MAS PINILI niyang manahimik kahit nagawa nitong tanggapin ang ibinigay ng asawa. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa envelope na nagmula kay Noah na para bang doon nito ibinaling ang frustrasyong nararamdaman sa kanilang naging usapan. Kung ano man ang nilalaman nito, wala siyang pakialam. Wala na rin naman siyang interes na muling manghimasok sa mga plano ni Noah kasama ang dati nitong kasintahan kahit gaano pa kalaki ang kagustuhan nitong tumayong ama sa batang nasa kaniyang sinapupunan. May kirot mang nararamdaman sa kaniyang sintido ngunit nagawa pa rin nitong bumalik ng sala upang hanapin ang maletang naiwan kahapon. Ilang minuto rin siyang naghanap. Halos ma-ikot na nito lahat, maging ang pantry at maid's quarter pero hindi nito nakita ang hinahanap. Hindi kaya itinago iyon ni Noah nang mahimatay siya? Kung gano'n maaring nasa loob ng master's bedroom ang mga gamit niya. Walang nagawa si Nicole kung hindi bumalik ng guest room kahit gusto na nitong dumiretso ng lakad para
'Please, let me hide you and our baby, Nicole. Sa tamang oras sasabihin ko rin sa'yo ang totoo, hayaan mo muna akong itama ang lahat.'Nanatili siyang nakatitig sa bintana ng sinasakyang taxi habang paulit-ulit na bumabalik sa isipan ang huling mga katagang binitiwan ni Noah.'Kung pumayag ako sa sinabi ng daddy mo kagabi may magbabago ba, baby? Wala naman, hindi ba? Itatago niya tayong dalawa habang tinutulungan nitong muling makalakad si Ella, pagkatapos? Anong mangyayari? Baka umasa lang tayo sa isang pangakong wala namang kasiguraduhan sa huli,' isip nito habang hinihimas ang tiyan. 'At kung ano man ang ibig sabihin ng daddy mo sa sinabi niyang kailangan muna nitong itama ang lahat, hindi ko naman pwedeng hayaan na maipit tayo sa gitna hanggang sa magmukha lamang tayong kawawa sa dulo. Pagod na pagod nang masaktan si mommy, baby. Pagod na akong umasa at maiwan sa huli.'Hinayaan nitong mahulog ang isang butil ng luha sa kaniyang pisngi dahil alam nitong tanging ang taxi driver lan
WALA SA SARILING sinuyod ni Noah ang bawat sulok ng mansyon para hanapin si Nicole ngunit wala itong nakita.Sinubukan niyang tanungin ang mga kasambahay pero hindi raw nito napansing lumabas ang kanilang amo dahil abala ang mga ito sa kani-kanilang mga trabaho. Nagawa na rin nitong tanungin ang sariling driver ngunit hindi raw nagpahatid ang asawa."Nicole naman, nasaan ka na ba?" Hindi niya napigilan ang huwag mapabulong sa hangin.Kulang na lang sabunutan nito ang sariling buhok habang inaalala ang kalagayan ng asawa nitong nakaraang araw. Hindi man lang nito napansing buntis si Nicole, kaya pala napapadalas ang pagsama ng pakiramdam nito lately at may mga napansin din siyang pagbabago sa mga paborito nitong pagkain.Minsan na rin itong hinimatay sa kaniyang tabi kaya batid niyang hindi pa maayos ang kondisyon nito hanggang ngayon.Hindi siya maaring magkamali na possibleng sinubukan na nitong lumayo dahil wala na rin ang maleta nito nang hinanap niya iyon sa kanilang kuwarto. Tang
Kaagad na kumabog nang malakas at mabilis ang puso ni Nicole nang masilayan ang nilalaman ng brown envelope.'Hindi maari! Bakit?'Nanubig ang mga mata niya pero hindi nito pinahalata dahil baka mapansin lamang iyon ng katabi niyang pasahero sa loob ng eroplano.'Bakit ibinalik mo sa akin ang annulment papers na pinirmahan nating dalawa, Noah?' mahina niyang bulong sa kinauupuan.Sinigurado nitong ang totoong dokumento ang nasa harapan dahil hinawakan niya maging ang likurang bahagi ng pirma nilang dalawa. Umuumbok 'yon, ibig sabihin, hawak niya ang orihinal na kopya at walang natira sa kamay ni Noah para gamitin sa aplikasyon nang pagpapawalang-bisa ng kanilang kasal.'Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Naguguluhan ako, Noah."Napapikit na lang siya habang may diin ang pagkakasandal ng likod sa kinauupuan. Minabuti nitong itago na ang annulment papers dahil mas lalo lamang nagugulo ang emosyon niya habang hawak ito.Marahan nitong hinaplos ang tiyan, hindi para pakalmahin ang
MAY LUNGKOT sa mga mata siyang sinalubong ng caregiver ni Ella. Suot nito ang kulay asul na uniporme ngunit mahahalata ang pagkabalisa sa mga galaw nito na para bang may masama ng nangyari sa amo ilang minuto pagkatapos nilang magkausap na dalawa."Where is she?" mabilis niyang tanong.Pansin niyang napahugot muna ng malalim na hininga ang babae bago sumagot. "Nasa kuwarto po, Sir. Ayaw pong kumain ni Ma'am ng almusal, masama na naman po yata ang pakiramdam."Siya naman itong palihim na napabuntong-hininga. "Natawagan mo na ba si Dr. Reyes?"Umiling ito. "Pinagbawalan po ako ni Ma'am Ella na tawagan ang doktor niya nang walang pasabi, Sir."Mariin na lamang nitong naipikit ang mga mata bago sumagot. "I understand." Pakiramdam niya ay mas lalo lamang bumigat ang dibdib dahil nahahati ang isipan nito ngayon sa dalawa. Nagawa nga nitong makarating sa bahay na tinutuluyan ni Ella ngunit walang ibang nasa isipan niya kung hindi ang kinaroroonan ng mag-ina."Is that the key to her room?" d
HANGGANG NGAYON ay hindi pa rin makapaniwala si Nicole habang pinagmamasdan ang kaniyang cellphone. Hindi nito inaasahang sa tatlong oras na pahingang ginawa niya magmula nang dumating ito ng Cebu ay mapupuno rin siya ng sandamakmak na missed calls at messages mula kay Noah.Hindi niya mabilang kung ilang tanong ang natanggap nito mula sa asawa hanggang umabot na 'yon sa puntong tila ba nagmamakaawa na ang mga chat nito sa kaniya.Napapabuntong-hininga siya habang iniisip ang maaring kinahinatnan ni Noah kung totoo mang nagawa siya nitong sundan sa clinic hanggang sa airport.'Dapat niya ba talagang pahirapan nang ganito si Noah?''Kung oo, paano kung nahihirapan din ito ngayon tulad niya o baka naman mas higit pa?'Bumuntong-hininga na lamang ito habang patuloy pa ring binabasa ang mga chat ni Noah. Balewala na sa kaniya kung mapansin man nito ang ginagawa niya, baka naman kasi sa pamamagitan nito ay mabawasan man lang kahit papaano ang stress na nararamdaman ng asawa sa simpleng pag
NAPABUGA siya ng marahas na hininga saka bahagya pang natulala sa hawak na papel. Hindi pa umabot ng dalawampu't apat na oras magmula nang umalis si Nicole ngunit parang iyon na ang pinakamahabang gabi ng buhay niya. Akala nito ay magiging gano'n kadali ang lahat nang napagdesisyunan niyang hiwalayan ang asawa para sa ikapapanatag ng kaniyang kalooban at alang-alang na rin sa kaligtasan nito, ngunit bakit parang sasabog ang isip at puso niya sa mga nangyayari? Dahil ba sinubukan niyang baguhin ang maling desisyon ngunit hindi siya nito pinakinggan? Mas lalo lamang nitong napagtanto na hindi niya kayang mabuhay nang wala ang asawa. Bawat minuto at segundong lumilipas ay para lamang pinipiga ang dibdib niya sa sobrang bigat. "I want you to look for my wife," aniya pagkatapos ay binigay ang hawak sa lalaking nasa harapan. Ngumiti lamang ito nang makahulugan sa kaniya saka tumango. "Sure, Mr. Saavedra. Makakaasa kayong mahahanap ko ang asawa niyo sa lalong madaling panahon." Tumango l
NANG sumunod na araw ay masyadong naging abala si Noah sa naturang business meeting, hindi nito maipaliwanag ang pagod na nararamdaman kahit kung tutuusin ay normal na routine lang naman ng pagiging negosyante ang kaniyang ginagawa.Yes, he's earning millions while smiling and talking with the investors. Ngunit sa kabila noon ay paulit-ulit namang bumabalik sa isipan niya ang tensyong hatid ng mommy ni Ella at kagustuhan nitong joint venture sa kompanyang pagmamay-ari ng kaniyang lolo.And what's more in his stress bag?Walang oras na hindi niya sinilip ang cellphone kung may natanggap ba itong mensahe mula sa kaniyang private investigator.Hinahanap pa rin nito ang asawa habang dahan-dahang inaayos ang mga gusot sa paligid niya.Napabuntong-hininga na lamang si Noah bago tumayo mula sa pagkakaupo nang makitang oras na para silipin niya ang mga bisita. Siguradong nasa main hall na rin ang mga investors mula Sorelle Construction at hinihintay na siya ng mga ito.Pero bago pa man nito m