Sophia
Umuwi ako bandang alas-singko ng hapon pagkatapos ng office hours. Nagulat pa ako dahil may ibinigay sa akin si Ma’am Andrada na damit at sapatos. Ang bilin daw ng Kabute ay hintayin ko siya at susunduin niya ako.Naligo na ako pagdating ko sa apartment. I blow dried my hair at saka naglagay ng konting make up. Nasanay na ako maglagay ng ganito since nagtrabaho ako bilang waitress at required kasi iyon.Maganda ang kulay itim na gown na pinapasuot sa akin ni Kabute. Bagay na bagay din dito ang sapatos na 3 inches ang takong. Kulay pula iyon at sobrang kumportable sa paa.Itinaas ko ang buhok ko at hinayaang nakalugay ang ilang hibla. Nagwisik ako ng konting pabango. Regalo ito sa akin ni Trevor nung nakaraang Pasko. Nang makuntento na ako ay naghintay na ako sa sala sa pagsulpot ni Kabute.May purse na kasama ang gown. Sakto lang para sa lipstick at powder ko pati na ang phone. Kinuha ko na ito at sakto paglabas ko ng kwarto sy tumatawag na si Kabute.Hindi ko na iyon sinagot at binuksan ko na lang ang pinto.Napigil ko ang hinga ko ng makita ko siya. Ang guwapo niya sa suot niyang three piece suit. At ang bango din niya dahil abot na abot sa ilong ko ang pabangong gamit niya.“Are you ready?” tanong niya sa akin.Tumango nalang ako at saka ako pumihit para isara at i lock ang pinto.Naramdaman ko ang kamay niya na hawak ang kamay ko. Pinagsalikop niya iyon at hindi ko nanaman maiwasang kabahan.Ewan ko ba kung bakit hindi ako masanay sanay sa ganitong galawan niya samantalang madalas naman niyang ginagawa ito.Inayos niya ang seatbelt ko pagkaupo ko ng sasakyan kaya pakiramdam ko lalo akong hindi makahinga. Ang bango lang talaga niya!“Where do you want to eat?” tanong niya habang umuusad ang sasakyan“Anong oras po ba yung show? Baka po mahuli tayo?” tanong ko“Nine Pm pa yon, so may time pa tayong magdinner mi amor. Ayaw ko na nalilipasan ka ng gutom.” sabi nito while his eyes are on the road“Ikaw ang bahala.” Yun nalang ang sagot ko kasi syempre siya nanaman ang masusunod“It’s a good thing hindi mo na ako kinokontra.”Narinig kong sabi niya pero hindi na ako kumibo. Ayaw ko na lang na mag-away pa kami kaya kailangan ko ng ibayong pasensya pagdating sa kanya.Huminto kami sa isang restaurant. Sosyal ang lugar at kung hindi siguro ako nakabihis ng maganda ay nungka akong papasok dito.Magalang kaming sinalubong ng waiter at dinala sa lamesa. Pagkabigay ng menu ay tinanong ako ni Kabute kung ano ang gusto kong kainin.“Bahala ka na kung ano. Huwag lang hipon at ung mga kauri niya.” tamad kong sabiNarinig ko ang mabigat na pagbuntong hininga ni Kabute.“Kung hindi ka nagugutom, umalis na tayo!’ mahina namang sabi niya pero may diin kaya alam ko naiinis na naman ito.Agad akong napatingin dito.“Ano na naman bang problema?” tanong ko sa kanya“Ayoko lang maramdaman na napipilitan ka lang!” maktol nitoNasapo ko ang noo ko. Ang hirap talagang ispelengin ng taong ito. Sasakit ang bumbunan ko sa mga inarte niya.“Ganyan ka ba manligaw?” tanong ko dito“What?”“Kasi kung nanliligaw ka, dapat hindi ganyan! Ang init ng ulo mo tapos paladesisyon ka pa!” inis kong sabi sa kanyaNakita ko namang nagbago ang mukha nito. Ngumiti na ito sa akin pagkatapos ay inabot ang kamay ko .“I’m sorry mi amor! Gusto lang talaga kitang makasama. Matagal ko itong hinintay so I hope you understand kung bakit ako ganito.” paliwanag niyaTumango na lang ako dito. Hindi ko alam kung matatagalan ko ang ganitong sitwasyon namin. Away bati. Kailangan ko talaga ng mahabang pasensya sa kanya. Kailangan ko siyang intindihin dahil kailangan ko ng trabaho.“Mag-order ka na po. Baka mahuli tayo sa show.” kalmado na ang boses ko ngayonHe just smiled and called the waiter. He ordered the food kaya naghintay na lang ako.“Mi amor, pwede ba akong mag request?” tanong niya uli sa akin“Basta po kaya ko.” walang atubiling sagot ko“ Alisin mo na yung po. Nagmumukha naman akong tatay mo!” natawa siya sa sariling biro kaya naman napangiti na din ako.Sobrang guwapo niya lalo pag nakangiti at tumatawa.“I’m only 32 mi amor. 10 years is not that big for an age gap right?” dagdag pa nito“10 years? Oh my God! Ang laki naman pala ng tanda mo sa akin!” iling ko dito pero sa loob ko alam ko naman na hindi halata iyon. Kung ako nga ang tatanungin parang ka edad lang niya si Coleen.“Hey I’m not that old! Isa pa mas masarap magmahal ang mas may edad!” depensa niya kaya napangisi ako“Edi inamin mo din na may edad ka na!” biro ko dito.Sasagot pa sana siya pero dumating na ang mga pagkain namin kaya agad nanaman niya akong inasikaso. Somehow, nararamdaman ko talaga na espesyal ako sa kanya. The way he treats me, para bang mahal na mahal niya talaga ako.“Ako na. Kumain ka na din.” Pigil ko dito at mabuti nalang sumunod siyaMaayos naman ang naging hapunan namin. Nabawasan ang bangayan at naging masaya naman ang kwentuhan namin.After paying the bill, hinawakan na naman niya ang kamay ko palabas ng restaurant. Inalalayan sa pagsakay at inayos ang seatbelt.Nagmaneho na ito papunta sa venue ng fashion show.“Huwag kang aalis sa tabi ko, mi amor. Maraming mga lalake mamaya dun at gusto ko maintindihan nila na akin ka!” ayan nanaman siya sa ugali niya“Hindi mo pa ako syota! Ni hindi pa nga kita sinasagot eh napaka possesive mo na!” surprisingly hindi ako nakaramdam ng inis. More of pangaasar ang peg ko“Don’t use that word mi amor! Hindi magandang pakinggan yung salitang ganyan. Pwede naman sabihin boyfriend, wag lang syota!” siya naman ata ang naiinis ngayon“And besides, I am marking what is mine. Hindi ako papayag na may ibang aaligid aligid sayo.That is how possesive I am kaya masanay ka na!”Bahala nga siya sa buhay niya. Hindi ko na lang ako sinagot. Hindi niya ako madidiktahan kung ano ang gusto ko.‘talaga ba, Sophia? kaya mo?’Itinuon ko na lang ang mata ko sa kalsada at nanahimik hanggang marating namin ang venueAs usual hawak agad niya ang kamay ko kaya naman pagpasok namin sa loob at kita mo naman ang reaksyon ng mga tao. Pilit kong hinihila ang kamay ko pero hindi naman niya pinakawalan.Pinandilatan ko pa ito ng mata pero ganun din ang ginawa niya sa akin.“Stop it!” He warned me“Hendrix! Sophia!” tawag sa amin ni Coleen kaya napalingon kami pareho sa pinanggalingan ng tinigNapa oh pa ito ng makita niya ang magkahawak na kamay namin.“Dito ang pwesto natin! Tara na!” aya niya sa amin kaya sumunod na kamiKahit ng makaupo ay hindi pa rin siya bumibitaw kaya hinayaan ko na lang. Pakiramdam ko nga pawis na ang kamay ko sa tagal ng pagkakahawak niya.Minutes later nagsimula na ang show. Namangha ako dahil ito ang unang beses na makakasaksi ako ng ganitong palabas. Ang gaganda ng mga damit at ang huhusay ng mga modelo.Sana dumating ang araw na makita ko din na inirarampa ang mga disenyo ko.Lumabas ang mga modelong lalake at nakita ko na kasali dito si Trevor. Masaya ako para sa kaibigan ko kasi hindi siya nawawalan ng trabaho. Magaling naman kasi siya at may K!Pumalakpak ako kaya nagulat si Kabute dahil bumitaw ako sa kamay niya. Pagtapat ni Trevor sa amin, kumindat pa ito sa akin kaya naman ngumiti ako dito.Paglabas ng mga lalakeng modelo ay nagulat ako ng hilain na naman ako ni Kabute patayo“We’ll go ahead, Coleen!” paalam nito sa pinsan niya“Wait! Hindi pa tapos ang show!” reklamo nitoHindi naman ako nakapagsalita at nakapagpaalam man lang kay Coleen dahil para nanamang ipo ipo ang lalakeng ito sa bilis ng paghatak niya sa akin.Pagdating namin sa kotse ay agad niya itong binuksan at isinakay ako doon. Halata nanamang bad trip ang lalakeng ito at tila alam ko na ang dahilan.Binuhay niya lang ang sasakyan at hindi naman ito pinaandar. Nakahawak lang ang kamay niya sa manibela habang taas baba ang balikat dala ng malalim na paghinga.“I’m sorry!” mahinang sabi niya “ I lost my control! Nagseselos ako mi amor. Ayoko ng ganitong pakiramdam pero hindi ko mapigilan.”“Bakit ka naman magseselos?” tanong ko“You never smiled at me like that! And it hurts me!”Hindi ko alam ang sasahihin ko. I am out of words dahil hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang ganitong ugali ni Kabute.Pano pala kung magiging boyfriend ko ito? Bawal lahat!? Pinagalitan ko ang sarili ko sa iniisip ko.Nagulat ako ng bigla na lang akong kabigin ni Hendrix at yakapin. Hindi ako nakagalaw. Ang tanging naririnig ko ay ang malakas na tibok ng aming mga puso.SophiaNakatambay kami ni Kabute sa harap ng bay area pagkatapos naming umalis sa venue ng Fashion Show. Nadaanan namin ito at hiniling niya na huminto muna kami para makapag usap. Hindi naman kami bumaba ng kotse at hinayaan niya lang na bukas aircon at makina ng sasakyan.Nakatingin lang kami sa kawalan. Hindi naman siya nagsasalita kaya nanatili na lang din na tikom ang bibig ko. Kung may gusto siyang sabihin mauna na siya.“Seloso ako pagdating sayo, and I admit that!” napatingin naman ako sa mukha niya dahil sa biglaang pagsasalita niya“Pwede bang ipaliwanag mo sa akin ang nangyayari? Kasi hindi ko talaga maintindihan at para sa akin hindi normal.” tanong ko sa kanya dahil talagang gulong gulo na din ako“Matagal na kitang kilala, mi amor. Yun ang dahilan kung bakit palagi kong sinasabi na I am longing for you. I just want you to know that I exist.” umpisa niya“ Paano? Bakit ako hindi kita kilala?” usisa ko“ Nakita kita sa club ni Jakson Hernandez. Business partner ko siya sa
SophiaWala akong nagawa sa pagbuntot sa akin ni Hendrix mula sa simbahan hanggang sa palengke. Hindi ko naman magawang itaboy siya dahil nga sa pakiusap niya noong nagdaang gabi.Buhat ng malaman ko ang nangyari noong nakaraan ay nakaramdam ako ng kakaiba sa kanya. Kung tutuusin, wala ka ng hahanapin kay Hendrix. Nasa kanya na ang lahat ng pangarap ng babae sa isang lalake. Naisip ko na bakit nga hindi ko hayaaang magkakilala kami ng lubos. Mukha naman siyang mabait. May mga ugali lang talaga siyang hindi ko gusto pero siguro naman, kung talagang sersyoso siya, mababago niya iyon.Isa pa, hindi pa ako pwedeng magmalaki ngayon. Kailangan ko ang trabaho ko at hanggang nagkakasundo kami, safe ang posisyon ko. Bonus nalang siguro kung magugustuhan ko din siya.‘choosy ka pa girl?’ sabi ng isip ko pero hindi ko na lang iyon pinansin“Mi amor, next time, sa grocery tayo mamili. Ang hirap dito sa palengke. Ang baho na tapos ang putik pa!” raklamo niya sa akin“Hindi ako mayaman para sa gr
SophiaNagpaalam naman na si Hendrix matapos ang tanghalian namin. Sumabay na din sa paglabas nito si Trevor kaya kahit papano ay nakahinga na ako ng maluwag.Pagtapos kong magligpit ay pumasok na ako sa kwarto para maidlip sandali. Wala naman akong gagawin ngayon at parang masarap matulog muna.Alas singko na ako nagising. Bale naka tatlong oras naman ako ng tulog kaya ang gaan ng pakiramdam ko. Naligo muna ako at nagsepilyo dahil balak kong puntahan ang Mama ni Trevor sa kabilang bahay. Matagal tagal na din kaming hindi nakakapag kwentuhan.Paglabas ko ng pinto ay nagtaka ako dahil nasa labas pa rin ang kotse ni Hendrix. Nakaramdam ako ng kaba kaya lumabas ako at sinilip ang loob. Wala namang tao kaya agad kong kinuha ang phone ko. I dialled his number pero ring lang ito ng ring. Nakarinig ako ng tawanan sa tapat ng bahay nila Trevor at ng makalapit ako ay nakita ko si Hendrix na nakyukyok sa lamesa. May mga tumbang alak sa harap nila. Kasama niya sa lamesa si Trevor na lasing na
Sophia“Ma’am nandito na po tayo!” sabi ni Mang Fidel. “Nasa parking lang po ako Ma’am. Aantayin ko po kayo!”Sinilip ko ang lugar kung saan kami huminto. Isa itong salon kaya hindi ko naman maintindihan kung ano ang gagawin ko dito.Bumaba ako ng kotse at naglakad patungo sa entrance. Agad naman akong binati ng babae na sumalubong sa akin sa reception.“Good afternoon po, ipinadala po ako ni Ma’am Andrada. I’m Sophia Angeles po.” pagpapakilala ko sa sarili ko.“Ah yes po Ma’am. Antay lang po tatawagin ko po ang magaassist sa iyo.Inangat niya ang telepono at may kinausap. Hindi naman nagtagal ay lumabas ang isang beki na mas sexy pa atang lumakad sa akin.“Halika ka, ganda! Lalo pa kitang papagandahin!” sabi nito sabay hila sa pulsuhan ko. Kamag-anak kaya ni Hendrix ito at panay ang hila?Dinala niya ako sa isang kwarto saka binigyan ng robe, underwear at twalya.“Mag shower ka muna para makapagsimula na tayo!” Utos nito sa akin kaya naguluhan ako“Teka muna! Bakit ako magsh shower?
HendrixI caressed Sophia’s face while looking at her intently. She is so beautiful and innocent and that is enough to make me crazy for her for years. Never did I imagine that I will feel this towards a woman. Bata pa siya noon when I first saw her. My friends keep on teasing me dahil sa dinami dami daw ng babae ko bakit sa isang bata pa ako nagkagusto.Well age is just a number. Hindi naman halata na 10 years ang gap namin. Kayang kaya ko pang makipagsabayan sa mga manliligaw niya na kaedaran niya.And it made me happy ng malaman ko na ni isa sa mga ito ay wala siyang nagustuhan. According to Jackson, he is a man hater. But I didn’t mind! Sa iba, she can hate them all she wants but with me, hindi pwede. She is mine! Mine alone!I can see that she is scared sa pwedeng mangyari sa amin this night. I have been holding myself back since last night when I got drunk dahil ayaw ko siyang pwersahin. Kissing and hugging her will be enough for me, for now!Ni hindi na nga ako tumikim ng ibang
SophiaMabigat ang katawan ko ng magising ako ng umaga. Nandito pa rin kami sa yate ni Hendrix at naalala ko na may pasok pala ako ngayon. Pinilit kong bumangon pero nakaramdam ako ng hilo at sakit ng ulo. Masakit din ang katawan ko pati na ang gitna ko.Tinakpan ko ang mukha ko ng maalala ang nangyari kagabi. Hendrix took my virginity at wala akong pinagsisisihan dahil ginusto ko naman ito. Hindi niya ako pinilit kaya kung ano man ang mangyari at kalabasan noon ay tatanggapin ko.Naalala ko na nakatulog ako ng ilang oras pero naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang mabining halik ni Hendrix sa balikat ko.Hindi pa daw siya natutulog at binantayan ako. Natawa pa nga ako dahil halata namang inaantok na ito.“Bakit mo naman ako kailangan bantayan?” tanong ko pa sa kanya “I’m scared that if I close my eyes, you will leave.” Grabe lang sa pagka OA itong tao na ito.“Matulog ka na.” sabi ko dito saka ako yumakap sa kanya. Nagtama ang paningin namin and he kissed me. Hanggang sa may maga
SophiaKinabukasan ay magaan na ang pakiramdam ko kaya naman sinabi ko kay Hendrix na gusto ko ng umuwi. Sabay na kaming nag almusal sa labas at nakikita ko naman na masaya siya dahil okay na ako.Pagkatapos ng breakfast ay naalala kong hanapin ang phone ko. Ibinigay naman iyon ni Hendrix kaya napamura na lang ako ng makita kong tadtad ng tawag at text ito ng Trevor.“Problem?” tanong ni Hendrix “Si Trevor.” sabi ko naman and he rolled his eyes“Tell him that you are with me. Wala namang problema doon dahil girlfriend kita.” he suggested pero sa mga nabasa ko sa text ni Trevor, pihadong lalo itong magagalitI dialled Trevor’s number and after a few rings he answered.“Nasaan ka ba!” galit na ang boses nito as expected kaya napapikit na lang ako.“Trev sorry, nahing busy lang ako kaya hindi ako maka return call sayo.” pinilit kong pasayahin ang boses ko kahit pa natatakot ako sa timbre ng boses niya“Dalawang gabi ka ng hindi umuuwi! Ni hindi ka magpasabi para naman hindi kami nag aa
HendrixTahimik lang ako habang umiinom sa club ni Jackson. Dito kami madalas mapadpad ng apat kong kaibigan kapag gusto naming mag unwind. The same place where I fell in love with a young woman.Aaminin ko that I was so pissed the moment that Sophia talked to Trevor. She even lied about where she really is. Ano ba ang meron sa kanila ng lalaking iyon at ganun nalang kung itanggi niya ako dito? Ganun ba katigas ang puso niya para sa akin that she cares more of what Trevor will say than my feelings?Tinungga ko uli ang alak not minding my friends who was joking around. I don’t know. I just want to feel numb dahil ang sakit sa pakiramdam when she walked out on me.“Something bothering you, Saavedra?” Marcus I sighed.“Sophia is giving me a hard time!” sagit ko kay Marcus“Why? Akala ko ba sabi mo okay na kayo?” Marcus asked“Yun din ang akala ko, bro. Kaya lang pakiramdam ko kinakahiya niya ako.” sintemyento ko saka uli ako tumungga ng alak“What? The famous Hendrix James Saavedra? Ik
Sophia“Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy happy birthdayHappy birthday to you!” “Mommy, blow your candle and make a wish!” inilapit sa akin ng bunso kong anak na si Hera Armida ang cake na dala dala niya.I closed my eyes and made a wish. Well wala naman na akong ibang mahihiling pa sa buhay. My life is of course not perfect but it is good.Biniyayaan ako ng mabait at mapagmahal na asawa at mga anak na very succesful na din sa mga karera nila. And of course our friends and family na laging nandyan para sa amin ni Hendrix for support.I blew the candle at isa-isa akong niyakap ng mag-aama ko.“I love you!” Hendrix said and he kissed my lips at agad ko naman sinagot iyon. Nadagdagan man ang edad namin ni Hendrix, pero hindi kailanman nagbago ang sweetness namin sa isa’t isa.“Oh my God, kuya, let’s go!” narinig kong sabi ni Hera kaya natawa naman si Hendrix“Hindi ka pa nasanay kay Mom and Dad!” sagot naman ni Helious “Isa pa mahirap iwanan yang
HendrixSophia is already on her ninth month kaya naman todo bantay kami sa kanya ngayon. Umuwi ang inay Fely niya para may makasama si Manang Sabel sa pagbabantay dahil paminsan minsan kailangan kong pumasok sa opisina.The nursery room of our baby boy is already ready and we personally designed it. Kumpleto nadin ang mga gamit niya at tanging ang paglabas na lang niya ang inaabangan namin.Hindi ko mapangalanan ang sayang nararamdaman ko. My son is about to come and I feel really excited.Bago ako umuwi from my meeting ay dumaan muna ako sa sementeryo para dalawin ang anghel namin ni Sophia.It has been a habit for us na dalawin siya twice a month pero ngayon ay mag-isa lang ako ngayon since malapit ng manganak ang mommy niya.“Hi baby!” masayang bati ko pagkalapag ko ng bulaklak sa harap ng lapida niya saka ko sinindihan ang baon kong kandilaTinanggal ko ang ilang tuyong dahon sa paligid nito at saka ako nag- alay ng dasal para sa kanya.“Malapit ng manganak ang mommy kaya hindi k
SophiaI immediately flushed the toilet pagkatapos kong sumuka ng sumuka ngayong umaga. Within my second month of pregnancy ay sanay na din ako sa ganitong eksena. Naramdaman ko naman ang paghagod ni Hendrix sa likuran ko. Ganito kami every morning at kahit nahihirapan ako ay tinitiis ko dahil parte ito ng pagbubuntis ko.Inalalayan ako ni Hendrix sa pagtayo and he led me back to our bed.“Mi amor, if you are not feeling well, pwede naman tayong hindi magpunta kina Thompson. Marami pang ibang araw.” May lakad kasi kami ngayon at pupunta kami sa mansion ng mga Thompson para makita ang mga babies ni Marcus at Ria.Doon din kami maglu lunch dahil siyempre pa kumpleto ang barkada nila.“I’m okay, Love. Hindi ka pa ba nasasanay. Mamaya lang okay na ako.” I said dahil ganun naman talaga ako. Magsusuka pero after that okay na. Bukas ulit.“Okay sige. Maaga pa naman mi amor. Dito ka na muna sa kwarto, iaakyat ko na lang yung breakfast.” Eversince I got pregnant, mas lalong naging maasikas
Hendrix “Sigurado po ba kayo Manang Sabel?” hindi ako makapaniwala sa sinasabi ng mayordoma ko sa akin ng puntahan ko ito sa kusina Sinundan ko siya dito dahil ibibigay ko ang budget para sa pangangailangan ng mansion. Hinahayaan ko na kasi silang mamili para sa mga kailangan namin sa bahay dahil ayaw kong mapagod pa si Sophia. Although ang mga personal naman naming mga gamit ay siya ang bumibili. “Nakikita ko ang senyales sa kanya, Senyor. Pinulsuhan ko din siya at natitiyak ko, buntis na ang Senyora.” Masayang balita nito sa akin Kaninang umaga when I saw the pregnancy test kits na negative ang resulta ay nanlumo talaga ako. Umasa talaga ako na magkakaanak na kami since five days na raw siyang delayed. “Pero manang, negative po kasi ang lumabas sa pregnancy test niya.” “Hindi nagkakamali ang pulso ko, senyor. Kung hindi niyo po naitatanong, dati po akong hilot sa probinsiya. Pero ang pregnancy test, pwede pong sumablay.” “Kaya po ba siya maselan sa pagkain?” nabanggit
SophiaHuminga ako ng malalim bago ko buksan ang pregnancy test kit na dala dala ko dito sa banyo. Dalawa ang ginamit ko para sigurado ang maging resulta nito.Nakakuha na ako ng urine sample kaya naman dinala ko na ito sa sink kung saan ko inilatag ang test kit.“Mi amor! Papasukin mo na ako!” sigaw naman ni Hendrix mula sa labas. Hindi ko muna kasi ito pinapasok sa loob“Sandali!” sagot ko naman habang naghuhugas ako ng kamayAfter drying my hands ay binuksan ko ang pinto where Hendrix is waiting impatiently.“What took you so long! I told you to wait for me!”Tinignan ko ito ng pailalim. Gusto na naman ata ng away ng lalaking ito.“I waited for you!” sagot ko naman kaya nabura ang mukhang aburido niya at nakangiti na naman ito.“Okay!” he said excitedlyKumuha ako ng urine sample at ipinatak ko agad iyon sa test kit. Naghintay kami ng ilang segundo pero nanlumo ako dahil parehong isang linya lang ang lumabas.Automatic na tumulo ang luha ko out of frustration pero agad naman akong
Hendrix Launch na bukas ng Sophia's Collection II, pero heto ako ngayon, nasa bar at umiinom kasama ang apat na itlog. Mabuti na lang pinagbigyan nila ako dahil alam nila na may pinagdadaanan ako. Mag-iisang linggo na kaming hindi nag-uusap ng maayos ni Sophia. Galit na galit siya sa akin dahil sa nakita niya sa opisina ko at naiintindihan ko yun. Kahit ang mga kaibigan ko ay hindi rin nagustuhan ang nangyari at panay pa nga ang sermon sa akin. For the past days, sabay kaming pumapasok at sabay din kaming umuuwi ni Sophia pwera lang kung may lakad siya o ako. Hindi kami halos nag-uusap pag hindi kailangan. Yes or No lang minsan ang sagot niya sa akin at sobra na akong nasasaktan sa nangyayari sa aming mag-asawa. Sabay kaming nag-aalmusal at naghahapunan pero parang wala din akong kasabay. Her cold treatment is already killing me. Hindi ko kaya na ganito kami. Nakatalikod siya pag matutulog na kami and I admit that I miss her so much. I was even thinking of moving the date
Sophia Araw ng lipat namin sa mansion na pinatayo ni Hendrix kaya naman sobrang excited ako ngayong araw na ito. Galing na kami dito kahapon and lahat ng napagkasunduan namin ni Stella ay nasunod. Mula sa furnitures as well as the decorations. Kalahating buwan din ang inabot para makumpleto ang lahat since ang ibang nagustuhan ko na furnitures ay inorder pa sa ibang mga lugar. Hendrix let me decorate our home pwera lang sa gym niya dahil siya ang namili ng mga gamit para doon. It’s his space kaya naman hinayaan ko na lang. May mga kinuha na din siyang househelp para sa mansion at sila din ang kasama namin na nagempake ng mga gamit na dadalhin namin. “Are you ready, mi amor? Wala ka na bang nakalimutan?” Hendrix asked while he was entering our room Yumakap siya sa akin and gave light kisses on my neck. “Yes, Love! Okay na!” sagot ko sa kanya “I will miss this place, mi amor! Marami tayong good and bad memories dito.” I smiled saka ko hinaplos ang mukha niya. “Oo
SophiaHendrix attended a meeting outside the office kaya naman kinuha ako ang pagkakataon na iyon para makapunta sa OB-gyne. Wala naman masyadong naka schedule na pasyente kaya naman agad akong pinapasok ng nurse assistant ng doktor.“Good morning Mrs. Saavedra.” bati sa akin ng doktor as I entered her clinic here in one of the biggest hospital in the metro“Good morning din po doktora. Sorry po kung biglaan ang pagpapaschedule ko.”“It’s okay, Mrs. Saavedra.” tinuro niya ang upuan saka ako pinaupo“Ano ba ang atin?”she asked with a smile“Well, gusto ko lang po malaman kung may diprensiya po ba ako? I mean nagbuntis na po kasi ako dati, pero nakunan ako, and eversince po hindi pa po ako nagbubuntis.”“I see.” Inabutan ako ng papel ni doktora for me to fill up saka niya tinawag ang nurse to draw blood from me“I will check your ovulation since yan ang main reason kung bakit nahihirapan ang isang babae na magbuntis. If you want we also could do some test just to be sure pero sa ngay
SophiaAlas tres ng hapon ng makarating kami sa hotel na pinareserve ni Hendrix for our honeymoon in Maldives.Hard Rock Hotel Maldives is the name of the hotel and it was beautiful and breathtaking!Ang hotel at ang mga villa ay napapalibutan ng asul na karagatan and I am so excited sa naka-schedule naming activities for the coming days.“You like the place, mi amor?” Hendrix approached me and hugged me from behind habang nakatayo ako sa terasa ng hotel suite namin. “It’s so beautiful, Love! I could live here!” masayang sagot ko habang inililibot ko ang mga mata ko sa ganda ng paligidMahaba ang flight namin kaya naman inaya muna ako ni Hendrix na magpahinga dahil mamaya ay pupunta kami sa isang underwater restaurant named Ilthaa Undersea Restaurant where he already made a reservation.It excites me to think na habang kumakain ka sa glass tunnel ay makikita mo ang mga underwater creatures swimming freely.Hindi naman ako natulog, I just lied down habang hawak ko ang phone ko and sc