Agreement between Sunshin Caparal and Benedict Laurenz SanmiegoAnuman ang nakasulat sa loob ng kasunduan, ay wala na akong pakialam. Ang mahalaga sa akin ay ang pera na kapalit nito. Anuman ang relasyong meron kami, wala ng mawawala sa akin dahil naibigay ko naman na ang sarili ko. Agad kong pinirmahan ang kasunduang inabot ni Benedict.Nang matapos kong pirmahan ang kontrata, hindi ko akalaing ganoon kabilis ang kilos ni Benedict. Isang iglap lang, inutusan na niya ang kanyang assistant na ilipat ang pera sa aking account.Nang matanggap ko ang notification sa cellphone ko, napahinto ako.Isa… dalawa.. tatlo… apat.. lima.. ... Napakaraming sero!Isang milyon. Isang buong milyon!Parang nanigas ang mga daliri ko habang nakatitig sa screen ng aking cellphone. Hindi ko maiwasang mapabulong, "Hindi ko naman kayang gastusin ang ganito kalaki."Narinig ko ang malamig na boses ni Benedict, "Hindi ito pabor sa’yo. Ito ang sahod mo. Ikaw ang bahala kung paano mo ito gagamitin."Napalunok ako
Nang malaman kong may pondo na para sa operasyon, hindi ko mapigilan ang kaba sa aking dibdib. Ngunit bago pa ako makapagsalita, biglang bumukas ang pinto ng opisina ng doktor at isang lalaking nasa katamtamang edad, suot ang lumang damit na halatang hiram na lang sa panahon, ang nagmamadaling pumasok.Diretso niyang inilapag sa mesa ang isang bank card at makapal na salansan ng pera. Halatang hirap na hirap siyang huminga, tila ba buong buhay niya ang nakasalalay sa mga sandaling ito."Doktor, ito lang ang lahat ng naipon ko. Pakiusap, unahin n'yo nang operahan ang anak ko! Nangangako ako, babayaran ko ang kulang sa lalong madaling panahon!" nagmamakaawa niyang sabi.Nakita kong tiningnan lang iyon ng doktor, walang bahid ng awa sa kanyang mukha. "Hindi ito sapat," matigas niyang sagot.Naramdaman kong parang gumuho ang mundo ko. Ang pagkakataong ito na matagal kong hinintay, parang unti-unting lumalayo. Hindi ako puwedeng sumuko!"Doktor, pakiusap... Maari bang ibigay na sa amin?" m
Pagdating ng gabi, mabilis na isinakay si Tim sa operating table. Habang sinusundan ko siya ng tingin, ramdam ko ang bigat sa aking dibdib. Hindi ko napansin na paulit-ulit kong hinahawakan at binibitawan ang aking mga kamay. Hindi ko na rin pinunasan ang pawis sa noo ko. Ang buong atensyon ko, nakatutok sa nakasarang pinto ng operating room.Nakakapagod maghintay. Nakakapanlamig. Para bang may nakabiting espada sa ibabaw ng ulo ko, anumang oras ay maaaring bumagsak.Biglang may umupo sa tabi ko.Paglingon ko, nakita ko ang lalaking nakausap ko kanina. Mukha siyang pagod. Para siyang taong biglang nawalan ng lahat. Napalunok ako at hindi ko magawang tingnan siya nang diretso sa mata. Alam kong sa isang banda, ako ang dahilan kung bakit narito siya ngayon—kung bakit ganito ang itsura niya.Pero hindi siya nagsalita.Nanatili lang siyang tahimik sa tabi ko, nakamasid sa operating room na para bang kaya niyang tingnan ito hanggang sa bumukas ang pinto.Matagal kaming hindi nag-usap. Hangg
“Mukhang hindi talaga pinapahalagahan ng pamilya Sanmiego si Sunshine. Sa isang mahalagang okasyon tulad ng engagement banquet, kitang-kita kung gaano sila kawalang malasakit.”Naririnig ko ang mga bulung-bulungan sa paligid."Hindi man lang lumabas si Sherwin para magsalita. Mukhang hindi magtatagal ang kasal na ito..."Napayuko ako, pilit nilalabanan ang bigat sa aking dibdib. Nilingon ko si Sherwin, umaasang makakahanap ng kahit anong pahiwatig ng suporta mula sa kanya. Ngunit nanatili siyang tahimik at walang ekspresyon, tila wala siyang balak tulungan ako."Kuya Shee!"Lumapit si Cheska kay Sherwin na may malabis na kasabikan sa tinig."Ang gwapo mo ngayon! Ang swerte naman ni ate na may fiancé na tulad mo! Sana ang mapangasawa ko rin sa hinaharap ay kasing bait at kasing galing mo."Inabot ni Sherwin ang kamay niya at marahang tinapik ang likod ng ulo ni Cheska, isang kilos ng pagmamalasakit."Gusto mo na bang mag-asawa?"Napatawa si Cheska. "Hindi pa! Mas bata ako kay Ate, hind
“Dapat mong suriin ang sarili mong pag-uugali sa halip na siraan ako rito!” Sigaw ni Cheska. Matalim ang tingin ko habang sinasalubong ang galit ni Cheska. Ramdam ko ang panghuhusga sa paligid, pero hindi ako natinag. Ayaw kong magpatalo.Hindi pa ako natatapos magsalita nang biglang lumabas mula sa likuran ng entablado si Sherwin. Matingkad ang poot sa kanyang mukha, at sa kanyang mga mata, nakita ko ang isang bagay na mas malalim kaysa sa galit—isang uri ng paniniwala na ako ang may sala.Hindi ko alam kung anong mas masakit—ang masaktan o ang makita siyang hindi man lang nag-alinlangan bago ako hatulan.Mabilis siyang lumapit, walang babala, at mahigpit na hinawakan ang aking braso. Napangiwi ako sa sakit, pero hindi ako nagpumiglas. Hinila niya ako palapit sa kanya, at sa pagitan ng nagngangalit niyang ngipin, bumulong siya, "Sunshine, ikaw ba ang may kagagawan nito?"Napakapit ako sa pulang tela ng aking damit, pilit na itinatago ang sakit sa braso ko. Pero higit sa lahat, pilit
“Dahil sa nangyari, kinakailangan namin itong kanselahin. Isa itong malaking kahihiyan sa pamilya namin.” Matigas na sabi ni Benedict, at masamang tiningnan si Sherwin. Narinig ng lahat ang sinabi ni Benedict.Nanatili akong nakatayo sa gilid ni Benedict. Nakita ko si Daddy na nagmamadaling sumingit sa gitna ng nakapalibot na tao. Ngumiti si Daddy kay Benedict pero hindi matatago ang ppagkataranta, at pag-aalala sa boses nito. “Mr. Benedict Sanmiego, hindi pa natin alam ang totoo. Hindi tayo sigurado kung totoo ang napanuod ng lahat o gawa gawa lamang iyan. Baka pwede muna nating pag-usapa, imbistigahan, at ayusin ang lahat ng ito. Isa lang itong malaking hindi pagkakaintindihan.” Pagdadahilan ni Daddy.Napangiti na lang ako ng mapait. Lahat talaga gagawin nito upang hindi maapektuhan ang kaniyang negosyo, at posisyon sa lipunan, lalo na sa business industry.Muling nagsimula ang bulong-bulungan sa paligid namin.“Baka nga minani-pulate lang ang Video.”“Baka nga tama si Cheska. Kasal
Mabilis na lumapit si Daddy kay Cheska saka ito niyakap. “Cheska.. Huminahon ka, magdahan dahan ka muna. Huwag ka munang magalit. Makakahanap tayo ng Solusyon tungkol dito.” Ilang sandali lang ay lumapit din ang nanay ni Cheska sa kaniya na sobra ang pag-aalala. “Cheska, huwag mong saktan ang sarili mo. Hindi ito katapusan ng mundo. Nandito pa rin kami, ang iyong mga magulang.”Pinalibutan nila si Cheska na parang mga bituin sa paligid ng buwan, marahang binibigyang-lakas ang kanyang loob. Wari bang wala nang ibang mahalaga—walang sirang kwarto, walang nagkalat na gamit—tanging si Cheska lang ang kayamanan sa kanilang mga puso.Agad akong umuwi matapos ang mahabang araw ng engagement party. Tinapos ko ang mga kailangan doon. Habang papalapit ako sa pintuan ng aking silid, natigilan ako sa aking nakita. Isang kalat na kalat at wasak na kwarto—parang isang timba ng malamig na tubig ang ibinuhos sa akin. Nanlaki ang aking mga mata, hindi makapaniwala sa gulo sa loob.Mga basag na gami
Nanlaki ang mga mata ko at nagpilit magpaliwanag, ngunit walang sinuman ang gustong makinig.Sabay-sabay silang nagsalita, at parang mga bala ng kanyon ang masasakit na salita na sumabog sa akin. Hindi ko na marinig ang sarili kong paghinga—masyado silang maingay, masyadong mapanghusga."Kasuka-suka! Lahat, tingnan n'yo ang tunay niyang mukha!""Salamat sa mga nag-like sa live stream!"Live stream?Ibig bang sabihin, hindi lang nila ako pinapahiya sa harap ng mga tao rito, kundi pati na rin sa harap ng libo-libong manonood online?Mabilis kong tinakpan ang aking mukha, nanginginig sa takot. Ngunit hindi nila ako pinabayaan—hinila nila pababa ang aking mga kamay, tila sabik na ipakita sa lahat ang pagkapahiya ko."Tingnan n’yo! Ang babaeng ito ay may kasalanan!"Isang galit na boses ang umalingawngaw sa kwarto."Ano ba ang ginagawa ninyo?! Nasa emergency room kayo! May pasyenteng ginagamot dito!"Pero kahit sigaw niya, natabunan lang ng ingay ng mga tao. Wala siyang laban sa kaguluhang
Simula nang naging team leader ako, parang wala namang masyadong nagbago. May nadagdag lang na coordination group sa trabaho ko—more emails, more updates, more tao na kailangang i-manage. Pero hindi ako nagrereklamo. Gusto ko 'to. Pinaghirapan ko 'to.Kahit pa sinasabing isa akong paratrooper, wala naman akong ginagawang mali simula nang pumasok ako sa kompanya. May iilan na halatang may tingin pa rin—alam mo 'yung tingin na parang, “Ah, kaya ka lang nandiyan dahil may connection ka.” Pero dedma. Hangga’t maayos nilang ginagawa trabaho nila, hindi ko sila aawayin. Lahat tayo nagtatrabaho para mabuhay, hindi para magpahirapan.Pero kahit okay ako sa work, hindi ko pwedeng itangging may isang tao na hindi natuwa sa pagiging "busy ko."Si Benedict.Kahit wala pa siyang sinasabi, ramdam ko na. Mula sa kakaunting tawag, hanggang sa halos wala nang oras sa isa’t isa, parang unti-unti kaming nilalamon ng schedule ko. Kaya nang bigla ko siyang makita sa labas ng office building ko—doon sa pam
Nagulat talaga ako nang makita kong napamulagat si Mr. Castro sa mga plano ko. Ilang salita lang ang sinabi niya, pero bigla siyang natahimik nang makita ang presentasyon ko.Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapasimple ang ngiti.Ang bawat sulok ng disenyo ay pinag-isipan ko nang mabuti—pinaghalo ko ang retro at futuristic na tema, gumamit ng mga materyales na abot-kaya pero may dating, at sinigurong pasok lahat sa budget. Lahat ng ‘yon, nakita niya. At higit pa roon, na-appreciate niya.Pero ang hindi ko inaasahan... naantig siya.Sa mismong araw na ‘yon, inaprobahan niya ang proposal ko. At hindi lang ‘yon—nagbigay pa siya ng bagong offer para sa kompanya namin. Yung dating mahigpit at mailap na si Mr. Castro, biglang naging bukas-palad at masigla. Para akong nanaginip.Pagbalik ko sa group chat, parang binagsakan ng bomba ang lahat. Sunod-sunod ang messages. Shocked ang lahat.Pero ang pinaka-galit?Si Cheska.Bigla na lang siyang dumating sa mismong lugar kung saan pumirma si Mr
Bawat salitang binibitawan niya ay parang mga bala ng yelo na direktang tumatama sa puso ko.Hindi ko na napigilan ang panginginig ng buong katawan ko sa sobrang galit. Sobra na na ang emosyon kong nararamdaman, at napadiin ang pagkakakuyom ko ng mga palad. Ramdam ko ang pagbaon ng mga kuko ko sa balat ko—may lumabas nang dugo, pero wala akong naramdamang sakit. Wala. Wala kundi galit.Ang pagputol ng kasunduan sa kasal? Desisyon ’yon ng pamilya Sanmiego Anong kinalaman ko doon?At bakit parang ako pa ang sinisisi nila? Hindi naman ako gano’n kaimportante para mapabago ang desisyon ng isang pamilya gaya ng sa kanila.Tinitigan ko nang diretso ang mga mata ng ama ko, at walang pag-aalinlangang sinabi,“Ako ang magpapagamot sa kapatid ko. Anong magagawa mo bukod sa mag-file ng protection order? Kung sisirain mo ang gamutan ng kapatid ko, hinding-hindi kita patatahimikin. Subukan mo lang kung hindi ka maniwala sa kaya kong gawin.”Bigla siyang umusad palapit, galit na galit, parang gusto
Si tita Michelle ay nakasuot ng madilim na nightgown, medyo magulo ang buhok, at halatang kakatapos lang magising mula sa kama. Medyo namumula ang mukha sa pagkabahala.Sumunod si Daddy, naka-bathrobe pa rin,Pagdating nila, nakita nilang si Cheska ay parang naapi, ang mga mata ay namumugto at puno ng luha, habang ako naman ay mukhang walang pakialam, nakatayo lang ng malamig at walang emosyon.Alam na nila kung sino ang unang naapektohan.Si tita Michelle ay agad na nagmukhang malungkot para kay Cheska, pero nang makita niyang hindi pa nagsasalita si Daddy, naghintay na lang siya ng pagkakataon.Si Daddy ay hindi nakapagpigil, nagkunot ang noo at parang may mga linyang dumaluyong sa noo niya. Tumakbo ang mga salita mula sa bibig niya, malakas at punong-puno ng galit: "Shine, ano bang nangyari sa'yo? Ang kapatid mo ay nagsasalita, tapos ganito ang trato mo? Wala ka bang awa sa kanya?""Ang ibang mga kapatid, binibili pa ang mga bagay para sa isa't isa pagkatapos magtrabaho, pero ikaw,
Dahil naging mas malapit ako sa aking mga kasamahan, napansin kong mas mabilis akong umuunlad. Noon ko lang napagtanto kung gaano kababaw at hilaw ang mga ideya ko noong unang beses akong pumasok sa kumpanya.Sa kabutihang-palad, isa akong hilaw na diyamante—matapos ang tamang paghubog, magiging mas maayos at epektibo ako sa trabahong ito.Bukod sa malalaking proyekto tulad ng para sa isang furniture brand, tumatanggap din ang team namin ng mga customized na disenyo. Sa ganitong pagkakataon, bawat isa sa amin ay nagsusumite ng draft, at ang kliyente ang pipili ng designer na gusto nilang makatrabaho nang mas malapitan.Isa ako sa mga napili. Ang kliyente ko ay isang bagong kasal na mag-asawa na nais kong idisenyo ang kabuuang istilo ng kanilang villa.Hindi sila nagtitipid—ang tanging kondisyon lang nila ay ang "kasiyahan" nila sa resulta. Isang napakalawak na konsepto.Bagama’t mababait silang kausap, mataas ang kanilang mga pamantayan. Alam nilang baguhan pa ako, pero nagustuhan n
Thir Person’s Point of ViewAng lahat ng ito ay nasaksihan ni Charles Chua. At sa loob-loob niya, nakahinga siya nang maluwag.Isang gabi, matapos ang trabaho, nag-iisa siyang umupo sa opisina at may tinawagan. Ang tono niya, may halong saya at mayabang na pagmamataas."Hoy, ayon sa utos mo, napasok ko na ang tao sa studio. Ngayon, mukhang nakapag-adjust na siya nang maayos. Sabihin ko sa ‘yo, napakagaling ng babaeng ‘to."Sa kabilang linya, isang malalim at matigas na tinig ang sumagot, "Mabuti naman kung gano’n! ang galing."Ngumisi si Charles Chua at pabirong sumagot, "Uy, salamat sa papuri! Ang tagal na kitang kilala, pero bihira kang magsabi ng matinong bagay."Ngunit hindi inaasahan ni Charles Chua ang sumunod na sinabi ng kausap."Ang tinutukoy ko, si Sunshine Caparal."Napakurap si Charles Chua at hindi napigilang mapabulalas, "Hala, kuya Ben, akala ko ako ang pinupuri mo!"Dahil sa payak niyang sagot, hindi sinasadyang lumitaw ang tunay na pagkatao ng misteryosong tao—si Bene
Isa na namang linggo ang lumipas.Paulit-ulit naming binago ang plano, at pakiramdam ko, parang torture na ang bawat araw sa opisina. Lalo na sa mga kasamahan ko—kitang-kita ko kung paano bumababa ang morale nila. Kahit si ma’am Amanda, isa sa mga beteranong designer sa studio, ay mukhang nasa bingit na ng pagkabaliw. Sa sobrang stress niya, parang nauubos na ang buhok niya sa kakakamot ng ulo.Hindi ko naman inaasahan, pero isang araw, nakita niyang muli ang design plan na ginawa ko dati. Marahil dala ng kawalan ng pag-asa, sinubukan niyang i-revise ito at ayusin batay sa kanyang panlasa. Ang hindi niya inaasahan—at lalo na ako—ay ang magiging reaksyon ng kliyente.Nang ipresenta niya ang bagong bersyon ng plano, biglang nagbago ang ihip ng hangin. Imbes na puro reklamo at pagkontra, biglang napuno ng kasiyahan ang mukha ng representative ng kumpanya. Halos hindi siya makapaniwala. Paulit-ulit siyang nagpahayag ng papuri. Ang akala kong matagal pang pagtatalunan ay agad na naaprubaha
Isang bagong araw ang nagsimula nang ang banayad na sikat ng araw ay dumaan sa manipis na ulap at marahang bumagsak sa mga lansangan ng siyudad. Sa puso ko, may halong pananabik at kaba habang tinatahak ko ang daan patungo sa studio na nagbigay sa akin ng bagong pag-asa.Pinili kong isuot ang isang simpleng ngunit elegante na propesyonal na kasuotan, at ilang beses kong inayos ang aking makeup sa harap ng salamin. Alam kong unang araw ko ito, kaya gusto kong mag-iwan ng magandang impresyon sa aking mga magiging katrabaho.Ngunit tila isang baldeng malamig na tubig ang sumalubong sa akin pagdating ko sa opisina.Mula sa unang hakbang ko pa lang sa loob ng studio, ramdam ko na agad ang mga kakaibang tingin ng mga katrabaho ko. May halong pagtataka at pagsusuri sa kanilang mga mata, ngunit higit sa lahat, malamig at malayo ang kanilang pakikitungo.Sa pagpapakilala, halatang pinag-usapan na nila ito bago ako dumating. Walang sinuman ang nagpakita ng tunay na interes. Isang maliit na tang
Dahil sa pagkakabit sa akin sa pamilya Sanmiego, marami ang nagdududa sa akin. Ngunit ako mismo ay isa ring biktima.Pagkatapos ng panglabing-anim kong pagkatalo sa paghahanap ng trabaho, mabigat ang bawat hakbang ko sa kalsada. Nagsimula akong magduda sa sarili ko. Baka nga wala akong silbi. Wala na ba akong pag-asang makalaya sa gapos ng tadhana? Habang papalapit ako sa puntong susuko na lang at hayaan ang kapalarang kontrolin ang buhay ko, bigla kong narinig ang tunog ng cellphone ko."Hello, kami po ang VP Design Studio. Si Ms. Sunshine Caparal po ba ito?"Napahinto ako sa paglalakad. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. VP Design Studio? Hindi ba't isa ito sa nangungunang studio sa industriya ng interior design? Bakit nila ako tinawagan?"Opo!" sagot ko agad. "Ano po ang dahilan ng tawag ninyo?""Nabalitaan po namin na naghahanap kayo ng trabaho. Maaari po ba kayong pumunta sa aming studio upang pag-usapan ito?"Nagningning ang mata ko sa pag-asa. Parang liwanag sa madilim na ga