FayeNatawa ako at naningkit ang mga mata habang nakatingin kay Lorenzo."Nambobola ka pa. Ang galing mo talaga sa salita.""Nagsasabi ako ng totoo.""Hindi mo ako maloloko—"Nagulat na lang ako nang hapitin niya ako, hanggang sa naramdaman kong nasa akin na naman ang kanyang labi.Habang gumagalaw ang kanyang labi, inaayos na rin niya ang aking pagkakahiga.Alam kong pinapainit na naman niya ako, pero kahit alam ko, hindi ko napigilan ang sarili kong tumugon sa halik niya."But yeah, I guess I'm really the one in control when it comes to this," anas niya nang maghiwalay ang aming mga labi.Lumubo ang pisngi ko at mabilis ko siyang hinampas."Lorenzo Del Mundo!" nanggigigil kong sambit."But I'm at your mercy, Faye. Believe me, kanina pa gustong kumawala nun."Kumunot ang noo ko sa sinabi niya."What?" naguguluhan kong tanong. "Anong kumawala?"Mabigat siyang nagpakawala ng malalim na hininga. "Nothing," sagot niya."Ano nga?" inis kong tanong. Ang ayoko sa lahat ay iyong may sasabihi
Faye “So, meaning, ako pa lang ang unang babaeng humiga sa kama mong ito?” masinsinan kong tanong sa kanya. “Yeah,” sagot naman niya. Matagal ko siyang tinitigan bago ako sumagot. “Ah, okay,” tango ko. “You don’t need your cellphone anymore?” tanong niya. “Hindi na, wala namang signal dito, ‘di ba? Aanhin ko pa.” Napatango siya. “Kakain ka na ba ng dinner o matutulog ka muna?” “Kakain muna ako,” sagot ko. “Okay, I’ll ask Manang to prepare our dinner now,” sabi niya bago bumaba mula sa kama. Tumalikod na siya pero bigla rin siyang humarap, mabilis na dumukwang, at sinelyuhan ako ng halik. Napatingin ako sa kanya, gulat na gulat, habang siya naman ay simpleng ngumiti lang bago lumabas ng kwarto. Anong nginingiti nun? Nang matapos akong mag-ayos, bumaba rin ako at dumiretso sa komedor. Tanging si Manang Josie ang nadatnan ko. “Kamusta ang tulog mo?” nakangiting bati niya sa akin. “Maayos naman po,” sagot ko. “Hindi ka namamahay?” “Hindi naman po,” nakan
FayePinaningkitan ko siya, "Pwes kahit landiin mo pa ako, hindi ako bibigay sa iyo-"Inilapit niya ang mukha niya sa akin."Are you sure? I just touched you there a while ago, and you already moaned my name. What more if I-"Bumaba ang mga mata niya sa labi ko."If I get inside you again."Nanlaki ang mga mata ko at mabilis kong tinakpan ang bibig niya."Renz," agaran kong pagpapatahimik sa kanya."What? I'm just stating a fact," nang-aasar niyang saad sa akin."F*ck." I snarled.For a second, he's surprised until he captured my lips, urging for a passionate kiss.But I withdrew instantly.Kinakailangan kong kontrolin talaga ang sarili ko bago ako tuluyang mapasuko sa lalakeng ito.Sa mismong bibig na niya nanggagaling na plano niya talaga akong landiin.At natauhan ako sa sinabi niya.Lalake siya kaya wala lang ang lahat ng ito sa kanya pero ako, pagkatapos nito, saan ako pupulutin?"Faye," anas niya.Kahit anong gawin mo, hindi na ako bibigay.Deretsong tingin ang pinukol ko sa kan
FayeMadilim ang mukha ni Lorenzo habang ginagamot ang paa ko. Talaga ngang nagalusan ako nang matisod ako kanina.Ngumiwi ako at tahimik akong umigik nang maramdaman ko ang hapdi ng paa ko.Nang matapos niyang balutin ng bandage ang paa ko, kaagad din niyang inayos ang first aid kit at binalik sa lalagyan."Manang, matulog na kayo, gabi na," utos pa niya kay Manang."Sigurado ka? Wala na ba kayong kailangan?""Wala na, manang," kaagad niyang sagot ulit kay Manang.Tinignan ako ni Manang at sinenyasan ako na huwag akong mag-alala. Ngumiti naman ako sa kanya pero kaagad din na nawala 'yun nang makita kong seryosong nakatingin sa amin si Lorenzo.Muling nagpaalam si Manang bago siya naglakad papunta sa kwarto niyang malapit sa kusina.Nabalot naman ng katahimikan ang buong salas.Wala rin akong nasabi dahil napagtanto ko ang hindi ko pag-iisip ng tama kanina.Oo nga naman, nasa kagubatan kami, gabi na at walang ilaw sa daan tapos lumabas pa rin ako.At kahit nakalabas man ako kanina, sa
FayeDahil sa pagpupumilit ni Doc. Arthur, magtungo na kami sa tinutukoy nilang ilog."Hayun siya," turo ni Doc. Arthur ng marating namin ang ilog.Natanaw ko naman si Lorenzo na naka-upo sa isang malaking bato at abala siyang namimingwit."Renz!" tawag na ni Manang nang makalapit kami sa tabing-ilog.Lumingon naman siya at napansin ko naman kaagad ang pangungunot ng kanyang noo.Kapagkuwan, binaba na niya ang gamit niya sa pamimingwit."Ayan na siya, manang. Kita kong 'di siya natutuwa." wika ni Doc. sabay tingin sa akin."Hindi ka naman nagpapatalo sa kanya, no," sabi pa niya.Muli ko namang tinanaw si Lorenzo, madilim ang ekspresyon niya sa kanyang mukha.Mukhang wala talaga siya sa mood.Pero aba, subukan niya akong pakitaan ng masamang ugali ulit, talagang hindi ako magpapatalo.Akala niya yata."Why are you here?" galit niyang tanong kaagad nang makalapit na siya sa amin.Pinasadahan ko naman siya ng tingin, namumungay ang kanyang mga mata at medyo nangingitim ang ibaba ng kanya
FayeKinagat ko ang gilid ng pisngi ko habang nakatingin kay Lorenzo.Galit na galit siya kagabi, gusto pa niya akong ikulong sa kanyang bahay at ayaw akong palabasin tapos ngayon magyayaya siyang mamingwit kasama siya.Kapal talaga ng lalakeng ito!"Ayaw mo, sige, dun ka na lang sa kubo."Seryoso lang naman akong nakatitig sa kanya."Sabi mo bibigyan mo ako ng pamasahe pauwi? Asan na? Ibigay mo na sa akin ngayon nang maka-uwi na ako."Deretso ang mga mata niya sa akin."Ibibigay ko sa iyo kapag binayaran na nila ako ng isang bilyon."Pagak akong natawa sa tinuran niya."Hindi aabot sa limang libo ang pamasahe ko. Napakababang halaga lang ito kumpara sa isang bilyon na tinutukoy mo.""Hindi nga pero hangga't hindi nila iyon naibibigay, hindi rin kita mabibigyan ng pamasahe pauwi."Nag-isang linya ang labi ko tsaka rin ako nagsalita."So ang ibig mong sabihin, kapag hindi ka nila binayaran, hindi ako makaka-uwi?"Ang pananahimik niya ang patunay na tama nga ang iniisip ko.Luminga ako
FayeHindi ko maintindihan kung bakit nandito na naman ako sa tagpong ito. Hagkan na naman ako ni Lorenzo at nagpapatangay ako sa init ng hatid niya sa akin.May intensidad ang galaw ng labi niya sa akin. He's kissing me passionately, as if we're not in an open place.Baka isang tanaw lang sa amin, makikita na kami sa ginagawa namin.Kayo bago lumalim pa ito, tinulak ko na siya."Ano na naman itong ginagawa natin?" tanong ko sa pagitan ng aking hininga.Kanina lang nag-aaway kami, tapos ngayon heto na naman kami sa mapusok na laro.Ano ba ito? Hindi ko na alam ang dapat kong gawin.Hindi siya sumagot, bagkus, inalis niya ang mga kamay niyang nakapulupot sa katawan ko.Nasindak naman ako sa ginawa niya at mas lalong akong napakapit sa kanya.Nasa malalim kaming bahagi ng ilog, hindi ko alam lumangoy, sigurado na malulunod ka rito."Alam mo ikaw, ang sama mo talaga," nagpupuyos kong litanya sa kanya."Ganito na naman ang trato mo sa akin dahil hindi nasusunod ang gusto mo—""Alam mo
FayeUmalpas ang ungol sa labi ko habang patuloy ang hagod ng labi ni Lorenzo sa batok ko kasabay nang kanyang pagmamasahe sa hinaharap ko.I know! Ipinagkakanulo ko ang sarili ko. Pero hindi ko talaga makontrol ang katawan ko.Sa halik at haplos ng lalakeng ito, nalulusaw ang anumang inis o galit ko sa kanya.Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Iyong pakiramdam na nandito kami sa ilog, at anumang oras may makakakita sa amin pero bagkus na nagpatuloy ang takot ko kanina, bigla akong nanabik. Muling umaapoy ang katawan ko sa makamundong pagnanasa.Feeling so sensual, I faced him and captured his lips, kissing him passionately.Nakayakap ako sa kanyang leeg habang lumipat na ang mga kamay niya sa bewang ko.Tinugon niya ang aking halik hanggang paunti-unti na niyang kinokontrol ang pinagsasaluhan naming.Nagpatangay ako sa bawat pagsipsip ng kanyang dila.Nang maghiwalay ang mga labi namin, kapwa kami naghahabok ng hininga.Saglit siyang tumitig sa akin bago niya ako ilipat at isanda
Faye Sumunod sa amin si Renz hanggang sa shop. “Pasok ka, mukhang kabisado mo naman rito,” wika ko na ikinatingin niya sa akin. Nakagat ko naman ulit ang gilid ng pisngi ko. Faye! Tumigil ka, ngayon na nga lang kayo magkita ng asawa mo. Bumuga ako ng hangin– Pero paano ako titigil. Nakakatampong isipin na pumupunta naman pala siya dito sa shop, eh araw-araw akong pumupunta rito pero hindi ko siya naaabutan. Ibig sabihin iniiwasan niya talaga ako. Naisuklay ko ang kamay ko sa buhok ko– Oo nga, aminado ako, tanggap ko na iniiwasan niya ako. Tumingin ako kay Renz. Kumalma ka, Faye, magpasensya ka. Kung maiinis at magagalit ka sa kanya lalong hindi kayo mag-aayos. Pinagaan ko ang ekspresyon ko, “Pasok ka,” maamo kong sabi. Gumalaw ang kilay niya, mukhang nagtataka pa nga pagbabago ng mood ko. Pero pumasok na rin naman siya. Lumukot ang labi ko sa inis, hard to get ng lalaking ito! “Hoooo, kalma, Faye,” naibulong ko sa sarili ko– Lumi
FayeSa mga sumunod na araw, inuunti-unti kong aralin ang mga gawain sa mansion habang tumutulong pa rin ako sa shop namin.“Ate, narinig ko na hindi pa umuuwi si Kuya sa Casa.”Niligpit ko ang notebook ko at tinignan si Flynn, “Sabihin mo nga sa akin kung paano ka naging marites na, ang dami mong naririnig,” sita ko sa kapatid ko.“Nagtataka lang ako Ate kung bakit may kumakalat na ganito sa mga negosyante. Eh lagi ngang pumupunta rito si Kuya.”“Pumupunta rito?” gulat kong tanong at naituon ko na ang atensyon ko kay Flynn.“Oo, kakaalis nga lang ni Kuya nang dumating ka dito kanina.”Nagulantang ako sa sinabi ni Flynn. Lagi siyang pumupunta dito tapos hindi ko man lang naaabutan. Kaya pala kung maka-kuya itong kapatid ko kala mo close na sila.“Ba’t hindi mo sinasabi sa akin na pumupunta siya dito?”“Ba’t ko naman babanggitin sa iyo, eh hindi ba dapat mas alam mo. Kayong dalawa ang nakatira sa iisang bahay.”Hindi naman ako nakikibo.Nag-aalinlangan naman akong tinignan ng kapatid k
FayeMagdamag kong hinintay si Renz pero hindi na siya bumalik sa kwarto. Bumangon ako sa kama na mabigat ang loob ko. Pakiramdam ko nadudurog ang puso ko pero kailangan kong magpakatatag. Kung magpapatalo ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon, mas lalo lang na mawawalan ng saysay ang kasal namin ni Renz.Kung sukdulan ang galit niya sa akin, sukdulan din ang kagustuhan ko na maayos ang pag-aasawa namin.Kahit wala pa akong tulog, maaga akong bumangon at inayos ang sarili ko. Bumaba ako kaagad at dumeretso sa kusina ng bahay. Naabutan kong abala na ang mga katulong sa pagluluto ng almusal.“Magandang umaga sa inyong lahat,” bati ko, gulat naman silang napatingin sa akin.“Bakit po kayo nandito, ma’am?”“Maaga pa po.”“Gutom po ba kayo?”Sunod-sunod nilang sabi sa akin.“Tutulong ako sa paghahanda ng almusal,” wika ko.Napansin ko naman na mas lalo lang silang nagulantang sa akin.“Naku ma’am, kami na po. Bumalik na po kayo sa inyong kwarto, kailangan niyo pong magpahinga dahil tiyak
Faye Marami pang pinagawa sa amin ng host bago makaupo kami. Pero pareho na kaming tahimik ni Renz. Natupok na rin iyong sigla at saya ko kanina at hinintay ko na lang na matapos ang selebrasyon. Hanggsang nagsiuwian na rin ang mga bisita. “Anak, uwi na kami,” lapit sa akin ni mommy. Magkasabay kaming tumayo ni Renz. Pinilit ko na lang ang sarili kong pagaanin ang ekspresyon ko. Pero habang nagpapaalam sa akin si mommy at mga kapatid ko, mas lalong bumibigat ang dibdib ko. Hindi na ako sasamang uuwi sa kanila at dito na ako sa Casa Blanca titira. Naipadala ko na rin dito ang mga gamit ko noong isang araw. “Iho, ‘kaw na bahala sa panganay ko,” bilin ni mommy kay Renz. “Opo,” sagot ni Renz. Hinawakan ni mommy ang kamay ko at napansin ko kaagad ang pangamba sa mga mata niya. Siguro napansin niya ang katahimikan namin ni Renz kanina. “Mom, I’ll be fine,” paninigurado ko. “Maalaga si Renz. You don’t need to worry.” Kapagkuwan, tumango rin si m
FayePagkatapos sa simbahan, tumuloy kaming lahat sa Casa Blanca, sa mismong garden nito magaganap ang reception ng kasal namin.Punong-puno ng mga bulaklak ang lugar at malamlam na ilaw sa paligid. Magkahawak kamay kaming pumasok ni Renz sa venue, at sinalubong kami ng palakpakan ng mga bisita. “Don Esquivel is really all out for this marriage,” puna ni Flynn ng masolo nila ako dahil nakikipag-usap na si Renz kina Zachary.“Grand party talaga ang hinanda para sa iyo, Ate,” saad namin ni Farrah kaya itinuon ko ang atensyon ko sa kanila.Magarbo at engrande talaga ang dekorasyon ng garden. Kasama pa ang masisipag na staff, sila mismo ang naghahatid ng alak at pagkain ng mga bisita sa bawat mesa. Tapos porcelain collection pa ang souvenir ng kasal namin. Hindi ko na alam kong ilang halaga ng pera ang ginamit sa kasal namin dahil tinanggihan ni Don Esquivel ang share rin sana ng pamilya namin.“Don’t assume, Farrah, this is for his grandson–his eldest grandson who he waited for years,”
Faye“I vow to stand by you, and to honor the promises we make today. Not because everything is perfect—but because we choose this, we choose each other, even through the broken pieces,” pagtatapos ko.Saglit siyang nagbitiw ng tingin sa akin at ginilid niya ang mukha niya pero nakita kong lumunok siya.“Renz,” wika ni father, “ikaw naman.”Tumikhim siya, at tumingin sa akin. Matagal siyang tumitig bago siya nagsalita, tila nag-iisip ng salitang bibitiwan niya.“I, Lorenzo Del Mundo Esquivel,” mababa at mahinang simula niya, “take you, Faye Salvacion, to be my wife. I may not promise perfection, but I will promise presence. I will be there through every high and low, through doubt and healing. I vow to protect your peace, to respect your strength, and—if life allows it—to be with you for a long time.”Nanlaki ang mga mata ko.Pero bago pa ako makasagot, muling nagsalita ang pari.“Ngayon, bilang sagisag ng inyong pangako, pakibigay ang mga singsing.”Lumapit si Zachary para ibigay ang
FayeNanlalamig ang mga kamay ko habang nasa loob ako ng bridal car. Araw na ng kasal namin ni Renz, naghihintay na lang ako ng hudyat ng coordinator para bumaba at pumasok sa loob ng simbahan.Pero hindi ko nga rin alam kung nasa loob talaga si Renz. Kaya ako ninenerbyos. Paano kung matulad ito sa muntikan kong kasal noon?Humigpit ang hawak ko sa bouquet dahil sa kaisipan kong ito.“Ma’am, pwede na kayong bumaba,” wika sa akin ng coordinator matapos niyang buksan ang pinto ng sasakyan.“Sure?” kabado kong tanong.“Nasa loob na ba si Renz?” tanong ko.“Yes ma’am,” ngiting sagot sa akin ng coordinator.Napahinga ako ng malalim dahil kahit papaano lumuwag ang dibdib ko.Inalalayan ako ng coordinator nang bumaba na ako mula sa sasakyan. Napansin ko naman na may security team na nakapalibot sa simbahan. Hinigpitan talaga ni Don Esquivel ang kasal kaya limitado rin ang bisita namin.“Hoooo,” hinga ko nang makarating na kami sa harap ng nakasaradong pinto habang inaayos ng coordinator ang
FayeKinabukasan, muli akong kinausap ni Don Esquivel. Kahit wala pa ako sa tamang estado ng sarili at gulong-gulong pa rin ako sa sitwasyon ko ngayon. Tinungo ko na lang ang suite ni Don Esquivel.Binati ko ang Don nang pumasok ako sa loob. Nadatnan ko naman siyang humihigop ng kanyang kape.Sumunod ang mata ko nang ibaba niya ang tasa. At hindi ko mapigilang alalahanin ang umaga kung saan maaga pa akong ginising ni Renz para panoorin ang sunrise, tinimplahan pa niya ako ng kape.He has been nice to me. Hindi ko mahulaan ang iniisip niya at madali siyang mainis noon pero inalagaan talaga niya ako.May atraso ang ex ko sa kanya at nasa rurok siya ng kanyang galit pero pinili niyang maging mabait sa akin kahit papaano at pinaintindi niya rin sa akin ang ginawa ng ex ko. He was sincere, pinakita niya sa akin ang galit niya, totoong nararamdaman niya pero hindi ko iyon napansin, hindi ko iyon binigyan ng atensyon hanggang sa huli.At ngayon puno ako ng pagsisisi.“Iha.”Napabalik ako sa
FayeIkinubli ko ang sakit sa binitwan niyang salita at kalmado ko pa rin siyang tinitigan.“I know, ginagawa ko rin ito para sa pamilya ko–”Mapakla siyang tumawa, “Para sa sarili mo, Faye. Huwag mong gamiting dahilan ang pamilya mo.”Nagtitimpi ko siyang sinagot. “Renz, my dad is in the hospital, and our company has been stolen from us.”“And that’s enough to discard me?” masakit niyang tanong sa akin. Sa boses pa lang niya, alam kong puno siya ng hinanakit at galit sa akin.“Faye, may pera ako. Kaya kitang tulungan. Kung tungkol sa hospitalization ng tatay mo, tutustusan ko. Kung sa kumpanya niyo, kaya kitang tulungan na bawiin iyon.”“What are you saying? Ni hindi mo nga kayang isalba ang sarili mong kumpanya, ni hindi mo kayang protektahan ang sarili mo?”Umawang ang labi niya at hindi na siya makapaniwala sa akin. “So minamaliit mo ako?” tanong niya sa nagtitimpi niyang boses.“Alam mo ba kung bakit tuluyang bumagsak ang kumpanya ko dahil pinili kong makasama ka. At nanatili ak