Kaagad na kumabog nang malakas at mabilis ang puso ni Nicole nang masilayan ang nilalaman ng brown envelope.'Hindi maari! Bakit?'Nanubig ang mga mata niya pero hindi nito pinahalata dahil baka mapansin lamang iyon ng katabi niyang pasahero sa loob ng eroplano.'Bakit ibinalik mo sa akin ang annulment papers na pinirmahan nating dalawa, Noah?' mahina niyang bulong sa kinauupuan.Sinigurado nitong ang totoong dokumento ang nasa harapan dahil hinawakan niya maging ang likurang bahagi ng pirma nilang dalawa. Umuumbok 'yon, ibig sabihin, hawak niya ang orihinal na kopya at walang natira sa kamay ni Noah para gamitin sa aplikasyon nang pagpapawalang-bisa ng kanilang kasal.'Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Naguguluhan ako, Noah."Napapikit na lang siya habang may diin ang pagkakasandal ng likod sa kinauupuan. Minabuti nitong itago na ang annulment papers dahil mas lalo lamang nagugulo ang emosyon niya habang hawak ito.Marahan nitong hinaplos ang tiyan, hindi para pakalmahin ang
MAY LUNGKOT sa mga mata siyang sinalubong ng caregiver ni Ella. Suot nito ang kulay asul na uniporme ngunit mahahalata ang pagkabalisa sa mga galaw nito na para bang may masama ng nangyari sa amo ilang minuto pagkatapos nilang magkausap na dalawa."Where is she?" mabilis niyang tanong.Pansin niyang napahugot muna ng malalim na hininga ang babae bago sumagot. "Nasa kuwarto po, Sir. Ayaw pong kumain ni Ma'am ng almusal, masama na naman po yata ang pakiramdam."Siya naman itong palihim na napabuntong-hininga. "Natawagan mo na ba si Dr. Reyes?"Umiling ito. "Pinagbawalan po ako ni Ma'am Ella na tawagan ang doktor niya nang walang pasabi, Sir."Mariin na lamang nitong naipikit ang mga mata bago sumagot. "I understand." Pakiramdam niya ay mas lalo lamang bumigat ang dibdib dahil nahahati ang isipan nito ngayon sa dalawa. Nagawa nga nitong makarating sa bahay na tinutuluyan ni Ella ngunit walang ibang nasa isipan niya kung hindi ang kinaroroonan ng mag-ina."Is that the key to her room?" d
HANGGANG NGAYON ay hindi pa rin makapaniwala si Nicole habang pinagmamasdan ang kaniyang cellphone. Hindi nito inaasahang sa tatlong oras na pahingang ginawa niya magmula nang dumating ito ng Cebu ay mapupuno rin siya ng sandamakmak na missed calls at messages mula kay Noah.Hindi niya mabilang kung ilang tanong ang natanggap nito mula sa asawa hanggang umabot na 'yon sa puntong tila ba nagmamakaawa na ang mga chat nito sa kaniya.Napapabuntong-hininga siya habang iniisip ang maaring kinahinatnan ni Noah kung totoo mang nagawa siya nitong sundan sa clinic hanggang sa airport.'Dapat niya ba talagang pahirapan nang ganito si Noah?''Kung oo, paano kung nahihirapan din ito ngayon tulad niya o baka naman mas higit pa?'Bumuntong-hininga na lamang ito habang patuloy pa ring binabasa ang mga chat ni Noah. Balewala na sa kaniya kung mapansin man nito ang ginagawa niya, baka naman kasi sa pamamagitan nito ay mabawasan man lang kahit papaano ang stress na nararamdaman ng asawa sa simpleng pag
NAPABUGA siya ng marahas na hininga saka bahagya pang natulala sa hawak na papel. Hindi pa umabot ng dalawampu't apat na oras magmula nang umalis si Nicole ngunit parang iyon na ang pinakamahabang gabi ng buhay niya. Akala nito ay magiging gano'n kadali ang lahat nang napagdesisyunan niyang hiwalayan ang asawa para sa ikapapanatag ng kaniyang kalooban at alang-alang na rin sa kaligtasan nito, ngunit bakit parang sasabog ang isip at puso niya sa mga nangyayari? Dahil ba sinubukan niyang baguhin ang maling desisyon ngunit hindi siya nito pinakinggan? Mas lalo lamang nitong napagtanto na hindi niya kayang mabuhay nang wala ang asawa. Bawat minuto at segundong lumilipas ay para lamang pinipiga ang dibdib niya sa sobrang bigat. "I want you to look for my wife," aniya pagkatapos ay binigay ang hawak sa lalaking nasa harapan. Ngumiti lamang ito nang makahulugan sa kaniya saka tumango. "Sure, Mr. Saavedra. Makakaasa kayong mahahanap ko ang asawa niyo sa lalong madaling panahon." Tumango l
NANG sumunod na araw ay masyadong naging abala si Noah sa naturang business meeting, hindi nito maipaliwanag ang pagod na nararamdaman kahit kung tutuusin ay normal na routine lang naman ng pagiging negosyante ang kaniyang ginagawa.Yes, he's earning millions while smiling and talking with the investors. Ngunit sa kabila noon ay paulit-ulit namang bumabalik sa isipan niya ang tensyong hatid ng mommy ni Ella at kagustuhan nitong joint venture sa kompanyang pagmamay-ari ng kaniyang lolo.And what's more in his stress bag?Walang oras na hindi niya sinilip ang cellphone kung may natanggap ba itong mensahe mula sa kaniyang private investigator.Hinahanap pa rin nito ang asawa habang dahan-dahang inaayos ang mga gusot sa paligid niya.Napabuntong-hininga na lamang si Noah bago tumayo mula sa pagkakaupo nang makitang oras na para silipin niya ang mga bisita. Siguradong nasa main hall na rin ang mga investors mula Sorelle Construction at hinihintay na siya ng mga ito.Pero bago pa man nito m
PAGOD na umupo si Nicole sa sofa pagkarating na pagkarating nito sa tinutuluyang condominium unit. Bumuga siya ng marahas na hininga saka pinakiramdaman ang mga paang bahagya pang nangangatog sa kinauupuan dala ng sobrang pagmamadali."Anong ginagawa mo dito, Noah?" mahina niyang bulong sa hangin.Kung hindi sa tulong nang dumaang 10-wheeler wing van ay paniguradong nagkrus na ang landas nilang dalawa. Mabuti na lamang at humarang iyon kaya nakasisigurado siyang boses lamang nito ang narinig ng asawa.Bibili na sana siya ng hanap nitong manggang hilaw. Mabuti na lang at nagawa niyang makilala si Noah kahit nakatalikod ito sa bungad ng isang convenient store."Ilang araw pa lang ang nakakalipas pero nagawa mo na akong masundan ng Cebu."Wala sa sariling napahimas ito sa kaniyang tiyan dahil alam niyang kung makakapagsalita lamang ang anak ay magtataka ito sa ikinilos niya. Daig pa kasi nito ang nakikipaglaro ng tagu-taguan kanina sa ilalim ng mataas na sikat ng araw."Mukhang seryoso a
HUMINGA muna siya nang malalim bago ipinagpatuloy ang mga gusto nitong sabihin kay Noah.Umpisa pa lamang ay alam niyang hindi magiging madali ang usapan nilang dalawa kaya pinilit nito ang sariling maging kalmado at matatag sa lahat ng oras. Ilang beses mang binalot ng katahimikan ang kabilang linya pero alam nitong nakikinig pa rin ang asawa sa kaniya."Hindi ba't sinabi mo sa aking gusto mo kaming itago ng magiging anak natin?"Muling napabuga ng hininga si Noah.[Yes, Nicole. I'll do that to protect you both.]Marahan siyang napapikit sa naging sagot ng asawa saka hinimas ang tiyan. "Pumapayag na ako sa alok mo, Noah."[Talaga? Thanks goodness, Nicole! Please give me your location para masundo kita agad. I'm in a business meeting in Cebu but I could ask grandpa to represent the company in lieu of me.]Mahahalata ang sigla sa boses ni Noah ngunit sunod-sunod lamang siyang napailing kahit alam nitong hindi naman siya nakikita ng asawa.Napabuntong-hininga siya. "Pumapayag ako pero m
BUMUNTONG-HININGA si Noah dala ng pinaghalong inis at frustasyong nararamdaman. Ilang minuto rin siyang nawala sa sarili hanggang sa mapasandal na lamang ito sa malamig na pader sa kaniyang likuran, kapagkuwan ay muling napabaling sa kaniyang kamay kung saan naroon ang cellphone. "Nicole?" tawag nito nang mapagtantong nasa kabilang linya pa rin ang asawa kahit ilang minuto rin siyang nakipag-usap sa sekretarya. Hindi nawala ang pangalan nito sa screen ngunit pawang katahimikan na lamang ang sumasagot sa kaniya sa tuwing tinatawag niya ang pangalan nito. "Damn!" hasik niya saka napasabunot na lamang sa sariling buhok. Nanghihina siyang napaupo sa sofa. Pakiramdam kasi nito ay unti-unti siyang nilalamon ng kaliwa't kanang stress na mas pinalala pa ng sitwasyong kinaroroonan niya ngayon. If only he's powerful enough to handle the Villafuertes, hindi sana magiging ganito ang mundo niya. Dahil hindi porket bilyon ang perang pumapasok sa kompanyang hinahawakan nito ay wala nang maa
[Something came up, Nicole. I'm sorry but we need to change our schedule for our safety. Hindi ka naman ba mahihirapan na wala ako sa tabi mo papuntang clinic?]Nanatili siyang tahimik habang binabasa nang maiigi ang mensahe ng asawa sa chat. Isang malalim na hininga man ang kumawala mula kay Nicole ngunit minabuti pa rin nitong bilisan ang reply kay Noah.[Don't worry about me. Magkita na lang tayo sa clinic. Hintayin niyo ako ni baby, okay? I'll be there in a few minutes,] pangungumbinsi sa kaniya ni Noah ilang minuto ang nakalipas.May pag-aalangan man ngunit nagawa pa rin nitong sagutin ulit ang mensahe ng asawa. Kahit sabihin pang napakalayo ng gusto nitong gawin ngayon sa orihinal na plano nilang dalawa.Isa lang ang nasa isip ni Nicole sa mga oras na ito, kailangan niyang mag-ayos at maghanda para sundin si Noah.Ilang minuto ang nakalipas, narating niya ang kinaroroonan ng sasakyan kung saan abala pa rin ang driver sa ginagawa nitong maintenance. Alas-dyes ng umaga ang usapan
ILANG ARAW na ang nakalilipas ngunit bakas pa rin ang kasiyahan sa mukha ni Nicole matapos ang huling pagbisita ng asawa.Sa umaga, palagi siyang tumatambay sa kusina para pagmasdan ang ginagawang paghahanda ng mga pagkain ni Nelba. Nasanay na rin nga itong magtanong kung may gusto ba siyang kainin sa araw na 'yon. Kapag naman nahihirapan ito sa hiling niya ay sabay nilang pinag-aaralan ang recipe sa internet.Ginawa rin nitong libangan ang bagong mga bulaklak na itinanim niya sa hardin. Ayaw kasi nitong umabot sa puntong magbibilang na naman siya ng araw hanggang sa muling pagbabalik ng asawa.Hindi na kasi makapaghintay si Nicole na dumating ang araw na 'yon dahil napagkasunduan nilang dalawa ni Noah na magkasama silang pupunta ng clinic para sa kaniyang susunod na prenatal check-up.Naikuwento kasi nito sa asawa na maari na raw nilang malaman ang kasarian ng magiging anak sa gaganaping ultrasound. Wala tuloy mapagsidlan ang kasiyahang nararamdaman ni Noah at gumawa na rin ito ng pl
NAPAPAHIKAB na kinapa ni Nicole ang makapal na comforter sa kaniyang paanan matapos nitong maalimpungatan mula sa mahimbing na pagkakatulog. Hindi niya napigilan ang huwag mapangiti dahil nakasisigurado siyang pumasok si Nelba para siguraduhing ayos lang ito matapos ang nangyari.Sa pagkakatanda niya, nakaligtaan nitong magkumot at hindi rin nito nagawang pahinaan ang air-con. dahil sa dami ng mga tumatakbo sa isipan niya kagabi. Mabuti na lang at binigyan niya ng karapatan si Nelba na silipin siya sa tuwing wala ang asawa upang makasiguradong nasa maayos itong kalagayan.Balak na sanang bumangon ni Nicole para uminom ng malamig na tubig ngunit gano'n na lamang kabilis na namilog ng mga mata niya nang dumako ang paningin nito sa sofa."Noah?" mahina niyang sambit upang huwag itong magising.Wala naman itong natanggap na tugon mula sa asawa. Makikitang masyadong mahimbing ang tulog ni Noah para magising sa pagtawag niya ng pangalan nito.Ilang sandali pa, kusa na lamang huminto ang mga
MAGKAHARAP sina Ella at Noah sa sala habang pinagmamasdan ng dalaga ang mga dokumentong nagmula sa abogado nito. Iyon ang naisip niyang paraan para mas ganahan ito sa isinasagawang physical therapy sessions dahil hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang wala man lang kahit konting improvement ang mga paa nito."I thought the process would only last for one month, Noah. Mas mabuti pa palang ma-aprubahan na ang divorce bill sa Pilipinas para mas mapabilis ang proseso, ano?" walang pag-aalinlangang sambit ni Ella saka inilapag ang hawak sa kaniyang harapan.Lihim namang napaigham si Noah sa sinabi ng dalaga. Halata kasing hindi na ito makapaghintay na magkahiwalay silang dalawa ni Nicole kahit sabihing mga pekeng dokumento lamang ang ipinakita niya rito.Kung sabagay, gano'n din naman siyang nagmamadali nang makita na naigagalaw nito ang mga paa upang tuluyan na itong makabalik sa asawa.He's almost there.Almost there.Unti-unti na nitong naisasakatuparan ang mga plano sa negosyo la
MAAGANG nagising si Nicole kaya pinagtuunan nito nang pansin ang mga tanim na white roses at iba't ibang kulay na bougainvillea sa hardin.Dalawang buwan na rin ang nakalilipas matapos niyang pumayag sa kagustuhan ni Noah na itago silang mag-ina mula kay Ella at sa mommy nito. Talaga namang naging mahirap 'yon sa umpisa, malaking adjustment ang ginawa nito hanggang unti-unti rin siyang nasanay sa katahimikan ng rest house.Akala nito ay magiging boring ang bawat araw na wala ang asawa ngunit hindi nito inaasahang mas lalo pala siyang mapapamahal sa anghel na nasa sinapupunan dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay nagagawa niya nang pagtuunan ng pansin ang development nito.Mahahalata na rin ang baby bump niya at nabawasan na rin ang morning sickness na nararamdaman nito.Hanggang ngayon tuloy ay napapangiti pa rin siya sa tuwing naaalala ang reaksyon ni Noah noong una nilang marinig ang heartbeat ng kanilang baby. Walang mapagsidlan ang tuwa nilang dalawa pero mabilis din 'yong nata
HINDI PA MAN nakakalabas ng establisyemento si Noah nang magkasalubong sila ni Lolo Arman. Nagmamadali at wala siyang oras na makipag-usap dito kung kaya hangad niyang lampasan ito kung hindi lamang nagsalita ang matanda."Tell me what's going on, Noah," anito na para bang napansin ang mali sa ikinikilos niya.Ilang pulgada na lamang ang layo niya sa bungad pero alam nitong wala siyang ibang choice kung hindi sagutin ang lolo."Kailangan kong puntahan ang asawa ko, Grandpa."Bumilog ang mga mata nito. "You're going back to Manila?"Umiling siya saka bumuntong-hininga. "No, Grandpa. My wife is in Cebu."Alam nitong marami siyang kailangang ipaliwanag kay Lolo Arman at paniguradong hindi magiging sapat ang isang araw para gawin 'yon.Umpisa pa lang kasi ay pagkalito na ang naipinta sa mukha ng matandang Saavedra nang magpaiwan siya sa tabi ng babaeng tinuturing nilang kaaway sa negosyo kung kaya nakasisigurado siyang hindi magiging madali ang paliwanagang mangyayari.MAS BINILISAN nito
KINAKABAHANG napahawak si Nicole sa kaniyang tiyan habang pinagmamasdan ang hawak na cellphone. Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang isa-isang binubuksan ang mga unread messages mula sa asawa.Ilang oras na rin naman ang nakalipas matapos niyang hayaang harapin ni Noah ang hindi nito inaasahang bisita.She heard everything...Kaya gustuhin man nitong kumalma ngunit hindi niya magawa. Ilang taon na rin ang nakalilipas ngunit tanda pa nito kung gaano kalugmok si Noah habang ikini-kuwento sa kaniya noon ang mga naranasan nito sa ina ng dating girlfriend.Hindi niya maaring makalimutan ang pangalang 'yon at hindi niya inaasahang ang tinutukoy pala ng asawa niyang dating nobya ay si Ella at hindi ang first girlfriend ito.Napabuntong-hininga pa siya habang itinitipa sa cellphone ang pangalang narinig, mas mabuti na ang may alam kaysa wala. Laking tulong na rin ng teknolohiya dahil magagawa na nitong kilalanin ang mommy ni Ella nang hindi nagtatanong kay Noah.'Annabelle Dimakulangan-
BUMUNTONG-HININGA si Noah dala ng pinaghalong inis at frustasyong nararamdaman. Ilang minuto rin siyang nawala sa sarili hanggang sa mapasandal na lamang ito sa malamig na pader sa kaniyang likuran, kapagkuwan ay muling napabaling sa kaniyang kamay kung saan naroon ang cellphone. "Nicole?" tawag nito nang mapagtantong nasa kabilang linya pa rin ang asawa kahit ilang minuto rin siyang nakipag-usap sa sekretarya. Hindi nawala ang pangalan nito sa screen ngunit pawang katahimikan na lamang ang sumasagot sa kaniya sa tuwing tinatawag niya ang pangalan nito. "Damn!" hasik niya saka napasabunot na lamang sa sariling buhok. Nanghihina siyang napaupo sa sofa. Pakiramdam kasi nito ay unti-unti siyang nilalamon ng kaliwa't kanang stress na mas pinalala pa ng sitwasyong kinaroroonan niya ngayon. If only he's powerful enough to handle the Villafuertes, hindi sana magiging ganito ang mundo niya. Dahil hindi porket bilyon ang perang pumapasok sa kompanyang hinahawakan nito ay wala nang maa
HUMINGA muna siya nang malalim bago ipinagpatuloy ang mga gusto nitong sabihin kay Noah.Umpisa pa lamang ay alam niyang hindi magiging madali ang usapan nilang dalawa kaya pinilit nito ang sariling maging kalmado at matatag sa lahat ng oras. Ilang beses mang binalot ng katahimikan ang kabilang linya pero alam nitong nakikinig pa rin ang asawa sa kaniya."Hindi ba't sinabi mo sa aking gusto mo kaming itago ng magiging anak natin?"Muling napabuga ng hininga si Noah.[Yes, Nicole. I'll do that to protect you both.]Marahan siyang napapikit sa naging sagot ng asawa saka hinimas ang tiyan. "Pumapayag na ako sa alok mo, Noah."[Talaga? Thanks goodness, Nicole! Please give me your location para masundo kita agad. I'm in a business meeting in Cebu but I could ask grandpa to represent the company in lieu of me.]Mahahalata ang sigla sa boses ni Noah ngunit sunod-sunod lamang siyang napailing kahit alam nitong hindi naman siya nakikita ng asawa.Napabuntong-hininga siya. "Pumapayag ako pero m