Mahal kita...Ang dalawang salitang ito ay nagpaulit-ulit sa isipan ni Dmitri. Dapat ang nararamdaman niya ngayon ay masaya... na dapat ay tumigil ang mundo niya tulad ng kan'yang nakikita sa mga romance na palabas. Pero hindi, parang isang bato na pinukpok sa kan'yang ulo ang kan'yang narinig.Umawang ang labi ni Dmitri matapos siyang halikan ni Solei. Nabibigla siyang napatitig sa kan'yang asawa na kinuha ang kan'yang kamay at dinala sa dibdib nito. Napahugot ng malalim na paghinga si Dmitri at lumunok.He's speechless..."Ha..." Hinagod ni Dmitri ang kan'yang buhok at madilim na ngumiti. "Can you say that once again, wife?""I love you." Hindi na nagpatumpik-tumpik si Solei na ulitin ang sinabi. "I love you, Dmitri—"Hindi na natapos ni Solei ang kan'yang sasabihin nang biglang sinapo ni Dmitri ang kan'yang dalawang pisngi at marahas siyang hinalikan. Napasinghap si Solei at sinubukang kumawala ngunit parang bakal ang kamay ni Dmitri.Hindi niya kayang makawala."Dmitri!" Nauubusan
Apoy... Ito ang nailarawan ni Dmitri sa mga sinabi ni Solei. Napakurap siya at nauubusan ng pasensyang napabuga ng hangin. Mapakla siyang natawa."Look at you, Solei. It's funny that you have the nerve to say that kahit hindi mo naman kayang magkaanak. Ako lang" —dinuro niya ang sarili at madilim na ngumiti— "ako lang ang lalaking kayang tumanggap sa babaeng tulad mo—""Fuck you, Dmitri! Fuck you and your fucking fucked up mind." Sinapo ni Solei ang kan'yang noo at malakas na natawa. Isa itong tawa na dulot ng matinding pagkadismaya at pagkairita. Tumigil siya sa pagtawa at madilim na ngumiti. "I DON'T NEED A MAN'S VALIDATION. I could live kahit wala pang lalaki na tumanggap sa akin! Yes, tanggap ko na! But you're much worse than me, Dmitri. Basura ang walang kuwenta mong ugali." Solei balled her hands into fists. Suminghap siya at nag-iwas ng tingin. Kumikirot ang puso niya sa nangyayari ngayon. Mas lumalala lang ang nangyayari ngayon kaysa sa noon."Mahal kita, Dmitri." Kumalma na s
Five hours later...Mabagal na pumikit si Shianna nang maramdaman ang marahan na paghalik ng hangin sa kan'yang makinis na balat. Marahan siyang ngumiti habang dinadamdam ang kapayapaan ng lugar."Mommy Shianna!" Nakangiting lumapit sa kan'ya ang mga bata na natapos magkuwentuhan. Yumakap ang mga ito sa binti niya dahilan upang mapadilat siya."Mommy! May tumatawag po sa'yo!" Takang napatingin si Shianna kay Rexia at nilingon ang tinuturo nito. At halos mapatalon siya sa kan'yang kinatatayuan nang makita si Vincent na nakatitig sa kan'ya. Tumaas ang sulok ng mga labi nito matapos makita ang reaksyon ni Shianna. Nabalot ng pagkaaliw ang kan'yang mukha lalo na nang magbago ang ekspresyon ng babae. Masama siyang tiningnan ni Shianna."Bakit ka nandito?" Binigyan siya ni Shianna ng mapagdudang tingin. Itinaas ni Vincent ang kan'yang hawak na basket na naglalaman ng mga prutas."Prutas."Hindi alam ni Shianna kung mapapakunot siya ng noo o mapapatampal nito dahil sa narinig. Napatingin siy
Shianna paused for a while. At nang makahuma ay madilim siyang napangiti. Nilingon niya si Vincent at mapaklang natawa."Tingnan mo ang sarili mo, Vincent, ang sikat na lalaking kabilang sa marahas na pamilya ay tinatanong ako ngayon kung bakit malungkot ako." Tumayo si Shianna at pinagpag ang suot niyang black pants. She clenched her teeth. "Hinayaan kitang manatili rito para sa mga bata, but know your limits, Mr. Aurelius."Tinalikuran ni Shianna ang lalaki at lumapit na lamang sa mga bata. Binigyan niya ito ng mga task sa gagawing pagluluto. Pinilit niyang ngumiti ngunit hindi niya maiwasang mapaluha muli. Suminghap siya at mabilis na pinawi ang kan'yang mga luha at huminga nang malalim."Kids, you know what to do with the knife, right? Nag-demo na ako kanina at kahapon kung paano gamitin iyan."Bahagyang nagtaka si Shianna nang makita na hindi agad nakasagot ang mga bata. Nakatulala lang ang mga ito sa kutsilyo. Saglit pa siyang napaisip bago may mapagtanto."Shit—I forgot!" Mabil
Kinuyom ni Shianna ang kan'yang kamao at napayuko. Biglang bumundol ang kaba sa puso niya dulot ng hindi maipaliwanag na dahilan. Ilang segundo siyang nakayuko hanggang sa marinig niya ang sinabi ng kan'yang anak."Daddy Vincent! Puwede po bang ikaw na lang ang daddy ko?"Nanlaki ang mga mata ni Shianna sa narinig at tila ay kinurot ang puso niya sa narinig. Mabagal siyang nag-angat ng ulo at bumungad sa kan'ya si Vincent na nasa mismong harapan niya. Napatitig siya sa banayad na mga mata ng lalaki at sunod ay bumagsak ang paningin niya sa nilahad nitong palad. Mapait na napangiti si Shianna."Stop acting like this—""I am seeing nothing wrong with my actions, Ms. Viacera." Vincent smirked at siya na ang mismong kumuha ng nakababang kamay ni Shianna. Napasinghap ang huli at ang lalaki ay maingat na hinatak papalapit si Shianna sa kan'ya. Napasandal si Shianna sa katawan ni Vincent dahilan upang hawakan siya nito sa kan'yang bewang. Halos makuryente si Shianna nang maramdaman ang pagda
Shianna's POV"Sure..." Hinarap ko nang maayos si Vincent at seryoso siyang tiningnan. Madilim akong ngumiti. "Puwede tayong mag-usap, Vincent.""Then shall we get away from here?" Lumapit siya sa akin at akmang hahawakan ang kamay ko nang tinabig ko ang palad niya. Mas dumilim ang mukha ni Vincent dahilan upang mas mapangiti ako. Nag-angat ako ng tingin at inabot ang pisngi niya. Naramdaman ko ang matigas niyang panga na umigting."Pero ang usapan bang iyon ay maaaring dito na pag-usapan? We could talk nang hindi iniiwanan ang mga bata rito." Lumayo ako kay Vincent at akmang bibitiwan ang pisngi niya nang hinawakan niya ang aking kamay. Saglit akong napataas ng kilay at seryoso siyang tiningnan. Diretsong tumitig sa akin si Vincent at batid kong hindi niya alintana ang takang tingin sa kan'ya ng mga bata. Nag-iwas ako ng tingin dahil mahirap salubungin ang intensidad ng kan'yang titig.Parang hinihigop ng kan'yang mga mata ang kaluluwa ko."I'm glad, Shianna." Saglit na nabahiran ng
"Shianna!" Halos mapasinghap ako nang marahas nang hinawakan ni Vincent ang magkabilang braso ko at malakas na isinandal ako sa isang puno. Mahina akong napadaing at matapang na tiningnan si Vincent."That's right..." Nang-aasar akong ngumiti. "Ipakita mo kung gaano ka kademonyo, Vincent. Make me hate you more. Because now..." Napakagat-labi ako at tiim-bagang na nag-iwas ng tingin. "Napakaimposible na para sa ating dalawa na magkaayos. Dahil Vincent, sa una pa lang ay hindi na tayo naging magkakampi. Pinanganak tayong dalawa upang labanan ang isa't isa."Hindi ko inaasahang may isang luha ang tatakas sa aking mata. Huli na upang itago ito dahil napansin ito ni Vincent. Bahagya siyang natigilan at nabibiglang napatitig sa akin. Tila ay saglit kong nakitaan ng hesitasyon at pagkataranta ang kan'yang mukha. Hindi ko alam kung totoo ba ang aking nakita o guni-guni lamang ito dahil imposibleng maging ganito si Vincent.Sa huli ay inisip kong guni-guni lamang ang aking nakita dahil mabilis
Mabagal akong pumikit matapos marinig ang tinanong ni Vincent. Sinapo ko ang aking dibdib at humingang malalim.Mga anak... ang ama n'yo ngayon ay nahihirapan.Bilang isang ina n'yo—ano nga ba ang dapat kong gawin?Mabagal akong dumilat at nilapitan si Vincent. Kinapa ko ang kan'yang balikat at unti-unting dumausdos ang kamay ko patungo sa kan'yang braso. Ramdam ko ang maskulaso niyang braso na batid kong nagdadala ng kakaibang lakas."Vincent..." usal ko at niyakap siya. Madilim akong ngumiti at sinandal ang aking ulo sa ibabaw ng kan'yang balikat. "Ikaw lamang ang makakasagot sa tanong na iyan. You are yourself."Tumigil sa pagluha ang ama ng mga anak ko at natahimik. Samantala, nanatili akong nakangiti nang madilim habang patuloy siyang niyayakap.Vincent... nasasaktan akong nakikita kitang ganito. Pero nakakapagtaka... bakit parang natutuwa rin ako?A man so strong just had a breakdown... at sa harapan ko pa.Maaaring seryoso nga talaga si Vincent na makipag-ayos sa akin.Lumayo a
Mrs. Mauricia stood from her seat. Gayundin si Nero na napatingin kay Judas. Nagkatinginan ang dalawa at madilim na ngumiti si Nero habang si Judas ay nang-uuyam siyang nginitian. Shianna walked to them at lumapit kay Kael na nagbabasa ng diyaryo habang nakadekuwatro sa couch. Nilapag nito ang diyaryo sa kan'yang tabi at naglabas ng isang pakete ng sigarilyo. Kumuha siya ng isang yosi at sinindihan ito. The large had four long couches. Nasa front side si Kael at nasa left side naman si Nero at Mauricia. Across Kael's seat where were Shianna and Ivana were seated. Katabi naman ni Cayer si Judas on the right side.Isa-isa munang tiningnan ni Kael ang lahat bago nagsalita. Inilabas niya ang isang sealed plastic bag from his coat at ipinakita ito sa lahat. Kumunot ang noo ni Shianna nang makita ang itin na panyo. Sunod na inilabas ni Kael ang sealed bag na may strands of hair. "These two had matched. I did a DNA test and it's positive. It matched Violet.""So what to do with that black ha
Pinulot ni Judas ang evidences na nasa table at napahawak sa kan'yang baba nang pinagmasdan niya ang mga ito. Kumunot ang kan'yang noo at seryosong tiningnan si Shianna. "Saan niyo nakuha ang mga 'to? These papers" —sinulyapan niya ang mga papeles na nasa table, sunod ay ang larawan— "and these photos. Ebidensya ang lahat ng ito! Who owned these?" He licked his lips at napailing. Nilapag niya ang mga larawan at hinarap si Shianna na kay Ivana naman ang atensyon. Kinagat ni Ivana ang kan'yang labi at napabuntong-hininga. Diretso niyang tiningnan si Judas sa mga mata. "Ako ang kumuha ng mga litratong iyon at ng documents. I got those from Blanco Corporation na nasunog kanina lamang."Natahimik si Judas at sinulyapan si Cayer. Cayer was his mother's secretary. Although nagulat siya na makita itong kasama pa rin ni Shianna, wala naman dito ang atensyon niya. Wala rin siyang balak sabihin kay Harriet ang totoo. Mapapahamak lang si Shianna kung sakali."I'll be honest." Namulsa si Judas. "V
"Nagkasunog daw sa Blanco Corporation?"Napaangat ng tingin si Lorah matapos marinig ang sinabi ni Judas. Kasalukuyan siyang nasa kusina at nag-aalmusal. Alas-kuwatro pa lamang nang umaga ngunit nakaligo na siya at mag-aalmusal na lamang. Umupo si Judas sa metal chair sa harapan ng counter at nilingon si Lorah na parang walang narinig. Judas smirked. "I heard you have a meeting with Violet Fascis? Ano'ng pinag-usapan n'yo?""It's none of your business." Nagsalubong ang mga kilay ni Lorah at uminom ng malamig na tubig. Nilingon niya si Judas. "What the hell is happening to you? Pati ba naman meeting ko with Violet ay pinapakialaman mo.""That's because Violet Fascis is Sullian's cousin?" Kumunot ang noo ni Judas at sinulyapan ang kasambahay na naglagay ng breakfast sa harapan niya. "You know the Fascis reputation at tayo rin ang nag-lead ng laban against sa kanila. So you don't have reasons to talk with her—"Galit na ibinagsak ni Lorah ang kutsara sa counter at nagtitimpi na pinagmasd
Ivana covered her mouth. Napalingon siya sa pinto nang marinig ang sunod-sunod na yapak papalapit. Halos mapatili siya sa takot at dali-daling dinampot ang phone at pinatay ang tawag. Napalunok siya at nagtago sa gilid ng pinto. Ang pintig ng kan'yang puso ay rinig na rinig. Tumutulo ang pawis niya sa kan'yang leeg habang pinapakinggan ang yapak na nagtungo malapit sa pinto. Niyakap niya ang phone at taimtim na nagdasal na sana ay hindi pumasok si Violet sa silid.Pero parang hindi pa siya pinapatawad ng langit sa nagawa niyang kasalanan dahil mabagal na nagbukas ang pinto. Halos manigas si Ivana sa takot nang tuluyang bumukas ang pinto. Mas tinakpan niya ang bibig at tumigil sa paghinga. Titig na titig siya sa babaeng nasa harapan niya. Dahil nasa likod siya ng pinto, hindi pa siya nakikita ni Violet.Para kay Ivana, mas nakakatakot pa ang sitwasyong ito kaysa noong nalaman ng parents niya na kabit siya ni Dmitri. Ivana didn't know Violet. Ang mas kinakatakot niya ay kamag-anak ito n
Careful and slowly, Ivana got out of the office. Since Violet was using flashlight, hindi siya nahihirapang sundan ito. Ang tanging problema lang ay nahihirapan siyang mangapa sa dilim dahil ang daanan niya ay hindi na naiilawan.Violet used an elevator na siyang ikinahinto ni Ivana sa paglalakad. Using the other elevator, she opened it a little later. She waited for a bit and when it opened, nauuna na si Violet sa paglalakad. Hindi pa rin nito napapansin si Ivana na kanina pa nakasunod. Due to Ivana always escaping her parents kapag kailangan, nasanay na siyang kumilos nang halos walang nagagawang anumang ingay.Violet continued walking until she reached the end of an hallway which was the way to the backdoor. Nagtago si Ivana sa dilim nang lumingon si Violet sa kan'yang direksyon. Violet went outside. Nang makalabas ay saka sumilip si Ivana sa pinto. She saw Violet touching a wall. Mayamaya lamang ay isang tunog ng pagkaskas ang pumainlang nang ang bahagi nv dingding ay nag-slide pa
"Violet Fascis?" ang tanong ni Ivana matapos marinig ang sinabi ng kan'yang kapatid. Nakangusong tumango si Carolina at hinarap ang kan'yang ate."Yes. At after they talked, an announcement that Papa bought the Blanco Corporation was revealed. Knowing that kamag-anak ni Sullian ang dating C.E.O ng Blanco Corporation, tayo siyempre ang mapapasama. Para tayong mga supporter ng kriminal." Umirap si Carolina. "Gosh, gusto ko ns talagang lumayas sa pamilya na ito."Inis na nagdabog si Carolina at lumabas sa office ni Victor. Meanwhile, Ivana bit her lip at gumawa ng isang desisyon sa kan'yang isipan. Ten o'clock in the evening. Ivana was wearing black hat and black long trench coat. Nasa labas siya ng Blanco Corporation na sarado na ngayon. She had to be careful though, dahil naglilibot na ang mga guwardiya ngayong oras. Makakaabot sa kan'yang ama ang balita na nag-espiya siya kung siya'y sakaling mahuli siya.Aurelius family was the one of the most prestigious families. Although
Kumunot ang noo ni Ivana at hindi makapaniwalang tiningnan ang kan'yang kuya. "What the fuck you mean? Don't tell me, you like Shianna after all?"Frustrated na tumango si Vincent at naupo sa couch. Samantala, salubong naman ang kilay na kinagat ni Ivana ang kan'yang kuko. Her family was messed up. Her parents were part of the underworld tapos ito, Vincent had a fucking fake engagement with Freya. Katatapos pa nga lang ng issue ni Ivana with Dmitri tapos ito naman."Ah fuck." Hinagod ni Ivana ang kan'yang buhok at saktong dumating ang dad nila. Sunod na dumating si Allegra na mukhang galing pa sa party with her friends. May pink fur pa ito sa balikat na pinarisan ng white long halter dress. Sabay na naupo si Victor at Allegra at tinaasan si Vincent ng kilay."Dad," frustrated na wika ni V incent. "You know I am planning to buy a startup company. Bakit naman Blanco Corporation ang binili mo at biglaan pa? That company is not fit to us—""So ano ang gusto mong gawin ko, Vincent?" Sineny
She wasn't ready to tell Vincent and Carolina ang totoo. She would confront her parents first.Ivana looked up at the sky na makulimlim pa rin. Mapait siyang ngumiti. Why she felt something was going to happen? Ivana loved her family dearly, kahit hindi niya maramdaman ang pagmamahal mula dito. All this time, her parents forced her to become this perfect daughter na kahit sinumang tao ay hindi kakayanin. Ivana didn't desire the company anymore. Ang nais na lamang niya ay sumayaDahil nakakapagod ding maghangad ng bagay na hindi mo makukuha. At nakakapagod din na gawin ang mga bagay na hindi mo nais para lang sa iba. Pleasing people was exhausting. It was messing up her mind. Ivana didn't want to please anyone dahil in the end, wala ring mangyayari sa buhay niya.Pinunasan ni Ivana ang tumulong luha sa kan'yang pisngi. Nagpaalam na sila ni Dmitri kay Solei na nagpaalam na ring babalik sa trabaho."So what's your plan after this?" tanong ni Ivana matapos nilang makasakay ng kotse. Nilin
Awtomatikong napahawak si Ivana sa kamay ni Dmitri nang lumapit sa kanila si Solei. Kumakabog nang malakas ang kan'yang puso. Pero palihim na rin siyang naiiyak dahil kaharap niya ang babaeng naging kasalo niya kay Dmitri. Solei was the woman she hurt the most.Suminghap si Ivana at napakagat-labi. Pilit niyang binaling ang kan'yang paningin kay Solei na kalmanteng inilahad ang kan'yang palad. Napatitig si Ivana sa kamay ni Solei bago mabagal itong tinanggap. Nangilid ang kan'yang mga luha lalo na nang hinatak siya papayakap ng babae."I'm sorry," usal ni Ivana at niyakap pabalik si Solei. "I'm really, Solei. I should have never done that. I'm sorry. You don't deserve all what I've did."Lumuluha na si Ivana nang lumayo siya kay Solei. Akala niya ay wala lamang ito kay Solei dahil kanina pa ito tahimik, pero nang makita niya itong luhaan ay halos tumalon ang kan'yang puso. Mapait na ngumiti si Solei at sinulyapan si Dmitri."Gusto kong maging masaya at makalaya sa nakaraan, kaya as mu