“ANONG TINGIN MO SA AKIN, PAGKAIN na pwede mong kainin any time na nagke-crave ka?” Singhal ni Natalia kay Matt nang kinaumagahan ay pinipilit na naman siya nitong sipingan. Although pilit niyang pinaglalabanan ang init na nararamdaman. Bakit ba para siyang makinang ke bilis mag-init sa tuwing mahahawakan ng lalaking ito? Pero pinilit niyang itulak palayo si Matt. Ngunit kung dati ay hindi siya nito pinipilit kapag ayaw niya, napansin niyang this time ay mas marahas ito. As if walang balak tumigil hangga’t hindi nito nakukuha ang gusto nito. “Wala kang karapatang tumanggi. Lalo pa at nadagdagan na naman ang utang mo. Alam mo ba kung magkano ang vase na binasag mo?” Yamot na tanong nito sa kanya, “Kung sa akala mo, pinalampas ko lang ang ginawa mong iyon, nagkakamali ka. Maniningil ako. At gaya nga ng sinabi ko saiyo, hindi ako papayag na malugi!” Pagkasabi niyon ay pumaibabaw ito sa kanya, nakita niya ang magkahalong galit at pagnanasa sa mg
“NAKU MA’M napagalitan kaming lahat ni Sir nung nadulas ka. Sobrang nag-alala si Sir sa inyo,” kwento ni Vicky nang hatdan siya nito ng kape sa kuwarto, “At kabilin-bilinan ni Sir bago umalis kaninang umaga, bantayan ko kayong mabuti. Kapag nabalian raw kayo ng buto, habang buhay kong babayaran iyon,” anitong bahagya pang napahagikhik, “Ang sweet ni Sir, di ba Ma’m?” Napaismid lang siya. Si Matt, sweet? Guilty lang marahil ito kaya ganun. “At saka balita ko dapat pupunta si Sir sa Cebu pero kinansel na lang nung nadulas kayo. Eksaherada, hindi ba Ma’m?” Nagbuga siya ng hangin, “Ang mabuti pa, tulungan na lang kitang maglinis. Naiinip ako ng ganitong walang ginagawa.” “Ay naku Ma’m, gusto mo bang katakot takot na sermon ang abutin ko kay Sir kapag pinagalaw ko kayo ditto? Kung gusto nyo, magbasa na lang kayo sa library. Hindi naman naka-lock ang library. . .” Naisip niyang mabuti ngang malibang ang utak niya,
“SINO NAMAN ANG BABAENG IYON?” Tanong ni Regina nang nasa loob na sila ng sasakyan. “Isinama ko lang sa Cebu,” sagot niya. “Bakit kasi hindi na lang ako ang tinawagan mo? Ayan tuloy hindi ka na niya tinigilan ‘nung natikman ka. . .” “Walang nangyari sa min, okay?” Mabilis na sabi niya kay Regina, “Alam mo namang hindi sex ang dahilan kung bakit gusto ko palagi ng may kasama, hindi ba?” “Yeah,” bahagyang natawa si Regina, “Sinong mag-aakala na sa itsura mong ‘yan, takot kang mag-isa. Kahit ang totoo, hindi ka naman nag-iisa dahil may mga body guards ka naman!” Hindi siya sumagot. Muli niyang naalala ang sunog sa laboratory ng school nung elementary siya. Muntikan na siyang mamatay. Naiwan siya sa loob ng laboratory habang nasusunog iyon. Hirap na hirap siyang huminga. Isang boses ng batang babae ang narinig niyang sumagip sa kanya. Pagkatapos niyon ay nawalan na siya ng malay tao. Nang magising, nasa loob na siya ng
“GUSTO KO SANANG MABISITA SI PAPANG,” sabi ni Natalia kay Matt nang naghahapunan sila, “Sana hayaan mo akong mag-stay dun kahit isang lingo lang.” “Okay.” Ito lang ang tipid na isinagot sa kanya ni Matt. “T-talaga? Isang lingo?” Masayang sabi niya. Tumango lang ito sa kanya. Pagkatapos nitong kumain ay nagmamadali nang tumayo, na parang ni ayaw man lamang siyang tingnan. Naiiling na itinuloy na lamang niya ang pagkain. Hindi na niya pinagtatakhan ang kilos na iyon ng lalaki. Mistula itong panahon na paiba-iba ang timpla. Nang matapos kumain ay naligo na siya at gumayak pauwi sa bahay. Excited siyang makasama ang mga kapatid. Nagulat siya nang datnan si Nathaniel, ang sumunod sa kanya, “Mabuti naman at naisipan mong bisitahin sina Papang,” hindi maiwasan ang hinanakit sa tono ng pananalita niya, “Si Girlie basta na lang naglahong parang bula, ni hindi man lang nagpaalam sakin.” “Ikaw nga itong basta na lang na
ANG GULAT NI NATALIA nang bigla na lamang itong dumating sa bahay nila. “So, itinapon ka na bang pabalik ditto ng pinsan ko?” Nakangising tanong nito sa kanya. Sinigurado niyang naka-lock ang gate nila kaya hanggang sa labas lang ito ngayon. “Nasaan ang kapatid mo?” “Hindi ko alam. At pwede ba, umalis ka na kung ayaw mong ipabaranggay ka namin?” Singhal niya rito. “Yan ang gusto ko saiyo eh. Suplada. Kala mo kung sinong di makabasag pinggan,” may sarcasm sa tonong sabi nito habang tinitingnan siya na waring gustong-gusto na siyang hubaran. Nangigigil siya sa galit. “Yang kabastusan mo, huwag na huwag mong dadalhin ditto.” Sabi niya rito, nagpipigil lang siya sa inis pero kanina pa niya gustong damputin ang batong nasa tabi niya at batuhin ito para magtanda. Pero kapag ginawa niya iyon ay mas lalo lang itong mangugulo sa kanila. Ang lakas ng tawa nito, “Magkano ba gusto mo para maikama rin kita? Iyong kapatid
NAPAHIYA SI NATALIA sa tinurang iyon ni Matt. Tumikhim siya at namumula ang mukhang tumingin ditto, “Bakit hindi mo kaagad sinabi sa kin? N-nabasag ko pa tuloy i. . .iyong mamahaling vase mo.” “Hindi mo kasi ako pinagtiwalaan,” tipid na sagot nito sa kanya. Napalunok siya, “B-Bakit sa palagay mo kita pagtitiwalaan? Nakalimutan mo na ba kung bakit ako napunta sa poder mo?” Nagbuga ito ng hininga, “Anyway, I don’t owe you any explanation.” Sabi nitong tumalikod na at itinaas ang isang kamay. Kaagad namang sumunod ditto ang mga tauhan nito. Napapailing na pinagmasdan lamang niya ang mga ito habang papasakay ng sasakyan. Hindi na kailangang magsalita pa ni Matt, isang kumpas lang ng kamay nito ay alam na ng mga tauhan nito kung ano ang gagawin. Pagkasakay ni Matt sa limousine nito ay sumakay na rin ang mga body guards nito sa kulay itim na van. Maya-maya ay napakunot nuo siya. Ano lang palang ginawa ng mga ito ditto? Pumunta lang si
MADALING araw pa lang nang dumating ang mga tauhan ni Matt, ipinasusundo na raw siya ng amo nito. Kung bakit hindi man lamang nito hinintay na mag-umaga ay hindi rin alam ng mga ito. Wala naman daw silang pupuntahan. Gusto lang nitong makasalo siya sa breakfast. Pinuntahan niya sa kuwarto niya ang Papang niya para magpaalam. Saka sinilip ang mga kapatid na mahimbing pang natutulog. Hindi na niya ginising ang mga ito. Humalik lang siya sa mga ito saka lumabas na ng kuwarto ng mga ito. Kahit paano ay panatag na ang kalooban niya ngayong nagkaayos na sila ni Nathaniel. At nalaman niyang nasa maayos namang kalagayan si Girlie. Habang binabagtas ang daan pabalik sa mansion ay may halo siyang excitement na nararamdaman lalo pa at alam na niyang hindi nito itinago si Girlie para sa personal nitong interes. Muli ay nabubuhay na naman ang nararamdaman niya para dito. Ngunit nainis siya nang pagdating sa mansion ay datnan na naman niya duon si Regina.
HINDI makapaniwala si Natalia na si Matt ang batang sinagip niya sa nasusunog nilang laboratory. Nangingilid ang kanyang mga luha habang nakatingin dito, “Hinanap ko kung sino ang batang iyon pero walang nakapagsabi sakin.” “Pinakiusap kasi ng parents ko na huwag ipaalam kahit na kanino ang nangyari,” Sagor ni Matt sa kanya, “Simula ng araw na iyon, takot na takot na akong mapag-isa. Unless may naririnig akong boses ng isang babae, saka lang ako napapanatag.” Napatitig siya ditto. Hindi halata kay Matt na mayroon din pala itong mga bagay na kinatatakutan. “K-Kaya umuupa ka ng mga babaeng makakasama mo sa tuwing may lakad ka?” Tanong niya dito. Tumango ito. “Security blanket mo ang tinig ng isang babae?” Hindi makapaniwalang bulalas niya, may pait sa mga labing napangiti siya, “Kaya mo rin ba ako pinakasalan dahil sa rason na ‘yan?” Ngunit sa halip na sumagot ay tumayo ito at nagmamadali nang lumabas ng kanyang k