"Oo, iyan na kasi ang isuot mo. Sobrang ganda kaya niyan."
Kasalukuyan akong nandito sa kwarto ni Yumi na nag-aayos para sa family dinner na magaganap. Kahit na pinsan ni Alex si Miguel at magkakilala kaming dalawa ay hindi ko naman talaga kilala at nakikita pa ang mga magulang niya."Hindi ba't masyadong revealing 'to, beh? Iba na lang kaya ang suotin ko," sambit ko habang tinititigan ang ibinigay niya sa aking yellow-checkered dress.Napatingin na rin siya sa akin at unti-unting napatango. "You are right, masyado nga siyang revealing, beh. Sige, wait a second." Kinuha na niya ang ibinigay niyang dress sa akin sabay labas ng kaniyang kwarto.Minsan ay natatawa na lang ako kasi kahit na ako ang fashion designer sa aming dalawa ni Yumi ay siya pa rin talaga ang nag-aayos sa akin. It's not that I'm shaming myself pero wala lang talaga akong confidence sa mga bagay-bagay lalo na sa sarili ko."I’ve found the best outfit for you tonight!”Napasulyap naman kaagad sa akin si Alex. Gusto kong ngumiti sa kaniya dahil napansin niya ako pero hindi ko naman ginawa. I just can’t smile while I know that in reality, I can’t have him anymore.“Oh, thanks,” ani Alex, giving me an uncomfortable smile at ipinagpatuloy na ulit ang pagkain.There was a dead air during our dinner kaya hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon naming dalawa ni Yumi. Sa lahat kasi ng nandito sa mesa ngayon ay kaming dalawa lang talaga ang hindi pamilya.“Anyway, where do you plan to get married?” tanong ni Tita Lucy, referring to Calypso.Bahagyang napatigil sa pagkain sa Calypso sabay tingin kay Alex. “Uh, we’ve been planning to get married next year, Tita. There are things that need to be done and we’re both busy in our own careers kaya naman we need to think about it first.”“Oh? What about the papers? It is okay now?”“About that!” singit pa ni Tita Melody sabay irap sa akin. “We are actually
Today is our first day of work. I'm already four months pregnant and my belly is getting bigger kaya naman maingat lang ako sa paggalaw although comfortable pa rin ang nararamdaman ko.This project will be a breakthrough for me and Yumi dahil magtatrabaho kami sa isa pinakamalaking kompanya rito sa Pilipinas. Miguel’s clothing line is called Verde habang ang kay Alex naman ay Dionysus Belle. It is one of the most popular brand around the country and this year, they will be dominating the foreign land. “Knock! Knock!” Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Miguel. Halos araw-araw niyang ginagawa itong paggising sa akin at naaapreciate ko rin naman iyon. Hindi pa kasi ako nakakapagbihis at nakakaligo kaya naman ay kahit nahihiya akong buksan ang pinto, kailangan ko itong gawin.“Ikaw pala, Migs,” sambit ko. “Ang aga mo naman.”Nakita ko siyang may dalang isang basi ng gatas habang nakangiti sa akin. “Well, naisipan ko kasing dalhan k
"The first team is composed of Miguel's staff while the second team is composed of my staff including my fiancé, Caly," paliwanag ni Alex.Halos ilang beses na yatang binanggit ni Alex ang tungkol kay Caly bilang fiancé niya at pakiramdam ko ay ilang beses na akong sinasampal sa mga sinasabi nito.“Kalma lang, beh. Para ka nang tigre na handang maghanap ng away riyan, a.”Kaagad ko namang kinalma ang kamay ko na nakayukom na at napatingin kay Yumi. “Nakakaloka, beh…” bulong ko.”Kaagad na ring nag-project ang mga team habang si Miguel na ang pumagitna. “For the first theme, we have nature or greeny things, for the second one, we will have autumn, for the third theme, it will be a tropical design but is literally different feom spring of greeny things, and lastly, we have summer.”“In short, we will be having the different seasons as our clothing line theme for this first quarter,” dagdag pa ni Alex.Halos lahat kami ay nagulat ma
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa biglang pagsalita ni Calypso. Alam ko kasi na magkakaroon na naman ito ng gulo pagkatapos niyang malaman iyon. "Uh...tinulungan niya lang naman—""How dare you!" Nagulat na lamang ako nang bigla siyang kumaripas ng takbo sabay hablot sa buhok ko at inginudngod ako sa pader. Kung hindi lang sana ako buntis ay baka pinatulan ko 'to pero kailangan kong protektahan ang anak ko dahil hindi naman ako papayag na mapahamak siya."Bitawan mo...ako!!" Masyadong malakas ang pagkakasabunot niya sa akin kaya hindi ako masyadong maka-bwelo sa kaniya. Kaagad na rin kaming nilapitan ni Yumi at ng iba pang mga kasamaha ko para awatin kami pero hindi naman nila magawa. Agresibo kasi talaga itong Calypso na 'to para sabunutan ako."You worthless, biatch!" sigaw niya sabay hawak sa buhok ko at sinampal ako nang malakas. "You're gonna flirt with my husband pa. Ang kati-kati mo naman, past ka na! Past!!"
Nakangiti akong bumalik sa opisina dahil pakiramdam ko ay biglang gumana ang utak ko. Maliban kasi sa kay Alex bilang inspirasyon ko, nakasuot siya ng berdeng damit dahilan para mas madali pa ito sa akin."I've got some—" Hindi ko nalamayan na sa pagbukas ko ng pinto ay mayroon pa lang nakatayo sa harapan nito dahilan para mabangga ko. Sa mabuting palad ay hindi ako humilata sa sahig dahil hawakan ako nito sa braso. Unti-unti ko na ring itinaas ang mukha ko at nagulat nang makita ko si Alex. He was looking at me without any emotion kaya naman napayuko na lang kaagad ako at iniwasan na siya sabay balik sa desk ko. Ayoko nang magkaroon na naman dito ng problema sa opisina dahil lang lumapit na naman ako sa kaniya. Baka mas malala pa ang magawa sa akin ni Calypso dahil mukhang isa talaga siyang amazona, handang makipag-away."Ano ba 'yan, beh. Kahit ano'ng iwas ninyo ni Alex sa isa't-isa ay mukhang ipinaglalapit naman talaga kayo ng tadhana."
Kasalukuyan kaming nasa byahe ngayon ni Yumi pauwi dahil may pinuntahang importanteng meeting ngayon si Miguel. Para raw iyon sa bagong investor kaya naman ay hindi muna siya makakasama sa amin ngayon."Grabe naman iyong asawa mo kanina, beh. Ang ganda naman ng shading mo pero ang dami niyang sinasabi," usal ni Yumi habang magkatabi kami ngayon sa kotse.Natawa naman na ako sa kaniya dahil mukhang mas stressed pa siya sa akin. "Beh, correction, hindi ko na siya asawa. Huwag mo nang babanggitin iyan at baka ano na naman nag sabihin sa akin ng ibang tao. Alam mo naman, we never know.”“Hay nako! Ikaw naman talaga ang legal na asawa ni Alex kahit ano’ng mangyari…unless kung pipirma ka ng annulment paper ninyo.”“Sabagay…” Napa-isip na lang ako dahil mukhang hanggang ngayon ay hindi pa naman ako sinusugod ng manugang ko about doon. Baka one of these days ay gagawin na nila iyon dahil ang sabi pa ni Calypso noong nagkaroon ng family dinner sa
Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay nadatnan kong panay ang lakad ni Yumi sa sala. "Beh?""Ay palaka ka! Beh! Oh my gosh!" Dali-dali itong tumakbo palapit sa akin at niyakap na ako nang mahigpit. "Akala ko nawala ka na, tatawag na sana ako ng pulis para ipahanap ka dahil hindi na kita matawagan!" Napakamot na lang ako ng ulo ko at inilabas na rin ang cellphone ko. “Hindi kasi ako makatext kanina, e. Tatawagan din sana kita pero wala.”"Mukhang sira na nga 'yang cellphone mo, beh. Nako na lang talaga at mabuti dahil hinatid ka ng dati mong asawa, kung hindi ay baka binalatan na ako ng buhay ni Miguel pag-uwi niya.""Grabe naman 'to sa binalatan," sambit ko pa sa kaniya sabay ngiti. “Tara na, kumain na tayo at kanina pa ako nagugutom.”Naglakad na rin kaming dalawa ni Yumi papuntang kusina para kumain. Nakapaghanda na rin sina Manang Andeng ng pochero for dinner pati na rin pork chop. Naka-upo na ako sa mesa habang t
“What’s the meaning behind this Flora, Miss Kim?” Napatingin naman na ako kay Nika nang itinuro niya ang first design namin na pinangalanan ko ng Flora. “Ah, iyan ba, nothing deep. Naniniwala kasi ako na not everything should have a deeper and complex meaning. Simplicity will always prevail and that’s what I stand,” sagot ko sa kaniya.“Wow!”“Pang Miss Universe na sagutin, Miss Kim ah!”They started clapping their hands for me kaya naman napatawa na lang ako. Ang pagiging kwela raw nila kasi ang bayad dahil sa nangyaring kahihiyan kanina kay Alex na mukhang napikon naman sa mga sinabi nila.“Hindi n’yo ba alam, iyang si Kim ay sumali rati sa isang pageant pero biglang nagkaroon ng diarrhea kaya hindi siya natuloy,” paliwanag pa ni Yumi.Kaagad ko na siyang inirapan. “Ikaw kung ano-ano na naman ang mga sinasabi mo riyan sa kanila. Kapag iyan naniwala sasapukin talaga kita, beh.”“Pwede naman, Miss Kim!”“Oo na