Sophia“Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy happy birthdayHappy birthday to you!” “Mommy, blow your candle and make a wish!” inilapit sa akin ng bunso kong anak na si Hera Armida ang cake na dala dala niya.I closed my eyes and made a wish. Well wala naman na akong ibang mahihiling pa sa buhay. My life is of course not perfect but it is good.Biniyayaan ako ng mabait at mapagmahal na asawa at mga anak na very succesful na din sa mga karera nila. And of course our friends and family na laging nandyan para sa amin ni Hendrix for support.I blew the candle at isa-isa akong niyakap ng mag-aama ko.“I love you!” Hendrix said and he kissed my lips at agad ko naman sinagot iyon. Nadagdagan man ang edad namin ni Hendrix, pero hindi kailanman nagbago ang sweetness namin sa isa’t isa.“Oh my God, kuya, let’s go!” narinig kong sabi ni Hera kaya natawa naman si Hendrix“Hindi ka pa nasanay kay Mom and Dad!” sagot naman ni Helious “Isa pa mahirap iwanan yang
SophiaNapahinga ako ng malalim habang nakatingala ako sa gusali kung saan ako magsisimulang magtrabaho bilang junior designer ng kumpanya.This is my first job at sobrang nakaka proud dahil sa isang malaki at kilalang kumpanya sa ibang bansa ako papasok.Bata palang ako ito na nag pangarap ko. Kaya naman kahit hirap ay nagpursige akong makatapos ng pag-aaral. Pinagsabay ko ang pagt trabaho at pag-aaral dahil wala naman akong aasahan kundi ang sarili ko.Nasa probinsya si inay at mahirap ang buhay kaya hindi option sa akin ang pagko kolehiyo pero nanindigan ako. Hindi pwedeng mapako ang buhay ko gaya ng inay. Kung hindi ako aalis, magiging kagaya niya lang ako.Bella Philippines.Napangiti ako. This is it, Sophia! Para sa pangarap! Naglakad na ako papasok ng gusali matapos kong isuot at company ID na binigay sa amin pagkatapos ng training namin. Alas otso ang pasok ko at pabor sa akin na malapit lang dito ang maliit na apartment na tinutuluyan ko kaya maaga ako ng trenta minutos. D
SophiaPumasok kami sa office ni sir habang hawak pa rin niya ang pulsuhan ko. Hindi ko naman magawang bawiin dahil baka magalit ito sa akin at sisantehin ako.“Maupo ka.”utos niya sa akin kay sumunod na lang akoMaya maya pa bumukas ang pinto at iniluwa nun ang sa tingin ko ay sekretarya ni sir Hendrix. May dala itong paper bags at base sa amoy, pagkain ang laman nito.Inilapag niya iyon sa harap ko kasunod si Hendrix na naupo na din katapat na upuan. Inilabas niya ang mga nasa paper bags at inayos sa lamesa. Inabutan niya ako ng isang pack at kahit naman ayaw ko, napilitan akong kuhain.“Eat that! Malamig na yung baon mo. Hindi magandang kumakain ng malamig.” utos niya sa akin“Sayang naman kasi sir yun. Isa pa sanay po ako sa ganun. Hindi naman po kasi ako mayaman.” katwiran ko sa kanya“Eat! Ang dami mong sinasabi.” He started to eat habang nakatingin pa rin ako sa kanya. Hindi ko talaga maintindihan ang trip ng amo kong ito.“Kakain ka ba o susubuan pa kita?” Hindi naman siya n
Sophia“Laway mo uy!”Napapitlag ako at napalingon at hindi nga ako nagkamali. Nakita ko si Trevor na tila my inis sa mukha niya habang nakasunod ang tingin sa papalayong kotse ni Sir Hendrix.“Anong meron? Bakit kayo magkasama ng Presidente ng Bella?” tanong niya habang sinasabayan ako papunta sa apartment Ipinasa ko ang mga paper bag sa kanya para makuha ko ang susi sa bag ko.“Nagshopping ka ata?” tanong uli nito pero hindi ko na sinagot at dere deretso na akong pumasok sa loob habang kasunod naman si Trevor.“Sophia!” Inis na tawag nito dahil siguro sa hindi ko pagsagot sa kanya“Ano?” sigaw ko din sabay upo sofa“Ang sabi ko anong meron? Bakit ka hinatid ni Sir Hendrix?”“Siguro naisip niyang mahihirapan akong mag commute kaya hinatid ako.”simpleng sagot ko dito“Sophia, wag ka masyadong makipaglapit kay Sir Hendrix. Hindi mo kilala kung ano ang pagkatao niya!” Trevor warned kaya naman napaangat ang kilay ko“Nagmagandang loob lang yung tao, Trev. Wala naman siguro masama dun.”
Sophia“Sir? Huwag kayong magagalit ha?” tanong ko dahil hindi na ako kumportable sa mga ginagawa nito buhat kaninang umaga.Nakaupo na ako sa harap niya at pinapanuod siyang kumain habang ako? Umurong ata ang gutom ko sa sobrang pagkabigla sa mga nangyayari.“Ayaw mo ba ng ulam?” tanong nito habang nakatingin sa akin “ Why are you not eating, Sophia?”“Sir nagd drugs ka ba? Umamin ka nga sa akin?” medyo natakot pa ako dahil napataas ang kilay nito sa akin at halatang na offend sa tanong ko“Mukha ba akong addict, Sophia?” halata ang inis sa boses nito pero hindi naman ako nagpatalo“E bakit ba kasi Sir ganyan kayo kung maka asta? Kakikilala lang natin kanina tapos bigla sasabihin mo na gusto mo na ako? Kung di ka addict sir, malamang may sayad ka!” sagot ko dito “You dare tell your future husband those words? I’ m hurt!” anito pero nakangisi naman ito sabay iling“F-future husband?” natawa ako ng malakas dahil hindi ko talaga mapigilan.“Grabe ka sir ha!” sabi ko sabay sapo ng tiya
SophiaIsinama ako ni Ma’am Andrada sa isang opisina pagdating ko ng umaga na iyon. I tried to be normal kahit pa hindi ganun ang nararamdaman ko dahil na rin sa sobrang pagkalito ko sa mga ikinikilos ni Sir Hendrix.“From now on, dito ka mag- oopisina. May pupunta dito na magt train sayo para lalong maging malawak ang kaalaman mo.” Ma’am Andrada explained. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko dahil sa totoo lang nabibigla pa rin ako.“Ma’am?” sabi ko dito na may bahid ng pagtataka“Yes, Ms. Angeles? May problema ba?” “Wala po bang sakit si Sir?” nilakasan ko na ang loob ko dahil kailangan kong makahanp ng kasagutan sa mga tanong ko“Sakit? Ano naman ang magiging sakit ni Sir eh ang lakas lakas nga nun?” nagtatakang tanong din ni Ma’am.“Kasi Ma’am, para po siyang may tililing? Hindi po kasi normal yung mga kinikilos niya, lalo na po sa akin!” paliwanag ko dito at medyo hininaan ko pa ang boses ko dahil baka mamaya sumulpot na naman si kabute at mayari ako.Kabute! Tama! Yan
SophiaIsinama ako ni Coleen sa isang showroom na panay designs ng Bella ang nakadisplay.Hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng mga damit. Umasa ako na sana isang araw makasama dito ang mga desgns ko.“Ang gaganda nila Coleen!” masayang sabi ko habang isa isang hinihipo ang mga damit. Pati ang mga tela nila ay hindi basta basta kaya naman hindi din basta basta ang presyo ng mga ito.“Draw your inspiration from this, Sophia. By the looks of it alam mo na kung anong klaseng mga damit ang nasa production ng Bella.” sabi nito Hinayaan ako ni Coleen na maglibot. Panay naman ang kuha ko ng mga detalye ng damit para kahit papano magkaroon ako ng idea. Isang oras ang ginugol ko doon para mapagaralan ang mga damit. “Okay ka na?” tanong nito ng lumapit ako sa kanya“Oo Coleen, maraming salamat!” sabi ko ditoBumalik na kami sa kotse at pinaandar niya ulit yon. “I saw your designs and I’m impressed! Tama si Hendrix, magaling ka at malaki ang potential mo.” masayang sabi sa akin ni Colee
SophiaUmuwi ako bandang alas-singko ng hapon pagkatapos ng office hours. Nagulat pa ako dahil may ibinigay sa akin si Ma’am Andrada na damit at sapatos. Ang bilin daw ng Kabute ay hintayin ko siya at susunduin niya ako. Naligo na ako pagdating ko sa apartment. I blow dried my hair at saka naglagay ng konting make up. Nasanay na ako maglagay ng ganito since nagtrabaho ako bilang waitress at required kasi iyon. Maganda ang kulay itim na gown na pinapasuot sa akin ni Kabute. Bagay na bagay din dito ang sapatos na 3 inches ang takong. Kulay pula iyon at sobrang kumportable sa paa.Itinaas ko ang buhok ko at hinayaang nakalugay ang ilang hibla. Nagwisik ako ng konting pabango. Regalo ito sa akin ni Trevor nung nakaraang Pasko. Nang makuntento na ako ay naghintay na ako sa sala sa pagsulpot ni Kabute. May purse na kasama ang gown. Sakto lang para sa lipstick at powder ko pati na ang phone. Kinuha ko na ito at sakto paglabas ko ng kwarto sy tumatawag na si Kabute.Hindi ko na iyon sinagot