Rafael's POVPagkatapos nilang umalis ay tumayo na ako at nagbabad sa ilalim ng malamig na tubig sa shower. Tumitibok pa rin sa sakit ang ulo ko kaya uminom ako na rin ako ng pain killer. Pagkatapos ay nagbihis na ako ng damit. Lalabas na sana ako ng pinto nang pagbukas ko ay bumungad sa akin ang galit na mukha ni Lola. Napansin ko ang kapirasong papel na hawak niya.“Where’s Angela?” Sigaw niya sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit sa akin.“Pina-alis ko na siya grand—“Naputol ang pagsasalita ko nang bigla niya akong sampalin. Napahawak ako sa aking pisngi.“Kung alam ko lang na ganito ang gagawin mo sa kanya hindi ko na sana siya ipinakasal sa’yo!” Galit na singhal niya sa akin.“Grandma, ano ba nakita mo sa babaeng yun at gustong-gusto mo siya? Hindi mo nga alam kung sino ang mga magulang niya diba? Bakit parang mas mahal mo pa siya kaysa sa akin?”Nangilid ang mga luha niya habang nakatingin sa akin.“Mahal? Kung hindi ko iniisip ang nararamdaman mo pinakaladkad na
Angela’s POVMasaya akong nakatungtong na ulit ako sa airport ng pilipinas. Isang taon na rin ang nakalipas. Kalalapag lang ng eroplano na sinakyan namin mula sa Korea. Isang linggo matapos akong i-uwi ni Ma’am Freida sa mansyon nila ay lumipad na agad kami patungong Korea. Para sa skin care products na dene-develop ng malaking companya doon at exclusibong nakapangalan sa ‘Amore Corporation’ ang kompanyang pagmamay-ari ng asawa ni Ma’am Frieda na si Sir Allen Kim isang half Korean at and half Filipino.Hindi ko alam kung paano ako naka-alis ng pilipinas na walang sapat na dukomento. Basta ang sabi sa akin ni Ma’am Frieda siya na raw ang gagawa ng paraan. Gamit ang pangalang Marinor Velez ay nagawa ‘kong maka-alis ng bansa.Ako ang nagsilbing sekretarya ni Ma’am Frieda. Taga sagot ng tawag at taga check ng appointments niya. Naging mabuti sila sa akin kaya ginawa ko ang lahat para suklian yun. Sobra-sobrang tulong ang nabigay nilang mag-asawa sa akin. Mabait parin ang diyos dahil hindi
ANGELAPagkarating namin sa malaking bahay nila Tita Frieda ay dumiretso na ako sa aking kwarto. Napagod kasi ako sa mahabang byahe namin. Inayos ko lang muna ang lahat ng mga gamit ko pagkatapos ay naligo muna ako at nagsuot ng pantulog bago magpahinga.Habang nakahiga ay naalala ko na naman ang nangyari kanina. Isang beses lang kaming nagkita ni Fernan kaya sa tingin ko naniniwala siyang namalikmata lamang siya nang makita niya ako.Hindi ko alam kung bakit nag-aalala ako gayong hiwalay na naman kami ni Rafael. At sigurado naman ako na nakalimutan na rin ako ni Rafael. Pero sa uri ng tingin niya sa akin ay parang may gusto siyang sabihin sa akin kanina. Mabuti na lamang at hindi ako nagpahalata na kilala ko siya at nakaiwas ako agad. Sa sobrang pagod ko ay hinila na rin ako ng antok.Kinabukasan alas-sais pa lamang ng umaga ay gising na ako. Tumuloy ako sa gym na nasa loob ng mansyon upang magpapawis. Pagkatapos ng isang oras ay nagpahinga muna ako habang tinatanaw ang magandang ta
RAFAELI am now looking at the most beautiful girl in my eyes. She’s wearing an elegant red dress, revealing every inch of curves of her body. Walking like a fragile crystal. And smiling like an angel in front of every people at these huge events. Where she is the center of attractions.Nang makita ko siyang bumaba sa mamahaling kotse habang inaalalayan ng isang koreanong business man na si Kim Jang Jun. Isa sa pinakabatang ceo na naka base sa Korea. Ay gustong-gusto ko nang takbuhin siya at agawin ang kamay niya. Isang taon,Isang taon ko ng hinahanap ang babaeng hindi ko matagpuan.Ang babaeng basta ko na lang pinaalis at sinaktan.Kulang na lang baliktarin ko ang buong Pilipinas mahanap ko lang siya. I was too desperate to ser her again.Nasa abroad ako, because of expanding our hotelier business when Fernan called me.“I found her.” He said.Nang marinig ko yun sa kanya ay tumigil ang mundo ko. Kaagad akong umuwi kahit nasa kalagitnaan pa ako ng meeting. Kung alam lang niya kung
ANGELANapangiti ako dahil sa pamilyar na bangong naa-amoy ko. Naramdaman ko din ang mainit niyang hininga sa pagitan ng aking leeg.“Hmmm…”Di ko maiwasan ang mapanga-ungol nang maramdaman ang malambot niyang labi sa aking labi. Magaan lang ang halik pero nag-uudyok sa akin na tugunin ko yun. Hangang sa bumaba iyon sa aking panga, leeg at balikat. Naramdaman ko ang marahan niyang pagbaba sa manipis na tela sa aking balikat at ang paghapit pa niya sa katawan ko. Higit sa lahat ang matigas na bagay na kumikiskis sa hita ko.Halik?Kamay?Yakap?Bigla akong napamulat ang inakala kong panaginip ay totoo palang nangyayari ngunit ganun na lang ang pagkabigla ko nang magtama ang mata naming dalawa.“Hi mahal, good morning.” Nakangiting bati niya sa akin.“Ahhhh!!!”Kaagad kong sinipa ang junjun niya sa pagkabigla. “Oh! Sh*t!” Bulalas niya pero hindi ko pinagtuunan ng pansin kahit nasaktan pa siya sa ginawa ko.“Rafael? Anong ginagawa ko dito?! Bakit ako nandito?! Anong gagawin mo sa akin?!
ANGELA “Mahal mo ako? Paano nangyari yun? Diba si Lalaine ang mahal mo noon?” Tanong ko sa kanya matapos ko siyang maitulak sa pagkabigla. Napabuntong hininga siya at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi ko rin akalain na maririnig ko yun mula sa kanya.“Simula ng makilala kita, unti-unting nabuo ang pagtingin ko sa’yo. Mahirap ipaliwanag Angela, siguro kaya lagi kong gusto na makita ka at makasama dahil nabaling na ang atensyon ko sa’yo. Lalo na noong pinagtabuyan na ako ni Lalaine at sinabi niyang hindi siya nagsisisi na iniwan niya ako. Natuon lang ang buong atensyon ko sa’yo kaya siguro maluwag na rin sa loob ko na tangapin na makasal sa’yo. Pero nang malaman ko ang dahilan ng pag-iwan sa akin ni Lalaine. Nasaktan ako at na-guilty. Ang akala ko noon pareho pa rin ang nararamdaman namin sa isa’t-isa. Sinisi ko ang sarili ko nang mga oras na yun dahil sa kabila ng paghihirap niya noong bigla siyang umalis. Mas lalong lumalim ang galit ko sa kanya. Dahil hindi ko alam a
ANGELAKung wala din naman akong pagpipilian kundi ang pumayag sa gusto niyang mangyari bakit ko pa patatagalin. Nasaktan ako noon pero wala akong galit sa kanya. Hindi naman kasi kami dumaan sa maayos na relasyon kundi sa sapilitang kasal at utang na loob. At hindi naman nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa totoo lang masaya ang puso ko sa lahat ng narinig kong paliwanag niya. Buong akala ko ay wala talaga siyang nararamdaman para sa akin. Ngunit ngayon kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagsisisi. At sino ba namana ako para hindi magpatawad.Ngunit hindi ganun kadaling bumalik sa kanya. Dahil maraming mga naka-line-up na proyekto ang Amore sa akin. Naging matagumpay ang launching ng empress products. Bukod sa tumaas ang sales ng Amore. Maganda din ang naging feedback ng mga gumamit nito. Bukod doon magiging abala ako sa Amore dahil yun ang sinabi ni Tito sa akin. Pinagkatiwalaan nila akong maging ambassadress ng Amore kaya hindi ko sasayangin ang tiwalang ibinigay nila sa
ANGELAHindi na ako tumutol ang buhatin niya ako mula sa dalampasigan papunta sa white house. Sa bukana pa lamang kami ng bahay ay tanaw ko na ang mga nakasinding kandila sa dadaanan namin.“Anong meron?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.“I want to make this night special for both of us.” Nakangiting wika niya. Hinayaan ko na lang siya dahil na-eexcite na rin ako at halo-halo na ang emosyon na nararamdaman ko. Pagpasok namin sa loob ng bahay at nagkalat ang talulot ng kulay pulang rosas. Hindi niya pa rin ako binababa. Hangang makarating kami sa dining area. Bumungad sa akin ang maraming bulaklak sa paligid. Maayos namang nakaset-up ang mesa at ang pagkain. May wine pang kasama. Dahan-dahan niya akong binaba at ipinaghila ng upuan.“Let’s eat.” Wika niya. Gustuhin ko man siyang tanungin kung paano niya nagawa ito dahil maghapon ko siyang kasama kaya lang abala ako sa pag-iisip kong paano kami pagkatapos nito. Naiilang na rin ako sa mga tingin niya. Kaya tinuon ko na lang ang aking sari
ANGELA Pagkatapos ng isang lingo naming pananatili at pamamasyal sa Korea ay umuwi na rin kami. Marami kaming naipong alaala doon na gusto ko ulit balikan kung sakaling magkakaroon ng pagkakataon. Pagkauwi namin ay kinausap niya ulit ang pamilya ko upang pag-usapan ang kasal naming dalawa. Walang pagtutol sa kanila dahil nakita nila kung gaano ako kasaya. Isang buwan ang magiging preparasyon ng kasal namin dahil sa simbahan ito gaganapin. Gusto ko sana simple ulit ngunit ayaw pumayag ni Rafael pati na rin ni Mama at Lola Cythia. Gusto daw niya kasing bumawi sa akin kaya talagang tumulong siyang maging maganda at perfect ang magiging kasal ko. Wala na akong nagawa kundi hayaan na sila. Si Athena ang naging made of honor ko at silang apat naman kay Rafael. Masaya ako dahil magkasundo silang lima kahit iba-iba sila ng personalidad. Bukod doon pareho pa silang mayayaman. Mabilis na lumipas ang isang buwan at ngayon ang araw ng kasal namin ni Rafael. Labis ang nararamdaman kong kaba sa
ANGELAMahirap magpatawad sa isang taong nanakit sa’yo. Pero mas mahirap, kung patuloy kong itatangi sa sarili ko. Kahit alam kong mahal na mahal ko pa rin ang taong ito at handa siyang gawin ang lahat makuha lang ang kapatawaran ko.Nagkamali kami, at nasaktan ang isa’t-isa. But I had to forgive him. Because he deserves it. Kulang na nga lang bilhin niya ang buong eroplano para magka-ayos kaming dalawa. At alam kong kayang-kaya niyang gawin yun. He is Rafael Valdez after all. Halos mapugto ang aking hininga nang maghiwalay ang labi naming dalawa.“Damn! I miss that soft lips of yours my love.” Mahinang sambit niya sa tenga ko.“Kung hindi ko pipigilan ang sarili ko baka hindi lang kiss ang kinahinatnan nating dalawa.” Nakangitig wika niya sa akin na ikina-init ng pisngi ko. Mukhang may balak pa ata siyang kawing hotel ang eroplanong ito.Iginiya niya ako pabalik sa upuan at magkatabi na kaming dalawa.“May tanong ako.” Wika ko sa kanya.“Ano yon?”“Sasama ka ba talaga sa akin sa Kore
ANGELAPagkatapos sabihin sa akin ng stewardess na dalawa lang kaming pasahero ay magalang na rin itong nagpa-alam sa akin. Parang gusto ko tuloy hanapin kung saan nakaupo ang sinasabi niyang isa pang pasahero. Kung alam ko lang, na kami lang dito eh di sana hindi na ako nag business class at sa economy na lang ako.Ilang minuto nang nakalipad ang eroplano nagpasya akong matulog muna kaya kinuha ko ang sleeping mask ko sa bag para naman hindi ako masilaw sa liwanag.Mahaba pa ang byahe namin at hindi naman ako nagugutom kaya mas maige na matulog na lamang ako para pagdating ko sa Korea ay may lakas akong harapin ang trabaho.Itinaas ko ang sandalan ng paa ko para mas marelax akong nakahiga pagkatapos ay itinakip ko ang mask sa aking mata.Kahit nakapikit na ako ay naalala ko na naman si Rafael. Paano ko ba siya makakalimutan kaagad? Kung walang araw o oras ko siyang naiisip. Masaya na kaya siya sa naging desisyon niya ngayon? Si Lola? Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Nakakal
ANGELAMapait niya akong tinignan. Hindi ko alam kung paano niya nalamman ang lahat. Ang alam ko lang pumunta ako dito ng buo na ang loob ko upang magpaalam. At upang tapusin ang namagitan sa aming dalawa.“So, wala kang balak sabihin sa akin ang lahat Angela?”Humakbang siya palapit sa akin, kaya umatras ako.“Kung hindi pa sasabihin ni Mathew sa akin na buntis ka. Hindi mo sasabihin at gusto mong pirmahan ko yan?”Lalong dumilim ang mukha niyang nakatingin sa akin. At nagpatuloy siya sa paghakbang. Hindi ko inakalang si Mathew mismo ang magsasabi sa kanya ng lahat. At sigurado akong alam na rin niya nawala talagang nangyari sa aming dalawa.“Rafael, kahit ano pang sabihin mo hindi ko na mababago pa ang desisyon ko. Kaya pirmahan mo na ito para maka-alis na ako.” Mahinahon na wika ko sa kanya. Pinilit kong magpakatatag upang hindi niya makita at maramdaman ang panginginig ko. Hindi ko alam kung takot ba ang nararamdaman ko dahil sa pagtitig niya sa akin o kasabikan dahil sa paglapit
RAFAEL“Angela sandali!” Tawag ni Inigo na nagpalingon sa akin. Nakatalikod na si Angela at malaki ang mga hakbang papalayo sa kinaroroonan namin ni Madelaine. Sinadya kong halikan si Madelaine nang makita ko siyang palabas ng venue. Gusto ko siyang masaktan dahil sinaktan niya ako.Sino ba namang matinong lalaki ang iuuwi parin ang kanyang asawa matapos na mahuling may ka-sex na iba!Gustuhin kong patayin ang lalaking yun! Kung may dala lang siguro akong baril napatay ko na siya! Pero sa kabila ng lahat, nag-alala pa rin si Angela sa kanya. Nang walang habas ko siyang bugbugin. Sinisi ko ang aking sarili dahil pinayagan ko pa siyang bumalik sa kompanyang yun. Pero huli na, nasaktan na niya ako at nagkamali na siya.Naging bingi ako sa lahat ng paliwanag niya. Dahil alam kong mas may kasalanan siya dahil siya mismo ang pumunta sa lalaking yun! At dahil alam kong mahalaga sa kanya ang lalaking yun!Pero imbis na paalisin mas ginusto kong saktan siya. Mas ginusto kong iparanas sa kanya
ANGELA “Tita?” Isang mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa akin. Yakap na kailangang-kailangan ko sa mga oras na ito. Hinahaplos niya ang aking buhok at nag-umpisa na siyang humagugol habang yakap niya pa rin ako.“A-anak, ang tagal kitang hinanap nasa poder na pala kita, hinayaan pa kitang umalis.” Humihikbing wika niya.“Anak?” Naguguluhang tanong ko. Lumayo siya sa akin at ginagap ang kamay ko.“P-Patawarin mo ako, malaki ang naging pagkukulang ko sa’yo anak. Kung alam ko lang na dito ka dinala ng ama mo bago siya mamatay naging madali sana ang lahat.” Patuloy na wika niya na lalong nagpagulo ng isip ko. Nabaling ang atensyon ko kay Mother Evette. “Ano pong ibig niyang sabihin Mother Evette?” “Frieda, mas mabuting ipaliwanag mo ng ma-ayos kay Angela ang lahat. Lalabas muna kami para makapag-usap kayo ng maayos.” Paalam niya sa amin. Umalis silang lahat at kami na lamang ni Tita Frieda ang naiwan sa kwarto.“Marinor, ikaw ang anak ko na matagal ko nang hinahanap.”
ANGELAIsang linggo na ang nakalipas mula ng umalis ako sa mismong araw ng birthday party ni Lola. Nang gabing yun ay nagpahatid na agad ako sa mansyon at inimpake ko na ang mga gamit ko. Wala na akong inaksayang oras dahil ayokong madatnan ulit ako ni Rafael sa bahay. Hindi naging madali kay Lola na payagan ako, pero dahil sa pag-iyak ko sa harapan niya ay napapayag ko rin siya. Ayaw niya akong umalis ngunit naki-usap ako sa kanya na kung hindi ko gagawin yun lalo lamang lalala ang lahat.Gusto ko ulit bumangon kagaya ng ginawa ko noon. Gusto kong kayanin ang sakit at ang hirap para sa sarili ko dahil wala akong ibang aasahan ngayon kundi ang sarili ko at nagpapasalamat ako kay grandma dahil hinayaan niya akong umalis.Nangako ako sa kanya na dadalawin ko siya kapag okay na ako ulit. Kapag kaya ko na ulit ngumiti. Kapag wala na akong nararamdamang sakit.“Angela, tama na yan.” Wika ni Sister Sandy,Pagka-alis ko sa mansyon ay dito na agad ako sa bahay ampunan dumiretso. Akala ko wala
ANGELASinipat ko ang aking sarili sa harapan ng salamin. Ayaw ko mang pumunta sa birthday party ni Lola ay alam kong hindi papayag si Lola. Kaya pinilit ko ang sarili ko na magbihis ng maganda at mamahaling dress na si Lola pa mismo ang pumili nang bumisita kami sa isang mamahaling boutique kanina. Isang plain nude pink satin spaghetti long dress ang pinili niya. Simple but elegant na tinernuhan ko lang ng diamond earrings. Katamtaman lang din ang taas ng takong ko at hindi ko naman naaapakan ang laylayan nito. Simple lang din ang naging ayos ko. Tamang make-up lang at hair bun na may kaunting hibla na nakalaglag sa gilid ng aking mukha. Huminga ako ng malalim at lumabas na rin sa aking kwarto. Ihahatid daw kami ng driver doon. Sabi ni Lola ay may nilakad daw si Rafael kaya de-derecho na daw siya doon.“Bagay na bagay ang damit na pinili ko sa’yo apo!” Nakangiting sabi ni Lola nang makababa na ako sa sala.“Maraming salamat po Lola, dapat nga ako po ang magreregalo sa inyo eh.” Nahih
ANGELANagpatuloy ang malamig niyang pakikitungo sa akin. Ilang araw na ang lumipas pero para lang akong hangin sa kanyang paningin. Hindi ko na siya ulit tinangkang kausapin pa dahil alam kong hindi pa rin niya akong kayang patawarin. Hirap na rin ang kalooban ko. Magkasama nga kami sa isang bahay, magkatabi sa iisang kama pero. Pero parang hindi niya ako nakikita. Ginugol niya ang oras sa trabaho sa umaga pero kapag gabi na ay lasing siyang umuuwi. Kahit si Lola ay walang nagawa sa kanya.Bukas ng gabi ang 60th birthday ni Lola pero hindi pa rin kami nagkakaayos ni Rafael. Miss na miss ko na siya gusto ko siyang yakapin at halikan pero alam kong nandidire na siya sa akin.Alas-dyes na ng gabi pero wala pa rin siya. Hindi ko maiwasan ang mag-alala sa tuwing ginagabi siya ng uwi. Pero wala naman akong lakas ng loob para tanungin siya. Kausapin man lang siya. Nahihirapan na ako, sa trato niya sa akin. Ni hindi ko na nga nagawang pumasok sa opisina.Kaagad akong tumayo sa kama nang mari