah ngunit mas lamang ang kagustuhan niyang protektahan ang damdamin at unahin ang kapakanan ng magiging anak nilang dalawa.Noah...Mas lalong nanikip ang dibdib niya habang pinagmamasdan ito sa kaniyang harapan.Nananatili pa rin ang katahimikan ng asawa pero mahahalata sa ekspresyon ng mukha nito ang stress na nararamdaman.Halatang problemado si Noah. Pakiramdam niya tuloy ay may balak na naman itong ipaalala sa kaniyang hindi na magbabago ang desisyon nito sa kabila nang nalaman."Hindi mo kailangang panagutan ang batang nasa sinapupunan ko, Noah."Bumuntong-hininga siya habang nakatitig dito. Siguro naman mapapanatag na ito ngayong siya na mismo ang nagsabi na wala itong kahit konting responsibilidad sa dinadala."What are you talking about, Nicole?" mabilis na tanong ng asawa kapagkuwan ay napakunot ang noo. "I am the father. Of course
MAS PINILI niyang manahimik kahit nagawa nitong tanggapin ang ibinigay ng asawa. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa envelope na nagmula kay Noah na para bang doon nito ibinaling ang frustrasyong nararamdaman sa kanilang naging usapan. Kung ano man ang nilalaman nito, wala siyang pakialam. Wala na rin naman siyang interes na muling manghimasok sa mga plano ni Noah kasama ang dati nitong kasintahan kahit gaano pa kalaki ang kagustuhan nitong tumayong ama sa batang nasa kaniyang sinapupunan. May kirot mang nararamdaman sa kaniyang sintido ngunit nagawa pa rin nitong bumalik ng sala upang hanapin ang maletang naiwan kahapon. Ilang minuto rin siyang naghanap. Halos ma-ikot na nito lahat, maging ang pantry at maid's quarter pero hindi nito nakita ang hinahanap. Hindi kaya itinago iyon ni Noah nang mahimatay siya? Kung gano'n maaring nasa loob ng master's bedroom ang mga gamit niya. Walang nagawa si Nicole kung hindi bumalik ng guest room kahit gusto na nitong dumiretso ng lakad para
[Something came up, Nicole. I'm sorry but we need to change our schedule for our safety. Hindi ka naman ba mahihirapan na wala ako sa tabi mo papuntang clinic?]Nanatili siyang tahimik habang binabasa nang maiigi ang mensahe ng asawa sa chat. Isang malalim na hininga man ang kumawala mula kay Nicole ngunit minabuti pa rin nitong bilisan ang reply kay Noah.[Don't worry about me. Magkita na lang tayo sa clinic. Hintayin niyo ako ni baby, okay? I'll be there in a few minutes,] pangungumbinsi sa kaniya ni Noah ilang minuto ang nakalipas.May pag-aalangan man ngunit nagawa pa rin nitong sagutin ulit ang mensahe ng asawa. Kahit sabihin pang napakalayo ng gusto nitong gawin ngayon sa orihinal na plano nilang dalawa.Isa lang ang nasa isip ni Nicole sa mga oras na ito, kailangan niyang mag-ayos at maghanda para sundin si Noah.Ilang minuto ang nakalipas, narating niya ang kinaroroonan ng sasakyan kung saan abala pa rin ang driver sa ginagawa nitong maintenance. Alas-dyes ng umaga ang usapan
ILANG ARAW na ang nakalilipas ngunit bakas pa rin ang kasiyahan sa mukha ni Nicole matapos ang huling pagbisita ng asawa.Sa umaga, palagi siyang tumatambay sa kusina para pagmasdan ang ginagawang paghahanda ng mga pagkain ni Nelba. Nasanay na rin nga itong magtanong kung may gusto ba siyang kainin sa araw na 'yon. Kapag naman nahihirapan ito sa hiling niya ay sabay nilang pinag-aaralan ang recipe sa internet.Ginawa rin nitong libangan ang bagong mga bulaklak na itinanim niya sa hardin. Ayaw kasi nitong umabot sa puntong magbibilang na naman siya ng araw hanggang sa muling pagbabalik ng asawa.Hindi na kasi makapaghintay si Nicole na dumating ang araw na 'yon dahil napagkasunduan nilang dalawa ni Noah na magkasama silang pupunta ng clinic para sa kaniyang susunod na prenatal check-up.Naikuwento kasi nito sa asawa na maari na raw nilang malaman ang kasarian ng magiging anak sa gaganaping ultrasound. Wala tuloy mapagsidlan ang kasiyahang nararamdaman ni Noah at gumawa na rin ito ng pl
NAPAPAHIKAB na kinapa ni Nicole ang makapal na comforter sa kaniyang paanan matapos nitong maalimpungatan mula sa mahimbing na pagkakatulog. Hindi niya napigilan ang huwag mapangiti dahil nakasisigurado siyang pumasok si Nelba para siguraduhing ayos lang ito matapos ang nangyari.Sa pagkakatanda niya, nakaligtaan nitong magkumot at hindi rin nito nagawang pahinaan ang air-con. dahil sa dami ng mga tumatakbo sa isipan niya kagabi. Mabuti na lang at binigyan niya ng karapatan si Nelba na silipin siya sa tuwing wala ang asawa upang makasiguradong nasa maayos itong kalagayan.Balak na sanang bumangon ni Nicole para uminom ng malamig na tubig ngunit gano'n na lamang kabilis na namilog ng mga mata niya nang dumako ang paningin nito sa sofa."Noah?" mahina niyang sambit upang huwag itong magising.Wala naman itong natanggap na tugon mula sa asawa. Makikitang masyadong mahimbing ang tulog ni Noah para magising sa pagtawag niya ng pangalan nito.Ilang sandali pa, kusa na lamang huminto ang mga
MAGKAHARAP sina Ella at Noah sa sala habang pinagmamasdan ng dalaga ang mga dokumentong nagmula sa abogado nito. Iyon ang naisip niyang paraan para mas ganahan ito sa isinasagawang physical therapy sessions dahil hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang wala man lang kahit konting improvement ang mga paa nito."I thought the process would only last for one month, Noah. Mas mabuti pa palang ma-aprubahan na ang divorce bill sa Pilipinas para mas mapabilis ang proseso, ano?" walang pag-aalinlangang sambit ni Ella saka inilapag ang hawak sa kaniyang harapan.Lihim namang napaigham si Noah sa sinabi ng dalaga. Halata kasing hindi na ito makapaghintay na magkahiwalay silang dalawa ni Nicole kahit sabihing mga pekeng dokumento lamang ang ipinakita niya rito.Kung sabagay, gano'n din naman siyang nagmamadali nang makita na naigagalaw nito ang mga paa upang tuluyan na itong makabalik sa asawa.He's almost there.Almost there.Unti-unti na nitong naisasakatuparan ang mga plano sa negosyo la
MAAGANG nagising si Nicole kaya pinagtuunan nito nang pansin ang mga tanim na white roses at iba't ibang kulay na bougainvillea sa hardin.Dalawang buwan na rin ang nakalilipas matapos niyang pumayag sa kagustuhan ni Noah na itago silang mag-ina mula kay Ella at sa mommy nito. Talaga namang naging mahirap 'yon sa umpisa, malaking adjustment ang ginawa nito hanggang unti-unti rin siyang nasanay sa katahimikan ng rest house.Akala nito ay magiging boring ang bawat araw na wala ang asawa ngunit hindi nito inaasahang mas lalo pala siyang mapapamahal sa anghel na nasa sinapupunan dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay nagagawa niya nang pagtuunan ng pansin ang development nito.Mahahalata na rin ang baby bump niya at nabawasan na rin ang morning sickness na nararamdaman nito.Hanggang ngayon tuloy ay napapangiti pa rin siya sa tuwing naaalala ang reaksyon ni Noah noong una nilang marinig ang heartbeat ng kanilang baby. Walang mapagsidlan ang tuwa nilang dalawa pero mabilis din 'yong nata
HINDI PA MAN nakakalabas ng establisyemento si Noah nang magkasalubong sila ni Lolo Arman. Nagmamadali at wala siyang oras na makipag-usap dito kung kaya hangad niyang lampasan ito kung hindi lamang nagsalita ang matanda."Tell me what's going on, Noah," anito na para bang napansin ang mali sa ikinikilos niya.Ilang pulgada na lamang ang layo niya sa bungad pero alam nitong wala siyang ibang choice kung hindi sagutin ang lolo."Kailangan kong puntahan ang asawa ko, Grandpa."Bumilog ang mga mata nito. "You're going back to Manila?"Umiling siya saka bumuntong-hininga. "No, Grandpa. My wife is in Cebu."Alam nitong marami siyang kailangang ipaliwanag kay Lolo Arman at paniguradong hindi magiging sapat ang isang araw para gawin 'yon.Umpisa pa lang kasi ay pagkalito na ang naipinta sa mukha ng matandang Saavedra nang magpaiwan siya sa tabi ng babaeng tinuturing nilang kaaway sa negosyo kung kaya nakasisigurado siyang hindi magiging madali ang paliwanagang mangyayari.MAS BINILISAN nito
KINAKABAHANG napahawak si Nicole sa kaniyang tiyan habang pinagmamasdan ang hawak na cellphone. Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang isa-isang binubuksan ang mga unread messages mula sa asawa.Ilang oras na rin naman ang nakalipas matapos niyang hayaang harapin ni Noah ang hindi nito inaasahang bisita.She heard everything...Kaya gustuhin man nitong kumalma ngunit hindi niya magawa. Ilang taon na rin ang nakalilipas ngunit tanda pa nito kung gaano kalugmok si Noah habang ikini-kuwento sa kaniya noon ang mga naranasan nito sa ina ng dating girlfriend.Hindi niya maaring makalimutan ang pangalang 'yon at hindi niya inaasahang ang tinutukoy pala ng asawa niyang dating nobya ay si Ella at hindi ang first girlfriend ito.Napabuntong-hininga pa siya habang itinitipa sa cellphone ang pangalang narinig, mas mabuti na ang may alam kaysa wala. Laking tulong na rin ng teknolohiya dahil magagawa na nitong kilalanin ang mommy ni Ella nang hindi nagtatanong kay Noah.'Annabelle Dimakulangan-
BUMUNTONG-HININGA si Noah dala ng pinaghalong inis at frustasyong nararamdaman. Ilang minuto rin siyang nawala sa sarili hanggang sa mapasandal na lamang ito sa malamig na pader sa kaniyang likuran, kapagkuwan ay muling napabaling sa kaniyang kamay kung saan naroon ang cellphone. "Nicole?" tawag nito nang mapagtantong nasa kabilang linya pa rin ang asawa kahit ilang minuto rin siyang nakipag-usap sa sekretarya. Hindi nawala ang pangalan nito sa screen ngunit pawang katahimikan na lamang ang sumasagot sa kaniya sa tuwing tinatawag niya ang pangalan nito. "Damn!" hasik niya saka napasabunot na lamang sa sariling buhok. Nanghihina siyang napaupo sa sofa. Pakiramdam kasi nito ay unti-unti siyang nilalamon ng kaliwa't kanang stress na mas pinalala pa ng sitwasyong kinaroroonan niya ngayon. If only he's powerful enough to handle the Villafuertes, hindi sana magiging ganito ang mundo niya. Dahil hindi porket bilyon ang perang pumapasok sa kompanyang hinahawakan nito ay wala nang maa
HUMINGA muna siya nang malalim bago ipinagpatuloy ang mga gusto nitong sabihin kay Noah.Umpisa pa lamang ay alam niyang hindi magiging madali ang usapan nilang dalawa kaya pinilit nito ang sariling maging kalmado at matatag sa lahat ng oras. Ilang beses mang binalot ng katahimikan ang kabilang linya pero alam nitong nakikinig pa rin ang asawa sa kaniya."Hindi ba't sinabi mo sa aking gusto mo kaming itago ng magiging anak natin?"Muling napabuga ng hininga si Noah.[Yes, Nicole. I'll do that to protect you both.]Marahan siyang napapikit sa naging sagot ng asawa saka hinimas ang tiyan. "Pumapayag na ako sa alok mo, Noah."[Talaga? Thanks goodness, Nicole! Please give me your location para masundo kita agad. I'm in a business meeting in Cebu but I could ask grandpa to represent the company in lieu of me.]Mahahalata ang sigla sa boses ni Noah ngunit sunod-sunod lamang siyang napailing kahit alam nitong hindi naman siya nakikita ng asawa.Napabuntong-hininga siya. "Pumapayag ako pero m