Faye I responded on his kisses. And I allowed him to touch every inch of me.Yes, I know. Nakikipaglaro ako sa naglalagablab na apoy. Pero wala na ako sa tamang huwisyo para pagtuunan pa ito ng pansin. Lunod na lunod na ako sa makamundong pagnanasa.Hindi ko rin siya lubusang kilala, kung tutuusin pangalan lang ang alam ko sa kanya, at taliwas ito sa idinudulot niyang epekto sa akin. Para bang matagal ko na siyang kilala at mahabang panahon ko na siyang nagkasama.Iyong pakiramdam na hindi ko alintana na damhin niya ang iba't-ibang bahagi ng katawan ko.At kahit pa nga alam kong nasa tabing ilog lang kami at mga bato lamang ang tanging harang namin, ipinagpapatuloy ko pa rin ang pagtugon sa kanya.Ninanamnam ko ang bawat paghagod ng kanyang labi sa aking umiinit na katawan."Ohhhh..." ungol ko nang isubo niya ang aking hinaharap at sinipsip niya ito nang paulit-ulit."Renzzz...ohhh..." arko ko sa likod ko at sinalubong ang bawat pagsubok at pagsipsip niya.Kumulot at umaakit ang baw
FayePinauna ako ni Renz na bumalik sa kubo dahil babalikan daw niya ang mga hinuli niyang isda kanina.Muli kong inayos ang sarili ko habang papalapit na ako kay Manang at Doc. Arthur.Ibinalot ko lalo sa sarili ko ang polo ni Renz tsaka ko pinagpatuloy ang paglalakad ko patungo sa kubo."Faye, iha, anong nangyari sa iyo? Basang-basa ka."Nahulog po ako sa tubig, manang," kaswal kong sagot."Ano? Ayos ka lang ba? Jusko, may mga malalalim pa namang bahagi ang ilog," nababahalang saad ni Manang."Naku, baka iyon na 'yung naririnig natin kanina, Arthur," sabi pa ni Manang.Lihim naman akong napalunok. Baka ang itinutukoy no Manang ay ang ingay na nagmumula sa ginawa namin kanina ni Renz—Iginilid ko ang mukha ko dahil naramdaman ko kaagad ang pag-iinit ng pisngi ko."Mukha nga, manang. Tinulungan ka ba ni Renz?" tanong sa akin ni Doc. Arthur.Hinarap ko rin ang mukha ko at sumagot."Hindi, alam ko namang lumangoy. Tsaka naligo na rin ako sa ilog kanina tutal nabasa na ako."Napatango s
FayePagkatapos ng aming pananghalian sa kubo, namalagi muna kami sa tabing-ilog bago kami bumalik sa bahay ni Lorenzo. Deretso naman ako sa kwarto at naligo ako kaagad. Pagod din talaga ako kaya pagkatapos kong maligo, humiga na ako sa kama.Kapagkuwan, narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kwart kaya napamulat din ako.Napahugot ako ng malalim na hininga. Fresh pa rin sa utak ko ang nangyari sa amin sa tabing-ilog. Isang bagay na hindi ko aakalain na magagawa ko—Tumingin ako sa pinto ng bathroom nang marinig kong tumunog ito. Mukhang naligo na rin siya.Muli akong nagpakawala ng malalim na hininga at mahigpit akong napahawak sa blanket, inalala ang sinabi niya sa akin kanina.One week. Mamamalagi ako dito ng isang linggo kasama siya tapos babalik na ako sa pamilya ko.Bumalikwas ako ng bangon.Anong ibig sabihin niya?He took my virginity. And we did it again. Then he'll return me to my family?"Faye, what are you even expecting?" naitanong ko sa sarili ko.Marryi
Faye"Faye..."Nagising ako sa maingat na yugyog ni Lorenzo sa balikat ko.Kinusot ko ang mga mata ko bago siya tinanong, "Bakit?""Let's go watch the sunrise.""Umm?"Tulog pa ang utak ko. Ano bang sinasabi ng lalaking ito?"Faye," untag ulit niya.Napabuntong-hininga ako bago tuluyang iminulat ang mga mata ko."Tara," aniya, sabay ngiti at hinila ang kamay ko para pabangunin ako."Bakit bigla-bigla mong gustong mag-sunrise?" tanong ko habang inaayos ang buhok ko."Because you already agreed to stay with me here. That means this is no longer kidnapping, instead, a new beginning of you."Napanganga ako at namangha sa sinabi niya."Mr. Del Mundo, iba ka rin talaga. You're acquitting yourself of your crime this fast," sagot ko, seryoso.Ngumiti siya at tumango-tango pa na para bang kinukumbinsi ang sarili.I was caught off guard.Ngiti-ngiti pa siyang lumabas ng kwarto, kaya naman natulala na lang ako habang sinusundan siya ng tingin.Good mood yata.The man who came to me full of spite
FayeAlam kong naaapektuhan siya sa ginawa ng fiance ko at ng kanyang girlfriend. Kase nga dinala nga niya ako dito para maghiganti.Pero ang gusto kong malaman ay ang kanyang tunay na nararamdaman. Nasaktan ba siya? Nadurog ba ang puso niya nang malaman niya ang pagtataksil ng kanyang girlfriend?Magaan ang ekspresyon ni Lorenzo habang pinagmamasdan niya ang paligid. "Renz," untag ko sa kanya, bumaling siya sa akin."Did it not really hurt you?" tanong ko."No, it never hurt me at all. You know, cheating is so normal nowadays," sagot niya at tuluyan na siyang humarap sa akin."Besides, relationship is doomed to end. And the best thing to do after a failed relationship—""Is to find a new one?" putol ko sa sasabihin niya."To be happy, Faye," direkta niyang saad."Whether you find someone new or just by yourself, you need to be happy and don't beat yourself because of that failed relationship," may kumpiyansa pa niyang sabi.Tumaas ang isang kilay niya at nginitian pa niya ako.Hindi
Faye"But it still hurts?" He asked.Bumaling ako sa kanya pero hindi ako nakasagot. Napakadali lang sabihin sana na hindi na ako nasasaktan pero bigla rin akong napaisip."Silence means yes," winika niya nang wala na siyang mahintay na sagot sa akin.Tumikhim ako, "Why are you asking all of a sudden?" tanong ko.Nagtataka ako dahil sa ilang araw na magkasama kami ngayon lang siya nagtanong tungkol dito. Eh ayaw nga niyang pinag-uusapan namin ang ex ko."Dahil pinapahiwatig mong wala na kayong pag-asa ng Ex mo."Saglit akong napatigil sa paglalakad pero nagpatuloy din ako kapagkuwan at tinuon ko na ang atensyon ko sa dinadaanan namin."Wala naman akong sinabi na wala na kaming pag-asa-"Sinilip niya ang mukha ko at pinakita niya sa akin ang nakakunot na naman niyang mukha."Your words are telling me that you won't go back to him anymore. Huwag mo akong pinapaikot, Faye."Bumaling ako sa kanya at di makapaniwala ang mga mata kong nakatingin sa kanya. "What? Hindi ba?" galit na niyang
FayeNang maghiwalay ang mga labi namin, matamis siyang ngumiti sa akin. Napatitig naman ako sa kanya.Sa sinag ng araw na sumisilip sa mga puno at tumatama sa kanyang mukha ang nagpapatunay sa akin na ibang klaseng kagwapuhan ang mayroon sa kanya.Tumahip ang dibdib ko kasabay nang pag-ihip ng hangin.Gumalaw ang isa kong kamay patungo sa kanyang pisngi at hindi ko mapigilang haplusin ito.Noong una naming pagkikita, hindi ko naaappreciate ang mukha niya dahil matindi ang galit at inis ko sa kanya. Bigla ba naman siyang lumitaw sa harapan ko at dineklara na may nangyari sa amin tapos isiniwalat pa niya ang panloloko sa akin ng ex ko. Para bang lumitaw siya upang ihatid ang delubyo ng buhay ko.Tapos sa bawat pag-uusap namin, parang wala siyang pandama. Kumbaga walang wala talaga siyang emotional intelligence para intindihin ang sitwasyon ng ibang tao.Pero ngayon, nag-iba ang kaisipan ko sa kanya. Maaaring umaakto siya na walang pakialam sa bagay-bagay pero taliwas ito sa kilos niya.
FayeElara looks into my eyes with full spite. "Running away with my boyfriend is worse than what I did. You abandoned your groom on the day of your wedding."I stared at her with the same intensity "And so? You're the woman who gets cheated on now?" I asked amusingly. Tinuro ko ang sarili ko, "Ako pa talaga ang pinapalabas mong masamang babae?" Natawa na lang ako. Chadrick's taste of women stoop low than I expected."Wow!" I exclaimed, then turning to Renz, "Ibang klaseng babae pala ang EX mo. Ang kapal ng mukha," sabi ko nang hindi na talaga ako makapagtimpi."Anong sabi mo?!""Ang sabi ko ang kapal ng mukha mo." harap ko ulit sa kanya.Hindi ko alam kung saan talaga nanggagaling ang lakas ng loob ng babaeng ito pero kung inaakala niya na magpapa-apekto ako sa mga sinasabi niya, nagkakamali siya. "Ikaw ang makapal ang mukha. Nagpapakamalinis kang babae ka pero nagkaroon ka lang ng pagkakataon, lumingkis ka na agad sa boyfriend ko," asik niya at talagang nanlilisik ang mga mata ni
Faye Sumunod sa amin si Renz hanggang sa shop. “Pasok ka, mukhang kabisado mo naman rito,” wika ko na ikinatingin niya sa akin. Nakagat ko naman ulit ang gilid ng pisngi ko. Faye! Tumigil ka, ngayon na nga lang kayo magkita ng asawa mo. Bumuga ako ng hangin– Pero paano ako titigil. Nakakatampong isipin na pumupunta naman pala siya dito sa shop, eh araw-araw akong pumupunta rito pero hindi ko siya naaabutan. Ibig sabihin iniiwasan niya talaga ako. Naisuklay ko ang kamay ko sa buhok ko– Oo nga, aminado ako, tanggap ko na iniiwasan niya ako. Tumingin ako kay Renz. Kumalma ka, Faye, magpasensya ka. Kung maiinis at magagalit ka sa kanya lalong hindi kayo mag-aayos. Pinagaan ko ang ekspresyon ko, “Pasok ka,” maamo kong sabi. Gumalaw ang kilay niya, mukhang nagtataka pa nga pagbabago ng mood ko. Pero pumasok na rin naman siya. Lumukot ang labi ko sa inis, hard to get ng lalaking ito! “Hoooo, kalma, Faye,” naibulong ko sa sarili ko– Lumi
FayeSa mga sumunod na araw, inuunti-unti kong aralin ang mga gawain sa mansion habang tumutulong pa rin ako sa shop namin.“Ate, narinig ko na hindi pa umuuwi si Kuya sa Casa.”Niligpit ko ang notebook ko at tinignan si Flynn, “Sabihin mo nga sa akin kung paano ka naging marites na, ang dami mong naririnig,” sita ko sa kapatid ko.“Nagtataka lang ako Ate kung bakit may kumakalat na ganito sa mga negosyante. Eh lagi ngang pumupunta rito si Kuya.”“Pumupunta rito?” gulat kong tanong at naituon ko na ang atensyon ko kay Flynn.“Oo, kakaalis nga lang ni Kuya nang dumating ka dito kanina.”Nagulantang ako sa sinabi ni Flynn. Lagi siyang pumupunta dito tapos hindi ko man lang naaabutan. Kaya pala kung maka-kuya itong kapatid ko kala mo close na sila.“Ba’t hindi mo sinasabi sa akin na pumupunta siya dito?”“Ba’t ko naman babanggitin sa iyo, eh hindi ba dapat mas alam mo. Kayong dalawa ang nakatira sa iisang bahay.”Hindi naman ako nakikibo.Nag-aalinlangan naman akong tinignan ng kapatid k
FayeMagdamag kong hinintay si Renz pero hindi na siya bumalik sa kwarto. Bumangon ako sa kama na mabigat ang loob ko. Pakiramdam ko nadudurog ang puso ko pero kailangan kong magpakatatag. Kung magpapatalo ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon, mas lalo lang na mawawalan ng saysay ang kasal namin ni Renz.Kung sukdulan ang galit niya sa akin, sukdulan din ang kagustuhan ko na maayos ang pag-aasawa namin.Kahit wala pa akong tulog, maaga akong bumangon at inayos ang sarili ko. Bumaba ako kaagad at dumeretso sa kusina ng bahay. Naabutan kong abala na ang mga katulong sa pagluluto ng almusal.“Magandang umaga sa inyong lahat,” bati ko, gulat naman silang napatingin sa akin.“Bakit po kayo nandito, ma’am?”“Maaga pa po.”“Gutom po ba kayo?”Sunod-sunod nilang sabi sa akin.“Tutulong ako sa paghahanda ng almusal,” wika ko.Napansin ko naman na mas lalo lang silang nagulantang sa akin.“Naku ma’am, kami na po. Bumalik na po kayo sa inyong kwarto, kailangan niyo pong magpahinga dahil tiyak
Faye Marami pang pinagawa sa amin ng host bago makaupo kami. Pero pareho na kaming tahimik ni Renz. Natupok na rin iyong sigla at saya ko kanina at hinintay ko na lang na matapos ang selebrasyon. Hanggsang nagsiuwian na rin ang mga bisita. “Anak, uwi na kami,” lapit sa akin ni mommy. Magkasabay kaming tumayo ni Renz. Pinilit ko na lang ang sarili kong pagaanin ang ekspresyon ko. Pero habang nagpapaalam sa akin si mommy at mga kapatid ko, mas lalong bumibigat ang dibdib ko. Hindi na ako sasamang uuwi sa kanila at dito na ako sa Casa Blanca titira. Naipadala ko na rin dito ang mga gamit ko noong isang araw. “Iho, ‘kaw na bahala sa panganay ko,” bilin ni mommy kay Renz. “Opo,” sagot ni Renz. Hinawakan ni mommy ang kamay ko at napansin ko kaagad ang pangamba sa mga mata niya. Siguro napansin niya ang katahimikan namin ni Renz kanina. “Mom, I’ll be fine,” paninigurado ko. “Maalaga si Renz. You don’t need to worry.” Kapagkuwan, tumango rin si m
FayePagkatapos sa simbahan, tumuloy kaming lahat sa Casa Blanca, sa mismong garden nito magaganap ang reception ng kasal namin.Punong-puno ng mga bulaklak ang lugar at malamlam na ilaw sa paligid. Magkahawak kamay kaming pumasok ni Renz sa venue, at sinalubong kami ng palakpakan ng mga bisita. “Don Esquivel is really all out for this marriage,” puna ni Flynn ng masolo nila ako dahil nakikipag-usap na si Renz kina Zachary.“Grand party talaga ang hinanda para sa iyo, Ate,” saad namin ni Farrah kaya itinuon ko ang atensyon ko sa kanila.Magarbo at engrande talaga ang dekorasyon ng garden. Kasama pa ang masisipag na staff, sila mismo ang naghahatid ng alak at pagkain ng mga bisita sa bawat mesa. Tapos porcelain collection pa ang souvenir ng kasal namin. Hindi ko na alam kong ilang halaga ng pera ang ginamit sa kasal namin dahil tinanggihan ni Don Esquivel ang share rin sana ng pamilya namin.“Don’t assume, Farrah, this is for his grandson–his eldest grandson who he waited for years,”
Faye“I vow to stand by you, and to honor the promises we make today. Not because everything is perfect—but because we choose this, we choose each other, even through the broken pieces,” pagtatapos ko.Saglit siyang nagbitiw ng tingin sa akin at ginilid niya ang mukha niya pero nakita kong lumunok siya.“Renz,” wika ni father, “ikaw naman.”Tumikhim siya, at tumingin sa akin. Matagal siyang tumitig bago siya nagsalita, tila nag-iisip ng salitang bibitiwan niya.“I, Lorenzo Del Mundo Esquivel,” mababa at mahinang simula niya, “take you, Faye Salvacion, to be my wife. I may not promise perfection, but I will promise presence. I will be there through every high and low, through doubt and healing. I vow to protect your peace, to respect your strength, and—if life allows it—to be with you for a long time.”Nanlaki ang mga mata ko.Pero bago pa ako makasagot, muling nagsalita ang pari.“Ngayon, bilang sagisag ng inyong pangako, pakibigay ang mga singsing.”Lumapit si Zachary para ibigay ang
FayeNanlalamig ang mga kamay ko habang nasa loob ako ng bridal car. Araw na ng kasal namin ni Renz, naghihintay na lang ako ng hudyat ng coordinator para bumaba at pumasok sa loob ng simbahan.Pero hindi ko nga rin alam kung nasa loob talaga si Renz. Kaya ako ninenerbyos. Paano kung matulad ito sa muntikan kong kasal noon?Humigpit ang hawak ko sa bouquet dahil sa kaisipan kong ito.“Ma’am, pwede na kayong bumaba,” wika sa akin ng coordinator matapos niyang buksan ang pinto ng sasakyan.“Sure?” kabado kong tanong.“Nasa loob na ba si Renz?” tanong ko.“Yes ma’am,” ngiting sagot sa akin ng coordinator.Napahinga ako ng malalim dahil kahit papaano lumuwag ang dibdib ko.Inalalayan ako ng coordinator nang bumaba na ako mula sa sasakyan. Napansin ko naman na may security team na nakapalibot sa simbahan. Hinigpitan talaga ni Don Esquivel ang kasal kaya limitado rin ang bisita namin.“Hoooo,” hinga ko nang makarating na kami sa harap ng nakasaradong pinto habang inaayos ng coordinator ang
FayeKinabukasan, muli akong kinausap ni Don Esquivel. Kahit wala pa ako sa tamang estado ng sarili at gulong-gulong pa rin ako sa sitwasyon ko ngayon. Tinungo ko na lang ang suite ni Don Esquivel.Binati ko ang Don nang pumasok ako sa loob. Nadatnan ko naman siyang humihigop ng kanyang kape.Sumunod ang mata ko nang ibaba niya ang tasa. At hindi ko mapigilang alalahanin ang umaga kung saan maaga pa akong ginising ni Renz para panoorin ang sunrise, tinimplahan pa niya ako ng kape.He has been nice to me. Hindi ko mahulaan ang iniisip niya at madali siyang mainis noon pero inalagaan talaga niya ako.May atraso ang ex ko sa kanya at nasa rurok siya ng kanyang galit pero pinili niyang maging mabait sa akin kahit papaano at pinaintindi niya rin sa akin ang ginawa ng ex ko. He was sincere, pinakita niya sa akin ang galit niya, totoong nararamdaman niya pero hindi ko iyon napansin, hindi ko iyon binigyan ng atensyon hanggang sa huli.At ngayon puno ako ng pagsisisi.“Iha.”Napabalik ako sa
FayeIkinubli ko ang sakit sa binitwan niyang salita at kalmado ko pa rin siyang tinitigan.“I know, ginagawa ko rin ito para sa pamilya ko–”Mapakla siyang tumawa, “Para sa sarili mo, Faye. Huwag mong gamiting dahilan ang pamilya mo.”Nagtitimpi ko siyang sinagot. “Renz, my dad is in the hospital, and our company has been stolen from us.”“And that’s enough to discard me?” masakit niyang tanong sa akin. Sa boses pa lang niya, alam kong puno siya ng hinanakit at galit sa akin.“Faye, may pera ako. Kaya kitang tulungan. Kung tungkol sa hospitalization ng tatay mo, tutustusan ko. Kung sa kumpanya niyo, kaya kitang tulungan na bawiin iyon.”“What are you saying? Ni hindi mo nga kayang isalba ang sarili mong kumpanya, ni hindi mo kayang protektahan ang sarili mo?”Umawang ang labi niya at hindi na siya makapaniwala sa akin. “So minamaliit mo ako?” tanong niya sa nagtitimpi niyang boses.“Alam mo ba kung bakit tuluyang bumagsak ang kumpanya ko dahil pinili kong makasama ka. At nanatili ak