ANGELAMag alas-dyes na ng gabi nang magpa-alam kami sa kanila. Nakaramdam na rin kasi ako ng pagod at kailangan pa naming gumising bukas ng umaga. Nagka-usap na din kami ni Fernan at humingi na rin ako ng pa-umanhin. Naiintindihan daw niya ako kung hindi ko sinabi ang totoo sa kanya. Nakakatuwa din si Inigo dahil mukhang tinamaan talaga siya doon sa kasambahay niyang bulag. Iba kasi ang ningning ng mga mata niya. Pagkatapos niya kaming bigyan ng maiinom ay umalis na rin ito dahil pina-akyat na siya ni Inigo. Natakot ata na sulotin ni Bernard masyado kasing clingy ang isang yun. Kaya nga naiinis si Rafael sa kanya at panay dikit sa akin. Mabuti na lamang at matibay ang pagkakaibigan nila. Dahil kung hindi baka nagbubugan na sila sa selos.“Napagod ka ba?” Tanong niya sa akin nang makauwi na kami. Nakaupo ako sa gilid ng kama. Katatapos ko lang din mag-shower at kakalabas lang din niya sa banyo.“Oo, kaya matulog na tayo dahil maaga pa tayo bukas” Sagot ko.“Isang linggo lang ang binig
MATHEWTahimik ‘kong pinagmasdan ang kanyang magandang mukha habang nasa ibabaw siya ng aking kama. Mula noon hangang ngayon hindi nabawasan ang nararamdaman ko para sa kanya.Siya pa rin ang babaeng mahal ko. Ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Ang babaeng gagawin ko ang lahat makuha ko lamang. Mula nang makita ko ang larawan niya kasama si Athena. Ay ginawa ko na ang lahat para alamin ang nangyari kung paano siya nakarating sa pangangalaga ni Tito. Nalaman ko kasi kay Sister Sandy na hinahanap daw nila ito. Kaya tinalikuran ko ang negosyo namin upang pumasok sa Amore nang sa ganoon magkaroon ako ng pagkakataon na mapalapit ulit kay Angela. Mas humanga ako sa kanya nang makita ko siyang naging modelo ng isang brand ng Amore.Hindi na siya mawala sa isip ko. Nang makita ko siyang muli ay ayaw ko na siyang bitawan sa pagkakayakap ko sa kanya.Mahal ko siya, kaya noong nalaman ko ang ginawa ni Rafael mas naging porsigido pa akong makuha siya. Wala akong paki-alam kung mas maha
ANGELANapuno ng takot ang dibdib ko nang bumungad sa akin ang madilim na mukha ni Rafael. Hindi ko inakalang ang pagpunta ko dito sa bahay at ang pakikipagkita ko kay Mathew ay magdudulot ng gulo sa pagitan naming dalawa.Nagtiwala ako sa kanya dahil kaibigan ko siya pero hindi ako makapaniwalang magagawa niya sa akin ang ganong kasamang bagay. Akala ko ay tangap na niya na, akala ko okay na ulit kami. Pero nagkamali ako dahil sa likod ng mga ngiti niya sa akin ay ang maitim niyang plano.Takot na takot ako habang walang tigil niyang sinasaktan si Mathew. Ngayon ko lang siya nakitang nagalit siya ng ganito at kung hindi ko pa siya pipigilan baka matuluyan niya si Mathew. Hindi ko pa rin kayang saktan niya ito dahil alam kong nagawa lang niya ang kapangahasang yun dahil sa pagmamahal niya sa akin pero mali! Mali ang ginawa niya! Gusto kong magalit sa kanya pero huli na ang lahat. Wala na akong magawa, hindi ko maipagtangol ang sarili ko dahil hindi ko alam ang nangyari.Papauwi na kam
ANGELANagpatuloy ang malamig niyang pakikitungo sa akin. Ilang araw na ang lumipas pero para lang akong hangin sa kanyang paningin. Hindi ko na siya ulit tinangkang kausapin pa dahil alam kong hindi pa rin niya akong kayang patawarin. Hirap na rin ang kalooban ko. Magkasama nga kami sa isang bahay, magkatabi sa iisang kama pero. Pero parang hindi niya ako nakikita. Ginugol niya ang oras sa trabaho sa umaga pero kapag gabi na ay lasing siyang umuuwi. Kahit si Lola ay walang nagawa sa kanya.Bukas ng gabi ang 60th birthday ni Lola pero hindi pa rin kami nagkakaayos ni Rafael. Miss na miss ko na siya gusto ko siyang yakapin at halikan pero alam kong nandidire na siya sa akin.Alas-dyes na ng gabi pero wala pa rin siya. Hindi ko maiwasan ang mag-alala sa tuwing ginagabi siya ng uwi. Pero wala naman akong lakas ng loob para tanungin siya. Kausapin man lang siya. Nahihirapan na ako, sa trato niya sa akin. Ni hindi ko na nga nagawang pumasok sa opisina.Kaagad akong tumayo sa kama nang mari
ANGELASinipat ko ang aking sarili sa harapan ng salamin. Ayaw ko mang pumunta sa birthday party ni Lola ay alam kong hindi papayag si Lola. Kaya pinilit ko ang sarili ko na magbihis ng maganda at mamahaling dress na si Lola pa mismo ang pumili nang bumisita kami sa isang mamahaling boutique kanina. Isang plain nude pink satin spaghetti long dress ang pinili niya. Simple but elegant na tinernuhan ko lang ng diamond earrings. Katamtaman lang din ang taas ng takong ko at hindi ko naman naaapakan ang laylayan nito. Simple lang din ang naging ayos ko. Tamang make-up lang at hair bun na may kaunting hibla na nakalaglag sa gilid ng aking mukha. Huminga ako ng malalim at lumabas na rin sa aking kwarto. Ihahatid daw kami ng driver doon. Sabi ni Lola ay may nilakad daw si Rafael kaya de-derecho na daw siya doon.“Bagay na bagay ang damit na pinili ko sa’yo apo!” Nakangiting sabi ni Lola nang makababa na ako sa sala.“Maraming salamat po Lola, dapat nga ako po ang magreregalo sa inyo eh.” Nahih
ANGELAIsang linggo na ang nakalipas mula ng umalis ako sa mismong araw ng birthday party ni Lola. Nang gabing yun ay nagpahatid na agad ako sa mansyon at inimpake ko na ang mga gamit ko. Wala na akong inaksayang oras dahil ayokong madatnan ulit ako ni Rafael sa bahay. Hindi naging madali kay Lola na payagan ako, pero dahil sa pag-iyak ko sa harapan niya ay napapayag ko rin siya. Ayaw niya akong umalis ngunit naki-usap ako sa kanya na kung hindi ko gagawin yun lalo lamang lalala ang lahat.Gusto ko ulit bumangon kagaya ng ginawa ko noon. Gusto kong kayanin ang sakit at ang hirap para sa sarili ko dahil wala akong ibang aasahan ngayon kundi ang sarili ko at nagpapasalamat ako kay grandma dahil hinayaan niya akong umalis.Nangako ako sa kanya na dadalawin ko siya kapag okay na ako ulit. Kapag kaya ko na ulit ngumiti. Kapag wala na akong nararamdamang sakit.“Angela, tama na yan.” Wika ni Sister Sandy,Pagka-alis ko sa mansyon ay dito na agad ako sa bahay ampunan dumiretso. Akala ko wala
ANGELA “Tita?” Isang mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa akin. Yakap na kailangang-kailangan ko sa mga oras na ito. Hinahaplos niya ang aking buhok at nag-umpisa na siyang humagugol habang yakap niya pa rin ako.“A-anak, ang tagal kitang hinanap nasa poder na pala kita, hinayaan pa kitang umalis.” Humihikbing wika niya.“Anak?” Naguguluhang tanong ko. Lumayo siya sa akin at ginagap ang kamay ko.“P-Patawarin mo ako, malaki ang naging pagkukulang ko sa’yo anak. Kung alam ko lang na dito ka dinala ng ama mo bago siya mamatay naging madali sana ang lahat.” Patuloy na wika niya na lalong nagpagulo ng isip ko. Nabaling ang atensyon ko kay Mother Evette. “Ano pong ibig niyang sabihin Mother Evette?” “Frieda, mas mabuting ipaliwanag mo ng ma-ayos kay Angela ang lahat. Lalabas muna kami para makapag-usap kayo ng maayos.” Paalam niya sa amin. Umalis silang lahat at kami na lamang ni Tita Frieda ang naiwan sa kwarto.“Marinor, ikaw ang anak ko na matagal ko nang hinahanap.”
RAFAEL“Angela sandali!” Tawag ni Inigo na nagpalingon sa akin. Nakatalikod na si Angela at malaki ang mga hakbang papalayo sa kinaroroonan namin ni Madelaine. Sinadya kong halikan si Madelaine nang makita ko siyang palabas ng venue. Gusto ko siyang masaktan dahil sinaktan niya ako.Sino ba namang matinong lalaki ang iuuwi parin ang kanyang asawa matapos na mahuling may ka-sex na iba!Gustuhin kong patayin ang lalaking yun! Kung may dala lang siguro akong baril napatay ko na siya! Pero sa kabila ng lahat, nag-alala pa rin si Angela sa kanya. Nang walang habas ko siyang bugbugin. Sinisi ko ang aking sarili dahil pinayagan ko pa siyang bumalik sa kompanyang yun. Pero huli na, nasaktan na niya ako at nagkamali na siya.Naging bingi ako sa lahat ng paliwanag niya. Dahil alam kong mas may kasalanan siya dahil siya mismo ang pumunta sa lalaking yun! At dahil alam kong mahalaga sa kanya ang lalaking yun!Pero imbis na paalisin mas ginusto kong saktan siya. Mas ginusto kong iparanas sa kanya