“I-ILAPAG mo na lang sa table ang document at pipirmahan ko mamaya," aniya sa asawa.
“Sige, saka pwede bang ‘wag mo munang sabihin ‘to kanila lolo at papa? Sigurado kasing hindi papayag ang mga ‘yon sa annulment kung walang mabigat na dahilan,” saad ni Noah.Muling kinagat ni Nicole ang pang-ibabang labi. Gusto niyang mapahikbi ngunit hindi sa harap ni Noah. Kailangan niyang magpakatatag para kahit papaano ay may matira man lang kahit konti para sa kaniyang sarili.Sanay siya sa hirap kaya ang mga ganitong pangyayari ay kailangan niyang kayanin.Mula man sa ordinaryo at mahirap na pamilya ay maayos siyang napalaki ng ina na isang dating nurse. Habang ang ama naman niya ay sugarol at pasulpot-sulpot lang dahil sa dami ng pinagkakautangan.Kung susumahin ay wala talagang pag-asang magkrus ang landas nila ni Noah dahil sobrang layo ng antas ng kanilang pamumuhay.Ngunit nang maaksidente ang sinasakyan ng lolo at ama ni Noah na sina Arman at Ben ay isa ang kaniyang ina sa agad na sumaklolo sa dalawa.Nang ang kanyang ina naman ang nagkasakit at nangailangan ng tulong ay agad lumapit si Arman para magpaabot ng tulong.Ngunit hindi kinaya ng kaniyang ina ang sakit na cancer hanggang sa tuluyan din nitong lisanin ang mundo. Bago ito malagutan ng hininga ay nakiusap pa ito kay Arman na kupkupin siya dahil wala na itong ibang matatakbuhang kamag-anak.At iyon naman ang ginawa ng matandang Saavedra, pinakain at pinag-aral siya nito hanggang sa makapagtapos siya ng kolehiyo. At isang taon lamang ang nakalipas ay ipinagkasundo naman siya sa apo nitong si Noah.Hindi man ito tumutol ngunit may kasunduan sila ni Noah na magtatagal lamang ng tatlong taon ang kanilang kasal.At sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama ay hindi naman ito nagkulang sa kaniya. Natural nitong nagampanan ang responsibilidad bilang asawa.Kaya kahit masakit ay kailangan niyang tanggapin na lahat ay may hangganan. Napaaga nga lang ito sa kanilang dalawa ni Noah.“Sa tamang panahon ay ako na ang magsasabi sa kanila,” patuloy nito. “Saka…‘di ba nakuwento mo noon sa akin na may lalaki kang nagugustuhan? Kapag official na tayong hiwalay ay pwede mo na siyang balikan. May communication pa rin naman siguro kayong dalawa, hindi ba?"Alam niyang sa mga oras na ito ay nakangiti na ang asawa pero hindi niya ito nilingon. Baka mamaya kasi ay mas lalo lamang siyang manlumo sa kinatatayuan."You deserve to be happy, Nicole. Hindi ako makasarili para ipagkait 'yon sa'yo dahil alam kong mabuti kang tao."“O-Okay,” ani Nicole na bahagya pang pumiyok.Mariin siyang napapikit dahil bistado na siya. Paniguradong nahalata na nito ngayong umiiyak siya. Kaya bago pa magtanong ay agad na siyang lumayo.“Sandali lang, ano ‘yang hawak mo?” tanong ni Noah matapos siyang harangin. “Patingin ako.”“Ito ba? Delivery receipt galing sa cake na pinadala ng lolo mo. Itatapon ko na sana bago ka dumating," alibi niya saka mabilis na tinapon sa trash bin ang pregnancy test result.“Ba’t ka umiiyak? Dahil ba nakikipaghiwalay ako sa’yo o tears of joy ang nakikita ko ngayon?” ani Noah.Napatango siya. “M-Masaya lang ako kasi sa wakas…” aniyang hindi na kayang ipagpatuloy ang kasinungalingan.“Masaya kang ano, Nicole? Masaya kang makakasama mo na siyang muli? Pwede mo bang sabihin sa’kin kung sino siya?”Naguluhan si Nicole. “S-Siya? S-Sino bang tinutukoy mo?”“Hindi ba nabanggit mo sa akin noon ang lalaking matagal mo ng gusto? You're crying in happiness right now. Ibig sabihin, he's much more better than me in all aspects. Hindi naman siguro masama kung sabihin ko sa kaniyang mahalin at ingatan ka niya tulad nang ginawa ko sa'yo this past few years, hindi ba?” saad pa ni Noah.Muntik na itong mapahawak sa kaniyang naninikip na dibdib dahil sa kalokohang naisip ng asawa.Balak na nga nitong ipaubaya siya sa iba, naisipan pa nitong ipagmalaki ang mga nagawa para sa kaniya sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama.Napaiwas na lamang siya ng tingin. “Bakit natin siya pinag-uusapan? Saka, sa pagkakaalam ko’y ikakasal na ulit ang lalaking tinutukoy mo.”"Ikakasal…ulit?” hindi makapaniwalang tanong ni Noah. “May gusto ka sa isang lalaking kasal na at muling magpapakasal sa iba?!”Tumango si Nicole kahit lihim siyang nakaramdam ng inis sa pagiging inosente at manhid nito. “S-Sa pagkakaalam ko ay pinagkasundo lang silang dalawa ng asawa niya…at ang pakakasalan nito ngayon ay ang dati nitong girlfriend.”Mas naunang rumehistro ang pagkainis sa mukha ni Noah dahil sa sinabi niya.“Anong klaseng lalaki ba ‘yang nagustuhan mo, Nicole? Maghanap ka ng matino hindi gaya ng lalaking ‘yan. Baka mamaya maging sakit mo lang siya sa ulo.”Mahina siyang napatikhim. Madali lang sabihin 'yon pero napakahirap gawin."Paano kung ayoko?" may diin ang tinig niyang tanong.Bumuga lamang ito ng marahas na hininga at may inis na naman siyang tinitigan. "Just forget about him if you don't want me to interfere."May balak pa sana siyang sumagot ngunit nakita niyang napayukom ang asawa habang nananatili pa rin ang madilim na ekspresyon ng mukha.Mabait kung mabait si Noah pero nakakatakot ito kung magalit. Minsan lang niya iyong nasaksihan noon pero ipinangako nito sa sariling hindi na muling mauubos ang pasensya nito.“Okay…kakalimutan ko na siya,” saad ni Nicole na animo'y isa itong sundalong sumuko sa laban.Susubukan niyang kalimutan...Ngunit magawa niya kaya?Kung sampung taon na niyang minamahal ang lalaking walang iba kung hindi ang mismong asawang si Noah?SAMPUNG TAON...Ganoon katagal nitong minahal si Noah hanggang umabot sa puntong naging parte na ito ng buhay niya.Wala siyang ibang pinangarap kung hindi ang lalaki at kung kailan akala nito ay magiging masaya na sila sa piling ng isa't isa ay kailangan na pala nitong magising sa mahaba at masarap na panaginip.At kung may mag-uutos man sa kaniyang dapat na nitong kalimutan ang asawa ay isa lang ang masasabi niya.Mahirap...Sobrang hirap...Dahil wala siyang ibang minahal sa tanang-buhay niya kung hindi ito lamang. Wala siya ibang pinangarap na pagsilbihan araw-araw kung hindi ang isang Noah Saavedra lamang.KUNG SANA ay kaya lang nitong sabihin kay Noah ang buong katotohanan ay baka sakaling may magbago pa, baka sakaling magbago pa ang isip nito ngunit hindi pwede.Tulad nang sinabi nito kanina, ayaw niyang ipagdamot ang kaligayahan nitong alam niyang tanging si Ella lamang ang makakapagpuno.Mas pipiliin niyang manatiling manhid sa sakit na nararamdaman. Wala man itong ideya kung paano maglalaho ang bigat na namamayani sa kaniyang dibdib pero kailangan niyang kayanin iyon alang-alang sa ikasasaya ni Noah…kahit pa sabihing, hindi na siya ang dahilan ng ngiti sa mga labi nito.Mauupo na sana si Nicole nang muling magsalita ang asawa, “Kilala ko ba siya?”Natigilan ito sa kinatatayuan. “A-Akala ko ba gusto mong kalimutan ko na siya? Bakit inulit mo na naman ang tanong?"Bumuntong-hininga si Noah bago napailing na para bang may na-realize ito sa nasabi.“Huwag mo na lang isipin ang tanong ko. Ang mahalaga nagkausap na tayo tungkol sa annulment ng kasal natin. Akala ko magiging mahaba ang us
PAGSAPIT NG TANGHALI ay naabutan niyang hawak ni Lucia ang baked macaroni na pinaghirapan niyang gawin ngunit hindi man lang natikman ni Noah.“M-Manang Lucia!” tawag niya habang nakatitig sa hawak ng ginang. “Saan niyo po dadalhin 'yan?"“Ibibigay ko na sana—““’Wag na lang po!” pigil niya agad.Parang biglang nagbago ang isip nito nang makaramdam siya ng konting kirot sa dibdib habang nakatingin sa pagkaing pinaghirapan niyang gawin.“Akin na po, para sana ‘to kay Noah. Kumuha na lang po kayo ng dalawang tub ng ice cream sa fridge para maging dessert ninyong lahat.”“Gano’n ba? Pero hindi naman mahilig si Sir Noah sa mga mamantikang pagkain,” saad pa ng katulong.Alam niya naman iyon kaya nga sinigurado niyang katamtaman lamang at hindi nakakaumay ang timpla nang hinanda niyang baked macaroni. Sinadya nga nitong olive oil ang gamitin dahil gusto nitong ma-appreciate ng asawa ang niluto niya at hindi ito maumay mula sa sobrang mantika.“Kakainin niyo pong mag-isa lahat, Ma’am? Pero h
KUMUNOT ang noo ni Miguel na para bang wala itong ideya sa mga salitang lumalabas ngayon sa kaniyang bibig. Para siyang nakikipag-usap ngayon sa isang batang walang muwang na gusto lamang magsauli ng bote ng soft drinks sa tindahan.“Alam mong may ibang kasamang babae ang asawa mo tapos okay lang sa’yo? Mapapalampas pa sana kung kaibigan, pero ex-girlfriend niya ‘yon, Nicole! Nahihibang ka na ba talaga o nagbubulag-bulagan ka lang?”Biglang naguluhan si Nicole sa kaniyang narinig. “Ako lang ba ang nakapansin o concern ka lang sa akin?”Marahas itong napabuntong-hininga saka matiim siyang tinitigan.“Hindi rin…ang akin lang ay ikaw ang asawa. May karapatan kang kontrolin kung ano mang pinaggagagawa nitong si Noah. Maliban na lang kung gusto mong masaktan sa huli at mapunta siya sa iba?"“Parang nagbago yata ang ihip ng hangin at bigla kang bumait, Miguel? Dati-rati naman ay ayaw mo sa'kin para kay Noah.”Lumalim bigla ang gatla nito sa noo. “Kasi hindi pa naman kita gaanong kilala noon
SA KABILA nang magiging presensya ni Ella sa birthday party ng lolo ng kaniyang asawa ay pinaunlakan pa rin nito ang paanyaya ni Noah na magkasama silang bibili ng regalo para rito.Kung noon ay walang mapagsidlan ang tuwa niya sa tuwing sabay silang naglalakad sa harapan ng maraming tao, ngayon naman ay sinasadya nitong magpahuli.Mag-asawa man sila kung ituring ngunit malinaw na sa kaniya ang kasalukuyan nitong posisyon sa puso ni Noah.Hindi naman siya tanga upang ipagsiksikan ang sarili."Why don't we look for a watch?" ani Noah kaya natigilan ito sa paglalakad.Muntik pa siyang masubsob sa likod ng asawa dahil para siyang buntot na nakasunod dito magmula kanina.Bilang at maingat kasi ang bawat hakbang na ginagawa niya mapanatili lamang ang ilang pulgadang distansya sa pagitan nilang dalawa."Hmm. Sure," sagot niya saka napatango na lamang.Hindi materialistic ang lolo ni Noah kaya alam niyang matutuwa ito kahit hindi imported at mamahaling relos ang bibilhin nila para rito, but
NANATILI ang katahimikan ni Nicole hanggang muli nilang marating ang kinaroroonan ng asawa. Mas pinili nitong huwag na lamang sumagot kay Ella at baka magmukha lamang siyang masama kapag nakuha nito ang atensyon ng mga taong pumapasok ng rest room.Maliban sa bahagya nang umiinit ang tainga niya sa takbo ng usapan ay pansin nitong unti-unti na rin siyang pinagtataasan ng boses ng kausap. Iyon din ang dahilan kung bakit mas pinili niyang huwag na lamang itong patulan."Sa tingin mo ba magugustuhan ito ni Lolo?" ani Noah habang nakatingin sa kaniyang direksyon.Ibubuka pa lamang sana ni Nicole ang labi upang sagutin ang tanong nito ngunit naunahan siya ng masiglang sagot ni Ella."Oo naman, Love. Mukhang mamahalin at classy ang design, I'm sure babagay ang relong 'yan sa kahit anong soutin ng lolo mo."'Love?'Muntik na siyang masamid ng sariling laway dahil sa narinig.Nagmukha tuloy hangin ang presensya niya dahil sa lakas ng loob nitong tawaging 'love' si Noah sa mismong harapan niya
SINUBUKAN nitong pakalmahin ang sarili ngunit nanatiling mabigat ang mga yapak ni Nicole habang naglalakad sa tabi ng asawa.Ramdam niya ang mga matang nakapako sa kanilang dalawa habang papasok sa mansyon ng mga Saavedra ngunit binalewala niya iyon. Walang ibang laman ang isipan ni Nicole kung hindi ang kagustuhan nitong maibigay ang regalong hawak bago pa man siya maunahan ni Ella."Nicole? What's wrong?" tanong ni Noah pagkatapos siyang lingunin.Umiling lamang ito saka mas hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ng asawa."Ha? Wala naman, Noah. Hindi ko lang inasahang mas marami palang bisita ang Lolo Arman ngayong birthday niya."Kimi siyang ngumiti para kumbinsihin itong 'yon lamang ang dahilan sa likod nang pagiging balisa niya, kahit ang totoong dahilan sa likod n'yon ay ang mga bagay na paulit-ulit na gumugulo sa kaniyang isipan."Is it my fault?" mahina nitong tanong saka bumuntong-hininga. "Dahil ba sa ginawa kong pagha—" Mabilis siyang umiling para huwag nang matapos ni Noah
Napailing si Noah at napabuntong-hininga. Kapagkuwan ay napasulyap ito sa kaniyang direksyon na tila ba may gusto itong sabihin."What do you mean, Ella?" ani Lolo Arman saka nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa.Lihim siyang napahugot ng malalim na hininga. Maari bang magpaalam muna siya papuntang rest room nang sa gano'n ay tapos na ang usapan sa pagbalik niya?Ayaw na nitong dagdagan pa ang bigat na nararamdaman sa kaniyang dibdib at baka mamaya ay higit pa sa luhang pinakawalan ni Noah ang kumawala sa kaniyang mga mata. Wala rin naman itong balak na magmukhang kawawa sa harapan ng mga bisita ni Lolo Arman kapag sinabi na ng asawa ang malungkot na balita tungkol sa kanilang magiging annulment.Ramdam nitong sinusubukang itago ni Ella ang tuwa ngunit mahahalata pa rin 'yon sa kinang ng mga mata nito. Para bang may balak pa itong gawan siya ng mahabang farewell message oras na malaman ng mga Saavedra ang malungkot na balita."Let's talk about it some other time, Grandpa. It's your b
Huminga siya nang malalim saka mabigat ang kalooban na nagtungo sa dessert section pagkatapos makatanggap ng mahabang katahimikan mula kay Noah. Inasahan niyang may sasabihin man lang ito sa naging tanong niya ngunit ilang minuto lamang silang nagkatitigan. 'Ano ba talaga ang nangyayari, Noah?' bulong niya habang nasa harapan ng chocolate fountain. Hindi nito malaman ang dahilan kung bakit nangingilid ang luha sa mga mata habang iniisip ang mga sekretong tinatago ng asawa magmula nang bumalik ang dati nitong kasintahan. Ang dahilan sa pagkakalumpo ni Ella, ang gaganaping physical therapy at marami pang iba. Hindi naman siguro masamang malaman niya ang mga bagay na 'yon bago siya maglaho na parang bula sa buhay nito, hindi ba? Humigpit ang pagkakahawak niya sa puting ceramic plate na hawak saka mariing ipinikit ang mga mata. Gusto niyang balewalain na lamang ang nalaman at pilitin ang sariling huwag nang manghimasok sa buhay ng asawa ngunit kaagad din siyang napamulat nang
[Something came up, Nicole. I'm sorry but we need to change our schedule for our safety. Hindi ka naman ba mahihirapan na wala ako sa tabi mo papuntang clinic?]Nanatili siyang tahimik habang binabasa nang maiigi ang mensahe ng asawa sa chat. Isang malalim na hininga man ang kumawala mula kay Nicole ngunit minabuti pa rin nitong bilisan ang reply kay Noah.[Don't worry about me. Magkita na lang tayo sa clinic. Hintayin niyo ako ni baby, okay? I'll be there in a few minutes,] pangungumbinsi sa kaniya ni Noah ilang minuto ang nakalipas.May pag-aalangan man ngunit nagawa pa rin nitong sagutin ulit ang mensahe ng asawa. Kahit sabihin pang napakalayo ng gusto nitong gawin ngayon sa orihinal na plano nilang dalawa.Isa lang ang nasa isip ni Nicole sa mga oras na ito, kailangan niyang mag-ayos at maghanda para sundin si Noah.Ilang minuto ang nakalipas, narating niya ang kinaroroonan ng sasakyan kung saan abala pa rin ang driver sa ginagawa nitong maintenance. Alas-dyes ng umaga ang usapan
ILANG ARAW na ang nakalilipas ngunit bakas pa rin ang kasiyahan sa mukha ni Nicole matapos ang huling pagbisita ng asawa.Sa umaga, palagi siyang tumatambay sa kusina para pagmasdan ang ginagawang paghahanda ng mga pagkain ni Nelba. Nasanay na rin nga itong magtanong kung may gusto ba siyang kainin sa araw na 'yon. Kapag naman nahihirapan ito sa hiling niya ay sabay nilang pinag-aaralan ang recipe sa internet.Ginawa rin nitong libangan ang bagong mga bulaklak na itinanim niya sa hardin. Ayaw kasi nitong umabot sa puntong magbibilang na naman siya ng araw hanggang sa muling pagbabalik ng asawa.Hindi na kasi makapaghintay si Nicole na dumating ang araw na 'yon dahil napagkasunduan nilang dalawa ni Noah na magkasama silang pupunta ng clinic para sa kaniyang susunod na prenatal check-up.Naikuwento kasi nito sa asawa na maari na raw nilang malaman ang kasarian ng magiging anak sa gaganaping ultrasound. Wala tuloy mapagsidlan ang kasiyahang nararamdaman ni Noah at gumawa na rin ito ng pl
NAPAPAHIKAB na kinapa ni Nicole ang makapal na comforter sa kaniyang paanan matapos nitong maalimpungatan mula sa mahimbing na pagkakatulog. Hindi niya napigilan ang huwag mapangiti dahil nakasisigurado siyang pumasok si Nelba para siguraduhing ayos lang ito matapos ang nangyari.Sa pagkakatanda niya, nakaligtaan nitong magkumot at hindi rin nito nagawang pahinaan ang air-con. dahil sa dami ng mga tumatakbo sa isipan niya kagabi. Mabuti na lang at binigyan niya ng karapatan si Nelba na silipin siya sa tuwing wala ang asawa upang makasiguradong nasa maayos itong kalagayan.Balak na sanang bumangon ni Nicole para uminom ng malamig na tubig ngunit gano'n na lamang kabilis na namilog ng mga mata niya nang dumako ang paningin nito sa sofa."Noah?" mahina niyang sambit upang huwag itong magising.Wala naman itong natanggap na tugon mula sa asawa. Makikitang masyadong mahimbing ang tulog ni Noah para magising sa pagtawag niya ng pangalan nito.Ilang sandali pa, kusa na lamang huminto ang mga
MAGKAHARAP sina Ella at Noah sa sala habang pinagmamasdan ng dalaga ang mga dokumentong nagmula sa abogado nito. Iyon ang naisip niyang paraan para mas ganahan ito sa isinasagawang physical therapy sessions dahil hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang wala man lang kahit konting improvement ang mga paa nito."I thought the process would only last for one month, Noah. Mas mabuti pa palang ma-aprubahan na ang divorce bill sa Pilipinas para mas mapabilis ang proseso, ano?" walang pag-aalinlangang sambit ni Ella saka inilapag ang hawak sa kaniyang harapan.Lihim namang napaigham si Noah sa sinabi ng dalaga. Halata kasing hindi na ito makapaghintay na magkahiwalay silang dalawa ni Nicole kahit sabihing mga pekeng dokumento lamang ang ipinakita niya rito.Kung sabagay, gano'n din naman siyang nagmamadali nang makita na naigagalaw nito ang mga paa upang tuluyan na itong makabalik sa asawa.He's almost there.Almost there.Unti-unti na nitong naisasakatuparan ang mga plano sa negosyo la
MAAGANG nagising si Nicole kaya pinagtuunan nito nang pansin ang mga tanim na white roses at iba't ibang kulay na bougainvillea sa hardin.Dalawang buwan na rin ang nakalilipas matapos niyang pumayag sa kagustuhan ni Noah na itago silang mag-ina mula kay Ella at sa mommy nito. Talaga namang naging mahirap 'yon sa umpisa, malaking adjustment ang ginawa nito hanggang unti-unti rin siyang nasanay sa katahimikan ng rest house.Akala nito ay magiging boring ang bawat araw na wala ang asawa ngunit hindi nito inaasahang mas lalo pala siyang mapapamahal sa anghel na nasa sinapupunan dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay nagagawa niya nang pagtuunan ng pansin ang development nito.Mahahalata na rin ang baby bump niya at nabawasan na rin ang morning sickness na nararamdaman nito.Hanggang ngayon tuloy ay napapangiti pa rin siya sa tuwing naaalala ang reaksyon ni Noah noong una nilang marinig ang heartbeat ng kanilang baby. Walang mapagsidlan ang tuwa nilang dalawa pero mabilis din 'yong nata
HINDI PA MAN nakakalabas ng establisyemento si Noah nang magkasalubong sila ni Lolo Arman. Nagmamadali at wala siyang oras na makipag-usap dito kung kaya hangad niyang lampasan ito kung hindi lamang nagsalita ang matanda."Tell me what's going on, Noah," anito na para bang napansin ang mali sa ikinikilos niya.Ilang pulgada na lamang ang layo niya sa bungad pero alam nitong wala siyang ibang choice kung hindi sagutin ang lolo."Kailangan kong puntahan ang asawa ko, Grandpa."Bumilog ang mga mata nito. "You're going back to Manila?"Umiling siya saka bumuntong-hininga. "No, Grandpa. My wife is in Cebu."Alam nitong marami siyang kailangang ipaliwanag kay Lolo Arman at paniguradong hindi magiging sapat ang isang araw para gawin 'yon.Umpisa pa lang kasi ay pagkalito na ang naipinta sa mukha ng matandang Saavedra nang magpaiwan siya sa tabi ng babaeng tinuturing nilang kaaway sa negosyo kung kaya nakasisigurado siyang hindi magiging madali ang paliwanagang mangyayari.MAS BINILISAN nito
KINAKABAHANG napahawak si Nicole sa kaniyang tiyan habang pinagmamasdan ang hawak na cellphone. Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang isa-isang binubuksan ang mga unread messages mula sa asawa.Ilang oras na rin naman ang nakalipas matapos niyang hayaang harapin ni Noah ang hindi nito inaasahang bisita.She heard everything...Kaya gustuhin man nitong kumalma ngunit hindi niya magawa. Ilang taon na rin ang nakalilipas ngunit tanda pa nito kung gaano kalugmok si Noah habang ikini-kuwento sa kaniya noon ang mga naranasan nito sa ina ng dating girlfriend.Hindi niya maaring makalimutan ang pangalang 'yon at hindi niya inaasahang ang tinutukoy pala ng asawa niyang dating nobya ay si Ella at hindi ang first girlfriend ito.Napabuntong-hininga pa siya habang itinitipa sa cellphone ang pangalang narinig, mas mabuti na ang may alam kaysa wala. Laking tulong na rin ng teknolohiya dahil magagawa na nitong kilalanin ang mommy ni Ella nang hindi nagtatanong kay Noah.'Annabelle Dimakulangan-
BUMUNTONG-HININGA si Noah dala ng pinaghalong inis at frustasyong nararamdaman. Ilang minuto rin siyang nawala sa sarili hanggang sa mapasandal na lamang ito sa malamig na pader sa kaniyang likuran, kapagkuwan ay muling napabaling sa kaniyang kamay kung saan naroon ang cellphone. "Nicole?" tawag nito nang mapagtantong nasa kabilang linya pa rin ang asawa kahit ilang minuto rin siyang nakipag-usap sa sekretarya. Hindi nawala ang pangalan nito sa screen ngunit pawang katahimikan na lamang ang sumasagot sa kaniya sa tuwing tinatawag niya ang pangalan nito. "Damn!" hasik niya saka napasabunot na lamang sa sariling buhok. Nanghihina siyang napaupo sa sofa. Pakiramdam kasi nito ay unti-unti siyang nilalamon ng kaliwa't kanang stress na mas pinalala pa ng sitwasyong kinaroroonan niya ngayon. If only he's powerful enough to handle the Villafuertes, hindi sana magiging ganito ang mundo niya. Dahil hindi porket bilyon ang perang pumapasok sa kompanyang hinahawakan nito ay wala nang maa
HUMINGA muna siya nang malalim bago ipinagpatuloy ang mga gusto nitong sabihin kay Noah.Umpisa pa lamang ay alam niyang hindi magiging madali ang usapan nilang dalawa kaya pinilit nito ang sariling maging kalmado at matatag sa lahat ng oras. Ilang beses mang binalot ng katahimikan ang kabilang linya pero alam nitong nakikinig pa rin ang asawa sa kaniya."Hindi ba't sinabi mo sa aking gusto mo kaming itago ng magiging anak natin?"Muling napabuga ng hininga si Noah.[Yes, Nicole. I'll do that to protect you both.]Marahan siyang napapikit sa naging sagot ng asawa saka hinimas ang tiyan. "Pumapayag na ako sa alok mo, Noah."[Talaga? Thanks goodness, Nicole! Please give me your location para masundo kita agad. I'm in a business meeting in Cebu but I could ask grandpa to represent the company in lieu of me.]Mahahalata ang sigla sa boses ni Noah ngunit sunod-sunod lamang siyang napailing kahit alam nitong hindi naman siya nakikita ng asawa.Napabuntong-hininga siya. "Pumapayag ako pero m