Chapter 16 Angela’s POV Isang oras na ang nakalipas mula nang umalis si Rafael. Galit parin si Lola kahit alam niya ang dahilan ng pag-alis nito. Ipinaliwanag ni Bernard ang lahat kung bakit siya umalis. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. May karapatan ba akong masaktan? Nasa bingit ng kamatayan ang dati niyang kasintahan. Ang babaeng mahal niya. Nakita ko sa mga larawan kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa. Ayaw man niyang ipakita sa kin, nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya. Mahal pa rin niya si Lalaine at ako ay pantapal lang sa sugat na iiwan niya kay Rafael. Hindi ko akalain na sa maganda niyang mukha ay nagtatago ang matinding karamdaman. “She had Cancer! She’s dying!” Paulit-ulit na lumarawan sa akin ang mukha ni Rafael nang sabihin yun ni Xandro. Tinakasan ng kulay ang kanyang mukha sa sinabi nito. Napanuod ko din ang video na nakuha daw ni Fernan sa cellphone ni Lalaine. Sa likod ng mga ngiti niya sa video ay hindi mo maaninag sa kanya ang pag-aal
Rafael’s POVNang makarating ako sa condo ni Lalaine matapos kong umalis sa reception ng kasal namin ni Angela. Ay nadatnan kong nakaupo si Fernan sa sofa. Balisa siya at bakas ang pagkalugmok niya. Napansin ko kaagad ang video ni Lalaine sa flat screen TV at duon natuon ang attensyon ko.“Hi Love! Nandito ulit ako sa hospital. Alam mo magiging proud ka sa akin. Nakaya ko yung masasakit na medical exams…”Garalgal ang boses niya nakita ko ang pangingilid ng luha niya. Kuha ‘yon two years ago dahil sa date na nakalagay sa video. “Kaya lang ang sakit pala. Hindi ko ma-imagine ang pinagdadaanan ng mga batang nagkaroon ng brain tumor na gaya ko. Gusto ko sana hawak ko ang kamay ko habang kinukuhanan ako ng sample para mabawasan ang sakit. Pero don’t worry kapag na-operahan na ako pwede na akong bumalik diyan. I missed you. I’m sorry kung hindi ko sinabi sayo ang totoo. Alam ko kung gaano mo ako kamahal kaya natakot ako na baka masaktan ka ng dahil sa akin. Kapag gumaling na ako sasabihin
Rafael POV Papasok na ako sa hospital kung saan dinala si Lalaine. Naglalakad ako sa pasilyo patungo sa kwarto niya. Habang papalapit ako ay mas lalong bumibigat ang paghakbang ko. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin at kung ano ang magiging reaction ko kapag nakita ko na siya. Pero kailangan kong lakasan ang loob ko. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya. Pero handa kong tangapin ang hinanakit niya, mapatawad niya lang ako at mabawasan ang nararamdaman niyang sakit. Nasa tapat na ako ng pintuan ni Lalaine nang biglang magbukas ang pinto. “T-tita.” “Rafael? Anong ginagawa mo dito?” Kunot noo na tanong ni Tita. Hindi niya kasi alam na susunod ako dito. “I want to see Lalaine.” “Hindi ka na dapat nagpunta dito. Ayaw niyang makita mo ang kalagayan niya.” Hinila niya ako malayo sa kwarto ni Lalaine. “Rafael mas makakabuti kung hindi mo na siya makita sa ganung kalagayan. Dahil yun ang gusto niya at hiling niya.” Nag-umpisang mamula ang mga mat
Angela’s POVDalawang linggo na mula nang umalis si Rafael. Niyaya ako ni Lola na sundan si Rafael sa Canada pero hindi ako pumayag. Gusto kong bigyan siya ng oras para sa babaeng mahal niya at hinanda ko na rin ang sarili ko sa magiging desisyon niya pagbalik. Palagi na lamang akong sinasamahan ni Lola sa mall or kahit saan para siguro maaliw ako paminsan-minsan. Tinuturuan din niya ako sa pagbuburda kaya minsan hindi ko namamalayan na nakakatapos na pala ako kahit isang maliit na bulaklak. Kahit abala pa siya sa maraming negosyo, maraming mapagkakatiwalaan si Lola na tumutulong sa kanya habang wala pa si Rafael.Matiyaga parin akong naghihintay sa kanya kahit walang kasiguraduhan kung kailan siya babalik. Hindi ko alam kong bakit ko rin natitiis ang ganito na maghintay na lamang kahit may karapatan na naman ako sa kanya. Alam ko kasi ang katotohanan na sa papel lang ang kasal naming dalawa at kahit kailan hindi niya ako magagawang mahalin. Masakit, akala ko okay lang sa akin ang nan
Angela’s POVMaaga akong gumising upang paghandaan ang pag-alis namin mamaya. Kailangan din kasi ni Lola umalis patungong Macau, dahil nagkaroon daw ng emergency meeting doon kasama ang ibang shareholders ng kanilang negosyo. Nag-aalala na rin ako dahil baka bumagsak ang kalusugan ni Lola. Pero sinigurado niyang magiging okay siya at babalik din agad siya. Pag natapos na ang problema doon.“Lola, sigurado po ba kayong kaya niyo na?” Nag-aalalang tanong ko.“Oo apo, ako na ang bahala. Alam ko naman na miss na miss mo na ang mga tao sa ampunan pero umuwi ka din dito dahil baka umuwi si Rafael.” Paalam niya sa akin. Niyakap ko siya at pagkatapos ay sumakay na siya sa kotse. Inihabilin ko din siya sa private nurse na wag na wag siyang pabayaan. Nangingilid ang luhang kumaway ako sa kanya habang papalayo ang sinasakyan niya. Napakabait ni Lola, hindi siya kagaya ng ibang mayayaman na mataas ang tingin sa sarili. Kahit hindi ko hinihingi ay binibigay niya. Binigyan niya rin ako ng black car
Angela’s POVKasabay ng pagbagsak ng hawak ‘kong bote ng tubig sa lupa ay ang paglambot ng binti ko. Napahawak ako sa katawan ng puno. Napapikit ako, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko naman siya kaano-ano pero bakit malaki ang epekto ng masamang balitang yun sa akin. Naging maagap silang daluhan ako na makatayo.“Are you okay?” Nag-aalalang tanong nila. Tango lang ang naging sagot ko.“Kailangan na nating umalis.” Seryosong saad ni Bernard ngayon ko lang sila nakitang sumeryoso ang mukha. Kahit hindi nila sabihin alam ‘kong apektado din sila sa pagkawala ni Lalaine dahil na rin siguro kay Rafael. Nagpaalam agad kaming umalis at babalik na lamang sa ibang araw. Tahimik kaming nakasakay sa helicopter. Narinig kong kausap ni Bernard si Xandro tungkol sa nangyari. Hindi na rin ako nagtanong pa dahil wala akong lakas ng loob. Nang makalapag na kami sa mansyon ay nagpaalam na agad sila sa akin. Nagmamadali silang umalis pagkatapos nilang magbilin na magpahinga ako
Rafael’s POVSunod-sunod na katok ang nagpagising sa akin. Dahan-dahan akong umupo sa headboard ng kama at sumandal. Napahilot ako sa aking sintido kasabay ng pagpintig sa sakit ng ulo ko. Nasa kama na ako. Napakunot ako ng noo dahil wala akong saplot sa katawan kahit isa. Anong nangyari? Bakit ako naririto? Bakit ako walang damit? Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi pero lalo lang sumasakit ang ulo ko.“Rafael! Rafael!” Sigaw sa labas ng kwarto ko. Isang malakas na lagabog ang nagbukas ng pinto. Kaya doon natuon ang atensyon ko.“What the f*uck!” Gulat na sigaw ni Xandro. Sigurado akong siya din ang may pakana kaya nabuksan ang pinto. Nasa likuran niya si Bernard at Iñigo na pinasadahan ako ng masamang tingin.“Kaya pala hindi ka magising kahit anong tawag namin dahil siguradong inumaga ka na ng bunot. Akala namin ay kung ano na ang ginawa mo at sinabi ng manager sa bar ko na nagkagulo daw kagabi dahil sayo. Kasama mo pa si Maymay!” Singhal niya sa akin.“What happen? Nasaan si
Angela’s POV Mabigat ang aking katawan nang umalis ako sa mansyon. Matapos ng nangyari sa amin ni Rafael. Nang pigilan niya akong umalis at sinabi niyang mahal niya ako ay naging marupok akong tugunin ang biglang pagkabig niya sa akin at paghalik. Matagal bago nagproseso sa utak ko ang mga nangyari nagtagpuan ko na lang ang aking sarili sa ilalim niya at pareho kaming walang saplot sa katawan. Matinding sakit ang naramdaman ko nang tuluyan niya akong maangkin. Pagkatapos ng nangyari sa amin ay tinuloy ko pa rin ang pag-alis dahil alam kong nagawa lang niya yun dahil sa kalasingan niya. Gaya nga ng sinabi niya, kahit kailan hindi ko mapapalitan si Lalaine. Wala akong pinagsisihan dahil ginusto ko ang nangyari sa amin. Dala na rin siguro ng pangungulila ko sa kanya at sa nararamdaman ko kaya hinayaan ko siyang may mangyari sa amin. Umaasa akong matagpuan rin niya ang sarili niya sa pag-alis ko. Umaasa akong makabalik siya sa dating sarili at malagpasan ang sakit na dinulot
ANGELA Pagkatapos ng isang lingo naming pananatili at pamamasyal sa Korea ay umuwi na rin kami. Marami kaming naipong alaala doon na gusto ko ulit balikan kung sakaling magkakaroon ng pagkakataon. Pagkauwi namin ay kinausap niya ulit ang pamilya ko upang pag-usapan ang kasal naming dalawa. Walang pagtutol sa kanila dahil nakita nila kung gaano ako kasaya. Isang buwan ang magiging preparasyon ng kasal namin dahil sa simbahan ito gaganapin. Gusto ko sana simple ulit ngunit ayaw pumayag ni Rafael pati na rin ni Mama at Lola Cythia. Gusto daw niya kasing bumawi sa akin kaya talagang tumulong siyang maging maganda at perfect ang magiging kasal ko. Wala na akong nagawa kundi hayaan na sila. Si Athena ang naging made of honor ko at silang apat naman kay Rafael. Masaya ako dahil magkasundo silang lima kahit iba-iba sila ng personalidad. Bukod doon pareho pa silang mayayaman. Mabilis na lumipas ang isang buwan at ngayon ang araw ng kasal namin ni Rafael. Labis ang nararamdaman kong kaba sa
ANGELAMahirap magpatawad sa isang taong nanakit sa’yo. Pero mas mahirap, kung patuloy kong itatangi sa sarili ko. Kahit alam kong mahal na mahal ko pa rin ang taong ito at handa siyang gawin ang lahat makuha lang ang kapatawaran ko.Nagkamali kami, at nasaktan ang isa’t-isa. But I had to forgive him. Because he deserves it. Kulang na nga lang bilhin niya ang buong eroplano para magka-ayos kaming dalawa. At alam kong kayang-kaya niyang gawin yun. He is Rafael Valdez after all. Halos mapugto ang aking hininga nang maghiwalay ang labi naming dalawa.“Damn! I miss that soft lips of yours my love.” Mahinang sambit niya sa tenga ko.“Kung hindi ko pipigilan ang sarili ko baka hindi lang kiss ang kinahinatnan nating dalawa.” Nakangitig wika niya sa akin na ikina-init ng pisngi ko. Mukhang may balak pa ata siyang kawing hotel ang eroplanong ito.Iginiya niya ako pabalik sa upuan at magkatabi na kaming dalawa.“May tanong ako.” Wika ko sa kanya.“Ano yon?”“Sasama ka ba talaga sa akin sa Kore
ANGELAPagkatapos sabihin sa akin ng stewardess na dalawa lang kaming pasahero ay magalang na rin itong nagpa-alam sa akin. Parang gusto ko tuloy hanapin kung saan nakaupo ang sinasabi niyang isa pang pasahero. Kung alam ko lang, na kami lang dito eh di sana hindi na ako nag business class at sa economy na lang ako.Ilang minuto nang nakalipad ang eroplano nagpasya akong matulog muna kaya kinuha ko ang sleeping mask ko sa bag para naman hindi ako masilaw sa liwanag.Mahaba pa ang byahe namin at hindi naman ako nagugutom kaya mas maige na matulog na lamang ako para pagdating ko sa Korea ay may lakas akong harapin ang trabaho.Itinaas ko ang sandalan ng paa ko para mas marelax akong nakahiga pagkatapos ay itinakip ko ang mask sa aking mata.Kahit nakapikit na ako ay naalala ko na naman si Rafael. Paano ko ba siya makakalimutan kaagad? Kung walang araw o oras ko siyang naiisip. Masaya na kaya siya sa naging desisyon niya ngayon? Si Lola? Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Nakakal
ANGELAMapait niya akong tinignan. Hindi ko alam kung paano niya nalamman ang lahat. Ang alam ko lang pumunta ako dito ng buo na ang loob ko upang magpaalam. At upang tapusin ang namagitan sa aming dalawa.“So, wala kang balak sabihin sa akin ang lahat Angela?”Humakbang siya palapit sa akin, kaya umatras ako.“Kung hindi pa sasabihin ni Mathew sa akin na buntis ka. Hindi mo sasabihin at gusto mong pirmahan ko yan?”Lalong dumilim ang mukha niyang nakatingin sa akin. At nagpatuloy siya sa paghakbang. Hindi ko inakalang si Mathew mismo ang magsasabi sa kanya ng lahat. At sigurado akong alam na rin niya nawala talagang nangyari sa aming dalawa.“Rafael, kahit ano pang sabihin mo hindi ko na mababago pa ang desisyon ko. Kaya pirmahan mo na ito para maka-alis na ako.” Mahinahon na wika ko sa kanya. Pinilit kong magpakatatag upang hindi niya makita at maramdaman ang panginginig ko. Hindi ko alam kung takot ba ang nararamdaman ko dahil sa pagtitig niya sa akin o kasabikan dahil sa paglapit
RAFAEL“Angela sandali!” Tawag ni Inigo na nagpalingon sa akin. Nakatalikod na si Angela at malaki ang mga hakbang papalayo sa kinaroroonan namin ni Madelaine. Sinadya kong halikan si Madelaine nang makita ko siyang palabas ng venue. Gusto ko siyang masaktan dahil sinaktan niya ako.Sino ba namang matinong lalaki ang iuuwi parin ang kanyang asawa matapos na mahuling may ka-sex na iba!Gustuhin kong patayin ang lalaking yun! Kung may dala lang siguro akong baril napatay ko na siya! Pero sa kabila ng lahat, nag-alala pa rin si Angela sa kanya. Nang walang habas ko siyang bugbugin. Sinisi ko ang aking sarili dahil pinayagan ko pa siyang bumalik sa kompanyang yun. Pero huli na, nasaktan na niya ako at nagkamali na siya.Naging bingi ako sa lahat ng paliwanag niya. Dahil alam kong mas may kasalanan siya dahil siya mismo ang pumunta sa lalaking yun! At dahil alam kong mahalaga sa kanya ang lalaking yun!Pero imbis na paalisin mas ginusto kong saktan siya. Mas ginusto kong iparanas sa kanya
ANGELA “Tita?” Isang mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa akin. Yakap na kailangang-kailangan ko sa mga oras na ito. Hinahaplos niya ang aking buhok at nag-umpisa na siyang humagugol habang yakap niya pa rin ako.“A-anak, ang tagal kitang hinanap nasa poder na pala kita, hinayaan pa kitang umalis.” Humihikbing wika niya.“Anak?” Naguguluhang tanong ko. Lumayo siya sa akin at ginagap ang kamay ko.“P-Patawarin mo ako, malaki ang naging pagkukulang ko sa’yo anak. Kung alam ko lang na dito ka dinala ng ama mo bago siya mamatay naging madali sana ang lahat.” Patuloy na wika niya na lalong nagpagulo ng isip ko. Nabaling ang atensyon ko kay Mother Evette. “Ano pong ibig niyang sabihin Mother Evette?” “Frieda, mas mabuting ipaliwanag mo ng ma-ayos kay Angela ang lahat. Lalabas muna kami para makapag-usap kayo ng maayos.” Paalam niya sa amin. Umalis silang lahat at kami na lamang ni Tita Frieda ang naiwan sa kwarto.“Marinor, ikaw ang anak ko na matagal ko nang hinahanap.”
ANGELAIsang linggo na ang nakalipas mula ng umalis ako sa mismong araw ng birthday party ni Lola. Nang gabing yun ay nagpahatid na agad ako sa mansyon at inimpake ko na ang mga gamit ko. Wala na akong inaksayang oras dahil ayokong madatnan ulit ako ni Rafael sa bahay. Hindi naging madali kay Lola na payagan ako, pero dahil sa pag-iyak ko sa harapan niya ay napapayag ko rin siya. Ayaw niya akong umalis ngunit naki-usap ako sa kanya na kung hindi ko gagawin yun lalo lamang lalala ang lahat.Gusto ko ulit bumangon kagaya ng ginawa ko noon. Gusto kong kayanin ang sakit at ang hirap para sa sarili ko dahil wala akong ibang aasahan ngayon kundi ang sarili ko at nagpapasalamat ako kay grandma dahil hinayaan niya akong umalis.Nangako ako sa kanya na dadalawin ko siya kapag okay na ako ulit. Kapag kaya ko na ulit ngumiti. Kapag wala na akong nararamdamang sakit.“Angela, tama na yan.” Wika ni Sister Sandy,Pagka-alis ko sa mansyon ay dito na agad ako sa bahay ampunan dumiretso. Akala ko wala
ANGELASinipat ko ang aking sarili sa harapan ng salamin. Ayaw ko mang pumunta sa birthday party ni Lola ay alam kong hindi papayag si Lola. Kaya pinilit ko ang sarili ko na magbihis ng maganda at mamahaling dress na si Lola pa mismo ang pumili nang bumisita kami sa isang mamahaling boutique kanina. Isang plain nude pink satin spaghetti long dress ang pinili niya. Simple but elegant na tinernuhan ko lang ng diamond earrings. Katamtaman lang din ang taas ng takong ko at hindi ko naman naaapakan ang laylayan nito. Simple lang din ang naging ayos ko. Tamang make-up lang at hair bun na may kaunting hibla na nakalaglag sa gilid ng aking mukha. Huminga ako ng malalim at lumabas na rin sa aking kwarto. Ihahatid daw kami ng driver doon. Sabi ni Lola ay may nilakad daw si Rafael kaya de-derecho na daw siya doon.“Bagay na bagay ang damit na pinili ko sa’yo apo!” Nakangiting sabi ni Lola nang makababa na ako sa sala.“Maraming salamat po Lola, dapat nga ako po ang magreregalo sa inyo eh.” Nahih
ANGELANagpatuloy ang malamig niyang pakikitungo sa akin. Ilang araw na ang lumipas pero para lang akong hangin sa kanyang paningin. Hindi ko na siya ulit tinangkang kausapin pa dahil alam kong hindi pa rin niya akong kayang patawarin. Hirap na rin ang kalooban ko. Magkasama nga kami sa isang bahay, magkatabi sa iisang kama pero. Pero parang hindi niya ako nakikita. Ginugol niya ang oras sa trabaho sa umaga pero kapag gabi na ay lasing siyang umuuwi. Kahit si Lola ay walang nagawa sa kanya.Bukas ng gabi ang 60th birthday ni Lola pero hindi pa rin kami nagkakaayos ni Rafael. Miss na miss ko na siya gusto ko siyang yakapin at halikan pero alam kong nandidire na siya sa akin.Alas-dyes na ng gabi pero wala pa rin siya. Hindi ko maiwasan ang mag-alala sa tuwing ginagabi siya ng uwi. Pero wala naman akong lakas ng loob para tanungin siya. Kausapin man lang siya. Nahihirapan na ako, sa trato niya sa akin. Ni hindi ko na nga nagawang pumasok sa opisina.Kaagad akong tumayo sa kama nang mari