Share

Kabanata 2

Danger

"Tinanggap mo ang project from the Consunji's? Akala ko ba ayaw mong ma-entangle sa kanila?" Natatawang tanong sa akin ni Hiraya nang makapasok sa loob ng aking dressing room. Kasalukuyan ako ngayong inaayusan ng makeup artists ko para sa photoshoot ngayon nang pumasok siya. Gulat na gulat ito nang makita akong pumasok sa building ng isa sa magpipinsang Consunji kung saan gaganapin ang photoshoot.

Napasimangot ako. "Ayaw ko nga, pero naunang pinirmahan ni Lian ang kontrata. Ang babaeng 'yon. Kapag pera ang pinag-uusapan ay nakakalimutan ako." Lian is my manager. Dalawang taon na ako ngayon sa industriya at siya lang ang nakakahawak ng mga proyekto ko. Most of the time ay hinihingi niya ang opinyon ko sa lahat ng proyekto, pero mukhang nakalimutan niyang impormahin ako sa proyektong ito ngayon. Wala naman na akong magagawa pa. Napirmahan niya na kaya gagawin ko nalang ang proyektong ito. Kaysa naman magbayad pa kami ng malaking danyos para sa breach of contract.

Hiraya smiled. "Edi mabuti iyon. Magkikita pala tayo ng madalas nito or baka pagsamahin din tayo sa iisang proyekto. That would be exciting."

Exciting nga iyon. For a while, I felt excited to be in the same project with my bestfriend. Pero nawalang parang bula ang excitement ko nang makita ang tatlong magpipinsang Consunji na nakaupo malapit sa kung saan naka-pwesto ang photographer. Damon Xildage Consunji, the owner of the alcoholic beverage that I'm going to model. He has that serious look on his face while talking to the man on his left, which is his cousin, Draco Xeronn Consunji.

Nailipat ko ang tingin sa lalaking nakaupo lamang sa tabi ni Draco Consunji. Tahimik lang itong nakasandal sa kaniyang inuupuan. Naka-dekwarto at diretso ang mariing titig... sa akin. Pinasadahan pa ako ng tingin nito mula ulo hanggang paa, at maya-maya pa ay rumehistro na sa mukha nito ang hindi maipaliwanag na galit. I frowned. What's with him?

Ang kanang braso nito ay nakalagay sa arm ng kaniyang inuupuan at pinaglalaruan ng kamay ang kaniyang pang-ibabang labi.

Bahagya akong nagtaas ng kilay bago nag-iwas ng tingin.

Why are they here? Maiintindihan ko pa kung bakit nandito si Damon dahil kompanya naman niya ito, pero ang dalawa? Hindi ko maintindihan kung bakit.

I sighed. Imbes na pagtuunan ng pansin iyon ay ipinokus ko na lamang ang sarili sa trabaho. I managed to ignore the brute's strong gazes at me. Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya para sa kaniya. Isn't he aware that some of the people's eyes around are looking at them? Kaya alam kong napapasin din ng mga tao sa paligid namin ang mariing titig ng Xavier na iyan sa akin. It makes me nervous and angry at the same time. Angry for the fact that I felt nervous just thinking of his stares at me. Bwisit talaga kahit kailan.

Hawak-hawak ko ang inumin sa aking kamay ay nag-pose na ako habang nakaupo sa isang upuan. I ignored the lustful stares of the brute for me as I looked at the camera man.

"Why is her dress so short, Damon? Is there any way to change it?" Narinig ko ang malamig at medyo galit na boses ng demonyo.

Nagsalubong ang aking mga kilay at hindi na naiwasang mapatingin pa sa gawi nito. Nakatayo na si Xavier at nasa baywang ang kanang kamay na para bang stress na stress na siya sa nangyayari.

"Get the fuck out of here, Xavier. Sinisira mo ang photoshoot." Ang nasabi na lamang ni Damon, hindi masyadong pinagtuunan ng pansin ang pinsan. Mas lalong gumuhit sa mukha ni Xavier ang galit.

"Damn you. I fucking agreed on letting her model your fucking alcohol, but I told you to not fucking make her wear a revealing clothes!"

"It's supposed to be like that, Xavier! Stop acting like a possessive shit! Wala kang karapatan! Ni hindi ka nga niyan pinapansin!"

Everyone's jaw dropped with Damon's harsh remark. Nag-igting lang ang panga ni Xavier at hindi na makapagsalita na parang biglang napipi. Draco chuckled while shaking his head. Baliw ba siya? Bakit tumatawa lang ito gayong malapit na yatang magpatayan ang dalawa niyang pinsan?!

Napabuntong-hininga nalang ako at napailing. The devil really knows how to get into my nerves.

Sa huli ay naupong muli sa kaniyang pwesto si Xavier. Mukha pa rin itong galit at panay igting ang panga habang nakatingin sa akin. Sinubukan kong hindi magpaapekto kahit ang totoo'y nanginginig na ang kalamnan ko klase ng titig niya. It was way too possessive and obsessed. He's fucking obsessed.

"And next for the couple shots! Ready na ba ang mga male models?"

"What the fuck?!" At napatayo na naman ang bruho sa kaniyang kinauupuan nang marinig ang sinabi ng photographer. Napaigtad ang ibang staff, maging ang photographer na si Mark ay mababakasan ng takot sa mukha habang nakatingin sa madilim ang mukhang si Xavier.

"No fucking way I would let my woman be touched by another man. No fucking way, Damon."

Napaismid ako. My woman?! Tch. Ayan na naman siya sa pang-aangkin niya. He's too possessive. Hindi naman bagay.

Sa huli ay hindi natuloy ang dapat sana'y couple shots na gagawin dahil sa pag-aalburoto ng demonyo. Takot ang lahat sa kaniya at mukhang ganoon din naman ang dalawang pinsan kaya wala na silang nagawa pa kundi pagbigyan ito sa gusto.

"I'm banning you from my company, you bastard." Malamig na saad ni Damon bago naglakad palabas. Napailing naman ako at naglakad nalang papunta sa aking dressing room upang makapag-bihis. Actually, pabor sa akin ang ginawa ng lalaki. Maaga akong natapos ngayon kaya mahaba-haba rin ang pahinga ko. Lalo pa at may pupuntahan akong event mamayang gabi.

I was in the middle of changing my clothes when the door suddenly opened. Nagulat ako kaya kaagad kong naibato ang damit sa mukha ng taong kakapasok lamang, in hopes of stopping the person from coming inside, pero hindi. Pumasok talaga ito!

Nang makilala ko ang lalaki, base lamang sa pangangatawan nito ay kaagad na nanggalaiti ang aking kaloob-looban.

"Bastos ka talaga kahit kailan, Consunji! Hindi ka ba marunong kumatok?! For God's sake, I was changing here!" Mariin at naiinis kong tanong at lumapit dito. Tinanggal nito ang damit kong nasa ulo niya nang maisara ang pinto. Kaagad naman akong lumapit at hinablot ito mula sa kaniya.

The brute immediately stared at me. Mula sa mukha ko ay bumaba ang tingin nito sa aking harapan. I am aware that I am only wearing a bra and a mini denim skirt in front of him, but I am too angry to even care of what I look.

I saw how his jaw clenched as his throat bobbed up and down like he was swallowing something hard. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang tingin na iyon. Tingin na siyang pamilyar sa akin dahil iyon naman ang palagi niyang ibinabato sa akin.

"Damn it, Zaria." He huskily called before taking a step forward. He was about to hold my waist, but I turned my back at him as I quickly wore my top.

Napahawak ako sa gilid ng vanity table upang hindi tuluyang bumagsak sa sahig. Nanginginig ang mga tuhod ko at hindi ko alam kung bakit.

This is why I hate him so much. He affects me more than I could expect, at nagagawa niya 'yon kahit na titigan niya lamang ako. I may look unaffected outside, but I am already melting from the inside.

***

"Please tell me that I am not hallucinating," Natatawang saad ni Hiraya sa tabi ko habang nakatingin sa lalaking naglalakad ngayon papalapit sa amin. He was sporting a cold look as he walked like a model towards the table where I am sitting. Everyone was looking at him, especially the girls who have admiration and desire in their eyes. He was wearing a blue suit that matches my royal blue spaghetti strapped dress that perfectly hugged my body.

I arched my brow as I took a sip of my wine. Nag-iwas ako ng tingin at napaismid.

Tangina. Nandito na naman siya.

"It's nice to see you here, Xavier." Bumati si Hiraya sa lalaking bagong dating. Hindi ko narinig na bumati pabalik ang bruho, imbes ay hinila nito ang bakanteng upuan sa tabi ko at doon naupo.

I saw how Hiraya smirked before she stood up form her seat. I arched my brows at her, by she only winked before turning her back as she walked away. I sighed.

"Zaria."

"Nandito ka na naman." Saad ko at napailing. Everyone was throwing glances at us with their curious eyes. Alam kong marami ang nakakakilala sa lalaking nasa tabi ko. Of course, he's a businessman, a ruthless but successful one. And aside from that, wala yatang tao sa Pilipinas ang hindi nakakakilala sa mga Consunji.

"Hmm. It's because you're here." Mas lalong inilapit nito ang upuan sa akin. Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang isang kamay nitong lumingkis sa aking baywang. He gently caressed my curve that caused me to stiffen on my seat. I sighed as I closed my eyes tightly, feeling his warm breathing on my exposed shoulder.

I do hate him. I hate him, I swear. But, I couldn't deny the fact that I like his touches. So much, that I think it's already too dangerous for me. He's a threat. Liking his touch is already dangerous, and loving him would be fucking hell for me.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status