Sandaling pinagmasdan ni Linda ang pamangkin, sa isip ay isang kahilingan na sana, nakakapagsalita na lang siya ulit upang masagot niya nang maayos ang pamangkin kaya lang… Maluha-luhang inabot ni Linda ang pendant sa kuwintas ni Lara. Sandali niyang sinalat iyon bago tinuro ang pamangkin.Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga, hindi maintindihan ang sinasaabi ng tiyahin. Maya-maya pa, tuluyan nang napaluha si Linda bago humagulgol.Nataranta na si Lara, niyakap ang tiyahin. “Sorry, T’ya. Hindi ko po sinasadya na guluhin kayo. H’wag na po kayong umiyak, T’ya. Hindi na po ako magtatanong,” anang dalaga, marahang hinagod ang likod ng tiyahin.Nang sandaling kumalma si Linda ay itinuloy ni Lara ang pagpasyal sa tiyahin sa garden. Hindi na muli pang binuhay ni Lara ang usapin tungkol sa kanyang mga panaginip o sa pendant na ibinigay ni Linda sa kanya. Emosyonal si Linda kapag tungkol sa nakaraan ang pinag-uusapan. Kaya kahit noon ay iwas ang dalaga sa pagtatanong tungkol sa kanyang ina dahi
“Mrs. Lagdameo, naririnig mo ba ‘ko?” anang pulis na siyang kausap ni Lara.Kanina pa nasa presinto ang dalaga at kasalukuyang kinukuhanan ng statement ng pulis. Subalit tila lumulutang ang isip niya at halos walang makuhang sagot ang pulis sa kanya. Kaya paulit-ulit ang pagtatanong nito. Paulit-ulit din siyang hindi sumasagot.Ang tanging nasa isip ni Lara sa mga oras na ‘yon ay ang katotohanang binalewala siya ni Jace kanina. Gano’n katindi ang galit nito sa kanya? Umabot na sa gano’n na hahayaan siya nitong damputin ng mga pulis upang kwestiyunin?‘My grandson’s love for you is stronger than anything else in this world. I am sure, time will come, he is ready to abandon everything just to be with you.’‘Yon ang sinabi sa kanya ni Cristina noong huli silang mag-usap. Gusto pa sana niyang paniwalaan ‘yon ngayon, patuloy na panghawakan kaya lang…”Nag-angat ng tingin si Lara, mariing pinagsalikop ang mga kamay upang pigilan ang mga luha. “P-pakiulit po ang tanong,” anang dalaga sa gara
“Jace, gusto ma ba ng juice? Ikukuha kita. Hindi ka pa naghahapunan, baka magkasakit ka,” ani Larissa kay Jace. Magkatabi ang dalawa sa pew sa chapel kung saan nakaburol si Doña Cristina, subalit kausapin dili siya ng lalaki.Pakiramdam ni Larissa ay para lamang siyang hangin at hindi nakikita ni Jace. Alam niyang nagdadalamhati ito sa pagpanaw ng abuela nito, subalit… maano ba namang pansinin din siya nito. Kanina pa siya roon, salita nang salita, paiyak-iyak nang kaunti para hindi siya mapaghalataang walang paki sa pagpanaw ng lola ng binata. Kaya lang, walang epekto ang presensiya niya sa lalaki.Nitong mga nakaraang araw sinasadya niya talagang mag-inarte at kunwari’y dinadalaw ng masamang panaginip upang palagi siya nitong puntahan. Alam niyang wala sa misyon niyang paamuin pati si Jace Lagdameo kaya lang… naroon na siya—nasa halos ituktok na ng mundo ng mga mayayaman. At sa posisyon niyang ‘yon, kailangan niyang magkaroon ng mas maraming oportunidad upang lalong umangat.Ang sa
Kanina pa mulat si Lara subalit ni hindi magawa ng dalagang bumangon sa kama. Pasado alas otso na ng umaga subalit hindi pa rin siya bumabangon—nakatutok lang ang kanyang mga mata sa bintana kung saan lumalagos ang malakas na buhos ng liwanag mula sa labas ng apartment ni Erin.Umaga na. Nakatulog naman siya kahit paano. Subalit pakiramdam ni Lara, gaya ng mga nakalipas na araw, pagod na siya agad kahit na hindi pa nagsisimula ang kanyang araw.Iyon na ang ikatlong araw ng burol ni Doña Cristina. Ikatlong araw na rin ‘yon mula nang huli niyang makita si Jace. Sinubukan niya itong tawagan upang kumustahin. Subalit, gaya nang dati, hindi nito sinasagot ang kanyang mga tawag o text messages.‘Bakit ba kais tinatawagan mo pa siya? H’wag mo nang tawagan ang asawa mong walang kwenta! Lalo mo lang pinapasakti ang didib mo, Lara. Ang dapat mong gawin ngayon, magpalakas para sa baby mo.’‘Yan ang madalas sabihin ni Erin kay Lara nang nagdaang mga araw tuwing nakikita ng dalaga na tulala ang ka
Agad na napahinto sa pagsubo ng pagkain si Lara sa tinanong ni Keith. Paano nitong nalaman na buntis siya? Lahat ba ng doktor alam kung buntis ang isang babae o hindi? Nasa kanya ba ang lahat ng senyales na nagsasabi ditong buntis na siya sa panganay nila ni Jace?Kumabog na ang dibdib ng dalaga, lalong nataranta. Alanganin siyang nag-angat ng tingin kay Keith bago nagpakalma ng emosyon,“B-bakit mo n-naman n-nasabi?” tanong ni Lara, puno ng tensyon ang tinig.Keith chuckled. “Hindi ko nga alam kaya ko tinatanong,” natatawang umpisa nito. “Ang sabi kasi ni Erin sa akin, may problema ka raw sa pagkain ngayon. Naisip ko lang na hindi ka kaya buntis kaya mapili ka sa pagkain. Or on the second thought, maybe you’re just missing Jace that much that you find food so unappetizing these days.”Marahang nagbuga ng hininga ang dalaga. Relief washing over her. “N-nami-miss ko lang siguro si Jace, Keith. O-oo ‘yo lang ‘yon. Ilang buwan na rin kaming magkasama, ngayon lang kami ulit nagkahiwalay
Tanghali na nang nagising si Larissa. Ikatlong araw na ‘yon na masakit ang kanyang ulo na nagigising. Napapahaba kasi ang tulog niya nitong mga nakaraang araw sa hindi malamang kadahilanan. Pero mabuti na rin ‘yon para mabawasan ng ilang oras ang kanyang pagpapanggap. Naba-badtrip na rin siya minsan kay Carmelita. Wala itong kapagurang magkwento tungkol sa kung anu-anong bagay lalo na kapag halos patulog na siya sa gabi. Alam niyang ito ang misyon, ang paamuin ito at kunin ang loob at tiwala nito. Kaya lang sa higit dalawang linggo niyang pagpapanggap bilang si Larissa, masasabi niyang nagsasawa na siya sa karakter niya bilang apo ng matanda. Hindi naman sana siya makakaramdam nang gano’n kung lagi niyang kasama si Jace. Kaya lang sa pagkamatay ng abuela nito, hindi siya makapag-demand ng oras dito. Tanging sa iilang oras lamang na pagdalaw niya sa burol ni Doña Cristina siya nagkakaroon ng oras kay Jace. At kapag naroon siya’y sinisiguro niyang nararamdaman ng binata ang kanyang p
CHAPTER 90Sandaling nataranata si Lara nang makita ang pamilyar na bulto ni Keith, bago nagmadaling isinuksok sa kanyang bag ang reseta na hawak. "K-Keith, akala ko umuwi ka na," anang dalaga, humakbang palapit sa binata. "Naalala kong wala na akong groceries sa condo ko. Kaya naisipan kong dumaan na lang muna dito para mag-restock ng supplies. Ikaw, bakita ka nandito? Sabi mo kanina magpapahinga ka pa?" anang binata. Kumurap si Lara, mabilis na pinagana ang isip upang makabuo ng dahilan. "A-ano... M-may pinabili lang si Erin. O-oo 'yon may pinabili si Erin. Nakakahiya naman kung hihindian ko e sa kanya ako ngayon tumutuloy ngayon," pagsisinungaling ng dalaga. Tumango-tango ang doktor. "Gano'n ba? Gusto mo hintayin na lang kita para maisabay kita sa pag-uwi," alok ng doktor.Umiling si Lara,sumulyap sa ilang eco-bag na bitbit nito. "Naku h'wag na, Keith. Tapos ka nang mag mag-grocery e. Nakakahiya naman kung hihintayin mo pa 'ko. At saka galing kang duty. Dapat nagpapahinga ka na
“Lara, are you okay? You seemed silent,” untag ni Keith kay Lara nang nasa daan na sila pabalik sa apartment ni Erin. Nagtanong ang binata sa dalaga dahil masyado itong tahimik, tila hulog sa malalim na pag-iisip habang nakatuon ang mga mata sa labas ng sasakyan.Kumurap-kurap si Lara bago bumaling kay Keith. “A-ayos lang naman. M-may ano… may iniisip lang,” anang dalaga, ibinalik ang tingin sa harapan ng sasakyan. Gumugulo pa rin sa kanyang isip ang mga sinabi ni Larissa. Which get her to thinking… “Mabuti naman at nakakalabas na nang mag-isa si Larissa ngayon. Hindi na gaya noon na laging naka-alalay si Jace sa kanya… kahit na anong oras.”Tumango-tango si Keith. “It’s part of her healing journey. Slowly, she must learn how to be independent again. Para mabuhay siya nang normal. Ang sabi niya sa akin kanina, it’s the first time she went to the mall alone and bought something again by herself. That’s a great progress,” anang binata, may bahid nang pagmamalaki sa tinig.Nagsalubong
“Cami, careful, sweetheart,” paalala ni Jace sa panganay na noon ay naglalaro sa may pool ng private beach resort na pag-aari ng LDC. Doon ginanap ang binyag ng kanilang bunso na Lara si Gray.“I’m just going back to the water, Daddy. My pink floaties will save me,” sagot ni Cami, bago muling tumalon sa kiddie pool kung saan naroon din si Emie at ang iba pang anak at apo ng mga guests.For the past year, lalong naging malapit ang dalawang bata. And Jace is happy with the progress. Ngumiti si Jace, sandaling pinanood ang paglangoy ng anak gamit ang floaters nito patungo sa iba pang kasama nito sa pool. His little girl is starting to be independent even at just four years old. Mukhang dapat pa niyang hiritan si Lara ng isa pang prinsesa. He’s not done spoiling little princesses just yet.With that in thought, bumalik sa isa sa mga cabana si Jace at pinuntahan sina Lara at Gray. Naabutan niyang tulog si Gray sa kamay ni Lara na noon nakaupo sa rocking chair.Sandaling pinagmasdan ni Jac
“Wake up, sleepy head,” ani Jace kay Lara, masuyong hinagkan ang pisngi ng natutulog na asawa.Lara’s eyes fluttered open and the first thing she saw was Jace’s smiling face. “Goodmorning,” sagot ni Lara, bahagyang ngumuso. Jace chuckled and planted a soft kiss on Lara’s lips. Lara smiled, satisfied. “Anong oras na? I’m still sleepy.”Tumayo na si Jace mula sa kama, muling pinulot ang isang tuwalya at itinuloy ang pagpapatuyo ng buhok. “It’s almost eight, love. Our appointment at the hospital is nine.”“And you already took a bath!” ani Lara, naninikwas ulit ang nguso. “How early did you wake up?”“Before six,” sagot ni Jace, kinindatan ang asawa, bago pigil na ngumiti.Lara chuckled, her heart overdriving. “You’re too excited.”“Can you blame me? I missed everything with Cami. Kaya gusto ko ngayon, sa bawat check-up ninyong dalawa ni baby, kasama ako,” ani Jace.Bumangon na sa kama si Lara. “You’re a great father, Jace even if you missed every single important thing when I was pregna
“Paanong natabig?” nag-aalalang tanong ni Lara sa wedding planner niyang si Elaine.Iyon ang araw ng kasal nila ni Jace sa farm ng mga Lagdameo subalit… there she was, just hours away from her wedding, upang malaman lamang na natabig ng tauhan ni Elaine ang kanila ng wedding cake at bumagsak iyon sa loob ng reception venue.Even just thinking about it now was making her freak out!“Mag-sorry ka! Mag-sorry ka, Girly!” ani Elaine sa kasama nitong tauhan na nakatungo at panay ang singhot.“M-Ma’am p-pasensiya na po kayo. Pinapamadali ko po kasi sa mga kasama ko ‘yong cake table. Hindi ko naman alam na hindi maganda ang pagkaka-ayos ng mga kasama ko sa cake table. Kaya no’ng natabig ko nang kaunti 'yong table, gumalaw tapos hindi nakaya ‘yong bigat ng cake t-tapos… tapos… S-sorry po talaga, Ma’am Lara,” anang tauhan ni Elaine, panay na rin ang punas ng luha nito.Napabuga ng hininga si Lara, tinantiya ang emosyon. Gusto niyang magalit subalit hindi niya magawa. Alam niyang hindi 'yon sinas
“What are you doing here, Lara?” pukaw ni Jace sa asawa nang maabutan ito ng binata sa may veranda ng silid nila sa farm house. Nilapitan ng binata ang asawa at magaang niyakap mula sa likuran nito, musuyong hinaplos ang impis pa nitong tyan. “Hindi ka pa rin ba makatulog dito? Natatakot ka pa rin ba sa mga nangyari?” ani Jace, kinintalan ng magaang halik ang leeg ng asawa.Tatlong araw na ang lumipas mula nang mangyari ang insidente na gawa ni Michaela. At iyon ang unang gabi na sa farm house ng mga Lagdemeo sila tumuloy na mag-anak imbes na sa rest house ng mga De Guzman.Lara fully rested her back on Jace’s chest, heaving a sigh after. “Medyo. Pero alam ko naman na marami nang nagbabantay sa atin dito. Alam kong wala nang maggugulo pa sa atin,” sagot ni Lara, tumingala sa langit. Napangiti ang dalaga nang makitang puno ng bituin ang langit, nagsasalitaan ang mga iyon sa pagkislap. “I kinda miss you, Jace. You’re always out for the past few days,” ani Lara.It’s true Jace has been g
“What is she doing there? Is she…” Hindi maituloy-tuloy ni Jace ang nais sabihin. He’s more than puzzled as to why Michaela was inside the interrogation room."She lost her job at the bank. Ang sabi, na-scam daw siya at nakadispalko siya nang milyon-milyon sa bangko. Ang sabi niya sa manager niya, paulit-ulit daw niyang sinasabi na mababayaran niya rin naman 'yon lahat kapag pinakasalan mo na siya." Nagsalubong na ang mga kilay ni Jace. "But I never promised her anything! Nang magtapat siya nang nararamdaman niya sa akin, tinapat ko siya na hindi ko kailanman masusuklian ang damdamin niya. I have never given her any false hopes!” Tumango-tango si Carlo. "I believe you. Kaya lang, she's been mentally unstable for weeks now. Ang sabi ng mga magulang niya, matagal na raw na hindi umuuwi sa kanila si Michaela. Kung saan ito tumutuloy, hindi nila alam. Nakausap ko ang mga tauhan ng mga De Guzman sa may aplaya. Ang sabi nila, ilang araw na raw nilang nakikita si Michaela na nagpapalakad-
Ang mahihinang pag-uusap sa kanyang paligid ang tuluyang nagpagising kay Lara. Pagbukas niya ng kanyang mga mata, ang mukha ni Jace ang una niyang nakita.“L-Lara, how are you feeling? Anong masakit sa ‘yo?” magkasunod na tanong ng binata, bakas ang labis na pag-aalala sa tinig.“Y-you’re here? P-paanong—“ Naguguluhang ipinaikot ng dalaga ang kanyang mata sa loob ng silid na kanyang kinaroronan. Everything is white. She’s more more than sure she is in a hospital.“I came as soon as I received the news. Nawalan ka raw ng malay sa bahay after… after you saw your mutilated portrait.”Napasinghap si Lara nang maalala ang mga pangyayari bago siya mawalan ng malay. “S-si Cami? N-nasaan si Cami?” tanong ng dalaga sa paos na tinig.Masuyong hinaplos ni Jace ang pisngi ng asawa. “She is with Manang Lagring. Nasa labas na rin ng ER si Coco, naghihintay ng anumang balita tungkol sa ‘yo. Kasama nila ang ibang security detail natin. You don’t need to worry about anything, love. Pinapaimbestigahan
Maingat na inilapag nina Coco at Lara ang bungkos ng mga bulaklak sa puntod na nasa kanilang harapan. Nasa public cemetery na sila sa San Marcelino. “Nay, tapos na po ang lahat. Nalaman na po ni Ate Lara ang lahat. Nagbabayad na rin po ang lahat ng may kasalanan sa nangyari sa kanya. Nagawa na po namin ni Ate ang nais mo. Pwede ka nang matahimik, Nay,” ani Coco sa pinatatag na tinig.“Salamat, Tiyang,” umpisa ni Lara. “Mula noon hanggang ngayon, ang kapakanan ko ang iniisip ko. H’wag ka nang mag-alala kay Coco, ako nang bahala sa kanya, Tiyang. Sisiguruhin kong matutupad niya ang lahat ng mga pangarap niya,” dugtong pa ni Lara bago bumaling sa puntod ng mag-inang Melissa at Lara Veronica. “Yaya Melissa, salamat dahil hanggang sa kahuli-hulihan, pinili mong iligtas ako. Salamat sa sakripisyo mo, nagawa ko pa ring makabalik sa tunay na pamilya ko.”Pinagmasdan ng dalaga ang pangalan ng mag-inang Melissa at Lara Veronica. Pinapalitan na niya iyon noong huling beses silang nagpunta roon
Tahimik na pinagmamasdan ni Jace ang paglagak sa labi ni Keith sa mausoleum ng mga Montano. Iyon ang araw ng libing ni Keith. Despite the truths that he has discovered, hindi pa rin nagbago ang isip ni Jace at patuloy na inasikaso ang pagpapalibing sa dating kaibigan at kababata.Matapos ang isang linggong burol sa St. Anthony’s Hospital, inihatid na rin sa huling hantungan si Keith. Maraming kaakilala ang dumalo sal amay at libing ng doktor. Ang iba, mga dating pasyente na ginamot ng namayapang binata. Patunay na minsan, sa maikling buhay nito ay naging mabuti ito at nakagawa ng tama.Nakadalaw si Divina sa burol ng anak nito. Subalit, saglit lang. Hindi na rin kasi ito halos makausap nang mga panahong iyon. Lagi itong tulala at paulit-ulit na sinasabi ang mga salitang, ‘Wala akong kasalanan.’Kung sino ang sinasabihan nito ng mga salitang ‘yon, kung ibang tao ba o ang mismong sarili nito, hindi na mahalaga para kay Jace. Ang tanging importante sa binata ay nakakulong na si Divina a
Tila nabingi si Jace sa ipinagtapat ng tiyuhin. “Paanong…”“Hayop ka talaga, Reymond! Hayop ka!” singhal ni Divina kay Reymond, pilit na kumakawala mula sa mahigpit na pagkakahawak ng dalawang police escort na kasama nito.“Mas hayop ka, Divina! Hindi ba’t habang naiinggit ako sa pinsan ko dahil sa kayamanan at tagumpay na kanyang tinatamasa’y ikaw ang nagsabi sa akin na kayang-kaya mo siyang paglahuin sa mundong ibabaw? Alam kong ayaw mo sa kanya dahil ayaw niyang pahiramin ng malaking pera si Carlos para sa research lab na gusto mong ipatayo.”“Sinungaling! Sinungaling ka! Do not believe him, officer! Naghahanap lang siya ng masisisi sa mga kasalanan niya!” ani Divina, panay pa rin ang piglas. “Gusto mo bang sabihin ko sa kanila kung paano mo nilagyan ng lason ang alak ni James nang manggaling siya sa inyo bago siya umuwi sa kanila nang araw na madisgrasya siya? O gusto mong sabihin ko na kaya sa daan inabutan ng atake sa puso at aksidente si James ay dahil imbes na ang paghahanap