Pagkalabas ni Hiraya mula sa Civil Affairs Bureau, medyo tulala pa rin ang kanyang mukha.Tinitingnan niya ang pulang booklet sa kanyang kamay, at nang maalala niyang kakaselebra lang niya ng kanyang ika-22 kaarawan kamakailan, naisip niya na ang buhay ay parang isang pelikula, hindi mo aasahan ang mga susunod na mangyayari."Ihahatid na kita sa ospital." Ang nagsalita ay ang katabi ni Hiraya —ang kanyang asawa, si Nexus Watson.Mas matangkad siya ng higit sa isang ulo kay Hiraya, mga 1.8 metro ang taas, nakasuot ng puting kamiseta, maong na pantalon, may maikling kulot na itim na buhok, suot ang salamin, maputi ang balat, at pino rin ang bawat parte ng kanyang mukha.Kung panlabas na anyo lang ang pag-uusapan, talagang wala siyang masabi sa itsura ng kanyang asawa."Nasa card na ito ang isang milyong piso, iyon ang napagkasunduan natin. 031313 ang password ng villa. Ito ang numero ni Butler Tomas, pwede mo siyang kontakin kung may tanong ka. Siya rin ang bahala sa pang-araw-araw mong
Gulat na gulat si Hunter, hindi makapaniwala. "Totoo? Grabe? Ang galing mo talaga, Ate!""Oo, kaya makakaasa ka na sa operasyon mo. Hintayin mo na lang na dalhin ka ni Ate sa yaman at tagumpay!"Nang mamatay ang kanilang mga magulang, kakapasok pa lang ni Hiraya sa unang taon ng high school, at si Hunter ay nasa ika-anim na baitang pa lang.Ang pangit na ugali ng kanilang mga kamag-anak ay nagturo sa kanila ng mapait na katotohanan ng mundo sa murang edad. Mabuti na lang at si Hunter ay palangiti at masunurin simula pa noon.Noong nakaraang taon, natanggap siya sa isang prestihiyosong unibersidad sa siyudad—isang pangarap nila ang natupad. Pero sa hindi inaasahan, sa pagtatapos ng taon ay nalaman nilang may kanser siya.Isang matinding dagok ito para sa magkapatid. Pero matapos tanggapin ang realidad, buong puso nang naghanap ng lunas si Hiraya para sa kapatid niya.May iniwang kaunting pamana ang kanilang mga magulang, at may konting ipon si Hiraya mula sa kanyang mga part-time jobs
Pagkarinig nito, biglang nagbago ang ekspresyon ni Kris.Isang buwan ang nakalipas, noong gabi na nalaman ni Hiraya ang tungkol sa sakit ng nakababatang kapatid na si Hunter, labis ang kanyang pagka-abalang isip.Gusto sana niyang puntahan si Kristoff para magsabi, pero hindi niya inasahan na madadatnan niya ang kanyang nobyo sa di inaasahang pagkakataon — ang lalaking nanligaw sa kanya ng maraming taon — may kasamang ibang babae sa murang inuupahang apartment nito.Sa isang iglap, ang tatlong taong relasyon at sampung taong pagiging magkababata ay tila naging isang malaking biro."Hiraya, bastos ka naman," nakakunot-noo si Kris. "Hindi kami niyan, lasing lang ako.""Kung bastos ako, eh paano ka? Mas malala ka pa. 'Wag kang magmalinis," mariing sagot ni Hiraya sa kanya. "Lumayas ka, para kang daga sa imburnal. Kadiri ka."Matapos iyon, walang lingon-likod na lumabas si Hiraya sa unit. Habang naglalakad siya palayo, nasalubong niya ang ina ni Kristoff na may dalang gamit. Napansin nito
Si Hiraya ay palihim lamang na sumulyap at nagsimulang magreklamo sa isip. Ang buong akala niya ay isa itong matabang lalaking kalbo na nasa higit na mas matanda sa kaniya, pero ang dumating ay isang sobrang gwapong lalaki! Mukhang hindi rin ganoon kalayo ang agwat ng edad nila di gaya ng inaasahan niya.Inabot ni Nexus ang menu kay Hiraya."Tingnan mo kung anong gusto mong inumin.""Latte na lang," sagot ni Hiraya agad, hindi na kinuha ang menu."Okay."Medyo lutang pa rin si Hiraya. Akala niya'y nasanay na siya sa mga gwapo—mula pagkabata, marami na siyang nakilala. Pero kung ikukumpara sa "mga sikat na modelo" sa lalaking nasa harap niya ngayon, parang pumapangit ang lahat ng gwapong lalaki sa kanyang memorya.Matangkad ang lalaki, may bahagyang ngiti sa labi, at napaka-perpekto ng mga facial features niya—parang lumabas lang sa isang luxury perfume ad. Napansin ni Hiraya na marami ring mga tao sa café ang palihim na tumitingin dito.Napalunok si Hiraya at biglang nawalan ng kumpiy
"Grabe ka naman. Ang dami na palang nangyari, pero hindi mo man lang ako sinabihan," reklamo ni Liam sa kaibigan."Araw-araw akong spy mo tapos ganyan ka sa akin?"Pagpasok ni Liam, habang abala naman si Nexus sa pagbabasa ng kontrata. Tumingala si Nexus na may halong pagkainis at ibinaba ang hawak na ballpen."P'wede bang hinaan mo ang boses mo? Sumasakit lalo ang ulo ko.""Ikaw talaga, tuwing magagalit ako, palagi mong sinasabi na masakit ang ulo mo." Mukha siyang hindi kumbinsido, pero halata ring tampo lang ang tono niya.Matagal nang may insomnia si Nexus. Simula nang magsimula siyang magka-insomnia ilang taon na ang nakalipas, marami na siyang pinuntahang doktor, pero iisa lang ang hatol—kakulangan sa tulog. Pero sa totoo lang, mas matagal na niyang tinitiis ito kaysa inakala ng iba."O siya, sabihin mo na nga. Ano ba ang nangyari?" Bumuntong-hininga si Liam at medyo lumambot ang tono."Sabi mo sa telepono kasal ka na. Anong ibig sabihin nun? Peke ba 'yan?""Totoong kasal na ak
“Aba parang pumayat ka, ginugutom mo ba ang sarili mo nitong mga nakaraan?” sabi ng lola ni Nexus habang tinitingnan siya ng mabuti. Tinawag niya ang kasambahay.“Halika, dagdagan mo ng stir-fried na gulay ang pagkain, ayusin na natin at maghanda para sa hapunan. Hulaan ko na lang, hindi ka pa kumakain, kaya bumalik ka para sabayan ako, ano?”Ang lola ni Nexus ay mukhang masigla at elegante. Puting kulot ang buhok, may suot na salamin na may manipis na frame, at nakasuot ng modernong estilo ng Chinese dress. Halatang alagang-alaga ang itsura.Pagdating ni Nexus, magalang siyang binati ng personal na assistant ng kanyang Lola. Pinilit siya ng lola na sumabay na rin sa hapunan. Hindi na siya nakatanggi, kaya nagsalo silang tatlo sa hapag-kainan.Malaki ang lumang bahay ng pamilya Watson. Si Marky ay dating nagtatrabaho kasama ni Nexus at iniwan sa bansa para samahan ang matanda habang nasa Amerika ang amo.Tahimik lang si Marky, pero mukha siyang maaasahan. Matagal na rin siyang kasama
“Scholar kita noon, tapos nagkausap tayo sa facebook dahil sa isang project. Doon na nagsimula ang lahat. Ako ang unang nanligaw sa’yo. Sa simula, tinanggihan mo ako kasi medyo malaki ang age gap natin….”“Pero kalaunan, nakita mong okay naman pala ako. Niligawan kita ng tatlong buwan, at naging tayo ng anim na buwan. Dahil hindi ka pa grumaduate noon, hindi ko pa sinabi sa iba,"Paliwanag ni Nexus habang magkasalo sila ni Hiraya sa hapag-kainan.Ikinuwento ni Nexus ang kabuoang ‘script’ na naisip niya—isang kompletong love story na siya mismo ang bumuo. Kasama na rito ang mga “romantikong” eksena tulad ng,Siya mismo ang gumawa ng bulaklak noong Valentine’s Day.Bigla siyang lumitaw nang mawala ang phone ni Hiraya.Nang sabihing gusto nitong mag-stargazing, agad niya itong sinamahan.Madalas silang magkausap sa telepono hanggang madaling-araw.“Binuo ko ‘tong mga detalye base sa mga online novel at TV drama,” paliwanag ni Nexus. “Pumili ka ng gusto mong gamitin, tanggalin ang hindi
Unang araw ng trabaho. Pagdating ni Hiraya sa TV station, tumingala siya sa matayog na gusali at masayang nag-picture ng dalawa para ipadala sa kapatid niya.Pagpasok niya sa loob, napansin niyang may dalawang hanay ng mga taong naka-itim na suit na nakapila sa lobby. Sa gitna ay may ilang kalalakihang nasa edad 40 pataas, at halatang may lider sa kanila na nakatayo sa sentro.Akala ni Hiraya, may VIP na darating, kaya pumwesto siya sa gilid upang magbigay-daan.“Director, tingnan nyo po, yun na ba ang kotse ng asawa ni Sir?”Tumingin ang lalaking tinawag na "Director" sa itim na kotse sa labas, at bahagyang naguluhan. Kaninang umaga, ang sinabi lang ni President Watson na bata pa ang asawa niya at bagong intern sa TV station—wala nang ibang detalye.Una, nagulat siya na walang kaalam-alam ang iba sa kasal ni President Watson. Sunod, natuwa siya—dahil malaking pagkakataon ito. Kapag napakisamahan nila nang maayos ang asawa ng boss, siguradong mas madaling makakuha ng investment mula s
"Nasa presinto ako ngayon."Gabi na nang tanungin ni Nexus kung nasaan si Liam, ngunit hindi niya inaasahan ang sagot."Anong nangyari?""Pumunta ako para kumain ng barbecue, tapos nakita ko ang isang lalaki na nambu-bully ng babae. Nasa presinto ako ngayon para tumestigo."Katatapos pa lamang magpadala ng mensahe ni Liam nang marinig niyang tinawag siya ng pulis, "Sir, dito po kayo." Agad siyang lumapit."Ibig sabihin, nakita niyo rin na unang hinarang at hinarass ng lalaking ito ang dalawang babae, kaya kayo ay lumapit para pigilan siya?""Opo."Nasa presinto na si Liam at natanggal na ang facemask niya. Pagdating nila roon, agad din namang natauhan ang lasing na lalaki. Nagbigay ng CCTV footage ang may-ari ng restaurant, at nagsilbing saksi ang ibang mga customer. Kaya't kinulong ng limang araw ang lalaking sangkot."Dahil sa mga kagaya ninyo na may lakas ng loob na magsalita, gumaganda ang ating lipunan," puri ng pulis kay Liam at sa iba pang tumulong. Lalong gumaan ang pakiramdam
Pagkatapos, kumita si Kate gamit ang sarili niyang kakayahan — ang pag live stream araw at gabi, nag-part-time, at gumawa ng mga video — para makalikom ng malaking halaga ng pera na ibinigay niya sa hayop na iyon kapalit ng pagpayag nitong makipaghiwalay sa kanyang ina. Ngunit matapos niyang mailigtas ang kanyang tiyahin mula sa dagat ng pagdurusa, na-diagnose naman siya ng sakit sa simula ng taong ito, at ginamit ni Kate ang huling ipon niya para ipagamot ang kanyang tiyahin.Nang malaman ni Hiraya ang tungkol sa sakit ni Hunter, magkasama silang naghihintay ni Kate sa labas ng operating room. Sa ganoong sitwasyon, paano pa makakapagsalita si Hiraya?Hindi na kailangang magsalita pa si Hiraya, ngunit naintindihan na rin ni Kate ang iniisip niya. Magkasama silang umupo sa hapag-kainan, at hindi na nag-usap ng marami. Yumakap si Kate kay Hiraya nang mahigpit."Kung may problema ka, sabihin mo agad sa akin."Marahil hindi pa sanay si Hiraya sa biglaang seryosong atmosphere sa pagitan n
“Narinig ko raw biglang nag-message ang boss sa direktor. Wala sa siyudad ‘yung direktor pero agad siyang umuwi ng gabi para lang salubungin siya. Mukhang sobrang bigatin talaga ang pagkatao ng boss niya.”Bulong ni Xian habang nakadikit kay Hiraya, ibinabahagi ang tsismis sa paligid.Hindi mapigilan ni Hiraya ang kanyang kuryosidad, pero nakapanghihinayang—ang daming tao sa harap kaya hindi niya maaninag ang mukha ng lalaki.Ang natanaw lang niya saglit ay si Sabrina, at parang pamilyar na pamilyar ito sa kanya.Pagkatapos ng tour, dinala sila ng HR manager sa opisina.Bukod kina Xian at Sabrina, may dalawa pang bagong empleyado na sabay-sabay pumasok kasama si Hiraya —isang lalaki at isang babae.Ang lalaki’y si Calvin Rei, at ang babae naman ay si Diana Martin. Puro mga kabataan silang magkakaedad.“Xian, Hiraya, dito kayo uupo.”May hawak na folder ang Team Leader habang itinuturo ang dalawang workstation sa tabi niya—para daw kina Hiraya at Xian.“Diana, Calvin, dito naman kayo.”