ANGELA “Mahal mo ako? Paano nangyari yun? Diba si Lalaine ang mahal mo noon?” Tanong ko sa kanya matapos ko siyang maitulak sa pagkabigla. Napabuntong hininga siya at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi ko rin akalain na maririnig ko yun mula sa kanya.“Simula ng makilala kita, unti-unting nabuo ang pagtingin ko sa’yo. Mahirap ipaliwanag Angela, siguro kaya lagi kong gusto na makita ka at makasama dahil nabaling na ang atensyon ko sa’yo. Lalo na noong pinagtabuyan na ako ni Lalaine at sinabi niyang hindi siya nagsisisi na iniwan niya ako. Natuon lang ang buong atensyon ko sa’yo kaya siguro maluwag na rin sa loob ko na tangapin na makasal sa’yo. Pero nang malaman ko ang dahilan ng pag-iwan sa akin ni Lalaine. Nasaktan ako at na-guilty. Ang akala ko noon pareho pa rin ang nararamdaman namin sa isa’t-isa. Sinisi ko ang sarili ko nang mga oras na yun dahil sa kabila ng paghihirap niya noong bigla siyang umalis. Mas lalong lumalim ang galit ko sa kanya. Dahil hindi ko alam a
ANGELAKung wala din naman akong pagpipilian kundi ang pumayag sa gusto niyang mangyari bakit ko pa patatagalin. Nasaktan ako noon pero wala akong galit sa kanya. Hindi naman kasi kami dumaan sa maayos na relasyon kundi sa sapilitang kasal at utang na loob. At hindi naman nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa totoo lang masaya ang puso ko sa lahat ng narinig kong paliwanag niya. Buong akala ko ay wala talaga siyang nararamdaman para sa akin. Ngunit ngayon kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagsisisi. At sino ba namana ako para hindi magpatawad.Ngunit hindi ganun kadaling bumalik sa kanya. Dahil maraming mga naka-line-up na proyekto ang Amore sa akin. Naging matagumpay ang launching ng empress products. Bukod sa tumaas ang sales ng Amore. Maganda din ang naging feedback ng mga gumamit nito. Bukod doon magiging abala ako sa Amore dahil yun ang sinabi ni Tito sa akin. Pinagkatiwalaan nila akong maging ambassadress ng Amore kaya hindi ko sasayangin ang tiwalang ibinigay nila sa
ANGELAHindi na ako tumutol ang buhatin niya ako mula sa dalampasigan papunta sa white house. Sa bukana pa lamang kami ng bahay ay tanaw ko na ang mga nakasinding kandila sa dadaanan namin.“Anong meron?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.“I want to make this night special for both of us.” Nakangiting wika niya. Hinayaan ko na lang siya dahil na-eexcite na rin ako at halo-halo na ang emosyon na nararamdaman ko. Pagpasok namin sa loob ng bahay at nagkalat ang talulot ng kulay pulang rosas. Hindi niya pa rin ako binababa. Hangang makarating kami sa dining area. Bumungad sa akin ang maraming bulaklak sa paligid. Maayos namang nakaset-up ang mesa at ang pagkain. May wine pang kasama. Dahan-dahan niya akong binaba at ipinaghila ng upuan.“Let’s eat.” Wika niya. Gustuhin ko man siyang tanungin kung paano niya nagawa ito dahil maghapon ko siyang kasama kaya lang abala ako sa pag-iisip kong paano kami pagkatapos nito. Naiilang na rin ako sa mga tingin niya. Kaya tinuon ko na lang ang aking sari
ANGELAMatapos ng ilang beses na mangyari sa amin sa pinagdalhan niyang isla sa akin ay nakumbinsi ko na rin siyang bumalik sa Manila. Binabaybay na namin ang daan patungo sa mansyon nila. Gusto niyang duon muna ako manatili dahil inaantay din daw ako ni Lola Cynthia kaya hindi na rin ako tumutol.“Nag-enjoy ka ba sa honeymoon natin?” Nakangiting tanong niya sa akin. Di ko tuloy maiwasang pamulahan ng pisngi. Sa ilang beses na nangyari sa amin. Dalawang araw lang ang tinagal namin doon dahil marami din naman siyang trabaho.“Oo naman.” Sagot ko. Nakahawak siya sa kamay ko habang nagmamaneho. Nawiwili na talaga siya sa ginagawa niya. Ganito din kaya siya kalambing noong sila pa ni Lalaine? Totoo kayang nakalimutan na niya ito?Naputol ang pag-iisip ko nang makarating na kami sa mansyon. Nasa bukana pa lamang kami ay lumabas na si Lola Cynthia. Hindi ko maiwasan ang maiyak nang lumapit siya sa kotse at antayin ang pagbaba ko. Kaagad niya kong sinalubong ng yakap.“Mabuti naman at umuwi
ANGELA Kinabukasan ay sumabay na ako kay Rafael. Tinawagan kasi ako ni Tita Frieda na kailangan niya akong maka-usap ngayon. Kaya walang nagawa si Rafael kundi ang ihatid ako sa Amore.“Susunduin kita mamaya okay?” Wika ni Rafael nang makababa na ako sa harapan ng Amore building. Hinalikan niya muna ako sa labi bago siya umalis. Kumaway pa ako sa kanya bago ako pumasok. Kaagad akong pumasok sa elevator at pinindot ang 35th button papunta sa office ni sir Augusto dahil nandun kasi si Tita Frieda. Nang makarating na ako ay marahang katok ang ginawa ko.“Marinor!”Kaagad na lumapit si Tita at niyakap ako. Kaya gumanti din ako ng yakap. “Tita, I’m sorry po.” Sambit ko. Nasa likuran niya lang si Tito Augusto at si Athena.“Anong nangyari? Paano ka napunta kay Rafael? Kinidnap ka ba niya? Pinipilit ka ba niyang bumalik sa kanya?” Nag-aalalang tanong niya sa akin. Iginiya niya ako sa malaking sofa at umupo kaming lahat.“Nagpapasalamat po ako sa pagkukop niyo sa akin. Malaki po ang utang na
ANGELAAlam kong nasaktan ko si Mathew pero ito ang mas mabisang paraan para kalimutan na niya ako ng tuluyan. Pagkalabas ko ng opisina ay kaagad kong inayos ang schedule niya for one week. Mabuti na lang din at tumulong sa akin si Rose. Siya ang secretary ni Tito Augusto noong nasa Korea kami ni Tita Frieda. Mabuti na lang din at hindi ko pa tinatangap ng lubusan ang pagiging endorser ng Amore. Mas komportable naman ako dito sa opisina lang. Alam ko din naman na hindi din papayag si Rafael. Yung pagpunta ko pa nga lang dito ay sapilitan na. Gusto ko lang sana na magpa-alam ng maayos.Mabigat man para sa akin na umalis dahil totoong napamahal na ako sa pamilya nila. Yun ang alam kong tama. Kaya lang kailangan ko pang mag-intay ng isang linggo para na rin sa paki-usap ni Tito Augusto. Sa sobrang dami kong ginawa ay nakalimutan ko ng lunch time na pala kung hindi pa sinabi sa akin ni Rose ay hindi ko na maalaala sa dami ng tumatakbo sa aking isip.Kaagad kong inayos ang mga gamit ko sa
ANGELAPagpasok ko sa loob ng building ay napatingin pa rin sila sa akin. Hindi ko na lamang sila pinansin at tumuloy na ako sa office ko. Limang minuto bago mag ala-una ng tanghali ay nasa table na ako at nandun na rin si Rose.“Bakit?” Kunot noo na tanong ko kay Rose nakanguso kasi ito.“Wala po Ma’am Marinor. Hindi kasi kumain si Sir Mathew kaya nagmadali din akong bumalik baka kasi kailanganin niya ako.” Paliwanag niya. Ibinaba ko ang bag ko upang puntahan siya. Kumatok muna ako bago ako pumasok. Nag-angat siya ng tingin nang lumapit ako sa kanya.“Hindi ka daw kumain? Ano pong gusto niyo, mag-oorder na lang po ako sa labas.” Magalang na tanong ko sa kanya.“Hindi na kailangan, hindi naman ako nagugutom.” Hindi ko maiwasan na taasan siya ng kilay. Kanina lang niyaya niya akong kumain tapos nang hindi ako pumayag ay ayaw na rin niyang kumain.“Sir, mahaba pa po ang araw. Kung gusto niyo samahan ko kayo dito kumain lang kayo.” Paki-usap ko sa kanya. Nakita ko ang pagliwanag sa kany
ANGELAWala pang alas-singko nang tawagan ako ni Rafael. Aantayin daw niya ako mamaya pag-uwian. Kaya maaga kong tinapos ang lahat ng gagawin ko. Eksaktong uwian ay handa na rin ako sa pag-uwi. Nagpaalam na rin ako kay Mathew. May tatapusin pa daw kasi siya. Sobrang sipag niya talaga sunod-sunod ang naging meeting niya kanina at nasa tabi lang kami ni Rose para makinig. Hindi ko din akalain na sa maiksing panahon ay natutunan niya rin ang ginagawa ni Tito Augusto. Pansin ko din marami ang humahanga sa kanya dito. Paano ba naman kasi, guwapo naman talaga ito. “Sigurado ka bang mamaya ka na panget?” Tanong ko sa kanya.“Oo, wag mo na akong alalahanin, bumaba ka na lang at baka nandun na ang sundo mo.” Wika niya habang nagsusulat sa blue book.“Okay, see you tomorrow!” Paalam ko sa kanya. Kumaway pa siya sa akin bago ko isinara ang pinto. Kaagad akong bumaba sa elevator. Palabas pa lang ako ay kita ko na ang nagkukumpulan na empleyado palabas.“Hoy! Totoo palang napakaguwapo ng CEO ng V