Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa biglang pagsalita ni Calypso. Alam ko kasi na magkakaroon na naman ito ng gulo pagkatapos niyang malaman iyon.
"Uh...tinulungan niya lang naman—""How dare you!"Nagulat na lamang ako nang bigla siyang kumaripas ng takbo sabay hablot sa buhok ko at inginudngod ako sa pader. Kung hindi lang sana ako buntis ay baka pinatulan ko 'to pero kailangan kong protektahan ang anak ko dahil hindi naman ako papayag na mapahamak siya."Bitawan mo...ako!!"Masyadong malakas ang pagkakasabunot niya sa akin kaya hindi ako masyadong maka-bwelo sa kaniya. Kaagad na rin kaming nilapitan ni Yumi at ng iba pang mga kasamaha ko para awatin kami pero hindi naman nila magawa. Agresibo kasi talaga itong Calypso na 'to para sabunutan ako."You worthless, biatch!" sigaw niya sabay hawak sa buhok ko at sinampal ako nang malakas. "You're gonna flirt with my husband pa. Ang kati-kati mo naman, past ka na! Past!!"Nakangiti akong bumalik sa opisina dahil pakiramdam ko ay biglang gumana ang utak ko. Maliban kasi sa kay Alex bilang inspirasyon ko, nakasuot siya ng berdeng damit dahilan para mas madali pa ito sa akin."I've got some—" Hindi ko nalamayan na sa pagbukas ko ng pinto ay mayroon pa lang nakatayo sa harapan nito dahilan para mabangga ko. Sa mabuting palad ay hindi ako humilata sa sahig dahil hawakan ako nito sa braso. Unti-unti ko na ring itinaas ang mukha ko at nagulat nang makita ko si Alex. He was looking at me without any emotion kaya naman napayuko na lang kaagad ako at iniwasan na siya sabay balik sa desk ko. Ayoko nang magkaroon na naman dito ng problema sa opisina dahil lang lumapit na naman ako sa kaniya. Baka mas malala pa ang magawa sa akin ni Calypso dahil mukhang isa talaga siyang amazona, handang makipag-away."Ano ba 'yan, beh. Kahit ano'ng iwas ninyo ni Alex sa isa't-isa ay mukhang ipinaglalapit naman talaga kayo ng tadhana."
Kasalukuyan kaming nasa byahe ngayon ni Yumi pauwi dahil may pinuntahang importanteng meeting ngayon si Miguel. Para raw iyon sa bagong investor kaya naman ay hindi muna siya makakasama sa amin ngayon."Grabe naman iyong asawa mo kanina, beh. Ang ganda naman ng shading mo pero ang dami niyang sinasabi," usal ni Yumi habang magkatabi kami ngayon sa kotse.Natawa naman na ako sa kaniya dahil mukhang mas stressed pa siya sa akin. "Beh, correction, hindi ko na siya asawa. Huwag mo nang babanggitin iyan at baka ano na naman nag sabihin sa akin ng ibang tao. Alam mo naman, we never know.”“Hay nako! Ikaw naman talaga ang legal na asawa ni Alex kahit ano’ng mangyari…unless kung pipirma ka ng annulment paper ninyo.”“Sabagay…” Napa-isip na lang ako dahil mukhang hanggang ngayon ay hindi pa naman ako sinusugod ng manugang ko about doon. Baka one of these days ay gagawin na nila iyon dahil ang sabi pa ni Calypso noong nagkaroon ng family dinner sa
Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay nadatnan kong panay ang lakad ni Yumi sa sala. "Beh?""Ay palaka ka! Beh! Oh my gosh!" Dali-dali itong tumakbo palapit sa akin at niyakap na ako nang mahigpit. "Akala ko nawala ka na, tatawag na sana ako ng pulis para ipahanap ka dahil hindi na kita matawagan!" Napakamot na lang ako ng ulo ko at inilabas na rin ang cellphone ko. “Hindi kasi ako makatext kanina, e. Tatawagan din sana kita pero wala.”"Mukhang sira na nga 'yang cellphone mo, beh. Nako na lang talaga at mabuti dahil hinatid ka ng dati mong asawa, kung hindi ay baka binalatan na ako ng buhay ni Miguel pag-uwi niya.""Grabe naman 'to sa binalatan," sambit ko pa sa kaniya sabay ngiti. “Tara na, kumain na tayo at kanina pa ako nagugutom.”Naglakad na rin kaming dalawa ni Yumi papuntang kusina para kumain. Nakapaghanda na rin sina Manang Andeng ng pochero for dinner pati na rin pork chop. Naka-upo na ako sa mesa habang t
“What’s the meaning behind this Flora, Miss Kim?” Napatingin naman na ako kay Nika nang itinuro niya ang first design namin na pinangalanan ko ng Flora. “Ah, iyan ba, nothing deep. Naniniwala kasi ako na not everything should have a deeper and complex meaning. Simplicity will always prevail and that’s what I stand,” sagot ko sa kaniya.“Wow!”“Pang Miss Universe na sagutin, Miss Kim ah!”They started clapping their hands for me kaya naman napatawa na lang ako. Ang pagiging kwela raw nila kasi ang bayad dahil sa nangyaring kahihiyan kanina kay Alex na mukhang napikon naman sa mga sinabi nila.“Hindi n’yo ba alam, iyang si Kim ay sumali rati sa isang pageant pero biglang nagkaroon ng diarrhea kaya hindi siya natuloy,” paliwanag pa ni Yumi.Kaagad ko na siyang inirapan. “Ikaw kung ano-ano na naman ang mga sinasabi mo riyan sa kanila. Kapag iyan naniwala sasapukin talaga kita, beh.”“Pwede naman, Miss Kim!”“Oo na
Few minutes have passed and they were all happily singing. Busog na rin ako dahil andami talagang inorder na pagkain ni Miguel sa akon although healthy naman iyon lahat. He’s really thoughtful na na-appreciate ko talaga.“Beh, do you want to sing?” Napatingin naman na ako kay Yumi namg umupo na siya sa tabi ko. Naroon kasi si Miguel ngayon nag-uusap kasama sila Mr. Natividad sa hindi ko alam na dahilan. “Nako, ilang taon na akong tumigil sa pagkanta, beh. Ikaw na lang, magaling ka naman kumant, hindi ba?” “Eh, mas magaling ka naman. Dali na, baka kasi kapag kumanta ka ay biglang maalala ni Alex na ikaw talaga ang asawa niya at hindi ang haliparot na iyan.”“Hala, tigilan mo ako.”Ayoko nang may kaaway na naman at baka manganak akong masungit ito. Ang sabi kasi sa akin dati ay kung ano raw ang ugali mo sa tuwing ipinagbubuntis mo ang anak mo ay more likely na mamamana niya ang ugaling ipinapakita mo sa ngayon.“Ito naman, sige n
Nang makarating kami sa bahay ay nagpahinga na kaagad ako at sobrang bilis ko lang talagang mapagod ngayon. Dito na muna kami tumigil sa living room kasama ko si Yumi para magpalamig. Mina served us some lychee juice and some cinnamon.“Nakaalis na ba si Miguel, beh?” Napatango naman na ako kay Yumi habang nginunguya ang tinapay. “Oo, kani-kanina lang. Alam mo naman, busy sa kompanya dahil may fashion show bukas.”“Oh, speaking of that. Hindi ba’t lahat ng mga designs pati na rin ang haute couture ang presento on that?”Napatango naman na ako. “Ganoon nga…”“What about the models? Okay na ba? Naayos na ba lahat.”“I think so, si Nika kasi ang mag-aayos ng mga iyon at ang magiging model ay ang ilang mga models natin sa kompanya,” tugon ko pa.Bahagya naman nang napatigil sa pag-inom ng juice si Yumi at kaagad nang humarap sa akin sabay hawak sa magkabilang balikat ko. “What if…ikaw ang magsuot ng haute couture natin? You
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak sa sinang-ayunan kong ito. Nandito na kaming ni Yumi ngayon sa loob ng dressing room at dalawang oras na lang ay magsisimula na ang fashion show.“Beh…”“Kaya mo ‘yan, beh!” anito sabay kuha ng kaniyang cellphone. “Nasa’n na ba si…ay ayon, sa wakas. Migs!”Napasulyap ako sa bandang pinto at nakita si Miguel na naglalakad palapit sa kinaroroonan namin. “Kim! Yumi! So, how was it?” “Uh…wala raw kasi ang isang model natin, Migs. Nagkaroon ng dysmenorrhea,” pahayag ko pa sabay hawak sa batok ko. “At ako raw ang papalit.”“Well, is it okay with you?”Napatingin naman na ako kay Yumi habang naka-pout ito sa akin. Pasalamat talaga siya at nagkaroon ako ng mga free workshops noong college kaming dalawa dahil sa perang pinapadala sa kaniya ng kaniyang sugar daddy. “Uh, oo naman, ayos lang naman. Pero, hindi kaya bumaba ang ratings ng team natin kapag isang buntis ang rumampa?”“Ito na
We're already on the third week of the competition of the collaboration of two brands. Ito rin ang huling linggo namin dito sa kompanya ni Miguel at doon na kami kayla Alex magtatrabaho. Habang iniisip ko pa lang iyon ay ang dami naming memorya sa lugar na iyon lalo na’t doon din nabuo ang pagmamahalan naming dalawa.“We should double the efforts in doing this third theme. Masyado nang nangunguna ang kabilang team and I’m afraid that there won’t be any design made by our team will be included in the Bangkok list.”Habang nakikinig ako sa pag-uusap nila ay hindi ko mapigilang malungkot. Sa buong team naman kasi talaga ay ako ang bumubuhat sa kanilang lahat para manalo ang mga designs namin pero simula noong unang theme ay wala pang masyadong nag-stand out sa ginawa ko. “Hindi ko nga rin alam kung good or bad thing na nagkaroon ng switch sa theme,” pahayag pa ni Nika.“Well, they’re planning to have the winter collection as wedding collections kaya iyon yata ang magig